"MANANG! We're here na po!" anunsiyo ni Gianna pagpasok ng bahay. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata nang makita ang hindi niya inaasahang bisita. "Ding?" gulat niyang sambit at napangiti rin. Nilapitan niya ang kaniyang kaibigan upang bigyan ito ng yakap. Niyakap na rin siya ni Diana.
Sumunod namang pumasok sa bahay si William at labis ang pagkagulat nito nang mahagilap ng mga mata nito ang babaeng kayakap ng mahal na asawa. "Shit! What is this bitch doing here?" angil nito sa isip na ang tinutukoy ay si Diana.
Nakita naman ito ni Diana at agad na bumaklas sa pagkakayakap ang magkaibigan. Ngumiti nang malapad si Diana kay William at kinindatan pa ito na ikinakulo ng dugo ng lalaki.
"Hi, William!" masayang bati ni Diana sa asawa ni Gianna.
Hindi naman sumagot si William at umiwas lang ng tingin at umakyat sa taas upang pumasok sa kuwarto nila ni Gianna.
"Suplado mode na naman ang asawa mo, Jing," ani Diana at napanguso na lamang sa harap ng kaibigan.
"THANKS pala sa dinner na 'to, ha?" ani Diana. "Ang sarap talaga ng mga luto niyo rito. Samantalang ako, kaunti lang ang naluluto ko, mga simpleng recipes lang," dagdag pa niya.Kasalukuyang kumakain ng dinner ang apat. Magkatabi ang mag-asawa at nasa tapat naman sina Manang Neneng at Diana na nasa tapat ni William nakaupo."Kung gusto mo, magdala ka ng pagkain. Initin mo na lang bukas sa condo mo para hindi ka na magluto pa," usal ni Gianna."Really? Sige, sure! Magdadala ako. Thanks, Jing!" masiglang sabi ni Diana. Lagi pa niyang sinusulyapan si Manang Neneng dahil may binabalak na naman siyang kalokohan. Ngunit hindi niya magawa dahil makikita siya nito. Magkatabi pa naman din silang nakaupo.Narinig naman nilang umiyak ang isang anak ng mag-asawa kung kaya't nagmadaling tumayo sina Gianna at Manang Neneng para puntahan ito."Ako na ang bahala, hija," wika ni Manang Neneng. "Tapos na rin naman akong kumain," patuloy pa nito."Sige p
NAKATITIG sa kisame si William, nag-iisip kung pa'no maiiwasan si Diana. Mahirap iwasan ito dahil desidido at tila desperada itong maangkin siya nito. Inaamin niyang maganda naman ito at sexy at maaaring madala siya sa tukso kung hindi siya makapagpigil. Kapag nangyari iyon ay may magbabago. Natatakot siya sa mangyayari.Tinatanong niya ang sarili kung paano kung hindi siya makapagpigil at may mangyari sa kanila ni Diana. Kung hindi sana dumating ang babae sa buhay niya ay hindi siya magkakaganito. Nais ba talaga nitong wasakin ang pagkakaibigan nito at ng asawa niya? May pagtingin ba sa kaniya si Diana? O katawan niya lang ang habol nito?Naalala naman niya si Paulo na kaibigan niya. Naalala niya ang kinuwento nito sa kaniya. Hindi talaga siya makapaniwala. Bakit sila pa ang napagdiskitahan ni Diana kahit alam naman nitong may asawa at pamilya na silang magkakaibigan?Napakuyom siya ng kamao sa galit. Gusto niyang magwala. Gusto niyang pawiin si Diana sa buhay nil
ARAW ng Sabado, kapwa walang trabaho ang mag-asawa. Nagpunta sila sa bahay ng mga magulang ni William kasama ang kanilang dalawang anak. Nakatira ang mga magulang ni William sa San Pedro City, Laguna. Nais lamang nilang bisitahin ang mga ito dahil matagal na rin noong huli silang bumisita.Dahil wala rin namang gagawin si Manang Neneng sa bahay ng mag-asawa, nagpaalam din siya kay Gianna na umuwi na muna ng probinsiya upang kamustahin ang pamilya niya."Good thing you thought about this, hon," nakangiting sabi ni William kay Gianna. "Miss ko na sila," dagdag pa niya na ang tinutukoy ang kaniyang mga magulang. Dinugtungan pa ni William ang kaniyang sinabi ngunit sa isip niya lamang ito. "Baka magpunta na naman sa bahay natin 'yong Diana na 'yon at kung ano pa ang gawin," aniya sa isip."Miss ko na rin sila kaya mas mabuti na rin ito. Maybe next time, we'll visit my parents naman?" suhestiyon ni Diana sa asawa niyang nagmamaneho ng kotse.Sumulyap naman si William kay Gianna. "Sure."Dum
NAKAUWI na rin ang mag-asawang Alvarez kasama ang dalawang anak sa kanilang bahay sa Maynila.Tila malakas naman ang pang-amoy ni Diana at naisipan niyang magpuntang muli sa bahay ng mag-asawa. Tatawagan na sana muna niya ang kaibigang si Gianna ngunit nakaisip siya ng kapilyahan at nais niya nang may kaunting excitement kaya sa huli ay si William ang naisipan niyang i-text. Pinalitan muna niya ang pangalan ng lalaki sa kaniyang cellphone bago niya ito i-text.To: Baby WilliamHi, baby! What's up? Are you home already?Napangiti pa siya matapos niya itong i-send.Napadukot naman si William sa bulsa nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone. "Wait lang, anak, ha? May babasahin lang si Daddy," sabi niya sa anak na lalaking si Wyler na ngayon ay nakaupo sa sofa sa living room.Agad namang kumulo ang dugo ni William sa sandaling mabasa ang text ng babae sa kaniya. Hindi naka-save ang numero ni Diana sa kaniyang cellphone ngunit nakilala
"GOOD morning, hija, hijo," nakangiting bati sa mag-asawang Alvarez ng aleng kumukulo ang dugo kay Diana kagabi. "Mabuti naman at nagkita tayo ngayon dito sa labas ng bahay niyo," sabi pa nito."Good morning din po," sabay na bati naman ng mag-asawa sa ale."Siyempre naman po, Aling Bina. Magkapit-bahay lang naman po tayo, eh." Natawa naman nang bahagya si Gianna."Oo nga naman." Gumanti rin ng tawa ang ale."Ano po pala ang sasabihin niyo, Aling Bina?" tanong ni William."Wala ba kayong narinig na sigaw kagabi? Dito mismo sa gate ninyo?"Nagkatinginan naman sina Gianna at William sa isa't isa."Bakit po?" tanong ni Gianna nang ibalik nilang dalawa ni William ang kanilang mga mata sa ale."May naghahanap kasi sa inyo. Walang tigil nga 'yong pagpindot niya riyan sa doorbell dahil hindi kayo lumabas. Sumigaw na talaga siya. Ang ingay-ingay at ang lakas ng sigaw niya kaya nagising ang mga taong natutulog na sa oras na 'yon.""Talaga
"LET'S go na, hon. Male-late na tayo sa work," pang-aaya ni Gianna.Nagbiro naman si William. "It's fine. Manager ka naman, eh."Umirap naman si Gianna sa sinabi ng asawa niya. "Loko ka talaga." Tumawa pa siya nang bahagya saka tumayo at hinila na si William patayo pero parang nakadikit yata ito sa upuan at ayaw mahila ni Gianna.Hinatak na lamang siya ni William kaya napaupo siya sa kandungan nito. Nakiliti pa siya nang yakapin siya ni William at maramdaman niya ang hininga at panga nito sa kaniyang kaliwang leeg."Hon, ano ka ba? Nasa restaurant tayo. Baka kung ano ang isipin nila," aniya na natatawa at napapayuko nang bahagya dahil napapatingin ang ilang mga taong nasa loob ng restaurant sa kanila."Huwag mo silang intindihin. Mainggit sila sa 'tin," buwelta naman ni William na napapikit at napapangiti pa matapos sabihin iyon sa kaniya.Hindi naman natiis ni Diana ang nakikita. Umalis siya at nagbalik sa kompanyang pinagtatrabahuan niya. Bago p
"Basta wala akong ginawa kay William. Sadyang nahulog lang talaga siya sa 'kin." Natawa si Gianna matapos sabihin iyon kay Diana. "Pero ang sabi niya sa akin noon, bigla na lang daw tumibok 'yong puso niya para sa akin. Ganoon kasi 'yon, Ding. Kapag tinamaan ka ng pana ni Kupido, mafa-fall ka talaga sa isang tao na hindi mo inaasahan. Sa dami ng mga tao sa mundo, sa kanya pa talaga."Patuloy lang na nakikinig si Diana sa kwento ng kaibigan."Pero ang nakaka-sad lang is hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal pabalik," patuloy pang sabi ni Gianna.Tagos naman ang lahat ng sinabi ni Gianna sa dibdib ni Diana. Mas lalo siyang nakaramdam ng sakit.Sa isip naman ni Gianna ay tinitimbang niya kung sasabihin pa ba niya kay Diana ang dapat niyang sabihin. Nag-aalangan siya dahil bigo nga raw ito sa pag-ibig. Pero sa kahulihan ay sinabi na lang talaga niya para hindi na siya babagabagin pa ng kanyang isip kapag hindi niya ito
"Uugghh... Jack, uugghh... Lick me. Taste me, Jack! Ooohhh..." malakas na ungol ni Diana na dahilan para ma-turn on pa lalo ang lalaking dumidila sa kanyang pagkababae.Huminto si Jack sa ginagawa at tiningala ang mukha ni Diana. Nakaposisyon ang bandang ibaba ni Diana sa tapat ng mukha ni Jack."Why did you stop, Jack?" nagtatakang tanong ni Diana sa lalaki."Hindi ko na kayang pigilan pa. Gusto na kitang pasukin."Ngumiti si Diana saka humiga sa tabi ng binata. Ngumuso siya sa direksyon ng kanyang ibaba, senyales na inutusan ang lalaking pumwesto na. Umiling-iling naman si Jack dahil sa turan ni Diana ngunit nakangising sumunod ito. Ibinuka niya ang mga hita ni Diana saka iginiya ang sariling ari upang itapat sa naghihintay na hiyas ni Diana.Kagat-kagat ni Diana ang kanyang ibabang labi at mahinang umungol nang ipasok na ni Jack ang sandata nito. Ramdam ni Diana ang matigas at mahaba nitong
"Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday, Wyler!"Nagsigawan ang lahat matapos ang pagkanta at pagbati ng 'Happy Birthday' kay Wyler. Ginabayan naman ni William si Wyler upang hipan nito ang kandila sa malaking cake. Ngayon ang ikalawang kaarawan nito. Narito ang mga magulang nina William at Willa, at mga magulang ni Gianna. Narito rin ang malapit na mga kaibigan ni Gianna at William. Kasama na roon sina Paulo pati ang asawa nito. Si Yuan din, ang pamilya nito ay imbitado rin matapos magkakilala ang mga magulang nina Gianna, Yuan at William at Willa dahil nga sa relasyon nina Yuan at Willa. Imbitado rin ang mga ninong at ninang ni Wyler, ganoon din ang ilang kakilala ng mag-asawang William at Gianna. Pati rin pala ang ilang mga kapit-bahay ay imbitado rin.At sa may hardin sa labas ng bahay ito ginaganap. Malawak ang espasyo rito kaya nagkasya silang lahat. Napakaraming tao. Masaya ang lahat. Pero bago pa man simulan ang kainan, nagpasalamat
Nahagip ng mga mata ni Willa sa may sidewalk ang dalawang pamilyar na babae. Kita niyang parang may hindi pagkakasundo ang mga ito. Mas nakilala niya ang mga ito nang dumaan ang kanyang kotse rito. Inihinto niya ang kotse sa may unahan at dali-daling lumabas dito at tumakbo palapit sa dalawa."Ate Gianna! Diana!" sigaw niya sa mga ito. Nakuha na rin ni Gianna ang sariling kamay mula kay Diana. Nakita ni Willa ang pamumula rito dulot ng pagkakahawak ni Diana. "Ano'ng ginagawa mo kay Ate?" galit niyang sumbat kay Diana."Wala naman," matapang na tugon nito. "Sinasabi ko lang sa kanya ang dapat niyang malaman.""Na buntis ka at si Kuya William ang ama ng dinadala mo?" Napangisi si Willa. "Sinungaling! Hindi si Kuya ang ama ng dinadala mo! Desperada ka lang na malandi ka—"Sabay na nagulat sina Willa at Gianna sa biglang pagsampal ni Diana kay Willa."What the hell?!" sambit ni
"Yuan, you know what—""Hindi ko alam.""Duh!" Inirapan ni Willa si Yuan nang putulin nito ang kanyang sinabi para lang sagutin siya nito nang pilosopo. Ngunit ang totoo'y inasar lamang siya nito."Biro lang." Ngumisi ito. "Sige, ano ba 'yon?""I have this feeling kasi na may kinalaman si Diana sa pagkamatay ni Manang," pagtatapat niya. "She disguised herself para hindi siya makilala. Sabi mo, nakita mo siya noong araw ng libing. Ganoon din 'yong itsura or suot niya no'ng i-describe siya ni Mama Helen. And 'yong araw na nahulog daw si Manang Neneng sa hagdan, Diana was there. At saka, you know what? Walang babaeng Isabel ang pangalan doon sa lugar ni Manang Neneng. Nagpunta ako roon at nagtanong sa mga kapit-bahay. Weird, hindi ba? May something talaga eh."Tumango si Yuan sa kanya. "Let's say na si Diana nga ang pumatay kay Manang, pero wala naman tayong ebidensya.""That's the pro
"Uhm, Sir?""Yes, Miss Diana?" ani Paulo nang matauhan. Kanina pa siya napapasulyap kay Diana. Napapansin na niya na habang tumatagal ay lalong lumalaki ang tiyan ni Diana. Ayaw niyang isiping buntis ito dahil makakaramdam lang siya ng kaba kapag buntis nga ito. Lalo naman kung malaman niyang pwedeng ang kaibigan niyang si William ang ama ng dinadala nito."Matagal ko na kasing napapansin na panay ang sulyap mo sa aking tiyan. May gusto ka bang itanong?" matapang na tanong ni Diana sa kanya.Halos hindi naman siya makaimik dito. Tila sinungitan siya nito at ramdam pa niya na parang walang galang ang paraan ng pagtanong nito sa kanya. Ngunit hinayaan na lamang niya iyon.Tumikhim siya bago sumagot dito. "Honestly, matagal ko na talagang gustong itanong sa 'yo 'to, Miss Diana. Pero I know na wala naman itong kinalaman sa trabaho. That's why sinarili ko na lang. But since ikaw na ang nagtanong sa 'kin, I'll tell you na
"I don't believe na sudden cardiac arrest 'yong dahilan ng pagkamatay ni Manang. How the hell did that happen?" hinaing ni Willa na hindi pa rin nakaka-get over sa nangyari. Nasa bahay ng mag-asawang William at Gianna na silang dalawa ni Yuan ngayon. Narito na rin ang lahat kanina bago pa man sila dumating. Lahat ay malungkot sa nangyari sa isa sa mga pinagkatiwalaan nilang tao, na naging bahagi na ng kanilang pamilya sa napakahabang panahon lalo na sa pamilya ng Alvarez noong hindi pa man nakasal sina William at Gianna."It's possible naman, Willa. Knowing na matanda na si Manang at mahina ang puso niya," sabi ni William sa kapatid."I don't know why but I feel like there's something wrong." Napabuga na lang si Willa ng hininga. Nais siyang patahanin ni Yuan na nasa tabi niya ngunit pinili na lamang nito na huwag gawin dahil tiyak na maguguluhan at magtataka ang mga tao sa loob ng bahay. Silang dalawa pa lamang ang nakakaalam sa kanilang pagiging m
Nakasuot si Diana ng sleeveless blouse na kulay dilaw, pinaresan ng dark blue jeans. Nagtalukbong din siya ng tela at tanging mukha lamang niya ang kita. Nakasuot din siya ng sunglasses. Tila isa siyang turista na pupunta sa isang sikat na tourist spot. Ngunit hindi roon ang kanyang pupuntahan.Napagdesisyunan ni Diana na puntahan si Manang Neneng sa ospital. Ilang araw na siyang hindi makatulog at mapakali dahil doon sa sinabi ni William sa kanya nang magkausap sila.Igiit man ni Diana na wala siyang kasalanan at aksidente lamang ang nangyari pero may kinalaman pa rin siya sa nangyari, anang isip niya. Natatakot siyang dumating ang araw na makakapagsalita na si Manang Neneng at sabihin kay William ang totoong nangyari."Miss, I'm Isabel, one of the neighbors of Nenita Jala before. May I know where she is right now?" tanong niya sa nurse doon sa nurse station. Ibinaba pa niya nang kaunti ang suot na sunglasses para makita siya
Kahit medyo masakit pa ang katawan, pinilit ni Diana ang pumasok sa trabaho. Maswerte naman siya at hindi ganoon karami ang trabahong ginawa niya. Kaunting beses lang din siyang inabala ng boss niyang si Paulo.Lumipas ang ilang mga araw, unti-unti na ring nawawala ang sakit na nararamdaman niya sa katawan. Ngunit sa biglaan ay nakaramdam siya ng pagod. Tinatamad siyang bumangon sa kama. Pakiramdam din niya ay para siyang lalagnatin. Nagpasya na lamang siyang tumawag sa opisina para sabihing hindi siya makakapasok.Napabalikwas naman siya nang makadama siya ng pangangasim ng sikmura. Kaagad siyang tumungo sa banyo upang dumuwal sa toilet bowl. Nang medyo kumalma na ay naghilamos at nagsepilyo na siya.Nagtataka naman siya kung bakit nangyayari ito sa kanya. Pakiramdam pa niya ay parang nilalagnat siya. Napasulyap naman siya sa salamin at doon niya nasilayan ang kanyang mukha na namumutla. Maging ang mga labi niya ay namumuti rin.
"I just want to thank you, Willa. Akala ko sasabihin mo kanina kina Mama at Papa 'yong nangyari sa amin ni Gianna pati na rin 'yong ginawa ni Diana."Inirapan lang si William ni Willa. "Whatever. Naisip ko lang na kawawa ka naman if ever na malaman nila 'yon."Lumanghap si William ng hangin saka iyon binuga at muling nagsalita. "You see. Maayos na kami ulit ng asawa ko. Good thing napatawad pa niya ako sa nagawa ko sa kanya.""I know. Obvious naman. I noticed kanina," sabi ni Willa sa kanya. "Bilib ako kay Ate Gianna. Napatawad ka niya in a short period of time. Nanaig siguro 'yong kabaitan at love niya sa 'yo. Kaya ikaw...""Aray!" Napahimas si William sa dibdib niya nang suntukin siya ni Willa."Huwag na huwag mong gawin ulit 'yon. The next time na may malaman ako, makakarating talaga agad kina Mama at Papa. Tingnan lang natin kung sino ang kawawa. Alam mo naman kung ano ang ka
Napatitig nang mabuti si Diana sa babaeng kaharap niya na nagngangalang 'Willa' ayon sa narinig niya mula mismo sa bibig nito. Sumulpot sa isip niya ang alaala noong nakita niya ito. Ang araw na kasama niya ang boss niyang si Paulo.Napagtanto na rin niya na kapatid nga ito ni William. Sa unang tingin ay hindi mahahalatang magkapatid ang dalawa ngunit kung tititigang mabuti ay saka lamang malalaman. May kaibahan nang kaunti ang mukha ni Willa sa mukha ng kuya nitong si William. At parehong may nananalaytay sa lahi ng mga ito na kagandahan o kagwapuhan."What? Did I startle you?"Natauhan si Diana nang magsalitang muli ito sa kanya. Tinaasan pa siya nito ng isang kilay habang naka-crossed arms pa rin at parang gusto siya nitong patayin sa pamamagitan ng mga titig nito.Napangisi siya rito. "Magkapatid nga," aniya sa mahinang tinig. Pareho nga ng ugali ang magkapatid. Si William ay suplado at si Willa na kaharap niya