Share

Chapter ll

Author: girlinluv
last update Last Updated: 2021-08-25 13:38:27

Niahara's POV

So ayon ang nangyare. Literal na nanlaki ang mga mata ng salpakan ako ng panyo sa bunganga nitong lalaking pinagnanasahan ko.

"Pasensya na Miss, ang ingay mo kase." Kalmado niyang sabi sakin kaya sinamaan ko ito ng tingin ang ganda na ng pwesto ko sa may dibdib niya eh tapos sinisira niya lang yung momentum ko. 

Ang landi mo kasi girl katatakas mo lang sa ipapakasal sayo nanlalandi ka kaagad. Mamaya maya pa ay natanggal niya na rin ang pagkakabuhol ng buhok ko sa jacket niya. Agad kong inaayos ang sarili saka inipon ang lakas upang sipain siya.

"What the hell is wrong with you?!" sabi nito habang namimilipit sa sakit. Duh. Pambawi ko yan sa paninira mo ng momentum ko no! Napapangiti nalang talaga ako sa kalokohang nagawa ko kaganina lang. 

"Stop smiling. Ang creepy tingnan." Dagdag pa nito. Kaya naman ay nagkunwari akong nag-alala sa kalagayan niya actually gusto ko lang siyang titigan ng malapitan. Ang perfect kase ng mukha sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganitong kaperpektong mukha. Nung umulan ba ng ayuda galing sa itaas ay sinalo niya ba lahat?

"Hala! I-Im so sorry. I-I didn't mean it." Sabi ko saka nilapitan siya.

"Don't act like you care." Inis niyang sabi.

"I'm going to punch you if you keep talking!" pakunwaring galit ko saka inakay siya sa may gilid para makaupo.

"Stay here okay? Bibili lang ako ng maiinom. Hintayin mo ko." Sabi ko sa kanya pero pagkaalis ko doon ay hindi na ko bumalik.

Kelangan ko na kaseng makahanap ng mapag stay-an ngayong gabi baka may makabanggaan na naman akong gwapo naku hindi pwedeng lumandi sa mga oras na to baka mahanap ako ng mga tauhan ni lolo andami ko nang pinagdaanan sa araw na to ayokong mapunta sa wala lahat kapag nahuli nila ako saka pambawi ko na rin sa kanya na huwag nang balikan may atraso pa yun sa akin iyon ay yung pagsalpak niya ng panyo sa bunganga ko. 

Ohh, speaking of sa panyo nasa sa akin pa pala itatapon ko na sana sa may garbage bin pero hindi ko na itinuloy naisip kong itago nalang ito remembrance kumbaga saka magbibigay alaala to kung paano ako unang lumandi. Natatawa pa rin ako habang iniisip ang mga nangyare kanina, kumusta naman kaya siya? Isip-isip ko. Balikan ko kaya? Huwag na baka umuwi na iyon, saka nawawala na ko kaya imposibleng makabalik pa ko doon. 

Lakad dito, lakad doon diretso lang ako sa paglalakad nang makakita ako ng hotel napagpasyahan ko na dito muna magpalipas ng gabi saka na lang ulit ako hahanap bukas ng matutuluyan. Pagkareserve ko ng isang room ng hotel ay dumiretso na ako sa kwarto inilapag ko lang iyong backpack ko na may iilang laman na damit saka pumunta ng banyo para maligo nanlalagkit na rin kase ako hindi na ako nagdala pa nang pagkarami-raming damit dahil wala ng oras kanina para mag impake. Nasa kalagitnaan ako ng paliligo nang naalala ko sila Lolo.

Naaawa man ako ay wala din naman akong magagawa dahil ipagpipilitan pa rin naman nila iyong kasal kapag bumalik ako sa amin kaya minabuti ko nalang muna na huwag muna silang isipin.

Pagtapos kong maligo ay nagscroll scroll lang ako sa f* saka nagbasa basa nang kaunti sa mga text na natanggap ko kanina.

*couz text messages*

36 missed calls from +639121482***

+639121482***

Couz?! Saan kana? Buhay ka pa ba? Si Lolo isinugod namin kanina sa ospital. Inatake nung nalaman niyang hindi ikaw iyong ikakasal. Umuwi ka na kaya couz?

+639121482***

Btw. Couz hindi din pala sumipot yung groom to be mo sana. Mga kaibigan niya yung mga nag aantay sa may dulo ng aisle. Base sa naririnig ko hindi daw kagwapuhan yung groom to be mo kaya hindi sumipot.

+639360861***

Buhay ka pa daw ba? Pinapatanong ni ate. Sagutin mo raw mga tawag niya kung ayaw mong magpablotter na ako. Koa

To: +639121482***

I'm tired, couz. Call yah tom. Ikaw muna bahala kay Lolo dyan. Bantayan mo siya ha? Pakisabi sorry. Don't worry okay naman ako. Labyah.

*message sent*

Pagkasent ko ng text ay itinabi ko na ang aking phone saka natulog na.

*Rio's POV*

Habang inaantay ko ang babaeng iyon na bumalik ay napahimas ako sa parte ng katawan ko kung saan sinipa niya ng pagkalakas lakas. Sa tindi ng lakas ay hindi mo maiisip na babae iyon, para kaseng lalaki. Medyo naweweirduhan lang ako kanina lalo na nung nangingiti nalang bigla? May problema yata iyon sa utak. Isang oras na ang nakalipas ay wala pa ring bumabalik, mukhang naisahan yata ako ng babaeng iyon ah? Isip isip ko. Maya-maya pa ay may pares na paa ang tumambad sa may harapan ko kaya naman sa tuwa ko ay napatayo ako.

"Sabi na nga ba-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin nang makita ko kung sino ang tumambad sa harapan ko.

"Miss Elin?!" gulat na sambit ko habang nanlalaki ang mga mata.

"Tss. Anong akala mo makakatakas ka pa sa akin? Sumama ka sa akin. Kelangan mong mag explain sa mga magulang mo?!" sabi nito. "Ako ang ginugulo ng magulang mo dahil sa ginawa mong problema! Ni wala nga akong kaalam alam sa nangyayare hindi ka man lang nagsasabi?!" pagdadada ni manager habang hawak nito ang aking kanang tenga.

"Damn, It's really hurt! Manager?! O-Ouch!" pagrereklamo ko. Hilain ba naman ako sa tenga? Pwede namang hilain ako sa braso. Ayttts mga babae talaga mapanakit masyado.

"Huwag kang mag inarte dyan?! Kinansel ko lahat ng mga meeting ko para lang hanapin ka, ni hindi ka man lang macontact. Kanina pa kita tinatawagan." Pagsesermon nito sa akin hanggang sa makapasok kami sa sasakyan.

"Huwag mong balaking tumakas kung ayaw mong ihulog kita sa sasakyan habang naandar?!" pagbabanta pa ni manager. Sa takot ko ay hindi ko na sinubukang magtangkang pumuslit pa knowing na si manager yan, kapag sinabi niya ay gagawin at gagawin niya talaga.

"Naiwan ko sa unit iyong cellphone ko." pagpapalusot ko saka tumingin na sa labas.

"Tss. Nanggaling ako sa unit mo." Sabi niya saka kinuha ang cellphone nito at kinalikot. Mamaya maya pa ay nag ring ang cellphone ko na nagmumula sa bulsa ng jacket.

"Ah h-haha ." kinakabahan kong tawa sabay hawak sa batok.

"Naiwan pala ha? Okay sabi mo eh." Sarcastic na sabi nito habang nangisi.

"Saan tayo niyan didiretso?" tanong ko habang nakapikit. Napagod ako kanina kakatakbo sa kakaiwas sa mga fans ko daw. Nakalimutan ko kase magsuot ng mask kanina dahil sa pagtakas ko sa aking manager. Kung ano ano kaseng pinapagawa saka idagdag mo pa iyong mga problema sa bahay.

Problema sa trabaho kailangan kong makisama sa makakatambal ko sa bagong drama na ipapalabas next month. Sa bahay naman ipinapakasal ako sa babaeng hindi ko kilala kapalit ay ipagpapatuloy ko ang pag aartista kapag hindi naman ako papayag mawawalan ako ng career kaya they left me no choice kundi magpakasal.

"Oh shit?!" napapalo ako sa sa harapan ng maalala kong kasal ko pala ngayong araw.

"Ms. Elin si mommy ba? Ano sabi kanina?" kinakabahan kong tanong pero walang sagot na bumalik sa akin. Kaya naisip ko na baka kailangan ko na ngang magpaalam sa career ko. Fuck, mahal ko ang pag aartista paano ko iiwan? Isip isip ko.

"Ms. Elin." Pagkuha ko ng atensyon sa manager ko pero ni paglingon wala. Urghhh.

"Were already here." Sabi ni manager saka sinenyasan agad ako na umayos. Pagkapasok namin sa bahay ay kinalabit ko si manager.

"Ms. Elin huwag mo kong iwan dito mag isa samahan mo ko." Pagmamakaawa ko pero pinaalis na siya ni mommy nang makarating kami sa living room.

"Sige po tita. Mauna na ako." Pagpapaalam ni Manager. Pagkaalis ay nabalot ng katahimikan ang buong living room nang magsalita si mommy.

"Anung tinatayo tayo mo dyan? Umupo ka." Utos ni mommy kaya agad akong umupo sa may couch na nasa harapan nila at tahimik lang na nakikiramdam sa tensyon na bumabalot sa living room.

"Care to explain son? Hmm..." mom asked.

"I...uhmm." dahil sa kabang nararamdaman ko ay hindi na ako makapag isip ng ilulusot kay mommy. 

"hmm?" sabi ni mommy ng nakataas ang kilay.

"Mommy, I know you're mad at me. But I'm too tired para mag explain pa. Cant we just talk about it tomorrow?" pangungumbinse ko kay mommy. 

"Well?" she stood up and shrugged. "Rest then. Don't you ever dare to leave." Pagbabanta ni mommy saka umakyat na sa kwarto nila ni dad.

I blinked a few times and pulled my gaze to mom. "Iyon na yon?" tanong ko sa sarili ng hindi makapaniwala. 

Sometimes kase hindi sila pumapayag na hindi mapag usapan ang problema ng hindi naaayos sa araw na iyon kaya nakakapagtaka lang. Maybe nakita ni mommy na pagod ang itsura ko kaya siguro ganon.

Dumiretso na rin ako sa aking kwarto nang nakita kong pumasok na si mommy sa kanilang kwarto. Wala pa rin namang pagbabago mula ng umalis ako rito at lumipat sa unit ko. Halos lahat na ng mga gamit ay natatakpan ng telang puti ngunit kahit ganun ay masasabi kong araw araw itong ipinapalinis ni mommy kase alam kong umaasa pa rin siyang babalik ako rito. But nakapag decide na ako na doon na ko sa unit magstay for good lalo na't malapit lapit lang ito sa school na papasukan ko. 

I almost forgot kanina pa pala ako nandito pero I never introduce myself. Rio Jaxtyn Figueroa. A grade 11 student not just a normal student because I'm an artist. Minsan napapaisip ako paano kaya kung hindi ako artista magiging normal ba ang buhay ko? Iyong tipong puro aral lang saka mga activities lang sa school yung pagkakaabalahan ko. 

Kung iisipin ko ay boring pero sa nakikita ko mukhang nag eenjoy naman ang lahat. Magmula bata ay pinasok ko ang mundo ng industriyang kinabibilangan ko ngayon kaya minsan naiinggit din ako sa mga kapwa ko estudyante halos lahat kase sila ay nagagawa ang mga gusto nilang gawin. Limitado lang kasi yung mga dapat kong ginagawa dahil may mga nakaabang laging mga press sa labas maraming nakamatyag sa mga galaw ko. Kailangan ko ring i-maintain ang good figure ko sa mga tao lalo na sa mga fans ko raw. 

Minsan hindi ko masasabing fans ko ang isang tao kung iyong itsura ko lang naman yung gusto. Mas inaappreciate ko iyong mga fans na sumusuporta pa rin sa akin kahit na magkamali man ako at sa mga taong naniniwala sa kakayahan ko. I can act, sing and kinukuha din nila akong endorser ng mga iba't ibang brand ng kung ano-ano.

"Jaxy?! Bumangon ka na dyan!" mom yelled at me standing in front of my bed so I curled up on my bed and yawned. 

"Mom, what's the matter? Ang aga pa." I said. A moment passed, my eyes wide open and saw my mom narrowed her eyes at me. I shake my head and look again to mom. Before I say something, mom left my room and slammed the door. Before anything else I chatted my manager.

"Miss Elin come to our place. Need you to do something for me." After sending my chat to my manager I force myself to go to the bathroom and take a shower mabilisang shower lang ang ginawa ko ayaw na ayaw kase ni mommy ng pinaghihintay siya. 

Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako kagabi dahil sa pagkadami dami ng iniisip at dahil na rin siguro pagod ang katawan. Bago lumabas ng bathroom ay nagsuot muna ako ng bathrobe saka pumasok sa isang kwarto na nakakonekta lang din sa kwarto ko punong puno ito ng mga damit ko. Nagsuot lang ako simpleng hoodie at jogging pants tutal nandito lang naman ako sa loob ng bahay, wala naman akong ibang balak na gawin sa labas saka pagkaguluhan lang ako ng ibang tao kapag nakita nila ako so hindi ko rin masusulit. 

Pagtapos magbihis ay lumabas na ko ng kwarto saka dumiretso sa may dining area. Nadatnan ko roon sila mommy na nagtitimpla ng kape habang si dad naman ay nagp-prepare ng agahan. I kissed mom in her cheeks bago ako kumuha ng tinapay na tinoast ni dad. 

"Morning mom, dad!" dad just nodded at me while mom was ignoring me.

"Mom, about what happened yesterday? Im very sorry for not being there at my own wedding. I just forgot and I was busy the whole day. Hindi rin naman alam ni Manager Elin kaya hindi niya napaalala sa akin" pagpapaliwanag ko.

"Look mom, I know galit ka. I swear nakalimutan ko talaga!" dagdag ko pa bago ako tumayo para kumuha ng tasa para magtimpla ng kape. 

Pagkalagay ko ng tasa sa may tabi ni mommy ay sinubukan kong maglambing baka sakaling umubra at humupa ang galit. I hugged mom behind her back and then kissed her temple just to lessen her galit sa akin.

"Yeah, whatever. Pasalamat ka at hindi rin sumipot ang apo ni Mr.Coltrane." sabi ni mommy sabay pinch sa aking pisngi.

"Mommy?! Eh bakit nagagalit ka sa akin?" pagsuway ko sa pagkurot niya sa pisngi ko medyo masakit mangurot si mom eh. 

"How come na hindi sumipot mom?" I asked.

"Well. I don't know either. Saka nagtatampo ako sayo alam mo ba iyon ha? Rio, Ni hindi ka man lang makaisip na bisitahin ako rito." Mom pouted. 

"Sabi sa balita ay tumakas raw pero ewan ko lang. Alam mo naman sa balita medyo may pagkaOA sa pagpapalabas ng article's" she added. Kaya napatango nalang ako sa sinabi ni mommy.

"Kain na tayo!" tawag ni dad na nagpabalik sa ulirat ko iniisip ko kase kung ano naman kaya dahilan nung pakakasalan ko bat hindi sumipot sa kasal.

Umupo na kami sa kanya kanya naming pwesto nang magsalita si mom na ikinatingin namin ni dad sa isa't isa. "I missed being with you like this honey, iyong kakain tayong kumpleto." Sabi ni mom kaya naman nginitian ko nalang ng tipid si mommy at sinandukan siya ng pagkain para hindi na magdrama pa. Ic-chat ko sana si Manager na huwag nang pumunta nang naalala ko na naiwan ko sa kama yung phone. Sakto namang pagtayo ko ay siya namang pasok ni manager.

She looked intensely at me sayin that what do you need right now or should I say what do you want me to do. I just just winked at her then pulled a chair beside me para makakain muna siya. Nag okay sign nalang ako sa kanya ng mapatingin siya sa aking gawi habang kinukuhanan ko siya ng kanyang plato.

"Kumain ka ng madami Elin ang payat mo na." dad said to Elin na may pag-aalalang tingin. Elin was my dad's first child anak sa labas kumbaga nauna man silang naging anak pero si mommy ang pinakasalan ni dad. 

Okay naman sa amin nila mommy na magkaroon pa din sila ng connection sa isa't isa. Mabait naman sina Elin and Tita Cassie maganda rin naman ang pakikitungo nila sa amin same with us. Kaya super close kaming lahat walang ilangang nangyayare kapag nagsama sama kami sa mga out of the country or kapag may family dinner. 

Bata palang ako alam ko nang may anak sa iba si Daddy dahil bata palang din ako noon ay nakikita ko na silang bumibisita sa amin and syempre hindi naman nagkulang sina mom and dad ko sa pagpapaintindi sa akin sa mga ganoong bagay. 

Related chapters

  • The Last Reason   Chapter lll

    Niahara’s POVPagkagising ko ay agad akong naghanap ng murang apartment na malapit lang sa school na papasukan ko. At hindi naman ako nabigo sa paghahanap nakakita agad ako ng girls dorm kung saan mga apat kayong magkakasama sa iisang kwarto medyo malaki laki naman ang space at tama lang sa presyo na ibinigay ng landlady.Ang problema ko ngayon ay kung paano ako makakapagtago sa school lalo na kilala sa aming school si lolo. Malaki ang shareholder nito sa school kaya malamang sa malamang mahahanap at mahahanap nila ako. Agad kong kinuha ang cellphone ko saka tinawagan si Maxyn. Nakailang ring lang ay sinagot niya na rin.“Hey couz last favor naman oh? Let’s meet at starbucks in San Lazaro. Around 2pm. Don’t tell to lolo na makikipagkita ka sa akin okay?” sabi ko.Hindi ko na siya pinagsalita pa pinatayan ko kaagad siya ng tawag para hindi na makareklamo. Pagtapos kong i-end ang call ay pumirma na ko sa ibini

    Last Updated : 2021-08-25
  • The Last Reason   Chapter lV: National Bookstore

    Chapter 4 : National BookstoreKinabukasan ay late ng nagising nagkwentuhan lang magdamag. Madaling araw nang natapos sa pagkukulitan. Mas kinilala pa nila ako same goes with me masasabi kong mababait at pinagkatiwalaan nila agad ako dahil halos lahat na yata naikwento na nila sa akin pati mga ibang sikreto nila ay nalaman ko. Napagpasyahang magpadeliver nalang ng pagkain at nag-aaway pa nga iyong dalawa sina Isla at Twyla.“Akin na kase yang ambag mo.” Twyla said.“Magbayad ka muna!” sagot naman ni Isla kay Twyla.“Mamaya na, ako naman ang kukuha ng delivery sa baba eh.” Balik na sagot nito.Sa loob ng isang linggong kasama sila ay sina Twyla at Isla ang pinakamakulit laging nagbabangayan kahit napakaliit na bagay eh walang nagpapatalo ni isa sa kanila.“Eto ambag ko.” Sabi ko sabay abot ng pera kay Twyla. Nag-abot na rin ng pera si Sadira kay Twyla at sabay na napatingin kay Isla.“Bat ganyan

    Last Updated : 2021-08-29
  • The Last Reason   Chapter l

    Niahara Coltrane was engaged to a guy that she didn't know what he looks like. She raised by her grandparents who are extremely wealthy and most influential people. She fears of having a bad dreams, even if she wants to sleep peacefully she can't, she is also afraid of crowded places so it triggers her anxiety even more. She got this anxiety from what had happened to her in recent years. After ditching her own wedding, she disguised herself as a nerdy woman where she bumps with an artist who is also running from his manager and body guard."A-Aray!" pahiyaw kong sabi halos mapunit na kasi pati anit ko sa sakit."Can you be a little quieter in public?" mahinahong sabi naman nitong lalaking may pagkasingkit ang mga mata na parang hihigupin ka kapag tinitigan mo ang mga pilik mata niyang mahahaba, ilong niyang tama lang sa tangos at ang mga labing pinkish ang kulay na medyo na nangingintab pa dahil siguro sa paglick niya sa labi niya. Nawalan ako ng balanse sa pagka

    Last Updated : 2021-08-25

Latest chapter

  • The Last Reason   Chapter lV: National Bookstore

    Chapter 4 : National BookstoreKinabukasan ay late ng nagising nagkwentuhan lang magdamag. Madaling araw nang natapos sa pagkukulitan. Mas kinilala pa nila ako same goes with me masasabi kong mababait at pinagkatiwalaan nila agad ako dahil halos lahat na yata naikwento na nila sa akin pati mga ibang sikreto nila ay nalaman ko. Napagpasyahang magpadeliver nalang ng pagkain at nag-aaway pa nga iyong dalawa sina Isla at Twyla.“Akin na kase yang ambag mo.” Twyla said.“Magbayad ka muna!” sagot naman ni Isla kay Twyla.“Mamaya na, ako naman ang kukuha ng delivery sa baba eh.” Balik na sagot nito.Sa loob ng isang linggong kasama sila ay sina Twyla at Isla ang pinakamakulit laging nagbabangayan kahit napakaliit na bagay eh walang nagpapatalo ni isa sa kanila.“Eto ambag ko.” Sabi ko sabay abot ng pera kay Twyla. Nag-abot na rin ng pera si Sadira kay Twyla at sabay na napatingin kay Isla.“Bat ganyan

  • The Last Reason   Chapter lll

    Niahara’s POVPagkagising ko ay agad akong naghanap ng murang apartment na malapit lang sa school na papasukan ko. At hindi naman ako nabigo sa paghahanap nakakita agad ako ng girls dorm kung saan mga apat kayong magkakasama sa iisang kwarto medyo malaki laki naman ang space at tama lang sa presyo na ibinigay ng landlady.Ang problema ko ngayon ay kung paano ako makakapagtago sa school lalo na kilala sa aming school si lolo. Malaki ang shareholder nito sa school kaya malamang sa malamang mahahanap at mahahanap nila ako. Agad kong kinuha ang cellphone ko saka tinawagan si Maxyn. Nakailang ring lang ay sinagot niya na rin.“Hey couz last favor naman oh? Let’s meet at starbucks in San Lazaro. Around 2pm. Don’t tell to lolo na makikipagkita ka sa akin okay?” sabi ko.Hindi ko na siya pinagsalita pa pinatayan ko kaagad siya ng tawag para hindi na makareklamo. Pagtapos kong i-end ang call ay pumirma na ko sa ibini

  • The Last Reason   Chapter ll

    Niahara's POVSo ayon ang nangyare. Literal na nanlaki ang mga mata ng salpakan ako ng panyo sa bunganga nitong lalaking pinagnanasahan ko."Pasensya na Miss, ang ingay mo kase." Kalmado niyang sabi sakin kaya sinamaan ko ito ng tingin ang ganda na ng pwesto ko sa may dibdib niya eh tapos sinisira niya lang yung momentum ko.Ang landi mo kasi girl katatakas mo lang sa ipapakasal sayo nanlalandi ka kaagad. Mamaya maya pa ay natanggal niya na rin ang pagkakabuhol ng buhok ko sa jacket niya. Agad kong inaayos ang sarili saka inipon ang lakas upang sipain siya."What the hell is wrong with you?!" sabi nito habang namimilipit sa sakit. Duh. Pambawi ko yan sa paninira mo ng momentum ko no! Napapangiti nalang talaga ako sa kalokohang nagawa ko kaganina lang."Stop smiling. Ang creepy tingnan." Dagdag pa nito. Kaya naman ay nagkunwari akong nag-alala sa kalagayan niya actually gusto ko lang siyang titigan ng malapitan. Ang perfect kase ng mukha

  • The Last Reason   Chapter l

    Niahara Coltrane was engaged to a guy that she didn't know what he looks like. She raised by her grandparents who are extremely wealthy and most influential people. She fears of having a bad dreams, even if she wants to sleep peacefully she can't, she is also afraid of crowded places so it triggers her anxiety even more. She got this anxiety from what had happened to her in recent years. After ditching her own wedding, she disguised herself as a nerdy woman where she bumps with an artist who is also running from his manager and body guard."A-Aray!" pahiyaw kong sabi halos mapunit na kasi pati anit ko sa sakit."Can you be a little quieter in public?" mahinahong sabi naman nitong lalaking may pagkasingkit ang mga mata na parang hihigupin ka kapag tinitigan mo ang mga pilik mata niyang mahahaba, ilong niyang tama lang sa tangos at ang mga labing pinkish ang kulay na medyo na nangingintab pa dahil siguro sa paglick niya sa labi niya. Nawalan ako ng balanse sa pagka

DMCA.com Protection Status