ILAN SANDALI pa nga ay dumating na din sa wakas si Darcy bago pa man mag kasakitan ng dalawa. "Anong kaguluhan ito?!" Kasunod si Bianca sa kanyang paglakad papunta sa living area. "Itong babaeng to ang nagdadala ng gulo!" Agad na sagot ni Audhrey kasabay ng paglapit sa asawa. "Andito ako para sa karapatan ko!" Sagot naman ni Ingrid na ikina bahala ng husto ni Darcy. "Anong karapatang pinag sasabi mo? Ha? Talaga bang sira na ang ulo mo? Kinain na ata yang utak mo kaya hindi na nagffunction ng maayos." Nag ngangalit ang kalooban ni Audhrey. Hindi niya lubos maisip na tutuntong sa pamamahay niya ang babaing dahilan ng pag aaway at muntik na nilang paghihiwalay na mag asawa. Bumalin si Darcy kay Ingrid upang makuha ito sa mabuting usapan. "What are you doing here? You are not supposed to be here." May pakiusap sa mga titig niya sa babae. Mababatid din sa mababang tono ng boses nito. "And you seriously. talking. politely to her?? Ha? Axell??" Napalunok siya sa may diing
"Anak namin, Madam.." Nakayukong hayag niya. Napatingin ang tatlo sa kanyang gawi. "S-sorry po." 'What is she trying to do?' Tanong sa isip ni Ingrid habang salubong ang mga kilay at taimtim na nakatingin kay Bianca. 'Is this... your way... helping me? Bianca?' Bagay na tumatakbo naman sa isip ni Darcy. Blangko naman ang kay Audhrey na para bang dinaanan ng bagyo ang utak niya kaya hindi magawang mag isip. Pumikit mata siyang umiling iling saka nagdilat. "What the hell is going on here!?" Pinasadahan niya ng tingin ang lahat. 'You can't do this! You're ruining everything.' Nag uurumintado sa utak ni Ingrid. "Intersex din ako, Audhrey at anak namin ni Ingrid ang dinadala niya." Sa ipinagtapat lalong sumasakit ang ulo ni Audhrey. Paanong nangyari? Kailan nangyari? Hindi naman sila personal na magka kilala diba? Ang daming tanong sa utak niya na kailangan ng agarang sagot. Hindi niya matanggap. Ang kaibigan pa talaga niya sa mortal niyang kaaway? Uwang ang bibig
Naningkit ang mga matang napailing nanaman si Audhrey. "It doesn't make sense." Paanong may mangyayari sa dalawa kung in love si Ingrid sa kanyang asawa. Muling bumalik sa kanyang ala ala ang mga tagpong iyon na lubos niyang nais ibaon sa hukay. Ang araw na nahuli niyang magkasama ang dalawa. Nananatiling fresh lahat ng kaganapan na iyon sa kanyang utak. "Was she playing games with us?" Kunot noong tanong niya sa asawa. Hindi magtugma o umayon ng lahat sa kanyang utak. "What do you mean by that?" Takang tanong naman ni Darcy. Wala siyang ibang naiisip ngayon kundi kung paano kukumbinsihin si Ingrid na manatili sa apartment na kinuha niya para rito. May dahilan na din para si Bianca ang mismong mag alaga rito. Tiwala siya kaysa ibang tao. Anak niya pa din ang dinadala ni Ingrid. **** Walang nagawa si Audhrey kundi hayaan manatili at least isang gabi lang sa pamamahay niya si Ingrid. Samantala sa guest room hindi mapirmi ni Ingrid. Kasisilip pa lang ng haring ar
NANG MAKABALIK ng silid naalala niya ang gabing nagpaka lango siya sa alak dahil hindi magawang suklian ni Darcy ang pagmamahal na meron siya para rito. Isang estrangherong lalaki ang nakatalik niya dahil sa katangahan. Isang araw nagising na lamang siyang bumabaliktad ang sikmura. Sumabay pa ito ng tumawag sa kanya ang kapatid para ibalita ang isa pang dudurog sa kanyang sistema. Hinuli ito ng mga awtoridad. Doon lamang niya nakilala si Nathalia. Isa ito sa nag demanda ng staffa sa kanyang kapatid. Sa laki ng perang nawala rito at sa koneksyun na meron ay hindi ito nagawang malagpasan ng kanyang kapatid. Nakiusap siya kay Nathalia na babayaran ang halagang nawala buhat sa kagagawan ng kanyang kapatid ngunit tila mapaglaro ang tadhana. May tinatagong labis na poot ang mayamang babae sa kaibigan na si Darcy. Sinamantala ni Nathalia ang sitwasyun niya kaya siya napilitang umuwi ng Pilipinas upang simulan ang kondisyun nito para iurong ang demanda sa kanyang kapatid.
Nakiusap si Bianca kay Audhrey na hayaan na muna silang manatili ng Mansion ni Ingrid. Upang maipag patuloy din nito ang kanyang trabaho para suportahan ang mag ina niya. Pansamantala lamang iyon para hindi mapahamak si Ingrid kay Nathalia at palabasin na under control pa din ang sitwasyun. Lingid sa kaalaman ni Ingrid na may isinasagawa na palang hakbang si Darcy upang makawala siya sa trap na kinasadlakan niya kay Nathalia. "Pumayag ako hindi ibig sabihin tanggap ko na ang asawa mo, Bianca. I know hindi ko hawak ang buhay mo, desisyon mo o kung paano ito patakbuhin pero sana maintindihan mo ako kung bakit-" Sandali siyang naudlot sa sasabihin. Napayuko. "Naiintindihan ko, Dhrey..." Si Bianca na ang nagpatuloy. "..Pero sadyang misteryoso ang pag ibig." Humawak siya sa mga kamay nito at pinagtama ang kanilang mga mata. Wala ng nagawa si Audhrey kundi mapabuntong hininga na lamang. Alam niya sa sariling hindi niya ito matitiis. Nangyari na ang nangyari at tanging in
May kung anong humipo sa puso ni Bianca sa narinig. Tila ba nagsilbing musika sa kanyang tenga ang salitang Anak natin. Bago pa siya sakupin ng delusional niyang kaisipan ay maagap niya tong tinapos. "Ano bang mahalaga sayo?" Pinaka titigan niya si Ingrid ng mas makalapit rito dahilan upang likuran na lamang niya ang makita ni Dhrey. "..Ang ego.. pride.. o kapatid mo?!" Naliwanagan ng husto si Ingrid. Tila ba nanumbalik sa kanya ang punot dulo ng lahat kung bakit nasa mahirap siyang sitwasyun. Hindi na siya nagsalita at tumalikod na lamang para iwan ang dalawa. Humarap siya sa kasama matapos. "Sorry ulit. Hindi na mauulit, Dhrey pero kung.." Ang pag galaw ng mga mata nito ang nagpa isip kay Dhrey. "...Hindi ko mapipilit si Ingrid kung tanggihan ka niyang maging ninang ng anak namin.." Sa mga salitang lumabas rito tila ba isang masamang balita ang naging dating sa kanya. "Kaibigan mo ko, Bianca.." Sabi niya dahil hindi niya matanggap na mas importante na kays
Perfect na sana ang umaga ni Dhrey hanggang sa mamataan niya ang asawa kasama si Ingrid sa kusina. Naging punit ang mukha niya sa hindi maunawaang tagpo sa pagitan ng dalawa. Hindi siya agad nagsalita upang malayang obserbahan ang kakaibang ikinikilos ng mga nasa harapan niya, hindi kalayuan. Ni walang naging epekto ang presensya niya sa mga ito. "Sumipa nga!" Naaaliw na turan ni Darcy. Hindi nakaligtas sa paningin ni Audhrey ang nakakayamot na ngiting lumabas kay Ingrid buhat ng naging kagalakan ni Darcy. Lalo na ang palad ng asawa na nasa tiyan pa din ni Ingrid. Nag ngingitngit ang pakiramdam niya ngunit hindi siya maaring mawala sa kanyang postura. Magmumukhang may basihan ang nararamdaman niya kung ipapahalata sa mga ito. Kukunin na sana niya ang atensyun ng mga ito ng maunahan siya. "Kamusta ang tulog mo?" Napalingon siya. Saka lang natauhan ang dalawang abala kanina. Ngumiti siya bago sumagot. "..Totally fine. Ikaw? Kamusta ang gising mo?" Paraan niya yun para iw
Makalipas ang isang linggo ay tumawag kay Darcy ang taong inutusan niyang mag asikaso ng kaso ng kapatid ni Ingrid. Napag alamang walang panalo ito dahil sa lakas ng ebidensya at kabi kabilang gulong kinasankutan. Tanging ang pag urong sa kaso ni Nathalia ang tatapos sa problema nilang lahat. Samantala nakarating kay Nathalia na si Darcy ang nasa likod ng lahat ng tulong na tinatamasa ng kapatid ni Ingrid. Hindi malayong malaman niya ito sa kuneksyun na meron. "I didn't tell her anything. What are you talking about?" Natigilan si Bianca dahil sa narinig. Kasunod ang paghikbi ni Ingrid. Dahan niyang inilapag ang pagkaing dala dahil nag aalala siya sa hindi nito paglabas kaninang umagahan. "Ikaw ba.. Did you tell her?" Maliban sa pamumula ng mata, nasaksihan din ni Bianca ang labis na lungkot. "I trusted you!" Tila ba napatunayan agad niya na tama ang hinala. Si Bianca lang naman ang nakakaalam ng sinapit ng kapatid. "Tutulungan niya tayo." Napailing ng marahas
"No.. I AM SORRY.." Habang patuloy sila sa paglakad palayo. " Sorry dahil nadawit pa Ang pangalan mo." Saka lang nag sink in sa utak niya Ang mga sinabi kanina para pasakitan si Darcy. "What a small world." Nasambit na lamang ni Bettina ng sumagi sa isip na Ang pinaghihigantihan ni Nathalia at asawang tinakbuhan, kinukublian ni Audhrey ay iisang tao lang pala. Kunot noong Napatingin si Audhrey sa kanya. Tila ba nabasa niya Ang nagtatanong nitong tingin. "She's my ex." Mapaklang sagot niya rito. "WHAT??" Hindi makapaniwalang napa kurap kurap si Audhrey. What a small nga talaga. Bakit ganun?! "Mabuti pa mag lunch muna Tayo." Nakangiting Saad niya Kay Audhrey. May napa reserve na siya near the area kaya Hindi na hassle. Tumango ng may mabilis na pag ngiti si Audhrey bago pinaunlakan Ang suggestion nito. Isa pa nagutom Siya bigla sa kaninang naging tagpo. Baka nga kanina pa nagrereklamo ng baby niya. Sa kabilang Banda. "She needs time, Darcy." Hinagod niya Ang likuran nito ha
"She's my fiancee!!" Buong buo niyang hayag sa pagmumukha ni Darcy. Gulat na Napatingin ng taimtim si Bettina Kay Audhrey. Mabibingi ata Ang pakiramdam ni Darcy. "W-what did you say?!" Kumakabog Ang dibdib niyang hinahapo ng paghinga. "Hindi ka Naman siguro bingi. We're engage and will get married after our divorce." It takes a lot of courage to speak those words sound and clear but to Audhrey it just slide out of her lips easily. Ang kabog sa kanyang dibdib ay mas bumilis sa mga narinig Mula sa asawa. "You can't do this to me, Dhrey." Nangingilid Ang mga luhang sambit niya. Ngumisi at ngumiti ng nang uudyo si Audhrey. "Yes I can!" Nagawa nga Siyang lokohin. Wala pa ito sa lahat ng sakit. "No! Hindi Ako makakapayag!" Giit niyang mas humigpit pa Ang pagkabilog ng kanyang mga kamao. "Wala Kang magagawa kung isinusuka na kita!" Mabigat niyang turan. Katumbas nun Ang tila hampas sa kanyang puso. Nagb-bounce din sa kanya Ang bawat salitang masakit na pinaparamdam sa asa
Natigilan Naman si Bettina. Asawa? Siya Ang asawa ni Audhrey? Napasinghap Siya sa Hindi pagka paniwala. Pinaglalaruan ba sila ng Mundo? Hindi naituloy ni Bettina Ang pag akay Kay Audhrey bagkus humarap ito. Eksaktong pagtigil ni Nathalia sa kanang gawi ni Darcy Ang pagkunot ng noo ni Audhrey. Anong ginagawa ng babaing to rito? Magkasama sila? At bakit? Isa ba to sa mga babae niya? Hindi na ba Siya nakuntento talaga? Tinadtad niya ng katanungan Ang sarili. Bumalik sa ala-ala niya Ang unang tagpong Nakita Ang babaing ito. "Ang kapal Naman ng Mukha mong tawagin pa akong asawa." Hindi malakas pero sapat para marinig ni Darcy. Tila ba sampal iyon sa magkabilang pisngi niya. Hindi niya alam kung bakit Ang babaing ito Ang kasama ni Axell at Hindi Ang babaing nabuntis nito. Ganun pa man Hindi ibig sabihin nabago na Ang lahat. Niloko at sinaktan pa din Siya nito. Pinagmukhang Tanga sa sarili at mismong pamamahay. Paanong naatim Gawin sa kanya Yun ng taong sinasabing mahal n
Taas noong prinisinta ni Bettina Ang sarili at Hindi nagpakita ng kahit anumang kahinaan. Ang mga tingin ni Darcy at Nathalia na nanatili sa taong kuha Ang spotlight Ngayon. Hindi maiwasang maikumpara ni Darcy Ang sarili sa babaing kasama ng asawa. Sa tindig nito mapapatunayan mo agad na galing sa prominante at mayamang pamilya. Isa pa'y taglay din nito Ang alindog ng isang dyosa. Ang pananalita ay Puno ng katalinuhan na naaakma sa kanyang personalidad na pinapakita. Aminin man sa Hindi malinaw Kay Darcy na mabigat ngang kalaban ito gaya sa una ng nasabi ni Nathalia sa kanya. Siya mismo ay namangha sa design na ipinakita sa lahat. Isa itong obra, moderno at Ang mga materyales na gagamitin sadyang kalidad at natatangi. Tila ba nabahag Ang kanyang buntot pero Hindi iyon Ang higit na sumasaklob sa kanya. Wala Siyang pakialam kung manalo man ito. Ang asawa niya Ang Hindi dapat mapunta sa taong ito. Agad niyang kukunin Ang asawa at isasama sa kanyang pagbalik ng Pili
—NAG introduction na Ang host ng event. Winelcome at kinongratulate Ang lahat na mapalad mapasama sa pinagkakaguluhan ng majority sa field na ito. Syempre highlights Ang pagpasok ng Queen ng England escort ng kanyang anak na kasalukuyang Prince na susunod sa trono ng yumaong king. Umigting pa Ang liwanag sa main stage, at tutok roon lahat ng atensyun maliban sa isang tao. Sa kabila ng lahat abala Ang isip ni Darcy sa asawa at sa kasama nito. Nakita niya kung Paano Siya alalayan na para bang may matinding koneksyun sa dalawa. Ayaw niyang pangunahan na ito na Ang bago ng asawa. Na may pumalit na sa kanya sa puso ni Audhrey pero Hindi niya maiwasan dahil Malaki Ang posibilidad. Wala pa man ding kumpirmasyun sa agam agam niya'y halos ikadurog na ng kalooban. Kahit sino mapa lalaki man o babae Hindi malayong magkagusto rito kahit pa nga siguro nagdadalang tao ito. Naramdaman niya Ang pagdampi ng isang palad sa kanyang kamao na nakadantay sa kanyang kandungan. "Hold yourself
—NAPUNO ng mga talentadong architect at engineer Ang tanggapan ng Palasyo sakto 8:00 o'clock ng umaga. Bawat sulok na makikita naroon Ang mga cctv na nagsilbing mata sa paligid. Alisto Ang mga sapat na seguridad sa anumang kaganapang Hindi inaasahan. Lulan ng inarkilang magarang kotse sa hotel Sina Darcy at Nathalia. Ganun din si Bettina kasama si Audhrey. Habang kasalukuyang nasa byahe Hindi maiwasang kabahan ni Darcy. Wala sa isipan niya Ang kabiguan at determinadong makukuha Ang project na tutupad sa pangarap ng asawa. "Relax." Napatingin Siya Kay Nathalia na nasa kaliwa niya Ngayon. Sinuklian Siya ng ngiti nito ng magtama Ang kanilang mga paningin. "Mapapasayo Ang project." Pagpapa lakas nito sa kanyang kalooban. Muling bumalik sa pagtanaw sa labas si Darcy matapos Ang maikling encouragement na natanggap sa dalaga. Sana parehas sila nitong confident na makukuha Ang nais. Ano na lang Ang mararamdaman niya kung Hindi magtagumpay. Parang tuluyan na rin siyang naw
Saklolo! Gusto niyang isigaw pero walang tinig Ang lumalabas. "B-bett.." Bahagya Siyang napa atras ng katawan ngunit mabilis si Bettina na Kabigin Siya at sunggaban ng marahas na halik. "B-bett!" Nagpumiglas Siya Lalo ng kanyang labi upang tumanggi ngunit Wala na ata sa katinuan si Bettina at walang nauunawaan sa ginagawa. "Hmmmm!! E-enough!" Malakas niya itong naitulak palayo. Tiim bagang napatitig lamang si Bettina Kay Audhrey. "I'm sorry.. S-sorry.." Mabilis Siyang nag Iwas ng tingin ng maunawaan Ang kapangahasang nagawa. Tumayo si Bettina at sinadya Ang banyo. Napasandal Siya sa pintuan ng maisara ito. Muli Siyang napaluha dahil halo halong emosyun Ngayon Ang nananalaytay sa kanya. Ang Mundo niya ay parang nabagyo. Nawala Ang kapayapaang matagal niyang pinanindigan kahit Ang totooy nagkakagulo Ang kanyang kalooban. Naiwan Namang shock si Audhrey sa kwarto. Hindi niya maisip, lubos maintindihan ng nangyari kanina lang. Alam niyang nasasaktan Ngayon si Bettin
—TAHIMIK Ang Dalawang nakabalik ng kanilang room. Kanina pa napapansin ni Audhrey na may kakaiba Kay Bettina pero nag aalangan Siyang tanungin ito. "A-yos ka lang ba?" Kasabay nun ang paglapat ng palad niya sa likuran nito. Hindi magawang sumagot ni Bettina dahil ayaw madamay Ang kaibigan sa pagkabalisa na kagagawan ng dating nobya. "Kung sasarilihin mo lang Yan Hindi gagaan." Dagdag pa ni Audhrey. Nag aalala Siya Lalo pa at bukas na Ang moment of truth. "I saw her, Audh.." Naging seryoso at taimtim bigla ng atmosphere. Nakaupo silang parehas isa sa mga kama. "I thought okay na Ako. Pero..." Natigilan siyat nabalikan sa isip Ang kaninang kaganapang Hindi akalaing mangyayari. "Ng Makita ko Siya bumalik lahat ng sakit. Ng inis, galit kung bakit mas pinili niyang Iwan Ako kaysa Ang ipaunawa sakin ng sitwasyun." "Ang bilis niyang pumayag na maghiwalay na lang kami dahil Hindi ko Siya maiintindihan sa kailangang gawin." Pagpapatuloy na pahayag ni Bettina. Tanging pakikinig sa
"Akala ko ba ibibili mo ko ng dress?" oo nga pala at iyon Ang sinabi niya kanina. "Order na lang Tayo online." Saka kinabig Ang kamay nito. Hawak kamay silang lumakad. Mula sa phone napa angat ng tingin si Darcy. Saktong nasulyapan niya Ang likuran nila Bettina at Audhrey. Tila nag iisip na sinundan lamang niya ng tingin Ang mga ito Hanggang maglaho sa kanyang mga mata. May kung ano Siyang nararamdaman pero Hindi lubos maunawaan. Sa palagay niya isa doon sa Dalawang babae Ang nakita niya na kanina. Sa pangalawang pagkakataon Nakita niyang muli kung ito nga din iyon. Kanina pa nagugulo Ang utak niya dahil Hindi maalis sa isipang tila Nakita Ang asawa sa naturang Lugar. "Let's go?" Naputol Ang kanyang pag iisip at napabaling sa kumuha ng kanyang atensyun. "Yeah.." Maikling sagot niya. Mabuti pa ay mag focus Siya sa sadyang pakay Dito sa England. Dapat Siya Ang mapili sa official. Marami man silang nakapasok na entry iisa lang Ang magkakamit ng naturang project. Kailangan ni