Maaga akong nag-aayos ngayong araw dahil unang araw ko sa bansang ito. Hindi ako dapat mafail sa misyon kong ito. Hindi ako dapat magpapatalo. Buhay kapalit ng buhay. Kailangan kong magtagumpay sa lahat ng plano ko. Focus to your goal Ashery.
Tinitigan ko ang sarili ko sa harap ng napakalaking salamin sa kwarto ko. Napangisi na lang ako sa sarili.Humanda ang dapat humanda dahil malalaman niyo na ang tunay na paghihiganti. Mararamdaman niyo ang tunay na sakit.
KNOCK KNOCKNahinto ako sa pag-iisip ng marinig ko ang katok mula sa pintuan ko. Naglakad naman ako papuntang sofa ko. Hindi na ako nagsalita ng pumasok na lamang ito. “Nakagayak na po ang inyong agahan Ka—““Ano bang sinabi ko sayo Aira? Kailangan ko pa bang ulit ulitin sayo lahat?” maawtoridad kong saad. Ilang beses ko na siyang sinabihan subalit paulit ulit niya pa ring ginagawa. Tinitigan ko siya at napayuko nanaman siya. Napairap na lang ako sa inasal niya. “Pasensya na hindi na mauulit.” Yuko pa ring saad niya. Tumayo na ako at nilampasan siya saka bumaba. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa likod ko. “Siguraduhin mo lang dahil kung inulit mo pa ipapatapon na kita sa pinakadulong lugar ng Korea.” Nilingon ko siya at namumutla nanaman ang mukha niya. Kahit kailan ka talaga. “Umpisahan mong ayusin ang pananalita mo ang pakikisama sa akin para maayos natin ang lahat kung patuloy kang ganiyan wala akong magagawa kundi ang ibalik ka.” Pagbabanta kong sambit sa kaniya.Dumiretso na ako sa kusina at nakahanda naman na ang lahat. Sinimulan ko ng lagyan ang pinggan ko ng mga pagkain ko.
“Pasensya ka na talaga hindi pa rin kasi ako sanay eh.” Nahihiya niyang sambit. Ibinigay ko sa kaniya ang isa pang plate at nilagyan ng kanin. “Ako na jan kaya ko naman.” Nakayuko niya pa ring sabi. “Ayusin mo sabi ko Aira, bakit ba pati ang postura ng katawan mo kapag nakikipag-usap sa akin ay ganiyan pa rin?!” pinantayan niya ang tingin niya sa akin. Hindi man niya sabihin pero naiilang pa rin siya. Halata pa ring gusto niya ng ibaba ang paningin niya at yumuko. Nagtapang tapangan siyang tiningnan ako.“Fine! Yan yung gusto mo diba?! Sige! Pagbigyan. Masyado kang masungit, hindi mo ako kailangang sigawan.” Napangiti naman ako sa iniasta niya. Iiling iling na lang akong nagpatuloy sa pagkain. Kaya naman pala eh aarte arte pa. Tsss. Pagkatapos kong kumain ay nagtungo lang akong sofa at nanuod. “Nagtext sa akin si Vance papunta na raw siya dito.” Tumango na lamang ako sa kaniya at itinuon uli ang atensyon sa tv. Sana lang ay nagawa niya para makapasok na ako bukas bugnot na bugnot na ako dito sa bahay kahit na gusto ko palaging mag-isa at nakakulong sa loob ng kwarto saka matulog. Gusto ko ng umpisahan, sana lang ay maging maganda ang buhay ko sa paaralang iyun. Ilang minuto lang ay rinig na namin ang pagdoor bell sa gate namin. Bilis niya naman. “Oh Vance bilis mo naman? Pinalipad mo ba ang kotse mo at nakarating ka kaagad dito? Madaling madali lang ha? Excited lang makita si Ash?” taas kilay na sunod sunod na tanong ni Aira. Tiningnan lang naman siya ni Vance saka dumiretso sa akin. “Wow as in Wow. Hangin na ba ako ngayon para hindi makita? Akala mo kung sino kang gwapo Vance! Mapanis sana laway mo para mamaho yang hininga mo! Leche!” gulat na nilingon ni Vance si Aira sa iniasta niya ito. “What?” “Oh ano? Tingin tingin mo jan?” “What the.”“What ka ng what jan. Watwatin kita eh.” Inambaan pa niya ng suntok si Vance. Natawa na lang ako. Hindi na lang siya nagsalita saka umupo. Tinaasan ko naman siya ng kilay saka nagpadekwatro ng pambabae. “Maayos na ang lahat, pagpasok nyo na lang ang kulang. Bukas na bukas din makakapasok na kayo.” “Good.” Maikli kong saad. “Sigurado ka ba talaga dito?” “Ito na lang ang nakikita kong paraan.” Diretsong tiningnan ko ang mga mata niya at iniwas na lang ng makita ang emosyon niyang nag-aalala. “You don’t have to worry Vance. I can take care of myself.” Nagliwanag naman ang mukha niya at unti unting tumango.“Kung kailangan mo ako nandito lang ako palagi.” “Salamat makakauwi ka na.” Nanlaki naman ang mga mata niya saka iiling iling na tumingin. “Ibang klase kararating ko lang ah? Bakit pinapaalis mo na ako agad? Hindi ba pwedeng dito na lang ako mananghalian?” sinubukan niyang maging cute sa harapan ko pero inirapan ko lang siya. Ang sagwang tingnan sa kaniya. Hindi niya bagay.“Siguraduhin mong pagbaba ko sa kwarto ko ay wala ka na sa paningin ko.” Tumayo na ako at tinalikuran siya. “Tsk jan ka naman magaling. O sige na. Mauna na ako mag-iingat ka palagi.”Hindi ko na siya nilingon pa at dumiretso ng kwarto ko.
Humiga ako sa kama at ginawang unan ang dalawa kong braso saka tiningnan ang kisame. Ang dami kong tanong pero sa lahat ng iyun wala pa rin akong nakukuhang sagot. Gusto ko ng malaman ang lahat ng nasa likod ng mga nangyayari. Oras na malaman ko uubusin ko lahat ng lahi mo. Hindi na dapat pang mabuhay ang lahing katulad niyo. Wala kayong karapatang mabuhay sa mundo. Ang dating maayos at maganda kong nabuhay, nawala ng dahil sa kasakiman mo. Matiyaga kong pinalipas ang araw na ito. Iginugol ko rin ang buong kalahating araw ko sa loob ng training room ko. Pagkatapos naming maghapunan ni Aira ay dumiretso na ako sa kwarto ko at naligo. Pagkalabas ko sa banyo ay pinatuyo ko muna ang buhok ko saka ako natulog. KINABUKASAN.Maaga akong gumising, dumiretso na ako sa banyo saka naligo. Kasalukuyan akong nagbibihis ng kumatok si Aira sa kwarto ko. Siya lang naman pwedeng kumatok dahil siya lang naman ang kasama ko. “Hoy gising ka na ba? Ash?” “Gising na ako.” walang gana kong saad sa kaniya. “Maligo ka na ha? Bilisan mo at kumain na tayo.”“Nakaligo na ako.” umalis na ako sa harap ng malaki kong salamin saka binuksan ang pintuan. Naabutan ko namang nakatayo pa dun si Aira at nanlalaki ang mga mata. “What the hell?” “Problema mo?”“Ano yang suot mo?! Kahit si Vance ay hindi magugustuhan yang suot mo.”“Tsss.” Nilampasan ko na lang siya.“Ash bakit ganiyan ang suot mo?” sunod niyang tanong habang nakasunod sa akin.“Damit pa rin naman to. Huwag kang OA.” Umupo na ako sa upuan ko at sinimulan ng kumain.“Alam ko pero bakit ganiyan?” sinamaan ko siya ng tingin at nanahimik na rin. Ang dami daming tanong. Ano naman problema sa suot ko? Isang loose shirt at pantalon lang naman. Masyadong mga OA. Langya yan. Kung makareact kala mo naman kulang sa tela ang isinuot ko.Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko na ang bag at susi ko saka lumabas ng bahay namin at nagtungong garahe.Pinainit ko muna ang makina ng sasakyan ko. Hindi rin nagtagal ay lumabas na rin si Aira at ginawa niya rin ang ginawa sa sasakyan ko.“Sigurado ka ba talaga dito?” kunot noo niyang tanong.“Hmm.”&ld
ASHERY POV“Ok ka lang ba Ash?” naglalakad na kami ni Aira patungong room namin.Tinanguan ko na lang siya. Gagong yun hindi ko lang natulungan nag-uusok na ang ilong sa galit. It’s my choice kung tutulungan ko siya o hindi. Hindi ko kasalanang lalampa lampa siya sa harap ko tapos magagalit galit siya.Wala akong oras sa mga taong katulad niya. Umakyat na kami sa hagdan at huminto sa ikalawang palapag saka hinanap ang room naming dalawa.Nahanap naman namin na nasa bandang gitna ng building na ito. Hinila ko na ang upuan na nasa bandang likod. Tumabi naman sa akin si Aira. Dahil wala pa naman ang prof namin ay pinanuod ko na muna ang nagsasayawang sanga ng puno sa tapat ng bintana namin. Ang mga ibong payapang nag-aawitan. Kung ganiyan lang sana kasimple ang buhay, walang problema pero impossible dahil may mga taong sakim ang nabubuhay sa mundo.Napabalik na lang ako sa rey
GAVIN POVMakikita mo ang galit sa mukha ni Kent pero kalmado lang itong babaeng ito na alam kong mas lalong kinaiinisan ni Kent.“Ibalik ko kaya sayo yung tanong, bakit mo ako tinapunan?” Walang emosyon niya pa ring saad. Simula ng makita namin siya kaninang umaga ay wala pa rin siyang kaemo-emosyon. Iisa lang ang reaksyon niya—blangko.“Dahil mayabang ka! Hindi ko gusto ang pagmumukha mo!” galit na ani ni Kent.“That’s enough Kent Chester. Babae yang inaaway mo!” awat na rin ni Chase sa pagitan nilang dalawa.“He’s right Kent, marami ang nakakakita dahil kahit anong sabihin mo, baliktarin mo man ang mundo babae pa rin yan.” Singit ko na rin.“Ha! kinakampihan niyo ang babaeng ito?!” turo niya sa babae.“Hindi naman sa ganun bro pero tama silang dalawa, mali ang ginawa
Nakarating ako sa bahay maya maya’y nanjan na rin si Aira. Dumiretso akong sala saka pabagsak na iniupo ang sarili sa sofa. “Ayos ka lang ba?” tinapunan ko lang siya ng tingin. “Pasensya ka na hindi man lang kita maprotektahan.” “Hindi mo kasalanan.” Tumayo na ako saka umakyat sa taas. “Tawagin na lang kita kapag kakain na.” Sigaw niya mula sa baba. Tumango na lang ako kahit na hindi ako sigurado kung nakita niya. Humiga ako sa kama ko at hinayaang maglayag ang isip ko. Marami pa akong dapat pagtuunan ng pansin at atensyon hindi ng isang hangal na katulad niya. Huwag ka lang sanang sumobra ginoo. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo. Kinuha ko na ang mga gamit ko at ginawa lahat ng assignments. Bawat subjects na lang ata may assignments. Tsss. Natapos ko ang mga assignments ko after half of hours. “Ash?” inimpis ko na lahat ng mga gamit ko at
“May pasok kami kaya walang maiiwan dito.” Putol ko sa kaniya.“Hatid na kita.”“May sasakyan ako.”“Bakit ba ang sungit mo na sakin? Hindi mo na ba ako mahal?” nakanguso pa niyang tanong.“A-Ang b-brutal mo na shaken ahh.” Daldal pa niya kahit na sinubuan ko na ang bunganga niya.“Grabe bilib talaga ako sa kasweetan niyong dalawa.” Sarkastiko at iiling iling pang saad ni Aira.“Kumain ka na ba Vance?” baling niya kay Vance na ngumunguya pa ng isinubo ko.“Pakain na ako.” seryoso niya ng sabi.“Tsss bagay talaga kayo, pareho kayong ang hirap timplahin ng mga mood.” Hindi ko na lang sila pinansin saka ako kumain. Tumayo na ako pagkatapos.“Hindi ba at delikado ang pagmotor motor niyong iyan? Huwag niyo ng gami
Hindi ko alam pero wala naman siyang ginagawa nahihiya ako. As in sa likod ko lang siya nakaupo. Hindi ko siya napansin dun kanina, aba malay ko bang sila pala ang kacombine namin ngayon. Tiningnan ko siya at walang emosyon niya akong tinapunan ng tingin.“Natutulala kasi.” Diretsong tingin niyang saad sa akin. Sa sobrang hiya ramdam ko ang pagtaas ng dugo ko sa ulo. Napapakuyom ako dahil naiinis nanaman ako sa kaniya. Bakit ba siya pa ang kacombine naming department ngayon?“What is meant by business law?!” ulit na tanong ni ma’am. Tatlo kaming nakatayo ibig sabihin tatlong tanong din. Palihim ko siyang tiningnan pero diretso lang din siyang nakatingin kay Miss.“Business law encompasses all of the laws that dectate how to form and run a business. This includes all of the laws that govern how to start, buy, manage and close or sell any type of business. Business laws establish the rules tha
“Tch! Never!” saad niya saka umalis. Tiningnan ko siya ng maglakad siya patungong counter. Napapailing nalang ako dahil napakaisip bata. Ganito ba talaga lahat ng mga estudyante ng ACIS mga isip bata.Umalis na rin ang mga kaibigan ng warfreak na yun sa table namin. Humingi na lang ng sorry si Kendrick dahil sa inasal daw ng kaibigan niya. Tinanguhan ko na lang siya bago umalis.Natapos ang lunch break namin kaya pumasok na rin kami sa panghapong subject namin. Nagdiscuss lang ng nagdiscuss ang prof namin. Matapos nun ay inayos ko na ang mga gamit ko saka tumayo.“May practice ba kayo ngayon?” tanong ni Aira. Tinanguhan ko na lamang siya.“Practice saan?” kuryosong tanong ni Freya.“Sa Dance Troupe.” Sagot naman ni Aira.“Ganun ba mauna na kami sa inyo.” Nagpaalam na silang tatlo hanggang sa dalawa na lang
ASH POV“HI” masiglang salubong sa akin ni Vance pagkauwi ko.“What are you doing here?” nilampasan ko siya saka ako dumiretso sa kusina at nanguha ng malamig na tubig saka uminom.“Oh nakauwi ka na pala. Kain na ba tayo?” Si Aira.“Mamaya lang papahinga pa ako.” saad ko saka pumuntang sala at umupo.“Hindi ka man lang ba matutuwa na dinalaw kita?” tiningnan ko lang si Vance saka ko itinaas ang paa ko sa center table at inihilig ang batok sa sofa kung saan sa kisame ako nakaharap.“Ay nagsalita rin sa wakaaaas. Akala ko talaga mapapanisan ka na lang ng laway jan Vance eh.” Maingay na sabi ni Aira. Hindi naman siya sinagot ni Vance.“Tss magsama kayong dalawa! Kausapin mo yang pinakamamahal mo Vance!” daldal pa niya bago ko marinig ang yabag niyang papalayo sa amin.
Sorry po kung ngayon lang ako nagparamdam sa story na 'to. Ngayon ko na lang kasi siya ulit navisit since nabusy ako sa maraming stories ko. The true reason kung bakit hindi na ako nakakapag-update is because para raw siyang HIH or His into Her ni Miss Jonaxx. Ayaw ko naman na plagiarize ako or something ginagaya ko siya, nagkataon lang na nagkaroon kami ng same plot. So, since then parang nawalan ako ng gana na ituloy siya kahit kompleto na siya sa isip ko until sa ending niya. Kung itutuloy ko naman siya need ko na naman basahin hanggang umpisa para maintindihan ko yung flow ng sarili kong story. As an author po kasi mahirap yung makumpara sa mga sikat ng author lalo na kung tingin nila ay nanggagaya ako ng gawa ng iba. Maraming salamat po sa mga nagbasa at naghihintay ng update ko. Kapag lumuwag po schedule ko, magsisingit po ako ng update medyo busy pa po ako 'till June. Thank you;)
“Ayan na!” sigaw niya kaya tiningnan ko naman yung butas at may pumasok nga. Mabilis ko naman iyung hinukay hanggang sa mahuli ko ang isang malaking talangka.“Oh my God, ang laki niya.” gulat pa niyang saad. Hinawakan ko naman sa magkabilang sipit niya saka ko iniabot sa kaniya.“Anong gagawin ko jan?” “Diba gusto mong makahuli.” “Yes pero ikaw na lang maghawak haha, masakit mangagat yan eh.” Napakamot na lang ako sa batok ko, walangya hahaha. Akala ko pa naman gusto niyang makahawak ng ganto. “So? Bitawan ko na?” “Edi bitawan mo na, kawawa naman kapag pinatay mo.” Napapailing na lang akong tumatawa sa kaniya.“Halika ka na, madilim na oh. Wala pa tayong ilaw. May dalang ilaw at battery jan si Vance, alam mo bang ikabit?” binitawan ko naman na ang kawawang talangka saka ko siya sinundan.“Isabit mo na lang jan sa sanga ng kahoy.” “Nasan yung battery?” “Ito oh.” Turo niya sa napakalaking battery. Talagang nanigurado
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na nga kami sa sinabi niya. Medyo may kalayuan nga lang pero okay lang dahil siya naman ang kasama ko, wala na akong hihilingin pa. Bumyahe kami palabas ng metro makarating lang ng dagat. Dahil nga may kalayuan nakatulog na siya sa byahe. Kararating namin pero hindi pa rin ako bumababa dahil tulog pa siya. Ang ganda niya talagang titigan. Wala ng gaganda sa kaniya. Napaiwas naman ako ng tingin ng gumalaw na siya. “Kanina pa ba tayo?” paos pa niyang tanong. “Kararating lang din naman.” Umayos na siya ng upo at inilibot ang paningin sa paligid saka bumaba kaya bumaba na rin ako. “May hinahanap ka ba?” tanong ko sa kaniya ng hindi matigil sa kakatingin niya sa paligid. “Ayun, dun tayo.” Turo niya sa isang ilalim ng puno na may mga gamit. Kumunot naman ang noo ko, kanino yan? “Kilala mo ba kung kaninong gamit yan?” tanong ko sa kaniya ng pakialamanan niya ang mga dun. “Ito ang gagamitin na
Bumili naman na ako ng ticket para sa papanuorin naming movie. Ako na rin bumili ng makakain namin sa loob. Pagkarating namin sa loob ay kakaunti pa lang din ang tao. Sa pangawalang upuan na rin kami umupo. “Mahilig ka manuod ng romance?” tanong ni Ash. “Ah siguro hehe, yan nadampot ko eh.” “Tsss, yan nadampot o yan talaga pinili mo?” “Pwede both? Haha.” Natatawa kong saad sa kaniya na ikinatawa niya naman. “Mag-ingat ka baka maulit nanaman yung nangyari sayo noong nakaraan.” “Hindi mo naman ako pababayaan diba?” “Ang bading mo talaga.” “Sige isang sabi mo pa ng bading ako, maski maraming tao hahalikan kita. Hamunin mo ako, sige.” Usal ko na ikinatikom naman ng bibig niya. Takot lang mahalikan eh, tssss. Sayang hehehe mahahalikan ko nanaman sana ang malambot niyang labi, haaaay. Pinatay naman na ang ilaw at ang tanging nagbibigay na lang ng liwanag ay ang screen sa harap. Marami rami na rin ang tao at ka
“Hindi ba maganda?” napakurap kurap naman ako ng ilang beses at tumikhim ng magsalita siya at pinasadahan ng tingin ang sarili niya. “Hindi naman, ang ganda mo nga eh.” Namamangha ko pang saad sa kaniya. “Kaya nga natulala eh, naku jan na nga kayong dalawa. Hoy warfreak ingatan mo yan ha?” “Oo naman yes!” tuwang tuwa ko pang saad kay Aira. Umakyat naman na ako sa hagdan at inilahad ang kamay ko sa kaniya habang nakayuko. Bahagya naman siyang natawa. “Akala mo naman prinsesa ang tutulungan mo.” Usal niya. “Eh prinsesa kita eh.” Napailing iling naman siya habang natawa. Inilahad niya na ang kamay niya at maingat ko namang hinawakan iyun. “Kumain ka na ba?” tanong ko sa kaniya. “Hindi pa, ikaw kumain ka na ba?” napakagat labi naman ako dahil inaalala niya na ako kung kumain na ba ako. Eh sa natutuwa ako kahit na mga simpleng tanong lang eh. “Kain na lang tayo sa labas.” Saad ko na lang sa kaniya, kaunti lang naman
“Mali ba ako?” tanong ko sa kaniya pero umiling lang naman siya.“Hindi naman, I like your answer pero paano na kaya kapag nandun ka na? hindi na siguro natin alam kung tama pa nga ba nating pagsabayin.”“Bakit mo nga ba natanong?”“Wala naman, natanong ko lang. Mahilig kasi ako manuod ng mga ganun haha yung love story siya tapos may katungkulan yung isa sa kanila.” Saad niya, pero bakit pakiramdam ko hindi talaga iyun ang dahilan.Jusko Kent Chester, umayos ka baka mamaya iba ang isipin niya.“Oh.” Nilingon ko naman siya ng masalita siya.“Alas dose na pala.” Saad niya habang nakatingin sa cell phone niya.“Hindi ko rin namalayan, ang sarap mo kasi kausap eh.” Bahagya naman siyang natawa saka tumayo.“Umuwi na tayo baka hinahanap ka na rin sa inyo.”“Hoy, anong tingin mo sa akin? Babae? At ikaw ang lalaki? Hell no, hindi
Tuluyan na kaming nakalabas ng hotel na pinagkainan namin at hindi pa rin iyun maalis sa isip ko lahat ng sinabi niya simula kanina ng makasama ko siya. Para bang isang awitin na ang sarap pakinggan. Paulit-ulit ko iyong naririnig sa isip ko. Nakakabading pero iba yung saya na nararamdaman ko. Mag-uumapaw na iyun sa sobrang dami. Hindi ako agad nakakapagsalita kapag mga ganung biglaan ang mga sinasabi niya. “Saan naman tayo ngayon?” tanong ko sa kaniya at hindi ipinapahalata ang lakas ng epekto niya sa sistema ko. “Manatili na lang tayo sa isang mataas na bahagi ng lugar.” “Ng ganto na lang? Dumaan tayo sa mall bili tayo ng mangunguya natin.” Saad ko, tumango naman siya at sumakay na kami na sa motor niya. Umalis kami sa hotel, I lean my head on her shoulder habang nakasakay ako pero hindi niya naman iyun pinansin. The best resting place. Kung ganito ba naman ang mapagpapahingahan ko kapag napapagod ako, makakapagpahinga talaga ako ng
“Sakay na.” aniya kaya kahit na nahihiya at naiilang ako dahil magkadikit na magkadikit kami dito sumakay na lang ako.“Kumapit kang mahigpit baka mahulog ka at masalo ka ng iba.” Napakagat labi naman ako sa sinabi niya, kung baga ayaw niyang masalo ako ng iba? Yiiieee hahaha kinikilig talaga ako. “Sasalohin mo ba ako kapag nahulog ako?” “Siguro, maaaring oo.” Hindi siya sigurado ibig bang sabihin nito nalilito na rin siya sa nararamdaman niya? haaaaay sarap sa pakiramdam. Napahawak naman ako sa bewang niya ng bigla niyang bilisan ang pagpapatakbo niya. Dinama ko ang hangin na dumadampi sa katawan ko, mas masaya pala ang magmotor kesa ang magkotse dahil bukod sa nakakayakap mo ang mahal mo mas enjoy na enjoy pa yung view at ang hangin. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya pero hindi niya naman ako sinita o pinagbawalan kaya mas lalo akong nakakaramdam ng tuwa. Wala ng mas sasaya sa rides niyo ng taong mahal mo. Kailangan ko na yatang bumili n
KENT POVMay ngiti ako sa mukha ng pumasok ako ng kwarto ko, hindi ko pa rin makalimutan si Ash, araw gabi na lang ganito ako. Ang sarap palang mainlove.Hihintayin ko ang next time na sinasabi niya hehehehe. Parang wala nanaman siya sa mood kanina eh, ano kayang nangyari dun?Hindi bale, kahit araw-araw kang magsungit sakin okay lang, mahal kita eh. Hihiga na sana ako ng may kumatok sa pintuan ko.“Anak gising ka pa ba?” boses yun ni Mommy. Anong kailangan niya? nagtungo na lang ako sa pintuan saka pinagbuksan siya.“Why Mom?” nginitian niya naman ako ng nakakapangloko. Kaya kumunot ang noo ko.“Yiiieeee Ash is waiting you, nanjan siya sa sofa.” Natulala naman ako sa sinabi ni Mommy. She’s here at this hour?“Lalabas ka ba o hindi? Ikaw ang nanliligaw pero ikaw ang pinupuntahan, ano ba naman yan son?”“She’s different Mom, may nagagawa siyan