“PARANG galit si madam no’ng sinabi niya na sunduin kita, a. May ginawa ka ba kaya ganoon ang mood niya?”
Napahinto si Monica sa akmang pagbaba sa kotse dahil sa sinabi ni Rico. Kakarating lang nila sa bahay ni Valentina. Hindi na siya nag-abalang tingnan ang lalaki. “Dapat ba ay palagi mong alam ang lahat?” sarkastikong tanong niya.
“Ang sungit mo talaga. Manang-mana ka sa nanay mo. Sige na, puntahan mo na siya sa kwarto niya at mukhang masasabon ka nang husto!” Nakakalokong ngumisi si Rico na ikinairita niya.
Hindi na siya nag-abala pang magsalita dahil parang natutuwa si Rico sa tuwing nakakakuha ito ng tugon mula sa kaniya at ayaw niyang ibigay ang kasiyahan na iyon dito. Bumaba na siya ng tuluyan sa sasakyan at inihanda na niya ang sarili sa kung anuman ang mangyayari kapag nakaharap na niya si Valentina.
Dumiretso siya sa kwarto nito at kumatok. “M-m
HABANG katabi ni Martin si Milagros sa tricycle ay nararamdaman niya na meron itong itinatago sa kaniya na natatakot itong malaman niya. Kung ano man iyon ay dapat nitong sabihin sa kaniya dahil isa sa ipinangako nila dati sa isa’t isa ay dapat wala na silang ililihim. Kapag may problema ang isa ay sabihin sa isa upang magtulungan silang ayusin.Kung tutuusin ay pwede siyang magalit kay Milagros dahil sa pagsisinungaling nito ngunit mas gusto muna niyang malaman ang side nito. Gusto niyang marinig ang paliwanag nito kung bakit kailangan nitong hindi sabihin ang totoo sa kung saan ito tunay na naroon.Makalipas ang ilang minuto ay huminto na ang tricycle sa harapan ng bahay nila. Nauna siyang bumaba at binayaran na niya ang driver. Inalalayan niya pa rin si Milagros sa pagbaba nito sa tricycle hanggang sa makapasok na sila sa kanilang bahay.Tila pagod na pagod na napaupo si Milagros sa mahabang upuan at napansin niya ang pamumula ng kaliwang pisngi nito. Buong pag-aalala na umupo
HABANG nasa CR si Milagros ay may isang tawag na natanggap si Ambrose mula sa isang numerong hindi niya kilala kung kanino. Ngunit natatandaan niya na iyon ang tumawag sa kaniya noong isang araw at nagsabi na buhay pa si Monica.Ang totoo ay ilang gabi nang ginugulo ang isip niya na baka nga talaga buhay pa ang kaniyang nobya. Nahinuha niya rin na ang video ni Monica na sunog ang buong katawan na ipinadala sa kaniya ay matagal nang kuha base sa date na nakalagay sa video file. Iyon ay ang taon kung kailan namatay si Monica. Isa pa, sariwa pa ang sunog sa balat nito sa naturang video kaya alam niya agad na matagal na iyon.Ang hindi lang siya sigurado ay kung sa kasalukuyan ay buhay pa ba si Monica o talagang patay na.Dinampot ni Ambrose ang cellphone at malalaki ang hakbang na lumabas ng kaniyang opisina. Sa may hallway niya sinagot ang naturang tawag. “Hello,” aniya sa mababang boses. Pigil ang p
“WALA pala akong pasok ngayon dahil may pupuntahan si Sir Ambrose. Pero mamaya ay pupunta ako sa bahay ni Apple. Ibibigay niya iyong cellphone ko.”Kumunot ang noo ni Martin habang nag-aalmusal sila ni Milagros. “Cellphone? Ipinahiram mo kay Apple ang cellphone mo?” tanong niya.“Hindi. Ang sabi niya sa akin ay may inilagay akong cellphone sa uniform niya noong nasa resort pa kami. Hindi na niya naibalik sa akin kasi nawala na ako. Ang totoo nga niyan, hindi ko na maalala ang pangyayaring iyon sa sobrang tagal. Pero kukunin ko na rin kasi gumagana pa rin naman daw iyong cellphone. Sayang. Baka pwede pang magamit o kaya ay ma-save iyong mga picture na naroon,” tugon nito.Sandaling natigilan si Martin dahil meron siyang naalala. Iyong may mga lalaking pumasok sa bahay ng mga magulang niya at may hinahanap na cellphone. Hindi kaya ang cellphone na iyon ang hinahanap ng mga lal
NAGHANAP agad ng cellphone repair shop si Monica pagkadating niya sa bayan. Hindi naman siya nahirapan sa paghahanap dahil may napuntahan siyang lugar doon na magkakalapit ang mga ganoong shop. Sinabi niya sa lalaking nag-aayos ng cellphone na kailangan niyang mabuhay ang cellphone at baka battery lamang ang problema. Tiningnan iyon ng nag-aayos at pinalitan ng bagong battery. Nagbayad na siya at umalis nang maayos ang cellphone ni Milagros.Nagpunta muna siya sa isang fastfood restaurant hindi para kumain kundi para i-check ang cellphone ni Milagros at kung ano ba ang meron doon kung bakit gusto iyong makuha ni Valentina.Ang una niyang tiningnan ay ang files na nasa cellphone. May mga picture sina Milagros at Martin. Naroon din si Apple. Hanggang sa isang video ang nakita niya. Iyon ang nag-iisang video na meron ang cellphone. Hindi niya alam kung bakit may kaba siyang naramdaman nang sinimulan niyang panoorin ang
NAGAWANG buksan ni Valentina ng walang kahirap-hirap ang cellphone ni Milagros dahil wala iyong password. Agad niyang tiningnan ang lahat ng naka-save na files at wala siyang nakita kundi puro pictures nito at ng asawa nitong si Martin. Di-nouble check pa niya at baka meron siyang hindi nakita ngunit wala talaga. Walang video o voice recording ng naging pag-uusap niya at ng tauhan niya doon sa labas ng opisina ni Monica.Kung ganoon ay wala naman pala talaga siyang dapat na ikatakot sa Milagros na iyon. Nagsasabi pala talaga ito ng totoo na wala itong hawak na ebidensiya laban sa kaniya. Pero atleast ngayon ay nakasiguro na siya at makakahinga na siya nang maluwag. Hindi na siya mapa-paranoid at tuluyan na siyang makakatulog ng mahimbing sa gabi.Payapa ang kalooban ni Valentina nang humiga siya. Pipikit na sana siya upang matulog nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng kaniyang cellphone. Ayaw niya sanang kunin iyon
LAKING gulat ni Monica nang pagpasok niya sa opisina ay sinalubong siya ni Ambrose ng isang mahigpit na yakap. Naririnig niya ang pagsinghot nito at ang mahihinang hikbi ng kaniyang boss. Sa kaniyang pagtataka ay hindi muna siya nakagalaw at hindi niya rin naman alam kung ano ang gagawin o sasabihin. Yayakapin niya rin ba ito? Ang hula niya ay may malaking problema si Ambrose kaya parang naghahanap ito ng comfort at nagkataon na siya ang naroon.Sinamantala ni Monica ang moment na nakayakap sa kaniya si Ambrose. Pinakiramdaman niya ang sarili kung may makakapa ba siyang pag-ibig sa kaniyang puso ngunit kagaya ng dati ay wala talaga. Hindi apektado ang puso niya sa yakap na iyon ni Ambrose.Nang tumagal na nang halos isang minuto na nakayakap si Ambrose ay doon na nagsalita si Monica. “S-sir? May problema po ba kayo?” tanong niya na sinundan niya ng mahinang tapik sa likod ng lalaki.“I am so
HINDI pa rin makapaniwala si Ambrose na totoo ang sinabi ng estrangherong lalaki na buhay pa si Monica at ang talagang nagpa-alog sa mundo niya ay nang makumpirma niyang si Milagros pala ay si Monica. Hindi siya nagsisisi na nagbigay siya rito ng ganoong kalaking halaga ng pera.Kasalukuyan siyang nasa mini bar sa kaniyang bahay at umiinom ng brandy. Pakiramdam niya kasi ay hindi siya makakatulog dahil sa kaniyang natuklasan sa araw na iyon. Kailangan niya ang tulong ng alak upang siya ay antukin at makatulog.Hindi mawala sa isip niya ang mga nangyari kay Monica. Mula sa pagkasunog ng buong katawan nito sa sasakyan at pagpapagaling nito upang sumailalim na ito sa isang malaking operasyon at iyon ay ang gawin itong si Milagros.Ngunit may isang bagay na ipinagtataka si Ambrose at iyon ay kung bakit parang hindi na niya nararamdaman kay Monica ang masidhing pag-ibig na meron siya para rito. Oo, masaya siya na buhay pa si Monica pero na
CONFIRMED. Buntis si Monica. Nakumpirma nila ni Martin na nagdadalang-tao siya matapos siyang samahan nito na magpa-check up sa malapit na ospital. Hindi niya akalain na sa isang beses nilang pagsiping ni Martin ay makakabuo agad sila ng isang buhay sa kaniyang sinapupunan. Ang bagay na iyon ay wala sa plano niya o nila ni Valentina kaya nagtatalo ang emosyon na kaniyang nararamdaman. Magiging masaya ba siya o malulungkot?Paano pa siya nito makakawala kay Martin kung meron nang mas magpapatatag ng kanilang pagsasama? O baka isa na iyong senyales na kailangan na niyang tanggapin at yakapin ng tuluyan ang pagkatao ni Milagros hanggang sa huli niyang hininga. Ngunit kung ganoon ang mangyayari ay paano si Ambrose? Ito ang totoo niyang kasintahan kaya ito ang dapat na kasama niya habangbuhay kung sakali at hindi si Martin.Makakaya ba ng konsensiya niya na may masasaktan ng dahil sa kaniya?“Gusto mo bang du
“ANG akala mo yata ay makakatakas ka sa akin? Hindi, Milagros! Sa dami ng naging atraso mo sa akin, hindi ako makakapayag na mabubuhay ka pa. Ako mismo ang dapat na pumatay sa iyo!” Nangingilid na ang luha ni Valentina sa sobrang galit na kaniyang nararamdaman ng sandaling iyon.Nakatutok sa mukha ng Milagros ang baril na kaniyang hawak.Mula sa umiiyak na mukha ni Milagros ay naging matigas iyon. “Wala akong atraso sa iyo, Valentina! Ikaw ang nagsabi sa akin na ako si Monica at totoong wala akong naaalala noon! Kung anuman ang nangyayari sa iyo ngayon, ikaw ang lahat ng may kagagawan. Ikaw ang may kasalanan ng lahat kung bakit ka bumagsak! Masyado kang nagpabulag sa pera kahit mayaman ka na at lahat na ay nasa iyo. Ang pagiging ganid at makasarili mo ang nagtulak sa iyo kung nasaan ka ngayon! Kaya huwag mo akong sisisihin!”Nanlisik ang mga mata niya. Tumagos sa puso niya ang mga sinab
KINSE minutos pa lamang ang nakakalipas simula nang makausap ni Martin si Ambrose ngunit parang isang araw na siyang naghihintay sa may gilid ng kalsada papunta sa kasukalan na maaaring kinaroroonan ni Milagros.Hindi niya kayang pakalmahin ang sarili gayong alam niya na si Valentina ang may hawak sa asawa niya at alam na pala nito na hindi si Monica ito. Kaya alam niya kung gaano kagalit ngayon si Valentina at base sa mga patong-patong na kaso nito ngayon ay hindi maipagkakaila na kaya nitong patayin si Milagros.Kanina pa rin siya nagdadasal na sana ay maging ligtas si Milagros at buhay nila itong mabawi kay Valentina dahil hindi niya magagawang patawarin ang sarili sa sandaling may nangyaring hindi maganda sa kaniyang asawa at sa anak nila na nasa sinapupunan nito.Palakad-lakad siya at hindi mapirmi sa iisang pwesto. Nagtatalo ang utak niya kung dapat na ba siyang sumuong sa kasukalan o hintayin niya si Am
HINDI makapaniwala si Milagros na maging si Ambrose ay idadamay ni Valentina sa masasama nitong balak lalo na’t alam niya na walang ginawang masama ang lalaki rito. Base sa pagkakarinig niya sa pakikipag-usap ni Valentina kay Ambrose sa cellphone ay papapuntahin ng una ang huli sa lugar na iyon. Kunwari ay ipagpapalit siya ni Valentina sa dalang pera ni Ambrose ngunit hindi iyon totoo sapagkat kapag nakuha na ni Valentina ang pera ay papatayin na nito si Ambrose.Talagang ubod ito ng sama kaya kahit natatakot siya ng sandaling iyon ay hindi niya pa rin ito dapat hayaan na magtagumpay!Sa oras na iyon ay mahimbing na ang tulog ni Valentina at ng babaeng kasama nito na narinig niya na ang pangalan ay Lukring.Kaya naman pala hirap na hirap ang mga pulis na malaman kung nasaan si Valentina ay dahil sa gitna ng kasukalan ito nagtatago. Sino nga ba namang mag-aakala na ang sosyal at ubod ng yaman na si Valent
“SIGURADO ka ba na hindi na makakawala ang babaeng iyan?” Paninigurong tanong ni Valentina kay Lukring matapos nitong itali si Milagros sa isang haligi ng kubo nito.Nakaupo sa sahig sa Milagros habang nakatali ang mga kamay sa likod na nakatali rin sa haligi. Maging ang mga paa nito ay may tali rin upang makasiguro sila na hindi nito magagawang manipa. May busal din ito sa bibig. Kahit naman magsisigaw ito ay walang makakarinig dito ngunit mas mabuti na ang sigurado. Nang sandaling iyon ay wala pa rin itong malay.“Of course naman! Matibay na matibay iyan! Wala ka bang tiwala sa akin?” Turo pa ni Lukring sa sarili.“Talaga bang tinatanong mo ako niyan, Lukring? Of course din! Wala!”“Wala rin. Wala ka ring choice kundi magtiwala sa akin kasi ako lang ang kakampi mo ngayon!” At nakakalokong tumawa si Lukring na ikinairita niya. Akala mo kasi ay isa itong m
“MILAGROS, nandito na ako!” Masiglang turan ni Martin pagkapasok niya sa bahay.Napakunot-noo siya nang mapagtantong nakapatay lahat ng ilaw. Una siyang nagpunta sa kusina dahil ang inaasahan niya ay naroon ang kaniyang asawa dahil ang sabi nito ay magluluto ito pero hindi niya rin natagpuan roon si Milagros. Maging sa banyo, kwarto at likod-bahay ay wala rin ito. Nagbalik siya sa sala at umupo.Inilabas niya ang cellphone upang tawagan si Milagros. Ilang beses na niyang tinawagan ito pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.Kahit hindi pa man niya alam kung nasaan ang kaniyang asawa ay hindi niya maiwasan ang kabahan. Kapag kasi ganoong hindi niya alam kung nasaan si Milagros ay talagang kung anu-ano na ang pumapasok sa kaniyang isip. Hindi na niya iyon maiwasan matapos ang mga nangyari. Ang hirap alisin na maging paranoid lalo na at alam niya na hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa rin nah
“ANO bang ginagawa natin dito, Valentina? Hindi ba tayo papasok sa loob ng resort? Magbe-beach ba tayo para makapag-relax? Sayang, wala akong dalang bathing suit!” Pangungulit na tanong ni Lukring.Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Valentina sa kasama. Kasalukuyan silang nasa labas ng resort ng hapon na iyon. May nakabalabal na scarf sa kaniya ulo upang walang makakilala sa kaniya. “Tumahimik ka nga! Hindi mo ba alam kung magkano ang entrance sa resort na iyan? Kung makapagsalita ka ay parang meron tayong pera! Basta, maghintay ka lang diyan at meron akong hinihintay na lumabas! Saka kilabutan ka nga sa sinasabi mong bathing suit! Hindi bagay sa iyo!” Inis niyang wika.Sumimangot si Lukring at mukhang disappointed. “Wow, ha! Body shamer yarn?!” Hindi na ulit ito nagsalita pa.Matiyaga silang naghintay sa labas ng resort. Medyo malayo sila sa mismong gate entra
“GOOD morning, S-sir Ambrose…” Ang nahihiyang pagbati ni Milagros nang pumasok sa opisina si Ambrose. Hindi siya makatingin dito nang diretso sapagkat kahit paano ay may nararamdaman pa rin siyang pagka-ilang rito nang dahil sa mga nangyari.“Good morning, Milagros!” ganting bati ng lalaki.Bahagya siyang nabigla nang mapansin niya ang sigla sa boses ni Ambrose. Maging ang dating nito sa umagang iyon ay tila masaya at maaliwalas ang mukha nito. Maganda yata ang gising ng kaniyang boss ng umaga na iyon.Ang akala niya ay didiretso ito sa table nito ngunit sa kaniya ito lumapit at umupo sa upuan sa kaniyang harapan. “Milagros, gusto kong malaman mo na hindi ako galit sa iyo. Naiintindihan ko ang mga ginawa mo at biktima ka rin ng mga naging kilos noon ni Valentina,” seryosong turan nito.Hindi niya alam kung paano nalaman ni Ambrose ang kaniyang nararamdaman ngun
“IF you don’t want to help me, sabihin mo. Hindi `yong may suggestion ka pa na sumuko ako sa mga pulis. Wala kang alam sa pinagdadaanan ko, Ambrose. Hindi mo alam kung bakit ayokong sumuko at mas pinipili kong magtago ngayon!” Malakas na itinulak ni Valentina si Ambrose.Labis ang disappointment na nararamdaman niya dahil umasa siya nang malaki na si Ambrose ang makakatulong sa kaniya at hindi siya nito bibiguin. Pero nagkamali siya ng akala dahil ang nais nito ay sumuko siya.Maya maya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. Agad na ibinalabal ni Valentina ang scarf sa kaniyang ulo.“Sir, ready na po—” Nagulat ang babaeng dumating na base sa suot ay alam niyang masahista. “Hoy! Sino ka? Anong ginagawa mo rito?!”“It’s okay. Nanlilimos lang siya at pumasok dito,” turan ni Ambrose.Tumalim ang mga mata ni Valentina habang nakatingin
SUMABOG na ang kalungkutan at paninisi sa sarili ni Milagros nang muli niyang binalikan ang mga nangyari kung bakit humantong sa aksidenteng bumago sa buhay niya ang lahat. Nasa puso niya pa rin ang pagsisisi kung bakit namatay si Monica. Alam niya na kung hindi lang sana siya sumunod sa lahat ng sinabi ni Monica at mas kinumbinse niya itong sumuko na lang ay baka buhay pa ang kaniyang kaibigan. Baka nagawa pa nitong sabihin ang katotohanan at paniwalaan ito ng lahat hanggang sa mapawalang-sala ito sa ibinato rito noon.Ngunit wala na. Huli na ang lahat. Kahit anong pagsisisi ang kaniyang gawin ay hindi na maibabalik ang buhay na nawala.Kahit masakit para sa kaniya na balikan ang pangyayaring iyon ay hindi niya naisipan na ipagdamot iyon kay Ambrose. Dapat nitong malaman na wala talagang kasalanan si Monica at hindi totoo ang mga sinasabi ng mga tao tungkol dito.Habang halos hindi na siya makahinga sa pag-iy