TITIG na titig si Sushi sa batang babae na nakaupo sa sofa sa sala. Katabi nito ang malaking bag nito at isang lumang bag pang-eskwela. Nasa labas si Pier kasama ang ina ng bata. Kailangan daw nito na mapag-iiwanan ng bata dahil isinugod sa ospital ang asawa nito. Hindi raw pwedeng lumiban sa klase ang bata dahil exam week nito ngayon at may event sa school.
"Ang itim naman ng batang 'to – aw!" Napahawak siya sa ulo niya nang maramdaman niya ang pagbatok ng kung sino mula sa likod. Marahas na ibinaling niya ang tingin kay Pierce. She glared at him.
"Hindi sa lahat ng panahon na dapat mong isatinig ang mga opinion na nasa isip mo."
"Hindi ko naman nilakasan, duh? Ito naman masyadong sensitive."
"Kahit na, paano kung marinig ka ng bata? 'Di masasaktan mo siya?" Nakatingin sa kanila ang bata. Mabuti na lamang at sa may entrada sila ng kusina nag-uusap. "Hindi mo alam kung gaano kalakas ang mga salita, Sushi. Be cautious with whatever that comes out from your mouth, dahil madalas, kahit na bawiin natin 'yon, malaki na pala ang naging epekto nun sa buhay nila."
Napatitig siya sa mukha ni Pierce. Ito ang unang beses na naging sobrang seryoso nito. Madalas siyang pagalitan nito pero hindi naman ganoon siya naapektuhan. Pero kasi nitong mga nakaraang araw ang high blood nito saka laging pikon. And when he realized na nagagalit ito kahit sa simpleng bagay bumabalik ang dating kalmadong emosyon nito sa mukha.
Bumuntonghininga ito.
Tulad ngayon. Okay na naman ito. Mamaya niyan, kapag may nasabi na naman siyang masama, magagalit na naman 'yan.
"Well sorry," sabi na lang niya. She doesn't want to quarrel with him today. "So hanggang kailan dito ang batang 'yan?"
"Isang linggo lang naman. Wala kasing magbabantay kay Amaya. Pareho kasing dayo lang dito ang mga magulang niya. Cliché love story, nagtanan kasi parehong tinutulan ng mga magulang nila ang relasyon nila."
Sa pagkakaalam niya ay isinugod na raw sa ospital sa Iloilo ang ama ni Amaya dahil sa paglala ng ubo nito na sinabayan na nang lagnat. Kapwa katulong rin ni Pierce ang mag-asawa sa mango farm nito.
"Without thinking about their future? Masyado silang naging marupok sa sariling emosyon. Para namang mapapakain ka ng pagmamahal na 'yan."
"Sinasabi mo lang 'yan dahil hindi ka pa nagmamahal."
"Hindi ba pwedeng magmahal gamit ang puso? Hindi naman pwedeng puso lang lagi. Love when both of you are ready. Love when both of you are financially stable."
"Alam mo, 'di ko rin alam kung bakit nagiging marupok ang tao sa pagmamahal. Pero alam kong may point ka, pero masyado ka pa ring cynical pagdating sa pag-ibig. Let me tell you this, my queen. We all have our own definition of happiness. If yours sounds practical, others may lessen to simplicity; meaning, their happiness is simply by being together with the one they love inclusive with uncertainties in life. Pwede 'yong mali, pwede 'yong tama, pero we couldn't judge people by choosing the kind of happiness they want in life. Instead of pointing out their mistakes, help them to choose wiser decisions this time."
Ibinaling nito ang tingin sa bata.
"You don't need to worry. Ako ang mag-aalaga sa bata. Maglinis ka na lang ng bahay. Magwalis sa labas. Maglaba at magluto."
"I’m cool with that.”
Nakatawang ibinalik nito ang tingin sa kanya. "You seemed like you're not fond of kids."
"You got that part correct."
Tinalikuran na niya ito at umakyat sa taas. Wala siyang panahon para maging yaya ng kung sinong bata. Wala nga siyang panahon kilalanin ang mga empleyado niya, ang batang 'yon pa kaya.
That doesn't work in Sushmista's life.
"NA SAAN na ba kasi 'yang Kuya Pierce mo, ha? Gab?" Papunta na sila sa eskwelahan ni Amaya. Nagpasama na lamang siya kay Gab dahil 'di naman siya pamilayar sa lugar ng mga ito. Of course, wala siyang choice kundi ang sunduin ang bata. Lagi kasi raw itong sinusundo ng nanay nito pag-uwian. "Hindi man lang nagsasabi kung saan pumupunta."
Mabuti na lamang at nalalakad lang ang eskwelahan.
"Akala ko ho Ate Sushi nagsabi siya? Hindi ba kayo close?"
"That man is so unpredictable. Hindi ko maintindihan minsan. Hindi ba siya nagsabi kung saan siya pupunta?"
"Kasama niya si Ate Mariel, sabi may lalakarin lang raw. Mabilis nga lang daw sila e."
"May lalakarin o mag-di-date?"
"Selos ka?" panunudyo pa ni Gab sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay. Agad na naglapat ang mga labi nito. "Sorry po. Nandito na po tayo."
Inabutan niya ng bente pesos si Gab. "Bumili ka ng juice, hintayin mo kami rito. Pwede ba akong pumasok sa loob?"
Ngumiti ang binata. "Oo naman, ate. Ganda nga ng outfit n'yo e. Mukha kayong may-ari ng school."
True enough, she was wearing a dark green strappy dress na ang haba ay 2-inch lang mula sa kanyang tuhod. She matched it with her mint green strapped sandals. But usually, she'd prefer block-strapped heels with this type of outfit pero masyadong mabato ang daan, she'd rather not.
"Of course," she smirked.
Halos pinagtitinganan na siya ng mga tao roon. She didn't pay much attention to them, sanay siya na may nakasunod na mga mata sa kanya. Agad na nahanap niya si Amaya sa malaking field na nakaupo sa isang mahabang bato paharap sa mga batang nagpa-practice ng sayaw.
Humarang siya sa harap nito. Naiangat nito ang tingin sa kanya. "Let's go home, hindi na darating ang Ninong Pierce mo."
Tinitigan lang siya ng bata. Naiintindihan ba siya nito? Sa tuwing nag-uusap kasi ang mga ito, siya ang hindi nakakaintindi. She was not sure if she understands Tagalog.
"Umuwi na tayo," ulit niya, by syllable ang pagkakabigkas.
Amaya's 8, nasa grade 3 na raw. Pero madalas na tahimik ang bata at nakamasid lang. Sa totoo lang ay nagagandahan siya sa bata. Pareho nga sila ng buhok, may bangs nga lang ito. Saka medyo chubby.
Naupo siya sa tabi nito. "Ayaw mo pa bang umuwi?"
"Hindi na lang ako sasali," malungkot na basag nito.
"Sasali saan?"
Itinuro nito ang mga batang nagpa-practice ng sayaw sa harap nila. "Lagi kasi akong nagkakamali. Nakakalimutan ko 'yong steps ng sayaw. Lagi tuloy akong napapagalitan."
In-obserbahan niya ang steppings ng sayaw. Hindi naman 'yon ganoon kahirap. Well, considering na kids ang sasayaw, medyo mahirap nga 'yon. Paulit-ulit lang naman ang steps.
"It's not that hard."
"Po?"
Ibinaling niya ang tingin sa bata. "Alam mo hindi ko ugaling tumulong sa ibang tao at mag-motivate pero nati-triggered ng pagiging negative mo ang buong pagkatao ko." Inilihis niya ang saya ng dress at dinukot ang cell phone sa suot niyang denim shorts sa ilalim. Kinunan niya ng video ang mga bata. "I-vi-video natin 'to tapos magpa-practice tayo sa bahay. I hate people who easily give up without a fight.”
"SAAN ka galing?" Agad na sinalubong ni Sushi si Pierce sa labas ng bahay. "Kanina ko pa tinatawagan ang cell phone mo pero 'di ka sumasagot? Alam mo ba kung anong oras na Pierce Kyries Allede?"
"Alas syete pa lang ah," nagtatakang sagot nito. Tinignan nito ang oras sa wrist watch nito. "Kumain na ba kayo?" Napamaang siya sa sobrang manhid nito. Parang wala itong tinakasan na obligasyon sa kanila. "Si Amaya?"
"Na dapat ikaw ang susundo ay ako na lang ang sumundo. Mabuti na lang at nakita ko si Gab. Pero wala man lang akong narinig mula sa'yo?"
"Ah, oo, nasabi na nga sa'kin ni Gab. Natagalan kasi kami roon sa munisipyo saka madami kaming dinaanan. Tumawag ako kay Ate Lita kung pwede sunduin muna si Amaya –"
"Tumawag ka kay Ate Lita pero 'di ka man lang nag-call back sa mga tawag ko!"
Namilog ang mga mata nito. "Na lowbat kasi ang cell phone ko. Nakitawag lang ako kay Mariel kaso wala siyang number mo. Hindi ko rin sauludo saka ayaw kong abalahin ka sa pagsundo kay Amaya."
"Kahit na! Dapat sauludo mo ang number ko."
Napakamot ito sa noo. "Mag-aaway na naman ba tayo?"
"Hindi!" Naikuyom niya ang mga kamay. She was just making a point here. She will no longer push it. "Sinasabi ko lang na nakapagluto na ako. Tapos na kaming kumain ni Amaya. Aakyat na kami sa itaas at kumain ka mag-isa sa kusina."
'Yon lang at tinalikuran na niya ang lalaki. Pagpasok na pagpasok niya sa bahay ay agad niyang tinawag si Amaya at pinaakyat sa kwarto nila. Alam niyang nakasunod si Pierce sa kanila. Pero wala siyang pakialam.
Duh! Kesho na lowbat at hindi sauludo ang numero niya. Reasons! Reasons! Madaming pinuntahan o nakipag-date? She doesn't buy those lame reasons. She's smart enough to know the truth.
"MAMAYA na nga 'yan." Inagaw ni Pierce mula sa kanya ang hawak na bag. Inaayos niya ang laman ng bag ni Amaya. Alas singko pa lang pero gising na silang lahat. Naliligo na ang bata at tapos na ring magluto ng almusal si Pierce. "Mag-kape ka muna." Pilit siya nitong pinaupo sa hinila nitong silya para sa kanya. "Kagabi mo pa ako hindi kinikibo."
"It's not like we're always talking," aniya.
Hinawakan niya ang hawakan ng mug at hinipan ang kape.
"Alam mo ba sabi ng lolo ko. Ang away raw ay hindi dapat inuumaga. Kasi kapag tumagal lalong lalala. Kaya dapat magkabati na agad bago pa mapalitan ang araw."
Nanatili siyang tahimik. Dahan-dahan siyang sumimsim ng kape. If that's the case, dapat ito ang unang mag-sorry at hindi siya.
"So sorry, kasalanan ko nga 'yon."
"Do you expect me to forgive you immediately?"
"I'm hoping." Unti-unting sumilay ang ngiti sa mukha nito. That smile na pati mga mata nito ay ngumingiti. Umagang-umaga nakangiti na naman ito. "Sorry na," malambing nitong sabi. Nagpapa-cute pa ang loko. “Hindi ko na uulitin. Mamaya sauludo ko na number mo.” Itinaas nito ang kanang kamay. “With all my heart pa.”
Natawa siya.
“Bati na tayo?”
"Ang lamig!" Biglang lumabas ng banyo si Amaya na nakatapis ng tuwalya, nanginginig pa.
Tumayo na si Pierce at dumiretso sa lalagyan ng mga pinggan. "Bihisan muna si Amaya, queen, para makakain na tayong tatlo."
"Inuutusan mo ba ako?"
Nakangiti pa ring nilingon siya nito. "Please?"
Pigil niya ang ngiti. Masaya talaga siya kapag nanalo siya. Pero hindi niya muna ipapakita rito na pinapatawad na niya ito. Ibinaling niya ang tingin kay Amaya at inilahad ang isang kamay.
"Halika na, magbihis na tayo."
"Opo!"
"'Yong mga mock reviewers na ginawa ko nasagutan mo ba lahat kagabi?" tanong niya habang paakyat sila sa hagdan.
"Opo, tapos na po."
"I-che-check ko mamaya bago ka umalis. Sa susunod ayaw kong iniiyak-iyakan mo ako dahil lang sa 'di mo ma solve ang math problem. Hindi iniiyakan ang math. Magpaturo ka para matuto."
"Opo."
"Papanoorin kita sa dance practice mo mamaya. Galingan mo."
Hay naku, 'tong batang 'to. May nakikita siyang potential pero masyadong nega sa buhay. Kabata-bata problemado. Nati-triggered talaga siyang i-push ito para magkaroon ng confidence.
"Opo!"
"OY anong ginagawa n'yo?" Hindi maiwasang makisali ni Pierce kina Sushi at Amaya sa sala. Busy na busy ang dalawa sa paggawa ng kung ano. Katatapos lang niyang magluto ng pang-haponan nilang tatlo. "Talong ba 'yan o ube?"
"Shut up," sikmat agad sa kanya ni Sushi na focus na focus sa paggugunting ng green na kartolina. Nakasalampak ng upo ang dalawa sa sahig. Madaming nakakalat na mga art materials.
"Gumagawa po kami ng costume ko, Ninong."
"Talaga? Para saan? Para roon sa pina-practice n'yong sayaw ng Ate Sushi mo?"
Nakangiting tumango ang bata. "Ako po kasi 'yong talong."
"Ito tapos na." Idinikit ni Sushi ang isang cut out green sa itaas ng pahabang korte ng violet na cartolina. Nga naman, mas nagmukha nga 'yong talong. Matabang talong.
Hindi niya maiwasan ang mapangiti at lihim na matawa.Ito ang unang beses na nakita niyang nagkusa si Sushi na gumawa ng isang bagay na hindi nito madalas ginagawa sa ibang tao. Kahit na nangako siyang, siya ang mag-aalaga kay Amaya ay halos ito na ang tumayong ina nito. She was so passionate in playing the mother figure but she was also that scary. What amazes him most, sa halip na matakot ang bata ay giliw na giliw pa ito kay Sushi kahit na madalas itong napagsasabihan.
Siguro nga Amaya saw goodness in Sushi that most of them didn't even notice.
Pinag-connect nito ang dalawang cut out na talong gamit ng violet din na ribbon. Para na 'yong apron. Meron bilang strap sa balikat at sa baywang.
“‘By, halika ka rito." And she's now even using sweet endearment with the kid. "Isukat mo kung sakto lang."
Tumalima naman si Amaya. Napahawak sa baba si Sushi sabay pasada ng tingin sa kabuoan ng bata. "Mas maganda siguro kung may glitters ang katawan ng talong."
Malakas na natawa siya sa sinabi ni Sushi. Na-i-imagine na niya ang shinning shimmering eggplant costume na gawa ng isang Sushmita Costales.
"What?" She threw a death glare at him.
God, hindi ko alam kung matatawa ako o maawa kay Amaya na magsusuot ng kumikinang na talong. Halata naman sa mukha ng bata na wala itong maintindihan.
"Sush, just let it be. Hindi kumikinang ang talong, okay? Give it a rest."
"Pero masyadong boring ang costume."
"Just don't," pinal niyang sabi. Hindi pa rin maalis ang amusement niya sa mukha. Why does she have to be this annoyingly adorable? Damn it, Pierce! "Tama na 'yan. Kumain na muna tayo bago lumamig ang sabaw."
"Hindi ba talaga pwedeng lagyan ng glitters?"
"Hindi nga pwede." Hinawakan na niya ito sa magkabilang-balikat dahil panay pa rin ang tingin nito sa costume na hinubad na ni Amaya. Hinila na niya ito papunta sa mesa. "Huwag nang makulit."
"Pero –"
"Sushi!"
"Fine!" she groaned.
"PIER!"Nilingon siya ni Pierce, naglalaba ito sa likod bahay, sa may bomba ng tubig.Actually, ngayon lang siya nakakita ng lalaking nakaupo na naglalaba. Usually, men just shove their clothes inside a washing machine and then wait for it to be done. No effort is done, but Pierce is different. Lahat yata ng ginagawa nito ay may hard work lagi. Mamamatay yata ito na hindi pinaghihirapan ang isang bagay."Bakit?""You seem busy. Anyway, mamaya pa naman.""Ano 'yon?" Patuloy pa rin ito sa pagkukuskos ng damit nito. "Patapos naman na ako. Babanlawan ko na lang ang mga 'to."Lulunukin na talaga niya ang sariling pride. She wanted to do something for Amaya. A little reward for her effort. Okay, this is not something she does on a normal day, but she feels like, she has to really reward her effort in school. The kid deserves it at alam niyang it would motivate her more."Papasama sana ako sa'yo sa palengke. Bibili ako ng manok, gagawin kong
ANG kaninang kunot nang noo ni Sushi ay lalo lamang kumunot. Isang green mango pa lang ang nababalatan niya. No, she's not even halfway done with her mango. But Amaya's jarring professional mango peeling skills made her jaw drop. Her competitiveness is once again put to the test."How do you do that?""Po?""Bakit ang dali para sa'yong balatan 'tong mangga?"Naka-tatlo na ito. Si Pier naman kain nang kain sa nabalatan nang mangga. Nasa labas sila ng bahay, nakaupo sa mahabang kawayang upuan sa ilalim ng isang puno."Madali lang po 'tong gawin, Ate Sushi.” Ipinakita nito kung paano nito hawakan ang kutsilyo at mangga. Ginaya niya rin. "Hawakan n'yo lang po nang maayos ang kutsilyo saka huwag po kayong matakot na masugatan. Basta malayo 'yong mga daliri n'yo po kapag nag-sa-slice kayo."Napansin niyang nakadantay rin sa itaas ng blade ang daliri nito. Kanina pa niya iniisip kung nasasaktan ba ito o hindi. Hindi siya humawak doon dahil bl
FROM Guisi Lighthouse they've visited other tourist spots. It's not a lot, pero na-e-enjoy niya ang lugar kahit sa simpleng road trip lang ang ginawa nilang dalawa ni Pier. Napaka-simple lamang ng pamumuhay ng mga tao roon. Malayo sa malalaking gusali ng Maynila. Ni wala ngang polusyon. Malinis na malinis ang nalalanghap niyang hangin.It was such a beautiful day. The sun is up with a purpose. The blue waters glisten like little diamonds under each boat that sails. The trees are warmly green. The heat of the sun radiates; making everything around her crafted in perfection. Napapangiti siya sa tuwing tumatama ang mabining hangin sa kanyang pisngi."Oh!" Bigla siyang napakapit nang husto sa baywang ni Pierce nang lalo nitong binilisan ang pagpapatakbo ng motor. "Ano ba?!" sita niya rito. "Wala ka namang kalaban sa daan!""Ang luwag-luwag kasi ng pagkakapit mo. Effective naman e. Humigpit," nakasigaw na sagot nito sabay tawa."Manyak ka talaga!""Ayok
MALAKAS ang buhos ng ulan sa labas. Naghuhugas ng plato si Sushi habang hinihintay na makabalik si Pierce. Tinawag kasi ito ni Kuya Bert kanina, nagpapatulong dahil mukhang hahagipin na nang malakas na hangin ang bubong ng bahay ng mga ito.Sumilip siya sa bintana na malapit sa sink counter. Ang lakas ng hampas ng hangin sa mga puno. Tila hahaklitin pa yata ang yero ng bahay. Pero sabi naman ni Pierce ay matibay 'yon kaya 'di na rin siya masyadong nag-aalala.This is the very first time na naramdaman niya ang isang bagyo. Away from the comfort and security of her well built mansion. Kinakabahan siya sa tuwing naririnig niya ang tunog ng yero at ang malakas na paghampas ng kung ano sa mga bintana."God, protect this place," she silently prayed.Signal number two ang Guimaras sa bagyo. Kaya nga agad na nag-imbak si Pierce ng pagkain para sa kanila – good for a couple of days. Naging busy rin ito sa plantasyon ng mangga dahil tiyak apektado ang mga pun
"OKAY lang kami, Lolo. Huwag kang mag-aalala sa'min. Sushi is fine. I'm –" Inagaw ni Sushi mula kay Pierce ang cell phone."Lolo, he's not fine!" dugtong niya. Nanggigil na pinanlakihan siya nito ng mga mata. She raised an eyebrow and smirk. "Nagpaka-hero na naman po ang apo ninyo.""Pierce!" She put him in a loudspeaker. "Ano na namang nangyari sa'yo?"Napakamot sa noo si Pierce. "Konting galos lang po.""Galos lang?""A broken arm," sagot niya para rito."Diskyateng bata ka! Bubong o puno naman ngayon?" O, so madalas pala talagang naaksidente ito?"Bubong po, Lolo." Naglapat ang mga labi nito.It's kind of weird but his vulnerable reactions after he was exposed amuses her. Para itong batang umaamin. Who would have thought na may ganoong side pala ito? Lolo lang pala ang katapat ng isang Pierce Kyries Allede."Ipatingin mo 'yan sa doktor agad.""Opo.""Sige na, tatawag ulit ako. Sushi, hija, ikaw na
"NASAKTAN na siya. Susugal pa kaya siya sa'kin?"Nagtama ang mga mata nila. Hindi naman siya tanga. She's claiming it. Lahat ng mga parinig nito ay mukhang para sa kanya talaga."Do you like me?"Halatang natagilin ito sa naging tanong niya. Even the color of his light brown eyes shifted from light to darker. Suddenly she felt his uneasiness. Guilt flashed through his eyes."Gusto mo ba ako Pierce?" ulit niya.Napansin niya ang pagbaba at pagtaas ng adam's apple nito. Mayamaya pa ay bigla itong bumuntonghininga. Ibinaling nito sa hawak na supot ng marshmallow ang mga mata."As if I have a chance with you," amin nito sa mababang boses. Ramdam niya ang dismaya at lungkot sa boses nito."Kailan pa?" manghang tanong niya.It's weird. Tila nagsasaya pa ang puso niya na malaman na may gusto si Pierce sa kanya. Their love and hate relationship was toxic to start with. And honestly, she never really thought, Pierce, will be fond of her
INILAPAG ni Pierce ang tasa ng kape na tinimpla nito para sa kanya. He sat down beside her and sip on his own cup of coffee. Halatang nakangiti ito habang umiinom. Natatakpan lang ng tasa.Pinaningkitan niya ito ng mga mata."What?!" basag niya.Nagpipigil talaga ito nang malaking ngiti. Halatang-halata kasi lumulubo ang pisngi nito. She find it very cute of him."Hindi lang ako makapaniwala na girlfriend na kita," sagot nito."Ako rin, 'di ko in-expect na magkakagusto ako sa isang dukha." She suppressed a smile. She meant it as a joke, of course. Kahit na ano pa man ang trabaho ni Pierce. Tanggap niya 'yon nang buong puso.Napamaang ito. Bahagyang ipinihit ang katawan sa direksyon niya. "Grabe naman 'to.""You're my poor charming," bawi niya na may ngiti."So kailan mo pa na realize na mahal mo na ako?" Hinila nito palapit ang silya lalo sa kanya. Kumunot ang noo niya rito. Para itong batang sabik makarinig ng bedt
"HINDI pala kumakanta ah?"Tawang-tawa pa rin siya. Nag-enjoy talaga siya sa birthday ni Kuya Bert. Hindi lang sa isang kanta natapos ang lahat. Nasundan pa 'yon ng limang kanta. 'Yong isa duet na sila ni Kuya Bert.Pauwi na sila ni Pierce sa bahay. Tahimik na ang buong paligid dahil alas onse na nang gabi. Malamig na rin ang simoy ng hangin. Iba talaga ang gabi sa probinsiya. Sobrang presko at masarap sa pakiramdam. Walang halong polusyon."Magpapabili ako nun," aniya. Magkaagapay silang naglalakad ni Pierce. "Papalitan ko 'yong boring naming karaoke set sa bahay nung maiangay na karaoke machine na nirentahan ni Kuya Bert." Hindi maalis ang ngiti niya sa mukha."Out of place 'yon sa bahay n'yo.""I don't mind though." Masayang napabuga siya ng hangin. "Ngayon lang ulit ako nag-enjoy sa mga ganoong salo-salo. I realized na boring pala ang mga gatherings ng mga mayayaman." She glances at him. "Mas masaya kapag kasama mo lang 'yong mga taong na-a-app
YEARS PASSED but their love for each other is still as sweet as how she remembered it eight years ago. Sa walong taon na 'yon, bumuo sila ng pamilya ni Pier. She supported Pier's dreams. And she felt the love and support from her husband as well. His patience for her is what she admires of him the most.He was still the same Pierce Kyries Allede. The same poor charming whom she fell in love with because of his genuine heart and smile.Naging successful ang Lokal Delicacies na ni launch ng mga ito 3 years ago. Her father was so proud of Pier. Humanga ang mga board of directors sa galing at kasipagan ni Pier. Imagine, running Costales and his mango plantation in Guimaras simultaneously? Even herself, she couldn't help but be proud of her husband's achievements in just a span of 8 years.May sarili na ring factory si Pier sa Guimaras. Madalas pa rin itong dumadalaw sa Guimaras kahit na may mga pinakakatiwalaan na itong mga tao habang wala ito roon. Si Kuya Bert ang
HINDI pa nag-si-sink-in lahat sa isip ni Sushi. Pier is here. And now, he's telling her na ito ang lalaking pinili ng ama niya para sa kanya? My god! Was everything planned by her father? Nagpaka-cupid ba ang ama niya?Bigla siyang nahilo sa dami nang mga pumapasok na scenario sa isip niya. She needed answers. Kailangan niyang kausapin ang ama. Like now na!"Where's Lemuel Andres Costales?" Kumalas siya sa pagkakayakap kay Pier. Marahas na hinubad niya ang maskara at hinanap sa paligid ang ama.Hinubad din ni Pier ang sariling maskara. "Sushi!"Bago paman siya makaalis ay natuon ang spotlight sa kanilang dalawa ni Pier. Namatay ang music at halos ng mga tao ay napatingin sa kanila. What the hell is happening?"As we celebrate the 41stFounding Anniversary of Costales," boses 'yon ng kanyang ama. Naibaling niya ang tingin sa makeshift stage sa harap. It was designed like a royal throne. Nakatayo ang ama roon. "I would also like to share my sour
KANINA pa masama ang pakiramdam ni Sushi. This should be a special day for everyone but none of it mattered to her now. She doesn't have the energy to pull herself up for tonight's founding anniversary of Costales.She's too heartbroken to even convince herself to smile.Nasa sariling silid siya habang nakaupo sa window seat - nakatingin sa hardin ng mansion nila.The house she used to call her palace is now a prison to her. Her father had locked her down in her room. No cell phones. No internet. Everything was taken down by her father. She hasn't heard of Pier ever since his last message to her.Napangiti siya nang mapait at niyakap nang husto ang nakatiklop niyang mga binti mula sa kanyang dibdib.I guess, he did give up on me this time.Tears welled up in her eyes. Ramdam niya ang paninikip ng dibdib sa kanina pa niyang pagpipigil ng mga luha. She has been crying for days already. Nobody in this house understands her pain - her t
TUMIGIL si Sushi sa paglalakad nang makita ang ama sa lobby. Nasa second floor siya at kita niya mula roon ang pagpasok ng ama. Pati ang assistant niya ay napatingin din sa tinitignan niya. May kasama itong matangkad na lalaki na sa tingin niya ay kasing edad lang din ni Pier.The man was wearing a dark gray suit. Kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang angking karisma at kagwapohan nito. He look foreign lalo na't asul ang mga mata nito. Sino ang kasama ng papa niya?"Ang gwapo," narinig niyang komento ni Lheng.Hindi niya pinansin ang sinabi nito at nagpatuloy sila sa paglalakad. Agad na sumunod ang sekretarya sa kanya."Lheng.""Yes po, ma'am.""Alamin mo kung sino ang lalaking kasama ng papa ko.""Yes po, ma'am.""HE'S Iesus Cloudio de Dios from deDios Real Estate Property o mas kilala as dDLand," imporma sa kanya ni Lheng.Yes, she's familiar with deDios Real Estate. Sa naalala niya ay
NAIGALA niya ang tingin sa maliit na kwarto ni Pier. He's staying in a travel inn na hindi siya pamilyar. The room looks clean enough with minimal interior designs and furniture. Ang meron lang yata sa silid nito ay isang kama na medyo malaki para sa isang tao, table, bedside table with drawers kung saan nakapatong ang lamp shade at isang maliit na banyo.Sa totoo lang mas malaki pa banyo niya kaysa sa kwarto nito."Magkano per night mo rito?" basag na tanong niya."Huwag mo ng itanong basta mura lang," nakatawang sagot nito. Naupo siya sa gilid ng kama nito. May maliit na TV pala across the bed. She thought design lang. "Maliligo lang muna ako tapos ihahatid na kita sa inyo." Nag-insist siya kanina na gusto niyang makita kung saan ang hotel nito. She wanted to know if his place was okay to stay in."Dito na ako matutulog," deklara niya.Marahas na nilingon siya ni Pier. Ibinaling niya ang tingin dito. "Hindi ka magiging komportable rito.""
"CLEAR all my schedules today," agad na utos niya sa secretary niya nang lumabas silang dalawa ni Pier mula sa private office niya. Nakasunod ito sa kanya dala ang Hermes hand bag niya. "If Papa looks for me, tell him may meeting ako sa labas.""Bagay ba sa'kin?" nakangiting tanong ni Pierce kay Lheng. He was referring to her handbag on his arm. "Magkano kaya 'to?"Natawa naman si Lheng. "Five hundred thousand po yata o one million.""Ginto ba 'to?" halos pasigaw nang tanong sa kanya ni Pier."That bag is their latest design. The diamonds intricately adorned on this bag. No, it's not as expensive as gold but it's still valuable as any jewelry.""Sinong bibili ng gan'to ka mahal?""Si Ma'am Sushi po, Sir Pierce."Tinignan niya ang dalawa. There is something off with these two. "Wait, magkakilala ba kayo?" That makes sense now. She never mentioned Pierce with Lheng nor showed her a photo of him. How come?"Ah... eh... kasi po..."
WALANG pagmamadaling naglakad sa lobby si Sushi papunta sa direksyon ng elevator.She has her cup of coffee in one hand while carrying her pastel yellow handbag on her other arm. She didn't have the energy to look for nicer clothes today. Just a simple white plunging v neck button-down tied flared sleeve blouse, that was tucked in her pastel yellow high waist bow pencil skirt. Her closed high-heeled shoes match the color of her skirt and bag.She didn't have enough sleep for the past couple of days. Plus, Pier is not answering her messages and calls. It was really frustrating. Almost two weeks na itong hindi nagpaparamdam sa kanya. In-extend lang niya ang pasensiya niya. Kilala niya si Pier, hindi siya nito bibiguin. He's not as jerk as Dion.Bumukas ang elevator. Umangat ang mukha niya sa lalaking empleyado na may gulat na ekpresyon sa mukha – not gulat, more like takot. Ilang beses na ba niya itong nakakasalubong? She couldn't count already. Kaya naalala
"I'M SORRY," hinging pasensiya niya kay Pier.Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay at ngumiti. Hinatid sila nito hanggang sa airport sa Iloilo. At hanggang ngayon ayaw pa rin kausapin ng Papa niya si Pier. Pati rin si Lolo Manuel ay medyo dismayadado sa apo nito. Naawa siya nang sobra kay Pier."Sushmita," mariing tawag sa kanya ng ama. Nasa labas pa sila ng airport. "Let's go.""Pier?""Susunod ako." Umangat ang isang kamay nito sa kanyang ulo at marahang hinaplos ang buhok niya. "Kakausapin ko ang papa mo."Yumakap siya rito. "Hihintayin kita. Tawagan mo ako.""Sushmita!"Kumalas sila sa pagkakayakap sa isa't isa. Hinubad ni Pier ang suot nitong denim jacket at ipinatong 'yon sa kanyang mga balikat."Take that with you instead."Sa sinabi nito ay hindi niya napigilan ang sariling mga luha. She will really miss him. She will missed her time in Guimaras. Lahat ng mga taong nakasama niya sa tatlong buwang pamamalagi niy
"HINDI mo na ako kailangang ihatid pauwi."Ngumiti si Pierce kay Mariel. "It's okay. Gabi naman na," sagot niya."Na miss ko si Lolo Manuel. Ang tagal niyang nawala. Halos tatlong buwan rin, 'di ba? At least nakapagpahinga siya at nakapagbakasyon..."Hindi niya maiwasang isipin si Sushi. Ang reaksyon nito kanina at ang kakaibang pananahimik nito buong araw. He's well aware of how this whole situation is making her anxious. Kilala na niya ito. She tends to overreact even on the simplest things. Marami na agad tumatakbo sa isipan nito.Pero sa pagkakataon na 'yon. Nako-control na nitong huwag mag-react sa mga bagay kahit hindi nito gusto. She may be protesting at the back of her mind but she's trying her best to reign herself from reacting out of spur that may lead to a more complicated situation.He's so proud of his girl.Come to think of it, hindi pa niya nayayakap si Sushi ngayong araw. Damn, she missed her body close to his. She missed he