Kabanata 153
Ginamit ko ang kotse ni Mommy nang hindi niya alam. I just told the security guard na may bibilhin lang ako kahit nakakapangduda dahil gabing-gabi na.
What the hell is wrong with Yohan? May sira na ba siya sa ulo?
It was a tiring night since sobrang layo ng La Luca at muntik pa akong mawala dahil maraming nagbago sa limang taon na pagkawala ko.
Madaling araw na akong nakarating sa bar at sobrang sorry ang nasabi ko sa staff na mukhang bagot na yata kakahintay.
“Girlfriend ka po ba niya, Ma’am?” kuryosong tanong ng staff nang nakarating ako.
Nalaglag ang panga ko sa daming mga bote na nakita ko sa lamesa. I thought his life is getting better, pero ano ito?
“Hindi,” sagot ko habang ang tingin ay na kay Yohan na tulog na tulog na sa lamesa. “H-Hindi ko siya boyfriend.”
“Pasensya na po talaga, Ma’am at ikaw ang natawagan ko. Ikaw kasi ang nasa contact
Kabanata 154I don’t have a choice but to stay. Nakatulog si Yohan at kailangan ko rin siyang asikasuhin dahil nagsuka siya. Wala naman siyang kasambahay dito sa condo niya.At ngayong tulog na tulog na si Yohan, tulala na lamang ako dahil sa kanyang sinabi kanina.Magiging masaya talaga ako kapag totoo na hindi galit sa akin ang anak ko. Pero ang hirap paniwalaan lalo na sa mga nangyayari ngayon. Alam ko na may tanim na galit sa akin si Felecity kasi iniwan ko siya.Wala akong magawa kundi ang tanggapin ang kanyang galit. Tanggapin ang kanyang hinanakit sa akin at saka ako babawi sa kanya.It doesn’t matter now. Hindi ako babalik nang hindi kasundo at kasama ang anak ko.Binalingan ko si Yohan na payapang natutulog. Kahit hindi ako si Yohan, ramdam ko ang pagod sa kanya. Bakit siya pagod? Nasa kanya na ang lahat. His company is not losing. Mas lumago pa ito sa nagdaang taon.So, bakit? Malupit pa rin ba si T
Kabanata 155Bumalik ako sa condo kasama siya. Walang nagsalita sa amin pagkatapos niya akong yakapin doon mismo sa harap ng dating bahay ni Aling Maria.Nakaupo siya sa upuan habang ako ay tahimik na nagluluto. Halos hindi ko maibuka ang bibig ko sa sobrang awkward pero kailangan kong magsalita para hindi na magtatagal ito.Bahagyan kong binalingan ai Yohan na ngayon ay nakatingin na sa akin. Nag-iwas agad ako ng tingin at saka nagpatuloy sa pagluto.“Ah, m-mukhang gutom ka na. Pasensya na, malapit na ito,” nauutal ko na sabi.“It’s fine. Take your time, Fiona,” aniya.Mahina akong tumango at saka hininaan na ang stove. Kailangan ko rin siyang makausap nang maayos. Hindi kasi kami makakausad kung hindi.At isa pa, I need to ask him. Kung bakit siya naglasing. Bakit parang wala siyang pakialam na naglayas ang anak namin.Nang natapos na ako sa pagluto ay in-off ko na ang stove at saka
Kabanata 156Kinagat ko muli ang ibabang labi ko at saka nag-iwas muli ng tingin sa kanya. Ang aking mata ay lumuluha na dahil sa sakit na naramdaman. Kung babalikan ko ang pag-ibig namin na limang taon na ang nakalipas, hindi pa siya masyadong katagal ngunit mapusok.“Yohan…” Nanginig ang boses ko at pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking mata sabay singhap. “Alam mo, naalala ko na naman ang dati. Kung paano tayo pinaglaruan ng tadhana. Para tayong pinaikot-ikot, ginawa tayong laruan at pinipilit na gibain. And maybe hindi pala talaga tayo para sa isa’t isa.”Parang may punyal na sumaksak sa puso ko.“I came back because I want to see my daughter again, Y-Yohan…” Nang tiningnan ko siya ay nakayuko na siya. “I am not here para ayusin ang nakaraan natin kasi para sa akin mas mabuting huwag na lang ipagpatuloy lalo na’t ayaw naman ng mga nakapaligid sa atin—”
Kabanata 157Tahimik akong humagulhol habang nakasubsob ang mukha ko sa malambot na unan. Wala akong kaalam-alam sa pangyayari. Ni hindi man lang sinabi ni Trixie na wala na pala si Aling Maria.Kung alam ko lang na may dinaramdam na pala siyang sakit ay baka natulungan ko siya financially pero hindi eh, wala eh, wala akong kaalam-alam.Ang sama pa kasi umalis ako nang hindi nagpasalamat at nagpaalam sa kanya. Wala akong kaalam-alam.“Fiona…” ani Trixie sa kabilang linya.Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.“I’m sorry kasi hindi ko sinabi sa iyo,” naiiyak na sambit ni Trixie. “May balak sana akong sabihin sa iyo pero naisip ko na baka maapektuhan lang ang pag-aaral mo tapos baka uuwi ka pa rito—”“Talagang uuwi ako, Trixie,” iyak ko na sabi at saka tiningnan ang phone ko. “Uuwi ako…Wala kasi talaga akong kaalam-alam. Wala akong kaalam-alam na may
Kabanata 158May dala akong kandila at bulaklak. Totoo nga na wala na si Aling Maria. Ang kanyang lapida ang nagsisilbing ibidensya na nilisan na niya ang mundong ito.Hinaplos ko ang kanyang lapida na may nakaukit na kanyang pangalan bago ko sinindian ang kandila at saka inilapag ang dala kong bulaklak.Tumulo ang luha sa aking mata habang nakatitig sa kanyang puntod.Tatlong taon ka na palang wala sa mundong ito.Aling Maria, sorry po. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa inyo. Sobrang dami mong nagawang kabutihan sa amin. Kahit nahihiya ako pero ikaw na ang pangalawang ina ko. Buong-puso mo kaming tinanggap kahit di mo kami kaano-ano.If I have known, Aling Maria. Baka umuwi talaga ako dito. Kung alam ko lang na may karamdaman ka palang dinaramdam, sana ay natulungan pa kita.Masyado akong kampante na malusog ka dahil masiyahin ka na tao. Hindi ko man lang naramdaman na baka sa mga oras na nagkasama tao ay may karamdam
Kabanata 159Nakatingin lang ako sa anak ko na tahimik na naglapag ng bulaklak sa puntod ni Aling Maria. Katabi niya si Yohan na hinahagod ang likod niya.Ang daming nagbago. Parang noon ang liit pa lamang ng anak ko pero ngayon, nasa malapit sa kili-kili na siya ni Yohan. Ang tangkad niya kahit nuwebe anyos pa lamang.Nasasaktan ako na hindi niya ako kayang matingnan. Ito ba ang sinasabi ni Yohan na hindi galit? Halos ayaw niyang lumapit sa akin. Pero okay lang, naiintindihan ko naman ito dahil in the first place, iniwan ko siya. Limang taon ako na wala sa tabi niya kaya ano pa ang aasahan ko? Hindi niya naman ako yayakapin agad.Nang nakita ko siyang lumingon siya sa banda ko ay nagkaroon ako ng pag-asa. Nang ngumiti ako sa kanya ay agad siyang nag-iwas ng tingin.Kumirot ang puso ko at napayuko.“Anak, ayaw mo bang kumain muna?”Napatingin ulit ako sa kanila.“No, Dad, matutulog na lang ako.&r
Kabanata 160Masakit. Masakit na ganito na ang trato sa akin ng anak ko. Pero masisisi ko ba siya? Iniwan ko siya, eh. Limang taon din iyon. Hindi biro ang limang taon na wala ako sa tabi niya.At siguro si Diana ang nagpuno sa kakulangan ko. Maybe…Kinalma ko ang aking sarili. Ayokong makita nila na umiiyak ako. Hindi iyon dapat. Hindi rin iyon puwede dahil ayoko na makita nila na talunan ako.Kaya ko ito. Simula pa lang naman ito. Marami pang pagkakataon. Hindi pa siguro ngayon.Nang matapos kong kumain ay tumayo na ako. Sabay naman silang bumaling sa akin.“Fiona…”Ngumiti ako ng tipid sa kanya at saka binalingan si Felecity na tamad na kumakain sa kanyang spaghetti. I sighed.“Lalabas lang ako saglit, Yohan. May tatawagan lang ako.”Napakurap-kurap siya at saka binalingan si Felecity. Nang hindi nagsalita si Felecity ay saka niya ako binalikan ng tingin.&ldq
Kabanata 161Nang nakarating kami sa condo ni Yohan ay agad kong hinabol si Felecity.“A-Anak…”Hindi niya ako nilingon at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Nakita ko na tumigil siya sa isang pinto at saka hinubad ang kanyang sapatos.“Felecity,” tawag ko ulit sa kanyang pangalan. “P-Puwede ba kitang makausap?”Bumuntonghininga siya at saka hinawakan ang door knob. “Matutulog po ako.”At saka niya binuksan ang pinto, pumasok siya at saka niya sinarado. Kumirot ang puso ko at binalingan si Yohan na mukhang awang-awa na sa akin.“Fiona…” Akmang lalapit siya sa akin ngunit pinigilan ko siya.“Don’t…” Inilingan ko siya. “Huwag mo akong kaawaan kasi hindi naman ako kawawa, Yohan. K-Kawawa ang anak ko.”“If you are thinking that Diana is her new mother or something, that’s not true, okay? D
WakasI didn’t waste my time. Pagkatapos ng ilang araw naming honeymoon ay naghanda na ako para sa pagbalik ko. I promised them na babalik ako. Babalik ako.Pero kahit sumang-ayon na sila, hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala at mag-overthink sa mga bagay-bagay.Paano kapag nakabalik ako ay babalik sa dati? Paano kung sumang-ayon lang si Felecity pero ang totoo ay hindi pala? Paano kung napilitan lang si Yohan na payagan ako na umalis?“Gosh, Fiona! Kasal ka na okay? Tanaka ka na. Hindi ka itatakwil ng asawa’t anak mo sa ilang araw mong pag-stay sa New York!” si Mommy nang tinawagan ko siya at sinabi ko sa kanya ang mga thoughts ko. “Kung ayaw mong umalis, huwag ka nang tumuloy! Sayang nga lang ang opportunity.”Kinagat ko ang ibabang labi ko. “Mom—”“Ako mismo ang uuwi diyan kapag tinaboy ka nila. Don’t worry, Fiona. Sa ngayon, bigyan mo rin ng pansin ang nego
Kabanata 174Hindi ako makapaniwala na kasal na kami ni Yohan ngayon. Halos hindi nga ako makatulog sa kakaisip. Na baka panaginip lang pala iyon at hindi totoo.Pero hindi, kasal na ako at katabi ko na ang asawa ko.Asawa ko…Ang sarap sa pandinig. Nakakaganda ng araw. Parang isang magic lang ang lahat. Biglaan. Ang alam ko lang ay ang magd-date kami sa resort na iyon pero sa isang iglap, kinasal ako.Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka unti-unting bumangon mula sa pagkakahiga.Ito ang unang araw naming bilang mag-asawa at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.“Yohan…” tawag ko kay Yohan para gisingin siya. “Gising na. Kailangan pa nating umuwi.”Nandito pa rin kasi kami sa resort at gusto ko nang umuwi para makita ang anak ko.“Hmm. Let’s sleep pa, hmm? Inaantok pa ako.”Napairap na lamang ako at saka mag-isa na lamang na bumangon. Akmang
Kabanata 173Hilang-hila ako ni Yohan na para bang walang katapusan. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Parang ang sarap sa pakiramdam. Parang bumalik kami noon. Ang sarap sa feelings.“T-Teka Yohan! Saan tayo pupunta?” tanong ko at halos magpahila na nang husto sa kanya dahil sa malaki niyang mga hakbang.“Somewhere in here, Fiona,” aniya habang patuloy pa rin sa paghila at pagkatakbo.Bigla akong na-excite at kinabahan at the same time.Nang nakarating kami sa isang malaking space na buhangin na sobrang puti, tumigil kami at saka hiya ako hinarap. Ngumiti siya sa akin.“Close your eyes, Fiona,” aniya.“Bakit?”“Surprise nga, right?” he chuckled. “Now, close your eyes, Fiona.”Tiningnan ko muna siya nang matagal bago pumikit. Naghintay ako na mayroong mangyayari pero wala. Ang tanging naririnig ko lang ay mga alon na nagh
Kabanata 172 Tulala akong nakatingin sa baso ko habang si Tita Ylena ay kalmadong nagkakape sa harapan ko. Hindi ako makapaniwala na nakita ko siya ulit. Oo, sinabi ni Yohan na pupunta ang Mommy niya pero hindi ko akalain na ngayon na araw pala. “I’m happy to see you, hija,” panimula ni Tita Ylena. “It’s been five years.” Ngumiti ako ng tipid sa kanya. “Oo nga po, five years.” Ngumiti siya pabalik sa akin at saka ininom niya ang kape. Narito kami ngayon sa isang open space na coffee shop dito sa resort. Ang view namin ay ang dagat na may naghahampasan na mga alon. Huminga ako nang malalim at saka tiningnan siya. “Five years na po siya Tita, pero hindi ko pa rin makakalimutan,” ani ko. Napawi ang ngiti niya at saka siya tumikhim. “Hija, I am not here to have another fight with you.” Umiling siya. “I am actually here to visit. I told my son. Napaaga nga lang.” Humalukipkip ako at tiningnan siya. “Oo
Kabanata 171 Naunang nakatulog si Yohan. Ako naman ay narito lamang, inaalala ang mga pangyayari. Tiningnan ko ang singsing na nasa aking daliri. I remembered five years ago, when Yohan unexpectedly proposed to me. Hindi mawala sa isip ko iyon at kung may malungkot man akong mararamdaman, iniisip ko iyon. “I am happy, Fiona…” Napasinghap ako nang hinawakan niya ang kamay ko. “Masaya ako na makasama kita sa paskong ito.” “Yohan…” “Ayoko na pagsisihan ko ito sa huli. Maybe you are doubting me because of my family but I don’t really care about it, Fiona, as long as I have you.” “W-What are you saying, Yohan? Pasko ngayon, seryosong-seryoso mo yata ngayon…” “Because I am dead serious, Fiona Carolina.” Napalunok ako. “Alam ko na hindi ako nagiging mabuti sa iyo. I ruined your life. I ruined everything. Hindi siguro ako deserving sa iyo pero kahit ganoo
Kabanata 170Nang mas naging malalim pa ang aming halikan ay unti-unti niya akong inihiga sa malambot na kama. Nang nagkatinginan kami ay parang tumigil ang mundo ko. Parang sa sandaling ito ay siya lang ang nakita ko.“Yohan…”Huminga ako nang malalim.“Alam mo na kung gaano ako kasabik sa iyo, Carolina,” he huskily said.Ang kanyang kamay ay unti-unting gumapang paitaas sa aking damit.“Y-Yohan…” Daing ko sa kanyang pangalan.Hinaplos niya ang binti ko bago niya ako hinalikan ulit. Unti-unting nag-init ang aking katawan dahil sa kanyang kakaibang paghaplos. Nang bumaba ang kanyang halik sa aking leeg ay napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi. Habang busy siya sa kanyang paghalik, busy din ang kanyang kamay sa panggagapang.Parang nanibaguhan ulit ang aking katawan sa kanyang mga halik at hawak. Bago ulit ito sa akin dahil ngayon ko lang ulit
Kabanata 169Sa La Luca resort ang tungo namin ni Yohan na siya lamang ang naghahanda. Wala akong kaalam-alam na dito pala kami magd-date or something. Kung alam ko lang ay nakapaghanda na sana ako.I was just teasing him last night. Hindi ko naman alam na totohanin niya. At ang cute niya magselos, ah? Anak ko pa talaga ang pinagseselosan niya?“Yohan, ilang araw ba tayo rito? Kasi si Felecity kasi, baka ma-miss niya tayo.”Sinamaan ako ng tingin ni Yohan nang binalingan niya ako. “Don’t mention Felecity in here, Fiona.”Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. “Sure ka ba riyan, Yohan? Pinagseselosan mo ngayon si Felecity.”Ngumuso siya. “Is it a bad thing? I want you alone. So, you should only think about me, like how you only think of Felecity when you were trying to make her soft or something.”Umirap ako at saka umupo sa kama. “Don’t worr
Kabanata 168And now that my relationship with my daughter is finally okay, hindi ko na kailangang mag-alala pa. Alam na rin ng mga tao at hindi sila makapaniwala. That I got pregnant at an early age at nag-assume din sila na kaya ako biglang nawala dahil nabuntis ako. Iyon naman ang katotohanan.But my image is not important anymore. Ayoko na e-save ang reputasyon ng isa na nasisira naman ang isa. I don’t want my daughter to be at the dark again. Ayoko na ganoon.Napailing na lamang ako at saka tinapos ko na ang red wine ko. Bukas ang bintana ng condo unit ni Yohan kaya nagkaroon ako ng time para sa sarili ko. I looked at the buildings. Gabing-gabi na at sa totoo lang, maganda ang tanawin sa gabi. Nakikita ko ang iba’t ibang kulay at nakita ko ang pag-ilaw ng malaki at mahabang bridge na nagkokonekta sa dalawang isla sa lugar na ito.Bumuntonghininga ako.I am planning to stay here for good. Alam ko na hindi
Kabanata 167Another week had passed, and I think my relationship with my daughter improved. She became open to me and she told me about her worst days at school. Nalaman ko na kaya siya nang-aaway kasi inaaway siya. Muntik na siyang ma-expelled dahil sa dumugo ang labi ng kaklase na sinampal niya. Mabuti at nabigyan ng pagkakataon. Nalaman ko rin na naglayas siya sa bahay nila ni Yohan dahil siya lang mag-isa.I felt sad and guilty at the same time.Nang dahil sa pag-iwan ko sa kanya ay nagkaganyan siya. Walang ina sa kanyang tabi. Walang nag-guide sa kanya sa paglaki. Kaya ngayon, hangga’t hindi pa huli ang lahat ay gagawin ko ang best ko.“Fiona…”Binalingan ko si Yohan. “Bakit?”He handed me an envelope. Kumunot ang noo ko. “Ano ito?”“Felecity asked me to give this to you. Nahihiya raw siya, Fiona. Project nila iyan sa paaralan nila.”