Share

CHAPTER 02

Author: Soju
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

    MULAT sa kahirapan si Milagros at sanay siya sa ganoong buhay. Dati, masaya na siya na kumakain sila ng tatlong beses sa isang araw at nakakapagbayad sila sa kuryente. Luho na para sa kaniya ang makabili ng damit sa ukay-ukay at makakain ng fishball sa may bayan.

Ngunit nang makita niya ang lungkot ng pamilya niya dahil maaaring mawala sa kanila ang bahay at lupa kung saan sila lumaki ay parang bigla siyang hinampas ng malakas sa ulo. Bigla siyang nagkaroon ng panibagong mithiin sa buhay.

Nakakasawa rin pala ang maging mahirap. Madalas ay lilinlangin o paglalaruan ka ng mas nakakaangat. Kagaya na lang ng nangyari sa kanila. Inakala nila na sa kanila na ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay ngunit hindi pa pala. Kailangan pa nilang magbayad ng two hundred thousand pesos upang tuluyang mapunta iyon sa kanila.

“Tita, tapos na lahat. Nalinisan ko na lahat ng bato at kabibe!”

Bahagyang napapitlag si Milagros mula sa pagkakatulala sa sinabing iyon ni Beloy. Iniisip niya kasi kung paano siya makakapag-ipon ng perang kailangan nila sa loob ng tatlong buwan.

Nasa likod-bahay sila ni Beloy. Meron silang lumang poso roon kung saan sila kumukuha ng tubig na tabang o iyong mula sa balon. Ang tubig sa poso ay para sa paglalaba, paliligo, paglilinis at para sa banyo.

Tiningnan niya ang mga kabibe at bato na nasa maliit na timba. Ngumiti siya sa pamangkin at pinapasok na niya ito sa bahay. Binuhat na niya ang timba at naglakad papunta sa tindahan ni Aling Dyosa na matatagpuan sa palengke. Tumawid siya ng kalsada at naglakad ng kaunti. May tindahan ng mga inaalagaang isda si Aling Dyosa at kailangan nito ng mga kabibe at magagandang bato para ilagay sa aquarium. Siya ang tanging nag-su-supply ng mga ganoon rito.

Matapos niyang ibigay kay Aling Dyosa ang laman ng timba ay inisa-isa na nito iyong suriin. Bawat bato at kabibe at tinitingnan nitong mabuti. May iba na diretso sa plastik habang ang iba ay sa basurahan na nasa paanan nito.

“Three hundred fifty lahat ang nakuha mo ngayon, Milagros. Okay na ba sa iyo `yon?” tanong ni Aling Dyosa pagkatapos nitong suriin ang mga dala niya.

“Opo. Salamat po.” Matipid niyang sagot.

Habang nagbibilang ng pera ang ginang sa harapan niya ay napapaisip pa rin siya kung paano magkakaroon ng perang pambayad sa lupa. Inabot ni Aling Dyosa ang pera sa kaniya pero nanatili siyang nakatayo sa harapan nito.

“O, bakit? May kailangan ka pa ba? Dagdag ba?” Nakangiting tanong nito.

“Ay, hindi po. Aling Dyosa, kakapalan ko na ang mukha ko. Pwede mo ba akong pahiramin ng two hundred thousand pesos?!”

“Ano?! Two hundred ano?!”

“Thousand po! Two hundred thousand pesos.” Paglilinaw niya.

“Diyos ko! Mahabaging langit!” Napa-krus pa ito. Namutla ito na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. “Saan mo gagamitin ang ganoon kalaking halaga ng pera? Bibili ka ba ng sasakyan?”

“Pambayad po sa lupa namin. Kapag hindi kami nakapagbigay ng ganoon doon sa may-ari ng lupa ay mapapalayas kami. Tatlong buwan po ang palugit na ibinigay sa amin, e. Nakita ko po kasi na ang dami ninyong pera kaya baka mapapahiram ninyo kami.” Malungkot niyang turan.

May lungkot siyang tiningnan ni Aling Dyosa. “Nakakaawa naman pala kayo. Pero, Milagros, itong hawak kong pera ay wala pang two hundred thousand. Karamihan dito ay bente kaya akala mo ay marami. Sandali, ha...” Nagbilang ng pera ang ginang at inabot iyon sa kaniya.

Gulat man ay tinanggap niya pa rin iyon.

“Three thousand pesos iyan. Idagdag mo sa kailangan ninyong pera. Marami rin kasi akong babayaran kaya hindi kita mapapahiram nang malaki. Tapos kalahati ng kikitain mo sa akin ay ibabayad mo sa akin hanggang sa makabayad ka. Walang tubo iyan, ha. Ano, ayos ba sa iyo ang ganoon?”

Malugod na tinanggap ni Milagros ang alok na iyon ni Aling Dyosa. Alam niya na gusto siya nitong tulungan ngunit hanggang doon lamang ang kaya nito. Ganoon pa man, malaki pa rin ang pasasalamat niya. Napakasaya ng puso niya dahil kahit hindi ito mayaman ay handa pa rin itong tumulong.

Habang naglalakad pabalik ng bahay ay kipkip niya ang perang ibinigay ni Aling Dyosa. Napahinto siya sa harapan ng malaking gate ng beach resort na malapit nang magbukas. Lumapit siya at sumilip sa gate na parang rehas.

“May kailangan ka, miss? Kanina ka pa patingin-tingin dito sa loob, e.”

Nagulat si Milagros sa pagsasalita ng security guard sa may gilid. Hindi niya ito nakita kanina kaya inakala niya na walang tao.

“H-hello, kuya.” Nahihiyang kumaway si Milagros sa guard. “Kailan pala magbubukas itong resort?”

“Magpapa-book ka ba? Sa online nagpapa-book dito, e.”

“Ay, hindi po. Magtatanong sana ako kung hiring ba kayo rito? Mga staff, gano’n.”

“Meron. Sa housekeeping. Mag-a-apply ka ba?”

“Oo, kuya! Pwede ba?” Masayang tugon niya.

“May résumé o bio-data ka bang dala? Akin na at para maibigay ko sa HR department mamaya. Tamang-tama dahil kulang kami ng tao.”

“Naku, kuya. Wala, e. Pero babalik ako mamaya para magbigay. Maraming salamat po!” Nakangiting tumalikod si Milagros.

Kahit paano ay nagkaroon siya ng pag-asa na magkakaroon siya ng trabaho. Mabuti na ang kumilos siya upang makaipon kahit paano. Siguro naman ay mabibigyan sila ng palugit ng may-ari ng lupa. Kahit makiusap sila ay gagawin nila hanggang sa mabayaran nila nang buo ang kulang pa sa lupa.

Sa paglalakad ni Milagros pauwi ay may biglang humablot sa kamay niya. Ang buong akala niya ay may snatcher na aagaw sa hawak niyang pera. Akmang sisigaw siya ngunit sa paglingon niya ay tumalon ang kaniyang puso nang malaman kung sino ang taong iyon.

“Martin!” Buong tuwang bulalas niya sabay yakap sa nobyo.

“Hay! Namiss mo ako, `no? Pasensiya ka na kung ilang araw akong hindi nakapagpakita sa iyo. Ang dami kasing gawain sa bundok saka meron pala akong sasabihin sa iyo—”

“Ayos lang. Saka nandito ka na. Iyon ang importante!”

Sininghot niya ang leeg nito. Napapikit siya nang maamoy ang usok mula sa kopras. Gustung-gusto niya ang amoy nito iyon. Hindi niya ipagpapalit sa kahit na anong pabango ang amoy na iyon ni Martin.

“Kung makasinghot ka naman! Parang ang bango ko, a! Kakagaling ko lang sa bundok. Nagbaba ako ng kopras,” anito matapos niya itong yakapin.

“Iyan nga ang gusto kong amoy mo, e. Teka, saan ka pala pupunta?”

“Sa inyo. Sakto kasi nandito ka na. Ikaw lang naman ang ipinunta ko roon. Ikaw, sa’n ka galing?”

Isinilid muna ni Milagros ang pera sa bulsa ng suot na bestida. Hinawakan ni Martin ang kamay niya at naglakad-lakad sila sa dalampasigan. Nang makakita ng malaking katawan ng puno ay umupo sila paharap sa malawak at asul na dagat.

“Nagbenta ako ng bato at kabibe kay Aling Dyosa. Saka nagtanong rin ako roon sa magbubukas na resort kung pwedeng mag-apply ng trabaho,” tugon niya sa kaninang tanong ni Martin.

“Sa Montealta Beach Resort and Hotel? Magtatrabaho ka na?”

“Malamang. Kaya nga ako nagtanong. May problema kasi kami, Martin. Kailangan namin ng two hundred thousand pesos para pambayad sa lupa. Tatlong buwan ang palugit na ibinigay sa amin at papalayasin kami kapag hindi kami nakapagbigay. Kaya naisipan kong magtrabaho na para kahit paano ay makaipon.” May lungkot sa boses na turan niya.

“Akala ko ba ay sa inyo na ang lupang iyon?”

“Iyan din ang akala namin pero hindi pa pala. Ewan ko ba doon sa may-ari kung niloloko kami o ano. Pero alam mo naman kapag mahirap, `di ba? Wala kaming magagawa kundi ang sumunod na lang.”

Sandaling tumahimik si Martin. Maya maya ay may inilabas ito sa bulsa nito. “`Eto, sa iyo na ito, Milagros. Idagdag mo sa perang kailangan ninyo. Walong libo lang ito pero ito lamang ang kaya ko na iambag sa inyo.” Pera pala ang ibinibigay nito.

Nanlaki ang mata niya. “Naku! Hindi naman ako nangungutang sa iyo!”

“Bigay ko ito. Hindi utang. Isang buwan na kita ko iyan sa kopras pero wala pa akong paggagamitan kaya ibinibigay ko na sa iyo.” Kinuha nito ang isa niyang kamay at inilagay doon ang pera.

“P-pero, Martin—”

“Saka `eto pa pala...”

Mas lalong nanlaki ang mata niya sa gulat nang isang silver na singising na may maliit na tila diyamante sa gitna.

“A-ano iyan?” Nagtataka niyang tanong.

“Hindi mahal ang singsing na ito, Milagros. Naniniwala ako na hindi basehan ang halaga ng isang bagay ngunit mas importante ang intensiyon ng nagbigay nito. Milagros, gusto sana kitang tanungin kung gusto mong magpakasal sa akin?” Lumuhod pa si Martin sa harapan niya habang nakaumang ang singsing sa kaniya.

Napasinghap si Milagros. Naluha siya hanggang sa naghabulan na ang luha niya sa pisngi. Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Hindi siya makapaniwala na nagpo-propose si Martin sa kaniya sa harapan ng karagatan.

Aaminin niya na simula nang maging sila ni Martin ay nagsimula na rin siyang mangarap na darating ang araw na magpapakasal sila at magiging mag-asawa. Tapos maninirahan sila ng payak sa isang bahay at magkakaroon ng mga cute na anak. Magkasama silang tatanda na hindi nawawala ang pagmamahal sa isa’t isa.

“Milagros?” untag ni Martin na naghihintay sa kasagutan niya.

Lumuluhang tumango si Milagros. “Oo, Martin! Gusto kong magpakasal sa iyo!” Mula sa pusong tugon niya.

Napasigaw sa sobrang kasiyahan si Martin. Tumayo ito at hinila siya. Mahigpit siya nitong niyakap na para bang ayaw na siyang pakawalan. Nang maghiwalay ang katawan nila ay parehas na silang lumuluha. Kinuha nito ang isa niyang kamay at isinuot ang singsing sa palasinsingan niya.

Walang pagsidlan ang kasiyahan na tiningnan ni Milagros ang singsing sa kaniyang daliri. Hindi man mamahalin ang singsing na iyon ay hindi iyon mahalaga sa kaniya. Ang mahalaga ay mula iyon kay Martin at simbolo iyon ng kanilang pagmamahalan na malapit nang magkaroon ng basbas mula sa nasa Itaas...

Related chapters

  • The Impostor Wife   CHAPTER 03

    “MISS Monica, nandito na po tayo...”Marahan na bumukas ang mata ng natutulog na si Monica sa back seat ng Mercedes-Maybach Exelero car. Nakahinto na sila sa loob ng beach resort na pagmamay-ari niya. Iyon ang negosyong naisipan niyang itayo nang regaluhan siya ng kaniyang ina na si Valentina ng million pesos noong birthday niya na dalawang taon na ang nakakalipas.She’s twenty-seven years old at ayaw niyang umasa sa pera ng mommy niya. Gusto niyang kumita ng pera sa sarili niyang pawis at pagod. Hindi lamang siya ang nag-iisang owner ng Montealta Beach Resort and Hotel. Co-owner niya ang kaniyang fiancé na si Ambrose Walters na isang businessman. Nag-invest ito nang malaki sa business niya kahit walang kasiguruhan na magiging successful ang beach resort and hotel niya. Lahat naman kasi ng sabihin niya kay Ambrose ay sinusunod nito nang walang pagt

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Impostor Wife   CHAPTER 04

    BAGO tuluyang umuwi sa bahay ay bumili si Milagros ng lutong ulam sa karinderya na nadaanan nila ni Martin para hindi na nila problemahin ang uulamin nila para sa gabing iyon. Sa sobrang bait ni Martin ay ito ang nagbayad ng mga binili niya.Sinamahan din siya ni Martin hanggang sa bahay nila. Pinapasok niya ito upang makabati sa pamilya niya pero napansin niya na tila hindi maganda ang timpla ng nanay niya. Nakairap ito nang magmano si Martin.“Pwede bang umalis ka na muna at may pag-uusapan kami ng anak ko?” Malamig na turan ng nanay ni Milagros sa nobyo niya.“Sige po, tita. Paalis na rin naman po ako. Inihatid ko lang po talaga si Milagros.” Magalang na nagpaalam si Martin sa mga magulang niya at sa huli ay sa kaniya.Hindi alam ni Milagros ngunit kinakabahan siya at parang may hindi magandang mangyayari.Nakaupo malapit sa

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Impostor Wife   CHAPTER 05

    “MIRA por donde vas, tonta!” Malakas na sabi ng babae kay Milagros na kahit hindi niya iyon naintindihan ay nanginig ang buong katawan niya sa takot. Para itong primera kontrabida sa isang local soap opera. Iyong mayaman na matanda na nananampal at nandudura sa teleserye. Kung hindi siya hawak ni Apple ay baka kanina pa siya napaluhod dahil dama niya na nanghihina ang tuhod niya sa takot. Mula sa kung saan ay lumapit sa kanila si Monica at Ambrose. “Mama? Is there a problem?” tanong nito sa matangkad na babae na noon lang niya nalaman na nanay pala ng amo nila sa naturang resort. Mas lalo tuloy natakot si Milagros na baka matanggal agad siya sa trabaho nang dahil sa simple at hindi sinasadyang pagbangga niya sa nanay ni Monica. “May tatanga-tanga kang tauhan dito, Monica! Hindi marunong tumingin sa dinadaanan! At hindi marunong mag-sorr

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Impostor Wife   CHAPTER 06

    NAPASUBSOB sa mabahong tambak ng basura ang labing isang taong gulang na si Valentina nang itulak siya ng mga kaklase niya. Mag-isa siyang naglalakad pauwi mula sa paaralan nang magulat siya nang bigla na lang na may tumulak sa kaniya.Naramdaman niya sa kamay ang malagkit at mabahong dumi na kaniyang nahawakan.Malakas na tawanan ang sumunod na narinig niya. Marahang umangat ang mukha ni Valentina upang salubungin ang tatlong kaklaseng babae na nasa kaniyang harapan.“Diyan ka nababagay, Valentina! `Di ba, basurera ang nanay mo? Kaya isa kang anak ng basura!” tudyo ng nasa gitna habang iinuturo siya.Tumiim ang bagang ni Valentina at matalim na tiningnan ang tatlo.Noon pa ay binu-bully na siya ng mga ito dahil sa siya ang pinaka matalino sa kanilang klase. Hindi siguro matanggap ng mga ito

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Impostor Wife   CHAPTER 07

    BUONG magdamag na nag-isip si Milagros kung paano niya sasabihin kay Martin na nais na niyang makipaghiwalay dito. Nag-iisip siya kung paano niya ipapaliwanag sa nobyo na kailangan na nilang itigil ang kanilang relasyon dahil kung hindi ay baka tuluyan siyang itakwil ng sariling ina. Alam niya na labis na masasaktan si Martin sa desisyon niyang iyon pero mas importante pa rin para sa kaniya ang pamilya.Siguro, hindi pa iyon ang tamang panahon para sa kanila ni Martin. Kung hindi ngayon, naniniwala siya na sa hinaharap ay silang dalawa pa rin ang magkakatuluyan. Sadyang kailangan muna nilang magsakripisyo sa ngayon.Madaling araw na nakatulog si Milagros kaya naman sa trabaho ay inaantok siya nang husto. Maaga kasi siyang nagising at diretso na sa trabaho. Nakalimutan niya tuloy ang magluto ng pambaon niya para sa tanghalian. Baka umutang muna siya kay Apple mamaya para me

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Impostor Wife   CHAPTER 08

    “AMBROSE, gusto kong mag-swimming. You want to come?” tanong ni Monica sa nobyong nasa lobby ng hotel habang abala sa laptop. Bumaba siya sa lobby na suot na ang kaniyang two-piece swimsuit na pula. Mas lalo tuloy siyang pumuti dahil sa kulay niyon.Napasipol si Ambrose nang makita siya. Banaag sa mata nito ang pagnanasa. “Pwede bang sa kwarto na lang tayo kesa sa beach?” pilyo nitong tanong.“You almost killed me in bed last night. Hindi ka pa ba nagsasawa?”Akala mo kasi ay sinasapian ng demonyo si Ambrose pagdating sa kama. Masyado itong agresibo pagdating sa pagpapaligaya sa kaniya at sa sarili nito.“Hindi ko pagsasawaan ang isang Monica Montealta!”“Stop, Ambrose! Too early for that. Anyway, mauuna na ako sa iyo sa beach. Sumunod ka na lang kung gusto mo.”“Okay. Magpapalit

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Impostor Wife   CHAPTER 09

    “THAT stupid girl—hindi mo ba talaga aalisin iyon? Alam mo bang pangalawang beses nang binangga ako ng babaeng iyon. Nananadya na yata iyon, e!”Umangat ang mukha ni Monica mula sa binabasang papeles nang pumasok si Valentina sa kaniyang opisina. Kakarating lang nito pero galit na agad ang tono ng boses ng ina.Napatawa siya nang mahina. “It’s too early para uminit ang ulo mo, `ma. Sino ba? Si Milagros?”“I don’t know her name at wala akong planong alamin. Iyong tangang babae na binangga ako no'ng opening nitong resort!”“Tha’ts Milagros. Siya lang naman ang nagligtas sa akin kanina nang muntik na akong malunod at walang naglakas ng loob para tulungan ako. I owe her my life, `ma. Please, spare her sa pagiging maldita mo.” Ibinalik niya ang atensiyon sa binabasa.“What?! Bakit

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Impostor Wife   CHAPTER 10

    “ANG ganda mong babae pero papatay ka ng tao. Sayang ka.” Iiling-iling ang lalaking pulis na nagpasok kay Milagros sa kulungan.Walang imik niya itong tiningnan habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa rehas na bakal. Umalis rin agad ang pulis nang mapansin na hindi maganda ang timpla ng mukha niya.Wala nang nagawa si Mirasol nang dalhin siya sa kulungan ng tanod na humuli sa kaniya. Itinurn-over siya ng mga iyon sa pulis. Kanina kasi ay nagdilim ang paningin niya nang saktan ni Mr. Sy ang kaniyang ina. Kumuha siya ng kutsilyo at akmang sasaksakin ito. Ang balak niya ay takutin at itaboy ito pero biglang nakipag-agawan si Mr. Sy sa kutsilyo at aksidente itong nahiwa sa braso. Mababaw ang sugat at alam nito na hindi niya iyon sinadya ngunit nang magpatawag ito ng tanod ay sinabi nito na intensyon niya talaga ang saksakin at patayin ito.Gustuhin man n

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • The Impostor Wife   FINAL CHAPTER

    “ANG akala mo yata ay makakatakas ka sa akin? Hindi, Milagros! Sa dami ng naging atraso mo sa akin, hindi ako makakapayag na mabubuhay ka pa. Ako mismo ang dapat na pumatay sa iyo!” Nangingilid na ang luha ni Valentina sa sobrang galit na kaniyang nararamdaman ng sandaling iyon.Nakatutok sa mukha ng Milagros ang baril na kaniyang hawak.Mula sa umiiyak na mukha ni Milagros ay naging matigas iyon. “Wala akong atraso sa iyo, Valentina! Ikaw ang nagsabi sa akin na ako si Monica at totoong wala akong naaalala noon! Kung anuman ang nangyayari sa iyo ngayon, ikaw ang lahat ng may kagagawan. Ikaw ang may kasalanan ng lahat kung bakit ka bumagsak! Masyado kang nagpabulag sa pera kahit mayaman ka na at lahat na ay nasa iyo. Ang pagiging ganid at makasarili mo ang nagtulak sa iyo kung nasaan ka ngayon! Kaya huwag mo akong sisisihin!”Nanlisik ang mga mata niya. Tumagos sa puso niya ang mga sinab

  • The Impostor Wife   CHAPTER 117

    KINSE minutos pa lamang ang nakakalipas simula nang makausap ni Martin si Ambrose ngunit parang isang araw na siyang naghihintay sa may gilid ng kalsada papunta sa kasukalan na maaaring kinaroroonan ni Milagros.Hindi niya kayang pakalmahin ang sarili gayong alam niya na si Valentina ang may hawak sa asawa niya at alam na pala nito na hindi si Monica ito. Kaya alam niya kung gaano kagalit ngayon si Valentina at base sa mga patong-patong na kaso nito ngayon ay hindi maipagkakaila na kaya nitong patayin si Milagros.Kanina pa rin siya nagdadasal na sana ay maging ligtas si Milagros at buhay nila itong mabawi kay Valentina dahil hindi niya magagawang patawarin ang sarili sa sandaling may nangyaring hindi maganda sa kaniyang asawa at sa anak nila na nasa sinapupunan nito.Palakad-lakad siya at hindi mapirmi sa iisang pwesto. Nagtatalo ang utak niya kung dapat na ba siyang sumuong sa kasukalan o hintayin niya si Am

  • The Impostor Wife   CHAPTER 116

    HINDI makapaniwala si Milagros na maging si Ambrose ay idadamay ni Valentina sa masasama nitong balak lalo na’t alam niya na walang ginawang masama ang lalaki rito. Base sa pagkakarinig niya sa pakikipag-usap ni Valentina kay Ambrose sa cellphone ay papapuntahin ng una ang huli sa lugar na iyon. Kunwari ay ipagpapalit siya ni Valentina sa dalang pera ni Ambrose ngunit hindi iyon totoo sapagkat kapag nakuha na ni Valentina ang pera ay papatayin na nito si Ambrose.Talagang ubod ito ng sama kaya kahit natatakot siya ng sandaling iyon ay hindi niya pa rin ito dapat hayaan na magtagumpay!Sa oras na iyon ay mahimbing na ang tulog ni Valentina at ng babaeng kasama nito na narinig niya na ang pangalan ay Lukring.Kaya naman pala hirap na hirap ang mga pulis na malaman kung nasaan si Valentina ay dahil sa gitna ng kasukalan ito nagtatago. Sino nga ba namang mag-aakala na ang sosyal at ubod ng yaman na si Valent

  • The Impostor Wife   CHAPTER 115

    “SIGURADO ka ba na hindi na makakawala ang babaeng iyan?” Paninigurong tanong ni Valentina kay Lukring matapos nitong itali si Milagros sa isang haligi ng kubo nito.Nakaupo sa sahig sa Milagros habang nakatali ang mga kamay sa likod na nakatali rin sa haligi. Maging ang mga paa nito ay may tali rin upang makasiguro sila na hindi nito magagawang manipa. May busal din ito sa bibig. Kahit naman magsisigaw ito ay walang makakarinig dito ngunit mas mabuti na ang sigurado. Nang sandaling iyon ay wala pa rin itong malay.“Of course naman! Matibay na matibay iyan! Wala ka bang tiwala sa akin?” Turo pa ni Lukring sa sarili.“Talaga bang tinatanong mo ako niyan, Lukring? Of course din! Wala!”“Wala rin. Wala ka ring choice kundi magtiwala sa akin kasi ako lang ang kakampi mo ngayon!” At nakakalokong tumawa si Lukring na ikinairita niya. Akala mo kasi ay isa itong m

  • The Impostor Wife   CHAPTER 114

    “MILAGROS, nandito na ako!” Masiglang turan ni Martin pagkapasok niya sa bahay.Napakunot-noo siya nang mapagtantong nakapatay lahat ng ilaw. Una siyang nagpunta sa kusina dahil ang inaasahan niya ay naroon ang kaniyang asawa dahil ang sabi nito ay magluluto ito pero hindi niya rin natagpuan roon si Milagros. Maging sa banyo, kwarto at likod-bahay ay wala rin ito. Nagbalik siya sa sala at umupo.Inilabas niya ang cellphone upang tawagan si Milagros. Ilang beses na niyang tinawagan ito pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.Kahit hindi pa man niya alam kung nasaan ang kaniyang asawa ay hindi niya maiwasan ang kabahan. Kapag kasi ganoong hindi niya alam kung nasaan si Milagros ay talagang kung anu-ano na ang pumapasok sa kaniyang isip. Hindi na niya iyon maiwasan matapos ang mga nangyari. Ang hirap alisin na maging paranoid lalo na at alam niya na hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa rin nah

  • The Impostor Wife   CHAPTER 113

    “ANO bang ginagawa natin dito, Valentina? Hindi ba tayo papasok sa loob ng resort? Magbe-beach ba tayo para makapag-relax? Sayang, wala akong dalang bathing suit!” Pangungulit na tanong ni Lukring.Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Valentina sa kasama. Kasalukuyan silang nasa labas ng resort ng hapon na iyon. May nakabalabal na scarf sa kaniya ulo upang walang makakilala sa kaniya. “Tumahimik ka nga! Hindi mo ba alam kung magkano ang entrance sa resort na iyan? Kung makapagsalita ka ay parang meron tayong pera! Basta, maghintay ka lang diyan at meron akong hinihintay na lumabas! Saka kilabutan ka nga sa sinasabi mong bathing suit! Hindi bagay sa iyo!” Inis niyang wika.Sumimangot si Lukring at mukhang disappointed. “Wow, ha! Body shamer yarn?!” Hindi na ulit ito nagsalita pa.Matiyaga silang naghintay sa labas ng resort. Medyo malayo sila sa mismong gate entra

  • The Impostor Wife   CHAPTER 112

    “GOOD morning, S-sir Ambrose…” Ang nahihiyang pagbati ni Milagros nang pumasok sa opisina si Ambrose. Hindi siya makatingin dito nang diretso sapagkat kahit paano ay may nararamdaman pa rin siyang pagka-ilang rito nang dahil sa mga nangyari.“Good morning, Milagros!” ganting bati ng lalaki.Bahagya siyang nabigla nang mapansin niya ang sigla sa boses ni Ambrose. Maging ang dating nito sa umagang iyon ay tila masaya at maaliwalas ang mukha nito. Maganda yata ang gising ng kaniyang boss ng umaga na iyon.Ang akala niya ay didiretso ito sa table nito ngunit sa kaniya ito lumapit at umupo sa upuan sa kaniyang harapan. “Milagros, gusto kong malaman mo na hindi ako galit sa iyo. Naiintindihan ko ang mga ginawa mo at biktima ka rin ng mga naging kilos noon ni Valentina,” seryosong turan nito.Hindi niya alam kung paano nalaman ni Ambrose ang kaniyang nararamdaman ngun

  • The Impostor Wife   CHAPTER 111

    “IF you don’t want to help me, sabihin mo. Hindi `yong may suggestion ka pa na sumuko ako sa mga pulis. Wala kang alam sa pinagdadaanan ko, Ambrose. Hindi mo alam kung bakit ayokong sumuko at mas pinipili kong magtago ngayon!” Malakas na itinulak ni Valentina si Ambrose.Labis ang disappointment na nararamdaman niya dahil umasa siya nang malaki na si Ambrose ang makakatulong sa kaniya at hindi siya nito bibiguin. Pero nagkamali siya ng akala dahil ang nais nito ay sumuko siya.Maya maya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. Agad na ibinalabal ni Valentina ang scarf sa kaniyang ulo.“Sir, ready na po—” Nagulat ang babaeng dumating na base sa suot ay alam niyang masahista. “Hoy! Sino ka? Anong ginagawa mo rito?!”“It’s okay. Nanlilimos lang siya at pumasok dito,” turan ni Ambrose.Tumalim ang mga mata ni Valentina habang nakatingin

  • The Impostor Wife   CHAPTER 110

    SUMABOG na ang kalungkutan at paninisi sa sarili ni Milagros nang muli niyang binalikan ang mga nangyari kung bakit humantong sa aksidenteng bumago sa buhay niya ang lahat. Nasa puso niya pa rin ang pagsisisi kung bakit namatay si Monica. Alam niya na kung hindi lang sana siya sumunod sa lahat ng sinabi ni Monica at mas kinumbinse niya itong sumuko na lang ay baka buhay pa ang kaniyang kaibigan. Baka nagawa pa nitong sabihin ang katotohanan at paniwalaan ito ng lahat hanggang sa mapawalang-sala ito sa ibinato rito noon.Ngunit wala na. Huli na ang lahat. Kahit anong pagsisisi ang kaniyang gawin ay hindi na maibabalik ang buhay na nawala.Kahit masakit para sa kaniya na balikan ang pangyayaring iyon ay hindi niya naisipan na ipagdamot iyon kay Ambrose. Dapat nitong malaman na wala talagang kasalanan si Monica at hindi totoo ang mga sinasabi ng mga tao tungkol dito.Habang halos hindi na siya makahinga sa pag-iy

DMCA.com Protection Status