Kahit hindi ko pa rin talaga alam kung ano ba ang eksaktong nangyari sa aming dalawa ni Wayne kagabi ay wala na akong choice kung hindi ang magbihis na ng damit. Siyempre, hindi ko naman siya haharapin suot lang itong damit niya. AY EWAN! Hindi ko pa rin maiwasan na sabunutan ang sarili kong buhok sa tuwing naiisip ko na may nangyari sa aming dalawa na hindi ko lang talaga maalala. Sa tuwing pinipilit ko na isipin ay mas lalo lang talaga na sumasakit ang ulo ko.Bumalik na ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit. Binilisan ko lang talaga ang pagkilos ko dahil tiyak na hinihintay na talaga ako ni Wayne sa baba. Sabay nga raw kasi kami na kakain na hindi ko na alam kung bakit. Pagkabihis ko ay bumaba na rin ako agad.Naabutan ko siya sa may dining area na pinaghahain ni Manang Fracia. Si manang ang unang nakakita sa akin dahil saktong nakatalikod sa akin si Wayne dahil siya ‘yung nakaupo sa kabisera.“Oh, Leigh. Buti naman at gising ka na.” Ngumiti pa sa akin si Manang Fracia nang b
THIRD PERSON’s POV Nagdaan ang buong Sabado at ngayon ay Linggo. Matapos ang naging pag-uusap ni Wayne at Leigh ay hindi na sila muling nakapag-usap pa. Sa katunayan ay ‘yun na rin ang huling pagsasalubong ng landas nilang dalawa sa bahay na ‘yon. Kung hindi kasi nasa loob lang ng kwarto niya si Wayne ay lumalabas naman ito ng bahay na hindi naman halos namamalayan ni Leigh. Kapag umaalis ang binata ay hindi na rin niya namamalayan ang pagdating nito.Hindi tuloy maiwasan ni Leigh ang mapabuntong hininga habang nasa loob siya ng silid at nakahiga lang sa kaniyang kama.“Ang labo niya,” saad niya sa kaniyang sarili. Nakalapat ang kaniyang likod sa malambot na kama niya kaya naman diretso lang siya na nakatingin sa mataas na kisame ng kaniyang kwarto. “Hindi ko akalain na kaya niyang magalit sa akin ng gano’n dahil lang sa hindi natuloy ‘yung gusto niyang mangyari. At saka, hindi ko naman talaga sinadya na malasing ng gano’n eh. Pero siyempre, sino ba naman ako para paniwala
Napakunot ang noo ni Wayne nang magpasya siyang lumabas ng kanilang private room, kung saan narinig niya rin ang yabag ng mga kaibigan niyang sumunod sa kanya sa labas. Seryoso lang si Wayne ng mga sandaling ‘yon kaya naman hindi na lang niya pinansin ang mga kaibigan sa likod.Buti na lang at nasa second floor si Wayne, kung saan walang makakapansin sa kanya kahit tumingin siya sa railings. Madali para sa kanya na tumingin sa ground floor nang hindi nagpapahalata. Mula sa ibaba, kitang-kita niya ang nangyayari at lahat ng taong kumakain doon. May mga server ay naglalakad sa paligid na naghahain ng pagkain at kumukuha ng mga order; nakatayo ang ibang mga customer, ngunit karamihan sa kanila ay nakaupo at masayang kumakain.Ngunit isang lalaki at isang babae ang nakaagaw agad ng atensyon ni Wayne. Nakaupo ang dalawa malapit sa transparent wall ng restaurant. Sa hindi malamang dahilan ni Wayne, kusa na lang umigting ang kaniyang dahil sa kaniyang nakikita. Tinanggal niya rin ang suot n
Pag-uwi ni Leigh ay wala na si Manang Fracia. Nalaman din niyang wala pa si Wayne dahil hindi niya nakita na nasa parking lot ang sasakyan ng binata.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Leigh. Nagpasya siyang umakyat sa kanyang silid. Ngunit, nang hahakbang na sana si Leigh sa hagdan ay tumunog ang kanyang cell phone na agad niyang kinuha sa kanyang bulsa.Nanlaki ang mga mata ni Leigh, at medyo natigilan din siya nang mabasa ang pangalan ni Wayne sa screen ng phone niya. Mabagal na tumibok ang puso ni Leigh sa hindi niya malamang dahilan.'Teka, bakit niya ako tinatawagan?''After a few days of not talking to me, tatawagan na niya ako ngayon?''Sasagot ba ako o magpanggap na lang na tulog na ako?''Kaya lang, kapag ginawa ko ‘yon, baka magalit lang siya lalo. Baka mamaya ay emegency pala itong tawag dahil hindi naman siya tatawag sa akin knowing na hindi ito mahalaga.’‘Bahala na nga!’"H-hello" Agad na sagot ni Leigh sa kabilang linya.[Hello, is this Leigh?]Nanlaki
FLASHBACK NAKANGITI ng alanganin si Leigh habang nakatingin siya sa harapan ng salamin ng kanilang bahay. Nakausot siya ng light yellow na bestida na talagang pinag-ipunan niya pa upang mabili.Nakalugay din ang kaniyang mid-length na buhok na medyo basa pa dahil halos katatapos niya lang din na maligo. Naglagay na rin siya ng konting lisptick na regalo pa sa kaniya ni Cattleya noong pasko.”Aba, mukhang may lakad ang anak ko, ah. Saan ang punta mo ngayon?” Agad na napalingon si Leigh sa kaniyang ina ng bigla itong pumasok sa bahay nila. May dala ito na kulay itim na basket kung saan doon nakalagay ang mga pininaw nito na mga damit.Napangiti si Leigh sa tanong ng kaniyang ina at saka niya ito hinarap.“Pupunta lang po ako kina Wayne, niyaya niya po kasi ako na doon kumain ng hapunan,” sagot ni Leigh habang mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti.Maging siya ay hindi niya inasahan na ngayong gabi na pala siya yayayain ni Wayne na ipakilala sa parents nito. Hindi niya alam kun
Hindi maiwasan ni Leigh na mapangiti nang ipaghila pa siya ng upuan ni Wayne nang makarating na sila sa may dining area. Kung siguro ay first time ni Leigh na makarating sa mansyon ng mga Ferrer tiyak na mamangha siya sa laki at haba ng dining table ng mga ito.Mahigit sampu o hanggang kinse katao pa yata ang pwedeng umupo sa lamesa na ‘yon. Hindi rin nakaligtas sa kaniyang paningin ang malaki at magandang chandelier na nasa itaas ng gitnang lamesa. Ang lalaki ng mga bangko na halatang mamahalin din.‘Sa mga palasyo sa mga disney movies ko lang nakikita ang mga ganitong klaseng upuan.’‘Ngayon lang din ako makakaupo sa ganito dahil kadalasan ay natatanaw ko lang ito kapag pumupunta ako rito para kumuha ng labada.’‘Walang nakaupo ngayon sa may kabisera ng lamesa dahil siguro ay para lang ‘yun sa parents nila na wala ngayon dito sa bahay.’‘At ang dami rin ng pagkain. Ang daming putahe na nasa harapan ko ngayon.’‘Pero gaya nang sinabi ni Wayne, halos lahat nga ay paborito ko ang nakah
MAGKAHAWAK ang kamay ni Wayne at Leigh habang naglalakad na sila palabas ng bahay. Malapad ang pagkakangiti ni Leigh dahil kahit kabado siya noong una ay na-enjoy naman niya ang dinner nila kasama ang kapatid ng kaniyang kasintahan.“Hays! Kung matagal na pala kitang naipakilala kay Ate Denise, eh di sana hindi na kita kailangang pauwiin ngayon,” saad ni Wayne na tila ba ay sinasadya na bagalan ang paglalakad upang hindi agad sila makarating sa gate.Kumunot naman ang noo ni Leigh dahil hindi niya masyadong naintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Wayne.“Huh? Anong ibig mong sabihin.”“Ang ibig kong sabihin, dito ka na lang sana matutulog.”Kusang namula ang magkabilang pisngi ni Leigh sa kaniyang narinig at napalunok din siya ng laway. Hindi niya inaasahan na ‘yun ang sasabihin ni Wayne. Dahil doon kaya naman hindi niya naiwasan na bahagyang paluin ang dibdib ng binata.“A-ano ka ba?!”“Bakit? Hindi naman masama ‘yun ah. Kaya lang, medyo strict kasi si Ate Denise tungkol sa
MABILIS na inihinto ni Leigh ang sasakyan ni Wayne nang makarating na siya sa bahay nito. Hindi niya maiwasan na batuhan nang tingin ang binata na wala pa ring malay sa may shotgun seat habang dahan-dahan niya nang tinatanggal ang seatbelt niya.“Iiwan ko na lang ba talaga siya dito sa loob ng kotse?” Hindi maiwasan ni Leigh na maitanong ‘yun sa kaniyang sarili. “Kung iiwan ko siya rito, ibig sabihin ay matutulog siya na ganyan ang pwesto niya? Matutulog siya ng nakaupo? Hindi kumportable ‘yon. Baka mamaya, magkaroon pa siya ng stift neck o baka sumakit ang likod niya,” dagdag niya pa. Hindi naman masama ang ugali niya para hindi mag-alala sa binata.‘Hindi naman sa nag-aalala ako sa kaniya ng sobra, pero baka hindi siya makapagtrabaho ng maayos kapag may nararamdaman siyang hindi maganda. Eh kung dalhan ko kaya siya ng kumot at unan?’Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ni Leigh at muntikan niya pang sapukin ang sariling ulo.“Nasisiraan ka na talaga, Leigh. Hindi ka ba nag-iisip? Ku
Nang patapos na ang kanta at alam kong pabalik na si Wayne sa upuan kung nasaan ako nakaupo, mabilis akong nagpaalam kina Alexander upang pumuntang banyo. Narinig ko pa nga ang pahabol na sinabi ni Alexander at Fritz na sasamahan na nila ako pero hindi ko na lang ‘yon pinansin. Agad ko silang tinalikuran at naglakad papalayo.Parang wala sa sarili ako na naglalakad sa dagat ng mga taong nadadaanan ko. May ilan akong nakakabungguan pero hindi ko na ‘yon pinapansin pa. Masyadong blangko ang utak ko para pagtuunan pa sila ng pansin.Ngunit, tila’y pumtik ako pabalik sa realidad ng isang mabigat na kamay ang agad na humablot sa braso ko. Para akong natauhan dahil doon at saka awtomatikong lumingon upang makita kung sino ‘yon. Agad na nagsalubong ang aming mga mata na naging dahilan kung bakit ako natigilan. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.“Where are you going? Hindi ba at sinabi ko na ‘wag kang lalayo sa akin?”Napalunok ako ng laway at hindi agad nakap
Hindi ko maiwasan na lihim na mapa-angat ang gilid ng labi ko habang nakikita ko si Wayne sa tabi ko na nakabusangot. Nakaupo siya ngayon sa may passenger’s seat habang ako ang nagmamaneho ng kaniyang kotse. Ayaw niya sana na ako ang magmaneho pero wala naman siyang choice dahil nga may sling siya sa kanan niyang kamay.Biniro pa nga siya ulit kanina ni Hanz at sinabi na kami na lang dalawa ang sabay na pupunta sa bar kasi siya lang naman daw ang mag-isa sa kotse niya. Si Oliver at Vince kasi ang magkasama roon sa isang sasakyan, tapos si Kai at Alexander naman ang magkasama, tapos solo si Fritz at Hanz sa sari-sarili nilang kotse. Pero siyempre, hindi pumayag si Wayne.Ngayon na nakikita ko siyang nakasimangot pa rin, ramdam ko na badtrip pa rin siya dahil sa kalokohan ng mga kaibigan niya.“Galit ka pa rin ba, Wayne? Ano ka ba… inaasar ka lang naman ng mga tropa mo,” medyo natatawa na saad ko. Hindi ko siya magawang batuhan nang tingin dahil diretso lang na nakatuon ang
Mabilis lang lumipas ang mga araw. Linggo na ngayon, at naglalakad lang ako pauwi ng bahay. Alas-singko pa lang naman ng hapon kaya naisipan kong maglakad na lang kaysa ang sumakay pa. Nanghihinayang pa kasi ako na pabaryahan ‘yung mga buo kong pera. Nanghihinayang pa ako na gastusin ‘yong sinahod ko sa loob ng buong linggo.Ito na ang huling sweldo ko sa restaurant kaya kailangan ko ‘tong tipirin. Nakapagpaalam na nga pala ako kay Ma’am Sammie. Kahit nahihiya ako sa kaniya dahil nga hindi man lang ako nagtagal sa pagtatrabaho ko, idagdag pa na nirekomenda lang ako ni Pio, wala naman akong magagawa kung hindi ang tuparin ko ang naipangako ko na kay Wayne.Nakakalungkot lang dahil alam ko naman sa sarili ko na keri ko ‘yung trabaho ko. Nakakapagod, oo... pero wala namang madali na trabaho, hindi ba? Nalungkot din ‘yung mga kasamahan ko sa trabaho sa biglaang pagre-resign ko. Nalungkot din ako kasi naging malapit na sila sa akin, lalo na si Yuki, tinuring ko na ‘yun na p
“So, are you damn saying na nag-deliver ka ng pagkain sa ganoong klase ng lugar?” singhal ni Wayne sa akin nang makapasok na ako ngayon sa bahay niya. Actually, ramdam ko naman kanina na i-o-open niya talaga ang topic tungkol doon, hindi niya lang magawa dahil nga hindi naman kami sabay na umuwi. Dumaan pa kasi ako sa restaurant para ibalik ‘yung motor habang siya naman ay binalikan ‘yung kotse niya kung saan niya naiwan.Pagkapasok ko pa lang ay tinanong niya na agad sa akin kung anong ginagawa ko sa lugar na ‘yon, at sinagot ko lang naman ang tanong niya. Ngayon ay kitang-kita ko ang galit sa ekspresyon ng mukha niya habang diretsong nakatingin sa akin.“Oo, dahil trabaho ko ‘yon,” seryosong sagot ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong ikinakagalit niya ngayon, samantalang siya itong may problema sa aming dalawa.“Naghatid ka ng pagkain sa isang pasugalan!” pag-uulit niya pa. “Sinabi ko na nga ba at hindi ligtas ‘yang trabaho mo!” Napatayo na rin siya mula sa pagkaka-upo niya sa sof
Napuno nang inis ang umaga ko nang maaga akong magising habang naghahanda na sa pagpasok ko sa restaurant. Halos ibato ko na sa vanity table ang suklay na ginagamit ko ngayon. Dala-dala ko pa rin ‘yung inis na nakatulugan ko kagabi. Naiinis ako, hindi dahil sa hindi natuloy ang nangyari sa aming dalawa ni Wayne, kundi dahil napagtanto ko na, kagabi pa lang, kung sino ba ‘yung tumawag sa kaniya.Kaya pala pamilyar sa akin ang pangalan na ‘yun. Hindi ako pwedeng magkamali, siya ‘yung matapobreng babae sa charity ball. Siya ‘yung sinamahan ni Wayne noong gabi na naging dahilan kung bakit dineny niya ako.“Argh! Nakakainis! Kung nalaman ko lang kaagad na ‘yun pala ‘yung babaeng ‘yon… eh di sana pala, gumawa ako ng paraan para pigilan si Wayne,” saad ko sa sarili ko.Bumuga na lang ako nang isang malalim na hininga at nagpasya na nga na tuluyan nang lumabas ng kwarto ko. Baka ma-late na ako sa restaurant kung uunahin ko pa ang inis na nararamdaman ko.Pagkababa ko, awtomatikong
Walang lingon-lingon akong bumaba ng sasakyan ni Wayne nang makapag-park na siya ng kotse niya. Yakap-yakap ko ng mahigpit ang sarili kong sling bag nang dumiretso ako sa pagpasok ng bahay niya. Ramdam ko ang bawat kabog ng puso ko. Gusto ko sanang lingunin siya upang makumpirma kung sinusundan niya ba ako, o hindi… pero mas pinili ko na lang na ‘wag nang gawin ‘yun at mas lalong bilisan na lang ang paglalakad.“Kailangan kong makapasok agad sa kwarto ko,” bulong ko pa sa aking sarili.Katulad nang inaasahan, wala na si Manang Fracia nang makapasok na ako sa may sala. Mas lalong dumoble ang kaba na nararamdaman ko ng dahil doon. Mabilis na akong umakyat ng hagdan, kung pwede ko nga lang na hakbangin ng tig-tatlo ang baitang, baka ginawa ko na, para lang makaakyat ako agad.Napangiti ako ng lihim nang marating ko na ang harapan ng pinto ng kwarto ko. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad ko nang inabot ang doorknob noon, pipihitin ko na sana upang mabuksan, kaya lang may i
LEIGH’s POV Ramdam ko ang pagkawala ko sa aking sarili habang nakaupo lang ako rito sa may dulo ng jeep kung saan ay papunta na ako ngayon sa restaurant. Nakahawak pa ako sa handle, pero nakatulala lang ako. Hindi ko akalain ang nangyari sa aming dalawa ni Wayne.Kung pwede ko lang na pukpukin ang sarili kong ulo ngayon, baka ginawa ko na. Kaya lang, pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi lang naman ako ang pasahero ngayon.Sana lang talaga ay hindi makita ng mga tao na nasa harapan ko ang pamumula ng mukha ko ngayon. Ramdam ko kasi na nag-iinit ang dalawang pisngi ko lalo na at tandang-tanda ko pa ang nangyari matapos ‘yung nangyari sa kotse. PAKIRAMDAM KO, sa mga bisig pa lang ni Wayne habang buhat-buhat niya ako patungo sa kwarto ko ay medyo naka-idlip na ako ng ilang segundo. Nang dahan-dahan niya na akong inilalapag sa malambot na kama ay doon pa lang ako medyo naalimpungatan.Rinig ko ang mahina at medyo paos na boses niya nang bumulong siya sa akin, “Ju
Hinimas-himas ni Wayne ang kaniyang hita, paatas at pababa, habang diretso pa rin na nakatingin sa kaniyang mata.“Please, tell me na hindi ka na magtatrabaho. I’m offering you a secretarial position on my firm. Why can’t you just accept it, huh?”Napakakagat si Leigh sa pang-ibaba ng kaniyang labi dahil sa init na kaniyang nararamdaman sa ginagawa ni Wayne, ngunit pinigilan niya. Pinigilan niya ang kabilang sistema ng kaniyang pagkatao upang magawang sagutin ang binata.“A-ano ba, Wayne—”At hindi naituloy ni Leigh ang balak na sabihin nang biglang sinunggaban siya ng halik ni Wayne. Sobrang nabigla si Leigh ng mga sandaling ‘yon, hindi siya makapaniwala na mauuwi sa paghahalikan ang usapan nila. Ngunit nang mapansin niya na nakapikit na ang mga ni Wayne habang ninanamnam ang pagdidikit ng kanilang mga labi, kusa na rin na napapikit ang kaniyang mga mata.“Hmmm.” Hindi man sinasadya pero napa-ungol na si Leigh. Patuloy pam rin kasi ang paghimas ni Wayne sa kaniyang hita kasa
Mabilis na isinarado ni Wayne ang folder na kaniyang binabasa ng gabing ‘yon. Mabilis niya rin na binatuhan nang tingin ang suot niyang itim na wristwatch, at doon ay nakita niya na malapit nang mag-alas-siyete ng gabi.Tumayo siya, aabutin na sana ang itim na coat na nakasabit sa kaniyang swivel chair nang biglang pumasok sa opisina niya si Brent na hindi man lang kumatok.“Oh? Aalis ka na agad?” tanong ni Brent sa kaniya, may bitbit pa ito na halos limang puting folder kung saan ay doon napagawi ang mabilis na tingin ni Wayne.Kasalukuyan lang siya na nasa kaniyang firm ng mga sandaling ‘yon. Ang sabi niya ay hindi siya papasok sa opisina dahil nga nagkasakit siya noong gabi… ngunit dahil na-boring siya sa kaniyang bahay lalo na at wala naman doon si Leigh, kaya pumasok na rin siya noong tanghali pagkatapos na kumain nilang dalawa ng lunch.Sobrang bilis nga lang talaga na kumain ni Leigh, kung hindi nagkakamali si Wayne ay halos nakalimang subo lang ito at talagang umalis