Napatitig nang mabuti si Diana sa babaeng kaharap niya na nagngangalang 'Willa' ayon sa narinig niya mula mismo sa bibig nito. Sumulpot sa isip niya ang alaala noong nakita niya ito. Ang araw na kasama niya ang boss niyang si Paulo.
Napagtanto na rin niya na kapatid nga ito ni William. Sa unang tingin ay hindi mahahalatang magkapatid ang dalawa ngunit kung tititigang mabuti ay saka lamang malalaman. May kaibahan nang kaunti ang mukha ni Willa sa mukha ng kuya nitong si William. At parehong may nananalaytay sa lahi ng mga ito na kagandahan o kagwapuhan.
"What? Did I startle you?"
Natauhan si Diana nang magsalitang muli ito sa kanya. Tinaasan pa siya nito ng isang kilay habang naka-crossed arms pa rin at parang gusto siya nitong patayin sa pamamagitan ng mga titig nito.
Napangisi siya rito. "Magkapatid nga," aniya sa mahinang tinig. Pareho nga ng ugali ang magkapatid. Si William ay suplado at si Willa na kaharap niya
"I just want to thank you, Willa. Akala ko sasabihin mo kanina kina Mama at Papa 'yong nangyari sa amin ni Gianna pati na rin 'yong ginawa ni Diana."Inirapan lang si William ni Willa. "Whatever. Naisip ko lang na kawawa ka naman if ever na malaman nila 'yon."Lumanghap si William ng hangin saka iyon binuga at muling nagsalita. "You see. Maayos na kami ulit ng asawa ko. Good thing napatawad pa niya ako sa nagawa ko sa kanya.""I know. Obvious naman. I noticed kanina," sabi ni Willa sa kanya. "Bilib ako kay Ate Gianna. Napatawad ka niya in a short period of time. Nanaig siguro 'yong kabaitan at love niya sa 'yo. Kaya ikaw...""Aray!" Napahimas si William sa dibdib niya nang suntukin siya ni Willa."Huwag na huwag mong gawin ulit 'yon. The next time na may malaman ako, makakarating talaga agad kina Mama at Papa. Tingnan lang natin kung sino ang kawawa. Alam mo naman kung ano ang ka
Kahit medyo masakit pa ang katawan, pinilit ni Diana ang pumasok sa trabaho. Maswerte naman siya at hindi ganoon karami ang trabahong ginawa niya. Kaunting beses lang din siyang inabala ng boss niyang si Paulo.Lumipas ang ilang mga araw, unti-unti na ring nawawala ang sakit na nararamdaman niya sa katawan. Ngunit sa biglaan ay nakaramdam siya ng pagod. Tinatamad siyang bumangon sa kama. Pakiramdam din niya ay para siyang lalagnatin. Nagpasya na lamang siyang tumawag sa opisina para sabihing hindi siya makakapasok.Napabalikwas naman siya nang makadama siya ng pangangasim ng sikmura. Kaagad siyang tumungo sa banyo upang dumuwal sa toilet bowl. Nang medyo kumalma na ay naghilamos at nagsepilyo na siya.Nagtataka naman siya kung bakit nangyayari ito sa kanya. Pakiramdam pa niya ay parang nilalagnat siya. Napasulyap naman siya sa salamin at doon niya nasilayan ang kanyang mukha na namumutla. Maging ang mga labi niya ay namumuti rin.
Nakasuot si Diana ng sleeveless blouse na kulay dilaw, pinaresan ng dark blue jeans. Nagtalukbong din siya ng tela at tanging mukha lamang niya ang kita. Nakasuot din siya ng sunglasses. Tila isa siyang turista na pupunta sa isang sikat na tourist spot. Ngunit hindi roon ang kanyang pupuntahan.Napagdesisyunan ni Diana na puntahan si Manang Neneng sa ospital. Ilang araw na siyang hindi makatulog at mapakali dahil doon sa sinabi ni William sa kanya nang magkausap sila.Igiit man ni Diana na wala siyang kasalanan at aksidente lamang ang nangyari pero may kinalaman pa rin siya sa nangyari, anang isip niya. Natatakot siyang dumating ang araw na makakapagsalita na si Manang Neneng at sabihin kay William ang totoong nangyari."Miss, I'm Isabel, one of the neighbors of Nenita Jala before. May I know where she is right now?" tanong niya sa nurse doon sa nurse station. Ibinaba pa niya nang kaunti ang suot na sunglasses para makita siya
"I don't believe na sudden cardiac arrest 'yong dahilan ng pagkamatay ni Manang. How the hell did that happen?" hinaing ni Willa na hindi pa rin nakaka-get over sa nangyari. Nasa bahay ng mag-asawang William at Gianna na silang dalawa ni Yuan ngayon. Narito na rin ang lahat kanina bago pa man sila dumating. Lahat ay malungkot sa nangyari sa isa sa mga pinagkatiwalaan nilang tao, na naging bahagi na ng kanilang pamilya sa napakahabang panahon lalo na sa pamilya ng Alvarez noong hindi pa man nakasal sina William at Gianna."It's possible naman, Willa. Knowing na matanda na si Manang at mahina ang puso niya," sabi ni William sa kapatid."I don't know why but I feel like there's something wrong." Napabuga na lang si Willa ng hininga. Nais siyang patahanin ni Yuan na nasa tabi niya ngunit pinili na lamang nito na huwag gawin dahil tiyak na maguguluhan at magtataka ang mga tao sa loob ng bahay. Silang dalawa pa lamang ang nakakaalam sa kanilang pagiging m
"Uhm, Sir?""Yes, Miss Diana?" ani Paulo nang matauhan. Kanina pa siya napapasulyap kay Diana. Napapansin na niya na habang tumatagal ay lalong lumalaki ang tiyan ni Diana. Ayaw niyang isiping buntis ito dahil makakaramdam lang siya ng kaba kapag buntis nga ito. Lalo naman kung malaman niyang pwedeng ang kaibigan niyang si William ang ama ng dinadala nito."Matagal ko na kasing napapansin na panay ang sulyap mo sa aking tiyan. May gusto ka bang itanong?" matapang na tanong ni Diana sa kanya.Halos hindi naman siya makaimik dito. Tila sinungitan siya nito at ramdam pa niya na parang walang galang ang paraan ng pagtanong nito sa kanya. Ngunit hinayaan na lamang niya iyon.Tumikhim siya bago sumagot dito. "Honestly, matagal ko na talagang gustong itanong sa 'yo 'to, Miss Diana. Pero I know na wala naman itong kinalaman sa trabaho. That's why sinarili ko na lang. But since ikaw na ang nagtanong sa 'kin, I'll tell you na
"Yuan, you know what—""Hindi ko alam.""Duh!" Inirapan ni Willa si Yuan nang putulin nito ang kanyang sinabi para lang sagutin siya nito nang pilosopo. Ngunit ang totoo'y inasar lamang siya nito."Biro lang." Ngumisi ito. "Sige, ano ba 'yon?""I have this feeling kasi na may kinalaman si Diana sa pagkamatay ni Manang," pagtatapat niya. "She disguised herself para hindi siya makilala. Sabi mo, nakita mo siya noong araw ng libing. Ganoon din 'yong itsura or suot niya no'ng i-describe siya ni Mama Helen. And 'yong araw na nahulog daw si Manang Neneng sa hagdan, Diana was there. At saka, you know what? Walang babaeng Isabel ang pangalan doon sa lugar ni Manang Neneng. Nagpunta ako roon at nagtanong sa mga kapit-bahay. Weird, hindi ba? May something talaga eh."Tumango si Yuan sa kanya. "Let's say na si Diana nga ang pumatay kay Manang, pero wala naman tayong ebidensya.""That's the pro
Nahagip ng mga mata ni Willa sa may sidewalk ang dalawang pamilyar na babae. Kita niyang parang may hindi pagkakasundo ang mga ito. Mas nakilala niya ang mga ito nang dumaan ang kanyang kotse rito. Inihinto niya ang kotse sa may unahan at dali-daling lumabas dito at tumakbo palapit sa dalawa."Ate Gianna! Diana!" sigaw niya sa mga ito. Nakuha na rin ni Gianna ang sariling kamay mula kay Diana. Nakita ni Willa ang pamumula rito dulot ng pagkakahawak ni Diana. "Ano'ng ginagawa mo kay Ate?" galit niyang sumbat kay Diana."Wala naman," matapang na tugon nito. "Sinasabi ko lang sa kanya ang dapat niyang malaman.""Na buntis ka at si Kuya William ang ama ng dinadala mo?" Napangisi si Willa. "Sinungaling! Hindi si Kuya ang ama ng dinadala mo! Desperada ka lang na malandi ka—"Sabay na nagulat sina Willa at Gianna sa biglang pagsampal ni Diana kay Willa."What the hell?!" sambit ni
"Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday, Wyler!"Nagsigawan ang lahat matapos ang pagkanta at pagbati ng 'Happy Birthday' kay Wyler. Ginabayan naman ni William si Wyler upang hipan nito ang kandila sa malaking cake. Ngayon ang ikalawang kaarawan nito. Narito ang mga magulang nina William at Willa, at mga magulang ni Gianna. Narito rin ang malapit na mga kaibigan ni Gianna at William. Kasama na roon sina Paulo pati ang asawa nito. Si Yuan din, ang pamilya nito ay imbitado rin matapos magkakilala ang mga magulang nina Gianna, Yuan at William at Willa dahil nga sa relasyon nina Yuan at Willa. Imbitado rin ang mga ninong at ninang ni Wyler, ganoon din ang ilang kakilala ng mag-asawang William at Gianna. Pati rin pala ang ilang mga kapit-bahay ay imbitado rin.At sa may hardin sa labas ng bahay ito ginaganap. Malawak ang espasyo rito kaya nagkasya silang lahat. Napakaraming tao. Masaya ang lahat. Pero bago pa man simulan ang kainan, nagpasalamat