Share

Chapter 3

last update Terakhir Diperbarui: 2022-01-14 22:30:39

Dalawang panunumpa pa lang ang nasasaksihan ni Amy mula nang mailuklok siya bilang isang Resident Head. Mabilis lang ang panunumpa, magbabanggit lang nang ilang salita ng katapatan sa Hive’s Tenet at pag-uusapan na ang tungkol sa magiging trabaho. Naalala niya noong nanumpa siya. Mabigat pa ang loob niya ngunit sinabi na lang ni Joon Yi na huwag siyang mag-alala dahil hindi naman siya mag-iisa sa trabaho.

Kompleto na sa wakas ang dalawampung Resident Heads sa mahabang mesa sa Oval Meeting Room. Nakahanda sa mga likuran nila ang mga headmaster ng bawat Resident Head at ang Royal Headmaster na magpapasinaya ng panunumpa ni Xang Yao Feng bilang bagong halal na Resident Head.

Wala namang pakialam si Amy kung gaano na sila karami sa mesang iyon dahil karamihan ng naroon ay bahagi ng pamilya. Naroon ang mag-amang Romanov. Naroon ang sana ay mapapangasawa niya maliban pa kay Yeshua Romanov, si Archail at ang ama nitong Radley. Naroon din ang mag-amang Lee, pamilya ng dati niyang asawa. Naroon din ang mag-inang Madame Xang at Lady Xang. Nasa magkabila silang dulo ng amang Iris na matalik ding kaibigan ni Armand Romanov.

Hindi niya talaga lubos na mauunawaan kung bakit nila kailangang magtrabaho para sa Golden Hive maliban sa pera at mahahalagang transaksyon na kinasasangkutan ng bawat pamilya.

Bihirang makinig si Amy ng meeting, sa Oval Meeting Room man o sa Order's Long Table. Ngunit hindi naman niya binabalewala ang mga usapan. Hindi lang talaga siya interesadong makisawsaw.

Nakasanayan nang katabi niya si Joon Yi sa mesa magbuhat nang mailuklok silang dalawa sa posisyon. Kung noon ay nakatayo lang ito sa likuran ni Lee Joon-Ho bilang Headmaster, ngayon ay isa na ito sa mga Resident Head. At walang kumuwestiyon niyon dahil wala pa mang dalawang buwan ay pinatunayan na ni Joon Yi na karapat-dapat siyang mapabilang sa mesang iyon.

"Ihahatid ka ni Rio sa iyong opisina mamaya, Lady Xang," nakangiting paalala ng Big Boss sa bagong miyembro nila. "Iisa-isahin niya ang mga trabaho mo rito sa Golden Hive."

"Maraming salamat, Lord Armand," mahinhing tugon ni Lady Xang at napatingin kay Joon Yi. "Natutuwa ako dahil mainit ang naging pagtanggap sa akin dito sa Golden Hive."

Napangiwi naman si Amy at napatingin sa mukha ni Lady Xang dahil kung makapagsalita ito ay parang langit ang napasukan nila. Hindi naiwasang mahagip ng mata niya ang ibaba at nakitang hinihimas na ng kamay nito ang hita ni Joon Yi.

"How dare you!" biglang sigaw ni Amy sabay hampas sa kamay ni Lady Xang.

Nagitla ang lahat dahil parang pusang kinanti si Amy na umatake sa katabi niya. Maging si Joon Yi ay pinandilatan siya ng mata habang nakatitig sa mukha niyang nasa harapan din nito.

"Ang kapal naman ng mukha mo," walang patumanggang sinabi ni Amy kahit na mahinahon na ang boses habang nakatitig na puno ng panlilibak sa mukha ng bagong miyembro nila.

"Amy!" sermon ng mga nakatatanda roon.

Nanatiling nakaawang ang bibig ni Lady Xang habang sapo-sapo ang kamay niyang namumula na gawa ng lakas ng palo ni Amy.

"Kilala mo ba kung sino ang hinahawakan mo, hmm?" puno ng pagbabantang tanong ni Amy.

"Amy? What the hell are you doing?" pabulong nang sermon ni Joon Yi habang inilalayo si Amy pabalik sa upuan nito.

Ngunit hindi nagpatinag si Amy at hindi tinantanan ng matalim na tingin si Lady Xang. "Don't you dare do that again," pagbabanta niya habang dinuduro ito.

"Amanda!" malakas nang pag-awat ni Joon Yi at ibinababa na ang kamay ng katabi.

"Bitiwan mo nga ako!" naiinis na utos ni Amy at tinabig ang kamay ni Joon Yi na umaawat sa kanya. Padabog siyang tumayo at dinuro na naman si Lady Xang na hindi na nakapagsalita pa dahil sa gulat. "That will be my first and last warning for you."

At walang paa-paalam siyang lumabas ng meeting room habang iniwan ang mga nasa mesang iyon nagtataka at nagulat din kung ano ba ang nangyari sa kanya.

***

Isa sa mga sundalo ng guild si Joon Yi, at alam niyang wala itong itinuturing na kakampi o kaaway. Hindi rin naman ito maituturing na kakampi, pero mas mabuti nang huwag itong maging kaaway.

Natatandaan ni Amy noong inalok niya ito ng kasal. At malinaw rin sa alaala niya kung makailang beses siya nitong tinanggihan. Ngunit isang gabi lang ang kinailangan para magbago ang lahat, at hindi pa man natatapos ang araw matapos siyang tanggihan nito ay ikinasal na sila.

Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. At imposible rin para sa kanya ang malaman iyon dahil hindi ito ang tipo ng taong gustong binabasa ng iba. Ikinasal nga silang hindi siya nito tinatapunan ng tingin. Aminado naman siyang nainsulto siya roon dahil hindi niya mabasa sa mga mata nito na gusto nitong magpakasal sa kanya. At kung siya rin naman ang nasa kalagayan nito, napipilitan lang din naman siya.

Pero magkaibigan naman sila. Siguro.

Alam ni Amy na gumawa siya ng eskandalo sa Oval, at hindi na niya dedepensahan iyon. Sa dami ng nakasaksi roon, paano pa niya ipaglalaban ang panig niya?

Malawak ang hardin ng Golden Hive, lalo na sa Matriarca, maupo lang siya roon sa gazebo, kahit paano'y gumagaan na ang lahat. Mahirap para sa kanya ang kalagayan niya dahil pilit pa ring binubuhay ng angkan niya ang bumagsak nilang monarkiya. Hindi na nga siya natatawag na prinsesa kundi isa na lang sa may mataas na antas, kung hindi man sa pinakamataas. Kaya naiinis siya na kailangan niyang magkaroon ng anak upang manumbalik ang pagdaloy ng kapangyarihan sa namamatay na nilang angkan.

"Huwag kang papasok sa loob ng Golden Hive, pagagalitan ka ng daddy mo."

Pag-angat ng tingin ni Amy, sinundan lang niya ng tingin si Yeshua na tumabi sa kanya at nakitunghod din.

"You're 27 already, Amy. You know what's wrong and what's right," sabi ng lalaki.

Sa isip ni Amy, binubugbog na niya ito hanggang malumpo ito. Tatlong taon na ang nakalilipas pero hindi pa rin niya nakakalimutan ang araw na pumunta siya sa kasal nito at hindi siya ang bride.

"Alam mo, kasalanan mo ito," naiinis na sinabi ni Amy.

"Alam ko naman," nakangusong sinabi ng lalaki at pinalobo pa ang pisngi pagkatapos. Pasulyap-sulyap siya kay Amy at halatang naiilang itong tingnan.

"Mukhang friendly naman si Yao Feng."

"Shut the fvck up!" singhal ni Amy dahil isa pa si Yeshua na papanig dito.

"Oy, easy! Hindi ako lalaban!" Nagtaas agad ito ng magkabilang kamay para sumuko na agad sa wala pa mang away nila. "Sinasabi ko lang na . . ." Hindi na nito itinuloy dahil kung nakakasunog lang ang tingin ni Amy, malamang na kanina pa ito nagliliyab. "Si Daddy ang nag-sorry sa ginawa mo kanina."

Napairap si Amy. "Hindi kailangang mag-sorry ng Big Boss. Bakit siya magso-sorry? Kung ako ngang gumawa niyon, hindi naman nagsisisi."

"Sinabi ni Daddy na ayaw mo raw nang pinakikialaman ang pagmamay-ari mo. Pinagalitan din niya si Yao Feng."

"Stop calling her Yao Feng! Close ba kayo?"

"Ano'ng itatawag ko sa kanya, pangalan niya iyon?"

"Alam mo, galit pa rin ako sa iyo kasi iniwan mo ako sa ere. Ikaw at iyang mga kasinungalingan mo!" Panay ang dutdot ni Amy sa sentido ni Yeshua para lang pagalitan ito. At alam naman ni Yeshua na kulang pa iyon para makontento lang si Amy kaya tinatanggap niya ang lahat dahil tingin niya ay karapat-dapat naman sa kanya ang galit nito. Ang panduduro nito ay umabot na sa sapok at palo. Panay lang ang mura sa kanya ni Amy na sinasalag na lang niya para hindi siya bumalik sa kastilyo na puro kalmot sa mukha.

"Kasalanan mong lahat ng ito! Buwisit ka talaga! Napakapaasa mo kahit kailan!"

Patuloy lang sa pagsalag ng palo si Yeshua at pag-angat niya ng tingin ay nakita niya si Joon Yi na nakapamulsa sa likuran ng gazebo at mukhang pinanonood lang siyang bugbugin ni Amy. Napapailing na lang ito sa kanila.

"Joon Yi, help!" sigaw ni Yeshua habang inaabot ang kamay sa kaibigan.

Mabilis ang paglingon ni Amy sa direksyon na tinitignan ni Yeshua para hanapin ang dati niyang asawa pero kahit na anong lingon niya ay hindi niya ito nakita roon.

"YESHUA!" malakas na sigaw ni Amy at dumoble pa ang lakas ng hambalos niya sa lalaki dahil gumawa pa ito ng paraan para tantanan lang niya.

"Amanda, ayoko na! Tama na! Tama na!"

Hindi matandaan ng mga taga-Golden Hive kung kailan ba—mula nang makabalik si Yeshua Romanov sa kastilyo nila—na hindi ito nakatikim ng galit ni Amy. Isang taon na rin, at bibihira ang araw na irap lang ang natatamo nito sa babae.

Itinuturing nilang prinsesa si Amy, sa paraan at pananaw nila, kahit pa hindi prinsesa ang tingin niya sa sarili. Laging nagse-self pity si Amy. Tinatanong sa lahat kung ano ang pagkukulang niya. At nadagdagan na naman ang pagse-self pity niya dahil kailangan niya ng anak at maging ang pagpili ng magiging ama niyon ay poproblemahin pa niya.

Kaiba sa Downtown ang tahanan niya sa Golden Hive. Sa Downtown, para siyang daga na nakatira sa maliit na lungga. Sa Golden Hive, limang beses ang laki ng silid sa apartment niya. At dumadalas ang pagtambay niya sa may ilalim ng bintana habang naghahasa ng kutsilyo. Patay ang lahat ng ilaw, tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing tanglaw niya sa gabi.

Naaawa siya sa sarili niya kapag nasa Golden Hive siya. Pakiramdam niya, wala siyang halaga roon kumpara sa labas na hindi siya nauubusan ng misyon. Doon, magbabasa lang siya, makikipagdebate, pagkatapos iyon na. Sa labas, hindi matatapos ang araw niya nang hindi siya nasusugatan.

Napaangat siya ng tingin nang marinig na bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Tuloy-tuloy na pumasok si Joon Yi at halatang alam na kung saan siya hahanapin dahil sa direksyon niya agad ang tingin nito.

Walang reaksyon siyang nagpatuloy sa paghasa ng kutsilyo.

"Alam mo pa ba kung ano'ng ginagawa mo, Amy?" pambungad nito sa kanya.

Walang isinagot si Amy. Galit pa rin siya rito. Iniisip niyang bakit ito pumapayag na hawak-hawakan lang ng kung sino-sino samantalang siya, ni hindi nga ito matapik kahit sa balikat lang.

"Pinaiiral mo na naman ang katigasan ng ulo mo, Amy. Alam mong ayokong gumagawa ka ng problema, hindi ba?"

Nagbingi-bingihan na naman si Amy.

"Tingin mo ba, nakikipagbiruan ako sa iyo?" Mahahalata na sa tinig ni Joon Yi na nagagalit na nga talaga ito. Na hindi rin naman bago kay Amy dahil araw-araw naman siya nitong pinagagalitan sa lahat ng bagay.

"Hayaan mo na lang kasi akong mamatay!" galit ding sigaw ni Amy. "Kung mamamatay ako ngayon, e di tapos na ang problema nating pareho!"

Naiiritang napakamot ng ulo si Joon Yi at bakas na bakas sa mukha nitong gusto na nitong manakit. "Amy, ano na naman ba ito?"

Walang ano-ano'y biglang tinusok ni Amy ang kutsilyo sa kaliwang braso niya at hiniwa iyon.

"Amy!"

Tumilapon lang sa carpeted na sahig ang kutsilyo at nakita na lang ni Amy ang sarili niyang nakatayo na at pinalilisikan ng mata ni Joon Yi. "Nababaliw ka na bang talaga, ha? Ha!"

Walang buhay ang mga mata ni Amy habang nakatingin sa mukha ng lalaking abala sa pagbalot sa duguan niyang braso gamit ang panyo nitong hinugot sa suot na itim na suit.

Hindi na mabilang ni Amy kung ilang beses na siyang ginamot ni Joon Yi. Hindi rin niya mabilang kung ilang beses siya nitong pinagalitan dahil sa mga sugat na iyon. At hindi pa man tapos ang gabing iyon, nakatikim na naman siya ng sermon dito.

"Ilang sugat pa ba ang ibibigay mo diyan sa katawan mo?" sarkastikong sinabi ni Joon Yi habang nanonood na bendahan si Amy ng nurse mula pa sa medical facility ng mga Romanov.

Balisa lang si Amy, tulala sa harapan, kanina pa hindi sumasagot.

"Amy, hindi nagustuhan ng Elders ang inasal mo kanina kay Lady Xang."

"Pakialam ko?"

"Ano ba'ng nangyayari sa iyo at nagkakaganyan ka?"

Tumungo ang nurse na nag-aasikaso kay Amy at kinuha na ang mga gamit nito saka umalis sa silid. Imbes na sumagot sa tanong ng lalaki, humiga na lang sa kama si Amy at namaluktot.

Kung siya ang tatanungin, hindi rin niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Basta, naiinis lang siya. At kapag naiinis siya, gusto na lang niyang manakit o saktan ang sarili.

Napabuntonghininga na lang si Joon Yi dahil tingin niya ay inaatake na naman ng sakit niya si Amy. Nagkrus lang siya ng mga braso at pinagmasdan itong mabuti.

"Is it about that issue of having a kid?" tanong ni Joon Yi sa mas mahinahon nang tinig. "I already told you that my father won't allow me to have a child. You think, coincidence lang na hinulaan akong mamamatay dahil sa magiging anak ko at may sumpa ang pamilya mong kayo ang papatay sa mga lalaking mapapalapit sa buhay ninyo?"

Nanatiling balisa si Amy. Pero ang mas ikinainit ng ulo ni Joon Yi ay ang ginawa nitong paghawak sa sariwa pang sugat nitong nabendahan na at ibinaon doon ang mga kuko.

"Amy, ano ba?" Kinuha na ng lalaki ang kamay ni Amy paa pigilan ito sa pananakit sa sarili. Umupo siya sa tabi nito at buong puwersa itong ibinangon. "Look at me and tell me what's the problem."

Tinulalaan lang siya ni Amy.

Napapikit na lang si Joon Yi at humugot ng hininga na animo'y sa hangin makukuha ang lahat ng pasensiyang kaya niyang ipunin sa sarili.

"Hayaan mo na lang akong mamatay," sagot ni Amy at akma na sanang babalik sa pagkakahiga pero inawat niya.

"We'll get your medicine." Inakay niya si Amy patayo at niyakap sa tagiliran para dalhin sa medical facility.

Isa ang mga ganoong gabi sa ikinadidismaya ni Joon Yi sa lahat ng mga nasa Golden Hive dahil siya lang ang tunay na nakakaalam ng kalagayan ni Amy at ng mga nangyayari rito kapag nakatalikod silang lahat.

Bab terkait

  • The Iris’ Cursed Child   Chapter 1

    “Puwede ba tayong mag-usap kahit saglit lang? I mean . . .”Itinuro ng lalaki ang loob ng bahay niya. “Come in.”Wala sa bokabularyo ni Amy na alukin si Joon Yi ng mga ganoong klaseng usapan. Pero matagal-tagal na rin ang pinagsamahan nila. Three years ago nang ikasal sila nang biglaan, after a year, nag-divorce din sila. Nawala man ang pagiging mag-asawa, nanatili naman silang magkaibigan. At hindi rin nila iyon inasahan.Isa si Joon Yi sa mga tao sa Golden Hive na nakatira sa napakaraming bahay at bihirang magtagal sa iisang lugar lang. Isa sa pinaka-busy, isa sa pinagkakatiwalan ni Armand Romanov sa mga trabaho dahil tapat sa Hive. Kung ituring nga ito ng Big Boss ay higit pa sa sariling anak nitong problema pa rin nila hanggang sa mga oras na iyon.Isang taon na rin matapos manganak ng napangasawa ni Yeshua Romanov, at naging hudyat iyon para magbalik ang prodigal son sa kastilyo nila. Bagay na hindi na naalmahan pa ni Amy kahi

    Terakhir Diperbarui : 2022-01-14
  • The Iris’ Cursed Child   Chapter 2

    Matagal nang hindi kumakain ng almusal si Amy, pero magbuhat nang tumira siya sa Romanov’s Castle, kinailangan na niyang sumabay sa agahan kasama ang dalawa sa pinakakinaiinisan niyang mga lalaki sa mundo.Malawak ang dining hall sa kastilyo. Pantatlumpung tao ang mahabang mesa at kasalukuyang inookupa iyon ng apat na tao. Lalo tuloy nawawalan ng gana si Amy dahil ang naroon ay ang ex-husband niya, ang ex-fiancé niya, at ang taong dahilan kung bakit siya napunta sa lugar kung nasaan siya nag-aalmusal.“Ayaw mo ng food?” tanong ni Yeshua Romanov sa kanya, na inirapan lang niya dahil hindi lang pagkain ang ayaw niya kundi lahat ng nasa paligid niya. Ilang linggo na silang magkasama sa Golden Hive, at wala namang sumisisi sa kanya kung lagi niya itong napag-iinitan matapos siya nitong paasahin sa sana ay kasal nila.“Amanda, bihira lang kitang makasabay sa agahan. Mukhang hindi mo pa mauubos ang pagkain mo,” maagang sermon sa ka

    Terakhir Diperbarui : 2022-01-14

Bab terbaru

  • The Iris’ Cursed Child   Chapter 3

    Dalawang panunumpa pa lang ang nasasaksihan ni Amy mula nang mailuklok siya bilang isang Resident Head. Mabilis lang ang panunumpa, magbabanggit lang nang ilang salita ng katapatan sa Hive’s Tenet at pag-uusapan na ang tungkol sa magiging trabaho. Naalala niya noong nanumpa siya. Mabigat pa ang loob niya ngunit sinabi na lang ni Joon Yi na huwag siyang mag-alala dahil hindi naman siya mag-iisa sa trabaho.Kompleto na sa wakas ang dalawampung Resident Heads sa mahabang mesa sa Oval Meeting Room. Nakahanda sa mga likuran nila ang mga headmaster ng bawat Resident Head at ang Royal Headmaster na magpapasinaya ng panunumpa ni Xang Yao Feng bilang bagong halal na Resident Head.Wala namang pakialam si Amy kung gaano na sila karami sa mesang iyon dahil karamihan ng naroon ay bahagi ng pamilya. Naroon ang mag-amang Romanov. Naroon ang sana ay mapapangasawa niya maliban pa kay Yeshua Romanov, si Archail at ang ama nitong Radley. Naroon din ang mag-amang Lee, pamilya ng da

  • The Iris’ Cursed Child   Chapter 2

    Matagal nang hindi kumakain ng almusal si Amy, pero magbuhat nang tumira siya sa Romanov’s Castle, kinailangan na niyang sumabay sa agahan kasama ang dalawa sa pinakakinaiinisan niyang mga lalaki sa mundo.Malawak ang dining hall sa kastilyo. Pantatlumpung tao ang mahabang mesa at kasalukuyang inookupa iyon ng apat na tao. Lalo tuloy nawawalan ng gana si Amy dahil ang naroon ay ang ex-husband niya, ang ex-fiancé niya, at ang taong dahilan kung bakit siya napunta sa lugar kung nasaan siya nag-aalmusal.“Ayaw mo ng food?” tanong ni Yeshua Romanov sa kanya, na inirapan lang niya dahil hindi lang pagkain ang ayaw niya kundi lahat ng nasa paligid niya. Ilang linggo na silang magkasama sa Golden Hive, at wala namang sumisisi sa kanya kung lagi niya itong napag-iinitan matapos siya nitong paasahin sa sana ay kasal nila.“Amanda, bihira lang kitang makasabay sa agahan. Mukhang hindi mo pa mauubos ang pagkain mo,” maagang sermon sa ka

  • The Iris’ Cursed Child   Chapter 1

    “Puwede ba tayong mag-usap kahit saglit lang? I mean . . .”Itinuro ng lalaki ang loob ng bahay niya. “Come in.”Wala sa bokabularyo ni Amy na alukin si Joon Yi ng mga ganoong klaseng usapan. Pero matagal-tagal na rin ang pinagsamahan nila. Three years ago nang ikasal sila nang biglaan, after a year, nag-divorce din sila. Nawala man ang pagiging mag-asawa, nanatili naman silang magkaibigan. At hindi rin nila iyon inasahan.Isa si Joon Yi sa mga tao sa Golden Hive na nakatira sa napakaraming bahay at bihirang magtagal sa iisang lugar lang. Isa sa pinaka-busy, isa sa pinagkakatiwalan ni Armand Romanov sa mga trabaho dahil tapat sa Hive. Kung ituring nga ito ng Big Boss ay higit pa sa sariling anak nitong problema pa rin nila hanggang sa mga oras na iyon.Isang taon na rin matapos manganak ng napangasawa ni Yeshua Romanov, at naging hudyat iyon para magbalik ang prodigal son sa kastilyo nila. Bagay na hindi na naalmahan pa ni Amy kahi

DMCA.com Protection Status