Share

Kabanata 1.1

Author: Rhea mae
last update Huling Na-update: 2021-06-12 17:51:50

ASHERY POV

“Ok ka lang ba Ash?” naglalakad na kami ni Aira patungong room namin.

Tinanguan ko na lang siya. Gagong yun hindi ko lang natulungan nag-uusok na ang ilong sa galit. It’s my choice kung tutulungan ko siya o hindi. Hindi ko kasalanang lalampa lampa siya sa harap ko tapos magagalit galit siya. 

Wala akong oras sa mga taong katulad niya. Umakyat na kami sa hagdan at huminto sa ikalawang palapag saka hinanap ang room naming dalawa.

Nahanap naman namin na nasa bandang gitna ng building na ito. Hinila ko na ang upuan na nasa bandang likod. Tumabi naman sa akin si Aira. Dahil wala pa naman ang prof namin ay pinanuod ko na muna ang nagsasayawang sanga ng puno sa tapat ng bintana namin. Ang mga ibong payapang nag-aawitan. Kung ganiyan lang sana kasimple ang buhay, walang problema pero impossible dahil may mga taong sakim ang nabubuhay sa mundo. 

Napabalik na lang ako sa reyalidad ng may humampas sa lamesa sa harap kaya tiningnan ko. Ang prof pala namin. 

“You!” turo niya kay Aira na katabi ko. 

“Stand up!” malakas niyang sigaw. Taas noo namang tumayo si Aira. 

“Who is the fifth King of Joseon Dynasty?!” diretso ko namang tiningnan ang prof na ito na sa tingin ko ay may pagkaistrikto. Ano bang subject namin ngayong umaga? At anong kinalaman ng history ng Korea sa subject namin sa kaniya?

“Si King Munjong of Joseon Sir.” Confident na sagot ni Aira. Wala pa lang kami sa kalagitnaan ng lesson pero pakiramdam ko naboboring na ako. Pati ba naman dito ay pag-aaralan pa ang history ng Korea. Langya yan. 

“Good sit down!” 

“You!” nagturo siya sa isa pa naming mga kaklase at tumayo naman ito.

“Who is the father of King Munjong!” hindi ba ‘to napapaos, kung makasigaw parang wala ng bukas eh. 

“King Sejong?” parang hindi niya siguradong sagot. Nagpangalumbaba na lang ako sa armchair ko. Paulit ulit na lesson, tsss.

“Hindi ka pa sigurado! Good! Sit down—you!” nagturo turo pa siya ng mga kaklase namin na karamihan naman ay mga nakatungo. 

“Ilang taon lang siyang namuno sa Joseon?!” sunod sunod ang mga tawag at turo niya pero walang mga nakasagot. Damn this subject. 

“Walang may alam?” nakangisi pa niyang tanong. Dumako ang tingin niya sa akin at sinalubong ko lang ang tingin niya. 

“You!” turo niya sa akin. Tumayo naman ako na parang walang kagana gana. 

“Masiyado kang maangas kung makatingin ah.” Ngising saad niya pero tiningnan ko lang siya. 

“Answer my question!” 

“2 years lang siyang namuno.” Sagot ko saka ako umupo. 

“Sinabi ko bang maupo ka na?!” sigaw niya nanaman sa akin. Pesteng ‘to sinabi mo rin bang manatili muna akong tumayo? Hindi na lang ako umimik at muli akong tumayo. 

“Bakit 2 years lang?” bumuntong hininga na lamang ako. Hindi ko aakalaing ganito ang magiging salubong sa akin ng araw ko dito. 

“He died because of disease.” Sagot ko saka uli ako umupo. 

“Bastos ka.” Bulong pa niya. 

“Mag-iingat ka sa pananalita mo.” Banta ni Aira. Sinipa ko na lang siya sa ilalim ng upuan niya at sinamaan ng tingin.

“Ano kamo?” galit ng tanong ng prof namin.

“Ah hehe hindi po kayo Sir.” 

“Ano bang kinalaman ng mga tinatanong mo sa amin sa subject mo?” walang kainte-interes kong tanong. Ramdam kong nakatingin siya sa akin pero sa harap ako nakatingin. 

“Para makita ko kung saulo niyo na ba ang history ng Korea sa kapapanuod niyo ng K-drama.” Sagot niya dun ko pa lang siya tinapunan ng tingin at nakangisi itong nakatingin sa akin.

“Anong kinalaman nun?” 

“Siguraduhin niyo lang na may maisasagot kayo sa tanong ko sa history ng Pilipinas.” Ngising saad niya. Tsss anong kinalaman ng history ng Korea sa history ng Pilipinas? Sira din utak nito eh. Nagpatuloy na lang siya sa discussion niya at nakinig na lamang kami. Ang aga aga history agad kung di ka nga naman antukin. 

Natapos ang oras namin sa kaniya at sumunod na subject. Hindi ko alam kung anong trip meron sa school na ito eh. Magpaquiz ba naman kaagad yung sumunod naming subject ng 50 items. Nak ng tokwa naman oo, unang araw namin ni Aira dito eh. 

“Grabe no hindi ko akalaing strikto pala ang mga teacher dito.” Saad ni Aira habang naglalakad kami patungong cafeteria. 

“Yung si Mr. Stand up ang daming paligoy ligoy, anong kinalaman ng Korea sa Pilipinas? Nasan ba utak nun? Tapos yung sumunod wala pang tinuturo 50 items quiz naman. Ano bang trip ng mga prof dito?” patuloy niyang daldal. Nakarating kami sa cafeteria at marami na ring mga studyante dun. Umorder na kami ni Aira at naupo sa bandang gitna ng cafeteria. 

“Hi.” Nahihiyang bati ng isang magandang ding babae. 

“Hi.” Masayang bati rin ni Aira. Hindi ko na sila pinansin at kumain na lang ako. 

“Pwede ba kaming makiupo sa inyo?” nahihiya niya pa ring saad.

“Ay oo naman, likayo kain tayo.” Inayos ni Aira ang mga upuan at umupo naman ang dalawang babae at isang bakla. 

“Mga kaklase niyo kami hehe. Bago kayo tama?” pinagpatuloy ko ang pagsubo ko. 

“Ah oo hehe.” 

“Grabe ang tatalino niyo. Alam niyo bang gaganun ganun si Sir Lopez pero mataas yun magbigay ng grades kapag nasasagot mo ang mga tanong niya.” daldal niya. Sino bang Lopez yun?

“Yun ba yung teacher natin sa history?” Si Aira.

“Siya na nga.” Nagsimula na rin silang kumain pero napatingin ako sa pintuan ng cafeteria ng magsigawan ang mga kababaihan.

“WAAAHHH NANJAN NA SILA.”

“I LOVE YOU KENT.”

“GAVIN ISANG TINGIN NAMAN.”

“ANG GWAPO GWAPO NIYO KENDRICK AT CHASE.”

“ISANG SULYAP LANG NI CHASE LIBRE KOOOO.” Tsss. Sila nanaman? Pinagpatuloy ko na lang pagkain ko at hindi na sila pinansin. Nakaharap ako sa counter ng cafeteria kaya kita ko ang pagpunta nilang apat dun. Ganito ba talaga ang mga babae dito? Kapag makikita sila, magtitilian. 

“Sila ang Alpha 4 kung tawagin.” Pinakinggan ko na lang sila mag-usap usap. 

“Ganito ba talaga ang mga babae dito? Nagtitilian?” kunot noong tanong ni Aira. 

“Ah oo hehe. Yung lalaking nasa unahan yun ang pinakang leader nila, si Kent Chester Luxurious yung nasa likod niya siya naman si Gavin Hart. Yung dalawa namang nag-uusap sa likod nung dalawa ay si Kendrick Vilarreal at si Chase Hendrix.” Isa isa pa niyang tinuro ang apat na lalaking nakapila. Alpha 4? Tss kabaduyan. 

Hindi ko na lang sila pinansin at kumain na lang ako ng kumain. 

“Oh my God papalapit sila dito.” Rinig kong saad ng nasa likod ko pero hindi ko na lang sila pinansin. 

“HAHAHAHAHAHAHA.” Malakas na tawanan nila ng may tumapon saking mga pagkain. Peste naamoy ko pa ang isang parang pinapaitan sa mukha ko. Tinanggal ko sa mukha ko ang nakasabit sabit pang pancit sa ulo ko. I clenched my fist and gritted my teeth. 

“HAHAHAHA.” Rinig kong tawa sa gilid ko. Inihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.

“What did you do Kent?” gulat ring tanong ng kasama niya sa pagkakatanda ko siya si Gavin. 

“Just shut up Gavin! Let’s go.” Tumalikod itong lalaking ito at tiningnan naman ako ng nag-aalalang mukha ng tatlo pa niyang kasama. Inipon ko lahat ng pancit na nasa akin at yung spaghetti na nasa table namin saka ko ibinato sa kaniya—Sapul. Dahan dahan pa siyang lumingon sa akin at ayun nanaman ang galit niyang mukha. 

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” sinugod niya ako at kwenelyuhan nanaman. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa damit ko at pabagsak iyung inalis. 

“Bakit mo ako binato?!” galit na galit niyang tanong. 

Kaugnay na kabanata

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 1.2

    GAVIN POVMakikita mo ang galit sa mukha ni Kent pero kalmado lang itong babaeng ito na alam kong mas lalong kinaiinisan ni Kent.“Ibalik ko kaya sayo yung tanong, bakit mo ako tinapunan?” Walang emosyon niya pa ring saad. Simula ng makita namin siya kaninang umaga ay wala pa rin siyang kaemo-emosyon. Iisa lang ang reaksyon niya—blangko.“Dahil mayabang ka! Hindi ko gusto ang pagmumukha mo!” galit na ani ni Kent.“That’s enough Kent Chester. Babae yang inaaway mo!” awat na rin ni Chase sa pagitan nilang dalawa.“He’s right Kent, marami ang nakakakita dahil kahit anong sabihin mo, baliktarin mo man ang mundo babae pa rin yan.” Singit ko na rin.“Ha! kinakampihan niyo ang babaeng ito?!” turo niya sa babae.“Hindi naman sa ganun bro pero tama silang dalawa, mali ang ginawa

    Huling Na-update : 2021-06-12
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 2.1

    Nakarating ako sa bahay maya maya’y nanjan na rin si Aira. Dumiretso akong sala saka pabagsak na iniupo ang sarili sa sofa. “Ayos ka lang ba?” tinapunan ko lang siya ng tingin. “Pasensya ka na hindi man lang kita maprotektahan.” “Hindi mo kasalanan.” Tumayo na ako saka umakyat sa taas. “Tawagin na lang kita kapag kakain na.” Sigaw niya mula sa baba. Tumango na lang ako kahit na hindi ako sigurado kung nakita niya. Humiga ako sa kama ko at hinayaang maglayag ang isip ko. Marami pa akong dapat pagtuunan ng pansin at atensyon hindi ng isang hangal na katulad niya. Huwag ka lang sanang sumobra ginoo. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo. Kinuha ko na ang mga gamit ko at ginawa lahat ng assignments. Bawat subjects na lang ata may assignments. Tsss. Natapos ko ang mga assignments ko after half of hours. “Ash?” inimpis ko na lahat ng mga gamit ko at

    Huling Na-update : 2021-06-18
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 2.2

    “May pasok kami kaya walang maiiwan dito.” Putol ko sa kaniya.“Hatid na kita.”“May sasakyan ako.”“Bakit ba ang sungit mo na sakin? Hindi mo na ba ako mahal?” nakanguso pa niyang tanong.“A-Ang b-brutal mo na shaken ahh.” Daldal pa niya kahit na sinubuan ko na ang bunganga niya.“Grabe bilib talaga ako sa kasweetan niyong dalawa.” Sarkastiko at iiling iling pang saad ni Aira.“Kumain ka na ba Vance?” baling niya kay Vance na ngumunguya pa ng isinubo ko.“Pakain na ako.” seryoso niya ng sabi.“Tsss bagay talaga kayo, pareho kayong ang hirap timplahin ng mga mood.” Hindi ko na lang sila pinansin saka ako kumain. Tumayo na ako pagkatapos.“Hindi ba at delikado ang pagmotor motor niyong iyan? Huwag niyo ng gami

    Huling Na-update : 2021-06-18
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 3.1

    Hindi ko alam pero wala naman siyang ginagawa nahihiya ako. As in sa likod ko lang siya nakaupo. Hindi ko siya napansin dun kanina, aba malay ko bang sila pala ang kacombine namin ngayon. Tiningnan ko siya at walang emosyon niya akong tinapunan ng tingin.“Natutulala kasi.” Diretsong tingin niyang saad sa akin. Sa sobrang hiya ramdam ko ang pagtaas ng dugo ko sa ulo. Napapakuyom ako dahil naiinis nanaman ako sa kaniya. Bakit ba siya pa ang kacombine naming department ngayon?“What is meant by business law?!” ulit na tanong ni ma’am. Tatlo kaming nakatayo ibig sabihin tatlong tanong din. Palihim ko siyang tiningnan pero diretso lang din siyang nakatingin kay Miss.“Business law encompasses all of the laws that dectate how to form and run a business. This includes all of the laws that govern how to start, buy, manage and close or sell any type of business. Business laws establish the rules tha

    Huling Na-update : 2021-10-23
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 3.2

    “Tch! Never!” saad niya saka umalis. Tiningnan ko siya ng maglakad siya patungong counter. Napapailing nalang ako dahil napakaisip bata. Ganito ba talaga lahat ng mga estudyante ng ACIS mga isip bata.Umalis na rin ang mga kaibigan ng warfreak na yun sa table namin. Humingi na lang ng sorry si Kendrick dahil sa inasal daw ng kaibigan niya. Tinanguhan ko na lang siya bago umalis.Natapos ang lunch break namin kaya pumasok na rin kami sa panghapong subject namin. Nagdiscuss lang ng nagdiscuss ang prof namin. Matapos nun ay inayos ko na ang mga gamit ko saka tumayo.“May practice ba kayo ngayon?” tanong ni Aira. Tinanguhan ko na lamang siya.“Practice saan?” kuryosong tanong ni Freya.“Sa Dance Troupe.” Sagot naman ni Aira.“Ganun ba mauna na kami sa inyo.” Nagpaalam na silang tatlo hanggang sa dalawa na lang

    Huling Na-update : 2021-10-23
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 4.1

    ASH POV“HI” masiglang salubong sa akin ni Vance pagkauwi ko.“What are you doing here?” nilampasan ko siya saka ako dumiretso sa kusina at nanguha ng malamig na tubig saka uminom.“Oh nakauwi ka na pala. Kain na ba tayo?” Si Aira.“Mamaya lang papahinga pa ako.” saad ko saka pumuntang sala at umupo.“Hindi ka man lang ba matutuwa na dinalaw kita?” tiningnan ko lang si Vance saka ko itinaas ang paa ko sa center table at inihilig ang batok sa sofa kung saan sa kisame ako nakaharap.“Ay nagsalita rin sa wakaaaas. Akala ko talaga mapapanisan ka na lang ng laway jan Vance eh.” Maingay na sabi ni Aira. Hindi naman siya sinagot ni Vance.“Tss magsama kayong dalawa! Kausapin mo yang pinakamamahal mo Vance!” daldal pa niya bago ko marinig ang yabag niyang papalayo sa amin.

    Huling Na-update : 2021-10-23
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 4.2

    “Pwede naman silang kiligin pero bakit kailangang ipagsigawan?” saad ni Aira habang naglalakad kami. Pareho rin pala kami ng iniisip. Parang mga hindi babae kung kumilos. Ganiyan ba talaga dapat sa tuwing dadaan sila? Hindi man lang ba sila naririndi sa araw araw na sigaw ng mga babae sa pangalan nila? O baka naman yan ang mga bitamina nila sa araw araw para mas ganahang pumasok. Tsss napakaiisip bata.Lumihis na lang ako ng daanan para maiwasan ko sila saka baka matagalan pa ako bago makarating sa room namin dahil ang daming babaeng nakaharang sa daanan.“Hi Ash good morning.”“Good morning.” Bati ng tatlo ng makapasok kami. Tinanguhan ko naman sila.“Ghorl hindi ka ba napapanisan ng laway sa pagiging tahimik mo? Nakakabingi yang sobrang katahimikan mo ah.” Si Jamin.“Nakalunok ata yan ng maraming menthol bakla kaya huwag kang mag-alal

    Huling Na-update : 2021-10-24
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 5.1

    ASH POVPagkatapos umorder ng pagkain namin ay kumain na rin kami.“Hindi mo pa rin ba sinasagot te ang papa Kendrick?” biglang sambit ni Jamin na ikinailing naman ni Sophia.“Ay bakit naman te baka maghanap na yun ng iba high school pa lang tayo nanliligaw na edi kung sinagot mo na counting na kayo.”“Kung mahal niya talaga ako maghihintay siya.” Seryoso at may punto namang ani ni Sophia.“Gaga hindi lahat kayang maghintay!” sigaw ni Jamin na ikinanguso naman ni Sophia. Nakinig na lang ako sa daldalan nila. Tatayo na sana ako ng biglang sumama sa akin yung upuan!“HAHAHAHAHAHAHA” malakas na tawanan ang umalingawngaw sa buong cafeteria.“Anong nangyari te?” tanong ni Jamin ng nakatayo na silang lahat. Sinubukan kong alisin yung upuan sa pwetan ko pero langya masyadong madikit! Gagong warfreak! Kaya pala ab

    Huling Na-update : 2021-10-29

Pinakabagong kabanata

  • The Heiress(Tagalog)   Author's note

    Sorry po kung ngayon lang ako nagparamdam sa story na 'to. Ngayon ko na lang kasi siya ulit navisit since nabusy ako sa maraming stories ko. The true reason kung bakit hindi na ako nakakapag-update is because para raw siyang HIH or His into Her ni Miss Jonaxx. Ayaw ko naman na plagiarize ako or something ginagaya ko siya, nagkataon lang na nagkaroon kami ng same plot. So, since then parang nawalan ako ng gana na ituloy siya kahit kompleto na siya sa isip ko until sa ending niya. Kung itutuloy ko naman siya need ko na naman basahin hanggang umpisa para maintindihan ko yung flow ng sarili kong story. As an author po kasi mahirap yung makumpara sa mga sikat ng author lalo na kung tingin nila ay nanggagaya ako ng gawa ng iba. Maraming salamat po sa mga nagbasa at naghihintay ng update ko. Kapag lumuwag po schedule ko, magsisingit po ako ng update medyo busy pa po ako 'till June. Thank you;)

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 70.2

    “Ayan na!” sigaw niya kaya tiningnan ko naman yung butas at may pumasok nga. Mabilis ko naman iyung hinukay hanggang sa mahuli ko ang isang malaking talangka.“Oh my God, ang laki niya.” gulat pa niyang saad. Hinawakan ko naman sa magkabilang sipit niya saka ko iniabot sa kaniya.“Anong gagawin ko jan?” “Diba gusto mong makahuli.” “Yes pero ikaw na lang maghawak haha, masakit mangagat yan eh.” Napakamot na lang ako sa batok ko, walangya hahaha. Akala ko pa naman gusto niyang makahawak ng ganto. “So? Bitawan ko na?” “Edi bitawan mo na, kawawa naman kapag pinatay mo.” Napapailing na lang akong tumatawa sa kaniya.“Halika ka na, madilim na oh. Wala pa tayong ilaw. May dalang ilaw at battery jan si Vance, alam mo bang ikabit?” binitawan ko naman na ang kawawang talangka saka ko siya sinundan.“Isabit mo na lang jan sa sanga ng kahoy.” “Nasan yung battery?” “Ito oh.” Turo niya sa napakalaking battery. Talagang nanigurado

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 70.1

    Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na nga kami sa sinabi niya. Medyo may kalayuan nga lang pero okay lang dahil siya naman ang kasama ko, wala na akong hihilingin pa. Bumyahe kami palabas ng metro makarating lang ng dagat. Dahil nga may kalayuan nakatulog na siya sa byahe. Kararating namin pero hindi pa rin ako bumababa dahil tulog pa siya. Ang ganda niya talagang titigan. Wala ng gaganda sa kaniya. Napaiwas naman ako ng tingin ng gumalaw na siya. “Kanina pa ba tayo?” paos pa niyang tanong. “Kararating lang din naman.” Umayos na siya ng upo at inilibot ang paningin sa paligid saka bumaba kaya bumaba na rin ako. “May hinahanap ka ba?” tanong ko sa kaniya ng hindi matigil sa kakatingin niya sa paligid. “Ayun, dun tayo.” Turo niya sa isang ilalim ng puno na may mga gamit. Kumunot naman ang noo ko, kanino yan? “Kilala mo ba kung kaninong gamit yan?” tanong ko sa kaniya ng pakialamanan niya ang mga dun. “Ito ang gagamitin na

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 69.2

    Bumili naman na ako ng ticket para sa papanuorin naming movie. Ako na rin bumili ng makakain namin sa loob. Pagkarating namin sa loob ay kakaunti pa lang din ang tao. Sa pangawalang upuan na rin kami umupo. “Mahilig ka manuod ng romance?” tanong ni Ash. “Ah siguro hehe, yan nadampot ko eh.” “Tsss, yan nadampot o yan talaga pinili mo?” “Pwede both? Haha.” Natatawa kong saad sa kaniya na ikinatawa niya naman. “Mag-ingat ka baka maulit nanaman yung nangyari sayo noong nakaraan.” “Hindi mo naman ako pababayaan diba?” “Ang bading mo talaga.” “Sige isang sabi mo pa ng bading ako, maski maraming tao hahalikan kita. Hamunin mo ako, sige.” Usal ko na ikinatikom naman ng bibig niya. Takot lang mahalikan eh, tssss. Sayang hehehe mahahalikan ko nanaman sana ang malambot niyang labi, haaaay. Pinatay naman na ang ilaw at ang tanging nagbibigay na lang ng liwanag ay ang screen sa harap. Marami rami na rin ang tao at ka

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 69.1

    “Hindi ba maganda?” napakurap kurap naman ako ng ilang beses at tumikhim ng magsalita siya at pinasadahan ng tingin ang sarili niya. “Hindi naman, ang ganda mo nga eh.” Namamangha ko pang saad sa kaniya. “Kaya nga natulala eh, naku jan na nga kayong dalawa. Hoy warfreak ingatan mo yan ha?” “Oo naman yes!” tuwang tuwa ko pang saad kay Aira. Umakyat naman na ako sa hagdan at inilahad ang kamay ko sa kaniya habang nakayuko. Bahagya naman siyang natawa. “Akala mo naman prinsesa ang tutulungan mo.” Usal niya. “Eh prinsesa kita eh.” Napailing iling naman siya habang natawa. Inilahad niya na ang kamay niya at maingat ko namang hinawakan iyun. “Kumain ka na ba?” tanong ko sa kaniya. “Hindi pa, ikaw kumain ka na ba?” napakagat labi naman ako dahil inaalala niya na ako kung kumain na ba ako. Eh sa natutuwa ako kahit na mga simpleng tanong lang eh. “Kain na lang tayo sa labas.” Saad ko na lang sa kaniya, kaunti lang naman

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 68.2

    “Mali ba ako?” tanong ko sa kaniya pero umiling lang naman siya.“Hindi naman, I like your answer pero paano na kaya kapag nandun ka na? hindi na siguro natin alam kung tama pa nga ba nating pagsabayin.”“Bakit mo nga ba natanong?”“Wala naman, natanong ko lang. Mahilig kasi ako manuod ng mga ganun haha yung love story siya tapos may katungkulan yung isa sa kanila.” Saad niya, pero bakit pakiramdam ko hindi talaga iyun ang dahilan.Jusko Kent Chester, umayos ka baka mamaya iba ang isipin niya.“Oh.” Nilingon ko naman siya ng masalita siya.“Alas dose na pala.” Saad niya habang nakatingin sa cell phone niya.“Hindi ko rin namalayan, ang sarap mo kasi kausap eh.” Bahagya naman siyang natawa saka tumayo.“Umuwi na tayo baka hinahanap ka na rin sa inyo.”“Hoy, anong tingin mo sa akin? Babae? At ikaw ang lalaki? Hell no, hindi

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 68.1

    Tuluyan na kaming nakalabas ng hotel na pinagkainan namin at hindi pa rin iyun maalis sa isip ko lahat ng sinabi niya simula kanina ng makasama ko siya. Para bang isang awitin na ang sarap pakinggan. Paulit-ulit ko iyong naririnig sa isip ko. Nakakabading pero iba yung saya na nararamdaman ko. Mag-uumapaw na iyun sa sobrang dami. Hindi ako agad nakakapagsalita kapag mga ganung biglaan ang mga sinasabi niya. “Saan naman tayo ngayon?” tanong ko sa kaniya at hindi ipinapahalata ang lakas ng epekto niya sa sistema ko. “Manatili na lang tayo sa isang mataas na bahagi ng lugar.” “Ng ganto na lang? Dumaan tayo sa mall bili tayo ng mangunguya natin.” Saad ko, tumango naman siya at sumakay na kami na sa motor niya. Umalis kami sa hotel, I lean my head on her shoulder habang nakasakay ako pero hindi niya naman iyun pinansin. The best resting place. Kung ganito ba naman ang mapagpapahingahan ko kapag napapagod ako, makakapagpahinga talaga ako ng

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 67.2

    “Sakay na.” aniya kaya kahit na nahihiya at naiilang ako dahil magkadikit na magkadikit kami dito sumakay na lang ako.“Kumapit kang mahigpit baka mahulog ka at masalo ka ng iba.” Napakagat labi naman ako sa sinabi niya, kung baga ayaw niyang masalo ako ng iba? Yiiieee hahaha kinikilig talaga ako. “Sasalohin mo ba ako kapag nahulog ako?” “Siguro, maaaring oo.” Hindi siya sigurado ibig bang sabihin nito nalilito na rin siya sa nararamdaman niya? haaaaay sarap sa pakiramdam. Napahawak naman ako sa bewang niya ng bigla niyang bilisan ang pagpapatakbo niya. Dinama ko ang hangin na dumadampi sa katawan ko, mas masaya pala ang magmotor kesa ang magkotse dahil bukod sa nakakayakap mo ang mahal mo mas enjoy na enjoy pa yung view at ang hangin. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya pero hindi niya naman ako sinita o pinagbawalan kaya mas lalo akong nakakaramdam ng tuwa. Wala ng mas sasaya sa rides niyo ng taong mahal mo. Kailangan ko na yatang bumili n

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 67.1

    KENT POVMay ngiti ako sa mukha ng pumasok ako ng kwarto ko, hindi ko pa rin makalimutan si Ash, araw gabi na lang ganito ako. Ang sarap palang mainlove.Hihintayin ko ang next time na sinasabi niya hehehehe. Parang wala nanaman siya sa mood kanina eh, ano kayang nangyari dun?Hindi bale, kahit araw-araw kang magsungit sakin okay lang, mahal kita eh. Hihiga na sana ako ng may kumatok sa pintuan ko.“Anak gising ka pa ba?” boses yun ni Mommy. Anong kailangan niya? nagtungo na lang ako sa pintuan saka pinagbuksan siya.“Why Mom?” nginitian niya naman ako ng nakakapangloko. Kaya kumunot ang noo ko.“Yiiieeee Ash is waiting you, nanjan siya sa sofa.” Natulala naman ako sa sinabi ni Mommy. She’s here at this hour?“Lalabas ka ba o hindi? Ikaw ang nanliligaw pero ikaw ang pinupuntahan, ano ba naman yan son?”“She’s different Mom, may nagagawa siyan

DMCA.com Protection Status