MEANWHILE…Spencer’s POV:Narinig kong tumunog ‘yung cellphone ko. Ito na yata ‘yung hinihintay namin nina Macey, Ami, at Monique na spy application para sa cellphone ni dean Steinfeld.“Let me see,” sabi ko sa sarili ko at kinuha ang cellphone sa bulsa upang tignan.I was right, Alver texted me. Natanggap ko na ang link ng spy application na gagamitin namin. At saka nakatanggap na rin ako ng text na maaari na naming gawin ang misyon namin sa araw na ito. Mabuti nalang may number ako kay dean Steinfeld kaya maaari kong ipadala sa kanya ang link.Nagtext ako sa mga kasabwat ko para maumpisahan na nila ang plano. Sa tingin ko ay magaling umarte sina Ami, Macey, at Monique kasi kanina pa sila hindi magkasama at hindi rin nag-uusap. Kahit nga ang mga tao sa paligid namin na nakakakilala sa tatlo ay nagtataka kung ano ang meron sa kanila kasi kilala naman ang friendship nila sa lahat.Gaya ng nasa plano… umalis muna si Monique at nagpunta sa Comfort Room. Sinadya niyang magpaalam sa katabi
Xyrica’s POV:Lumipas ang isang araw at ang lahat ng tao na nasa Gangster Academy ay tapos na sa checkup na pinapagawa ng Head Doctor sa amin. Hindi naman kami nakarinig ng balita na may nanghimasok sa Academy noong umalis kaming lahat. Pero alam naman siguro ni dean Steinfeld ang insidente ng pag-hack sa system ng eskwelahan. Siguro ay inutusan na ni dean Steinfeld ang I.T team upang malaman kung sino ang may gawa… pero maaaring gusto niya munang ilihim ito sa lahat.Payapa kaming bumalik sa klase bukod kina Ami, Macey, at Monique. Binigyan kasi silang tatlo ng parusa dahil sa ginawa nilang eksena sa hospital. Napilitan kasing bumalik si dean Steinfeld sa Gangster Academy nang wala sa oras kasi napagalitan sila sa doctor na nakakita mismo sa gulo, sinama niya na rin si Spencer para matulungan siyang pumagitna sa tatlong babae.Hindi ko alam kung ano ang paliwanag na ibinigay nila kay dean Steinfeld, basta’t dalawang linggong suspension ang parusa na natanggap nila. Umuwi ang mga ito
Xyrica’s POV:Pagkatapos ng insidente kaninang umaga ay hindi na ako tinigilan ng mga kaibigan ko. Unti-unti na rin silang naging abala sa misyon namin ni Cyborg. Mabuti nalang talaga at sinalo ni Cyborg ang gawain na dapat sana ay kaming dalawa ang gumagawa, kasi hindi ko basta-bastang nagagamit ang earpiece. Hindi man nakikita ng ibang tao ang earpiece na suot ko… wala rin namang kwenta ito kasi hindi ako makapagfocus sa pakikinig kay dean Steinfeld kasi palagi nalang akong kinakausap ng barkada ko.Nakatago ang earpiece na suot ko sa ilalim ng buhok kaya hindi ito madaling makita ng Akinomo Phoenix Gang. Para naman sa earpiece nina Alver at Cyborg… nakikita ito ng lahat pero hindi naman sila pinapagalitan, lalo na si Alver. Sanay na kasi ang iba na makita si Alver na parang lutang palagi pero ang totoo ay nakikinig naman talag siya sa klase.Humingi na ako ng tawad sa kanila sa pamamagitan ng pagtext sa kanila, na hindi ko muna sila matutulungan ngayon dahil nga sa mga kaibigan ko.
Xyrica’s POV: Marahang nilapag ni Cyborg ang kahon sa mesa pero nagtataka pa rin ako sa reaksyon niya. Dahan-dahan akong lumapit kay Cyborg pero ‘yung mata ko ay nakatingin lang sa mukha niya. Natatakot kasi ako na baka pangit ‘yung makita ko sa loob… gaya ng patay na daga, dugo, o death threats. “You should see it for yourself,” sabi sa akin ni Cyborg. “May dugo ba sa loob?” Tanong ko sa kanya habang hindi inaalis ‘yung titig ko sa mukha niya. “Wala naman… pero mas mabuti kasi ‘yung ikaw mismo ang makakita,” sagot ni Cyborg. “Is someone pranking me?” Tanong ko ulit kay Cyborg. He shrugged and answered, “I don’t know if it’s a prank or not. Tignan mo nalang kasi ang box para matapos na ‘yung tanong mo.” “Okay, okay. Huling tanong nalang… may death threats ba sa loob o patay na daga?” Tanong ko sa kanya. Cyborg shook his head and replied, “Naku naman, Xyrica. Isipin mo nga… kung patay sana na daga edi umalingawngaw sana ‘yung amoy nang mabuksan ko na ‘yung box.” “This thing bet
Xyrica’s POV:Nagising ako na malapit ang mukha ni miss Ludwig sa mukha ko, at mukhang kanina niya pa ako tinititigan kahit alam niyang natutulog ko. Kaagad ko siyang tinulak papalayo sa mukha ko tapos bumangon ako at umupo sa kama ko. I felt some shivers down my spine and I couldn’t help but experience some goosebumps because of the scene I saw first when I woke up.I took some time to scan whether or not I still felt anything related to what happened earlier. But, it’s good that the headache and ringing sound in my ears was gone. It’s like what I thought I only needed to give my body some rest since I’ve been working a lot lately. And the thought that my memory might come back again didn’t happen. I must be paranoid for some reason.“Okay ka na ba?” Nag-aalalang tanong ni nurse Dawn sa akin noong lumapit siya.Bago ako nagsalita ay tinignan ko muna kung sino ang mga taong nasa loob ng kwarto ko. Tatlo lang pala silang nandito at hindi ko man lang alam kung kailan sila nakapasok dito
The ContinuationXyrica’s POV:Napailing na lang ako dahil sa maling pagkaunawa sa sinabi ni Cyborg kanina. Hindi ko rin maitago ang hiya kasi nag-assume ako na ibang bagay ‘yung sinasabi niya. Kung tutuusin… pitong syllables ‘yung saktong sinabi ni Cyborg sa akin at pitong syllables din ang inakala kong sinabi niya. Syempre, normal lang na magkamali ako dahil sa bilang ng syllables tapos sumasakit pa ‘yung ulo ko kanina.“Why am I making these excuses?” I shook my head as I thought. I can feel myself shrinking because of the shame of assuming. I need to divert my attention somewhere else.“Iyan naman pala e. Tumango ka naman pala kaya ang ibig sabihin ay pumayag ka sa sinabi niya,” sabi naman ni miss Ludwig sa akin na para bang close kaming dalawa.Tinignan si miss Ludwig at bigla akong naisip na dapat nasa kanya ang atensyon ko kasi hindi siya pwedeng manatili rito. Tapos siya naman ang tinanong ko, “At ikaw? Bakit masyadong malapit ‘yung mukha mo sa mukha ko? Kanina mo pa ba ako ti
Xyrica’s POV:Ilang araw ang lumipas at naging ayos na ‘yung pakiramdam ko. Kailangan ko lang talaga ng maayos na tulog tapos kumain sa saktong oras. Hindi na rin ulit ako nakatanggap ng box mula sa hindi ko kilala. At saka hindi ko muna sinunod ‘yung nasa letter hangga’t hindi namin nalalaman ni Cyborg kung kanino galing.Nagawang ipa-check ni Cyborg ang fingerprints na nasa letter gamit ang iba pang koneksyon ng mga magulang niya, pero wala raw kahit isang fingerprint ang sulat. Sa ibang salita ay malinis ang sulat at matalino ang taong gumawa nito. Ito rin ang isa sa rason kung bakit hindi kami lumapit sa asawa ni Teresa… baka kasi ito ‘yung paraan taong iyon na i-prank kami, kung sino man siya.At saka patuloy pa rin ang pagtawag ni Cyborg kay Detective Sullivan. Hindi naman nagpatulong sa akin si Cyborg, siguro ay kaya na nila ng pamilya niya na ipahanap ang nawawalang detective. Nag-assume na sila na nawawala ito kasi lagpas isang buwan na itong tumigil sa pagtawag sa pamilya ni
Xyrica’s POV:Medyo nabitin ako sa sinabi ni Macey kasi hindi niya na dinagdagan ‘yung sinabi niya. Gusto ko sanang magtanong sa kanya kung ano ang nangyari pero nakatingin kasi sa akin si Michiaki. Hindi ko alam kung narinig niya ba ‘yung sinabi ni Macey, basta’t bakas sa mukha niya ang pagtataka.“Macey, pwede bang tumawag ka nalang ulit mamaya kapag natapos na ‘yung last subject? Nasa labas kasi ako ng Laboratory kasi nag-ingay ‘yung cellphone ko sa tawag ni Monique. Mabuti na nga lang at inako ni Michiaki ‘yung cellphone ko kaya hindi kami napagalitan ng teacher,” mahinahon pero pabulong na sabi ko kay Macey.“But I told you already. It’s something important,” sabi ni Macey na hindi mapakali ang tono.I cleared my throat and replied firmly, “And I also told you that you should call me back after the class ended. Alam mo bang kasama ko ngayon si Michiaki? Kung ano man iyang bagay na bumabagabag sa ‘yo ay sina Monique at Ami na muna ang kausapin mo. Pasensya na kung hindi malaki ang
Celeste Maekawa Crimson’s POV:I felt an immediate rage surging from the pit of my stomach while watching Lucas with handcuffs entering from the other side of the glass. The perpetrator who wrecked the family I once desired is sitting across from me. I never thought that this day would come.“Mayroon lamang kayong labinlimang minuto para makapag-usap,” paalala ng pulis na kasama ni Lucas. Pagkatapos ay iniwan niya na kaming dalawa upang makapag-usap.“Is this one of Xyrica’s tricks to fool me again? Sa tingin ba ninyo’y mauuto ninyo ako sa pangalawang beses?” Lucas asked while smirking. Even after all this time, his smugness never faded.“Xyrica has done her job, Lucas. So tell me, why would my daughter waste her talent for the second time on a pitiful person like you?” I nonchalantly asked as I kept giving him unsympathetic looks. “My daughter must’ve done her best to fool you, knowing you’re on your toes this time. Anyway, hindi ako naparito upang makipagkumustahan sa ‘yo…”“Narito
Xyrica’s POV:Pagkatapos namin makita ang mga senyales na magigising si mama ay kaagad namin siyang dinala sa hospital. Dahil sa nangyari ay hindi na ulit bumalik sa opisina sina tito Leo at nurse Dawn.Mabuti na lang talaga at may kasama ako rito sa bahay… maliban sa nurse na pumalit kay nurse Dawn sa pag-aalaga kay mama. Hindi ko siguro alam kung ano ang gagawin ko kay mama kung ako lang mag-isa.Narinig siguro ng Panginoon ang mga panalangin namin kasi naging maayos na ‘yung sitwasyon ni mama. Walang anumang komplikasyon ang nakita sa lahat ng test na binigay ng doktor. May mga tests nga na hindi na sana kailangan, kaso iyon ‘yung gusto ng mga magulang ni Michiaki. Wala naman kaming magawa kundi sundin ang gusto nila kasi alam kong para rin naman ang lahat sa ikakabuti niya.Pagkatapos ma-discharge ipinagpatuloy niya ang physical therapy na pinag-uutos ng doktor sa kanya. Ako ‘yung sumasama kay mama sa clinic habang ginagawa naman nina Joy at nurse Dawn ang mga gawain nila. Minsan
Xyrica’s POV:Pagkatapos ng tatlong linggong paghihintay ay nahatulan na rin si dean Steinfeld sa lahat ng masasamang nagawa niya sa pamilya namin, pati na rin sa kapatid ni Miss Ludwig. Habambuhay na pagkakakulong ang naging hatol ng hukom para sa kanya at bawal din siyang magpiyansa. Hindi ito ang gusto kong ending para kay dean Steinfeld, pero pinili ko ‘yung daan kung saan ay kailanman hindi ako matutulad sa kanya.Mabilis na kumalat ang balita sa paaralan tungkol kay dean Steinfeld dahil sa tulong nina Michiaki. Nalaman ko ring awtomatikong natanggal na nila si dean Steinfeld sa trabaho. Ito na rin ang pagkakataon na titigilan ko na ang pagtawag kay Lucas Steinfeld ng ‘dean’… kasi sa totoo lang, hindi naman siya karapat-dapat na tawaging dean.Sa kabila nang lahat ay nagpapasalamat pa rin kami ng mga kapatid ko kasi naging maayos naman ang proseso. Naging witness kami ng mga kapatid ko laban kay Lucas Steinfeld at kasama namin doon sina miss Ludwig at Allen.Para naman sa naging
Allen’s POV:Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni dean Steinfeld upang matagumpay na nailabas sa hospital ang pain na ginawa nina Xyrica para sa kanya. Matapos ko kasing bigyan ng babala sina Xyrica at Dawn ay hindi na ako umalis pa sa tabi ni dean Steinfeld. Dahil dito ay napag-utusan niya akong maghintay sa kotse habang siya naman ‘yung papasok sa loob.Wala namang sinabi si dean Steinfeld kung ano ang paraan na gagamitin niya. Hindi man lang siya nagdalawang-isip sa ginawa niya kahit alam niyang maraming CCTV sa loob ng hospital. Nagtaka na lang ako noong nakalabas siya sa emergency exit, tapos buhat niya na ‘yung pain sa bisig niya.Tinulungan ko siyang buksan ang pinto ng sasakyan, at nag-alok akong tulungan siya. Kaso hindi siya pumayag kaya bumalik na lang ako sa loob ng kotse at umupo sa driver’s seat. Naisip ko kasi na baka gusto niya munang makasama ‘yung pain habang natutulog.“Drive fast, but safely. Ayaw kong madisgrasya tayo… lalo na’t kasama natin si Celeste,” utos sa a
Xyrica’s POV:Lumabas ako para tawagan sina Michiaki at ipaalam ang tungkol sa babala na binigay sa amin ni Allen. Gusto ko ring sabihin sa kanya na kung maaari ay lumabas na ‘yung iba sa kuwarto, at magpaiwan lang ‘yung dalawa sa kanila. Kaso ilang beses kong sinubukang tawagan si Michiaki, pero hindi pa rin siya sumsagot. Malapit na akong mainis sa kanya. Ang ginawa ko na lang ay tinawagan ko si Yuan. Mabuti na lang at sinagot niya kaagad ‘yung tawag ko.“Hello, Xyrica? Bakit ka napatawag?” Tanong sa akin ni Yuan.Huminga ako ng malalim para mawala ‘yung inis na nabuo dahil kay Michiaki. At saka ako nagtanong kay Yuan, “Yuan, where is Michiaki? I’ve calling him for ages, but he kept ignoring my calls. Malapit na akong mainis sa kanya. Alam niya ba na may importante sana akong sasabihin sa inyo?”“Ah, si Michiaki ba? Umalis siya rito sa hospital kasi siya ‘yung napag-utusan na bumili ng pagkain. Sa katunayan ay kasama niya nga si JL ngayon e,” sagot ni Yuan. “Naiwan niya rito ‘yung c
Xyrica’s POV:Ipinagtapat ko kaagad kay nurse Dawn ang tungkol sa DNA test na ginawa ni Joy, matapos niya akong bigyan ng pahintulot. Kaagad naman akong pinagsabihan ni nurse Dawn na pabalikin si Joy sa bahay ni tito Leo para silang dalawa naman daw ang mag-usap. Pero bago ang lahat ng iyan ay ilang minuto rin naming kinausap si Joy para lang hindi niya kamuhian ‘yung sarili niya.Malaki kasi ang naging epekto ng realidad sa emosyonal na estado ni Joy. Pakiramdam niya raw ay parang hindi na siya nilulubayan ng masasamang balita. Hindi pa nga raw natatapos ang isang balita ay may susunod naman… mas malala pa kaysa sa una. Wala kaming masabi sa parteng iyon kasi totoo naman ang sinasabi niya. Hindi naman kami Diyos para baguhin ang mga kapalaran namin.Pinaalala ko na lang sa kanya na may pamilya siya na gusto siyang kilalanin. Alam kong hindi sapat ang sinabi ko para gumaan ‘yung pakiramdam niya, pero pumayag naman siyang makipagkita kay nurse Dawn. May kondisyon nga lang siya… ayaw ni
Xyrica’s POV:Nasa bahay na ako ni Spencer, kasama sina Cyborg at Kris, nang nakatanggap ako ng tawag mula kay Aris. Bago kasi sila umalis ng bahay noon ay nag-iwan sila ng personal card na naglalaman ng mga cellphone number nila. Kaya noong binigay sa akin ni nurse Dawn ‘yung cellphone niya ay tinawagan ko sila upang malaman nila na may cellphone na ulit ako. Bumili na lang si nurse Dawn ng bago kasi wala naman talaga sa isip kong magka-cellphone ulit.“Hindi ka pa ba papasok, Xyrica?” Tanong sa akin ni Spencer matapos pumasok nina Cyborg at Kris sa loob.I raised my hand so he would know I’m telling him to wait. Then I replied, “Sandali lang, Spencer. Sasagutin ko muna itong tawag… baka kasi importante e. Susunod na lang ako sa inyo sa loob kapag natapos ako. Ayos lang ba?”Tumango si Spencer, at iniwan ako sa labas ng bahay nila. Mabuti na lang at hindi masyadong mainit dito sa labas… makakaya kong makipag-usap kay Aris ng ilang minuto. Hindi na ako nag-atubiling sagutin ang tawag
Xyrica’s POV:Nagawang tapusin nina Michiaki ang proyekto nang limang araw sa tulong nina miss Ludwig at ng mga kaibigan niya, pati na rin sa tulong ni tito Leo. Wala silang kinuhang eksperto para tumulong sa kanila kasi sila lang mismo ang nagtulungan sa isa’t isa.Si Van, bilang top one sa Gangster Academy, ay ipinakita niya ang kakayahan niya sa pag-imbento. Sa wakas at may pakinabang na rin ang talento niya laban kay dean Steinfeld. Noong huli kasing nagpakitang gilas siya ay nahuli kami ng mga tauhan ni dean Steinfeld. Kahit na nagtulungan silang lahat ay mas marami pa rin ang nagawa nila ni Alver. ‘Yung iba sa mga kasama nila ay naghihintay lang kapag may utos ang dalawa sa kanila.Dalawang Combat Angels ang nagbagong -anyo. Kung hindi dahil sa Akinomo Phoenix Gang at ni Cyborg… ay baka wala kaming Combat Angels na nagamit. Sila kasi ang gumawa ng paraan upang mailabas ang dalawang Combat Angels na hindi nalalaman ng mga tao. Hindi ko alam kung anong paraan ang ginawa nila, bast
Xyrica’s POV:Naabutan ko si Cyborg na nakatayo malapit sa bintana, at para bang may malalim na iniisip. Ilang beses ko siyang tinawag, pero napansin niya lang ako noong kinalabit ko na siya sa balikat. Kaagad naman siyang bumalik sa pagkaka-upo, at hinihintay akong magsalita.“Parang mas malalim pa yata ‘yung iniisip mo kaysa sa akin,” nagtatakang sabi ko sa kanya.“Pasensya ka na kung hindi ko kaagad narinig ‘yung unang beses na pagtawag mo sa akin, Xyrica. Kumusta nga pala ‘yung pakikipag-usap mo kay Allen? At maaari ko bang malaman kung ano ‘yung pinag-usapan ninyo?” Cyborg curiously asked.Natahimik ako ng ilang segundo kasi nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba kay Cyborg ang binabalak ko. Hindi pa naman kasi ako sigurado kung matutupad ba ‘yung plano ko at kung kailan. Marami-rami kasi ang mga bagay na dapat kong isaalang-alang bago iyon gawin.“How about we talk about something else? Something that would interest the both of us?” Sabi ko na lang sa kanya. Alam niya na