Share

Chapter 238

Xyrica’s POV:

Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami sa Clinic upang kausapin si nurse Samson. Siya raw kasi ang nagtatrabaho sa Clinic simula noong hindi na bumalik si nurse Dawn. Baka may alam siya kung nasaan si nurse Dawn ngayon.

Pagpunta namin sa Clinic ay kaagad naming nakita si nurse Samson na natutuloy sa couch— kung saan kami palaging umuupo. Nagkatitigan pa kami ni Cyborg kung tutuloy pa ba kami, kasi mukhang pagod na pagod ito. Nahihiya tuloy kaming pumasok sa Clinic noong narinig namin itong humihilik ng mahina.

“Bukas ng umaga na lang kaya tayo bumalik dito?” Pabulong na tanong sa akin ni Cyborg.

“Mabuti pa nga. Nakakahiya namang disturbuhin si nurse Samson. Ang himbing kasi ng tulog niya,” pabulong naman na sabi ko kay Cyborg.

Napagdesisyonan na sana naming umalis kaso may biglang nagsalita, “S-sandali lang! Huwag kayong umalis.”

Sabay kaming lumingon ni Cyborg, at nakita namin ang gising na si nurse Samson pero puyat ang mukha. Pinahiran nito ang mga mata niya t
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status