BAGO tuluyang umuwi sa bahay ay bumili si Milagros ng lutong ulam sa karinderya na nadaanan nila ni Martin para hindi na nila problemahin ang uulamin nila para sa gabing iyon. Sa sobrang bait ni Martin ay ito ang nagbayad ng mga binili niya.
Sinamahan din siya ni Martin hanggang sa bahay nila. Pinapasok niya ito upang makabati sa pamilya niya pero napansin niya na tila hindi maganda ang timpla ng nanay niya. Nakairap ito nang magmano si Martin.
“Pwede bang umalis ka na muna at may pag-uusapan kami ng anak ko?” Malamig na turan ng nanay ni Milagros sa nobyo niya.
“Sige po, tita. Paalis na rin naman po ako. Inihatid ko lang po talaga si Milagros.” Magalang na nagpaalam si Martin sa mga magulang niya at sa huli ay sa kaniya.
Hindi alam ni Milagros ngunit kinakabahan siya at parang may hindi magandang mangyayari.
Nakaupo malapit sa bintana si Martha at matiim ang pagkakatingin sa kaniya. Pinalapit siya nito. Kinakabahan man ay tumalima siya agad. Nang malapit na siya sa ina ay tumayo ito at isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa kaliwa niyang pisngi.
Pakiramdam ni Milagros ay humiwalay ang ulo niya sa leeg sa lakas ng sampal na natanggap niya mula sa kaniyang ina. Naluluha at nagtataka siyang humarap kay Martha habang sapo ang namamanhid na pisngi.
“Martha! Hindi mo kailangang saktan si Milagros!” saway ni Fredo.
“Magtigil ka, Fredo! Sa pagkakataon na ito ay ako ang magdidisiplina sa anak mo. Masyado kang naging maluwag sa batang ito kaya nagiging suwail!” bulyaw ng nanay niya sa kaniyang tatay.
Suwail? May nagawa ba siyang mali para matawag ng ganoon? Bakit hindi niya matandaan?
“N-nanay, b-bakit po?” Ang naguguluhan niyang tanong.
May hinugot na isang bagay si Martha sa bulsa ng palda sabay bato sa kaniya. Isang matigas na bagay ang tumama sa dibdib niya. Nalaglag iyon sa kawayang sahig at nang makita niya kung ano iyon ay nanlaki ang mata niya. Ang singsing na ibinigay ni Martin noong nag-propose ito ng kasal!
Paano ito nakita ng nanay niya? Nasa kasuluk-sulukan iyon ng kahon na karton na lagayan niya ng damit. Itinago niya ang singsing at alam niya na kapag nakita iyon ng pamilya niya ay magkakaroon ng pagdudua ang mga ito na nagbabalak na silang magpakasal ni Martin. At nangyari na nga ang kinatatakutan niya.
Isang sampal pa ang pinadapo ni Martha sa pisngi ni Milagros.
“Magsabi ka sa akin ng totoo! Bakit may ganito ka ng singsing?!”
“B-bigay po ni Martin sa akin. Regalo po niya—”
“Milagros!” sigaw ni Martha. “Susunugin sa impyerno ang kaluluwa mo sa pagsisinungaling mo! Ano ang singsing na ito?!”
Napatingin siya sa kaniyang ama. Nakikita niya sa mata nito na nais siya nitong tulungan ngunit takot ito sa nanay niya. Alam nito na mas magiging magulo kapag nakialam ito. Isa pa, ayaw niya rin na madamay ang kahit na sino sa galit ng nanay niya sa kaniya.
Napayuko siya at saka bumuka ang bibig. “I-inaya na po ako ni Martin ng kasal at p-pumayag ako.” Natatakot niyang pag-amin.
“Wala ka talagang utak! Bobo!” Hinablot ni Martha ang buhok niya at ipinagwasiwasan iyon. “Ang tanga mo talaga! Magpapakasal ka kung kailan meron tayong kinahaharap na problema! Mabuti sana kung mayaman ang Martin na iyon! Ano ang maitutulong ng pagpapakasal mo sa lalaking iyon sa atin? Wala! Wala!!!”
“Mahal ko po si Martin—”
“Hindi mababayaran ng pagmamahal na iyan ang lupang ito! Tumigil ka sa katangahan mo, ha. Hindi ka magpapakasal sa lalaking iyon. Humanap ka ng lalaking mag-aahon sa atin sa kahirapan!”
Labis na nasaktan si Milagros sa narinig mula sa sariling ina. “Ganiyan ba kababa ang tingin mo sa akin, `nay? Ako talaga ang gagamitin mo para makaahon tayo sa hirap? M-may puso po ako. Hindi ako bagay na kung ano ang gusto ninyong gawin ay susunod agad ako. Hindi rin po ibig sabihin na inaya na akong magpakasal ay ikakasal kami agad-agad. Naiintindihan po ni Martin na kailangan ko munang tapusin ang problema natin bago kami magpakasal!”
“At ano? Pagkatapos ninyong ikasal? Ano ang magiging buhay ninyo! Parehas kayong mahirap kaya habangbuhay ka ring maghihirap! Kahit ano ang paliwanag mo ay hindi ko tatanggapin, Milagros. Sundin mo ako dahil ako ang nanay mo. Utang mo sa akin kung bakit ka buhay ngayon!”
Wala nang nagawa si Milagros dahil lumabas na ng bahay si Martha. Nanghihina siyang napaupo sa sahig at doon ipinagpatuloy ang paghagulhol. Agad siyang nilapitan ng ama at kapatid.
“Milagros, sundin mo na lang si nanay. Palagi lamang kayong magkakagulo niyan, e,” ani Mirasol habang hinhaplos siya sa likod.
“P-pero mahal na mahal ko si Martin. Hindi ko kaya ang gusto ni nanay na mangyari, ate.”
“`Wag mong pakinggan ang nanay mo. Kung mahal mo si Martin ay siya ang pakasalan mo, anak. Hindi ka magiging tunay na masaya kapag hindi mo mahal ang iyong pinakasalan. Suportado kita, anak.”
“Tatay, t-tulungan mo po ako kay nanay!” Nakakita si Milagros ng kakampi sa katauhan ng tatay niya. Mahigpit niya itong niyakap.
“Kakausapin ko siya. Kahit magalit siya sa akin. Ipapaunawa ko nang mabuti sa kaniya ang punto mo. Tahan na. Huwag ka nang umiyak...” Pag-alo ni Fredo.
LIHIM na napasimangot si Mirasol sa sinabi ng tatay nila sa kapatid niyang si Milagros. Hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon ang tinuran ng tatay nila. Paborito kasi ng tatay nila si Milagros dahil sa bunso ito. Itinuturing ng mga magulang nila na si Milagros ang pag-asa ng kanilang pamilya upang makamtam ang magandang buhay.
Ang tingin sa kaniya sa bahay na iyon ay isang pabigat. Isang kabiguan.
Pinag-aaral siya noon sa kolehiyo pero nabuntis siya ng kaniyang boyfriend. Nang manganak at magsama sila sa iisang bubong ay lumabas ang sungay nito. Palagi siyang sinasaktan sa tuwing lasing ito. Ginawa siya nitong human punching bag.
Hiniwalayan niya ito. Bumalik sa poder ng magulang niya kasama ang anak na si Beloy. Ngayon ay hindi siya makapagtrabaho dahil sa kaniyang anak. Abala siya sa pagbabantay at pag-aalaga rito. At ang kawalan niya ng trabaho ang dahilan kung bakit pakiramdam niya ay isa siyang pabigat. Wala siyang naipapasok na pera sa kanilang pamilya.
Para kay Mirasol ay mabuting kapatid si Milagros. Magiliw at mabait ito sa anak niya ngunit hindi niya maiwasan na makaramdam ng inggit. Naiinggit siya kay Milagros dahil para sa kaniya ay marami pa ang maaaring mangyari sa buhay nito. Pwede pa itong yumaman at magkaroon ng magandang pamumuhay. Samantalang siya, pakiramdam niya ay hanggang doon na lamang siya dahil sa pagkakaroon niya ng anak.
Isa pang ikinaiinggit niya ay ang pagiging paborito nito ng kanilang ama. Siya kasi, kahit ang nanay nila ay hindi siya gusto. Mabuti pa si Milagros, kahit isa ay merong may paborito rito. Habang siya ay wala.
ISANG masigabong palakpakan ang namayani na main gate ng Montealta Resort matapos na magupit ni Monica ang malaking ribbon sa harapan. Iyon ang indikasyon na opisyal nang binubuksan ang kaniyang beach resort and hotel. Puno ng kagalakan ang puso niya dahil ilang taon din siyang naghintay para sa moment na iyon.
Nasa tabi niya ang boyfriend and future husband na si Ambrose. Napakagwapo nito sa suot na black polo and black pants. Ilang babae ang nakita niyang tumitingin sa nobyo niya nang may kasamang pagnanasa at paghanga pero hinahayaan niya lang. Hindi siya kagaya ng ibang babae na nagiging tigre kapag tinitingnan ang boyfriend o asawa nila. Kalma lang siya. Alam niya kasi na hindi papatol sa iba si Ambrose dahil kuntento na ito sa kaniya. Panatag ang loob niya sa kaniyang boyfriend.
Sino ba naman kasing babae ang hindi hahanga kay Ambrose? Anim na talampakan ang taas nito at matipuno ang pangangatawan. Maputi ang balat at balbon. Dark gray ang mata, makapal ang kilay, matangos ang ilong at umiigting ang panga. Ang labi nito na medyo makapal ay natural na mapula.
“Congratulations, hon! I am so proud of you!” turan ni Ambrose.
“Thank you, hon! Thank you sa trust mo na mag-invest sa business kong ito!” Tumingkayad si Monica at kinabig sa batok ang nobyo.
Isang matagal at matamis na halik ang pinagsaluhan nila sa harapan ng mga taong naroon. Muli, nagpalakpakan ang lahat. Maya maya ay naghiwalay ang mga labi nila at nagtitigan pa na parang sila lamang ang tao roon.
“HAY! Ang swerte ni Miss Monica, `no? Iyan ang tunay na anak ng Diyos! Mayaman, maganda at may jowang parang Greek God! Diyos ko! Handa akong ialay kahit ang nanay ko para kay Sir Ambrose!” Kinikilig na sabi Apple kay Milagros.
Nasa isang sulok sila at pinanood ang ribbon cutting ng resort. Tama naman si Apple, ubod ng gwapo si Ambrose. Ngunit para sa kaniya ay wala nang mas gagwapo sa nobyo niya.
Bahagya siyang napairap kay Apple. “Mas gwapo pa rin si Martin...”
“Hmp! Alam ko, gwapo ang jowa mo. Pero iba kasi kagwapuhan nitong si Sir Ambrose. Mamahalin. Sosyal. Classy!”
Hindi na nakaimik si Milagros sa paglapit sa kanila ni Perry. Natataranta nitong inutusan sila na i-double check ang mga kwarto sa hotel kung maayos at malinis. Baka raw may kulang na towel o kung ano. Dapat daw ang perfect ang lahat para hindi sila mapagalitan ni Monica.
Agad silang tumalima ni Apple. Sa paglalakad nila ay isang matangkad at slim na babae ang nabangga ni Milagros. Sa tangkad ng babae ay parang nanliit siya.
Nagulat pa siya nang itulak siya nito imbes na tulungan. Muntik tuloy siyang matumba kung hindi pa siya nahawakan ni Apple sa braso.
“Estupida!” Nanlilisik ang mga matang sabi ng babae.
Nakasuot ng sexy gold gown ang babae. May telang kulay ginto ang nakabalot sa buhok nito. May edad na ito. Siguro ay nasa 50’s na ngunit ubod pa rin ito ng ganda!
Ang hindi maintindihan ni Milagros ay kung bakit parang abot-langit ang takot na nararamdaman niya sa paraan ng pagkakatingin ng babaeng iyon sa kaniya. Para bang kayang-kaya siya nitong lamunin nang buo!
“MIRA por donde vas, tonta!” Malakas na sabi ng babae kay Milagros na kahit hindi niya iyon naintindihan ay nanginig ang buong katawan niya sa takot. Para itong primera kontrabida sa isang local soap opera. Iyong mayaman na matanda na nananampal at nandudura sa teleserye. Kung hindi siya hawak ni Apple ay baka kanina pa siya napaluhod dahil dama niya na nanghihina ang tuhod niya sa takot. Mula sa kung saan ay lumapit sa kanila si Monica at Ambrose. “Mama? Is there a problem?” tanong nito sa matangkad na babae na noon lang niya nalaman na nanay pala ng amo nila sa naturang resort. Mas lalo tuloy natakot si Milagros na baka matanggal agad siya sa trabaho nang dahil sa simple at hindi sinasadyang pagbangga niya sa nanay ni Monica. “May tatanga-tanga kang tauhan dito, Monica! Hindi marunong tumingin sa dinadaanan! At hindi marunong mag-sorr
NAPASUBSOB sa mabahong tambak ng basura ang labing isang taong gulang na si Valentina nang itulak siya ng mga kaklase niya. Mag-isa siyang naglalakad pauwi mula sa paaralan nang magulat siya nang bigla na lang na may tumulak sa kaniya.Naramdaman niya sa kamay ang malagkit at mabahong dumi na kaniyang nahawakan.Malakas na tawanan ang sumunod na narinig niya. Marahang umangat ang mukha ni Valentina upang salubungin ang tatlong kaklaseng babae na nasa kaniyang harapan.“Diyan ka nababagay, Valentina! `Di ba, basurera ang nanay mo? Kaya isa kang anak ng basura!” tudyo ng nasa gitna habang iinuturo siya.Tumiim ang bagang ni Valentina at matalim na tiningnan ang tatlo.Noon pa ay binu-bully na siya ng mga ito dahil sa siya ang pinaka matalino sa kanilang klase. Hindi siguro matanggap ng mga ito
BUONG magdamag na nag-isip si Milagros kung paano niya sasabihin kay Martin na nais na niyang makipaghiwalay dito. Nag-iisip siya kung paano niya ipapaliwanag sa nobyo na kailangan na nilang itigil ang kanilang relasyon dahil kung hindi ay baka tuluyan siyang itakwil ng sariling ina. Alam niya na labis na masasaktan si Martin sa desisyon niyang iyon pero mas importante pa rin para sa kaniya ang pamilya.Siguro, hindi pa iyon ang tamang panahon para sa kanila ni Martin. Kung hindi ngayon, naniniwala siya na sa hinaharap ay silang dalawa pa rin ang magkakatuluyan. Sadyang kailangan muna nilang magsakripisyo sa ngayon.Madaling araw na nakatulog si Milagros kaya naman sa trabaho ay inaantok siya nang husto. Maaga kasi siyang nagising at diretso na sa trabaho. Nakalimutan niya tuloy ang magluto ng pambaon niya para sa tanghalian. Baka umutang muna siya kay Apple mamaya para me
“AMBROSE, gusto kong mag-swimming. You want to come?” tanong ni Monica sa nobyong nasa lobby ng hotel habang abala sa laptop. Bumaba siya sa lobby na suot na ang kaniyang two-piece swimsuit na pula. Mas lalo tuloy siyang pumuti dahil sa kulay niyon.Napasipol si Ambrose nang makita siya. Banaag sa mata nito ang pagnanasa. “Pwede bang sa kwarto na lang tayo kesa sa beach?” pilyo nitong tanong.“You almost killed me in bed last night. Hindi ka pa ba nagsasawa?”Akala mo kasi ay sinasapian ng demonyo si Ambrose pagdating sa kama. Masyado itong agresibo pagdating sa pagpapaligaya sa kaniya at sa sarili nito.“Hindi ko pagsasawaan ang isang Monica Montealta!”“Stop, Ambrose! Too early for that. Anyway, mauuna na ako sa iyo sa beach. Sumunod ka na lang kung gusto mo.”“Okay. Magpapalit
“THAT stupid girl—hindi mo ba talaga aalisin iyon? Alam mo bang pangalawang beses nang binangga ako ng babaeng iyon. Nananadya na yata iyon, e!”Umangat ang mukha ni Monica mula sa binabasang papeles nang pumasok si Valentina sa kaniyang opisina. Kakarating lang nito pero galit na agad ang tono ng boses ng ina.Napatawa siya nang mahina. “It’s too early para uminit ang ulo mo, `ma. Sino ba? Si Milagros?”“I don’t know her name at wala akong planong alamin. Iyong tangang babae na binangga ako no'ng opening nitong resort!”“Tha’ts Milagros. Siya lang naman ang nagligtas sa akin kanina nang muntik na akong malunod at walang naglakas ng loob para tulungan ako. I owe her my life, `ma. Please, spare her sa pagiging maldita mo.” Ibinalik niya ang atensiyon sa binabasa.“What?! Bakit
“ANG ganda mong babae pero papatay ka ng tao. Sayang ka.” Iiling-iling ang lalaking pulis na nagpasok kay Milagros sa kulungan.Walang imik niya itong tiningnan habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa rehas na bakal. Umalis rin agad ang pulis nang mapansin na hindi maganda ang timpla ng mukha niya.Wala nang nagawa si Mirasol nang dalhin siya sa kulungan ng tanod na humuli sa kaniya. Itinurn-over siya ng mga iyon sa pulis. Kanina kasi ay nagdilim ang paningin niya nang saktan ni Mr. Sy ang kaniyang ina. Kumuha siya ng kutsilyo at akmang sasaksakin ito. Ang balak niya ay takutin at itaboy ito pero biglang nakipag-agawan si Mr. Sy sa kutsilyo at aksidente itong nahiwa sa braso. Mababaw ang sugat at alam nito na hindi niya iyon sinadya ngunit nang magpatawag ito ng tanod ay sinabi nito na intensyon niya talaga ang saksakin at patayin ito.Gustuhin man n
HINDI kayang palampasin ni Milagros ang nangyari kay Apple. Hindi siya pwedeng manahimik na lang dahil kapag ganoon ang ginawa niya ay lalabas na tino-tolerate niya ang pananakit nina Jessica. Dahil din sa nangyari sa kaibigan niya ay nagbago na ang isip niya ukol sa trabahong in-offer ni Monica. Hindi na niya iyon tatanggapin dahil baka mas lumakas ang loob nina Jessica na i-bully si Apple kapag nalaman ng mga ito na hindi na siya palagi kasama ng kaniyang kaibigan. Kung walang silbi ang magsumbong kay Sir Perry dahil panig ito kina Jessica ay sa mas mataas dito siya hihingi ng tulong—kay Monica! “Milagros! Finally. You are back!” Malaki ang ngiting isinalubong ni Monica kay Milagros nang magpunta siya sa opisina nito. Sa sinabi ni Monica ay nahinuha niyang alam nito ang nangyari sa kaniya kaya ilang araw siyang hindi nakapagpakita. “Sorry, Miss Monica
“ANG akala yata ni Monica ay mapipigilan niya ako sa pagtakbo ko rito sa Plaridel. Akala niya yata porket anak ko siya ay susundin ko ang gusto niya. Esta equivocada! Ako pa rin ang masusunod sa pamamahay na ito, mi esposo...”Nakatayo si Valentina sa malaking oil painting ng kaniyang namayapang asawa na si Bernard Montealta. May hawak siya sa isa niyang kamay na isang baso ng mamahaling whiskey. Hatinggabi na ngunit mailap ang antok sa kaniya kaya naisipan niyang uminom at napunta siya sa parteng iyon ng kaniyang bahay.Nakalagay ang naturang oil painting sa pinaka malaking dinging sa library. Dati ay nasa may salas iyon pero simula nang mawala na ang kaniyang mister ay pinalipat niya ang painting nito sa library at pinalitan niya iyon ng painting niya. Siya na kasi ang nagmamay-ari ng bahay na iyon kaya ang mukha niya dapat ang unang mabubun
“ANG akala mo yata ay makakatakas ka sa akin? Hindi, Milagros! Sa dami ng naging atraso mo sa akin, hindi ako makakapayag na mabubuhay ka pa. Ako mismo ang dapat na pumatay sa iyo!” Nangingilid na ang luha ni Valentina sa sobrang galit na kaniyang nararamdaman ng sandaling iyon.Nakatutok sa mukha ng Milagros ang baril na kaniyang hawak.Mula sa umiiyak na mukha ni Milagros ay naging matigas iyon. “Wala akong atraso sa iyo, Valentina! Ikaw ang nagsabi sa akin na ako si Monica at totoong wala akong naaalala noon! Kung anuman ang nangyayari sa iyo ngayon, ikaw ang lahat ng may kagagawan. Ikaw ang may kasalanan ng lahat kung bakit ka bumagsak! Masyado kang nagpabulag sa pera kahit mayaman ka na at lahat na ay nasa iyo. Ang pagiging ganid at makasarili mo ang nagtulak sa iyo kung nasaan ka ngayon! Kaya huwag mo akong sisisihin!”Nanlisik ang mga mata niya. Tumagos sa puso niya ang mga sinab
KINSE minutos pa lamang ang nakakalipas simula nang makausap ni Martin si Ambrose ngunit parang isang araw na siyang naghihintay sa may gilid ng kalsada papunta sa kasukalan na maaaring kinaroroonan ni Milagros.Hindi niya kayang pakalmahin ang sarili gayong alam niya na si Valentina ang may hawak sa asawa niya at alam na pala nito na hindi si Monica ito. Kaya alam niya kung gaano kagalit ngayon si Valentina at base sa mga patong-patong na kaso nito ngayon ay hindi maipagkakaila na kaya nitong patayin si Milagros.Kanina pa rin siya nagdadasal na sana ay maging ligtas si Milagros at buhay nila itong mabawi kay Valentina dahil hindi niya magagawang patawarin ang sarili sa sandaling may nangyaring hindi maganda sa kaniyang asawa at sa anak nila na nasa sinapupunan nito.Palakad-lakad siya at hindi mapirmi sa iisang pwesto. Nagtatalo ang utak niya kung dapat na ba siyang sumuong sa kasukalan o hintayin niya si Am
HINDI makapaniwala si Milagros na maging si Ambrose ay idadamay ni Valentina sa masasama nitong balak lalo na’t alam niya na walang ginawang masama ang lalaki rito. Base sa pagkakarinig niya sa pakikipag-usap ni Valentina kay Ambrose sa cellphone ay papapuntahin ng una ang huli sa lugar na iyon. Kunwari ay ipagpapalit siya ni Valentina sa dalang pera ni Ambrose ngunit hindi iyon totoo sapagkat kapag nakuha na ni Valentina ang pera ay papatayin na nito si Ambrose.Talagang ubod ito ng sama kaya kahit natatakot siya ng sandaling iyon ay hindi niya pa rin ito dapat hayaan na magtagumpay!Sa oras na iyon ay mahimbing na ang tulog ni Valentina at ng babaeng kasama nito na narinig niya na ang pangalan ay Lukring.Kaya naman pala hirap na hirap ang mga pulis na malaman kung nasaan si Valentina ay dahil sa gitna ng kasukalan ito nagtatago. Sino nga ba namang mag-aakala na ang sosyal at ubod ng yaman na si Valent
“SIGURADO ka ba na hindi na makakawala ang babaeng iyan?” Paninigurong tanong ni Valentina kay Lukring matapos nitong itali si Milagros sa isang haligi ng kubo nito.Nakaupo sa sahig sa Milagros habang nakatali ang mga kamay sa likod na nakatali rin sa haligi. Maging ang mga paa nito ay may tali rin upang makasiguro sila na hindi nito magagawang manipa. May busal din ito sa bibig. Kahit naman magsisigaw ito ay walang makakarinig dito ngunit mas mabuti na ang sigurado. Nang sandaling iyon ay wala pa rin itong malay.“Of course naman! Matibay na matibay iyan! Wala ka bang tiwala sa akin?” Turo pa ni Lukring sa sarili.“Talaga bang tinatanong mo ako niyan, Lukring? Of course din! Wala!”“Wala rin. Wala ka ring choice kundi magtiwala sa akin kasi ako lang ang kakampi mo ngayon!” At nakakalokong tumawa si Lukring na ikinairita niya. Akala mo kasi ay isa itong m
“MILAGROS, nandito na ako!” Masiglang turan ni Martin pagkapasok niya sa bahay.Napakunot-noo siya nang mapagtantong nakapatay lahat ng ilaw. Una siyang nagpunta sa kusina dahil ang inaasahan niya ay naroon ang kaniyang asawa dahil ang sabi nito ay magluluto ito pero hindi niya rin natagpuan roon si Milagros. Maging sa banyo, kwarto at likod-bahay ay wala rin ito. Nagbalik siya sa sala at umupo.Inilabas niya ang cellphone upang tawagan si Milagros. Ilang beses na niyang tinawagan ito pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.Kahit hindi pa man niya alam kung nasaan ang kaniyang asawa ay hindi niya maiwasan ang kabahan. Kapag kasi ganoong hindi niya alam kung nasaan si Milagros ay talagang kung anu-ano na ang pumapasok sa kaniyang isip. Hindi na niya iyon maiwasan matapos ang mga nangyari. Ang hirap alisin na maging paranoid lalo na at alam niya na hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa rin nah
“ANO bang ginagawa natin dito, Valentina? Hindi ba tayo papasok sa loob ng resort? Magbe-beach ba tayo para makapag-relax? Sayang, wala akong dalang bathing suit!” Pangungulit na tanong ni Lukring.Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Valentina sa kasama. Kasalukuyan silang nasa labas ng resort ng hapon na iyon. May nakabalabal na scarf sa kaniya ulo upang walang makakilala sa kaniya. “Tumahimik ka nga! Hindi mo ba alam kung magkano ang entrance sa resort na iyan? Kung makapagsalita ka ay parang meron tayong pera! Basta, maghintay ka lang diyan at meron akong hinihintay na lumabas! Saka kilabutan ka nga sa sinasabi mong bathing suit! Hindi bagay sa iyo!” Inis niyang wika.Sumimangot si Lukring at mukhang disappointed. “Wow, ha! Body shamer yarn?!” Hindi na ulit ito nagsalita pa.Matiyaga silang naghintay sa labas ng resort. Medyo malayo sila sa mismong gate entra
“GOOD morning, S-sir Ambrose…” Ang nahihiyang pagbati ni Milagros nang pumasok sa opisina si Ambrose. Hindi siya makatingin dito nang diretso sapagkat kahit paano ay may nararamdaman pa rin siyang pagka-ilang rito nang dahil sa mga nangyari.“Good morning, Milagros!” ganting bati ng lalaki.Bahagya siyang nabigla nang mapansin niya ang sigla sa boses ni Ambrose. Maging ang dating nito sa umagang iyon ay tila masaya at maaliwalas ang mukha nito. Maganda yata ang gising ng kaniyang boss ng umaga na iyon.Ang akala niya ay didiretso ito sa table nito ngunit sa kaniya ito lumapit at umupo sa upuan sa kaniyang harapan. “Milagros, gusto kong malaman mo na hindi ako galit sa iyo. Naiintindihan ko ang mga ginawa mo at biktima ka rin ng mga naging kilos noon ni Valentina,” seryosong turan nito.Hindi niya alam kung paano nalaman ni Ambrose ang kaniyang nararamdaman ngun
“IF you don’t want to help me, sabihin mo. Hindi `yong may suggestion ka pa na sumuko ako sa mga pulis. Wala kang alam sa pinagdadaanan ko, Ambrose. Hindi mo alam kung bakit ayokong sumuko at mas pinipili kong magtago ngayon!” Malakas na itinulak ni Valentina si Ambrose.Labis ang disappointment na nararamdaman niya dahil umasa siya nang malaki na si Ambrose ang makakatulong sa kaniya at hindi siya nito bibiguin. Pero nagkamali siya ng akala dahil ang nais nito ay sumuko siya.Maya maya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. Agad na ibinalabal ni Valentina ang scarf sa kaniyang ulo.“Sir, ready na po—” Nagulat ang babaeng dumating na base sa suot ay alam niyang masahista. “Hoy! Sino ka? Anong ginagawa mo rito?!”“It’s okay. Nanlilimos lang siya at pumasok dito,” turan ni Ambrose.Tumalim ang mga mata ni Valentina habang nakatingin
SUMABOG na ang kalungkutan at paninisi sa sarili ni Milagros nang muli niyang binalikan ang mga nangyari kung bakit humantong sa aksidenteng bumago sa buhay niya ang lahat. Nasa puso niya pa rin ang pagsisisi kung bakit namatay si Monica. Alam niya na kung hindi lang sana siya sumunod sa lahat ng sinabi ni Monica at mas kinumbinse niya itong sumuko na lang ay baka buhay pa ang kaniyang kaibigan. Baka nagawa pa nitong sabihin ang katotohanan at paniwalaan ito ng lahat hanggang sa mapawalang-sala ito sa ibinato rito noon.Ngunit wala na. Huli na ang lahat. Kahit anong pagsisisi ang kaniyang gawin ay hindi na maibabalik ang buhay na nawala.Kahit masakit para sa kaniya na balikan ang pangyayaring iyon ay hindi niya naisipan na ipagdamot iyon kay Ambrose. Dapat nitong malaman na wala talagang kasalanan si Monica at hindi totoo ang mga sinasabi ng mga tao tungkol dito.Habang halos hindi na siya makahinga sa pag-iy