Matagal nang hindi kumakain ng almusal si Amy, pero magbuhat nang tumira siya sa Romanov’s Castle, kinailangan na niyang sumabay sa agahan kasama ang dalawa sa pinakakinaiinisan niyang mga lalaki sa mundo.
Malawak ang dining hall sa kastilyo. Pantatlumpung tao ang mahabang mesa at kasalukuyang inookupa iyon ng apat na tao. Lalo tuloy nawawalan ng gana si Amy dahil ang naroon ay ang ex-husband niya, ang ex-fiancé niya, at ang taong dahilan kung bakit siya napunta sa lugar kung nasaan siya nag-aalmusal.
“Ayaw mo ng food?” tanong ni Yeshua Romanov sa kanya, na inirapan lang niya dahil hindi lang pagkain ang ayaw niya kundi lahat ng nasa paligid niya. Ilang linggo na silang magkasama sa Golden Hive, at wala namang sumisisi sa kanya kung lagi niya itong napag-iinitan matapos siya nitong paasahin sa sana ay kasal nila.
“Amanda, bihira lang kitang makasabay sa agahan. Mukhang hindi mo pa mauubos ang pagkain mo,” maagang sermon sa kanya ni Armand Romanov—ang Big Boss. Ang diin tuloy ng pagkakatusok niya sa karne ng baka na nasa plato niya. Pakiramdam niya sa mga oras na iyon, pagtutulung-tulungan pa siya ng tatlo.
“Ipakikilala ko siya sa panganay na anak ng mga Smirnov, Lord Armand,” balita ni Joon Yi sa kalagitnaan ng pagkain nila—balita na nagpapayahag kung ano ang pinagmumulan ng init ng ulo ni Amy.
“Smirnov, hmm . . .” Tumango-tango pa ang Big Boss doon. “Para saan naman, Joon Yi?”
“Naghahanap kami ng magiging ama ng anak niya.”
Napahinto sa pagsubo ang mag-amang Romanov at naibalibag ni Amy ang kubyertos niya sa sariling plato.
“Puwede bang tigilan mo nga iyan?” naiinis na sinabi ni Amy sa katabi. “Kung makapagsalita ka, parang ikaw ang magpapaasawa.”
Napatingin ang dalawa kay Yeshua dahil natatawa na lang ito habang nakatingin sa plato.
“Tumigil ka diyan, Yeshua, isa ka pa!” sermon ni Amy.
“Why?” natatawang tanong ng lalaki. “I’m just happy about my breakfast,” aniya at isinubo na ang naudlot niyang pagkain.
“Amanda, ayaw mo ba sa mungkahi ni Joon Yi?” tanong ng Big Boss. Kahit ito ay hindi nakaligtas sa matalim na tingin ni Amy, iyon nga lang, may takot pa rin si Amy sa ginoo dahil sa pagitan ng katayuan nila sa lugar na iyon kaya wala itong natanggap na masakit na salita.
“Sabihin na nating tama ako,” nakangiting sinabi ng Big Boss at ipinagpatuloy ang pagkain. “Tinanggihan mo ba siya, Lee Joon Yi?”
“Lord Armand, alam ninyo ang dahilan ng pagtanggi ko.”
Tumango lang ang Big Boss doon. “Hindi ko gusto ang panganay na anak ng mga Smirnov bilang ama ng magiging anak ni Amanda. Arogante ang mga Smirnov, maramot sa kayamanan, at may bahid politika kung makipag-usap. Maghanap ka ng ibang hindi susukat ng pasensiya ko.”
Napatungo na lang si Joon Yi at nagbuntonghininga. “Masusunod, boss.”
Hindi kahit kailan magpapasalamat si Amy sa mga ganoong pagkakataong inililigtas siya ng Big Boss sa mga bagay na kinaiinisan niya dahil umpisa pa lang, naiinis na siya rito. Kung tutuusin, ayaw nga nito sa kanya bilang mapapangasawa ni Yeshua Romanov.
“Ngunit bago mo hanapan ng ibang lalaki si Amanda, gusto kong sulubungin mo mamaya si Lady Xang Yao Feng. Ngayon siya ihahalal bilang bagong Resident Head,” paalala ng Big Boss.
Tumungo na naman si Joon Yi. “Masusunod, boss.”
***
May mga umagang hindi mabuo-buo dahil nasa lugar si Amy ng mga taong ayaw niyang makita. At dahil wala siyang magagawa, nananatili siya sa Golden Hive para magtrabaho bilang Resident Head. Ang kaso, imbes na nasa opisina, nakatunghod lang siya sa mababang hagdan ng podium sa Rosetta Garden habang nag-iisip kung paano niya mapipilit si Joon Yi na bigyan siya ng anak.
“Lady Amanda, ngayon ang nakatakdang pagdating ng anak ni Madame Xang.”
Pag-angat ng tingin ni Amy, bumungad sa kanya ang ash suit ng isang may-edad na lalaking headmaster na may matamis na ngiti sa kanya. Akala niya ay gawa ng mga nakapaligid sa kanilang bulaklak kaya mabango sa paligid. Naroon pala ang headmaster ng Golden Hive, si Headmaster Frederick.
“Headmaster, hindi ba ako maganda?” nagtatakang tanong niya rito. Bahagya tuloy itong nagulat sa tanong niya.
“Lady Amanda, ang kagandahan ay hindi basta-basta nasusukat ng mga salitang oo at hindi.”
Napaungot si Amy at nagbalik sa pangangalumbaba. “Nagpakasal si Yeshua sa iba. Ayaw naman akong bigyan ng anak ni Joon Yi.”
“Lady Amanda, hindi madaling ibigay ang hinihingi mo.”
“Paanong hindi madali kung sila, nakukuha nila agad-agad!” bulyaw ni Amy at sumimangot na naman. “Si Yeshua, may anak na sa babae niya. Si Archail, naipakilala na si Lyon! Bakit ang lahat ng pressure, laging nasa akin, ginusto ko ba ito?” Napapadyak sa marmol na hagdan si Amy dahil sa inis.
“Lady Amanda, nakipag-usap na si Lord Armand sa mga Iris. Hindi ka naman pababayaan ng Big Boss.”
Umirap na naman si Amy. “Wala akong pakialam sa kanya. Ayaw nga niya ako para sa anak niya!”
“Lady Amanda, hindi ako magsasawang ulitin sa inyo na ayaw ni Lord Armand ang anak niya para sa iyo dahil alam niya ang ugali ni Lord Yeshua.”
“Ganoon din iyon.”
Nahagip ng tingin ni Amy ang daan sa Matriarca at nakita niya ang napakaraming Guardian na nakasunod sa isang babaeng nakasuot ng pulang dress na nangingibabaw sa mga bulaklak.
Dahan-dahang napatayo si Amy nang makitang kasama ng magandang babae ang ex-husband niya.
“Lady Amanda,” pagtawag ni Headmaster Frederick nang maglakad nang matulin si Amy palapit doon sa sinusundan nito ng tingin. Nakisunod naman ang ginoo. Mukha tuloy silang nakikipaglaro ng taguan habang nakasilip sa mga hedge na pinakabakod para sa mga bulaklak.
Hindi makapaniwala si Amy habang nakikitang nakangiti nang matamis si Joon Yi sa babaeng kasama nito. Nakaawang lang ang bibig niya at dinalaw agad siya ng init ang ulo.
“Who’s that?” tanong ni Amy habang tinuturo ang babaeng nakahapit na bestida.
“That’s Lady Xang. Siya ang bagong Resident Head na manunumpa ngayon, my lady.”
Napaayos ng tayo si Amy at naniningkit ang mata nang magpamaywang. “How dare that man smiles like that to some bitch I don’t know?”
Dali-daling naglakad si Amy para harangin ang dahilan ng init ng ulo niya. Nag-uusap sina Joon Yi at ang tinawag na Lady Xang ni Headmaster Frederick nang huminto siya sa harapan ng mga ito.
Biglang nawala ang ngiti ni Joon Yi nang makita siya. Nanatili naman ang ngiti ni Lady Xang habang hinahagod siya ng tingin. Nakihagod din siya ng tingin dito.
Kasintangkad na niya ito dahil sa suot na pumps, ngunit kung aalisin iyon ay hanggang dulo lang ng ilong niya ang taas. Singkit ang mga mata na nilagyan ng eyeliner kaya nagmukhang makapal. Maputi, pero malayo ang pagkakaputi sa kanya dahil may pagkarosas ang puti ng balat niya at madilaw-dilaw naman dito. Maliban sa eyeliner, pulang lipstick lang ang nasa mukha nito bilang makeup. Hanggang baywang ang deretso at itim na buhok nito. Napataas siya ng mukha sabay taas ng kilay dahil malusog ang d****b nitong halos sumilip na ang kalahati sa masikip na bahaging iyon ng tube-top dress nito. Balingkinitan din at napakakitid ng baywang at nagsisimula ang slit ng bestida sa hita pababa na nagpapakita ng makinis nitong binti.
Napahugot ng hininga si Amy dahil ang ganda ng babaeng kasama ni Joon Yi samantalang siya, nakasuot lang ng jeans na mataas ang baywang at naka-tuck in ng T-shirt na doble ng sukat ng katawan niya.
“Ikaw ang bagong head?” nagmamalaking tanong ni Amy sabay krus ng mga braso.
“Yes, darling,” tugon nito sa malambing na tinig.
Panibagong paghugot ng hininga mula kay Amy dahil sa laki ng kaibahan ng timbre ng boses nila. Nagmumukha tuloy siyang mapang-api sa kanilang dalawa.
Ang talim ng tingin ni Amy kay Joon Yi dahil naiinis siyang ang ganda ng ngiti nito sa babaeng kasama samantalang kapag siya ang kasama nito, wala itong ibang reaksyon sa mukha kundi inis at pagtatanong kung bakit siya gawa nang gawa ng ikamamatay niya.
“Lady Amanda,” pagtawag ni Headmaster Frederick at pumuwesto sa likuran ni Amy. “Kailangan na nilang pumunta sa conference room para sa panunumpa.”
“Kasama ba ako roon?” tanong ni Amy, nananatili ang talas ng tingin sa dating asawa.
“Kailangan. Kaya ako narito upang sunduin kayo, my lady.”
“Okay, tara sa conference room,” mataray na sinabi ni Amy sabay irap. “Sasabay na ako sa inyo, sana hindi mo masamain,” aniya kay Lady Xang.
“No, I don’t mind,” sagot nito na may matamis na ngiting nagpapakita ng pakurbang hugis ng mga itaas na ngipin nito, hawig ng sa mga kuneho.
Nagpatuloy sa paglalakad ang grupo habang masama pa rin ang tingin ni Amy kay Joon Yi na bumalik sa masayang tinig nito habang kinakausap ang bagong salta roon sa lengguwahe ng bansang pinanggalingan nito.
Matagal naman na siyang naiinis kay Joon Yi pero ibang klase ng inis ang nararamdaman niya para dito sa mga oras na iyon. At hindi siya papayag na siya lang ang naiinis.
Dalawang panunumpa pa lang ang nasasaksihan ni Amy mula nang mailuklok siya bilang isang Resident Head. Mabilis lang ang panunumpa, magbabanggit lang nang ilang salita ng katapatan sa Hive’s Tenet at pag-uusapan na ang tungkol sa magiging trabaho. Naalala niya noong nanumpa siya. Mabigat pa ang loob niya ngunit sinabi na lang ni Joon Yi na huwag siyang mag-alala dahil hindi naman siya mag-iisa sa trabaho.Kompleto na sa wakas ang dalawampung Resident Heads sa mahabang mesa sa Oval Meeting Room. Nakahanda sa mga likuran nila ang mga headmaster ng bawat Resident Head at ang Royal Headmaster na magpapasinaya ng panunumpa ni Xang Yao Feng bilang bagong halal na Resident Head.Wala namang pakialam si Amy kung gaano na sila karami sa mesang iyon dahil karamihan ng naroon ay bahagi ng pamilya. Naroon ang mag-amang Romanov. Naroon ang sana ay mapapangasawa niya maliban pa kay Yeshua Romanov, si Archail at ang ama nitong Radley. Naroon din ang mag-amang Lee, pamilya ng da
“Puwede ba tayong mag-usap kahit saglit lang? I mean . . .”Itinuro ng lalaki ang loob ng bahay niya. “Come in.”Wala sa bokabularyo ni Amy na alukin si Joon Yi ng mga ganoong klaseng usapan. Pero matagal-tagal na rin ang pinagsamahan nila. Three years ago nang ikasal sila nang biglaan, after a year, nag-divorce din sila. Nawala man ang pagiging mag-asawa, nanatili naman silang magkaibigan. At hindi rin nila iyon inasahan.Isa si Joon Yi sa mga tao sa Golden Hive na nakatira sa napakaraming bahay at bihirang magtagal sa iisang lugar lang. Isa sa pinaka-busy, isa sa pinagkakatiwalan ni Armand Romanov sa mga trabaho dahil tapat sa Hive. Kung ituring nga ito ng Big Boss ay higit pa sa sariling anak nitong problema pa rin nila hanggang sa mga oras na iyon.Isang taon na rin matapos manganak ng napangasawa ni Yeshua Romanov, at naging hudyat iyon para magbalik ang prodigal son sa kastilyo nila. Bagay na hindi na naalmahan pa ni Amy kahi
Dalawang panunumpa pa lang ang nasasaksihan ni Amy mula nang mailuklok siya bilang isang Resident Head. Mabilis lang ang panunumpa, magbabanggit lang nang ilang salita ng katapatan sa Hive’s Tenet at pag-uusapan na ang tungkol sa magiging trabaho. Naalala niya noong nanumpa siya. Mabigat pa ang loob niya ngunit sinabi na lang ni Joon Yi na huwag siyang mag-alala dahil hindi naman siya mag-iisa sa trabaho.Kompleto na sa wakas ang dalawampung Resident Heads sa mahabang mesa sa Oval Meeting Room. Nakahanda sa mga likuran nila ang mga headmaster ng bawat Resident Head at ang Royal Headmaster na magpapasinaya ng panunumpa ni Xang Yao Feng bilang bagong halal na Resident Head.Wala namang pakialam si Amy kung gaano na sila karami sa mesang iyon dahil karamihan ng naroon ay bahagi ng pamilya. Naroon ang mag-amang Romanov. Naroon ang sana ay mapapangasawa niya maliban pa kay Yeshua Romanov, si Archail at ang ama nitong Radley. Naroon din ang mag-amang Lee, pamilya ng da
Matagal nang hindi kumakain ng almusal si Amy, pero magbuhat nang tumira siya sa Romanov’s Castle, kinailangan na niyang sumabay sa agahan kasama ang dalawa sa pinakakinaiinisan niyang mga lalaki sa mundo.Malawak ang dining hall sa kastilyo. Pantatlumpung tao ang mahabang mesa at kasalukuyang inookupa iyon ng apat na tao. Lalo tuloy nawawalan ng gana si Amy dahil ang naroon ay ang ex-husband niya, ang ex-fiancé niya, at ang taong dahilan kung bakit siya napunta sa lugar kung nasaan siya nag-aalmusal.“Ayaw mo ng food?” tanong ni Yeshua Romanov sa kanya, na inirapan lang niya dahil hindi lang pagkain ang ayaw niya kundi lahat ng nasa paligid niya. Ilang linggo na silang magkasama sa Golden Hive, at wala namang sumisisi sa kanya kung lagi niya itong napag-iinitan matapos siya nitong paasahin sa sana ay kasal nila.“Amanda, bihira lang kitang makasabay sa agahan. Mukhang hindi mo pa mauubos ang pagkain mo,” maagang sermon sa ka
“Puwede ba tayong mag-usap kahit saglit lang? I mean . . .”Itinuro ng lalaki ang loob ng bahay niya. “Come in.”Wala sa bokabularyo ni Amy na alukin si Joon Yi ng mga ganoong klaseng usapan. Pero matagal-tagal na rin ang pinagsamahan nila. Three years ago nang ikasal sila nang biglaan, after a year, nag-divorce din sila. Nawala man ang pagiging mag-asawa, nanatili naman silang magkaibigan. At hindi rin nila iyon inasahan.Isa si Joon Yi sa mga tao sa Golden Hive na nakatira sa napakaraming bahay at bihirang magtagal sa iisang lugar lang. Isa sa pinaka-busy, isa sa pinagkakatiwalan ni Armand Romanov sa mga trabaho dahil tapat sa Hive. Kung ituring nga ito ng Big Boss ay higit pa sa sariling anak nitong problema pa rin nila hanggang sa mga oras na iyon.Isang taon na rin matapos manganak ng napangasawa ni Yeshua Romanov, at naging hudyat iyon para magbalik ang prodigal son sa kastilyo nila. Bagay na hindi na naalmahan pa ni Amy kahi