Nakarating kami sa malayo at bumungad sa amin ang iika-ikang si Celine. Kahit hirap tumakbo ay pinilit niyang lumapit sa akin para yakapin ako. Hindi ko siya niyakap pabalik pero hinayaan kong hagkan niya ako. Pagtapos niya akong hagkan ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
Tumingin siya sa mga mata ko.
"Ayos ka lang ba? I'm sorry, Collier. Anong ginawa nila sa 'yo? Patawarin mo 'ko, please." Parang malapit na siyang umiyak. Niyakap niya ulit ako at isiniksik ang ulo sa balikat ko. Naramdaman ko ang pagkabasa ng balikat ko.
"Wala kang kasalanan..." walang buhay kong usal. Hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari kay Kira. Hindi ko nakita kung paano siya binaril dahil tinakpan kaagad ni Pisces ang mga mata ko. I didn't even heard her groan in pain. Maybe she died immediately. Maybe she was shot in her head. I don't know. I feel bad for her. She saved me. She saved me but she died. I want to strangle myself. I am starting to lose my sanity. Kakakilala ko palang sa kanya pero dahil sa kabutihan niya sa akin ay hindi ko na siya kayang kalimutan.
I didn't realize that my tears are already falling. Tulala lang akong nakatingin sa malayo.
"Collier, are you alright? Please say something." Nag-aalala si Nate pero nanatili lang akong tahimik. "Leader! Anong nangyari sa kanya?" sigaw niya sa team leader habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko. I can't help but to cry. My life is fucked up. Dapat ay nag stay na lang ako sa building.
"Collier, may ginawa ba sila sa'yo? Sinaktan ka ba nila?" Si Cedrick naman ang nagtanong.
"Palitan mo siya ng damit, Celine," utos ni Pisces.
Kaagad na tumango si Celine at hinawakan ako sa sa braso.
"Collier, come with me. I can see your braziere."
"I don't really care, Celine." Lumingon ako sa kanya at hindi naiwasan ang taksil na paglaglag ng mga luha. "I don't mind people seeing my body. Nakita na nila kanina 'yan, e. Habang ibinebenta ako sa market nang nakahubad. Habang sinisipulan ng mga taong dumadaan. Habang nakatingin sila na para bang..." Pumatak na naman ang luha ko. I swallowed the bile on my throat. "Para bang hinuhubaran na nila ako sa tingin palang."
"I'm sorry, Collier." Humikbi-hikbi si Celine habang nakahawak sa magkabila kong mga kamay.
"Look what you've done, Leader! She's traumatized!" inis na sigaw ni Nate. "This is all your fault."
"Shut up, Nate. I know you are using your brain, too. Alam kong naiintindihan mo ako kung bakit ganoon ang desisyon ko."
Napalingon ako kay Pisces. I want to kill him right now.
Ang lakas naman ng loob nitong makipagsagutan pa. Hindi ba niya aaminin na sa kahit anong banda ay mali ang ginawa niya sa akin?
"Magdadamit na ako, Celine. Akin na ang isusuot ko." Nagmamadali siya habang binibigyan ako ng damit. "Pwede na kayong bumalik sa South wing. The deal is already off. Pagtapos nang ginawa ng leader niyo sa akin, siguro naman ay sapat na 'yon sa sandaling pagtulong sa akin na makarating sa north wing."
"Collier..." Kinuha ko ang damit at nagsimulang maglakad palayo. Magbibihis ako sa mas liblib at malayong lugar. Ramdam ko ang tingin nilang lahat sa akin habang papaalis.
Pagtapos kong magbihis ay napatingin ako sa buong lugar. Hindi ko alam ang papunta sa North wing. Maglalakad nalang siguro ako kahit saan pa ako mapunta. Kahit makabalik pa ako sa South wing. Wala na akong pakialam.
"Maghanda ka na papunta sa North wing." Natigil ang pag-iisip ko nang may magsalita. Lumingon ako at si Pisces ang nakita ko. Unti-unti siyang lumapit sa akin kaya umatras ako.
"Hindi mo ba ako narinig kanina?"
"Hindi pa rin tapos ang deal, Collier Harrington. Pupunta tayo sa north wing para ihatid ka sa pamilya mo."
Hindi ko maiwasang mapasinghap dahil sa sinasabi ng lalaking ito. Bakit ba proud na proud siya sa sarili niya? Bakit ang lakas pa rin ng loob niyang kausapin ako kahit na ang laki laki ng kasalanan niya sa akin?
"Ang kapal din naman ng mukha mo e 'no?" I can't believe this guy! Walking around as if nothing happened! Coming towards me as if he didn't betray me!
"I thought you were smart. I thought you would understand me-" I didn't let him finish his statement. I slapped him hard. Nanginginig ang mga kamay ko, bumibilis ang tibok ng puso ko pati ang paghinga ko.
"Kahit sinong matalino, hindi matatanggap kung tatraydurin mo. Alam mo bang gusto kitang sakalin ngayon hanggang sa hindi ka na makahinga? You can't lose a member? Huh?" I pushed him away but he didn't even bulge. "So, ano ako? Pain? Slave? Sex slave lang?! Naiintindihan kong gusto mong iligtas si Celine pero fuck, Pisces! Bakit ako ang ipinagpalit mo?" My voice began to crack..
Anger is an understatement. I despise him. I don't think I could forgive him. I lost my trust.
"Celine is injured. Hindi ko kayang hayaan na dalhin siya sa market. Hindi niya kakayanin. Kailangan niyang magamot."
"At ako? Paano naman ako?"
"Please, don't be too selfish. Understand the situation. Kung siya ang dinala roon ay baka naubusan siya ng dugo dahil sa tama ng baril sa kanya. Ikaw, hindi ka naman na injured. At alam ko naman sa sarili ko na kaya kitang iligtas doon." I slapped him again, harder. Napalingon siya sa kanan at halatang hindi naka recover agad sa sampal ko. Hindi siya gumaganti, hindi niya rin ako pinipigilang saktan siya. Tanggap niya na mali ang ginawa niya.
"Iligtas? 'Yon ba 'yung ligtas na sinasabi mo? Hindi ikaw ang nagligtas sa akin, Pisces. Si Kira. Siya ang nagligtas sakin kapalit ng buhay niya." I'm too tired of crying. Pakiramdam ko ay wala na akong mailalabas pa na luha pero nagkamali ako. Sa pag-alala ko lang ng nangyari kanina ay nagsimula na namang bumuhos ang mga luha ko.
"She's just a collateral damage. Kung hindi ka niya pinakawalan sa kulungan ay malamang ako ang gumawa n'on."
"E bakit hindi ikaw ang gumawa? Bakit mo pa hinayaang mamatay siya?"
"Hindi ko kontrolado ang iniisip ni Sasha." I clenched my jaw.
"This is non sense. Umalis ka na." Pagputol ko sa usapan. Hindi na maibabalik pa ang nangyari.
"We're halfway on this, Collier. Malapit mo nang makita ang pamilya mo."
"I said leave! Kung gaano ka-nakakatakot ang itsura mo, mas malala pa pala ang ugali mo!" I shouted firmly. His eyebrows creased as his jaw tightened. Wala akong pakialam sa itsura niya. He's physically attractive kahit pa may pilat siya sa noo pero kung ugali ang pag-uusapan, nawawala kaagad ang kagwapuhan niya.
He heaved a deep sigh as he turned his back on me. He didn't even say sorry. He's not sorry for what had happened.
Hindi pa siya nakakalayo ay isa-isa namang naglapitan sina Nate, Maximus at Celine na inaalalayan ni Cedrick.
"Collier, please, 'wag ka nang mag matigas. Sumama ka na sa amin. Kapag mag-isa ka lang dito, malamang ay may ibang squad na makakita sa'yo at ibalik ka na naman sa market. Wala nang magliligtas sa'yo." Alalang alala si Celine.
"Kahit naman may squad ako, maibebenta pa rin ako sa market, e." I know walang kasalanan ang apat na 'to. Si Pisces lang ang dapat sisihin dahil siya lang naman ang nagdesisyon.
Masama na kung masama at selfish na kung selfish pero kahit kailan, hindi ko matatanggap ang rason niyang sugatan si Celine samantalang ako, hindi kaya mas mabuting ako nalang ang kunin ng kaaway. Sobrang dami kong napagdaanan sa kamay ng kaaway at sa Fascist market.
"Collier, I'm sorry hindi ko napigilan si Leader." Mas apologetic pa 'tong si Nate kay sa kay Pisces. Nate is way better than that asshole. Hindi ko alam kung bakit nila pinagtyatyagaan 'yan. Ewan ko rin kung bakit sobra-sobra ang respeto ng squad niya sa kanya. Palpak naman siyang mag-isip. "Nag-away kami pagkaalis mo pero sino pa nga ba ang mananalo? Syempre ang squad leader."
"Wag mo nang pasamain lalo si Pisces, Nate. Partly, naiintindihan ko siya. Squad mate ang tingin niya kay Collier. It's just that mas kakayanin ni Collier sa market." Si Cedrick naman ang nagsalita.
"Ang sabihin no lang, okay sa 'yo 'yon kasi nailigtas ang girlfriend mo."
"Ituwid mo nga ang utak mo, Nate. Akala ko pa naman utak ka ng squad. Bakit hindi mo ginagamit 'yang utak mo? Wag mong pairalin 'yang emosyon mo."
"Ano ba kayong dalawa? Pumunta kayo rito para mag-away?" Awat ni Maximus sa dalawa. "Collier, sumama ka na sa amin. Tama ang sinasabi ni Celine. Delikado rito at wala kang armas. Mas safe ka sa north wing. 'Wag mo nalang kausapin si leader throughout the journey. Halfway na tayo, Collier."
Somehow, naintindihan ko ang point ni Maximus.
"Ako na ang humihingi ng tawad sa 'yo," dugtong pa ni Max.
"Sorry din," sunod ng iba pa.
Buti pa sila nakuhang humingi ng tawad. Hindi katulad ng Pisces na 'yan.
I have to think critically. They were all sorry for what happened. Syempre maliban kay Pisces. Lahat sila, hindi ginusto ang nangyari. Pati naman siguro si Pisces. Pero nangyari na ang mga nangyari. Hindi ko na naman maibabalik pa. Besides, kailangan ko sila para makarating sa pamilya ko. 'Yon ang goal ko. Ang makita sila. Para maging maayos na ang buhay ko. Kung mag-isa akong maglalakbay dahil sa galit ko kay Pisces, malamang ay mamatay ako sa gutom, makuha ng ibang squad, o maging zombie. I have no food to eat, water to drink, clothes to wear and weapons to defend myself. But my anger towards Pisces is just too much. I can't even fathom his reasons and way of thinking. Uunahin ko pa ba ang galit ko?
"Nope, I want to sleep." Pisces immediately popped Celine's bubbles."Ang kill joy mo naman, leader." Angal ni Celine. Kunot-noo siyang tumingin kay Pisces. "Just for tonight, wag kang maging KJ, please?" Nagpaawa pa siya kay Pisces e halata namang hindi gagana."No.""Fine! But promise me! Next time mag-oopen forum tayo!""Whatever."Kahit natatakot ay nagawa kong makatulog no'ng gabing 'yon. Siguro ay dahil alam kong kahit papaano naman ay ligtas kami kumpara sa labas."Malapit na tayo sa north."Pagod na pagod na ako sa paglalakad
I'm sure I didn't hear it right."P-Po?""Ang sabi ko ay umalis ka sa bahay ko!" Ulit niya pa, mas mariin at mas galit."D-Dad..." Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Bakit niya ako pinapaalis? Ang akala ko ay matutuwa sila sa pagbalik ko. Na hindi na nila ako kailangang hanapin dahil ako na ang kusang dumating."Paano ka nakarating dito?" Nanliliit ang mga mata ni Mom habang mariing nakatitig sa akin."S-Sinamahan po ako ng mga kaibigan ko papunta rito. I woke up in a building and I can't remember anything-""Napakaswerte mo naman kung gano'n! Na wala kang maalala sa kahit na ano!" sigaw ni D
I got tired of running. I don't even know where I am now. I saw a proud old tree standing on the side of the small road, keeping the sidewalk in darker shade. Raindrops are fewer because of the large green leaves of the tree.I walked towards the tree and sit on the large bulge on the tree's roots.I need to think critically. Here I am again. Thinking for my next move.Sina Pisces, sinamahan nila ako rito para makita ang pamilya ko kapalit ang armas at mga pagkain. Bakit ba hindi ko naisip na maaaring tumaliwas ang mga plano ko?! Why was I so proud that they would be happy to find out that their deceased daughter is still alive?Anong gagawin sa akin nina Pisces kapag nalaman nilang wala akong ibibigay sa kani
ANNUAL HUNTERS' TRICUPSawa ka na ba sa magulo mong buhay? Sawa ka na sa mga zombies na araw-araw sumusubok pumatay sa 'yo? Baka ito na ang pagkakataong mabago ang buhay mo!Ang Annual Hunters' TriCup ay nasa unang taon pa lamang. Ang lahat ng squad na gustong sumali ay haharap sa tatlong pagsubok.Matira ang matibay, Hunters!Prize: V1Million North wing Mansion One year supply of food One year supply of guns and weapons. Regular Job under The Fascist (optional)
"Excited na ako!" Lumawak ang ngiti ni Celine na para bang tuwang-tuwa talaga. Hindi ba siya nakakaramdam ng takot para sa maaaring kahantungan nito? "Pero kailangan natin ng squad name. Iyon ang sabi rito." Nakanguso siya sabay turo sa parte ng flyer na may nakasulat na requirements."Bakit nga ba wala kayong squad name?" Napa-angat nang bahagya ang kaliwa kong kilay."Masyado kaming abala sa pag -survive sa apocalypse na ito para mag-isip pa ng squad name," sagot ni Pisces.Sabagay, uunahin pa ba nila ang pangalan nila?"So guys, dapat badass naman ang pangalan natin para katakutan tayo ng mga kalaban kahit papa'no," komento ni Nate."Sa 'kin palang matat
Napapikit nalang ako at napangiti dahil sa iniisip ni Celine. Kahit kailan talaga!Pumasok kami sa kwarto na pinagkulungan sa mga zombies. Nalinis na ito at naitapon na ang mga zombies.He examined the room with his cat-like eyes.There is broken glass from a plain white frame that is scattered on the floor. He carefully picked up the picture on it.Sa larawan ay makikita ang pitong tao. Magkakamukha sila at parang sobrang saya nila sa picture. Nababahiran ng dugo ang larawan."Dito na talaga sila nakatira simula pa nang magsimula ang apocalypse. And it looks like they're relatives," he said out of the blue.
"Naku naman, Nate. Bakit mo ba kasi sinipa?" tanong ni Celine na may halong paninisi. "Mag-apply tayo ng hot compress. Gummy bear, magpakulo ka nga ng tubig. Baby, kuha ka nang towel sa bag ko."Kaagad namang sumunod ang dalawa."Hindi ko naman sinasadya, nagulat lang naman ako kasi tumatakbo siya papalapit sa amin." Napalingon sa malayong itaas si Nate. "That's just my instinct.""Naku, kawawa naman ang cute doggo na ito." Dahan-dahan niyang ginalaw ang paa ng aso at umiyak naman ito. "Mukhang masakit talaga ang pilay niya, ah.""Malayo ang narating niya noong nasipa siya, e," komento ko. Inilapag namin siya sa sofa at pinagmasdang mabuti."Kusa rin
Dan. Meow-Meow. Carrot. Bolt. Huwanie. Zyrah. This story is for you. --- After three years of hardwork, we finally reached the end. I would like to thank all of those people who supported me. It took me a lot of time to finish this because deep inside myself, I never want this story to end. I want to cherish every moment with my very first story. I want to cherish all the lessons that I've learned throughout this journey. I would like to thank you for reaching this part. You made it. I hope I made an impact with your life. I hope that you've learned something from Collier and her friends. If ever you feel like there's no hope for you, always remember that living is really hard... Life is really unfair... Live through it and be happy. I love you so much.
They said that dying is easier than living. I used to think before that I never wanted to die too early. Everyone count on me and I am their only hope.Reminiscing those memories of the past... Those people that I lost... I think that dying for them could be peace.Yumuko ako para tingnan ang puntod niya. It’s been four years but the wounds are still fresh. I learned to forgive myself but I don’t think I’ll ever forgive fully.“Bago pa man magsimula ang lahat, kinaiinisan ko na siya... Hindi ko gusto ang aura niya.” Cedrick was beside me while holding a bouquet of flower. He is smiling but his eyes were never happy. “Makaka-move on kaya tayo?”I chuckled a little. “Hindi na yata.”
Tinuloy ko ang paglalakad. Every step I take feels so nostalgic. It’s as if I was back to the nightmare I entered... Just like before, I was the one who enter it to my doom.Nakarinig ako ng pag-uusap sa gitnang parte ng arena. Naaalala ko pang ito ‘yong parte ng arena na madamo. Tiningnan ko ang inaapakan at tuyong damo lang ang mga natatapakan ko. This place is a mess.“Aalis na ako, Sir. Nagawa ko na ang trabaho ko.” Mababa ang boses ng lalaki pero nakapaninindig ng balahibo.“Walang aalis! Sama-sama tayo rito! You entered Fascist and there’s no turning back!”“Hindi ko pa ho gustong mamatay, kung gusto niyo pong mamatay, hindi ako ang tamang tao na dapat niyong idamay.”
“We have no time for this...” Napaupo ako kahit na nanghihina. “Sabi niya ay pasasabugin niya ang buong bansa! We know his capabilities!”Kunot ang noo ni Apollo habang malalim na nag-iisip.“Matagal nang inihinto ang land bomb project dahil self-destruct ang plano na iyon kaya paanong-” Nanlaki ang mga mata niya sa iniisip na posibilidad.“He’s purposely doing it to self-destruct. Na kung mamatay man siya ay damay ang buong Coventry,” wika ni Nate sa isang malalim na boses.“We have to stop him, Harem.” Puno nang pag-aalala ang boses ko. Ang mga taong umaasa sa pag-uwi namin ay hindi ko maaaring biguin.Sumakay kami sa sasakyan namin upang ihanda na ang
I really don’t know what gotten into him but after that realization, he helped us... He probably thinks that he doesn’t want Celine to really die in vain.He told us all the possible places. Nakakagulat na sobrang dami niyang alam na kahit pasikot-sikot ay alam niya. Of course, it’s his job!There are three possible hideouts. First, his unit just near La Serpienta. His oil company on Sky Town, and the last one is their vacation mansion on the Isla Corvientos. Some of our men headed to his unit and some went to Sky Town. Kaming lima ay nagpasyang magtungo sa Isla Corvientos dahil iyon ang pinakamalayo.“Hindi kagaya sa Coventry, dito sa Naion ay may signal. Tawagan niyo kami sa kung anong balita. Ganoon din ang gagawin namin,” paalala ni Harem. Sila ang team na pupunta sa unit. Sina Apol
“He’s two cities away from Azteria. Ayaw niya rin talagang bumibisita ako dahil may naaalala raw siya. Kaya tinanong ko rin kayo kung sure ba talaga kayo... Lalo na si Collier...” Malapit na kami sa probinsiya ng La Serpienta at mas nadadagdagan lang talaga ang kaba ko sa tuwing maaalala kung kanino kami patungo.“Sigurado naman akong alam niya ang buong Naion dahil mahilig daw mamasyal ang mga amo niya,” dugtong pa ni Nate.Nagkabati rin sila ng fiancée niya kagabi. Nagselos lang daw dahil akala yata ay kinausap ako para sabihing mahal pa ako. Na kaya raw ako umiyak ay dahil mahal ko rin talaga si Nate kaso lang ay hindi na kami pwede. Gusto kong maiyak lalo sa katatawa pero alam ko ang pakiramdam ng nagseselos kaya hindi ko na ginawa pa.Kaya rin busangot kagabi si
I couldn’t believe it... Magician na siya? Agad akong tumakbo patungo sa kung saan nagkukumpulan ang mga tao at doon ko tuluyang nakita ang dating kaibigan. I almost cried and felt nostalgic to see Max right in front of me pero hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon.“Puntahan natin siya!” tawag ko kay Pisces.“He’s still performing... We don’t want to let this people get mad at us for ruining his performance.”“B-baka umalis siya...” wika ko habang patuloy na pinagmamasdan ang kaibigan.He changed a lot... mas tumangkad siya at mas nag-mature. Sa ganda ng ngiti niya ay para bang payapa na ang utak laban sa mga trahedyang pinagdaanan. I suddenly felt embarassed... dahil pumunta kami rito para lang
I never knew that I’ll be able to go to the Naion. Hindi ko iyon naisip kailanman at nadagdagan pa nga ang takot ko na pumunta roon nang malamang nadi-discriminate ang mga taga-Coventry dahil sa lumalaganap na zombie virus outbreak. Malamang ay kung malaman nila na ako ang pinakanaunang maging zombie ay hindi na sila mag-aksaya pa ng panahon para paalisin ako. They would probably stone me to death for the mischief I brought and what I can bring to their country.Well, that should be the least of my priority. Takot lang din siguro talaga ako dahil alam ko kung sino ang pupuntahan namin doon. Ang taong pinagkakasalaan ko ng malaki. Hindi ko alam kung handa na ba ako na makita sila dahil hanggang ngayon ay ikinahihiya ko pa rin ang nangyari dati.“Don’t worry... I know them.” Napansin yata ni Pisces ang kaba ko nang nasa eroplano na kami pa
After a long journey of searching for the remains of those people inside the helicopter, we found out that it was Vos Rockefeller, Crimson and Velvet Benchers’.Nahirapan pa kaming ma-identify and mga bangkay dahil sunog na sunog na ang mga ito but the accessories and jewelries gave it all.I’m happy that we eliminated three of them but still unsatisfied since Sid Rockefeller is still at large.“His first hideout would probably be Naion since they can enter it back and forth without any permission from the government.”Ngayong iniisip naming kung paano mapababagsak si Sid nang walang nasasaktan na taga-ibang bansa, alam ko na agad na mahihirapan kami. We don’t want to cause any bad image and the team wants to do it secretly.