"HON, huwag mo nang papuntahin ulit dito sa bahay 'yong kaibigan mo. Maliwanag ba?" ani William nang buhatin niya ang anak na si Wyler mula sa asawa.
Tumaas naman ang kilay ni Gianna sa narinig mula sa kaniya. "Why?" nagtataka nitong tanong.
"I just don't like her," tipid niyang sagot.
Natawa naman ito at kinurot ang pisngi niya. "Hon, just don't mind her na lang. Gano'n na talaga si Diana."
Hindi na lang sumagot si William at tahimik na lamang siyang nagpapasalamat sa isip niya dahil wala na sa kanilang pamamahay ang kaibigan ng asawa niya. Natatakot siya na baka may mangyari pa kapag nanatili ang babae sa kanilang bahay.
***
NAGDALA naman ng lalaki si Diana kinagabihan sa kaniyang condo. Habang nangyayari ang mainit at mapusok na pagtatalik nila ay iniisip niya na ang lalaking kaniig niya ngayon ay si William na asawa ng kaniyang kaibigan.
Na
"GOOD morning, Sir Paulo!" bati ni Diana nang dumating na ang kaniyang boss."Good morning!" ganting bati naman ng boss niya. Bago ito tuluyang pumasok sa sariling opisina nito ay napalingon pa ito sa kaniya dahil kapansin-pansin ang sobrang iksing suot niya na sinadya niya talaga. Muntik na ring lumabas sa suot niya ang malulusog na dibdib. Nginitian lang niya ito nang nakakaakit.Si Diana ang bagong sekretarya ni Paulo dahil nag-resign ang dati nitong sekretarya. Si Paulo ang may-ari ng kompanyang ZNZZ, Inc. na isang manufacturing company. May asawa na ito at ayaw nito sa mga babaeng nang-aakit ng may asawa na.Pagkaupo nito ay kinuha nito ang resume ni Diana at tinignang muli. Huminto ang mga mata nito sa work experiences ni Diana. Nagtataka ito kung bakit ganoon na lamang karami ang work experiences nito. Hindi man lang umabot ng isang taon o kaya'y anim na buwan man lang.Lihim naman itong nagreklamo kung bakit
NAKITA na ni William si Diana kaya nilapitan na niya ito at tinawag. "Diana, wake up!" Hindi naman sumagot si Diana kaya kinalabit niya ito at muling ginising. "Hoy, Diana! Wake up!" naiinis na sabi ni William.Naisipan nang idilat ni Diana ang mga mata at tumingin sa guwapong mukha ni William na ngayo'y nakasimangot at halatang naiinis."William, please take me home," sabi Diana. Inalalayan siya ni William na makatayo."Can you move faster, Diana? Nakakaabala ka na!" galit na wika ni William."Ito na nga, oh!" medyo inis na sabi ni Diana dahil sa trato sa kaniya ni William. Binitawan naman siya ni William kaya muntik na siyang matumba. Naglakad palabas si William kaya tinawag niya ito. "William! Wait for me!"Hindi siya pinansin ng lalaki. Hindi man lang siya nito nilingon hanggang sa tuluyan na itong nakalabas sa bar. Walang nagawa si Diana kundi ang sumunod na lang. Akala niya ay bubuhatin siya n
PUMASOK na si Paulo sa trabaho at agad naman siyang binati ni Diana nang makita siya nito. Nakapasok na siya sa kaniyang opisina at napansin naman ni Diana na hindi ganoon kaayos ang pagkakasuot ng necktie niya kaya naisipan nitong sumunod sa loob ng opisina niya. May binabalak din ito sa isipan nito."Why are you here, Miss Villagracia? I didn't call you to come inside," bungad na tanong niya sa kaniyang sekretarya habang nakatayo siya malapit sa desk at inaayos ang necktie niya."I noticed your necktie kasi, Sir," paliwanag nito. "Uhm, can I?" Sinenyasan siya nito kung puwede bang ito na ang mag-ayos ng necktie niya.Nagdalawang-isip naman siya kung papayag ba siya. Ngunit hindi pa siya nakakasagot ay lumapit na ito sa kaniya upang abutin at ayusin ang necktie niya.Wala nang nagawa si Paulo kundi hayaan na lang ito. Habang ginagawa ito ni Diana ay inilapit nito talaga nang sobra ang katawan nito sa kaniya kaya napapaatras siya hanggang sa napasandal siya sa may desk. Nagulat siya n
"MANANG! We're here na po!" anunsiyo ni Gianna pagpasok ng bahay. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata nang makita ang hindi niya inaasahang bisita. "Ding?" gulat niyang sambit at napangiti rin. Nilapitan niya ang kaniyang kaibigan upang bigyan ito ng yakap. Niyakap na rin siya ni Diana.Sumunod namang pumasok sa bahay si William at labis ang pagkagulat nito nang mahagilap ng mga mata nito ang babaeng kayakap ng mahal na asawa. "Shit! What is this bitch doing here?" angil nito sa isip na ang tinutukoy ay si Diana.Nakita naman ito ni Diana at agad na bumaklas sa pagkakayakap ang magkaibigan. Ngumiti nang malapad si Diana kay William at kinindatan pa ito na ikinakulo ng dugo ng lalaki."Hi, William!" masayang bati ni Diana sa asawa ni Gianna.Hindi naman sumagot si William at umiwas lang ng tingin at umakyat sa taas upang pumasok sa kuwarto nila ni Gianna."Suplado mode na naman ang asawa mo, Jing," ani Diana at napanguso na lamang sa harap ng kaibigan.
"THANKS pala sa dinner na 'to, ha?" ani Diana. "Ang sarap talaga ng mga luto niyo rito. Samantalang ako, kaunti lang ang naluluto ko, mga simpleng recipes lang," dagdag pa niya.Kasalukuyang kumakain ng dinner ang apat. Magkatabi ang mag-asawa at nasa tapat naman sina Manang Neneng at Diana na nasa tapat ni William nakaupo."Kung gusto mo, magdala ka ng pagkain. Initin mo na lang bukas sa condo mo para hindi ka na magluto pa," usal ni Gianna."Really? Sige, sure! Magdadala ako. Thanks, Jing!" masiglang sabi ni Diana. Lagi pa niyang sinusulyapan si Manang Neneng dahil may binabalak na naman siyang kalokohan. Ngunit hindi niya magawa dahil makikita siya nito. Magkatabi pa naman din silang nakaupo.Narinig naman nilang umiyak ang isang anak ng mag-asawa kung kaya't nagmadaling tumayo sina Gianna at Manang Neneng para puntahan ito."Ako na ang bahala, hija," wika ni Manang Neneng. "Tapos na rin naman akong kumain," patuloy pa nito."Sige p
NAKATITIG sa kisame si William, nag-iisip kung pa'no maiiwasan si Diana. Mahirap iwasan ito dahil desidido at tila desperada itong maangkin siya nito. Inaamin niyang maganda naman ito at sexy at maaaring madala siya sa tukso kung hindi siya makapagpigil. Kapag nangyari iyon ay may magbabago. Natatakot siya sa mangyayari.Tinatanong niya ang sarili kung paano kung hindi siya makapagpigil at may mangyari sa kanila ni Diana. Kung hindi sana dumating ang babae sa buhay niya ay hindi siya magkakaganito. Nais ba talaga nitong wasakin ang pagkakaibigan nito at ng asawa niya? May pagtingin ba sa kaniya si Diana? O katawan niya lang ang habol nito?Naalala naman niya si Paulo na kaibigan niya. Naalala niya ang kinuwento nito sa kaniya. Hindi talaga siya makapaniwala. Bakit sila pa ang napagdiskitahan ni Diana kahit alam naman nitong may asawa at pamilya na silang magkakaibigan?Napakuyom siya ng kamao sa galit. Gusto niyang magwala. Gusto niyang pawiin si Diana sa buhay nil
ARAW ng Sabado, kapwa walang trabaho ang mag-asawa. Nagpunta sila sa bahay ng mga magulang ni William kasama ang kanilang dalawang anak. Nakatira ang mga magulang ni William sa San Pedro City, Laguna. Nais lamang nilang bisitahin ang mga ito dahil matagal na rin noong huli silang bumisita.Dahil wala rin namang gagawin si Manang Neneng sa bahay ng mag-asawa, nagpaalam din siya kay Gianna na umuwi na muna ng probinsiya upang kamustahin ang pamilya niya."Good thing you thought about this, hon," nakangiting sabi ni William kay Gianna. "Miss ko na sila," dagdag pa niya na ang tinutukoy ang kaniyang mga magulang. Dinugtungan pa ni William ang kaniyang sinabi ngunit sa isip niya lamang ito. "Baka magpunta na naman sa bahay natin 'yong Diana na 'yon at kung ano pa ang gawin," aniya sa isip."Miss ko na rin sila kaya mas mabuti na rin ito. Maybe next time, we'll visit my parents naman?" suhestiyon ni Diana sa asawa niyang nagmamaneho ng kotse.Sumulyap naman si William kay Gianna. "Sure."Dum
NAKAUWI na rin ang mag-asawang Alvarez kasama ang dalawang anak sa kanilang bahay sa Maynila.Tila malakas naman ang pang-amoy ni Diana at naisipan niyang magpuntang muli sa bahay ng mag-asawa. Tatawagan na sana muna niya ang kaibigang si Gianna ngunit nakaisip siya ng kapilyahan at nais niya nang may kaunting excitement kaya sa huli ay si William ang naisipan niyang i-text. Pinalitan muna niya ang pangalan ng lalaki sa kaniyang cellphone bago niya ito i-text.To: Baby WilliamHi, baby! What's up? Are you home already?Napangiti pa siya matapos niya itong i-send.Napadukot naman si William sa bulsa nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone. "Wait lang, anak, ha? May babasahin lang si Daddy," sabi niya sa anak na lalaking si Wyler na ngayon ay nakaupo sa sofa sa living room.Agad namang kumulo ang dugo ni William sa sandaling mabasa ang text ng babae sa kaniya. Hindi naka-save ang numero ni Diana sa kaniyang cellphone ngunit nakilala