Prologue
Nakaupo ako ngayon sa bench dito sa park habang pinagmamasdan ang mga masasayang pamilya na nagpi-picnic. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng pagka-inggit lalo na't hindi ko pa naranasan ang mga ganoong bagay.
I grew up being abandoned by my own father. Hindi niya ako kinilala bilang anak niya at kinahihiya niya ako. He is living with silver in his mouth while I'm not. Namulat na ako sa kahirapan ng buhay at kailangan ko pang magtrabaho para maipagamot ang may sakit kong nanay.
My mom treasured me a lot back then. When she was strong and healthy, hindi niya ako pinabayaan at pinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal kahit na bunga lang naman ako ng isang mainit na gabi.
Gamit ko ang apelyido niya, pero hindi niya ako kinikilala kailanman bilang anak niya. Ang mga kapatid ko sa asawa niya, ganoon din, ayaw nila sa akin.
Hindi ko alam kung bakit pero parang ako pa ang nagdurusa sa lahat. Hindi ko naman kasalanan na nabuhay ako sa mundong ito ngunit parang kay aga kong nagbuhat ng mabibigat na problema sa buhay.
Pinalis ko agad ang luha sa aking mata nang tumulo ito na hindi ko namalayan. Kailangan ko nang umuwi dahil maaga pa ako bukas sa trabaho.
Hindi pa ako tapos sa pag-aaral at waitress lang ako sa isang restaurant. Tumigil ako simula nang magkasakit si Nanay kaya kailangan kong kumayod para sa kanya. Hindi rin naman ako umaasa sa ama ko na wala namang paki sa amin.
Natigil lang ako sa pagpalis ng luha ko nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa at agad nataranta nang nakita ko ang numero ni Nanay sa screen. Agad-agad akong tumayo mula sa pagka-uupo at sinagot ang tawag.
“Nay!” sagot ko at inayos ang sarili. “Ayos lang po ba kayo? Bakit po kayo napatawag?”
Hinilot ko ang aking batok sabay baling sa kalangitan. Malapit na palang gumabi. Kailangan ko nang umuwi dahil magluluto pa ako ng hapunan namin ni Nanay.
“A-Anak,” sagit ni Banay sa kabilang linya. “Nandito s-siya…”
Umawang ang labi ko at biglang kinabahan. Napalunok ako at saka bahagyan ding kinunot ang noo.
“Sino?” tanong ko at bumuga ng hangin. "Sino ang nandiyan, Nay?"
Nagsimula na ako sa paglalakad habang ang phone ko ay nakatapat sa kanang tainga. Pumara ako ng tricycle at saka sumakay sa loob.
“Azura po,” sambit ko agad sa driver ng tricycle sabay baling sa phone ko. “Nay, sino po ang nandiyan?”
“Si R-Rodrigo,” garagal niyang sambit. "Nandito ang t-tatay mo…"
Napasinghap ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Si Papa? Ano ang ginagawa niya roon? Hindi ko maiwasan ang kabahan lalo na’t hindi naman siya bumibisita sa amin. Bukod sa masikip, hindi pa kagandahan ang bahay namin. Hindi nababagay ang isang katulad niya sa lugar namin.
Nang nakarating ako ay agad kong nakita ang mamahaling sasakyan na nakaparada sa may eskinita. Nakita ko pa ang dalawang lalaki na naka-shade na nakatayo sa labas ng kotse.
Nagbayad na ako sa tricycle driver at lumabas na ng tricycle. Agad-agad akong tumakbo patungo sa eskinita at dumiretso sa bahay namin.
Una kong nakita ang dalawa pang lalaki na nasa labas ng bahay namin, nakatayo. Humigpit ang kapit ko sa bag ko at hininaan ang paglalakad. Napalunok ako at hindi alam ang gagawin.
“Nandito ka na pala, Alexa. Hindi mo man lang ba babatiin ang iyong ama?” nakangising sambit ni Papa nang tuluyan na akong nakapasok. Nakaupo siya sa maliit naming upuan sa masikip namin na sala
Nakita ko si Mama na nakatayo sa gilid kaya agad-agad ko siyang dinaluhan at inalalayan.
“Nay, bakit ka nakatayo?” nag-aalalang tanong ko. “Doon ka na lang sana sa kwarto.”
Pagod na ngumiti siya sa akin. “Pasensya ka na anak. Nagulat ako na bumisita si Rodrigo kaya kailangan ko siyang asikasuhin,” ani Nanay sabay iwas ng tingin sa akin.
Hindi ko maiwasan ang mainis sa lalaking nakaupo sa upuan namin. Para siyang hari na nakaupo ng salapi. Hindi ko akalain na bibisita siya rito at hindi ako tanga para hindi malaman ang pakay niya.
Hindi naman siguro siya bibisita sa masikip na lugar kung wala siyang pakay sa amin. Sigurado akong meron.
“Ano po ang ginagawa niyo rito?” tanong ko sabay baling sa kanya. “Hindi naman siguro kayo pumunta rito para kumustahin kami, ‘di ba? Wala naman po kayong pakialam sa amin.”
Ngumisi si Papa at hinubad ang kanyang shade. Umiling siya at humalukipkip. Binalingan niya si Nanay.
“Mukhang hindi mo man lang tinuruan ng tamang asal ang anak mo, Alejandra. Hindi man lang marunong rumespeto sa akin. Mabuti na lang talaga at hindi kita kinikilala na anak. Nakakahiya ka maging Monteverde," umiiling-iling niya na sambit sabay ngisi.
Parang tinusok ng karayom ang puso ko sa narinig. Hindi ko akalain na mas masakit pa pala kapag sa mismong harap mo na maririnig.
“Rodrigo, huwag ka namang ganiyan sa anak ko. Anak mo pa rin naman siya,” si Nanay sabay hawak sa braso ko. Napalingon tuloy ako sa kanya.
Mahinang humalakhak si Papa at tumayo. “Alejandra, huwag kang mapagbiro. Ma-swerte pa rin naman siya dahil dala-dala niya pa rin ang apelyido ko. Mabuti nga at pumayag ako, hindi ba? Karangalan na iyon lalo na’t kilalang-kilala ang apelyido ko.”
Kumuyom ang kamao ko. Gusto kong kilalanin niya ako bilang anak niya, pero kung ganito lang din naman ay huwag na lang.
Binalingan ko siya at saka binigyan ng masamang tingin. “Kung wala na po kayong sasabihin, puwede na po kayong umalis.”
Umawang ang labi niya at nagulat sa sinabi ko. Nanatili ang tingin ko sa kanya at ang kanyang pagkagulat ay napalitan ng isang pilyong ngiti.
“Hindi ko akalain na kaugali kita, Alexa,” aniya at bumalik sa pagka-upo. “Kaya ako nandito kasi may kailangan ako sa inyo, lalo na sa ‘yo.”
Sabi na eh…
“Kung ano man iyan, wala na po kaming paki. Umalis na po kayo at huwag na po kayong bumalik!” pagtataboy ko.
Maayos na sa akin kung hindi man niya ako kilalanin. Nandito pa naman si Nanay sa tabi ko. Hindi ko kailangan ng amang katulad niya.
I am his illegitimate daughter. Ayaw niya sa akin dahil madudungisan ang pangalan niya. Ayaw niya sa ‘kin kasi nakakahiya ako.
Sa totoo lang, gusto ko na kilalanin niya ako. Gusto ko rin maranasan ang magkaroon ng ama. Gusto ko rin maranasan ang magkaroon ng magandang buhay katulad ng mga kapatid ko.
Gusto kong maranasan ang pagmamahal ng isang ama na kailanman ay hindi ko naranasan. Pero ngayon, ako na mismo ang nagtataboy sa kanya palayo. We don’t need him. Wala na siyang karapatan sa amin dahil inabandona niya kami, inabandona niya ako.
“Ayaw mo bang kilalanin kita bilang anak ko?” tanong niya sabay haplos sa kanyang baba. “Ayaw mo ba maging parte ng pamilya ko?”
Natigilan ako at naramdaman ko ang mahigpit na hawak sa akin ni Nanay. Napatingin tuloy muli ako sa kanya. Nakita ko ang pag-asa sa kanyang mga mata. Hindi ko tuloy siya maintindihan.
Hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy siya.
“Actually, narito ako para sabihin sa iyo na kikilalanin kita bilang anak ko. Ipapakilala kita sa mga kamag-anak ko, sa lahat. Mararanasan mo ang buhay na mayroon ang mga kapatid mo,” aniya sa tono ng mapagkombinsi.
Kumunot ang noo ko at biglang nalula sa kanyang sinabi.
“Pero…” Huminto siya sabay ngisi sa amin. “May kondisyon…”
Naibagsak ko ang balikat ko sa narinig. Kilalanin niya ako pero may kondisyon? Ano pa ba ang aasahan ko sa isang katulad niya?
“Kailangan mo munang magpakasal…”
Namilog ang mata ko at napalayo kay Nanay. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Ako? Magpapakasal? Kanino?
“In that way, you will be part of our family…” Ngumisi siya ng nakakaloko at inabot ang folder mula sa kanyang tauhan.
Umiling ako at saka galit siyang tiningnan. “Hindi ako magpapakasal! Hindi bali nang hindi niyo ako kilalanin bilang anak ninyo,” ani ko sabay tiim-bagang.
“Talaga?” Binalingan niya si Nanay. “Alejandra, alam ko naman na pangarap mo na kilalanin ko ang anak mo bilang anak ko, hindi ba?” Lumipat ang mata niya sa akin. “At hindi lang ‘yon, ipapagamot kita kapag gagawin ng anak mo ang gusto ko.”
Sumikip ang dibdib ko at gusto ko nang umiyak sa inis at galit. Kung gusto niya akong kilalanin, wala sanang kondisyon. Kung gusto niya ipagamot si Nanay, wala sanang kondisyon.
“Makakaalis din kayo sa squatter na ito kapag tinanggap at gagawin mo ang gusto ko,” si Papa sabay lapag sa lamesa ng isang folder. Naibaba ko ang tingin ko roon. “May pera pala ako riyan. Pag-isipan mong mabuti. Babalik ang tauhan ko rito bukas upang kunin ka at dalhin sa bahay.”
Napaupo ako sa sahig nang nakaalis na si Papa at ang kanyang mga tauhan. Tuluyan nang tumulo ang luha sa aking mata. Dinaluhan ako ni Nanay at yumakap.
“Anak…Masaya ako na bumisita ang Papa mo. Kikilalanin ka na raw niya bilang anak niya…” sambit ni Nanay habang nakayakap siya sa akin. “Isa ‘yon sa pangarap ko anak, ang tuluyan kang kilalanin ni Rodrigo. Kahit papaano, mapanatag ang loob ko, bago man lang ako mawala sa mundong ito—”
“Nay!” Humiwalay ako sa kanyang yakap at napasinghap. “H-Huwag mo namang sabihin ‘yan!”
Mas lalong bumuhos ang luha sa aking mata. Hindi naman malubha ang sakit ng Nanay ko pero kung makapagsabi siya ay para na siyang mamamatay. Kailangan niya lang maoperahan para maging maayos. Kailangan niya ng kidney transplant at magiging maayos na siya.
Hinaplos ni Nanay ang pisngi ko at pinalis ang luha na dumadaloy sa aking pisngi.
“Anak…” Matamlay siya na ngumiti sa akin. “Hindi ako naging mabuting ina sa ‘yo. Hindi kita nabigyan ng kompletong pamilya, kaya ang marinig mula kay Rodrigo iyon ay isa nang karangalan anak…”
“N-Nay…” Umiling ako at halos magmakaawa sa kanya.
“Kaya anak, tanggapin mo na. Hindi na kailangan na ipagamot ako. Nasisiguro ko naman na mararanasan mo ang marangyang buhay kapag kilalanin ka niya at ng pamilya niya. Huwag mo na akong alalahanin…”
Tumatak sa isip ko ang sinabi ni Nanay. Oo, gusto kong kilalanin niya ako bilang anak niya. Pero hindi sa gano’ng paraan.
Naitanong ko tuloy sa aking sarili. Mahirap ba akong tanggapin? Nakakahiya ba talaga ako? Nakakahiya ba talaga ang pagiging anak sa labas?
Pinunasan ko ang luha sa aking mata at inayos ang kumot ng aking higaan. Kailangan kong pag-isipan dahil bukas na bukas ay kailangan ko nang magdesisyon.
“Anak…” Hinaplos ni Nanay ang kamay ko habang mahigpit kong hinahawakan ang bag na may laman na kaunting gamit ko. “Nay, bibisita ako,” sambit ko sabay lingon sa kanya. Nakapagdesisyon na ako na tanggapin ang gusto niya. Gusto ko rin naman na kilalanin niya ako bilang anak niya. Gusto ko rin maipagamot si Nanay sa madaling panahon kaya nakapagdesisyon na ako na tatanggapin ko ang alok niya. Kung magpapakasal man ako sa isang estranghero, ayos lang sa akin. Hindi ko naman siya kilala at tingin ko ay maghihiwalay lang kami lalo na’t ako ang tipo na babae na hindi magugustuhan basta-basta ng isang lalaki. Gaya nga ng sabi ko noon, gusto kong maranasan ang buhay na meron ang mga kapatid ko. Gusto ko rin maranasan ang lahat na naranasan nila na hindi ko naranasan. Kaya gagawin ko ang gusto niya. Kung magpapakasal lang ang paraan upang tuluyan na niya akong tatanggapin sa buhay niya, gagawin ko. “Miss Alexa, pumasok na po kayo sa loob,” sambit ng isang lalaki na batid ko ay isa sa mga
Chapter 2 “Hindi ko akalain na dinala ka ni Rodrigo rito…” Natigilan ako sa pag-aayos ng gamit ko sa guest room nang marinig ko ang boses ng asawa ni Papa na si Tita Taliana. Nasa may pintuan siya kasama ang mayordoma na ngayon ay nakatingin din sa akin. “Anak niya rin naman po ako,” mahinahon kong sagot. Humalakhak siya at inilingan ako. “Pareho nating alam na hindi ka tanggap ng asawa ko, at mas lalong hindi kita tanggap para maging parte ng pamilya ko. Naaalala ko lang ang malandi mong ina.” Natigilan ako dahil sa narinig. Hindi talaga magiging madali ang buhay ko rito kaya kailangan kong magpapakatatag. Alam kong hindi nila ako titigilan hanggang sa maging miserable ang buhay ko. Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa pag-aayos. Narinig ko ang kanyang mga yapak kaya pinagtiim ko ang bagang ko. “Wala ang asawa ko rito at may lakad,” sambit niya sa akin nang makaabot siya sa gilid ko. Napapikit ako nang tinapunan niya ako ng isang damit. “Suotin mo ang damit na ‘yan.
Chapter 3 Nagising ako sa isang madilim ngunit malamig na kwarto. Hinawakan ko ang ulo ko at bumangon sa malambot na kama. Inilibot ko ang aking tingin at nakita ko na maganda ang hindi basta-basta kwarto ito. Nanlaki ang mata ko at agad kinapa ang sarili. Nakahinga ako ng maluwag nang wala akong naramdaman na kakaiba. Nasaan ako? Napalunok ako at biglang kinabahan. K-in-idnap ba ako? Wala pa naman akong pera pang-ransom. Inilibot ko muli ang aking tingin, nagbabaka sakali na may mahanap na bagay na makatutulong sa akin. Umawang ang labi ko nang nakita ko ang phone ko sa may side table. Sa bilis ng kilos ko ay muntik pa akong mahulog sa kama. Agad kong binuksan ang phone ko at tiningnan ang oras. Nailagay ko sa bibig ko ang palad ko kasabay ng panlalaki ng mata ko. “Alas syete!” Agad-agad akong bumaba sa kama. Bumilis ang tibok ng puso ko at hinawi ang kurtina. Umawang ang labi ko at napaatras nang nakita ko na malaking kahoy ang bumungad sa akin. Bumilis ang paghinga ko at bi
Chapter 4 “Hindi ko akalain na lakwatsera pala ang anak mo sa labas, Rodrigo,” bungad sa akin ni Tita Taliana habang nakatayo sa may hagdanan. Nasa tabi niya si Arissa na ngayon ay umiirap na ang mata sa akin. “Hindi po ako naglakwatsa,” tanggi ko sabay tingin ko kay Papa na ngayon ay nakakunot na ang noo sa akin. “Tama na nga ’yan, Taliana…” si Papa sabay lapit sa akin. “Mabuti naman at nakauwi ka nang maayos. Hindi ko akalain na magagawa niya iyon…” “Dad, what are you talking about?” Bumaba si Arissa sa hagdan sabay lakad patungo sa akin. “By the way, can I talk to you about something?" “What is it, anak? Mamaya na…” pigil ni Papa kay Arissa. Bigla akong nakaramdam ng kirot dahil tinatawag niyang anak si Arissa, samantalang ako ay hindi. “About marriage!” She grinned. “Nagbago ang isip ko after I saw him!” Napawi ang ngiti ni Papa sabay baling sa akin. “Alexa, magtungo ka muna sa kwarto mo," seryosong sambit ni Papa sa akin. Tumango ako at umakyat na sa hagdan. Medyo nati
Chapter 5 “Rodrigo! I am disappointed!” narinig kong sigaw ni Tita Taliana habang naglalakad si Papa patungo sa kanyang opisina. “I made the right decision!” sagot agad ni Papa at binuksan ang pinto ng opisina niya. “But your daughter! Hindi mo man lang ba iniisip ang nararamdaman ni Arissa! Mas pinili mo ang anak mo sa labas kaysa sa legal mong anak!” galit na sigaw ni Tita Taliana. “Shut up, Taliana. This is purely for business!” Tumigil si Papa sa pagpasok sa kanyang opisina at binalingan ang galit na si Tita Taliana. “And Alexa is my daughter too…” Parang tumigil ang mundo ko sa narinig. Narito ako sa ikalawang palapag ng mansyon, kitang-kita at rinig na rinig ko sila. Hindi ko akalain na marinig ko ito mula sa labi ni Papa. Tinawag niya akong anak. Sumikip ang dibdib ko at biglang nanubig ang mata ko. “Anak mo sa babae mo, Rodrigo! Talaga namang mas pinili mo ang anak mo sa labas! Wala ka talagang pakialam kay Arissa—” “Shut the fuck up, Taliana!” galit na sigaw ni Papa
Isang malutong na sampal ang iginawad sa akin ni Tita Taliana pagka-uwi ko. Nagulat ang lahat lalo na ang mga kasambahay.Nasapo ko ang pisngi at muntik nang maupo sa sahig dahil sa lakas ng pagkasasampal niya.“Ang kapal ng mukha mo para gabihin umuwi!” sigaw ni Tita Taliana sa akin sa harap ng maraming tao.Wala si Papa sa paligid kaya siguro harap-harapan niya akong sinasampal at pinapahiya sa harap ng mga tao.Gulat ko siyang nilingon. “Ano ba ang ginawa ko sa ’yo?”“Ang kapal ng mukha mong paghintayin ang mga Del Real!” sigaw niya na ikinagulat ko.Agad-agad kong inilibot ang tingin ko at napasinghap ako nang makita ko na may tao roon. Isang eleganteng babae at matipunong lalaki na hindi nalalayo sa edad ni Papa. At ang nagpatigil sa akin ay ang matatalim na tingin ng lalaking humalik sa akin noong
“You are Alexa?”Naiilang ako ngayong nandito ako sa malawak na sala ng mansyon. Hawak-hawak ngayon ng eleganteng babae na tingin ko ay ina ng lalaking kasama ko ngayon.Napangiwi ako nang hinaplos niya ang kamay ko at malaki pa ang kanyang ngiti.“Opo,” naiilang ko na sagot.Nakita ko ang pag-irap ni Tita Taliana sa akin. Nakaupo siya sa tapat namin habang may dalang pamaypay sa kanyang kamay.“Ilang taon ka na? Ang ganda mo, hija…”Namula ako at nag-iwas ng tingin.“Twenty po,” agad kong sagot at yumuko.Grabe! Don’t judge the book by its cover talaga, eh! Ang sungit-sungit ng mukha pero kasing kulit pa ito ng Nanay ko—ay hindi, mas malala pa siya sa Nanay ko.“Tatlong taon lang naman pala ang tanda sa anak ko
“Magandang umaga, Ma’am, Sir!” bati ng isang lalaki habang pinapakain ang alagang kabayo.Binitiwan na ni Sheldon ang kamay ko nang makarating kami sa kwadra. Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwadra at nakita ko ang iba’t ibang klase ng kabayo.“May available ba na kabayo rito?” seryoso na tanong niya sa lalaki. “We want to ride on it…”“Meron sir, may tatlo! Gusto niyo bang tig-isa kayo ni Ma’am?” tanong ng lalaki sabay baling sa akin.“Uhm…”“She doesn’t know how. She will ride with me,” sagot niya sa lalaki sabay baling sa ’kin.“Sige, Sir! Hintay lang po kayo. Kukunin ko si Kulot.”“Kulot?” nagtataka ko na tanong.Mahinang humalakhak ang lalaki sabay haplo
Special Chapter 1.2 Tahimik na inilapag ko ang bulaklak sa puntod ni Papa. Pinalis ko ang luha sa aking mata habang nasa tabi ako ni Sheldon. Ang kanyang kamay ay nakaakbay sa akin habang ang isa ay may dala ring bulaklak. Nang nangibabaw ang aking emosyon ay sumandal ako sa kanyang balikat. "I know your dad is in a good place." Tumango ako. "Alam ko." "And why are you crying? Miss mo na?" Tumango muli ako habang ang tingin ko ay nasa puntod ni Papa. "H-Hindi ko man lang siya nakasama nang matagal," I said. "Gustong-gusto ko pa naman siyang makasama nang matagal." Suminghap ako nang tumulo muli ang luha sa aking mga mata. "If I have know na may ganoon pala siya na sakit dati ay sana kinapalan ko na ang mukha ko." "Shss..." Pinalis ko muli ang luha sa aking mata at napatingin sa ina ko na ngayon ay tahimik na sa kanyang puwesto. I know that she was
Special Chapter Tatlong taon na ang nakalipas simula nang nangyari ang lahat. Masaya ako na nasa tamang kalalagyan na ang lahat. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin limot ang mga pinagdaraanan ko. Kung paano ako naghirap hanggang sa nalaman ko ang isang bagay na nagbabago ng pag-ikot ng buhay ko. "Alexa, let's sleep, hmm?" Gusto ko nang bumangon mula sa pagkakahiga dahil paghahandaan ko pa sila ng makakain ngunit masyadong makulit itong asawa ko at mas gusto pa yatang humiga pa sa kama kahit sumisikat na ang araw. "Sheldon..." Nilingon ko siya. "Alas otso na. Baka gutom na si Sheldon." "May yaya, please my wife. Sa akin ka na lang muna ngayon kahit ngayong araw lang, hmm? Pagod ako sa work." Umirap ako. "Sinabi ko ba na magpagod ka?" Humalakhak siya at mas lalong isinisiksik ang kanyang sarili sa akin. "Hindi...Pero maaga kong tinapos ang lahat ng mg
“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!” “Blow the candle, Shelo!” “Yes, Mommy!” And when he blew the candle, the visitors clapped their hands. Lumapit ako kay Alexa at hinalikan siya sa pisngi. “Uy, huwag ka ngang manghalik diyan! Maraming tao at birthday pa ng anak mo!” saway niya sa akin. I chuckled and looked at our little boy who resembled to his Mommy. “Happy birthday, Shelo,” I said and kissed his cheek. “Thank you, Daddy!” masayang sambit ni Shelo and he hugged me. “You’re welcome and thank you for existing,” makahulugan kong sinabi at sinulyapan ko ang pinakamagandang babae sa mata ko. She was entertaining the guest and she was smiling. The whole Azura was shocked when they knew that Alexa already had a child. I think Alexa already knew how to handle such issues calmly. My wife is so great that I want to marry her again in front of th
I gave him a chance. Napangiti na lamang ako nang sinalubong ako ng isang halik sa noo nang mag-umaga. Inilahad niya sa akin ang kanyang dalang bulaklak. “Flowers for my wife,” aniya. Ngumiti ako at saka tinanggap ito. “Maraming salamat!” “Sobrang maaga naman yata ang pagbisita mo, hijo?” si Nanay sabay halakhak. “Tulog pa nga ang apo ko.” Ngumiti lang si Sheldon kay Nanay at saka bumalik ang kanyang tingin sa akin. “I hope you like the flower.” “G-Gusto ko…” “Pasok ka muna sa loob, hijo. Kumain ka na ba ng umagahan?” tanong ni Nanay. Kinuha ko na ang kamay ni Sheldon at saka hinila na siya sa loob. Last night was our moment. I gave him a chance and I think he deserves it. Habang papatungo kami sa sala ay naramdaman ko ang pagdaos-os ng kanyang kamay patungo sa kamay ko. Umawang ang labi ko at napasinghap nang pinagsiklop niya ito. “Nay, I am going to ask her out. Can you please let us have some
Nakaupo kaming lahat sa sala. Si Nanay, si Tita Ruffa, Tito Antonio, ako, si Sheldon at si Shelo.Ang anak ko ay walang kamalay-malay habang nakatitig sa kanyang Lolo at Lola. Ibinaba ni Tita Ruffa ang tasa at saka tumikhim.“I am sorry for the surprise visit,” sabi ni Tita Ruffa sabay baling kay Nanay. “It’s been a while, Alejandra. Mukhang hindi ka pa rin talaga nagbago, mabait ka pa rin.”Binalingan ko si Nanay upang makita ko ang reaksyon niya at nagulat ako nang nginitian ito ni Nanay.“Alexa…”Napasinghap ako at agad-agad siyang binalingan.“P-Po?”Naramdaman ko ang palad ni Sheldon sa bewang ko at hinaplos-haplos niya ito upang pakalmahin ako. Napalunok tuloy ako.“I am so sorry for what I said back then,” aniya sabay ngiti sa akin. “I never intended to hurt you like that. I hope you are not going to ignore me anymore.&rdqu
Kahit na masama ang pakiramdam ko, hindi ko hinayaan na maapektuhan ang outing namin dahil lang sa nararamdaman ko.“Mommy, you are not sad anymore?” tanong ng anak ko at nagulat ako nang sinapo niya ang noo ko. “You are not sick too…”Ngumuso ako at ginulo ang kanyang buhok.“I am not sad anymore because you are here,” sabi ko sa kanya.“Yeahy!”At napangiti ako nang niyakap niya ako sa leeg.“Shelo will not leave your side, Mommy!”“I will not gonna leave by your side too, Shelo,” I said and kissed him on his cheek.Naging masaya na ulit ang 3 days outing namin. Marami ring pictures si Shelo dahil nalibot namin ang buong resort.At ngayon, ngayon na ang araw na uuwi kami ng Azura.“Mommy! I want to swim on the pool when we went home!” kwento ni Shelo habang kumakain siya ng chocolate sa backseat.Hanggang ngayon ay
Nasa may tea shop kami nagtungo sa resort na ito. Hindi ko akalain na nagbabago na ang babaeng ito. Mula sa pagiging artem nagiging simple na lang. Hindi ko talaga maatim na kasama niya ang anak ko kanina.Takot na takot ako na baka na may nangyari sa kanya tapos kasama niya pala ang babaeng ito. Hindi ko nga alam at baka may ginawa ang babaeng ito sa anak ko.Binaba niya ang kanyang baso at saka tumikhim.“H-Hindi ko alam na nandito ka na pala,” panimula niya at binalingan ang anak ko. “At hindi ko akalain na anak mo ito.”Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip. “Wala ka bang TV?”Mahina siyang natawa at saka bahagyang yumuko. “Wala na akong panahong mag-TV.”Umawang ang labi ko. “At bakit mo kasama ang anak ko? May ginawa ka bang masama sa kanya?”Umiling siya at tiningnan muli ang anak ko. “Hindi ko alam na anak mo pala siya. Lumapit kasi siya sa akin nang dumaan
“Mommy, look!”Nag-angat ako ng tingin sa anak ko. Hapon na at narito pa rin kami sa tabing dagat.Nakita ko na may dala ng star fish si Shelo habang papalapit sa akin.“Star fish!” maligaya niyang sinabi.Napangiti na lamang ako.“Daddy, you love star fish?”Ngumuso ako at saka binalingan si Sheldon na nakaupo sa buhangin.“I love your Mommy!” sambit ni Sheldon sabay angat ng tingin sa akin.Nanlaki ang mata ni Shelo at saka napawi ang kanyang ngisi. Naibaba niya rin ang star fish at saka binalingan si Sheldon.“I love Mommy!”Sheldon chuckled. “I love your Mommy too!”“Mommy is mine!”“She’s my wife!”“No! I love Mommy more!” hindi pagpapatalong sabi ni Shelo.“I love her and she loves me—”“Tama na nga iyan! Mukha kang bata, Sheldon!”
“Mommy! Hurry up!”Nagbihis na ng panligo ang anak ko at ngayon, sobrang excited na siyang lumabas.“I’m gonna change first!” I said.Akmang papasok na sana ako sa banyo ngunit aksidente kong nabangga si Sheldon na kalalabas lang din ng banyo.“S-Sorry!”“Where are you going?” Topless na ngayon si Sheldon.“Um, magbibihis. Maliligo na kasi si Shelo ng dagat,” sabi ko.Nagbaba ng tingin si Sheldon sa dala kong swim suit na kulay pula. Nagsalubong ang kanyang kilay ngunit wala siyang sinabi. Tumabi siya para makapasok ako sa loob ng banyo. Akala ko pa naman ay may sasabihin siya sa susuotin ko. Mabuti na lang ay wala dahil hindi ko rin hahayaan na pagbawalan ako.Matapos kong magbihis ay lumabas na ako at medyo nahiya nang nakita ko si Sheldon na nakahiga sa kama. Umawang ang kanyang labi nang nakita niya ako. Nakita ko ang pagpasada niya ng tingin sa akin mula ulo