PANGALAWANG araw na ng pananatili ni Diana sa bahay ng kaibigan niya. Nag-volunteer siyang tumulong sa mga gawain upang may pakinabang naman siya. Nahihiya rin naman siya kahit paano. Nais mang tumanggi ni Gianna ngunit wala na itong nagawa dahil nagpupumilit si Diana.
Sina Diana, Manang Neneng at mga bata lamang ang naiwan sa bahay dahil pumasok na sa trabaho ang mag-asawa.
Kararating lang ni Manang Neneng kahapon mula sa probinsiya. Maraming tanong si Diana sa kaniyang isipan kung kaya't naisipan niyang itanong ang mga ito sa katiwala ng mag-asawa.
"Talaga? Kaya naman pala gano'n na lamang ang trato ni William sa 'kin," wika ni Diana.
Nalaman niyang ganoon talaga si William kapag hindi nito gusto ang isang tao. Suplado ito ngunit marunong naman itong makisama at makisabay sa mga tao. Sadyang ayaw lang nito sa mga taong hindi nito gusto.
"Bakit naman kaya gano'n? Best friend naman ako n
SA tapat ng nakabukas na TV ay ang mahabang sofa na inuupuan ng magkatabing sina Gianna at William. May dalawang sofa naman na hindi gaanong kahaba ang nasa magkabilang gilid ng mahabang sofa at doon sa kanan nakaupo si Diana.Sagot nga pala ni Diana ang mga inumin nila dahil sa ibinigay sa kaniya kanina ni Jack. Maingat naman si Diana kaya hindi ito nabubuntis. Isa pa, nagpi-pills siya.Habang nag-iinuman sa living room, panay ang kuwentuhan ng magkaibigan. Sumasagot na rin paminsan-minsan si William sa mga tanong ni Diana. Madalas na sumusulyap si Diana sa asawa ng kaibigan niya dahil nasa saktong puwesto siya nakaupo.Napapansin na rin ni William ang madalas na pagsulyap at pakikipag-usap ni Diana sa kaniya sa halip na ang kaibigang si Gianna ang kausapin nito. Wala naman iyon kay Gianna dahil wala naman itong malisya at nakikipagkaibigan lang si Diana."Hon, parang nahihilo na yata ako," wika ni Gianna kay Willi
"HON, huwag mo nang papuntahin ulit dito sa bahay 'yong kaibigan mo. Maliwanag ba?" ani William nang buhatin niya ang anak na si Wyler mula sa asawa.Tumaas naman ang kilay ni Gianna sa narinig mula sa kaniya. "Why?" nagtataka nitong tanong."I just don't like her," tipid niyang sagot.Natawa naman ito at kinurot ang pisngi niya. "Hon, just don't mind her na lang. Gano'n na talaga si Diana."Hindi na lang sumagot si William at tahimik na lamang siyang nagpapasalamat sa isip niya dahil wala na sa kanilang pamamahay ang kaibigan ng asawa niya. Natatakot siya na baka may mangyari pa kapag nanatili ang babae sa kanilang bahay.***NAGDALA naman ng lalaki si Diana kinagabihan sa kaniyang condo. Habang nangyayari ang mainit at mapusok na pagtatalik nila ay iniisip niya na ang lalaking kaniig niya ngayon ay si William na asawa ng kaniyang kaibigan.Na
"GOOD morning, Sir Paulo!" bati ni Diana nang dumating na ang kaniyang boss."Good morning!" ganting bati naman ng boss niya. Bago ito tuluyang pumasok sa sariling opisina nito ay napalingon pa ito sa kaniya dahil kapansin-pansin ang sobrang iksing suot niya na sinadya niya talaga. Muntik na ring lumabas sa suot niya ang malulusog na dibdib. Nginitian lang niya ito nang nakakaakit.Si Diana ang bagong sekretarya ni Paulo dahil nag-resign ang dati nitong sekretarya. Si Paulo ang may-ari ng kompanyang ZNZZ, Inc. na isang manufacturing company. May asawa na ito at ayaw nito sa mga babaeng nang-aakit ng may asawa na.Pagkaupo nito ay kinuha nito ang resume ni Diana at tinignang muli. Huminto ang mga mata nito sa work experiences ni Diana. Nagtataka ito kung bakit ganoon na lamang karami ang work experiences nito. Hindi man lang umabot ng isang taon o kaya'y anim na buwan man lang.Lihim naman itong nagreklamo kung bakit
NAKITA na ni William si Diana kaya nilapitan na niya ito at tinawag. "Diana, wake up!" Hindi naman sumagot si Diana kaya kinalabit niya ito at muling ginising. "Hoy, Diana! Wake up!" naiinis na sabi ni William.Naisipan nang idilat ni Diana ang mga mata at tumingin sa guwapong mukha ni William na ngayo'y nakasimangot at halatang naiinis."William, please take me home," sabi Diana. Inalalayan siya ni William na makatayo."Can you move faster, Diana? Nakakaabala ka na!" galit na wika ni William."Ito na nga, oh!" medyo inis na sabi ni Diana dahil sa trato sa kaniya ni William. Binitawan naman siya ni William kaya muntik na siyang matumba. Naglakad palabas si William kaya tinawag niya ito. "William! Wait for me!"Hindi siya pinansin ng lalaki. Hindi man lang siya nito nilingon hanggang sa tuluyan na itong nakalabas sa bar. Walang nagawa si Diana kundi ang sumunod na lang. Akala niya ay bubuhatin siya n
PUMASOK na si Paulo sa trabaho at agad naman siyang binati ni Diana nang makita siya nito. Nakapasok na siya sa kaniyang opisina at napansin naman ni Diana na hindi ganoon kaayos ang pagkakasuot ng necktie niya kaya naisipan nitong sumunod sa loob ng opisina niya. May binabalak din ito sa isipan nito."Why are you here, Miss Villagracia? I didn't call you to come inside," bungad na tanong niya sa kaniyang sekretarya habang nakatayo siya malapit sa desk at inaayos ang necktie niya."I noticed your necktie kasi, Sir," paliwanag nito. "Uhm, can I?" Sinenyasan siya nito kung puwede bang ito na ang mag-ayos ng necktie niya.Nagdalawang-isip naman siya kung papayag ba siya. Ngunit hindi pa siya nakakasagot ay lumapit na ito sa kaniya upang abutin at ayusin ang necktie niya.Wala nang nagawa si Paulo kundi hayaan na lang ito. Habang ginagawa ito ni Diana ay inilapit nito talaga nang sobra ang katawan nito sa kaniya kaya napapaatras siya hanggang sa napasandal siya sa may desk. Nagulat siya n
"MANANG! We're here na po!" anunsiyo ni Gianna pagpasok ng bahay. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata nang makita ang hindi niya inaasahang bisita. "Ding?" gulat niyang sambit at napangiti rin. Nilapitan niya ang kaniyang kaibigan upang bigyan ito ng yakap. Niyakap na rin siya ni Diana.Sumunod namang pumasok sa bahay si William at labis ang pagkagulat nito nang mahagilap ng mga mata nito ang babaeng kayakap ng mahal na asawa. "Shit! What is this bitch doing here?" angil nito sa isip na ang tinutukoy ay si Diana.Nakita naman ito ni Diana at agad na bumaklas sa pagkakayakap ang magkaibigan. Ngumiti nang malapad si Diana kay William at kinindatan pa ito na ikinakulo ng dugo ng lalaki."Hi, William!" masayang bati ni Diana sa asawa ni Gianna.Hindi naman sumagot si William at umiwas lang ng tingin at umakyat sa taas upang pumasok sa kuwarto nila ni Gianna."Suplado mode na naman ang asawa mo, Jing," ani Diana at napanguso na lamang sa harap ng kaibigan.
"THANKS pala sa dinner na 'to, ha?" ani Diana. "Ang sarap talaga ng mga luto niyo rito. Samantalang ako, kaunti lang ang naluluto ko, mga simpleng recipes lang," dagdag pa niya.Kasalukuyang kumakain ng dinner ang apat. Magkatabi ang mag-asawa at nasa tapat naman sina Manang Neneng at Diana na nasa tapat ni William nakaupo."Kung gusto mo, magdala ka ng pagkain. Initin mo na lang bukas sa condo mo para hindi ka na magluto pa," usal ni Gianna."Really? Sige, sure! Magdadala ako. Thanks, Jing!" masiglang sabi ni Diana. Lagi pa niyang sinusulyapan si Manang Neneng dahil may binabalak na naman siyang kalokohan. Ngunit hindi niya magawa dahil makikita siya nito. Magkatabi pa naman din silang nakaupo.Narinig naman nilang umiyak ang isang anak ng mag-asawa kung kaya't nagmadaling tumayo sina Gianna at Manang Neneng para puntahan ito."Ako na ang bahala, hija," wika ni Manang Neneng. "Tapos na rin naman akong kumain," patuloy pa nito."Sige p
NAKATITIG sa kisame si William, nag-iisip kung pa'no maiiwasan si Diana. Mahirap iwasan ito dahil desidido at tila desperada itong maangkin siya nito. Inaamin niyang maganda naman ito at sexy at maaaring madala siya sa tukso kung hindi siya makapagpigil. Kapag nangyari iyon ay may magbabago. Natatakot siya sa mangyayari.Tinatanong niya ang sarili kung paano kung hindi siya makapagpigil at may mangyari sa kanila ni Diana. Kung hindi sana dumating ang babae sa buhay niya ay hindi siya magkakaganito. Nais ba talaga nitong wasakin ang pagkakaibigan nito at ng asawa niya? May pagtingin ba sa kaniya si Diana? O katawan niya lang ang habol nito?Naalala naman niya si Paulo na kaibigan niya. Naalala niya ang kinuwento nito sa kaniya. Hindi talaga siya makapaniwala. Bakit sila pa ang napagdiskitahan ni Diana kahit alam naman nitong may asawa at pamilya na silang magkakaibigan?Napakuyom siya ng kamao sa galit. Gusto niyang magwala. Gusto niyang pawiin si Diana sa buhay nil
"Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday, Wyler!"Nagsigawan ang lahat matapos ang pagkanta at pagbati ng 'Happy Birthday' kay Wyler. Ginabayan naman ni William si Wyler upang hipan nito ang kandila sa malaking cake. Ngayon ang ikalawang kaarawan nito. Narito ang mga magulang nina William at Willa, at mga magulang ni Gianna. Narito rin ang malapit na mga kaibigan ni Gianna at William. Kasama na roon sina Paulo pati ang asawa nito. Si Yuan din, ang pamilya nito ay imbitado rin matapos magkakilala ang mga magulang nina Gianna, Yuan at William at Willa dahil nga sa relasyon nina Yuan at Willa. Imbitado rin ang mga ninong at ninang ni Wyler, ganoon din ang ilang kakilala ng mag-asawang William at Gianna. Pati rin pala ang ilang mga kapit-bahay ay imbitado rin.At sa may hardin sa labas ng bahay ito ginaganap. Malawak ang espasyo rito kaya nagkasya silang lahat. Napakaraming tao. Masaya ang lahat. Pero bago pa man simulan ang kainan, nagpasalamat
Nahagip ng mga mata ni Willa sa may sidewalk ang dalawang pamilyar na babae. Kita niyang parang may hindi pagkakasundo ang mga ito. Mas nakilala niya ang mga ito nang dumaan ang kanyang kotse rito. Inihinto niya ang kotse sa may unahan at dali-daling lumabas dito at tumakbo palapit sa dalawa."Ate Gianna! Diana!" sigaw niya sa mga ito. Nakuha na rin ni Gianna ang sariling kamay mula kay Diana. Nakita ni Willa ang pamumula rito dulot ng pagkakahawak ni Diana. "Ano'ng ginagawa mo kay Ate?" galit niyang sumbat kay Diana."Wala naman," matapang na tugon nito. "Sinasabi ko lang sa kanya ang dapat niyang malaman.""Na buntis ka at si Kuya William ang ama ng dinadala mo?" Napangisi si Willa. "Sinungaling! Hindi si Kuya ang ama ng dinadala mo! Desperada ka lang na malandi ka—"Sabay na nagulat sina Willa at Gianna sa biglang pagsampal ni Diana kay Willa."What the hell?!" sambit ni
"Yuan, you know what—""Hindi ko alam.""Duh!" Inirapan ni Willa si Yuan nang putulin nito ang kanyang sinabi para lang sagutin siya nito nang pilosopo. Ngunit ang totoo'y inasar lamang siya nito."Biro lang." Ngumisi ito. "Sige, ano ba 'yon?""I have this feeling kasi na may kinalaman si Diana sa pagkamatay ni Manang," pagtatapat niya. "She disguised herself para hindi siya makilala. Sabi mo, nakita mo siya noong araw ng libing. Ganoon din 'yong itsura or suot niya no'ng i-describe siya ni Mama Helen. And 'yong araw na nahulog daw si Manang Neneng sa hagdan, Diana was there. At saka, you know what? Walang babaeng Isabel ang pangalan doon sa lugar ni Manang Neneng. Nagpunta ako roon at nagtanong sa mga kapit-bahay. Weird, hindi ba? May something talaga eh."Tumango si Yuan sa kanya. "Let's say na si Diana nga ang pumatay kay Manang, pero wala naman tayong ebidensya.""That's the pro
"Uhm, Sir?""Yes, Miss Diana?" ani Paulo nang matauhan. Kanina pa siya napapasulyap kay Diana. Napapansin na niya na habang tumatagal ay lalong lumalaki ang tiyan ni Diana. Ayaw niyang isiping buntis ito dahil makakaramdam lang siya ng kaba kapag buntis nga ito. Lalo naman kung malaman niyang pwedeng ang kaibigan niyang si William ang ama ng dinadala nito."Matagal ko na kasing napapansin na panay ang sulyap mo sa aking tiyan. May gusto ka bang itanong?" matapang na tanong ni Diana sa kanya.Halos hindi naman siya makaimik dito. Tila sinungitan siya nito at ramdam pa niya na parang walang galang ang paraan ng pagtanong nito sa kanya. Ngunit hinayaan na lamang niya iyon.Tumikhim siya bago sumagot dito. "Honestly, matagal ko na talagang gustong itanong sa 'yo 'to, Miss Diana. Pero I know na wala naman itong kinalaman sa trabaho. That's why sinarili ko na lang. But since ikaw na ang nagtanong sa 'kin, I'll tell you na
"I don't believe na sudden cardiac arrest 'yong dahilan ng pagkamatay ni Manang. How the hell did that happen?" hinaing ni Willa na hindi pa rin nakaka-get over sa nangyari. Nasa bahay ng mag-asawang William at Gianna na silang dalawa ni Yuan ngayon. Narito na rin ang lahat kanina bago pa man sila dumating. Lahat ay malungkot sa nangyari sa isa sa mga pinagkatiwalaan nilang tao, na naging bahagi na ng kanilang pamilya sa napakahabang panahon lalo na sa pamilya ng Alvarez noong hindi pa man nakasal sina William at Gianna."It's possible naman, Willa. Knowing na matanda na si Manang at mahina ang puso niya," sabi ni William sa kapatid."I don't know why but I feel like there's something wrong." Napabuga na lang si Willa ng hininga. Nais siyang patahanin ni Yuan na nasa tabi niya ngunit pinili na lamang nito na huwag gawin dahil tiyak na maguguluhan at magtataka ang mga tao sa loob ng bahay. Silang dalawa pa lamang ang nakakaalam sa kanilang pagiging m
Nakasuot si Diana ng sleeveless blouse na kulay dilaw, pinaresan ng dark blue jeans. Nagtalukbong din siya ng tela at tanging mukha lamang niya ang kita. Nakasuot din siya ng sunglasses. Tila isa siyang turista na pupunta sa isang sikat na tourist spot. Ngunit hindi roon ang kanyang pupuntahan.Napagdesisyunan ni Diana na puntahan si Manang Neneng sa ospital. Ilang araw na siyang hindi makatulog at mapakali dahil doon sa sinabi ni William sa kanya nang magkausap sila.Igiit man ni Diana na wala siyang kasalanan at aksidente lamang ang nangyari pero may kinalaman pa rin siya sa nangyari, anang isip niya. Natatakot siyang dumating ang araw na makakapagsalita na si Manang Neneng at sabihin kay William ang totoong nangyari."Miss, I'm Isabel, one of the neighbors of Nenita Jala before. May I know where she is right now?" tanong niya sa nurse doon sa nurse station. Ibinaba pa niya nang kaunti ang suot na sunglasses para makita siya
Kahit medyo masakit pa ang katawan, pinilit ni Diana ang pumasok sa trabaho. Maswerte naman siya at hindi ganoon karami ang trabahong ginawa niya. Kaunting beses lang din siyang inabala ng boss niyang si Paulo.Lumipas ang ilang mga araw, unti-unti na ring nawawala ang sakit na nararamdaman niya sa katawan. Ngunit sa biglaan ay nakaramdam siya ng pagod. Tinatamad siyang bumangon sa kama. Pakiramdam din niya ay para siyang lalagnatin. Nagpasya na lamang siyang tumawag sa opisina para sabihing hindi siya makakapasok.Napabalikwas naman siya nang makadama siya ng pangangasim ng sikmura. Kaagad siyang tumungo sa banyo upang dumuwal sa toilet bowl. Nang medyo kumalma na ay naghilamos at nagsepilyo na siya.Nagtataka naman siya kung bakit nangyayari ito sa kanya. Pakiramdam pa niya ay parang nilalagnat siya. Napasulyap naman siya sa salamin at doon niya nasilayan ang kanyang mukha na namumutla. Maging ang mga labi niya ay namumuti rin.
"I just want to thank you, Willa. Akala ko sasabihin mo kanina kina Mama at Papa 'yong nangyari sa amin ni Gianna pati na rin 'yong ginawa ni Diana."Inirapan lang si William ni Willa. "Whatever. Naisip ko lang na kawawa ka naman if ever na malaman nila 'yon."Lumanghap si William ng hangin saka iyon binuga at muling nagsalita. "You see. Maayos na kami ulit ng asawa ko. Good thing napatawad pa niya ako sa nagawa ko sa kanya.""I know. Obvious naman. I noticed kanina," sabi ni Willa sa kanya. "Bilib ako kay Ate Gianna. Napatawad ka niya in a short period of time. Nanaig siguro 'yong kabaitan at love niya sa 'yo. Kaya ikaw...""Aray!" Napahimas si William sa dibdib niya nang suntukin siya ni Willa."Huwag na huwag mong gawin ulit 'yon. The next time na may malaman ako, makakarating talaga agad kina Mama at Papa. Tingnan lang natin kung sino ang kawawa. Alam mo naman kung ano ang ka
Napatitig nang mabuti si Diana sa babaeng kaharap niya na nagngangalang 'Willa' ayon sa narinig niya mula mismo sa bibig nito. Sumulpot sa isip niya ang alaala noong nakita niya ito. Ang araw na kasama niya ang boss niyang si Paulo.Napagtanto na rin niya na kapatid nga ito ni William. Sa unang tingin ay hindi mahahalatang magkapatid ang dalawa ngunit kung tititigang mabuti ay saka lamang malalaman. May kaibahan nang kaunti ang mukha ni Willa sa mukha ng kuya nitong si William. At parehong may nananalaytay sa lahi ng mga ito na kagandahan o kagwapuhan."What? Did I startle you?"Natauhan si Diana nang magsalitang muli ito sa kanya. Tinaasan pa siya nito ng isang kilay habang naka-crossed arms pa rin at parang gusto siya nitong patayin sa pamamagitan ng mga titig nito.Napangisi siya rito. "Magkapatid nga," aniya sa mahinang tinig. Pareho nga ng ugali ang magkapatid. Si William ay suplado at si Willa na kaharap niya