Nakarating ako sa bahay maya maya’y nanjan na rin si Aira. Dumiretso akong sala saka pabagsak na iniupo ang sarili sa sofa.
“Ayos ka lang ba?” tinapunan ko lang siya ng tingin.
“Pasensya ka na hindi man lang kita maprotektahan.” “Hindi mo kasalanan.” Tumayo na ako saka umakyat sa taas. “Tawagin na lang kita kapag kakain na.” Sigaw niya mula sa baba. Tumango na lang ako kahit na hindi ako sigurado kung nakita niya. Humiga ako sa kama ko at hinayaang maglayag ang isip ko. Marami pa akong dapat pagtuunan ng pansin at atensyon hindi ng isang hangal na katulad niya. Huwag ka lang sanang sumobra ginoo. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo. Kinuha ko na ang mga gamit ko at ginawa lahat ng assignments. Bawat subjects na lang ata may assignments. Tsss. Natapos ko ang mga assignments ko after half of hours. “Ash?” inimpis ko na lahat ng mga gamit ko at inilagay sa bag ko ng marinig ko ang boses ni Aira. “Kakain na tayo.” Saad niya ng pagbuksan ko siya ng pinto. “Aalis ka ba pagkatapos natin kumain?”“Hmm.”“Pwede ba kitang samahan?”“Hindi na.”“Pero Ash—““No more buts Aira. Hindi sa lahat ng lakad ko kailangan kitang isama.” Putol ko sa sasabihin niya. Napayuko naman siya. Dumiretso na lang ako ng kusina at kumain. “Kasama mo ba si Vance sa pupuntahan mo?” umiling naman ako. Hindi ko ugaling magsalita. “Magpasama ka sa kaniya Ash. Nag-aalala ako.” bumuntong hininga ako saka ko binitawan ang kutsara’t tinidor na hawak ko. “Sa paglilingkod mo Aira, mag-aalala ka pero wala kang karapatang tanungin lahat ng mga lakad ko.”“Pasensya na hindi ko talaga mapigilan. Unang beses kasi nating umalis sa—““Sinabi ko na sayo na ayaw ko na munang pag-usapan ang pinagmulan natin.” Pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Ramdam ko ang pagtingin tingin niya sa akin pero hindi ko na pinansin pa. Natapos ako sa pagkain ko. Umupo na muna ako sa sofa bago ako umalis. “Kailangan pa ba kitang pabaunan nito?” abot niya sa akin ng isang baril. “Hindi ko kailangan yan, hindi ako nagpunta dito para pumatay ng tao Aira.”“Hindi ko naman sinabing pumatay ka pangproteksyon lang.” Inilingan ko na lang siya. “Itago mo na lang yan. Huwag kang maglalabas kahit na anong sandata.” Kinuha ko na ang susi ko, jacket at helmet saka nagtungo sa garahe. “Mag-iingat ka.” Ayun nanaman ang nag-aalalang tono niya. “Huwag kang mag-alala, uuwi ako ng walang bangas.” “Hambog ka talaga.” Natawa na lang ako sa kaniya. Bumusina na lang ako ng dalawang beses saka pinatakbo ang motor ko. Kailangan kong makausap ang mga taong yun. Kailangan may malaman ako kahit na kaunting impormasyon. Oo nagpunta ako dito sa lugar na to ng wala man lang nalalaman. Hindi ko alam kung sino ang kalaban ko. Masyado siyang magaling sa pagtatago kahit noong nasa lugar pa namin kami. Mabilis akong nakarating sa hide out nila. Isang lugar na abandunado. Bumaba ako sa motor ko at inalis ang helmet. Sinalubong naman ako ng isang dosenang mga tao. “Si Lucas?” salubong kong tanong. “Anong kailangan mo sa boss namin?” mayabang na tanong ng isang lalaking hindi ko kilala. Actually lahat sila na sumalubong sa akin ay hindi ko kilala. “Siya ang kailangan ko hindi kayo kaya pwede ba sabihin niyo na lang.” Nawawalang pasensya kong saad. Hilaw namang natawa itong nagtanong sa akin. “Huwag kang aangas angas sa teritoryo namin. Kahit na maganda ka hindi ka makakalabas ng buhay dito.” Nilapitan ko siya at dalawang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin. “Gusto mong unahin na kita?” kita ko ang sunod sunod na paglunok niya at pagkurap. Mayabang lang kapag may kasama tsss. “Marami kami nag-iisa ka lang.” Tapang tapangan niyang sambit. “Huwag kang pakakasiguro.” “Mayabang—AAAHHH.” Hinawakan ko ang kamay niyang hahawakan sana ang kwelyo ko kung hindi ko inunahan saka pinilipit patalikod. “AAHH m-masakit.” “Mas masasaktan ka lalo kung hindi ka nagsalita.” Bulong ko sa tenga niya. “Hi Ashery, masyado naman yatang mainit ang ulo mo ngayon.” Binitawan ko ang lalaking ito at tiningnan si Lucas na kasama ang dalawa niyang kanang kamay. “Hindi ko ugaling magsayang ng oras. Anong nakalap mo?”“Woaahh easy lang hahaha. Masyado kang atat. Maupo ka muna.” Itinuro niya ang isang sira ng sofa pero pwede pang pag-upuan. “Hindi ba pwedeng magkwentuhan muna tayo bago tayo pumunta sa totoong usapan?" mabilis kong inagaw ang isang balisong na nilalaro niya sa kamay niya saka ko itinutok sa leeg niya.
"Sabi ko nga magsasalita na ako.”
Ibinaba ko rin agad ito. Sasabihin lang din naman pala ang dami pang satsat. “Ang totoo niyan hindi pa rin namin kilala. Ang hirap naman kasi ng pinapagawa mo eh.” Kakamot kamot pa niyang sabi. “Wala akong malaman na isang taong galing sa lugar niyo kamo. Ang alam ko lang talaga lahat ng nakatira dito ay matagal ng residente dito.” Impossible. Iyun ang sinabi ng bihag naming nagtitiktik sa akin. “Pero kahit papaano naman ay may nalaman kami.” Napatingin ako sa mga mata niya ng sabihin niya iyun. Ikinumpas ko na lang ang kamay ko na sabihin niya na. “May pamilya ditong galing nga sa lugar niyo pero matagal na simula ng hindi pa sila bumabalik dun. Balitaan ka na lang namin kapag sigurado na kaming lahat.” “Bilisan mo.” Tanging sagot ko saka tumayo at tinalikuran sila. Batid kong wala siya dito mismo sa lugar na ‘to dahil pamilya niya ang nandito kung ganun nga ang nangyayari nasaan siya? Saang lupalop ng Pilipinas siya naroroon. Damn it! Ang hirap maghanap ng taong hindi mo kilala, hindi mo alam kung sino siya. Para akong nangangapa sa dilim. Pinaandar ko na ang motor ko at mabilis na nilisan ang lugar na iyun.Pagdating ko sa bahay ay bukas pa lahat ng ilaw pati ilaw ng garahe ay bukas pa. Maaaring naghihintay pa si Aira.
Bubuksan ko pa lang sana ang pintuan ng bumukas na agad ito. “Ano kamusta ka? Wala ka bang butas na natamo sa katawan? Wala ka bang malaubeng kulay?” napairap na lang ako ng ikutin niya ang buong katawan ko at kinakapa. “Ano ba? Sinabi ko na sayong uuwi ako ng walang bangas diba?” tumigil siya sa kachecheck sa katawan ko at huminto sa harapan ko. “Napakahambog mo! Aba eh sinong hindi mag-aalala sayo kung sumugod ka sa yungib ng mga leon!” “Leon na ba ang mga iyun akala ko mga pusa.” Ngisi kong saad saka naglakad patungong sofa. “Wala na talagang tatalo sa isang mayabang na Ashery Myth Moondale.” Bulong pa niya pero sapat iyun para marinig ko. Ipinatong ko ang dalawa kong paa sa center table at inilagay sa ulo ang dalawa kong kamay. “Sa susunod na kikilos ka ng ikaw lang isusumbong na talaga kita kay Vance.” Tumingala ako at tinitigan na lamang ang kisame. Gusto ko ng matapos magkaroon na ng kapayapaan ang lugar namin. Pero alam kong matatagalan pa ako dahil nag-uumpisa pa lang ako. Tumayo na ako at umakyat sa hagdan.“Hindi ako nagbibiro Myth gagawin ko talaga yun!” pahabol pang sigaw ni Aira.
“Alam kong alam mo kung ano ang kalalagyan mo oras na ginawa mo yan.” Saad ko kahit na nakatalikod ako sa kaniya. “Ay hehehe biro lang, ito naman ang init agad ng ulo.” Nilingon ko siya pero mabilis lang siyang tumakbo patungong kusina. Tsss. Humiga na ako sa kama hindi na ako naligo dahil napaaga ang ligo ko dahil sa payat na yun. Hindi naman ako nahirapang mag-isip ng kung ano ano bago ako makatulog. KINABUKASAN..“Ash? Ash? Gising ka na ba?” rinig ko pang katok ni Aira. Tiningnan ko ang wall clock at alas syete na pala 8 ang pasok namin. “Gising na ako.” paos ko pang sagot dahil kagigising ko lang. “Maligo ka na ha?” “Ge.” Tanging sagot ko saka ako pumasok ng banyo ko. Hindi naman na ako nagtagal dun at bumaba na ako.Nasa hagdan pa lang ako amoy ko na ang niluluto ni Aira.
“Good morning sa hambog na Ash.” Bati ni Aira na nakaupo na sa upuan niya. Akala ko nagluluto pa lang siya nakahain na pala. “Oh Vance aga mo ah.” Lumingon ako sa pintuan at tama nga ang aga niya. “Hi good morning.” Ngiting bati niya sa akin. “Tsss.”“Sungit natin ah.”“Anong ginagawa mo dito?” kunot noo kong tanong. “Bawal na ba bisitahin ang mahal kong—““May pasok kami kaya walang maiiwan dito.” Putol ko sa kaniya.“Hatid na kita.”“May sasakyan ako.”“Bakit ba ang sungit mo na sakin? Hindi mo na ba ako mahal?” nakanguso pa niyang tanong.“A-Ang b-brutal mo na shaken ahh.” Daldal pa niya kahit na sinubuan ko na ang bunganga niya.“Grabe bilib talaga ako sa kasweetan niyong dalawa.” Sarkastiko at iiling iling pang saad ni Aira.“Kumain ka na ba Vance?” baling niya kay Vance na ngumunguya pa ng isinubo ko.“Pakain na ako.” seryoso niya ng sabi.“Tsss bagay talaga kayo, pareho kayong ang hirap timplahin ng mga mood.” Hindi ko na lang sila pinansin saka ako kumain. Tumayo na ako pagkatapos.“Hindi ba at delikado ang pagmotor motor niyong iyan? Huwag niyo ng gami
Hindi ko alam pero wala naman siyang ginagawa nahihiya ako. As in sa likod ko lang siya nakaupo. Hindi ko siya napansin dun kanina, aba malay ko bang sila pala ang kacombine namin ngayon. Tiningnan ko siya at walang emosyon niya akong tinapunan ng tingin.“Natutulala kasi.” Diretsong tingin niyang saad sa akin. Sa sobrang hiya ramdam ko ang pagtaas ng dugo ko sa ulo. Napapakuyom ako dahil naiinis nanaman ako sa kaniya. Bakit ba siya pa ang kacombine naming department ngayon?“What is meant by business law?!” ulit na tanong ni ma’am. Tatlo kaming nakatayo ibig sabihin tatlong tanong din. Palihim ko siyang tiningnan pero diretso lang din siyang nakatingin kay Miss.“Business law encompasses all of the laws that dectate how to form and run a business. This includes all of the laws that govern how to start, buy, manage and close or sell any type of business. Business laws establish the rules tha
“Tch! Never!” saad niya saka umalis. Tiningnan ko siya ng maglakad siya patungong counter. Napapailing nalang ako dahil napakaisip bata. Ganito ba talaga lahat ng mga estudyante ng ACIS mga isip bata.Umalis na rin ang mga kaibigan ng warfreak na yun sa table namin. Humingi na lang ng sorry si Kendrick dahil sa inasal daw ng kaibigan niya. Tinanguhan ko na lang siya bago umalis.Natapos ang lunch break namin kaya pumasok na rin kami sa panghapong subject namin. Nagdiscuss lang ng nagdiscuss ang prof namin. Matapos nun ay inayos ko na ang mga gamit ko saka tumayo.“May practice ba kayo ngayon?” tanong ni Aira. Tinanguhan ko na lamang siya.“Practice saan?” kuryosong tanong ni Freya.“Sa Dance Troupe.” Sagot naman ni Aira.“Ganun ba mauna na kami sa inyo.” Nagpaalam na silang tatlo hanggang sa dalawa na lang
ASH POV“HI” masiglang salubong sa akin ni Vance pagkauwi ko.“What are you doing here?” nilampasan ko siya saka ako dumiretso sa kusina at nanguha ng malamig na tubig saka uminom.“Oh nakauwi ka na pala. Kain na ba tayo?” Si Aira.“Mamaya lang papahinga pa ako.” saad ko saka pumuntang sala at umupo.“Hindi ka man lang ba matutuwa na dinalaw kita?” tiningnan ko lang si Vance saka ko itinaas ang paa ko sa center table at inihilig ang batok sa sofa kung saan sa kisame ako nakaharap.“Ay nagsalita rin sa wakaaaas. Akala ko talaga mapapanisan ka na lang ng laway jan Vance eh.” Maingay na sabi ni Aira. Hindi naman siya sinagot ni Vance.“Tss magsama kayong dalawa! Kausapin mo yang pinakamamahal mo Vance!” daldal pa niya bago ko marinig ang yabag niyang papalayo sa amin.
“Pwede naman silang kiligin pero bakit kailangang ipagsigawan?” saad ni Aira habang naglalakad kami. Pareho rin pala kami ng iniisip. Parang mga hindi babae kung kumilos. Ganiyan ba talaga dapat sa tuwing dadaan sila? Hindi man lang ba sila naririndi sa araw araw na sigaw ng mga babae sa pangalan nila? O baka naman yan ang mga bitamina nila sa araw araw para mas ganahang pumasok. Tsss napakaiisip bata.Lumihis na lang ako ng daanan para maiwasan ko sila saka baka matagalan pa ako bago makarating sa room namin dahil ang daming babaeng nakaharang sa daanan.“Hi Ash good morning.”“Good morning.” Bati ng tatlo ng makapasok kami. Tinanguhan ko naman sila.“Ghorl hindi ka ba napapanisan ng laway sa pagiging tahimik mo? Nakakabingi yang sobrang katahimikan mo ah.” Si Jamin.“Nakalunok ata yan ng maraming menthol bakla kaya huwag kang mag-alal
ASH POVPagkatapos umorder ng pagkain namin ay kumain na rin kami.“Hindi mo pa rin ba sinasagot te ang papa Kendrick?” biglang sambit ni Jamin na ikinailing naman ni Sophia.“Ay bakit naman te baka maghanap na yun ng iba high school pa lang tayo nanliligaw na edi kung sinagot mo na counting na kayo.”“Kung mahal niya talaga ako maghihintay siya.” Seryoso at may punto namang ani ni Sophia.“Gaga hindi lahat kayang maghintay!” sigaw ni Jamin na ikinanguso naman ni Sophia. Nakinig na lang ako sa daldalan nila. Tatayo na sana ako ng biglang sumama sa akin yung upuan!“HAHAHAHAHAHAHA” malakas na tawanan ang umalingawngaw sa buong cafeteria.“Anong nangyari te?” tanong ni Jamin ng nakatayo na silang lahat. Sinubukan kong alisin yung upuan sa pwetan ko pero langya masyadong madikit! Gagong warfreak! Kaya pala ab
Mga komento ng mga nakakita. Kung makareact akala mo naman sinaksak na ang ultimate crush nila. Hindi ko naman magawang awatin si Ash dahil baka mas lumala. Kilala ko naman siya eh hindi siya lumalampas sa pagsuntok.“Napakaimmature mo.” Blangko at malamig niyang saad. She’s really mad.“Anong tingin mo sa mukha ko? punching bag?” turo niya sa mukha niyang nasuntok. Masyado ka kasing sumobra kaya buti nga sayo.“Hindi mo alam na maraming manghihinayang sa mukhang to kapag nabangasan? Pero sa mukha mo? Aso lang ang manghihinayang.” Dagdag niya. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ito titigil kung pareho silang matigas ang ulo.“Atleast may nanghinayang.” Sagot naman ni Ash.“Let’s go.” Tatalikod na sana si Ash ng hawakan siya sa braso at iniharap kay Kent pero hindi namin inaasahan ang sunod niyang ginawa kahit ako ay nagulat ng suntukin niya si
CHASE POVAng buong akala namin trip lang talaga ni Ash ang suntukin si Kent, todo awat pa naman kami sa kaniya at todo kampi naman kami kay Kent yun pala kasalanan niya rin naman kung bakit siya nasuntok.Nalaman namin lahat kay Kendrick dahil tinanong niya si Sophia kung ano ba talagang nangyari at bakit galit na galit si Ash at biglang sinuntok si Kent. Nilagyan niya pala ng non-odor na pandikit ang upuan ni Ash na siyang ikinagalit niya.Papasok na kaming tatlo, si Kendrick at Gavin ng biglang naming makita ang sasakyan ni Kent na papasok.“The bully is here.” Saad ni Gavin habang nakatingin sa kotse ni kent.“Hey guys.” Masaya pang sigaw ni Kent kahit na nasa kotse pa niya.“Tss, bahala siya sa buhay niya hindi ko nagustuhan ginawa niya.” naiinis pa ring ani ni Kendrick. Palabiro si Kendrick, palaging masaya pero oras na nakagawa ka ng hindi niya nagustuh
Sorry po kung ngayon lang ako nagparamdam sa story na 'to. Ngayon ko na lang kasi siya ulit navisit since nabusy ako sa maraming stories ko. The true reason kung bakit hindi na ako nakakapag-update is because para raw siyang HIH or His into Her ni Miss Jonaxx. Ayaw ko naman na plagiarize ako or something ginagaya ko siya, nagkataon lang na nagkaroon kami ng same plot. So, since then parang nawalan ako ng gana na ituloy siya kahit kompleto na siya sa isip ko until sa ending niya. Kung itutuloy ko naman siya need ko na naman basahin hanggang umpisa para maintindihan ko yung flow ng sarili kong story. As an author po kasi mahirap yung makumpara sa mga sikat ng author lalo na kung tingin nila ay nanggagaya ako ng gawa ng iba. Maraming salamat po sa mga nagbasa at naghihintay ng update ko. Kapag lumuwag po schedule ko, magsisingit po ako ng update medyo busy pa po ako 'till June. Thank you;)
“Ayan na!” sigaw niya kaya tiningnan ko naman yung butas at may pumasok nga. Mabilis ko naman iyung hinukay hanggang sa mahuli ko ang isang malaking talangka.“Oh my God, ang laki niya.” gulat pa niyang saad. Hinawakan ko naman sa magkabilang sipit niya saka ko iniabot sa kaniya.“Anong gagawin ko jan?” “Diba gusto mong makahuli.” “Yes pero ikaw na lang maghawak haha, masakit mangagat yan eh.” Napakamot na lang ako sa batok ko, walangya hahaha. Akala ko pa naman gusto niyang makahawak ng ganto. “So? Bitawan ko na?” “Edi bitawan mo na, kawawa naman kapag pinatay mo.” Napapailing na lang akong tumatawa sa kaniya.“Halika ka na, madilim na oh. Wala pa tayong ilaw. May dalang ilaw at battery jan si Vance, alam mo bang ikabit?” binitawan ko naman na ang kawawang talangka saka ko siya sinundan.“Isabit mo na lang jan sa sanga ng kahoy.” “Nasan yung battery?” “Ito oh.” Turo niya sa napakalaking battery. Talagang nanigurado
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na nga kami sa sinabi niya. Medyo may kalayuan nga lang pero okay lang dahil siya naman ang kasama ko, wala na akong hihilingin pa. Bumyahe kami palabas ng metro makarating lang ng dagat. Dahil nga may kalayuan nakatulog na siya sa byahe. Kararating namin pero hindi pa rin ako bumababa dahil tulog pa siya. Ang ganda niya talagang titigan. Wala ng gaganda sa kaniya. Napaiwas naman ako ng tingin ng gumalaw na siya. “Kanina pa ba tayo?” paos pa niyang tanong. “Kararating lang din naman.” Umayos na siya ng upo at inilibot ang paningin sa paligid saka bumaba kaya bumaba na rin ako. “May hinahanap ka ba?” tanong ko sa kaniya ng hindi matigil sa kakatingin niya sa paligid. “Ayun, dun tayo.” Turo niya sa isang ilalim ng puno na may mga gamit. Kumunot naman ang noo ko, kanino yan? “Kilala mo ba kung kaninong gamit yan?” tanong ko sa kaniya ng pakialamanan niya ang mga dun. “Ito ang gagamitin na
Bumili naman na ako ng ticket para sa papanuorin naming movie. Ako na rin bumili ng makakain namin sa loob. Pagkarating namin sa loob ay kakaunti pa lang din ang tao. Sa pangawalang upuan na rin kami umupo. “Mahilig ka manuod ng romance?” tanong ni Ash. “Ah siguro hehe, yan nadampot ko eh.” “Tsss, yan nadampot o yan talaga pinili mo?” “Pwede both? Haha.” Natatawa kong saad sa kaniya na ikinatawa niya naman. “Mag-ingat ka baka maulit nanaman yung nangyari sayo noong nakaraan.” “Hindi mo naman ako pababayaan diba?” “Ang bading mo talaga.” “Sige isang sabi mo pa ng bading ako, maski maraming tao hahalikan kita. Hamunin mo ako, sige.” Usal ko na ikinatikom naman ng bibig niya. Takot lang mahalikan eh, tssss. Sayang hehehe mahahalikan ko nanaman sana ang malambot niyang labi, haaaay. Pinatay naman na ang ilaw at ang tanging nagbibigay na lang ng liwanag ay ang screen sa harap. Marami rami na rin ang tao at ka
“Hindi ba maganda?” napakurap kurap naman ako ng ilang beses at tumikhim ng magsalita siya at pinasadahan ng tingin ang sarili niya. “Hindi naman, ang ganda mo nga eh.” Namamangha ko pang saad sa kaniya. “Kaya nga natulala eh, naku jan na nga kayong dalawa. Hoy warfreak ingatan mo yan ha?” “Oo naman yes!” tuwang tuwa ko pang saad kay Aira. Umakyat naman na ako sa hagdan at inilahad ang kamay ko sa kaniya habang nakayuko. Bahagya naman siyang natawa. “Akala mo naman prinsesa ang tutulungan mo.” Usal niya. “Eh prinsesa kita eh.” Napailing iling naman siya habang natawa. Inilahad niya na ang kamay niya at maingat ko namang hinawakan iyun. “Kumain ka na ba?” tanong ko sa kaniya. “Hindi pa, ikaw kumain ka na ba?” napakagat labi naman ako dahil inaalala niya na ako kung kumain na ba ako. Eh sa natutuwa ako kahit na mga simpleng tanong lang eh. “Kain na lang tayo sa labas.” Saad ko na lang sa kaniya, kaunti lang naman
“Mali ba ako?” tanong ko sa kaniya pero umiling lang naman siya.“Hindi naman, I like your answer pero paano na kaya kapag nandun ka na? hindi na siguro natin alam kung tama pa nga ba nating pagsabayin.”“Bakit mo nga ba natanong?”“Wala naman, natanong ko lang. Mahilig kasi ako manuod ng mga ganun haha yung love story siya tapos may katungkulan yung isa sa kanila.” Saad niya, pero bakit pakiramdam ko hindi talaga iyun ang dahilan.Jusko Kent Chester, umayos ka baka mamaya iba ang isipin niya.“Oh.” Nilingon ko naman siya ng masalita siya.“Alas dose na pala.” Saad niya habang nakatingin sa cell phone niya.“Hindi ko rin namalayan, ang sarap mo kasi kausap eh.” Bahagya naman siyang natawa saka tumayo.“Umuwi na tayo baka hinahanap ka na rin sa inyo.”“Hoy, anong tingin mo sa akin? Babae? At ikaw ang lalaki? Hell no, hindi
Tuluyan na kaming nakalabas ng hotel na pinagkainan namin at hindi pa rin iyun maalis sa isip ko lahat ng sinabi niya simula kanina ng makasama ko siya. Para bang isang awitin na ang sarap pakinggan. Paulit-ulit ko iyong naririnig sa isip ko. Nakakabading pero iba yung saya na nararamdaman ko. Mag-uumapaw na iyun sa sobrang dami. Hindi ako agad nakakapagsalita kapag mga ganung biglaan ang mga sinasabi niya. “Saan naman tayo ngayon?” tanong ko sa kaniya at hindi ipinapahalata ang lakas ng epekto niya sa sistema ko. “Manatili na lang tayo sa isang mataas na bahagi ng lugar.” “Ng ganto na lang? Dumaan tayo sa mall bili tayo ng mangunguya natin.” Saad ko, tumango naman siya at sumakay na kami na sa motor niya. Umalis kami sa hotel, I lean my head on her shoulder habang nakasakay ako pero hindi niya naman iyun pinansin. The best resting place. Kung ganito ba naman ang mapagpapahingahan ko kapag napapagod ako, makakapagpahinga talaga ako ng
“Sakay na.” aniya kaya kahit na nahihiya at naiilang ako dahil magkadikit na magkadikit kami dito sumakay na lang ako.“Kumapit kang mahigpit baka mahulog ka at masalo ka ng iba.” Napakagat labi naman ako sa sinabi niya, kung baga ayaw niyang masalo ako ng iba? Yiiieee hahaha kinikilig talaga ako. “Sasalohin mo ba ako kapag nahulog ako?” “Siguro, maaaring oo.” Hindi siya sigurado ibig bang sabihin nito nalilito na rin siya sa nararamdaman niya? haaaaay sarap sa pakiramdam. Napahawak naman ako sa bewang niya ng bigla niyang bilisan ang pagpapatakbo niya. Dinama ko ang hangin na dumadampi sa katawan ko, mas masaya pala ang magmotor kesa ang magkotse dahil bukod sa nakakayakap mo ang mahal mo mas enjoy na enjoy pa yung view at ang hangin. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya pero hindi niya naman ako sinita o pinagbawalan kaya mas lalo akong nakakaramdam ng tuwa. Wala ng mas sasaya sa rides niyo ng taong mahal mo. Kailangan ko na yatang bumili n
KENT POVMay ngiti ako sa mukha ng pumasok ako ng kwarto ko, hindi ko pa rin makalimutan si Ash, araw gabi na lang ganito ako. Ang sarap palang mainlove.Hihintayin ko ang next time na sinasabi niya hehehehe. Parang wala nanaman siya sa mood kanina eh, ano kayang nangyari dun?Hindi bale, kahit araw-araw kang magsungit sakin okay lang, mahal kita eh. Hihiga na sana ako ng may kumatok sa pintuan ko.“Anak gising ka pa ba?” boses yun ni Mommy. Anong kailangan niya? nagtungo na lang ako sa pintuan saka pinagbuksan siya.“Why Mom?” nginitian niya naman ako ng nakakapangloko. Kaya kumunot ang noo ko.“Yiiieeee Ash is waiting you, nanjan siya sa sofa.” Natulala naman ako sa sinabi ni Mommy. She’s here at this hour?“Lalabas ka ba o hindi? Ikaw ang nanliligaw pero ikaw ang pinupuntahan, ano ba naman yan son?”“She’s different Mom, may nagagawa siyan