Isang malutong na sampal ang iginawad sa akin ni Tita Taliana pagka-uwi ko. Nagulat ang lahat lalo na ang mga kasambahay.Nasapo ko ang pisngi at muntik nang maupo sa sahig dahil sa lakas ng pagkasasampal niya.“Ang kapal ng mukha mo para gabihin umuwi!” sigaw ni Tita Taliana sa akin sa harap ng maraming tao.Wala si Papa sa paligid kaya siguro harap-harapan niya akong sinasampal at pinapahiya sa harap ng mga tao.Gulat ko siyang nilingon. “Ano ba ang ginawa ko sa ’yo?”“Ang kapal ng mukha mong paghintayin ang mga Del Real!” sigaw niya na ikinagulat ko.Agad-agad kong inilibot ang tingin ko at napasinghap ako nang makita ko na may tao roon. Isang eleganteng babae at matipunong lalaki na hindi nalalayo sa edad ni Papa. At ang nagpatigil sa akin ay ang matatalim na tingin ng lalaking humalik sa akin noong
“You are Alexa?”Naiilang ako ngayong nandito ako sa malawak na sala ng mansyon. Hawak-hawak ngayon ng eleganteng babae na tingin ko ay ina ng lalaking kasama ko ngayon.Napangiwi ako nang hinaplos niya ang kamay ko at malaki pa ang kanyang ngiti.“Opo,” naiilang ko na sagot.Nakita ko ang pag-irap ni Tita Taliana sa akin. Nakaupo siya sa tapat namin habang may dalang pamaypay sa kanyang kamay.“Ilang taon ka na? Ang ganda mo, hija…”Namula ako at nag-iwas ng tingin.“Twenty po,” agad kong sagot at yumuko.Grabe! Don’t judge the book by its cover talaga, eh! Ang sungit-sungit ng mukha pero kasing kulit pa ito ng Nanay ko—ay hindi, mas malala pa siya sa Nanay ko.“Tatlong taon lang naman pala ang tanda sa anak ko
“Magandang umaga, Ma’am, Sir!” bati ng isang lalaki habang pinapakain ang alagang kabayo.Binitiwan na ni Sheldon ang kamay ko nang makarating kami sa kwadra. Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwadra at nakita ko ang iba’t ibang klase ng kabayo.“May available ba na kabayo rito?” seryoso na tanong niya sa lalaki. “We want to ride on it…”“Meron sir, may tatlo! Gusto niyo bang tig-isa kayo ni Ma’am?” tanong ng lalaki sabay baling sa akin.“Uhm…”“She doesn’t know how. She will ride with me,” sagot niya sa lalaki sabay baling sa ’kin.“Sige, Sir! Hintay lang po kayo. Kukunin ko si Kulot.”“Kulot?” nagtataka ko na tanong.Mahinang humalakhak ang lalaki sabay haplo
Hawak-hawak niya ang kamay ko habang papatungo kami sa sinasabi niya na batis. May naririnig na ako na agos ng tubig kaya malapit na kami. Napalilibutan ng mga punongkahoy ang dinaraanan namin kaya wala akong ibang naramdaman kundi ginaw.“We’re here…” Binitiwan ni Sheldon ang kamay ko at naunang naglakad sa may batis. “You like it?”Agad akong tumango at niyakap ang sarili. Kahit hindi ka sumulong sa tubig ay ramdam na ramdam mo na ang lamig sa tubig ng batis.Tinuon ko ang pansin ko sa batis at hindi ko mapigilan ang mamangha dahil sa sobrang linaw.Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Sheldon. Nang binalingan ko ito ay naghuhubad na ito ng pang-ibabaw na damit.\Namilog ang mata ko. “H-Hoy!” sigaw ko na ikinatigil niya sa paghubad.Kumunot ang kanyang noo at binalingan ako. Nakataas na ang ka
Sapo-sapo ko ang buong mukha ko ngayon habang nakatitig ako sa salamin. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang kanyang paghalik sa akin. Inilagay ko sa tapat ng dibdib ko ang palad ko at pinakiramdaman ang bilis ng tibok ng puso. Umawang ang labi ko nang maramdaman na hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang kanyang pagtibok. Hindi ko alam kung ano ito pero kinakabahan ako. Sinuklay ko ang aking buhok at pilit winala sa isip ko ang kanina. Hindi ko dapat iniisip iyon. Hindi pa man ako naka-experience ng pagjojowa, hindi naman ako masyadong tanga para sabihing mabait at ideal man lahat ng lalaki. Judging from the way he moves, marami na siyang babaeng nakasalamuha. Kaya hindi dapat ako magpadala sa kanya. Tinapos ko na ang pagsusuklay ko at akmang tatayo na sana ako nang may biglang kumatok sa pinto. Bumuntong-hininga ako at tumayo mula sa pagkauupo. Dumiretso ako sa may
Ilang araw ang nakalipas ay biglang nagbago ang lahat. Biglang bumait sa akin sina Tita Taliana at Arissa sa ’kin. Siguro magandang desisyon na hindi ako maikasal, para magkasundo rin kami.“You want to go with me?” maligayang tanong sa akin ni Arissa habang kumakain kami sa hapag. “Gagala kami sa bar ngayong gabi with friends! Maybe you want to come!”Siya lang ang maingay sa hapag at tahimik na ang iba. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtaas ng kilay ni Tita Taliana sa kanyang anak. Si Papa naman ay napaangat ng tingin kay Arissa.“It’s good that you are treating her as your sister, Arissa,” sambit ni Papa sabay baling sa ’kin. “Why don’t you go with her, Alexa?”“Of course, Daddy! She’s my sister after all…” Kumindat siya sa akin at binalingan si Papa. “By the way, Dad, kailan ta
Hindi ko maiwasan ang pagdudahan siya. Ang dali niya kasing sabihin na gusto niya ako, eh, isang linggo pa lang kaming magkakilala.Tinulak ko siya at kinuha ko ang baso na may alak sabay lagok.“Shit!” Agad niyang inagaw mula sa akin ang baso at dinaluhan ako. “I told you not to drink!”Pumikit ako at lasang-lasa ko ang pait sa lalamunan ko. Nagmulat ako ng tingin at lumayo sa kanya.“Lumayo ka nga sa ’kin!” inis kong sambit at sinamaan siya ng tingin. “Hindi ako naniniwala sa ’yo, bukod sa hindi kita gusto, bago pa lang tayo magkakilala, kaya isang tanga lang ang maniniwala sa ’yo!”“I have a crush on you, then,” aniya sabay hawak sa braso ko. “I have a crush on you. Is it acceptable enough to marry you?”Mabilis na kumalabog ang puso ko dahil sa sinabi n
Sa pagpasok ko sa loob, bumungad sa akin ang malawak na sala ng kanyang condo. Ngayon ko lang na-realize na hindi ito basta-basta ordinaryo na condo unit. Maybe he bedded his girls here. I wonder. “You want to eat?” tanong niya at agad akong tumalikod nang bigla siyang maghubad sa sala. Grabe naman ’to! “Bakit ka ba bigla-biglang naghuhubad?” inis kong tanong habang nakatalikod pa rin. “Respeto naman, may babae kang kasama!” He chuckled. “I’m sorry. I will change.” Bumuntong-hininga ako at dumeretso sa salaming pintuan ng kanyang condo. Kitang-kita ang buong syudad ng Azura kaya naisampa ko ang dalawang kamay ko sa salamin. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Marami akong insecurities. Naiinggit ako sa mga kapatid ko sa totoo lang. Hindi lang dahil tanggap sila ni Papa, kundi nakukuha nila ang mga g
Special Chapter 1.2 Tahimik na inilapag ko ang bulaklak sa puntod ni Papa. Pinalis ko ang luha sa aking mata habang nasa tabi ako ni Sheldon. Ang kanyang kamay ay nakaakbay sa akin habang ang isa ay may dala ring bulaklak. Nang nangibabaw ang aking emosyon ay sumandal ako sa kanyang balikat. "I know your dad is in a good place." Tumango ako. "Alam ko." "And why are you crying? Miss mo na?" Tumango muli ako habang ang tingin ko ay nasa puntod ni Papa. "H-Hindi ko man lang siya nakasama nang matagal," I said. "Gustong-gusto ko pa naman siyang makasama nang matagal." Suminghap ako nang tumulo muli ang luha sa aking mga mata. "If I have know na may ganoon pala siya na sakit dati ay sana kinapalan ko na ang mukha ko." "Shss..." Pinalis ko muli ang luha sa aking mata at napatingin sa ina ko na ngayon ay tahimik na sa kanyang puwesto. I know that she was
Special Chapter Tatlong taon na ang nakalipas simula nang nangyari ang lahat. Masaya ako na nasa tamang kalalagyan na ang lahat. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin limot ang mga pinagdaraanan ko. Kung paano ako naghirap hanggang sa nalaman ko ang isang bagay na nagbabago ng pag-ikot ng buhay ko. "Alexa, let's sleep, hmm?" Gusto ko nang bumangon mula sa pagkakahiga dahil paghahandaan ko pa sila ng makakain ngunit masyadong makulit itong asawa ko at mas gusto pa yatang humiga pa sa kama kahit sumisikat na ang araw. "Sheldon..." Nilingon ko siya. "Alas otso na. Baka gutom na si Sheldon." "May yaya, please my wife. Sa akin ka na lang muna ngayon kahit ngayong araw lang, hmm? Pagod ako sa work." Umirap ako. "Sinabi ko ba na magpagod ka?" Humalakhak siya at mas lalong isinisiksik ang kanyang sarili sa akin. "Hindi...Pero maaga kong tinapos ang lahat ng mg
“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!” “Blow the candle, Shelo!” “Yes, Mommy!” And when he blew the candle, the visitors clapped their hands. Lumapit ako kay Alexa at hinalikan siya sa pisngi. “Uy, huwag ka ngang manghalik diyan! Maraming tao at birthday pa ng anak mo!” saway niya sa akin. I chuckled and looked at our little boy who resembled to his Mommy. “Happy birthday, Shelo,” I said and kissed his cheek. “Thank you, Daddy!” masayang sambit ni Shelo and he hugged me. “You’re welcome and thank you for existing,” makahulugan kong sinabi at sinulyapan ko ang pinakamagandang babae sa mata ko. She was entertaining the guest and she was smiling. The whole Azura was shocked when they knew that Alexa already had a child. I think Alexa already knew how to handle such issues calmly. My wife is so great that I want to marry her again in front of th
I gave him a chance. Napangiti na lamang ako nang sinalubong ako ng isang halik sa noo nang mag-umaga. Inilahad niya sa akin ang kanyang dalang bulaklak. “Flowers for my wife,” aniya. Ngumiti ako at saka tinanggap ito. “Maraming salamat!” “Sobrang maaga naman yata ang pagbisita mo, hijo?” si Nanay sabay halakhak. “Tulog pa nga ang apo ko.” Ngumiti lang si Sheldon kay Nanay at saka bumalik ang kanyang tingin sa akin. “I hope you like the flower.” “G-Gusto ko…” “Pasok ka muna sa loob, hijo. Kumain ka na ba ng umagahan?” tanong ni Nanay. Kinuha ko na ang kamay ni Sheldon at saka hinila na siya sa loob. Last night was our moment. I gave him a chance and I think he deserves it. Habang papatungo kami sa sala ay naramdaman ko ang pagdaos-os ng kanyang kamay patungo sa kamay ko. Umawang ang labi ko at napasinghap nang pinagsiklop niya ito. “Nay, I am going to ask her out. Can you please let us have some
Nakaupo kaming lahat sa sala. Si Nanay, si Tita Ruffa, Tito Antonio, ako, si Sheldon at si Shelo.Ang anak ko ay walang kamalay-malay habang nakatitig sa kanyang Lolo at Lola. Ibinaba ni Tita Ruffa ang tasa at saka tumikhim.“I am sorry for the surprise visit,” sabi ni Tita Ruffa sabay baling kay Nanay. “It’s been a while, Alejandra. Mukhang hindi ka pa rin talaga nagbago, mabait ka pa rin.”Binalingan ko si Nanay upang makita ko ang reaksyon niya at nagulat ako nang nginitian ito ni Nanay.“Alexa…”Napasinghap ako at agad-agad siyang binalingan.“P-Po?”Naramdaman ko ang palad ni Sheldon sa bewang ko at hinaplos-haplos niya ito upang pakalmahin ako. Napalunok tuloy ako.“I am so sorry for what I said back then,” aniya sabay ngiti sa akin. “I never intended to hurt you like that. I hope you are not going to ignore me anymore.&rdqu
Kahit na masama ang pakiramdam ko, hindi ko hinayaan na maapektuhan ang outing namin dahil lang sa nararamdaman ko.“Mommy, you are not sad anymore?” tanong ng anak ko at nagulat ako nang sinapo niya ang noo ko. “You are not sick too…”Ngumuso ako at ginulo ang kanyang buhok.“I am not sad anymore because you are here,” sabi ko sa kanya.“Yeahy!”At napangiti ako nang niyakap niya ako sa leeg.“Shelo will not leave your side, Mommy!”“I will not gonna leave by your side too, Shelo,” I said and kissed him on his cheek.Naging masaya na ulit ang 3 days outing namin. Marami ring pictures si Shelo dahil nalibot namin ang buong resort.At ngayon, ngayon na ang araw na uuwi kami ng Azura.“Mommy! I want to swim on the pool when we went home!” kwento ni Shelo habang kumakain siya ng chocolate sa backseat.Hanggang ngayon ay
Nasa may tea shop kami nagtungo sa resort na ito. Hindi ko akalain na nagbabago na ang babaeng ito. Mula sa pagiging artem nagiging simple na lang. Hindi ko talaga maatim na kasama niya ang anak ko kanina.Takot na takot ako na baka na may nangyari sa kanya tapos kasama niya pala ang babaeng ito. Hindi ko nga alam at baka may ginawa ang babaeng ito sa anak ko.Binaba niya ang kanyang baso at saka tumikhim.“H-Hindi ko alam na nandito ka na pala,” panimula niya at binalingan ang anak ko. “At hindi ko akalain na anak mo ito.”Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip. “Wala ka bang TV?”Mahina siyang natawa at saka bahagyang yumuko. “Wala na akong panahong mag-TV.”Umawang ang labi ko. “At bakit mo kasama ang anak ko? May ginawa ka bang masama sa kanya?”Umiling siya at tiningnan muli ang anak ko. “Hindi ko alam na anak mo pala siya. Lumapit kasi siya sa akin nang dumaan
“Mommy, look!”Nag-angat ako ng tingin sa anak ko. Hapon na at narito pa rin kami sa tabing dagat.Nakita ko na may dala ng star fish si Shelo habang papalapit sa akin.“Star fish!” maligaya niyang sinabi.Napangiti na lamang ako.“Daddy, you love star fish?”Ngumuso ako at saka binalingan si Sheldon na nakaupo sa buhangin.“I love your Mommy!” sambit ni Sheldon sabay angat ng tingin sa akin.Nanlaki ang mata ni Shelo at saka napawi ang kanyang ngisi. Naibaba niya rin ang star fish at saka binalingan si Sheldon.“I love Mommy!”Sheldon chuckled. “I love your Mommy too!”“Mommy is mine!”“She’s my wife!”“No! I love Mommy more!” hindi pagpapatalong sabi ni Shelo.“I love her and she loves me—”“Tama na nga iyan! Mukha kang bata, Sheldon!”
“Mommy! Hurry up!”Nagbihis na ng panligo ang anak ko at ngayon, sobrang excited na siyang lumabas.“I’m gonna change first!” I said.Akmang papasok na sana ako sa banyo ngunit aksidente kong nabangga si Sheldon na kalalabas lang din ng banyo.“S-Sorry!”“Where are you going?” Topless na ngayon si Sheldon.“Um, magbibihis. Maliligo na kasi si Shelo ng dagat,” sabi ko.Nagbaba ng tingin si Sheldon sa dala kong swim suit na kulay pula. Nagsalubong ang kanyang kilay ngunit wala siyang sinabi. Tumabi siya para makapasok ako sa loob ng banyo. Akala ko pa naman ay may sasabihin siya sa susuotin ko. Mabuti na lang ay wala dahil hindi ko rin hahayaan na pagbawalan ako.Matapos kong magbihis ay lumabas na ako at medyo nahiya nang nakita ko si Sheldon na nakahiga sa kama. Umawang ang kanyang labi nang nakita niya ako. Nakita ko ang pagpasada niya ng tingin sa akin mula ulo