Chapter 4
“Hindi ko akalain na lakwatsera pala ang anak mo sa labas, Rodrigo,” bungad sa akin ni Tita Taliana habang nakatayo sa may hagdanan. Nasa tabi niya si Arissa na ngayon ay umiirap na ang mata sa akin.
“Hindi po ako naglakwatsa,” tanggi ko sabay tingin ko kay Papa na ngayon ay nakakunot na ang noo sa akin.
“Tama na nga ’yan, Taliana…” si Papa sabay lapit sa akin. “Mabuti naman at nakauwi ka nang maayos. Hindi ko akalain na magagawa niya iyon…”
“Dad, what are you talking about?” Bumaba si Arissa sa hagdan sabay lakad patungo sa akin. “By the way, can I talk to you about something?"
“What is it, anak? Mamaya na…” pigil ni Papa kay Arissa.
Bigla akong nakaramdam ng kirot dahil tinatawag niyang anak si Arissa, samantalang ako ay hindi.
“About marriage!” She grinned. “Nagbago ang isip ko after I saw him!”
Napawi ang ngiti ni Papa sabay baling sa akin.
“Alexa, magtungo ka muna sa kwarto mo," seryosong sambit ni Papa sa akin.
Tumango ako at umakyat na sa hagdan. Medyo natigilan pa ako nang makita ko si Tita Taliana sa may hagdan, matalim ang kanyang tingin sa akin.
Lalagpasan ko na sana siya nang bigla niyang hinawakan ang braso ko. Napapikit ako sa sakit pero ininda ko iyon.
“Magsumbong ka kay Rodrigo. You will taste hell, Alexa. Wala kang karapatang magreklamo sa kung ano man ang gagawin ko sa ’yo. You are just a pest in our family. Know your place,” mariin niyang sambit bago ako binitiwan.
***
Nakatitig lang ako sa singsing na kumikinang habang nakahiga ako sa malambot na kama. Iniisip ko ang nangyari kanina at hindi ko akalain na hinalikan ako ng lalaking iyon.
I don’t have any idea kung sino siya but his voice is familiar. Hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig.
At dahil hindi ako makatulog. Tumayo ako sa aking kama at kinuha ang phone upang tawagan si Nanay. Mabuti at sumagot naman agad siya.
“Nay, kumusta po?” tanong ko at naglakad patungo sa may bintana. Hinawi ko ang kurtina at napatingala sa maliwanag na gabi.
“Anak, napatawag ka!” malambing na sambit ni Nanay. “Gabi na, ah! Hindi ka ba makatulog?”
“Hindi, eh. Uhm…Nay, maayos ba ang kalagayan ninyo? Bibista po ako r’yan kapag nagka-oras ako,” sambit ko sabay kagat sa ibabang labi.
“Huwag kang mag-alala sa akin, anak. Hindi naman ako pinabayaan ni Rodrigo. Sa katunayan, binisita niya ako kanina upang kumustahin ang kalagayan ko…”Kumunot ang noo ko at sinara ang kurtina.
“Nay…”
Akala ko ba ay out of town si Papa?
“Nanay, wala ka naman sigurong tinatago sa akin ’di ba? Alam mo naman na may asawa na po si Papa…” Umupo ako sa kama.
“A-Anak, wala. Saglit lang naman siya rito, eh. At saka alam ko naman ’yon,” sagot sa akin ni Nanay sa kabilang linya.
“Mabuti naman, Nay. Kailan po ba ang operasyon ninyo. Gusto ko nando’n ako kapag nangyari ’yon,” ani ko at napatingala.
“Huwag mo na akong alalahanin, anak. Ang mahalaga ay magawa mo ang misyon mo riyan upang tuluyan ka nang makilala ng Papa mo…”“Nay, k-kailangan ko ba talagang gawin ito?” hindi ko maiwasan ang magtanong at humiga sa kama. “Pangarap ko pong kilalanin niya ako, Nay, s’yempre, naghahangad din naman po ako ng Papa, pero…"
“Anak…” Sumeryoso ang boses ni Nanay. “H-Hindi mo ako naintindihan. Mahalaga na makilala ka ng Papa mo…Mahalaga na kilalanin ka niya…”
“Pero Nay—”
“Alexa Vhriel,” sambit ni Nanay sa buong pangalan ko. “Maiintindihan mo rin ako, anak…”
Iyon ang huling narinig ko kay Nanay bago niya ako binabaan ng tawag. I want my father to recognize me as his own daughter. Hindi ’yong may kapalit na pagpapakasal. Gusto ko ’yong kusa…
Hindi ko maintindihan si Nanay, pero siguro kailangan ko muna siyang sundin.
***
“Hindi ko talaga matatanggap na narito ka, eh!”
Natigilan ako sa pagbaba nang makita ko si Arissa na nakaroba pa. Siya lang mag-isa at gulong-gulo pa ang buhok niya.
“Edi huwag mong tanggapin,” agad kong sambit sa kanya. “Hindi ka naman pinipilit.”
Nagulat siya sa sinabi ko. Nakita ko na may hinanap siya sa katawan ko at nang bumaba ang mata niya sa kaliwang kamay ko ay agad niyang kinuha ang kamay ko sabay tingin sa akin.
“Where did you get this ring?” pasigaw na tanong niya.
Namilog ang mata ko nang tinanggal niya ito sa kamay ko. Nakita ko na namangha siya sa singsing at nang akma kong babawiin ay bigla niyang inilayo, sabay ngisi.
“Did you steal this?” tanong niya.
Agad akong umiling. “Bigay ’yan sa akin. Ibalik mo ’yan!”
“Why would I?” Tinaasan niya ako ng kilay. “I think this expensive ring suits in my ring finger better.”
Umawang ang labi ko nang isinuot niya ito sa kanyang daliri. Inangat niya ito sa ere at nginitian ako.
“See? Mas bagay sa precious finger ko!” Inirapan niya ako. “Don’t worry, kung sino man ang nagbigay sa ’yo nito, maybe he can afford buying another one for you.” Humalakhak siya at iniwan ako.
Naikuyom ko tuloy ang kamao ko.
“Sa ’yo na ’yan,” nasambit ko na lang bago ako bumaba ng hagdan.
Kung gusto niya ang singsing na iyon, sa kanya na lang. Hindi ko rin naman kilala ang lalaking iyon.
***
“Oh, bakit narito ka pa rin?” nagtatakang tanong ni Manang Ena nang makita niya akong tumutulong. “Narito ang Papa mo, baka pagalitan kami!”
Napangiwi ako. “Manang Ena, ayos lang po. Hindi naman po ’yon magagalit. Puwera na lang siguro kung si Sofia o si Arissa ang gagawa.”
“Juskong bata ka, ang kulit-kulit mo talaga—”
“Bilisan niyo mga kilos ninyo dahil may bisita ang Senyor!” Biglang pumasok ang mayordoma at senermonan ang ibang katulong na nag-uusap.
Nang makita niya ako ay nakita ko siyang natigilan ngunit hindi na nagsalita at tumalikod na lamang.
“Kung may ibang trabaho lang talaga, matagal na sana akong umalis sa impyernong ito,” narinig kong sambit ng babaeng kasambahay. “Ang mayordoma talaga rito ang naghihimagsik at saka si Senyora, eh, sama niyo na rin si Senyorita Arissa.”
“Tumahimik ka, Nadia, narito ang isang anak ni Senyorito.”
Agad bumaling sa akin ang isang babaeng kasambahay.
“Ayos lang ’yan, anak naman ’yan sa labas ni Senyor.”
Naibaba ko ang tingin ko at tahimik na lang na tumulong kay Manang Ena sa paglilinis.
***
“Alexa, Hija, tama na ’yan, dumating na ang bisita ni Senyor,” saway ni Manang Ena at sumenyas pa na pumasok ako sa loob.
“Teka lang po, aayusin ko muna ang basurahan,” sambit ko sabay ayos sa mga garbage bag.
“Baka kailangan ka na ng Papa mo roon. Magbihis ka na pagkatapos niyan! Babalik na ako para tutulong sa pagluluto!”
“Sige po!” pasigaw ko na sagot at pinunasan ko ng panyo ang pawis sa mukha ko.
“Uy, Miss!”
Kumunot ang noo ko at agad nag-angat ng tingin. Nakita ko na naglalakad ang isang nakapamulsa na lalaki habang may ngiti sa kanyang labi. Akala ko ay siya lang ang mag-isa ngunit nakita ko na may isang lalaki pa sa likuran niya.
“Salamat naman at nakita kita.” Matamis siyang ngumit sa akin nang tuluyan nang nakalapit.
“Ano ang kailangan ninyo?” Iniwan ko muna ang basurahan.
Nagulat ako nang bigla siyang kumindat sa akin. “Single ka pa ba, Miss?
“What the fuck, brother?” malutang na mura ng lalaki sa likuran at agad umabante.
Bigla tuloy akong nagtaka sa kinikilos nila. Bakit nga ba sila nandito? Hindi ba ay bisita sila?
“I was just curious, my beloved brother,” pang-aasar ng lalaki sabay baling muli sa akin. “I got simp for a house helper. You’re too beautiful to be a house maid.”
“Hindi po ako maid dito,” sambit ko na ikinagulat niya.
“Really? Then, are you—”
“Dominic! Sheldon!”
Sabay kaming natigilan nang marinig namin ang matinis na boses ni Tita Taliana. Napawi ang kanyang ngiti nang makita niya akong kausap ang dalawang bisita niya.
“Mga hijo, nandito lang pala kayo!” Mahinhin na humalakhak si Tita Taliana at pinandilatan ako ng mata. “Let’s go inside. Nasa loob na ang mga magulang ninyo. They are waiting for us, as well as my daughters…”
“Susunod na ako, Tita Taliana. I just want to speak to her—”
“She’s our maid, Dominic,” pagputol ni Tita Taliana. “She’s not worth your time and she has so many things to do!”
Hinawakan ni Tita Taliana ang braso ng dalawa. Naiilang pa rin ako sa tingin ng kasama ni Dominic na Sheldon ang pangalan kaya umiwas na ako ng tingin at tumalikod na sa kanila.
Tama nga naman si Tita Taliana, marami pa akong gagawin at iyon ay ang buwisitin siya.
***
Bumalik na ako sa loob ng mansyon at umakyat sa hagdanan kung saan hindi ko namalayan na nasa malawak na sala pala ang mga bisita ni Papa.
“Rodrigo, you promised to us. Where is she?”
“I changed my mind, Mr. Del Real. My daughter, Arissa is very suitable to be your son’s wife, and she’s a real Monteverde…”
Natigil ako sa pag-akyat dahil sa narinig. Does that mean, hindi na ako ikakasal? Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kanila. Hindi naman nila ako makikita dahil nakaakyat na ako, nakikita at naririnig ko pa rin kung ano ang kanilang pinag-usapan.
“I know, Rodrigo. But this is a life time. We are not into fixed marriage but because we are friends, I considered it. My son is special to us, so kung ano at sino ang gusto niya, iyon ang masusunod.”
Bumuntong-hininga ako at dumiretso na sa guest room na kasalukuyang kwarto ko. Siguro kailangan ko munang umuwi sa amin. Mukhang nagbago na ang isip ni Papa. At saka, miss na miss ko na rin si Nanay.
“Where is the ring?”
Natigilan ako sa paglalakad at biglang nakaramdam ng kaba. Nangatog ang binti ko at hindi maigalaw ang paa ko dahil sa sari-sari na nararamdaman.
Who is he? Paano siya nakapasok sa guest room?
Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang kanyang mahinang yapak. Nanginginig ang bibig ko at walang salita na lumabas sa bibig ko.
“You gave my ring to her?” kalmado ngunit ramdam ko ang galit sa tanong niya.
“S-Sino ka?” nanginginig na tanong ko.
“I told you, I am your fucking future husband,” malamig na sagot niya sa ’kin. “Hindi mo dapat tinatanggihan ang isang katulad ko.”
Napapikit ako nang naramdaman ko ang presenya niya sa likuran ko. Mahina akong napasinghap nang naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko.
“Wala pang babae ang tumatanggi sa ’kin, ikaw pa lang,” bulong niya sa tainga ko na ikinalunok ko. “I will buy you a ring again. Don’t you dare give it or lose it again, baby…”
Huminga ako nang malalim at puwersahang humarap sa kanya. Namilog ang mata ko nang makita ko kung sino ito
Umangat ang gilid ng labi niya nang makita niya ang reaksyon ko.
“Now that you know me, it will be easy for me. If you are his illegitimate daughter. I don’t fucking care. I will make sure that you are going to be legitimately mine.”
Chapter 5 “Rodrigo! I am disappointed!” narinig kong sigaw ni Tita Taliana habang naglalakad si Papa patungo sa kanyang opisina. “I made the right decision!” sagot agad ni Papa at binuksan ang pinto ng opisina niya. “But your daughter! Hindi mo man lang ba iniisip ang nararamdaman ni Arissa! Mas pinili mo ang anak mo sa labas kaysa sa legal mong anak!” galit na sigaw ni Tita Taliana. “Shut up, Taliana. This is purely for business!” Tumigil si Papa sa pagpasok sa kanyang opisina at binalingan ang galit na si Tita Taliana. “And Alexa is my daughter too…” Parang tumigil ang mundo ko sa narinig. Narito ako sa ikalawang palapag ng mansyon, kitang-kita at rinig na rinig ko sila. Hindi ko akalain na marinig ko ito mula sa labi ni Papa. Tinawag niya akong anak. Sumikip ang dibdib ko at biglang nanubig ang mata ko. “Anak mo sa babae mo, Rodrigo! Talaga namang mas pinili mo ang anak mo sa labas! Wala ka talagang pakialam kay Arissa—” “Shut the fuck up, Taliana!” galit na sigaw ni Papa
Isang malutong na sampal ang iginawad sa akin ni Tita Taliana pagka-uwi ko. Nagulat ang lahat lalo na ang mga kasambahay.Nasapo ko ang pisngi at muntik nang maupo sa sahig dahil sa lakas ng pagkasasampal niya.“Ang kapal ng mukha mo para gabihin umuwi!” sigaw ni Tita Taliana sa akin sa harap ng maraming tao.Wala si Papa sa paligid kaya siguro harap-harapan niya akong sinasampal at pinapahiya sa harap ng mga tao.Gulat ko siyang nilingon. “Ano ba ang ginawa ko sa ’yo?”“Ang kapal ng mukha mong paghintayin ang mga Del Real!” sigaw niya na ikinagulat ko.Agad-agad kong inilibot ang tingin ko at napasinghap ako nang makita ko na may tao roon. Isang eleganteng babae at matipunong lalaki na hindi nalalayo sa edad ni Papa. At ang nagpatigil sa akin ay ang matatalim na tingin ng lalaking humalik sa akin noong
“You are Alexa?”Naiilang ako ngayong nandito ako sa malawak na sala ng mansyon. Hawak-hawak ngayon ng eleganteng babae na tingin ko ay ina ng lalaking kasama ko ngayon.Napangiwi ako nang hinaplos niya ang kamay ko at malaki pa ang kanyang ngiti.“Opo,” naiilang ko na sagot.Nakita ko ang pag-irap ni Tita Taliana sa akin. Nakaupo siya sa tapat namin habang may dalang pamaypay sa kanyang kamay.“Ilang taon ka na? Ang ganda mo, hija…”Namula ako at nag-iwas ng tingin.“Twenty po,” agad kong sagot at yumuko.Grabe! Don’t judge the book by its cover talaga, eh! Ang sungit-sungit ng mukha pero kasing kulit pa ito ng Nanay ko—ay hindi, mas malala pa siya sa Nanay ko.“Tatlong taon lang naman pala ang tanda sa anak ko
“Magandang umaga, Ma’am, Sir!” bati ng isang lalaki habang pinapakain ang alagang kabayo.Binitiwan na ni Sheldon ang kamay ko nang makarating kami sa kwadra. Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwadra at nakita ko ang iba’t ibang klase ng kabayo.“May available ba na kabayo rito?” seryoso na tanong niya sa lalaki. “We want to ride on it…”“Meron sir, may tatlo! Gusto niyo bang tig-isa kayo ni Ma’am?” tanong ng lalaki sabay baling sa akin.“Uhm…”“She doesn’t know how. She will ride with me,” sagot niya sa lalaki sabay baling sa ’kin.“Sige, Sir! Hintay lang po kayo. Kukunin ko si Kulot.”“Kulot?” nagtataka ko na tanong.Mahinang humalakhak ang lalaki sabay haplo
Hawak-hawak niya ang kamay ko habang papatungo kami sa sinasabi niya na batis. May naririnig na ako na agos ng tubig kaya malapit na kami. Napalilibutan ng mga punongkahoy ang dinaraanan namin kaya wala akong ibang naramdaman kundi ginaw.“We’re here…” Binitiwan ni Sheldon ang kamay ko at naunang naglakad sa may batis. “You like it?”Agad akong tumango at niyakap ang sarili. Kahit hindi ka sumulong sa tubig ay ramdam na ramdam mo na ang lamig sa tubig ng batis.Tinuon ko ang pansin ko sa batis at hindi ko mapigilan ang mamangha dahil sa sobrang linaw.Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Sheldon. Nang binalingan ko ito ay naghuhubad na ito ng pang-ibabaw na damit.\Namilog ang mata ko. “H-Hoy!” sigaw ko na ikinatigil niya sa paghubad.Kumunot ang kanyang noo at binalingan ako. Nakataas na ang ka
Sapo-sapo ko ang buong mukha ko ngayon habang nakatitig ako sa salamin. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang kanyang paghalik sa akin. Inilagay ko sa tapat ng dibdib ko ang palad ko at pinakiramdaman ang bilis ng tibok ng puso. Umawang ang labi ko nang maramdaman na hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang kanyang pagtibok. Hindi ko alam kung ano ito pero kinakabahan ako. Sinuklay ko ang aking buhok at pilit winala sa isip ko ang kanina. Hindi ko dapat iniisip iyon. Hindi pa man ako naka-experience ng pagjojowa, hindi naman ako masyadong tanga para sabihing mabait at ideal man lahat ng lalaki. Judging from the way he moves, marami na siyang babaeng nakasalamuha. Kaya hindi dapat ako magpadala sa kanya. Tinapos ko na ang pagsusuklay ko at akmang tatayo na sana ako nang may biglang kumatok sa pinto. Bumuntong-hininga ako at tumayo mula sa pagkauupo. Dumiretso ako sa may
Ilang araw ang nakalipas ay biglang nagbago ang lahat. Biglang bumait sa akin sina Tita Taliana at Arissa sa ’kin. Siguro magandang desisyon na hindi ako maikasal, para magkasundo rin kami.“You want to go with me?” maligayang tanong sa akin ni Arissa habang kumakain kami sa hapag. “Gagala kami sa bar ngayong gabi with friends! Maybe you want to come!”Siya lang ang maingay sa hapag at tahimik na ang iba. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtaas ng kilay ni Tita Taliana sa kanyang anak. Si Papa naman ay napaangat ng tingin kay Arissa.“It’s good that you are treating her as your sister, Arissa,” sambit ni Papa sabay baling sa ’kin. “Why don’t you go with her, Alexa?”“Of course, Daddy! She’s my sister after all…” Kumindat siya sa akin at binalingan si Papa. “By the way, Dad, kailan ta
Hindi ko maiwasan ang pagdudahan siya. Ang dali niya kasing sabihin na gusto niya ako, eh, isang linggo pa lang kaming magkakilala.Tinulak ko siya at kinuha ko ang baso na may alak sabay lagok.“Shit!” Agad niyang inagaw mula sa akin ang baso at dinaluhan ako. “I told you not to drink!”Pumikit ako at lasang-lasa ko ang pait sa lalamunan ko. Nagmulat ako ng tingin at lumayo sa kanya.“Lumayo ka nga sa ’kin!” inis kong sambit at sinamaan siya ng tingin. “Hindi ako naniniwala sa ’yo, bukod sa hindi kita gusto, bago pa lang tayo magkakilala, kaya isang tanga lang ang maniniwala sa ’yo!”“I have a crush on you, then,” aniya sabay hawak sa braso ko. “I have a crush on you. Is it acceptable enough to marry you?”Mabilis na kumalabog ang puso ko dahil sa sinabi n
Special Chapter 1.2 Tahimik na inilapag ko ang bulaklak sa puntod ni Papa. Pinalis ko ang luha sa aking mata habang nasa tabi ako ni Sheldon. Ang kanyang kamay ay nakaakbay sa akin habang ang isa ay may dala ring bulaklak. Nang nangibabaw ang aking emosyon ay sumandal ako sa kanyang balikat. "I know your dad is in a good place." Tumango ako. "Alam ko." "And why are you crying? Miss mo na?" Tumango muli ako habang ang tingin ko ay nasa puntod ni Papa. "H-Hindi ko man lang siya nakasama nang matagal," I said. "Gustong-gusto ko pa naman siyang makasama nang matagal." Suminghap ako nang tumulo muli ang luha sa aking mga mata. "If I have know na may ganoon pala siya na sakit dati ay sana kinapalan ko na ang mukha ko." "Shss..." Pinalis ko muli ang luha sa aking mata at napatingin sa ina ko na ngayon ay tahimik na sa kanyang puwesto. I know that she was
Special Chapter Tatlong taon na ang nakalipas simula nang nangyari ang lahat. Masaya ako na nasa tamang kalalagyan na ang lahat. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin limot ang mga pinagdaraanan ko. Kung paano ako naghirap hanggang sa nalaman ko ang isang bagay na nagbabago ng pag-ikot ng buhay ko. "Alexa, let's sleep, hmm?" Gusto ko nang bumangon mula sa pagkakahiga dahil paghahandaan ko pa sila ng makakain ngunit masyadong makulit itong asawa ko at mas gusto pa yatang humiga pa sa kama kahit sumisikat na ang araw. "Sheldon..." Nilingon ko siya. "Alas otso na. Baka gutom na si Sheldon." "May yaya, please my wife. Sa akin ka na lang muna ngayon kahit ngayong araw lang, hmm? Pagod ako sa work." Umirap ako. "Sinabi ko ba na magpagod ka?" Humalakhak siya at mas lalong isinisiksik ang kanyang sarili sa akin. "Hindi...Pero maaga kong tinapos ang lahat ng mg
“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!” “Blow the candle, Shelo!” “Yes, Mommy!” And when he blew the candle, the visitors clapped their hands. Lumapit ako kay Alexa at hinalikan siya sa pisngi. “Uy, huwag ka ngang manghalik diyan! Maraming tao at birthday pa ng anak mo!” saway niya sa akin. I chuckled and looked at our little boy who resembled to his Mommy. “Happy birthday, Shelo,” I said and kissed his cheek. “Thank you, Daddy!” masayang sambit ni Shelo and he hugged me. “You’re welcome and thank you for existing,” makahulugan kong sinabi at sinulyapan ko ang pinakamagandang babae sa mata ko. She was entertaining the guest and she was smiling. The whole Azura was shocked when they knew that Alexa already had a child. I think Alexa already knew how to handle such issues calmly. My wife is so great that I want to marry her again in front of th
I gave him a chance. Napangiti na lamang ako nang sinalubong ako ng isang halik sa noo nang mag-umaga. Inilahad niya sa akin ang kanyang dalang bulaklak. “Flowers for my wife,” aniya. Ngumiti ako at saka tinanggap ito. “Maraming salamat!” “Sobrang maaga naman yata ang pagbisita mo, hijo?” si Nanay sabay halakhak. “Tulog pa nga ang apo ko.” Ngumiti lang si Sheldon kay Nanay at saka bumalik ang kanyang tingin sa akin. “I hope you like the flower.” “G-Gusto ko…” “Pasok ka muna sa loob, hijo. Kumain ka na ba ng umagahan?” tanong ni Nanay. Kinuha ko na ang kamay ni Sheldon at saka hinila na siya sa loob. Last night was our moment. I gave him a chance and I think he deserves it. Habang papatungo kami sa sala ay naramdaman ko ang pagdaos-os ng kanyang kamay patungo sa kamay ko. Umawang ang labi ko at napasinghap nang pinagsiklop niya ito. “Nay, I am going to ask her out. Can you please let us have some
Nakaupo kaming lahat sa sala. Si Nanay, si Tita Ruffa, Tito Antonio, ako, si Sheldon at si Shelo.Ang anak ko ay walang kamalay-malay habang nakatitig sa kanyang Lolo at Lola. Ibinaba ni Tita Ruffa ang tasa at saka tumikhim.“I am sorry for the surprise visit,” sabi ni Tita Ruffa sabay baling kay Nanay. “It’s been a while, Alejandra. Mukhang hindi ka pa rin talaga nagbago, mabait ka pa rin.”Binalingan ko si Nanay upang makita ko ang reaksyon niya at nagulat ako nang nginitian ito ni Nanay.“Alexa…”Napasinghap ako at agad-agad siyang binalingan.“P-Po?”Naramdaman ko ang palad ni Sheldon sa bewang ko at hinaplos-haplos niya ito upang pakalmahin ako. Napalunok tuloy ako.“I am so sorry for what I said back then,” aniya sabay ngiti sa akin. “I never intended to hurt you like that. I hope you are not going to ignore me anymore.&rdqu
Kahit na masama ang pakiramdam ko, hindi ko hinayaan na maapektuhan ang outing namin dahil lang sa nararamdaman ko.“Mommy, you are not sad anymore?” tanong ng anak ko at nagulat ako nang sinapo niya ang noo ko. “You are not sick too…”Ngumuso ako at ginulo ang kanyang buhok.“I am not sad anymore because you are here,” sabi ko sa kanya.“Yeahy!”At napangiti ako nang niyakap niya ako sa leeg.“Shelo will not leave your side, Mommy!”“I will not gonna leave by your side too, Shelo,” I said and kissed him on his cheek.Naging masaya na ulit ang 3 days outing namin. Marami ring pictures si Shelo dahil nalibot namin ang buong resort.At ngayon, ngayon na ang araw na uuwi kami ng Azura.“Mommy! I want to swim on the pool when we went home!” kwento ni Shelo habang kumakain siya ng chocolate sa backseat.Hanggang ngayon ay
Nasa may tea shop kami nagtungo sa resort na ito. Hindi ko akalain na nagbabago na ang babaeng ito. Mula sa pagiging artem nagiging simple na lang. Hindi ko talaga maatim na kasama niya ang anak ko kanina.Takot na takot ako na baka na may nangyari sa kanya tapos kasama niya pala ang babaeng ito. Hindi ko nga alam at baka may ginawa ang babaeng ito sa anak ko.Binaba niya ang kanyang baso at saka tumikhim.“H-Hindi ko alam na nandito ka na pala,” panimula niya at binalingan ang anak ko. “At hindi ko akalain na anak mo ito.”Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip. “Wala ka bang TV?”Mahina siyang natawa at saka bahagyang yumuko. “Wala na akong panahong mag-TV.”Umawang ang labi ko. “At bakit mo kasama ang anak ko? May ginawa ka bang masama sa kanya?”Umiling siya at tiningnan muli ang anak ko. “Hindi ko alam na anak mo pala siya. Lumapit kasi siya sa akin nang dumaan
“Mommy, look!”Nag-angat ako ng tingin sa anak ko. Hapon na at narito pa rin kami sa tabing dagat.Nakita ko na may dala ng star fish si Shelo habang papalapit sa akin.“Star fish!” maligaya niyang sinabi.Napangiti na lamang ako.“Daddy, you love star fish?”Ngumuso ako at saka binalingan si Sheldon na nakaupo sa buhangin.“I love your Mommy!” sambit ni Sheldon sabay angat ng tingin sa akin.Nanlaki ang mata ni Shelo at saka napawi ang kanyang ngisi. Naibaba niya rin ang star fish at saka binalingan si Sheldon.“I love Mommy!”Sheldon chuckled. “I love your Mommy too!”“Mommy is mine!”“She’s my wife!”“No! I love Mommy more!” hindi pagpapatalong sabi ni Shelo.“I love her and she loves me—”“Tama na nga iyan! Mukha kang bata, Sheldon!”
“Mommy! Hurry up!”Nagbihis na ng panligo ang anak ko at ngayon, sobrang excited na siyang lumabas.“I’m gonna change first!” I said.Akmang papasok na sana ako sa banyo ngunit aksidente kong nabangga si Sheldon na kalalabas lang din ng banyo.“S-Sorry!”“Where are you going?” Topless na ngayon si Sheldon.“Um, magbibihis. Maliligo na kasi si Shelo ng dagat,” sabi ko.Nagbaba ng tingin si Sheldon sa dala kong swim suit na kulay pula. Nagsalubong ang kanyang kilay ngunit wala siyang sinabi. Tumabi siya para makapasok ako sa loob ng banyo. Akala ko pa naman ay may sasabihin siya sa susuotin ko. Mabuti na lang ay wala dahil hindi ko rin hahayaan na pagbawalan ako.Matapos kong magbihis ay lumabas na ako at medyo nahiya nang nakita ko si Sheldon na nakahiga sa kama. Umawang ang kanyang labi nang nakita niya ako. Nakita ko ang pagpasada niya ng tingin sa akin mula ulo