LITERAL na nanlaki ang mga mata ni Sushi nang makita ang malaking puting cartolina na may malaking pangalan niya. Ibinalik niya ang sunglasses na hinubad niya kanina at ibinaba ang visor ng suot niyang wide brown brim hat para matakpan lamang ang kanyang mukha. Lihim siyang napangiwi.
Is it really necessary to welcome her with that cheap paper and poor handwriting?
Habang tinutulak ang luggage cart ay sinilip niya ang may hawak ng cartolina. Nanghahaba ang leeg nito sa kakasilip sa mga taong lumalabas mula sa exit. Tumaas ang isang kilay niya nang mabisitahan ng tingin ang kabuoan ng lalaki.
Napahinto siya.
Is he Lolo Manuel's grandson?
Nakasuot ng lumang denim jacket ang binata, sa ilalim nun ay isang kupas na gray sando. The guy matched it with a black jeans and a black sneakers na halatang lumang-luma na. His hair was messy, mukhang kagigising lang nito.
Had he taken a bath? Nagsipilyo na ba ito? God, umagang-umaga na i-stress siya sa sundo niya. Well, he should at least wear more decent clothes and wash his face. He looks like a gangster on the streets than a normal man.
"Aw -" she yelped and grimace when a good for nothing middle-aged man walk past her like she did not exist. Nahulog ang sunglasses niya sa sahig at lumipad naman ang suot niyang wide brim hat. "Oh god! Tell me this is not happening."
"Oh! Sushi!" Napangiwi siya nang marinig ang baritonong boses na 'yon. Mabilis na pinulot niya ang salamin sa mata at ang kanyang sosyal na salakot. "Sushmita Costales!" O, don't you dare shout my full name - "Sushmita Marigold Costales!" O, no, he did!
Marahas na tumayo siya para lang mapaatras. Paano ito nakalapit sa kanya nang ganoon kabilis? Bumungad sa kanya ang matangkad nitong pigura. He was really tall. Matangkad na siya pero hanggang leeg pa rin siya nito.
Ibinaba nito ang hawak-hawak na cartolina. Ang hindi niya lang ma-gets ay kung bakit nagka-oras itong mag-drawing ng madaming mangga sa paligid ng pangalan niya. This guy is weird. Matapang na inangat niya ang mukha sa lalaki. May malaking ngiti ito sa mukha.
He was ruggedly handsome, in all honesty.
Matangkad at medyo moreno. Magulo ang may kahabang kulay brown nitong buhok. Makapal ang kilay nito at may matangos na ilong. He had a deep set of light brown eyes. She could almost see herself from those golden light brown eyes. Mahahaba rin ang mga pilik mata at mukhang walang tulog dahil sa eyebags nito. There is something with his smile; tila ba may kalokohan na laging nabubuo sa likod ng isip nito.
Nevertheless, he still looks poor but charming enough in her eyes.
"Let me guess," basag nito, nanatili pa rin ang ngiti sa mukha nito.
"What?" she keeps a monotone voice.
"Hindi ako pumasa sa taste mo?"
Tinitigan niya ito sa mukha. "It's already too obvious. You don't need to guess it." Tumawa ito. Hindi niya alam kung bakit. Hindi naman siya nag-joke. "Where's your car?" pag-iiba niya.
Tumabi ito it itinuro ang isang asul na lumang pickup truck. May ilang box pa at basket ng mga mangga sa likod nun. Muntik na siyang matapilok sa kinatatayuan niya kahit na naka strapped sandals lang siya at hindi naman siya naglalakad.
Is this man even serious? It took her an hour to pick a perfect summer dress for her airport OOTD and this man wanted her to ride an old pickup truck? Saan nito ilalagay ang mga bagahe niya? Sa likod? With all those mangoes? No way!
"Ang dami mo namang dala. Sasali ka bang Miss Universe?" Binilang nito ang mga maleta niya. "One, two, three, four... five. Wow!" Namilog ang mga nito sa amusement. "Dinala mo ba pati bahay n'yo?"
She raised an eyebrow. "My things are least of your concerns."
Itinaas nito ang dalawang kamay sa ere. May pigil na ngiti sa mukha nito. "Chill, nagtatanong lang naman." Mabilis na nasundan niya ang paghawak nito sa luggage cart. "Huwag kang mag-alala. Sanay ako sa handle with care." Matalas ang paningin nito. He notices her reactions and reflexes. Impressive! But I still don't like you. "Halika na." Nauna ito sa kanya sa direksyon ng sasakyan. "Baka maiwanan tayo ng bangka."
Sinundan niya ito. "Bangka?" ulit niya. Kumunot ang noo niya. "Sasakay pa tayo ng bangka?"
"It's a ferry boat, Sushi. Pero kung gusto mo, pwede mo ring languyin mula Iloilo ang Guimaras." Sarcastic jerk! "At magkita na lang tayo sa port dahil sasakay ako ng bangka."
"Do you realize that you're being sarcastic?"
"O, talaga?" He glances at her and smiles. I'm beginning to hate his smile. "Hindi naman yata."
"Pier," nakangiting bati ng isang matanda sa kanila. Bumaba ito mula sa driver's seat. Mukhang ito ang may-ari ng pickup. "Maayong aga, ma'am." May ngiti at may lambing sa tunong bati ng matanda sa kanya. "Pier, tulungan na kita."
"Salamat Mang Ned." Isa-isa ng mga itong iniakyat ang mga bagahe niya sa likod. "Ingatan lang natin at puro baso ang laman ng mga maleta."
"Ay ba? Babasagin pala ang mga ito?"
Tumaas lang lalo ang isang kilay niya rito. Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to? Tumawa naman ang antipatikong lalaki sabay baling sa kanya. Napamaang siya nang kindatan siya nito. Humalukipkip siya at binigyan ito nang masamang tingin.
"Hay naku, kay aga-aga, nakabusangot 'yang mukha mo." Tapos na ang mga ito kaya siya naman ang nilapitan nito. "Maganda ang umaga, Sushi. Kasing ganda mo." Humagikhik ang matanda sa likod nito. Huwag mong sabihing kinikilig ito sa kanila? Gross! "Ngumiti ka na."
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Can we just go?"
Namulsa ito, and he was still smiling for Pete's sakes. Hindi ba sumasakit ang panga ng lalaking 'to?
"Okay," he nodded. Ibinaling nito ang tingin sa matanda. "Tayo na Mang Ned."
"Mabuti pa.”
HABANG nasa b’yahe ay panay ang pag-uusap ng dalawa. Hindi niya maintindihan dahil Ilonggo ang salita. Or kung ‘yon man ang right term of their dialect. Nagsiksikan silang tatlo sa harap. She was sitting in the middle. Dikit na dikit ang expose niyang braso sa magaspang na tela ng denim jacket nito. Nilalamig na siya kahit wala namang aircon. Nobody inform her that it's cold here. Mornings in Manila are notably hot and arid.
Her jackets are all inside her luggage.
"Wait.”
Napatingin siya sa lalaki, bigla nitong hinubad ang suot nitong jacket. Sa gulat niya ay ipinatong nito 'yon sa mga balikat niya.
"Malamig talaga rito sa Iloilo, lalo na roon sa Guimaras kapag umaga at gabi. Hindi kasi polluted at madami pang mga puno sa paligid."
True, nang palabas na sila ng airport, puro rice field ang nakikita niya sa paligid. She was amazed by it. Ito ang unang beses na nakapunta siya ng Iloilo. She was never fond of traveling to some tourist destinations in the Philippines. Halos nalibot na niya ang buong mundo, maliban ang Pilipinas.
"Tama si Pier, ma'am. Iba ang sariwa at malamig na hangin dito sa amin. Nakaka-relaks po."
"Thanks," tanging nasabi niya.
Mukha itong walang ligo but his scent smelled nice. At least!
"Kumusta naman ang b'yahe mo papunta rito?" mayamaya ay tanong nito.
Kailangan ba talaga nilang mag-usap? Hindi ba napapagod sa kakadal-dal ang lalaking 'to? For a man like him, he was annoyingly nosy and talkative.
"Okay lang," tipid niyang sagot nang hindi ito tinitignan.
"Gutom ka na ba?"
"I had coffee. I don't usually eat breakfast."
"Ah, ganoon ba? Okay, sa bahay magluluto ako ng tanghalian natin. Kung sanay kang 'di kumain, ako hindi."
"Malakas kumain 'yang si Pier!"
Malakas na tumawa ang lalaki. "Mang Ned, huwag n'yo naman akong ilaglag. Baka ma-turn-off sa'kin 'tong si Sushi."
"Okay lang 'yan, Pier. Gwapo ka naman, masipag at matalino."
That wouldn't make any difference. Hindi pa rin kita gusto.
"'Yan ang gusto ko sa'yo Mang Ned, supportive!"
"Ikaw pa! Malakas ka sa'kin e. Basta 'yong mga in-order ko sa'yong mga mangga, bigyan mo ako ng discount."
"Oo naman!"
TIRIK NA TIRIK na ang araw nang makarating sila sa Guimaras. Mula sa isang lumang pickup truck ay pinasakay naman siya nito sa isang jeep na sa tingin niya ay pagmamay-ari nito. Hindi niya matandaan ang pangalan nito maliban sa Pier. Nang dumating sila sa terminal kanina ay madaming tumatawag rito sa pangalang 'yon.
In all fairness naman sa kanya, may fan base ito.
"Malayo pa ba?" iritable na niyang tanong, nangangalay na ang mga kamay niya sa kakapaypay sa sarili sa sobrang init. Nahihilo na siya sa mahabang b'yahe.
Tinawid niya ang ere at dagat. Gusto na lamang niyang magpahinga. Saka na niya iisipin ang mga reklamo niya sa buhay.
"Malapit na tayo."
"Na saan ba si Lolo Manuel?"
"Wala si Lolo, nag-bakasyon."
Kumunot ang noo niya. "Nag-bakasyon? E sinong mag-aalaga sa'kin dito?" Hindi ba't sabi ng kanyang ama. Si Lolo Manuel ang magtuturo sa kanyang maging normal dahil sad to say, ang tingin ng ama niya sa kanya ay evil witch.
"Ako," nakangiting baling nito sa kanya. Ibinalik agad nito ang atensyon sa daan.
"Ikaw?!" tumaas ang boses niya. Okay, kumalma ka Sushi. Hindi ka naniniwala sa mga salitang hindi buo at tapos. Doon nagsisimula ang bad assumptions and depressing thoughts. Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili.
"Sushi, tayong dalawa lang sa bahay. Wala kaming katulong kaya dapat magtulungan tayo sa gawaing bahay."
Pumitik ang sentido niya. Maloloka na yata siya. Did he expect her to wash the dishes? Clean the house? Do the laundry? And cook? Ito ba ang gusto ng ama niyang matutunan niya? Ang maging legit katulong?
"I can't believe this," napamaang na siya.
"Huwag kang mag-alala, mag-e-enjoy ka rito."
Marahas na ibinaling niya ang tingin dito. "Do you expect me - aw!" Tumama ang braso niya sa harapan nang bigla itong prumeno. "Ano ba?!" sigaw niya. "Ba't ka tumigil bigla?"
"Nasaktan ka ba?" Akmang hahawakan nito ang braso niya nang bahagya siyang lumayo.
"Malamang, oo!" asik niya.
Napakamot ito sa noo. "Sorry, may dumaan kasing kambing." Pinaandar muli nito ang jeep. "Hindi ko naman pwedeng sagasaan. Kawawa naman." Tinignan pa nito ang kambing bago tuluyang umalis.
Kumunot lalo ang noo niya nang makitang nalungkot ito sa isipang 'yon. Natutop niya ang noo. God, maaga akong mababaliw rito. Umayos siya ng upo at marahas na inihilig ang likod sa back rest ng upuan.
"Don't talk to me," aniya.
"Pero pwede naman kitang kausapin mamaya, ‘di ba?"
Argh! "Whatever!"
BUMUNGAD kay Sushi ang luntiang tanawin nang makababa siya mula sa jeep. Hindi niya maiwasang maigala ang tingin sa buong paligid. Ramdam niya ang mabining haplos ng sariwang hangin sa kanyang mga pisngi.
Tanaw niya ang malawak na sakahan, bundok at mga puno ng mga mangga. Hindi magkakalapit ang mga bahay at tahimik maliban na lamang sa mga huni ng mga ibong sumasama sa hangin at dahong mahinang humahampas sa mga sanga.
Nawala ang inis niya.
"Dayon!" Naibaling niya ang tingin sa lalaki. Nakangiti na naman ito, as usual. Tama na Sushi, bukas ka na ulit mainis. Pagod ka. Kailangan mo ng peace of mind. "Huwag kang magulat, pero maliit lang ang bahay namin. Malayo sa mansion n'yo sa Maynila."
Iniangat niya ang tingin sa dalawang palapag na bahay sa harap niya. It was a kamalig inspired two storey house. May maliit itong patio sa harap at tatlong baitang na hagdanan. Ang mga bintana ng bahay ay kasing laki ng mga pinto. Tagusan ang hangin kaya alam niyang malamig sa loob kahit na walang aircon.
Okay, sosyal lang nang kaonti sa isang bahay kubo.
Naglapat ang mga labi niya. Hindi ako uuwi! Hindi ka uuwi Sushmita. Paulit-ulit niyang sabi sa sarili. Tatapusin niya ang tatlong buwan. Hindi siya pwedeng mapaalis sa kompanya kahit na araw-araw pa siyang magbalat ng mangga.
Proud na nakapameywang ang lalaki sa harap ng bahay nito. Siya naman, gusto na niyang umiyak, umuwi at buksan ang aircon ng silid niya buong araw.
Mayamaya pa ay ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Sushi.”
"Ano?" asik niya.
Drain na pati utak at energy niya.
Inilahad nito bigla ang isang kamay sa kanya. Bumaba ang tingin niya roon bago ulit naiangat ang mukha sa lalaki.
"Pierce Kyries Allede.” Ito na mismo ang humawak sa isang kamay niya. Napamaang siya sa ginawa nito. "You can call me Pier." Agad din naman nitong binitiwan ang kamay niya. 'Yong unang dalawang bagahe ang kinuha nito. "Pasok na tayo, i-to-tour kita sa bahay ko."
"Para namang kasing laki ng National Museum tong buhay n'yo."
Natawa lang ito. "'Yon nga ang maganda e. Madali tayong matatapos."
MAY dalawang silid sa itaas. Isa naman sa ibaba, malapit sa maliit na hugasan at pang-apat na dining table. Maliit din ang sala sa ibaba pero malinis at makintab ang wooden floor. Ganoon din sa itaas. Wala gaanong gamit pero malinis na malinis ang loob.
Naupo si Sushi sa itaas ng malaking kutson ng silid niya. May two door window na nakabukas. Mula roon ay kitang-kita ang magandang view ng lugar. May isang electric fan at malaking lumang cabinet. Mahangin naman kaya hindi masyadong mainit. Isa lang din ang banyo at nasa ibaba pa.
Napabuga siya ng hangin. Naiiyak na naigala niya ang tingin sa apat na sulok ng silid na 'yon. Tatlong buwan. Tatlong buwan siyang magtitiis sa lugar na 'to. Iningat niya ang cell phone, isang bar na nga lang, nawawala-wala pa.
Ibinagsak niya ang sarili sa matigas na kutson. Inabot niya ang isang unan at ibinaon ang mukha roon at tumili.
Ahhh! Bwesit! Bakit ba kasi kailangan ko pang tumira rito? Masaya naman na ako sa Maynila. Hindi naman ako gahaman na boss ah. Hindi ko nga sila tinitipid. Those ungrateful employees!
"Ayoko rito!" tili niya.
Gusto ko nang umuwi! Mommy, iuwi n'yo na ako. I hate it here! I love the view but I still don't like to live here!
HINDI napigilan ni Pier ang tawa nang marinig ang sigaw ni Sushi mula sa itaas. Nasa kusina siya, naghahanda ng pananghalian. Mabuti na lamang at nakabili siya ng sariwang isda kaninang madaling araw.
Wait.
Natigilan siya.
Naipilig niya ang ulo. "Kumakain ba 'yon ng isda?" Baka naman 'di 'yon kumakain ng wala sa menu? Ah, bahala ito. Masarap naman siyang magluto. Hindi niya hahayaan ito sa mga gusto nitong gawin. 'Yon ang utos sa kanya ng lolo niya.
Ipinagpatuloy niya ang paglilinis ng isda. Sa ngayon, siya na muna ang gagawa ng mga gawaing bahay. Bukas tuturuan na niya ito.
Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa tuwing naalala ang inis sa mukha nito. Ang babaeng 'yon, hindi talaga marunong ngumiti. Kahit hindi nito sabihin alam niyang madami nang naglalarong reklamo sa isip nito.
He was amused by her strong personality.
Ang sarap nitong asarin dahil alam niyang hindi rin ito magpapatalo.
"Maganda," aniya sa sarili.
Maganda talaga ito kahit hindi nakangiti.
The word princess isn't enough to describe her; she was more like a queen - an evil queen. Muli siyang natawa nang maalala na naman ang nakabusangot nitong mukha kanina. Ah right, she'll be more beautiful when she learns how to smile.
"We'll work with that. Hindi ko pauuwin ang babaeng 'yon nang hindi natutotong ngumiti. Itataga ko 'yan sa mga hasang ng isdang 'to."
ISANG simpleng floral green off-shoulder jumpsuit short ang suot ni Sushi nang bumaba siya. Sumilip siya may kusina. Wala roon ang lalaki pero may mga nakahanda nang mga plato at baso sa pang-apat na upuhang mesa.Nakabukas ang back door at may nakikita siyang usok mula sa labas. Mukhang sa labas nagluluto ang makulit na lalaking 'yon.Hindi niya naman maiwasang tignan ang mga picture frames na naka display sa pader sa sala. May iilang framed certificates doon, may wood laminated pa nga, 'yon ang uso noon. May isang bahagi ng sala na puno ng mga medals at honorary ribbons. Lahat ay nakapangalan kay Pierce Kyries Allede."Matalino naman pala ang lalaking 'yon," bulong niya sa kawalan. Hindi nga lang halata dahil mukhang may pagka-engot. "Magna Cum Laude pala siya sa UP? Double degree, Business Management and Agriculture." Naipilig niya ang ulo. Sumagi sa isipan niya ang ayos ng binata. "Ba't hindi siya naghanap ng trabaho sa Maynila? Tsk." Napasimangot siya. "Sin
"SI SUSHMITA nga pala," pakilala ni Pierce kay Sushi sa lahat.Nagtaka naman siya nang titig na titig ang lahat sa kanya. Naipilig niya ang ulo sa kanan.Ah, I know, they find me very pretty and beautiful.She always looks pretty when she dresses well. Good thing, she brought all her beautiful dresses. At least man lang may magandang nakikita ang mga tao sa bayan na ito.She wore a two-piece white off-shoulder butterfly printed maxi dress with ruffle sleeves. The long skirt had a two-inch slit just above her knees down to her ankles. She matched it with her brown gladiator sandals and brown summer hat.I don't think I'm overdressed."May lakad ba siya?" tanong ng isang babae.She seems to like her age. Or mas bata pa sa kanya? Whatever!"Wala, ganyan lang talaga siya mag-ayos," nakangiting sagot ni Pierce. "Siya 'yong tinutukoy ni Lolo Manuel na magbabakasyon muna rito sa atin. Anak siya ng kaibigan ni Lolo sa May
SUNDAY, nagsimba sila Pierce at Sushi. At ang lalaki, akala mo kakandidatong mayor. Kung makapakilala sa kanya para siya nitong first lady. Halos lahat nang mga um-attend sa misa ay kilala si Pier. Ilang kamay na ba ang nahawakan niya nang mga oras na 'yon? Sa sobrang dami, she lost count already.Pagkatapos sa simbahan ay dumiretso sila sa palengke. It's just a walking distance from the church. Mainit kaya nag-payong siya. She didn't bother sharing the umbrella with Pier. Makapal naman balat nito. He has more melanin. He can take care of himself."So ito ang palengke," nakangiting hinarap siya nito, nakumuwestra ang isang kamay sa entrada ng wet market."Mamalengke ba tayo o mag-to-tour-guide ka?" pabalang na tanong niya."O, chill, kakasimba pa nga lang natin high blood ka na naman. Ibaba ang dugo. Sayang ang ganda mo kung bubusangot ka na naman.""Maganda naman talaga ang umaga ko pero kapag nakikita ka nabubwesit talaga ako." Tinawanan lang siy
TITIG na titig si Sushi sa batang babae na nakaupo sa sofa sa sala. Katabi nito ang malaking bag nito at isang lumang bag pang-eskwela. Nasa labas si Pier kasama ang ina ng bata. Kailangan daw nito na mapag-iiwanan ng bata dahil isinugod sa ospital ang asawa nito. Hindi raw pwedeng lumiban sa klase ang bata dahil exam week nito ngayon at may event sa school."Ang itim naman ng batang 'to – aw!" Napahawak siya sa ulo niya nang maramdaman niya ang pagbatok ng kung sino mula sa likod. Marahas na ibinaling niya ang tingin kay Pierce. She glared at him."Hindi sa lahat ng panahon na dapat mong isatinig ang mga opinion na nasa isip mo.""Hindi ko naman nilakasan, duh? Ito naman masyadong sensitive.""Kahit na, paano kung marinig ka ng bata? 'Di masasaktan mo siya?" Nakatingin sa kanila ang bata. Mabuti na lamang at sa may entrada sila ng kusina nag-uusap. "Hindi mo alam kung gaano kalakas ang mga salita, Sushi. Be cautious with whatever that comes out fro
"PIER!"Nilingon siya ni Pierce, naglalaba ito sa likod bahay, sa may bomba ng tubig.Actually, ngayon lang siya nakakita ng lalaking nakaupo na naglalaba. Usually, men just shove their clothes inside a washing machine and then wait for it to be done. No effort is done, but Pierce is different. Lahat yata ng ginagawa nito ay may hard work lagi. Mamamatay yata ito na hindi pinaghihirapan ang isang bagay."Bakit?""You seem busy. Anyway, mamaya pa naman.""Ano 'yon?" Patuloy pa rin ito sa pagkukuskos ng damit nito. "Patapos naman na ako. Babanlawan ko na lang ang mga 'to."Lulunukin na talaga niya ang sariling pride. She wanted to do something for Amaya. A little reward for her effort. Okay, this is not something she does on a normal day, but she feels like, she has to really reward her effort in school. The kid deserves it at alam niyang it would motivate her more."Papasama sana ako sa'yo sa palengke. Bibili ako ng manok, gagawin kong
ANG kaninang kunot nang noo ni Sushi ay lalo lamang kumunot. Isang green mango pa lang ang nababalatan niya. No, she's not even halfway done with her mango. But Amaya's jarring professional mango peeling skills made her jaw drop. Her competitiveness is once again put to the test."How do you do that?""Po?""Bakit ang dali para sa'yong balatan 'tong mangga?"Naka-tatlo na ito. Si Pier naman kain nang kain sa nabalatan nang mangga. Nasa labas sila ng bahay, nakaupo sa mahabang kawayang upuan sa ilalim ng isang puno."Madali lang po 'tong gawin, Ate Sushi.” Ipinakita nito kung paano nito hawakan ang kutsilyo at mangga. Ginaya niya rin. "Hawakan n'yo lang po nang maayos ang kutsilyo saka huwag po kayong matakot na masugatan. Basta malayo 'yong mga daliri n'yo po kapag nag-sa-slice kayo."Napansin niyang nakadantay rin sa itaas ng blade ang daliri nito. Kanina pa niya iniisip kung nasasaktan ba ito o hindi. Hindi siya humawak doon dahil bl
FROM Guisi Lighthouse they've visited other tourist spots. It's not a lot, pero na-e-enjoy niya ang lugar kahit sa simpleng road trip lang ang ginawa nilang dalawa ni Pier. Napaka-simple lamang ng pamumuhay ng mga tao roon. Malayo sa malalaking gusali ng Maynila. Ni wala ngang polusyon. Malinis na malinis ang nalalanghap niyang hangin.It was such a beautiful day. The sun is up with a purpose. The blue waters glisten like little diamonds under each boat that sails. The trees are warmly green. The heat of the sun radiates; making everything around her crafted in perfection. Napapangiti siya sa tuwing tumatama ang mabining hangin sa kanyang pisngi."Oh!" Bigla siyang napakapit nang husto sa baywang ni Pierce nang lalo nitong binilisan ang pagpapatakbo ng motor. "Ano ba?!" sita niya rito. "Wala ka namang kalaban sa daan!""Ang luwag-luwag kasi ng pagkakapit mo. Effective naman e. Humigpit," nakasigaw na sagot nito sabay tawa."Manyak ka talaga!""Ayok
MALAKAS ang buhos ng ulan sa labas. Naghuhugas ng plato si Sushi habang hinihintay na makabalik si Pierce. Tinawag kasi ito ni Kuya Bert kanina, nagpapatulong dahil mukhang hahagipin na nang malakas na hangin ang bubong ng bahay ng mga ito.Sumilip siya sa bintana na malapit sa sink counter. Ang lakas ng hampas ng hangin sa mga puno. Tila hahaklitin pa yata ang yero ng bahay. Pero sabi naman ni Pierce ay matibay 'yon kaya 'di na rin siya masyadong nag-aalala.This is the very first time na naramdaman niya ang isang bagyo. Away from the comfort and security of her well built mansion. Kinakabahan siya sa tuwing naririnig niya ang tunog ng yero at ang malakas na paghampas ng kung ano sa mga bintana."God, protect this place," she silently prayed.Signal number two ang Guimaras sa bagyo. Kaya nga agad na nag-imbak si Pierce ng pagkain para sa kanila – good for a couple of days. Naging busy rin ito sa plantasyon ng mangga dahil tiyak apektado ang mga pun
YEARS PASSED but their love for each other is still as sweet as how she remembered it eight years ago. Sa walong taon na 'yon, bumuo sila ng pamilya ni Pier. She supported Pier's dreams. And she felt the love and support from her husband as well. His patience for her is what she admires of him the most.He was still the same Pierce Kyries Allede. The same poor charming whom she fell in love with because of his genuine heart and smile.Naging successful ang Lokal Delicacies na ni launch ng mga ito 3 years ago. Her father was so proud of Pier. Humanga ang mga board of directors sa galing at kasipagan ni Pier. Imagine, running Costales and his mango plantation in Guimaras simultaneously? Even herself, she couldn't help but be proud of her husband's achievements in just a span of 8 years.May sarili na ring factory si Pier sa Guimaras. Madalas pa rin itong dumadalaw sa Guimaras kahit na may mga pinakakatiwalaan na itong mga tao habang wala ito roon. Si Kuya Bert ang
HINDI pa nag-si-sink-in lahat sa isip ni Sushi. Pier is here. And now, he's telling her na ito ang lalaking pinili ng ama niya para sa kanya? My god! Was everything planned by her father? Nagpaka-cupid ba ang ama niya?Bigla siyang nahilo sa dami nang mga pumapasok na scenario sa isip niya. She needed answers. Kailangan niyang kausapin ang ama. Like now na!"Where's Lemuel Andres Costales?" Kumalas siya sa pagkakayakap kay Pier. Marahas na hinubad niya ang maskara at hinanap sa paligid ang ama.Hinubad din ni Pier ang sariling maskara. "Sushi!"Bago paman siya makaalis ay natuon ang spotlight sa kanilang dalawa ni Pier. Namatay ang music at halos ng mga tao ay napatingin sa kanila. What the hell is happening?"As we celebrate the 41stFounding Anniversary of Costales," boses 'yon ng kanyang ama. Naibaling niya ang tingin sa makeshift stage sa harap. It was designed like a royal throne. Nakatayo ang ama roon. "I would also like to share my sour
KANINA pa masama ang pakiramdam ni Sushi. This should be a special day for everyone but none of it mattered to her now. She doesn't have the energy to pull herself up for tonight's founding anniversary of Costales.She's too heartbroken to even convince herself to smile.Nasa sariling silid siya habang nakaupo sa window seat - nakatingin sa hardin ng mansion nila.The house she used to call her palace is now a prison to her. Her father had locked her down in her room. No cell phones. No internet. Everything was taken down by her father. She hasn't heard of Pier ever since his last message to her.Napangiti siya nang mapait at niyakap nang husto ang nakatiklop niyang mga binti mula sa kanyang dibdib.I guess, he did give up on me this time.Tears welled up in her eyes. Ramdam niya ang paninikip ng dibdib sa kanina pa niyang pagpipigil ng mga luha. She has been crying for days already. Nobody in this house understands her pain - her t
TUMIGIL si Sushi sa paglalakad nang makita ang ama sa lobby. Nasa second floor siya at kita niya mula roon ang pagpasok ng ama. Pati ang assistant niya ay napatingin din sa tinitignan niya. May kasama itong matangkad na lalaki na sa tingin niya ay kasing edad lang din ni Pier.The man was wearing a dark gray suit. Kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang angking karisma at kagwapohan nito. He look foreign lalo na't asul ang mga mata nito. Sino ang kasama ng papa niya?"Ang gwapo," narinig niyang komento ni Lheng.Hindi niya pinansin ang sinabi nito at nagpatuloy sila sa paglalakad. Agad na sumunod ang sekretarya sa kanya."Lheng.""Yes po, ma'am.""Alamin mo kung sino ang lalaking kasama ng papa ko.""Yes po, ma'am.""HE'S Iesus Cloudio de Dios from deDios Real Estate Property o mas kilala as dDLand," imporma sa kanya ni Lheng.Yes, she's familiar with deDios Real Estate. Sa naalala niya ay
NAIGALA niya ang tingin sa maliit na kwarto ni Pier. He's staying in a travel inn na hindi siya pamilyar. The room looks clean enough with minimal interior designs and furniture. Ang meron lang yata sa silid nito ay isang kama na medyo malaki para sa isang tao, table, bedside table with drawers kung saan nakapatong ang lamp shade at isang maliit na banyo.Sa totoo lang mas malaki pa banyo niya kaysa sa kwarto nito."Magkano per night mo rito?" basag na tanong niya."Huwag mo ng itanong basta mura lang," nakatawang sagot nito. Naupo siya sa gilid ng kama nito. May maliit na TV pala across the bed. She thought design lang. "Maliligo lang muna ako tapos ihahatid na kita sa inyo." Nag-insist siya kanina na gusto niyang makita kung saan ang hotel nito. She wanted to know if his place was okay to stay in."Dito na ako matutulog," deklara niya.Marahas na nilingon siya ni Pier. Ibinaling niya ang tingin dito. "Hindi ka magiging komportable rito.""
"CLEAR all my schedules today," agad na utos niya sa secretary niya nang lumabas silang dalawa ni Pier mula sa private office niya. Nakasunod ito sa kanya dala ang Hermes hand bag niya. "If Papa looks for me, tell him may meeting ako sa labas.""Bagay ba sa'kin?" nakangiting tanong ni Pierce kay Lheng. He was referring to her handbag on his arm. "Magkano kaya 'to?"Natawa naman si Lheng. "Five hundred thousand po yata o one million.""Ginto ba 'to?" halos pasigaw nang tanong sa kanya ni Pier."That bag is their latest design. The diamonds intricately adorned on this bag. No, it's not as expensive as gold but it's still valuable as any jewelry.""Sinong bibili ng gan'to ka mahal?""Si Ma'am Sushi po, Sir Pierce."Tinignan niya ang dalawa. There is something off with these two. "Wait, magkakilala ba kayo?" That makes sense now. She never mentioned Pierce with Lheng nor showed her a photo of him. How come?"Ah... eh... kasi po..."
WALANG pagmamadaling naglakad sa lobby si Sushi papunta sa direksyon ng elevator.She has her cup of coffee in one hand while carrying her pastel yellow handbag on her other arm. She didn't have the energy to look for nicer clothes today. Just a simple white plunging v neck button-down tied flared sleeve blouse, that was tucked in her pastel yellow high waist bow pencil skirt. Her closed high-heeled shoes match the color of her skirt and bag.She didn't have enough sleep for the past couple of days. Plus, Pier is not answering her messages and calls. It was really frustrating. Almost two weeks na itong hindi nagpaparamdam sa kanya. In-extend lang niya ang pasensiya niya. Kilala niya si Pier, hindi siya nito bibiguin. He's not as jerk as Dion.Bumukas ang elevator. Umangat ang mukha niya sa lalaking empleyado na may gulat na ekpresyon sa mukha – not gulat, more like takot. Ilang beses na ba niya itong nakakasalubong? She couldn't count already. Kaya naalala
"I'M SORRY," hinging pasensiya niya kay Pier.Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay at ngumiti. Hinatid sila nito hanggang sa airport sa Iloilo. At hanggang ngayon ayaw pa rin kausapin ng Papa niya si Pier. Pati rin si Lolo Manuel ay medyo dismayadado sa apo nito. Naawa siya nang sobra kay Pier."Sushmita," mariing tawag sa kanya ng ama. Nasa labas pa sila ng airport. "Let's go.""Pier?""Susunod ako." Umangat ang isang kamay nito sa kanyang ulo at marahang hinaplos ang buhok niya. "Kakausapin ko ang papa mo."Yumakap siya rito. "Hihintayin kita. Tawagan mo ako.""Sushmita!"Kumalas sila sa pagkakayakap sa isa't isa. Hinubad ni Pier ang suot nitong denim jacket at ipinatong 'yon sa kanyang mga balikat."Take that with you instead."Sa sinabi nito ay hindi niya napigilan ang sariling mga luha. She will really miss him. She will missed her time in Guimaras. Lahat ng mga taong nakasama niya sa tatlong buwang pamamalagi niy
"HINDI mo na ako kailangang ihatid pauwi."Ngumiti si Pierce kay Mariel. "It's okay. Gabi naman na," sagot niya."Na miss ko si Lolo Manuel. Ang tagal niyang nawala. Halos tatlong buwan rin, 'di ba? At least nakapagpahinga siya at nakapagbakasyon..."Hindi niya maiwasang isipin si Sushi. Ang reaksyon nito kanina at ang kakaibang pananahimik nito buong araw. He's well aware of how this whole situation is making her anxious. Kilala na niya ito. She tends to overreact even on the simplest things. Marami na agad tumatakbo sa isipan nito.Pero sa pagkakataon na 'yon. Nako-control na nitong huwag mag-react sa mga bagay kahit hindi nito gusto. She may be protesting at the back of her mind but she's trying her best to reign herself from reacting out of spur that may lead to a more complicated situation.He's so proud of his girl.Come to think of it, hindi pa niya nayayakap si Sushi ngayong araw. Damn, she missed her body close to his. She missed he