“Puwede ba tayong mag-usap kahit saglit lang? I mean . . .”
Itinuro ng lalaki ang loob ng bahay niya. “Come in.”
Wala sa bokabularyo ni Amy na alukin si Joon Yi ng mga ganoong klaseng usapan. Pero matagal-tagal na rin ang pinagsamahan nila. Three years ago nang ikasal sila nang biglaan, after a year, nag-divorce din sila. Nawala man ang pagiging mag-asawa, nanatili naman silang magkaibigan. At hindi rin nila iyon inasahan.
Isa si Joon Yi sa mga tao sa Golden Hive na nakatira sa napakaraming bahay at bihirang magtagal sa iisang lugar lang. Isa sa pinaka-busy, isa sa pinagkakatiwalan ni Armand Romanov sa mga trabaho dahil tapat sa Hive. Kung ituring nga ito ng Big Boss ay higit pa sa sariling anak nitong problema pa rin nila hanggang sa mga oras na iyon.
Isang taon na rin matapos manganak ng napangasawa ni Yeshua Romanov, at naging hudyat iyon para magbalik ang prodigal son sa kastilyo nila. Bagay na hindi na naalmahan pa ni Amy kahit na ang ibig sabihin din niyon ay magkakasama ulit sila ng lalaking dapat ay pakakasalan niya ngunit nagpakasal naman sa iba.
“Believe me, I already know you’re in big trouble kapag nadadaan ka rito sa bahay ko,” sabi ni Joon Yi at inabutan si Amy ng isang can ng beer habang nakatanaw sila sa makapigil-hiningang night city view sa tuktok ng burol ng Kingsland. Maganda ang view sa balcony ng second floor ng bahay ni Joon Yi, magandang tumambay roon dahil malamig ang daan ng hangin habang nakatanaw sa mga ilaw sa siyudad sa di-kalayuan ng hilltop.
“Akala ko, dadaan ka sa castle kanina,” sabi ni Amy at humigop nang kaunti sa inumin niya.
“Bukas na lang. Sasabay ako sa breakfast ng Big Boss.” Sinulyapang saglit ni Joon Yi ang katabi. “Balita ko, ilang beses kang hinarang ni Yeshua kanina.” Nagpalit ng puwesto si Joon Yi at sumandal sa balustrada ng balkonahe.
“Siya ba ang nagsabi sa iyo?” tanong ni Amy at tiningnan si Joon Yi habang umiinom.
“Inaasahan mo bang siya nga?” sagot ng lalaki at halos kalahatiin ang inumin niya.
Natawa nang mahina si Amy at napailing nang isang beses. “Ang daldal niya, paanong hindi ko aasahan?”
Nanatili ang katahimikan sa pagitan nila sa loob ng ilang minuto bago muling binasag ni Amy ang katahimikang namamayani sa kanila.
“Sabi ni Yeshua, unfair daw ako,” sabi ni Amy at tinitigan ang mukha ng katabi.
“Unfair saan?”
“Kasi nagpakasal ako sa iyo kahit hindi naman talaga kita mahal.” Humugot ng malalim na hininga si Amy at dahan-dahang ibinuga habang nakatingin sa nagkikislapang ilaw sa ibaba nila. “Binanggit din iyon ni Yeshua. Na naging selfish ako kasi ginamit lang kita para iligtas ang sarili ko.”
“Hindi mo na dapat iniisip ang mga bagay na hindi mo naman dapat pinoproblema.” Inubos na ni Joon Yi ang iniinom at parang papel na nilukot nang walang kahirap-hirap ang can na hawak. Ibinalibag lang niya iyon sa trash bin na nasa sulok ng balcony at binalingan na naman si Amy.
“Lagi mo na lang sinasabi iyan. Kung puwede lang na hindi isipin, hindi ko talaga iisipin. Pero problema ko nga kasi. What do you want me to do?”
“Why are bothered? Because you marry me when it’s convenient?” nanghahamong tanong ni Joon Yi.
Biglang natulala si Amy at napatitig sa nakahayag na d****b ni Joon Yi. Makisig ang pangangatawan nito kahit nababalutan ng mga marka. May tattoo ito ng malaking leon na nasa ulap sa likod, mga Chinese character sa braso, bihira nga niya itong makitang may pang-itaas. Kumpara kay Yeshua Romanov, hindi ito magara kung magbihis. Mas lamang ang pagsusuot ng komportable kaysa pagsusuot ng mamahaling damit. Malayong-malayo ito sa matalik nitong kaibigan.
Kung aalisin ang katotohanang nagtatrabaho para pumaslang si Joon Yi, paniguradong makahahanap ito ng babaeng hindi ito tatanggihan. Ang kaso nga lang, iyon din ang problema. Hindi masiyahin ang lalaki, sarkastiko kung tumawa, ngingiti lang kung may nagagawang hindi maganda. Nakikita lang niya itong masaya kapag may nagagawa itong karumal-dumal na bagay. At nakasanayan na niya ang lahat ng iyon sa nakalipas na dalawang taon nilang pagsasama, hindi lang bilang mag-asawa kundi bilang magkasama sa mga trabaho.
“Kukunin ng Big Boss ang anak ni Yeshua pagkalipas ng limang taon,” sabi ni Amy.
“Natural lang dahil pinili niyang huwag dalhin sa Golden Hive ang bata.”
“Dinala ni Archail ang panganay niya sa Big Boss kanina para ipakilala. Mukhang matalino si Lyon, mapakikinabangan ng guild balang-araw.”
“Pero mahihirapan ang guild sa desisyon. Matalino si Lyon, marami siyang makakaalitan sa paraan ng pagpapalaki ng mga Radley sa kanya.”
Matapos iyon ay namayani na naman ang katahimikan sa pagitan nila.
Madalas silang ganoon, saglit na mag-uusap. Tatahimik. Madalas, hanggang doon na lang. Maraming gustong sabihin pero mas pinipili na lang na manahimik at tumanaw sa malayo.
Ilang minuto rin ang lumipas, naubos na ni Amy ang iniinom niya pero hindi na inabala ang sariling itapon agad ang blangkong lata.
“Nagtanong si Yeshua . . .” ani Amy na sinadyang putulin ang sinasabi.
“Tungkol saan?” tanong ni Joon Yi na nakitanaw na lang din sa city view habang inaasahan na ang magiging katayuan niya sa usapang iyon. Nandoon lang siya para makinig sa maraming tanong at katahimikan ni Amy.
“Tinanong niya ako kung galit pa rin ba ako sa kanya kahit iniwan niya ako.”
“Sinabi mo bang hindi ka na galit?” tugon nito na ikinasimangot ni Amy.
“Bakit ba pinangunguhan mo ako?” naiinis na singhal ni Amy at ibinato na rin sa trash bin ang latang walang laman.
“Bakit, hindi ba?”
Umirap lang si Amy at ibinalik ang tingin sa mga ilaw sa harapan. Unti-unti, pinawi niyon ang lukot sa kanyang mukha. At bumalik na naman ang katahimikan.
Maraming nais sabihin si Amy, ngunit walang lumalabas na pulidong ideya mula sa kanya. Lagi silang natatahimik, at hindi rin naman likas kay Joon Yi ang magtanong pagdating sa mga personal na bagay.
Pero nang lumaon, mas gusto na lang niyang naroon sa baya nito kahit tahimik lang sila. Sa sobrang dami nilang ginagawa sa Golden Hive, doon lang sila natatahimik na dalawa.
“Nagsisisi ka bang pinakasalan mo ako?” tanong ni Amy habang nakatingin sa malayo.
“Ano na namang sinabi sa iyo ni Yeshua para mag-isip ka nang ganyan?”
Napairap na naman si Amy dahil oo o hindi lang ang sagot sa tanong niya pero kung saan-saan pa dinadala ni Joon Yi ang usapan. “Tinatanong ko lang kung nagsisisi ka.”
“Divorced na tayo, hindi ba? Dapat tinanong mo iyan sa akin noong kasal pa tayo.”
Umirap ulit si Amy dahil hindi talaga niya alam kung paano kakausapin si Joon Yi nang hindi siya napipikon. “I’m just asking you. Puwede namang sabihing oo, bakit pinalalawig mo pa?”
“Noong pinaslang ko ang angkan ng ina ko, tingin mo ba, pinagsisisihan ko iyon?”
Sumimangot na naman si Amy. “Ibang kaso naman ang tungkol diyan. Desisyon mong patayin ang angkan ninyo.”
“At tingin mo, hindi ko desisyong pakasalan ka?”
Napairap na naman si Amy naiinis na siyang kausap si Joon Yi. Oo o hindi lang ang gusto niyang sagot pero wala siyang nakuha ni isa sa dalawa.
“Sabihin mo na kasing nilalamon ka ng insecurity dahil kay Yeshua Romanov,” pang-asar nito.
“At bakit naman ako lalamunin ng insecurity?” mataray niyang tanong dito.
“Dahil hindi ka niya pinili kahit na pinili mo siya.”
“Pinili ko ba siya?”
“Alam mong hindi ako magtatanong sa iyo kung mahal mo siya kasi alam kong totoo iyon, piliin mo man siya o hindi.”
Napairap na naman si Amy at natahimik na lang nang tanawin ang malayo. At namagitan na naman sa kanila ang katahimikan. Umalis na lang doon si Joon Yi at iniwan siyang mag-isa.
Iniisip niya ang huling litanyang iyon ng lalaking pinakasalan niya—at kinailangang hiwalayan dahil sa napasong kontrata.
Nasilayan ang matipid na ngiti sa kanya nang maisip na hindi na siya nasasaktan sa tanong na iyon kung mahal pa ba niya ang lalaking sumira ng lahat ng masasayang pangarap niya. O marahil ay dahil tanggap na niyang wala talagang masayang pangarap para sa mga gaya nilang nabubuhay sa masasamang bangungot.
“Huwag mo na lang isipin kung hindi naman dapat problemahin.” Iyon na naman si Joon Yi sa linya nito sa kanya. Napalingon siya sa kanang gilid nang isampay nito ang isang makapal na bathrobe sa balikat niya. “Makikita at makikita mo si Yeshua sa Golden Hive at wala ka nang magagawa roon. Lalo pa ngayong epektibo na ang kasunduan ng pamilya.”
“Paano kung mahal ko pa rin siya?” tanong ni Amy habang nakatitig sa mukha ni Joon Yi na bumalik sa pagtanaw nito sa malayo.
“Malaya ka namang mahalin siya ngayon. Iyon nga lang, hindi ka malayang makasama siya nang higit pa sa inaasahan mo.”
“Hindi ka kahit kailan nagalit sa akin dahil kay Yeshua?”
“Nagagalit ako dahil gusto mong mawala rito sa mundo dahil sa kanya habang pinipilit kong mabuhay ka.”
Tumiim ang pagkakatikom ng bibig ni Amy dahil sa sinabi ni Joon Yi. Nadama niya ang bigat ng salita nito. At ang mas nagpabigat sa lahat ay ang katotohanang nagmula ang salitang iyon sa isang sanay na sanay pumatay ng maraming tao. Naisip niyang gaano ba kabigat na responsabilidad sa isang mamamaslang ng maraming buhay ang magligtas araw-araw ng isa?
“Iniisip mo bang mabibigo mo si Yeshua kapag namatay ako?” nalulungkot na tanong ni Amy habang nakatungo at nakatitig sa magkasalikop na mga kamay sa barandilya.
“Labas si Yeshua sa lahat ng iniisip ko. Tandaan mong sa iyo umiikot ang buhay ko at hindi sa ibang tao.”
Tila ba pinagbarahan ang lalamunan ni Amy nang marinig iyon sa lalaki. Ni hindi siya nakapagsalita, tinitigan lang ito nang mabuti kung tunay ba ang narinig niya mula rito.
“Hinahanapan ka na nila ng anak. Kailangan mong magbigay kahit isang babaeng anak para sa panig mo,” paalala ni Joon Yi sa kanya.
Natawa nang mapait si Amy at napasapo ng noo. “Naiinis ako kapag naiisip ko ang tungkol diyan. Iyan pa naman ang ipinunta ko rito ngayon.”
“Huwag kang mag-alala, hahanapan kita ng magiging ama ng anak mo.”
“Gusto ko sanang ikaw.”
Nauna nang nagsalubong ang kilay ni Joon Yi bago ang tingin nila ni Amy.
“Alam mo ang dahilan kung bakit hindi puwedeng ako,” sermon ng lalaki. “Pinal na ang desisyon ko. Hahanapan kita ng lalaking magiging ama ng anak mo.”
Napangiwi si Amy dahil doon. “Hindi ito job position na nangangailangan ng tamang aplikante. Kailangan ko lang magkaroon ng anak sa iyo.”
“Kailangan mong magkaroon ng anak. Iyon lang,” mabilis na tugon ni Joon Yi na halatang hindi gusto ang ideya. “Naisalba na kita sa mga Radley. Hanggang doon lang ang magagawa ko. Hindi ko kailangan ng anak.” Tinaasan lang siya ng kilay ni Amy bilang tugon saka ito nagkrus ng mga braso. “Kung kinukulit ka na ng daddy mo, maghanda ka para bukas. Hahanapan kita ng magiging ama ng anak mo. Basta, hindi puwedeng ako.”
Matagal nang hindi kumakain ng almusal si Amy, pero magbuhat nang tumira siya sa Romanov’s Castle, kinailangan na niyang sumabay sa agahan kasama ang dalawa sa pinakakinaiinisan niyang mga lalaki sa mundo.Malawak ang dining hall sa kastilyo. Pantatlumpung tao ang mahabang mesa at kasalukuyang inookupa iyon ng apat na tao. Lalo tuloy nawawalan ng gana si Amy dahil ang naroon ay ang ex-husband niya, ang ex-fiancé niya, at ang taong dahilan kung bakit siya napunta sa lugar kung nasaan siya nag-aalmusal.“Ayaw mo ng food?” tanong ni Yeshua Romanov sa kanya, na inirapan lang niya dahil hindi lang pagkain ang ayaw niya kundi lahat ng nasa paligid niya. Ilang linggo na silang magkasama sa Golden Hive, at wala namang sumisisi sa kanya kung lagi niya itong napag-iinitan matapos siya nitong paasahin sa sana ay kasal nila.“Amanda, bihira lang kitang makasabay sa agahan. Mukhang hindi mo pa mauubos ang pagkain mo,” maagang sermon sa ka
Dalawang panunumpa pa lang ang nasasaksihan ni Amy mula nang mailuklok siya bilang isang Resident Head. Mabilis lang ang panunumpa, magbabanggit lang nang ilang salita ng katapatan sa Hive’s Tenet at pag-uusapan na ang tungkol sa magiging trabaho. Naalala niya noong nanumpa siya. Mabigat pa ang loob niya ngunit sinabi na lang ni Joon Yi na huwag siyang mag-alala dahil hindi naman siya mag-iisa sa trabaho.Kompleto na sa wakas ang dalawampung Resident Heads sa mahabang mesa sa Oval Meeting Room. Nakahanda sa mga likuran nila ang mga headmaster ng bawat Resident Head at ang Royal Headmaster na magpapasinaya ng panunumpa ni Xang Yao Feng bilang bagong halal na Resident Head.Wala namang pakialam si Amy kung gaano na sila karami sa mesang iyon dahil karamihan ng naroon ay bahagi ng pamilya. Naroon ang mag-amang Romanov. Naroon ang sana ay mapapangasawa niya maliban pa kay Yeshua Romanov, si Archail at ang ama nitong Radley. Naroon din ang mag-amang Lee, pamilya ng da
Dalawang panunumpa pa lang ang nasasaksihan ni Amy mula nang mailuklok siya bilang isang Resident Head. Mabilis lang ang panunumpa, magbabanggit lang nang ilang salita ng katapatan sa Hive’s Tenet at pag-uusapan na ang tungkol sa magiging trabaho. Naalala niya noong nanumpa siya. Mabigat pa ang loob niya ngunit sinabi na lang ni Joon Yi na huwag siyang mag-alala dahil hindi naman siya mag-iisa sa trabaho.Kompleto na sa wakas ang dalawampung Resident Heads sa mahabang mesa sa Oval Meeting Room. Nakahanda sa mga likuran nila ang mga headmaster ng bawat Resident Head at ang Royal Headmaster na magpapasinaya ng panunumpa ni Xang Yao Feng bilang bagong halal na Resident Head.Wala namang pakialam si Amy kung gaano na sila karami sa mesang iyon dahil karamihan ng naroon ay bahagi ng pamilya. Naroon ang mag-amang Romanov. Naroon ang sana ay mapapangasawa niya maliban pa kay Yeshua Romanov, si Archail at ang ama nitong Radley. Naroon din ang mag-amang Lee, pamilya ng da
Matagal nang hindi kumakain ng almusal si Amy, pero magbuhat nang tumira siya sa Romanov’s Castle, kinailangan na niyang sumabay sa agahan kasama ang dalawa sa pinakakinaiinisan niyang mga lalaki sa mundo.Malawak ang dining hall sa kastilyo. Pantatlumpung tao ang mahabang mesa at kasalukuyang inookupa iyon ng apat na tao. Lalo tuloy nawawalan ng gana si Amy dahil ang naroon ay ang ex-husband niya, ang ex-fiancé niya, at ang taong dahilan kung bakit siya napunta sa lugar kung nasaan siya nag-aalmusal.“Ayaw mo ng food?” tanong ni Yeshua Romanov sa kanya, na inirapan lang niya dahil hindi lang pagkain ang ayaw niya kundi lahat ng nasa paligid niya. Ilang linggo na silang magkasama sa Golden Hive, at wala namang sumisisi sa kanya kung lagi niya itong napag-iinitan matapos siya nitong paasahin sa sana ay kasal nila.“Amanda, bihira lang kitang makasabay sa agahan. Mukhang hindi mo pa mauubos ang pagkain mo,” maagang sermon sa ka
“Puwede ba tayong mag-usap kahit saglit lang? I mean . . .”Itinuro ng lalaki ang loob ng bahay niya. “Come in.”Wala sa bokabularyo ni Amy na alukin si Joon Yi ng mga ganoong klaseng usapan. Pero matagal-tagal na rin ang pinagsamahan nila. Three years ago nang ikasal sila nang biglaan, after a year, nag-divorce din sila. Nawala man ang pagiging mag-asawa, nanatili naman silang magkaibigan. At hindi rin nila iyon inasahan.Isa si Joon Yi sa mga tao sa Golden Hive na nakatira sa napakaraming bahay at bihirang magtagal sa iisang lugar lang. Isa sa pinaka-busy, isa sa pinagkakatiwalan ni Armand Romanov sa mga trabaho dahil tapat sa Hive. Kung ituring nga ito ng Big Boss ay higit pa sa sariling anak nitong problema pa rin nila hanggang sa mga oras na iyon.Isang taon na rin matapos manganak ng napangasawa ni Yeshua Romanov, at naging hudyat iyon para magbalik ang prodigal son sa kastilyo nila. Bagay na hindi na naalmahan pa ni Amy kahi