Share

Kabanata 1.2

Author: Rhea mae
last update Huling Na-update: 2021-06-12 17:58:39

GAVIN POV

Makikita mo ang galit sa mukha ni Kent pero kalmado lang itong babaeng ito na alam kong mas lalong kinaiinisan ni Kent. 

“Ibalik ko kaya sayo yung tanong, bakit mo ako tinapunan?” Walang emosyon niya pa ring saad. Simula ng makita namin siya kaninang umaga ay wala pa rin siyang kaemo-emosyon. Iisa lang ang reaksyon niya—blangko. 

“Dahil mayabang ka! Hindi ko gusto ang pagmumukha mo!” galit na ani ni Kent. 

“That’s enough Kent Chester. Babae yang inaaway mo!” awat na rin  ni Chase sa pagitan nilang dalawa. 

“He’s right Kent, marami ang nakakakita dahil kahit anong sabihin mo, baliktarin mo man ang mundo babae pa rin yan.” Singit ko na rin. 

“Ha! kinakampihan niyo ang babaeng ito?!” turo niya sa babae. 

“Hindi naman sa ganun bro pero tama silang dalawa, mali ang ginawa mo.” Sa wakas nagsalita na rin si Kendrick.

“Napahiya ako mga pre! Dahil sa babaeng ito!” duro niya sa babaeng wala pa ring reaksyon ang mukha. She’s weird. Kung ibang babae yan baka umiiyak na. Napabuntong hininga na lamang ako dahil nag-uumpisa nanamang mambully si Kent. 

“Ikaw naman ang nauna eh! Napahiya mo rin siya! Come on bro.” Hinila siya ni Chase palayo sa babae. 

“Fine palalampasin kita ngayon! At huwag mo ng ibalandra yang pagmumukha mo sa harapan ko.” Habol pa niyang saad bago siya tumalikod. Sinundan namin siyang tatlo saka ko sinulyapan ang babae na nagpupunas na sa mukha niya. 

Gago talaga kahit kelan ka Kent. Pinapaitang kambing pa naman yung inorder niya. Kaya pala kambing ang inorder dahil hindi naman pala kakainin, kailan ba kumain ng kambing ang gagong ‘to? Sinundan namin siya sa locker room at nanguha ng damit niya. 

“Gagong yun akala mo kung sinong siga. Hambog!” galit niya pa ring saad habang inilolock ang locker niya saka nagtungong banyo.

“Here we go again.” Parang sumusuko na ring saad ni Chase.

“He’s doing it again.” Sambit na rin ni Kendrick.  

“Akala ko pa naman tuloy tuloy na ang pagbabago niya hindi pala.” Nawawalang pag-asa kong sambit. 

“Napahiya yung babae pero gusto niya siya pa rin ang kampihan natin? Gagong Kent.” Iiling iling na saad ni Kendrick.

Hinintay na lamang namin si Kent sa labas saka kami lumabas at kumain sa tapat ng school na restaurant. 

ASHERY POV

Wala akong nagawa kundi ang maligo dahil mula ulo hanggang dibdib ko ay malangis! Ano bang problema ng lalaking yun?! Tahimik akong kumakain tapos tatapunan niya ako ng pagkain niya. Nagsasayang siya ng pera. Halos maubos ko ang liquid soap ko at ilahat sa ulo ko ang isang sachet ng shampoo at conditioner. Lintik na yun ang kapit pa naman ng amoy ng pinapaitan niya!

“Ash ok ka na ba?” rinig kong tanong ni Aira na naghihintay sa labas ng shower room. Nagbihis na ako saka ako lumabas at pinunasan ng twalya ang basa kong buhok. 

“Oh my God. We’re sorry Ash.” Tinapunan ko lang siya ng tingin saka ako naupo sa bench at pinagpatuloy ang pagpupunas ng buhok ko. 

“Anong ginagawa niyong lahat dito?”malamig kong aniya saka tiningnan ko sila isa isa. 

“Ah nag-aalala lang sila sayo Ash.” Si Aira ang sumagot. 

“I don’t need your worry hindi ko kayo kilala.” Tumayo na ako saka ko inilagay sa locker ang basa kong twalya. Mamaya ko ng uwian kunin. 

“Suklay oh.” Abot sa akin ni Aira, kinuha ko naman iyun saka naglakad palabas. 

“Pasensya ka na talaga Ash, first day nyo sa school namin pero ganiyan pa inabot mo.” Hindi ko pinansin ang nagsalitang iyun dahil hindi ko naman sila mga kilala. Nakarating kami ng room namin at umupo sa pwesto ko kanina. Napansin ko namang nasa unahan ko ang dalawang babae samantalang nasa gilid naman ni Aira yung bakla. 

“Siya nga pala ako si Sophia sya naman si Freya.” Pakilala ni Sophia. 

“Ako naman si Benjamin, Jamin na lang for short.” Si bakla. Tinanguan ko na lang sila saka tumingin sa harap. 

“Siya naman si Ashery Myth, Ash for short.” Pakilala sakin ni Aira. 

“Ako naman si Aira.”

“Oh nice to meet you guys hehe.” Si Freya.

Hindi naman na sila nag-ingay pa ng dumating na ang prof namin. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dito, nakakaboring ang mga subjects dahil mga pinag-aralan ko naman na ang lahat ng yan. Tsss. 

Nagdiscuss na lang ng nagdiscuss ang prof namin tulala naman akong nakatingin sa harapan. 

“Tara na Ash.” Napatingin ako kay Aira na nakatayo na. Inilibot ko naman ang paningin ko at isa isa na pala silang nagsisitayuan. Hindi ko namalayang tapos na pala ang maghapong subjects. 

Naglalakad na kami papuntang locker room. 

“Oo nga pala Ash anong club kayo sumali?” tanong ni Sophia. 

“DT ” Maikli kong sagot. 

“Anong club yun?” rinig kong tanong niya kay Aira. Nauuna kasi akong maglakad sa kanilang lahat. 

“Bakla ka, DT na lang hindi mo pa alam. Dance troupe yun. Para mabawasan ba ang tuition?” hindi ko na sinagot si Jamin at papasok na sana ako ng locker room ng may biglang bumuhos mula sa taas. 

“BWAHAHAHAHAHA”

“HAHAHAHAHA.”

Rinig kong tawanan ng mga nasa paligid ko. 

“Ash.” Nag-aalala nanamang tono ni Aira. Inihilamos ko ang isa kong palad sa mukha ko at blangkong tiningnan ang mga estudyanteng nasa paligid ko. Ang sarap subuan ng malalaking bato ang mga bunganga nilang nakanganga katatawa. 

Bumuntong hininga na lamang ako at inilibot ang paningin ko para hanapin ang may pakana ng pagkaisip bata at mula sa dulo ng locker ay nakita ko siyang nakangisi habang nakasandal sa locker. 

“Uiy bakla ok ka lang ba? Sino bang gago ang gumawa nito?!”  Si Jamin. 

“HAHAHAHA bagay sayo yan, mukha kang b****a.” Rinig ko sa mga estudyanteng nasa paligid ko.

“Namiss ka yata ng mga anak mong b****a hahahaha.”

“HAHAHAHA.” Napakuyom na lang ako at humugot ng isang mahabang hininga. Calm yourself Ash. Hindi nila deserve ang oras ko lalo na ng atensyon mo. 

Naglakad na lang ako at nagtungong locker ko. Malas, katabi pa ng locker ko ang sinasandalan ng warfreak na ‘to.

Hindi ko na siya pinansin at binuksan ang locker ko saka ko kinuha dun ang huling pamalit ko. Mukhang kailangan kong punuin ng pamalit ang locker ko. 

“Bagay sayo, amoy kang b****a.” Rinig ko pang sabi niya. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng gamit ko. Badtrip naman wala akong twalya, basa pa.

“Ash twalya oh.” Nilingon ko si Aira saka kinuha ang inaabot niyang twalya. Humarap na ako sa warfreak na to saka siya blangkong tiningnan. Ngingisi ngisi lang ang loko. Tinalikuran ko na sila at nagtungo nanamang banyo. Lintik lang talaga. 

“Gago ka talaga Kent.” Rinig ko pang saad ng kasama niya bago ko buksan ang pintuan ng banyo dito. Humarap ako sa salamin at tiningnan ang sarili.

Naliligo nanaman ako sa mabahong amoy, ang lagkit pa ng mga sauce na ‘to. 

Mariin akong napapikit at paulit ulit na isinusumpa ang pesteng yun. Hindi ko aakalaing unang araw ganito ang nangyari? 

Isa pa, isang beses mo pa akong gawan ng hindi nakakatuwa, iiyak ka sa gagawin kong biro sayo. Hindi ako maganda magbiro. 

Mabilis na lang akong naligo saka lumabas. 

“Sa tingin ko kailangan mong kausapin si Kendrick, Sophia para kausapin niya si Kent.” Si Freya. Kinuha ko na ang gamit ko sa pang-umaga bukas para hindi na ako dumaan dito sa locker. 

“Wala akong karapatan para kausapin siya tungkol sa ginagawa niya Freya.” Si Sophia. 

“Pero malay mo makinig siya sayo lalo na at nanliligaw siya sayo.” Nauna na akong maglakad hanggang sa makarating ng parking lot. Isinuot ko na ang helmet ko saka ako sumakay. 

“Nakamotor lang kayo?” hindi makapaniwalang tanong ni Freya. Ano naman ngayon kung motor LANG Kami tsss. 

“Ah oo hehe ito lang meron kami eh.” Si Aira.

“Mauna na ako.” saad ko saka pinatakbo ang motor ko. 

Nababadtrip pa rin ako sa payat na warfreak na yun. Huwag ka lang talagang lalampas sa linya ginoo dahil hindi mo ako kilala. Huwag na huwag mong uubusin ang pasensya ko. 

Kaugnay na kabanata

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 2.1

    Nakarating ako sa bahay maya maya’y nanjan na rin si Aira. Dumiretso akong sala saka pabagsak na iniupo ang sarili sa sofa. “Ayos ka lang ba?” tinapunan ko lang siya ng tingin. “Pasensya ka na hindi man lang kita maprotektahan.” “Hindi mo kasalanan.” Tumayo na ako saka umakyat sa taas. “Tawagin na lang kita kapag kakain na.” Sigaw niya mula sa baba. Tumango na lang ako kahit na hindi ako sigurado kung nakita niya. Humiga ako sa kama ko at hinayaang maglayag ang isip ko. Marami pa akong dapat pagtuunan ng pansin at atensyon hindi ng isang hangal na katulad niya. Huwag ka lang sanang sumobra ginoo. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo. Kinuha ko na ang mga gamit ko at ginawa lahat ng assignments. Bawat subjects na lang ata may assignments. Tsss. Natapos ko ang mga assignments ko after half of hours. “Ash?” inimpis ko na lahat ng mga gamit ko at

    Huling Na-update : 2021-06-18
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 2.2

    “May pasok kami kaya walang maiiwan dito.” Putol ko sa kaniya.“Hatid na kita.”“May sasakyan ako.”“Bakit ba ang sungit mo na sakin? Hindi mo na ba ako mahal?” nakanguso pa niyang tanong.“A-Ang b-brutal mo na shaken ahh.” Daldal pa niya kahit na sinubuan ko na ang bunganga niya.“Grabe bilib talaga ako sa kasweetan niyong dalawa.” Sarkastiko at iiling iling pang saad ni Aira.“Kumain ka na ba Vance?” baling niya kay Vance na ngumunguya pa ng isinubo ko.“Pakain na ako.” seryoso niya ng sabi.“Tsss bagay talaga kayo, pareho kayong ang hirap timplahin ng mga mood.” Hindi ko na lang sila pinansin saka ako kumain. Tumayo na ako pagkatapos.“Hindi ba at delikado ang pagmotor motor niyong iyan? Huwag niyo ng gami

    Huling Na-update : 2021-06-18
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 3.1

    Hindi ko alam pero wala naman siyang ginagawa nahihiya ako. As in sa likod ko lang siya nakaupo. Hindi ko siya napansin dun kanina, aba malay ko bang sila pala ang kacombine namin ngayon. Tiningnan ko siya at walang emosyon niya akong tinapunan ng tingin.“Natutulala kasi.” Diretsong tingin niyang saad sa akin. Sa sobrang hiya ramdam ko ang pagtaas ng dugo ko sa ulo. Napapakuyom ako dahil naiinis nanaman ako sa kaniya. Bakit ba siya pa ang kacombine naming department ngayon?“What is meant by business law?!” ulit na tanong ni ma’am. Tatlo kaming nakatayo ibig sabihin tatlong tanong din. Palihim ko siyang tiningnan pero diretso lang din siyang nakatingin kay Miss.“Business law encompasses all of the laws that dectate how to form and run a business. This includes all of the laws that govern how to start, buy, manage and close or sell any type of business. Business laws establish the rules tha

    Huling Na-update : 2021-10-23
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 3.2

    “Tch! Never!” saad niya saka umalis. Tiningnan ko siya ng maglakad siya patungong counter. Napapailing nalang ako dahil napakaisip bata. Ganito ba talaga lahat ng mga estudyante ng ACIS mga isip bata.Umalis na rin ang mga kaibigan ng warfreak na yun sa table namin. Humingi na lang ng sorry si Kendrick dahil sa inasal daw ng kaibigan niya. Tinanguhan ko na lang siya bago umalis.Natapos ang lunch break namin kaya pumasok na rin kami sa panghapong subject namin. Nagdiscuss lang ng nagdiscuss ang prof namin. Matapos nun ay inayos ko na ang mga gamit ko saka tumayo.“May practice ba kayo ngayon?” tanong ni Aira. Tinanguhan ko na lamang siya.“Practice saan?” kuryosong tanong ni Freya.“Sa Dance Troupe.” Sagot naman ni Aira.“Ganun ba mauna na kami sa inyo.” Nagpaalam na silang tatlo hanggang sa dalawa na lang

    Huling Na-update : 2021-10-23
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 4.1

    ASH POV“HI” masiglang salubong sa akin ni Vance pagkauwi ko.“What are you doing here?” nilampasan ko siya saka ako dumiretso sa kusina at nanguha ng malamig na tubig saka uminom.“Oh nakauwi ka na pala. Kain na ba tayo?” Si Aira.“Mamaya lang papahinga pa ako.” saad ko saka pumuntang sala at umupo.“Hindi ka man lang ba matutuwa na dinalaw kita?” tiningnan ko lang si Vance saka ko itinaas ang paa ko sa center table at inihilig ang batok sa sofa kung saan sa kisame ako nakaharap.“Ay nagsalita rin sa wakaaaas. Akala ko talaga mapapanisan ka na lang ng laway jan Vance eh.” Maingay na sabi ni Aira. Hindi naman siya sinagot ni Vance.“Tss magsama kayong dalawa! Kausapin mo yang pinakamamahal mo Vance!” daldal pa niya bago ko marinig ang yabag niyang papalayo sa amin.

    Huling Na-update : 2021-10-23
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 4.2

    “Pwede naman silang kiligin pero bakit kailangang ipagsigawan?” saad ni Aira habang naglalakad kami. Pareho rin pala kami ng iniisip. Parang mga hindi babae kung kumilos. Ganiyan ba talaga dapat sa tuwing dadaan sila? Hindi man lang ba sila naririndi sa araw araw na sigaw ng mga babae sa pangalan nila? O baka naman yan ang mga bitamina nila sa araw araw para mas ganahang pumasok. Tsss napakaiisip bata.Lumihis na lang ako ng daanan para maiwasan ko sila saka baka matagalan pa ako bago makarating sa room namin dahil ang daming babaeng nakaharang sa daanan.“Hi Ash good morning.”“Good morning.” Bati ng tatlo ng makapasok kami. Tinanguhan ko naman sila.“Ghorl hindi ka ba napapanisan ng laway sa pagiging tahimik mo? Nakakabingi yang sobrang katahimikan mo ah.” Si Jamin.“Nakalunok ata yan ng maraming menthol bakla kaya huwag kang mag-alal

    Huling Na-update : 2021-10-24
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 5.1

    ASH POVPagkatapos umorder ng pagkain namin ay kumain na rin kami.“Hindi mo pa rin ba sinasagot te ang papa Kendrick?” biglang sambit ni Jamin na ikinailing naman ni Sophia.“Ay bakit naman te baka maghanap na yun ng iba high school pa lang tayo nanliligaw na edi kung sinagot mo na counting na kayo.”“Kung mahal niya talaga ako maghihintay siya.” Seryoso at may punto namang ani ni Sophia.“Gaga hindi lahat kayang maghintay!” sigaw ni Jamin na ikinanguso naman ni Sophia. Nakinig na lang ako sa daldalan nila. Tatayo na sana ako ng biglang sumama sa akin yung upuan!“HAHAHAHAHAHAHA” malakas na tawanan ang umalingawngaw sa buong cafeteria.“Anong nangyari te?” tanong ni Jamin ng nakatayo na silang lahat. Sinubukan kong alisin yung upuan sa pwetan ko pero langya masyadong madikit! Gagong warfreak! Kaya pala ab

    Huling Na-update : 2021-10-29
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 5.2

    Mga komento ng mga nakakita. Kung makareact akala mo naman sinaksak na ang ultimate crush nila. Hindi ko naman magawang awatin si Ash dahil baka mas lumala. Kilala ko naman siya eh hindi siya lumalampas sa pagsuntok.“Napakaimmature mo.” Blangko at malamig niyang saad. She’s really mad.“Anong tingin mo sa mukha ko? punching bag?” turo niya sa mukha niyang nasuntok. Masyado ka kasing sumobra kaya buti nga sayo.“Hindi mo alam na maraming manghihinayang sa mukhang to kapag nabangasan? Pero sa mukha mo? Aso lang ang manghihinayang.” Dagdag niya. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ito titigil kung pareho silang matigas ang ulo.“Atleast may nanghinayang.” Sagot naman ni Ash.“Let’s go.” Tatalikod na sana si Ash ng hawakan siya sa braso at iniharap kay Kent pero hindi namin inaasahan ang sunod niyang ginawa kahit ako ay nagulat ng suntukin niya si

    Huling Na-update : 2021-10-29

Pinakabagong kabanata

  • The Heiress(Tagalog)   Author's note

    Sorry po kung ngayon lang ako nagparamdam sa story na 'to. Ngayon ko na lang kasi siya ulit navisit since nabusy ako sa maraming stories ko. The true reason kung bakit hindi na ako nakakapag-update is because para raw siyang HIH or His into Her ni Miss Jonaxx. Ayaw ko naman na plagiarize ako or something ginagaya ko siya, nagkataon lang na nagkaroon kami ng same plot. So, since then parang nawalan ako ng gana na ituloy siya kahit kompleto na siya sa isip ko until sa ending niya. Kung itutuloy ko naman siya need ko na naman basahin hanggang umpisa para maintindihan ko yung flow ng sarili kong story. As an author po kasi mahirap yung makumpara sa mga sikat ng author lalo na kung tingin nila ay nanggagaya ako ng gawa ng iba. Maraming salamat po sa mga nagbasa at naghihintay ng update ko. Kapag lumuwag po schedule ko, magsisingit po ako ng update medyo busy pa po ako 'till June. Thank you;)

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 70.2

    “Ayan na!” sigaw niya kaya tiningnan ko naman yung butas at may pumasok nga. Mabilis ko naman iyung hinukay hanggang sa mahuli ko ang isang malaking talangka.“Oh my God, ang laki niya.” gulat pa niyang saad. Hinawakan ko naman sa magkabilang sipit niya saka ko iniabot sa kaniya.“Anong gagawin ko jan?” “Diba gusto mong makahuli.” “Yes pero ikaw na lang maghawak haha, masakit mangagat yan eh.” Napakamot na lang ako sa batok ko, walangya hahaha. Akala ko pa naman gusto niyang makahawak ng ganto. “So? Bitawan ko na?” “Edi bitawan mo na, kawawa naman kapag pinatay mo.” Napapailing na lang akong tumatawa sa kaniya.“Halika ka na, madilim na oh. Wala pa tayong ilaw. May dalang ilaw at battery jan si Vance, alam mo bang ikabit?” binitawan ko naman na ang kawawang talangka saka ko siya sinundan.“Isabit mo na lang jan sa sanga ng kahoy.” “Nasan yung battery?” “Ito oh.” Turo niya sa napakalaking battery. Talagang nanigurado

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 70.1

    Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na nga kami sa sinabi niya. Medyo may kalayuan nga lang pero okay lang dahil siya naman ang kasama ko, wala na akong hihilingin pa. Bumyahe kami palabas ng metro makarating lang ng dagat. Dahil nga may kalayuan nakatulog na siya sa byahe. Kararating namin pero hindi pa rin ako bumababa dahil tulog pa siya. Ang ganda niya talagang titigan. Wala ng gaganda sa kaniya. Napaiwas naman ako ng tingin ng gumalaw na siya. “Kanina pa ba tayo?” paos pa niyang tanong. “Kararating lang din naman.” Umayos na siya ng upo at inilibot ang paningin sa paligid saka bumaba kaya bumaba na rin ako. “May hinahanap ka ba?” tanong ko sa kaniya ng hindi matigil sa kakatingin niya sa paligid. “Ayun, dun tayo.” Turo niya sa isang ilalim ng puno na may mga gamit. Kumunot naman ang noo ko, kanino yan? “Kilala mo ba kung kaninong gamit yan?” tanong ko sa kaniya ng pakialamanan niya ang mga dun. “Ito ang gagamitin na

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 69.2

    Bumili naman na ako ng ticket para sa papanuorin naming movie. Ako na rin bumili ng makakain namin sa loob. Pagkarating namin sa loob ay kakaunti pa lang din ang tao. Sa pangawalang upuan na rin kami umupo. “Mahilig ka manuod ng romance?” tanong ni Ash. “Ah siguro hehe, yan nadampot ko eh.” “Tsss, yan nadampot o yan talaga pinili mo?” “Pwede both? Haha.” Natatawa kong saad sa kaniya na ikinatawa niya naman. “Mag-ingat ka baka maulit nanaman yung nangyari sayo noong nakaraan.” “Hindi mo naman ako pababayaan diba?” “Ang bading mo talaga.” “Sige isang sabi mo pa ng bading ako, maski maraming tao hahalikan kita. Hamunin mo ako, sige.” Usal ko na ikinatikom naman ng bibig niya. Takot lang mahalikan eh, tssss. Sayang hehehe mahahalikan ko nanaman sana ang malambot niyang labi, haaaay. Pinatay naman na ang ilaw at ang tanging nagbibigay na lang ng liwanag ay ang screen sa harap. Marami rami na rin ang tao at ka

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 69.1

    “Hindi ba maganda?” napakurap kurap naman ako ng ilang beses at tumikhim ng magsalita siya at pinasadahan ng tingin ang sarili niya. “Hindi naman, ang ganda mo nga eh.” Namamangha ko pang saad sa kaniya. “Kaya nga natulala eh, naku jan na nga kayong dalawa. Hoy warfreak ingatan mo yan ha?” “Oo naman yes!” tuwang tuwa ko pang saad kay Aira. Umakyat naman na ako sa hagdan at inilahad ang kamay ko sa kaniya habang nakayuko. Bahagya naman siyang natawa. “Akala mo naman prinsesa ang tutulungan mo.” Usal niya. “Eh prinsesa kita eh.” Napailing iling naman siya habang natawa. Inilahad niya na ang kamay niya at maingat ko namang hinawakan iyun. “Kumain ka na ba?” tanong ko sa kaniya. “Hindi pa, ikaw kumain ka na ba?” napakagat labi naman ako dahil inaalala niya na ako kung kumain na ba ako. Eh sa natutuwa ako kahit na mga simpleng tanong lang eh. “Kain na lang tayo sa labas.” Saad ko na lang sa kaniya, kaunti lang naman

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 68.2

    “Mali ba ako?” tanong ko sa kaniya pero umiling lang naman siya.“Hindi naman, I like your answer pero paano na kaya kapag nandun ka na? hindi na siguro natin alam kung tama pa nga ba nating pagsabayin.”“Bakit mo nga ba natanong?”“Wala naman, natanong ko lang. Mahilig kasi ako manuod ng mga ganun haha yung love story siya tapos may katungkulan yung isa sa kanila.” Saad niya, pero bakit pakiramdam ko hindi talaga iyun ang dahilan.Jusko Kent Chester, umayos ka baka mamaya iba ang isipin niya.“Oh.” Nilingon ko naman siya ng masalita siya.“Alas dose na pala.” Saad niya habang nakatingin sa cell phone niya.“Hindi ko rin namalayan, ang sarap mo kasi kausap eh.” Bahagya naman siyang natawa saka tumayo.“Umuwi na tayo baka hinahanap ka na rin sa inyo.”“Hoy, anong tingin mo sa akin? Babae? At ikaw ang lalaki? Hell no, hindi

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 68.1

    Tuluyan na kaming nakalabas ng hotel na pinagkainan namin at hindi pa rin iyun maalis sa isip ko lahat ng sinabi niya simula kanina ng makasama ko siya. Para bang isang awitin na ang sarap pakinggan. Paulit-ulit ko iyong naririnig sa isip ko. Nakakabading pero iba yung saya na nararamdaman ko. Mag-uumapaw na iyun sa sobrang dami. Hindi ako agad nakakapagsalita kapag mga ganung biglaan ang mga sinasabi niya. “Saan naman tayo ngayon?” tanong ko sa kaniya at hindi ipinapahalata ang lakas ng epekto niya sa sistema ko. “Manatili na lang tayo sa isang mataas na bahagi ng lugar.” “Ng ganto na lang? Dumaan tayo sa mall bili tayo ng mangunguya natin.” Saad ko, tumango naman siya at sumakay na kami na sa motor niya. Umalis kami sa hotel, I lean my head on her shoulder habang nakasakay ako pero hindi niya naman iyun pinansin. The best resting place. Kung ganito ba naman ang mapagpapahingahan ko kapag napapagod ako, makakapagpahinga talaga ako ng

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 67.2

    “Sakay na.” aniya kaya kahit na nahihiya at naiilang ako dahil magkadikit na magkadikit kami dito sumakay na lang ako.“Kumapit kang mahigpit baka mahulog ka at masalo ka ng iba.” Napakagat labi naman ako sa sinabi niya, kung baga ayaw niyang masalo ako ng iba? Yiiieee hahaha kinikilig talaga ako. “Sasalohin mo ba ako kapag nahulog ako?” “Siguro, maaaring oo.” Hindi siya sigurado ibig bang sabihin nito nalilito na rin siya sa nararamdaman niya? haaaaay sarap sa pakiramdam. Napahawak naman ako sa bewang niya ng bigla niyang bilisan ang pagpapatakbo niya. Dinama ko ang hangin na dumadampi sa katawan ko, mas masaya pala ang magmotor kesa ang magkotse dahil bukod sa nakakayakap mo ang mahal mo mas enjoy na enjoy pa yung view at ang hangin. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya pero hindi niya naman ako sinita o pinagbawalan kaya mas lalo akong nakakaramdam ng tuwa. Wala ng mas sasaya sa rides niyo ng taong mahal mo. Kailangan ko na yatang bumili n

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 67.1

    KENT POVMay ngiti ako sa mukha ng pumasok ako ng kwarto ko, hindi ko pa rin makalimutan si Ash, araw gabi na lang ganito ako. Ang sarap palang mainlove.Hihintayin ko ang next time na sinasabi niya hehehehe. Parang wala nanaman siya sa mood kanina eh, ano kayang nangyari dun?Hindi bale, kahit araw-araw kang magsungit sakin okay lang, mahal kita eh. Hihiga na sana ako ng may kumatok sa pintuan ko.“Anak gising ka pa ba?” boses yun ni Mommy. Anong kailangan niya? nagtungo na lang ako sa pintuan saka pinagbuksan siya.“Why Mom?” nginitian niya naman ako ng nakakapangloko. Kaya kumunot ang noo ko.“Yiiieeee Ash is waiting you, nanjan siya sa sofa.” Natulala naman ako sa sinabi ni Mommy. She’s here at this hour?“Lalabas ka ba o hindi? Ikaw ang nanliligaw pero ikaw ang pinupuntahan, ano ba naman yan son?”“She’s different Mom, may nagagawa siyan

DMCA.com Protection Status