BUONG magdamag na nag-isip si Milagros kung paano niya sasabihin kay Martin na nais na niyang makipaghiwalay dito. Nag-iisip siya kung paano niya ipapaliwanag sa nobyo na kailangan na nilang itigil ang kanilang relasyon dahil kung hindi ay baka tuluyan siyang itakwil ng sariling ina. Alam niya na labis na masasaktan si Martin sa desisyon niyang iyon pero mas importante pa rin para sa kaniya ang pamilya.
Siguro, hindi pa iyon ang tamang panahon para sa kanila ni Martin. Kung hindi ngayon, naniniwala siya na sa hinaharap ay silang dalawa pa rin ang magkakatuluyan. Sadyang kailangan muna nilang magsakripisyo sa ngayon.
Madaling araw na nakatulog si Milagros kaya naman sa trabaho ay inaantok siya nang husto. Maaga kasi siyang nagising at diretso na sa trabaho. Nakalimutan niya tuloy ang magluto ng pambaon niya para sa tanghalian. Baka umutang muna siya kay Apple mamaya para me
“AMBROSE, gusto kong mag-swimming. You want to come?” tanong ni Monica sa nobyong nasa lobby ng hotel habang abala sa laptop. Bumaba siya sa lobby na suot na ang kaniyang two-piece swimsuit na pula. Mas lalo tuloy siyang pumuti dahil sa kulay niyon.Napasipol si Ambrose nang makita siya. Banaag sa mata nito ang pagnanasa. “Pwede bang sa kwarto na lang tayo kesa sa beach?” pilyo nitong tanong.“You almost killed me in bed last night. Hindi ka pa ba nagsasawa?”Akala mo kasi ay sinasapian ng demonyo si Ambrose pagdating sa kama. Masyado itong agresibo pagdating sa pagpapaligaya sa kaniya at sa sarili nito.“Hindi ko pagsasawaan ang isang Monica Montealta!”“Stop, Ambrose! Too early for that. Anyway, mauuna na ako sa iyo sa beach. Sumunod ka na lang kung gusto mo.”“Okay. Magpapalit
“THAT stupid girl—hindi mo ba talaga aalisin iyon? Alam mo bang pangalawang beses nang binangga ako ng babaeng iyon. Nananadya na yata iyon, e!”Umangat ang mukha ni Monica mula sa binabasang papeles nang pumasok si Valentina sa kaniyang opisina. Kakarating lang nito pero galit na agad ang tono ng boses ng ina.Napatawa siya nang mahina. “It’s too early para uminit ang ulo mo, `ma. Sino ba? Si Milagros?”“I don’t know her name at wala akong planong alamin. Iyong tangang babae na binangga ako no'ng opening nitong resort!”“Tha’ts Milagros. Siya lang naman ang nagligtas sa akin kanina nang muntik na akong malunod at walang naglakas ng loob para tulungan ako. I owe her my life, `ma. Please, spare her sa pagiging maldita mo.” Ibinalik niya ang atensiyon sa binabasa.“What?! Bakit
“ANG ganda mong babae pero papatay ka ng tao. Sayang ka.” Iiling-iling ang lalaking pulis na nagpasok kay Milagros sa kulungan.Walang imik niya itong tiningnan habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa rehas na bakal. Umalis rin agad ang pulis nang mapansin na hindi maganda ang timpla ng mukha niya.Wala nang nagawa si Mirasol nang dalhin siya sa kulungan ng tanod na humuli sa kaniya. Itinurn-over siya ng mga iyon sa pulis. Kanina kasi ay nagdilim ang paningin niya nang saktan ni Mr. Sy ang kaniyang ina. Kumuha siya ng kutsilyo at akmang sasaksakin ito. Ang balak niya ay takutin at itaboy ito pero biglang nakipag-agawan si Mr. Sy sa kutsilyo at aksidente itong nahiwa sa braso. Mababaw ang sugat at alam nito na hindi niya iyon sinadya ngunit nang magpatawag ito ng tanod ay sinabi nito na intensyon niya talaga ang saksakin at patayin ito.Gustuhin man n
HINDI kayang palampasin ni Milagros ang nangyari kay Apple. Hindi siya pwedeng manahimik na lang dahil kapag ganoon ang ginawa niya ay lalabas na tino-tolerate niya ang pananakit nina Jessica. Dahil din sa nangyari sa kaibigan niya ay nagbago na ang isip niya ukol sa trabahong in-offer ni Monica. Hindi na niya iyon tatanggapin dahil baka mas lumakas ang loob nina Jessica na i-bully si Apple kapag nalaman ng mga ito na hindi na siya palagi kasama ng kaniyang kaibigan. Kung walang silbi ang magsumbong kay Sir Perry dahil panig ito kina Jessica ay sa mas mataas dito siya hihingi ng tulong—kay Monica! “Milagros! Finally. You are back!” Malaki ang ngiting isinalubong ni Monica kay Milagros nang magpunta siya sa opisina nito. Sa sinabi ni Monica ay nahinuha niyang alam nito ang nangyari sa kaniya kaya ilang araw siyang hindi nakapagpakita. “Sorry, Miss Monica
“ANG akala yata ni Monica ay mapipigilan niya ako sa pagtakbo ko rito sa Plaridel. Akala niya yata porket anak ko siya ay susundin ko ang gusto niya. Esta equivocada! Ako pa rin ang masusunod sa pamamahay na ito, mi esposo...”Nakatayo si Valentina sa malaking oil painting ng kaniyang namayapang asawa na si Bernard Montealta. May hawak siya sa isa niyang kamay na isang baso ng mamahaling whiskey. Hatinggabi na ngunit mailap ang antok sa kaniya kaya naisipan niyang uminom at napunta siya sa parteng iyon ng kaniyang bahay.Nakalagay ang naturang oil painting sa pinaka malaking dinging sa library. Dati ay nasa may salas iyon pero simula nang mawala na ang kaniyang mister ay pinalipat niya ang painting nito sa library at pinalitan niya iyon ng painting niya. Siya na kasi ang nagmamay-ari ng bahay na iyon kaya ang mukha niya dapat ang unang mabubun
TILA tumama sa jackpot ng lotto ang pakiramdam ng buong pamilya ni Milagros nang malaman nila na binayaran ni Monica Montealta nang buo ang pagkakautang nila sa lupang kinatatayuan ng kanilang munting bahay. Bukod pa roon ay hindi na nila kailangang matakot na baka muling sabihin ni Mr. Sy na meron pa silang utang dahil nagkaroon na sila ng kasulatan na hindi na sila maaaring paalisin ng gahamang lalaki sa lupang iyon. Ang maganda pa ay pino-proseso na ang paglilipat ng titulo sa pangalan ng tatay ni Milagros. Kay Milagros sana iyon ipapangalan pero hiniling niya sa lawyer ni Monica na sa tatay na lang niya.Kahit hindi siya iniimikan ng nanay niya ay alam niyang nagpapasalamat ito sa kaniya.Dahil sa magandang pangyayari na iyon ay naisipan ni Milagros na magkaroon sila sa kanilang bahay ng maliit na salu-salo. Inimbita niya si Apple at maging ang nobyong si Martin. Hindi
MABILIS na nagdesisyon si Monica nang makita niya ang akmang pananakit ni Jessica kay Milagros. On the spot, sinisante niya si Jessica. Kinausap na kasi niya ito na kapag hindi pa rin ito tumigil sa pambu-bully kay Milagros o sa kahit na sinong empleyado niya ay aalisin na niya ito sa kaniyang resort. Akala yata nito ay hindi niya iyon tototohanin at panakot lang niya. Hindi pa siya kilala nito. Lahat ng binitiwan niyang salita ay pinapanindigan niya.“Miss Monica! Maawa po kayo! Kailangan ko ang trabahong ito! Ako na lang ang inaasahan sa amin kaya `wag ninyo akong tanggalin! P-pangako! Hindi ko na uulitin. Bigyan niyo pa ako ng isang chance!” Pagmamakaawa ni Jessica sa kaniya.Lumuhod pa ito sa harapan niya sa pag-aakala nitong lalambot ang puso niya sa ganoon.“Tumayo ka diyan, Jessica. Kahit tumambling ka pa o kumain ng apoy ay hindi na magbaba
AWTOMATIKONG sumimangot ang mukha ni Martha nang nakita niyang kasama ni Milagros si Martin na pumasok sa kanilang bahay. Abala siya sa paghahain ng kanilang hapunan. Maraming sobra sa nahuli ni Fredo na galunggong kaya nagprito siya at nagluto siya ng ginisang munggo. Naunang lumapit si Milagros sa kaniya para magmano at sumunod si Martin.“Anong ginagawa ng lalaking iyan dito?” Malamig niyang tanong.“Dito po ako kakain, Aling Martha!” Magiliw na tugon ni Martin.Napatingin sa lalaki sa Milagros na para bang wala itong alam na doon maghahapunan ang nobyo nito. Mas lalo tuloy siyang napasimangot. Tinawag na niya si Fredo at ang mag-inang sina Mirasol at Beloy. Sama-sama silang dumulog sa hapag-kainan.Magkatabi sina Milagros at Martin. Panay ang sulyap niya sa lalaki na may kasamang irap.Talagang hanggang ngayon ay hindi pa rin ito humihiwalay kay Milagros kahit harap-ha
“ANG akala mo yata ay makakatakas ka sa akin? Hindi, Milagros! Sa dami ng naging atraso mo sa akin, hindi ako makakapayag na mabubuhay ka pa. Ako mismo ang dapat na pumatay sa iyo!” Nangingilid na ang luha ni Valentina sa sobrang galit na kaniyang nararamdaman ng sandaling iyon.Nakatutok sa mukha ng Milagros ang baril na kaniyang hawak.Mula sa umiiyak na mukha ni Milagros ay naging matigas iyon. “Wala akong atraso sa iyo, Valentina! Ikaw ang nagsabi sa akin na ako si Monica at totoong wala akong naaalala noon! Kung anuman ang nangyayari sa iyo ngayon, ikaw ang lahat ng may kagagawan. Ikaw ang may kasalanan ng lahat kung bakit ka bumagsak! Masyado kang nagpabulag sa pera kahit mayaman ka na at lahat na ay nasa iyo. Ang pagiging ganid at makasarili mo ang nagtulak sa iyo kung nasaan ka ngayon! Kaya huwag mo akong sisisihin!”Nanlisik ang mga mata niya. Tumagos sa puso niya ang mga sinab
KINSE minutos pa lamang ang nakakalipas simula nang makausap ni Martin si Ambrose ngunit parang isang araw na siyang naghihintay sa may gilid ng kalsada papunta sa kasukalan na maaaring kinaroroonan ni Milagros.Hindi niya kayang pakalmahin ang sarili gayong alam niya na si Valentina ang may hawak sa asawa niya at alam na pala nito na hindi si Monica ito. Kaya alam niya kung gaano kagalit ngayon si Valentina at base sa mga patong-patong na kaso nito ngayon ay hindi maipagkakaila na kaya nitong patayin si Milagros.Kanina pa rin siya nagdadasal na sana ay maging ligtas si Milagros at buhay nila itong mabawi kay Valentina dahil hindi niya magagawang patawarin ang sarili sa sandaling may nangyaring hindi maganda sa kaniyang asawa at sa anak nila na nasa sinapupunan nito.Palakad-lakad siya at hindi mapirmi sa iisang pwesto. Nagtatalo ang utak niya kung dapat na ba siyang sumuong sa kasukalan o hintayin niya si Am
HINDI makapaniwala si Milagros na maging si Ambrose ay idadamay ni Valentina sa masasama nitong balak lalo na’t alam niya na walang ginawang masama ang lalaki rito. Base sa pagkakarinig niya sa pakikipag-usap ni Valentina kay Ambrose sa cellphone ay papapuntahin ng una ang huli sa lugar na iyon. Kunwari ay ipagpapalit siya ni Valentina sa dalang pera ni Ambrose ngunit hindi iyon totoo sapagkat kapag nakuha na ni Valentina ang pera ay papatayin na nito si Ambrose.Talagang ubod ito ng sama kaya kahit natatakot siya ng sandaling iyon ay hindi niya pa rin ito dapat hayaan na magtagumpay!Sa oras na iyon ay mahimbing na ang tulog ni Valentina at ng babaeng kasama nito na narinig niya na ang pangalan ay Lukring.Kaya naman pala hirap na hirap ang mga pulis na malaman kung nasaan si Valentina ay dahil sa gitna ng kasukalan ito nagtatago. Sino nga ba namang mag-aakala na ang sosyal at ubod ng yaman na si Valent
“SIGURADO ka ba na hindi na makakawala ang babaeng iyan?” Paninigurong tanong ni Valentina kay Lukring matapos nitong itali si Milagros sa isang haligi ng kubo nito.Nakaupo sa sahig sa Milagros habang nakatali ang mga kamay sa likod na nakatali rin sa haligi. Maging ang mga paa nito ay may tali rin upang makasiguro sila na hindi nito magagawang manipa. May busal din ito sa bibig. Kahit naman magsisigaw ito ay walang makakarinig dito ngunit mas mabuti na ang sigurado. Nang sandaling iyon ay wala pa rin itong malay.“Of course naman! Matibay na matibay iyan! Wala ka bang tiwala sa akin?” Turo pa ni Lukring sa sarili.“Talaga bang tinatanong mo ako niyan, Lukring? Of course din! Wala!”“Wala rin. Wala ka ring choice kundi magtiwala sa akin kasi ako lang ang kakampi mo ngayon!” At nakakalokong tumawa si Lukring na ikinairita niya. Akala mo kasi ay isa itong m
“MILAGROS, nandito na ako!” Masiglang turan ni Martin pagkapasok niya sa bahay.Napakunot-noo siya nang mapagtantong nakapatay lahat ng ilaw. Una siyang nagpunta sa kusina dahil ang inaasahan niya ay naroon ang kaniyang asawa dahil ang sabi nito ay magluluto ito pero hindi niya rin natagpuan roon si Milagros. Maging sa banyo, kwarto at likod-bahay ay wala rin ito. Nagbalik siya sa sala at umupo.Inilabas niya ang cellphone upang tawagan si Milagros. Ilang beses na niyang tinawagan ito pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.Kahit hindi pa man niya alam kung nasaan ang kaniyang asawa ay hindi niya maiwasan ang kabahan. Kapag kasi ganoong hindi niya alam kung nasaan si Milagros ay talagang kung anu-ano na ang pumapasok sa kaniyang isip. Hindi na niya iyon maiwasan matapos ang mga nangyari. Ang hirap alisin na maging paranoid lalo na at alam niya na hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa rin nah
“ANO bang ginagawa natin dito, Valentina? Hindi ba tayo papasok sa loob ng resort? Magbe-beach ba tayo para makapag-relax? Sayang, wala akong dalang bathing suit!” Pangungulit na tanong ni Lukring.Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Valentina sa kasama. Kasalukuyan silang nasa labas ng resort ng hapon na iyon. May nakabalabal na scarf sa kaniya ulo upang walang makakilala sa kaniya. “Tumahimik ka nga! Hindi mo ba alam kung magkano ang entrance sa resort na iyan? Kung makapagsalita ka ay parang meron tayong pera! Basta, maghintay ka lang diyan at meron akong hinihintay na lumabas! Saka kilabutan ka nga sa sinasabi mong bathing suit! Hindi bagay sa iyo!” Inis niyang wika.Sumimangot si Lukring at mukhang disappointed. “Wow, ha! Body shamer yarn?!” Hindi na ulit ito nagsalita pa.Matiyaga silang naghintay sa labas ng resort. Medyo malayo sila sa mismong gate entra
“GOOD morning, S-sir Ambrose…” Ang nahihiyang pagbati ni Milagros nang pumasok sa opisina si Ambrose. Hindi siya makatingin dito nang diretso sapagkat kahit paano ay may nararamdaman pa rin siyang pagka-ilang rito nang dahil sa mga nangyari.“Good morning, Milagros!” ganting bati ng lalaki.Bahagya siyang nabigla nang mapansin niya ang sigla sa boses ni Ambrose. Maging ang dating nito sa umagang iyon ay tila masaya at maaliwalas ang mukha nito. Maganda yata ang gising ng kaniyang boss ng umaga na iyon.Ang akala niya ay didiretso ito sa table nito ngunit sa kaniya ito lumapit at umupo sa upuan sa kaniyang harapan. “Milagros, gusto kong malaman mo na hindi ako galit sa iyo. Naiintindihan ko ang mga ginawa mo at biktima ka rin ng mga naging kilos noon ni Valentina,” seryosong turan nito.Hindi niya alam kung paano nalaman ni Ambrose ang kaniyang nararamdaman ngun
“IF you don’t want to help me, sabihin mo. Hindi `yong may suggestion ka pa na sumuko ako sa mga pulis. Wala kang alam sa pinagdadaanan ko, Ambrose. Hindi mo alam kung bakit ayokong sumuko at mas pinipili kong magtago ngayon!” Malakas na itinulak ni Valentina si Ambrose.Labis ang disappointment na nararamdaman niya dahil umasa siya nang malaki na si Ambrose ang makakatulong sa kaniya at hindi siya nito bibiguin. Pero nagkamali siya ng akala dahil ang nais nito ay sumuko siya.Maya maya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. Agad na ibinalabal ni Valentina ang scarf sa kaniyang ulo.“Sir, ready na po—” Nagulat ang babaeng dumating na base sa suot ay alam niyang masahista. “Hoy! Sino ka? Anong ginagawa mo rito?!”“It’s okay. Nanlilimos lang siya at pumasok dito,” turan ni Ambrose.Tumalim ang mga mata ni Valentina habang nakatingin
SUMABOG na ang kalungkutan at paninisi sa sarili ni Milagros nang muli niyang binalikan ang mga nangyari kung bakit humantong sa aksidenteng bumago sa buhay niya ang lahat. Nasa puso niya pa rin ang pagsisisi kung bakit namatay si Monica. Alam niya na kung hindi lang sana siya sumunod sa lahat ng sinabi ni Monica at mas kinumbinse niya itong sumuko na lang ay baka buhay pa ang kaniyang kaibigan. Baka nagawa pa nitong sabihin ang katotohanan at paniwalaan ito ng lahat hanggang sa mapawalang-sala ito sa ibinato rito noon.Ngunit wala na. Huli na ang lahat. Kahit anong pagsisisi ang kaniyang gawin ay hindi na maibabalik ang buhay na nawala.Kahit masakit para sa kaniya na balikan ang pangyayaring iyon ay hindi niya naisipan na ipagdamot iyon kay Ambrose. Dapat nitong malaman na wala talagang kasalanan si Monica at hindi totoo ang mga sinasabi ng mga tao tungkol dito.Habang halos hindi na siya makahinga sa pag-iy