Share

Chapter 175

Xyrica’s POV:

Lumipas ang isang araw at ang lahat ng tao na nasa Gangster Academy ay tapos na sa checkup na pinapagawa ng Head Doctor sa amin. Hindi naman kami nakarinig ng balita na may nanghimasok sa Academy noong umalis kaming lahat. Pero alam naman siguro ni dean Steinfeld ang insidente ng pag-hack sa system ng eskwelahan. Siguro ay inutusan na ni dean Steinfeld ang I.T team upang malaman kung sino ang may gawa… pero maaaring gusto niya munang ilihim ito sa lahat.

Payapa kaming bumalik sa klase bukod kina Ami, Macey, at Monique. Binigyan kasi silang tatlo ng parusa dahil sa ginawa nilang eksena sa hospital. Napilitan kasing bumalik si dean Steinfeld sa Gangster Academy nang wala sa oras kasi napagalitan sila sa doctor na nakakita mismo sa gulo, sinama niya na rin si Spencer para matulungan siyang pumagitna sa tatlong babae.

Hindi ko alam kung ano ang paliwanag na ibinigay nila kay dean Steinfeld, basta’t dalawang linggong suspension ang parusa na natanggap nila. Umuwi ang mga ito
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status