SUNDAY, nagsimba sila Pierce at Sushi. At ang lalaki, akala mo kakandidatong mayor. Kung makapakilala sa kanya para siya nitong first lady. Halos lahat nang mga um-attend sa misa ay kilala si Pier. Ilang kamay na ba ang nahawakan niya nang mga oras na 'yon? Sa sobrang dami, she lost count already.
Pagkatapos sa simbahan ay dumiretso sila sa palengke. It's just a walking distance from the church. Mainit kaya nag-payong siya. She didn't bother sharing the umbrella with Pier. Makapal naman balat nito. He has more melanin. He can take care of himself.
"So ito ang palengke," nakangiting hinarap siya nito, nakumuwestra ang isang kamay sa entrada ng wet market.
"Mamalengke ba tayo o mag-to-tour-guide ka?" pabalang na tanong niya.
"O, chill, kakasimba pa nga lang natin high blood ka na naman. Ibaba ang dugo. Sayang ang ganda mo kung bubusangot ka na naman."
"Maganda naman talaga ang umaga ko pero kapag nakikita ka nabubwesit talaga ako." Tinawanan lang siya nito. Right, the typical reaction she gets from a typical man like him. Ano pa bang bago? "Halika na, mamalengke na tayo at nang makauwi na. I don't want to stay long under this freaking heat of the sun." She walks past him.
Agad na sumunod ito at umagapay sa kanya.
"Marunong ka bang mamalengke?"
"As long as you have money, then you'll be fine."
"What about the quality of your goods?"
"Alam mo ang kaibihan ng pamamalengke sa pag-go-grocery, Pier?"
"Ano?"
"Aircon, 'yon lang ang kaibihan. Don't exaggerate things, okay? I may have born with a silver platter and maids assisting my everyday life but that doesn't mean I'm a brainless señorita who couldn't survive in a commoner life. Hindi ako damsel in distress. Pwede mo akong turuan, but don't treat me like a pain in the ass."
"Um-accept ka ba ng sorry sa mga oras na 'to?"
"You're forgiven."
Lumapad ang ngiti ni Pier. "Thanks!” Tinalikuran na siya nito. "May salad kaya sila rito? Hindi ba gusto mo 'yon? 'Yong puro dahon lang."
"Ceasar Salad 'yon."
"Asawa ba niya si Fruit Salad?" nakangising lingon nito sa kanya.
She can't help but roll her eyes at him. "I hate your lame jokes, Pier." Tawang-tawa na nagsimula na itong maglakad.
Sumunod siya rito.
"Hindi ako titigil hanggat hindi kita napapatawa."
"In your dreams."
"Ang hirap naman hulihin ng saya mo."
"It takes more effort and hard work."
"Sush, kapag may nagbigay sa'yo ng isda, alam mo ang tamang pagsagot?"
"Of course, thank you."
"Mali, dapat ganito." May nadaanan silang stante ng isda. Kumuha ito ng isang isda. Namilog ang mga mata nito na tila ba binigyan ito ng regalo ng kung sino. "Oh my gosh, isda for me?"
Itinaas niya ang isang kamao kay Pier. "Isa pang hirit Pierce Kyries at didiretso 'tong kamao ko sa'yo."
Nanlulumong ibinalik nito ang isda. "Pierce Kyries, zero."
BUONG maghapon yatang walang ginagawa si Sushi. Naka ilang lipat na siya ng puwesto sa bahay. Kanina nakahilata siya sa kama niya sa itaas. Bumaba siya sa sala nang ma-bored at nanood ng palabas sa telebisyon. Ngayon nasa mesa siya sa kusina, nakakatitig sa mga mangga sa basket na iniwan doon ni Pier.
Nangulumbaba siya habang titig na titig sa mga dilaw nang mangga. Napakurap-kurap at minsan ay napapabuntonghiningi. She's really bored. Wala siyang magawa. Wala pang internet. Masyadong mabagal ang oras sa lugar na ito.
Humugot siya nang malalim na paghinga at bumuntonghininga.
"Mangga, mangga, hinog ka na ba?" kanta niya sa kawalan.
"Oo, oo, hinog na ako."
Nanlaki ang mga mata niya nang may baritonong boses na sumagot sa kanya. Agad niyang naiangat ang mukha kay Pier. Sumilay ang isang ngiti sa madungis nitong mukha. She was not sure if it's charcoal powder or grasa.
Nakahantad sa kanya ang maganda nitong katawan dahil ang lalaki walang suot na pang-itaas. May white towel itong nakasampay sa isang balikat. Naka cargo short lang ito at tsinelas. He was sweating but he didn't smell awful. That's weird.
"Anong trip 'yan Sushi?" natatawang tanong nito, dumiretso ito sa water dispenser dala ang walang lamang pitsel. "Kinakausap mo na ngayon ang mga mangga?"
"Ano na namang ginagawa mo at mukha ka na namang taong grasa?" pag-iiba niya.
"Taong grasa talaga?" Bumalik ito para ilapag ang pitsel ng tubig sa harap niya. May hawak na itong baso at kasulukuyang inuubos ang laman nun. "Inaayos ko ang jeep. Tumirik kasi nang sunduin ko kanina si Mang Bert. Buti na lang nasa malapit na kami."
"Ang luma na ng jeep mo, bakit 'di ka na lang bumili ng bago?"
"Nice suggestion, queen, but no, hanggat naayos pa 'yan, kaya 'yan."
"Will it assure your safety?"
"Concern ka ba sa'kin?" Mapanuksong nginitian siya nito. "Pwede naman akong mag-ingat para 'di ka mag-alala."
Tinaasan niya ito ng isang kilay. "As if?!"
"You know you can like me, Sush. I don't mind."
"I have a taste aversion of your likes."
"Pero hindi ako isang pagkain na nakakain. Paano mo nasasabing nakakawalang gana ako?" Parang bata na marahan nitong hinaplos ang buhok niya. "Queen, wala bang snacks diyan?"
"You're touching me again,” asik niya.
"Ang buhok mo lang, that doesn't count." Hinawakan siya nito sa magkabilang-balikat at pilit na pinatayo. Darn, this man could really be so bossy. She hates it. Hindi niya gustong inuutusan. She's always the boss. "Bored ka 'di ba? I have a suggestion. Bakit 'di mo ako ipaghanda ng snacks?"
"That's nice! I also have a suggestion. Try mong huwag mag-snacks."
Natawa lang ito at naniningkit ang mga mata na pinisil nito ang pisngi niya, but to her dismay and astonishment, it wasn't just a gentle pinch. It was a pinch of a devil! Pinanggigilan nito ang pisngi niya. Fudge!
Hinawakan niya ang magkabilang kamay nito. "Pierce!"
"Ka tig-a gyud sa ulo mo." Binitiwan na siya nito. "Kung magpakabo-ot ka lang, palangga-on ta gid ka." Umasim lang ang mukha niya. Wala siyang maintindihan ni isa.
"Pasalamat ka hindi kita naiintindihan."
"Salamat," nakangisi nitong sagot.
"Argh!" Tinalikuran na niya ito at umakyat sa itaas. "Wala bang matinong tao sa bahay na ito?!"
"Pwede ko bang i-suggest ang sarili ko?!"
"KUMUSTA naman kayo ni Sushi, apo?" tanong ng Lolo Manuel ni Pierce sa kabilang linya. Lumabas siya ng bahay para makakuha nang magandang signal. Inangat niya ang tingin sa ikalawang palapag ng bahay. Bukas pa ang bintana ng silid ni Sushi. "Maayos naman ba kayo riyan?"
"Napaka-maldita ng babaeng 'yon." Pero hindi niya pa rin mapigilan ang ngiti. The woman was stressing him out big time pero hindi matinding inis ang nararamdaman dito. He was more amused than annoyed. "She looked innocent but deadly."
"O, baka ma-in-love ka kay Sushi?" tudyo pa ng matanda.
"I'm out of her league, Lo. Hindi kami pwede. Langit siya, lupa ako. Hindi rin ako ang type niya. Hindi ko maibibigay ang buhay na nakasanayan niya kung sakali man."
"Masyado mong minamaliit ang sarili mo, apo. Walang perang katumbas ang kasiyahan ng tao, gayun din sa pagmamahal." Bumuntonghininga ito sa kabilang linya. "Pero mas mabuti na rin 'yon dahil may binata nang napili si Lemuel para sa nag-iisa niyang anak."
"Anong ibig mong sabihin, Lo?"
"Sa pagbalik ni Sushi sa Maynila. Ipapakilala na rin ng ama niya ang lalaking pakakasalan niya."
Ilang segundo siyang natahimik.
Hindi niya alam kung bakit nakadama siya ng pagkadismaya at lungkot. He didn't really like the idea of Sushi marrying another man. Mabigat sa loob niya.
"I guess, arranged marriage works well for them,” sa wakas ay sagot niya na may tipid na ngiti.
"Siguro nga," sang-ayon ng lolo niya.
Pero ano namang magagawa niya? His task was only to teach Sushi to live a simple life. Hindi kasama roon ang bumuo ng love story kasama nito.
"Sige na apo, magpapahinga na ako rito. Matulog ka na rin."
"Sige, Lo, mag-ingat ka riyan."
Pagbaba niya ng tawag ay muli niyang naiangat ang tingin sa direksyon ng bintana ni Sushi. Patay na ang ilaw. Mukhang natutulog na ang dalaga. Ibinulsa niya ang cell phone at bumuga ng hangin.
"Itulog mo na 'yan, Pierce. Antok lang 'yan."
PABALING-BALING sa higaan si Sushi. Hindi siya makatulog. Ang sakit ng tiyan niya, punong-puno ng hangin. Ilang beses siyang pumasok sa banyo pero wala naman siyang mailabas. Nahihirapan tuloy siyang makatulog.
Narinig niya ang mga yabag ng paa na paakyat sa itaas. Alam niyang si Pierce 'yon. Bumaba siya ng kama para buksan ang pinto. Nagulat at natigilan ito nang makita siyang lumabas.
"Ang sakit ng tiyan ko," pag-amin niya.
Bumukas agad ang pag-aalala sa mukha nito.
"Ano bang kinain mo kanina? Nagbawas ka ba?" malumanay nitong tanong.
Inasahan niya ang pabalang na sagot nito pero hindi 'yon nangyari.
"Hindi ko nga mailabas." Yakap-yakap niya ang tiyan. Ang sama talaga ng pakiramdam niya. "I think I have indigestion. Napuno rin yata ng hangin ang tiyan ko."
"Pumasok ka sa loob,” utos nito. “Hintayin mo ako, may kukunin lang ako."
Tumalima siya at hinintay ito sa loob ng kwarto niya. Haplos-haplos niya ang tiyan para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Hindi naman ito natagalan. Pagbalik nito ay may dala itong efficascent oil.
Naupo ito sa gilid ng kama.
"'Yan kasi, puro ka crop top kaya nahahanginan 'yang tiyan mo."
"Mainit kasi e."
Akmang hahawakan siya nito nang bawiin nito ang kamay. Sabay na naingat nila ang tingin sa isa't isa.
"Hindi nga pala kita pwedeng hawakan nang hindi humingi ng pahintulot."
"For Pete's sake, Pierce, just touch me!" inis na sagot niya.
Umangat ang gilid ng labi nito, he seemed like he was suppressing a smile. But she didn't pay much attention to it. He's always smiling anyway.
"Humiga ka," utos nito, "patihaya."
Sinunod niya ang utos nito. "Then?" Nahigit niya ang hininga nang itaas nito ang suot niyang blouse. Napahawak siya sa kamay nito para pigilan ito sa ano mang gagawin nito. "What the hell are you doing?" sikmat niya.
"Itinataas ko lang ang damit mo. Hindi naman kita huhubaran. Relax, queen."
She let go of his hand. Hindi naman talaga nito tinaas nang sobra ang blouse niya. Inangat lang nito nang bahagya. Napalunok siya nang maramdaman ang init sa magaspang nitong kamay sa impis niyang tiyan. Para siyang nasilihan. It brought a weird feeling in her out most cores.
Kumakabog nang mabilis ang puso niya sa tuwing nararamdaman ang pagdiin ng palad nito sa kanyang tiyan. Tila ba may kinakapa ito.
"Na utot mo na ba 'to?"
Napangiwi siya sa naging tanong nito. That's one of the most embarrassing questions in the world. Did he expect her to answer him casually?
"H-Hindi," mahina niyang sagot.
Binuksan nito ang efficascent oil at nilagyan ang kamay saka ipinahid 'yon sa kanyang tiyan. Agad na naramdaman niya ang pinaghalong anghang at lamig sa kanyang tiyan. Amazingly, it made her a bit better.
May diin at pag-iingat ang bawat haplos nito sa kanyang tiyan. Tila alam na alam nito ang ginagawa. Hindi niya maiwasang mapatitig sa seryoso nitong mukha. She suddenly felt grateful having Pierce on her side. Which she doesn't often feel towards other people.
Ibinaba nitong muli ang blouse niya nang matapos ito.
"Dumapa ka." Inabot nito ang isang unan para mahilig niya ang pisngi roon nang dumapa siya. Itinaas rin nito ang kumot sa katawan niya. "Kumusta pakiramdam mo?" nabosesan niya ulit ang lambing sa boses nito.
"Medyo, okay na. Thanks."
Inabot nito ang isa niyang kamay at pinisil nang mariin ang gitna ng hinlalaki at hintuturo niya.
"Kapag nagkaka-indigestion ako nilalagyan lang ng efficascent oil ni Lolo ang tiyan ko at padadapain. Tapos pipisil-pisilin niya ako rito."
"Effective ba?"
Ngumiti ito. "Oo, nauutot na ako pagkatapos. 'Yong malakas na malakas. Minsan mabaho. Minsan hindi." Pagkatapos ay natawa ito. "Mamaya rin makakautot ka na." Diinan pa nito ang pagpisil sa kamay niya.
Sa gulat niya ay malakas na nautot siya.
"Oh, hayan na! Lumabas na."
Naisubsob niya ang mukha sa unan. Nakakahiya! Talagang umutot siya sa harap ni Pierce. Dios ko, lamunin nawa siya ng kalupaan.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Pier sa tabi niya. "Don't worry, queen. Hindi ito makakalabas sa media."
Marahas na ibinaling niya ang tingin rito. "Shut up! I have already embarrassed myself with you."
"Gusto mo panagutan kita?"
"You're enjoying this, aren't you?"
Ginulo nito ang buhok niya. "I'm not, huwag kang masyadong paranoid. Kapag nag-asawa ka na. Kahit araw-araw ka pang umutot sa harap niya, okay lang 'yan. Parte 'yan ng pagmamahal."
Tumayo na ito at tinalikuran siya.
"Matulog ka na."
"Thanks."
"You're welcome, queen."
TITIG na titig si Sushi sa batang babae na nakaupo sa sofa sa sala. Katabi nito ang malaking bag nito at isang lumang bag pang-eskwela. Nasa labas si Pier kasama ang ina ng bata. Kailangan daw nito na mapag-iiwanan ng bata dahil isinugod sa ospital ang asawa nito. Hindi raw pwedeng lumiban sa klase ang bata dahil exam week nito ngayon at may event sa school."Ang itim naman ng batang 'to – aw!" Napahawak siya sa ulo niya nang maramdaman niya ang pagbatok ng kung sino mula sa likod. Marahas na ibinaling niya ang tingin kay Pierce. She glared at him."Hindi sa lahat ng panahon na dapat mong isatinig ang mga opinion na nasa isip mo.""Hindi ko naman nilakasan, duh? Ito naman masyadong sensitive.""Kahit na, paano kung marinig ka ng bata? 'Di masasaktan mo siya?" Nakatingin sa kanila ang bata. Mabuti na lamang at sa may entrada sila ng kusina nag-uusap. "Hindi mo alam kung gaano kalakas ang mga salita, Sushi. Be cautious with whatever that comes out fro
"PIER!"Nilingon siya ni Pierce, naglalaba ito sa likod bahay, sa may bomba ng tubig.Actually, ngayon lang siya nakakita ng lalaking nakaupo na naglalaba. Usually, men just shove their clothes inside a washing machine and then wait for it to be done. No effort is done, but Pierce is different. Lahat yata ng ginagawa nito ay may hard work lagi. Mamamatay yata ito na hindi pinaghihirapan ang isang bagay."Bakit?""You seem busy. Anyway, mamaya pa naman.""Ano 'yon?" Patuloy pa rin ito sa pagkukuskos ng damit nito. "Patapos naman na ako. Babanlawan ko na lang ang mga 'to."Lulunukin na talaga niya ang sariling pride. She wanted to do something for Amaya. A little reward for her effort. Okay, this is not something she does on a normal day, but she feels like, she has to really reward her effort in school. The kid deserves it at alam niyang it would motivate her more."Papasama sana ako sa'yo sa palengke. Bibili ako ng manok, gagawin kong
ANG kaninang kunot nang noo ni Sushi ay lalo lamang kumunot. Isang green mango pa lang ang nababalatan niya. No, she's not even halfway done with her mango. But Amaya's jarring professional mango peeling skills made her jaw drop. Her competitiveness is once again put to the test."How do you do that?""Po?""Bakit ang dali para sa'yong balatan 'tong mangga?"Naka-tatlo na ito. Si Pier naman kain nang kain sa nabalatan nang mangga. Nasa labas sila ng bahay, nakaupo sa mahabang kawayang upuan sa ilalim ng isang puno."Madali lang po 'tong gawin, Ate Sushi.” Ipinakita nito kung paano nito hawakan ang kutsilyo at mangga. Ginaya niya rin. "Hawakan n'yo lang po nang maayos ang kutsilyo saka huwag po kayong matakot na masugatan. Basta malayo 'yong mga daliri n'yo po kapag nag-sa-slice kayo."Napansin niyang nakadantay rin sa itaas ng blade ang daliri nito. Kanina pa niya iniisip kung nasasaktan ba ito o hindi. Hindi siya humawak doon dahil bl
FROM Guisi Lighthouse they've visited other tourist spots. It's not a lot, pero na-e-enjoy niya ang lugar kahit sa simpleng road trip lang ang ginawa nilang dalawa ni Pier. Napaka-simple lamang ng pamumuhay ng mga tao roon. Malayo sa malalaking gusali ng Maynila. Ni wala ngang polusyon. Malinis na malinis ang nalalanghap niyang hangin.It was such a beautiful day. The sun is up with a purpose. The blue waters glisten like little diamonds under each boat that sails. The trees are warmly green. The heat of the sun radiates; making everything around her crafted in perfection. Napapangiti siya sa tuwing tumatama ang mabining hangin sa kanyang pisngi."Oh!" Bigla siyang napakapit nang husto sa baywang ni Pierce nang lalo nitong binilisan ang pagpapatakbo ng motor. "Ano ba?!" sita niya rito. "Wala ka namang kalaban sa daan!""Ang luwag-luwag kasi ng pagkakapit mo. Effective naman e. Humigpit," nakasigaw na sagot nito sabay tawa."Manyak ka talaga!""Ayok
MALAKAS ang buhos ng ulan sa labas. Naghuhugas ng plato si Sushi habang hinihintay na makabalik si Pierce. Tinawag kasi ito ni Kuya Bert kanina, nagpapatulong dahil mukhang hahagipin na nang malakas na hangin ang bubong ng bahay ng mga ito.Sumilip siya sa bintana na malapit sa sink counter. Ang lakas ng hampas ng hangin sa mga puno. Tila hahaklitin pa yata ang yero ng bahay. Pero sabi naman ni Pierce ay matibay 'yon kaya 'di na rin siya masyadong nag-aalala.This is the very first time na naramdaman niya ang isang bagyo. Away from the comfort and security of her well built mansion. Kinakabahan siya sa tuwing naririnig niya ang tunog ng yero at ang malakas na paghampas ng kung ano sa mga bintana."God, protect this place," she silently prayed.Signal number two ang Guimaras sa bagyo. Kaya nga agad na nag-imbak si Pierce ng pagkain para sa kanila – good for a couple of days. Naging busy rin ito sa plantasyon ng mangga dahil tiyak apektado ang mga pun
"OKAY lang kami, Lolo. Huwag kang mag-aalala sa'min. Sushi is fine. I'm –" Inagaw ni Sushi mula kay Pierce ang cell phone."Lolo, he's not fine!" dugtong niya. Nanggigil na pinanlakihan siya nito ng mga mata. She raised an eyebrow and smirk. "Nagpaka-hero na naman po ang apo ninyo.""Pierce!" She put him in a loudspeaker. "Ano na namang nangyari sa'yo?"Napakamot sa noo si Pierce. "Konting galos lang po.""Galos lang?""A broken arm," sagot niya para rito."Diskyateng bata ka! Bubong o puno naman ngayon?" O, so madalas pala talagang naaksidente ito?"Bubong po, Lolo." Naglapat ang mga labi nito.It's kind of weird but his vulnerable reactions after he was exposed amuses her. Para itong batang umaamin. Who would have thought na may ganoong side pala ito? Lolo lang pala ang katapat ng isang Pierce Kyries Allede."Ipatingin mo 'yan sa doktor agad.""Opo.""Sige na, tatawag ulit ako. Sushi, hija, ikaw na
"NASAKTAN na siya. Susugal pa kaya siya sa'kin?"Nagtama ang mga mata nila. Hindi naman siya tanga. She's claiming it. Lahat ng mga parinig nito ay mukhang para sa kanya talaga."Do you like me?"Halatang natagilin ito sa naging tanong niya. Even the color of his light brown eyes shifted from light to darker. Suddenly she felt his uneasiness. Guilt flashed through his eyes."Gusto mo ba ako Pierce?" ulit niya.Napansin niya ang pagbaba at pagtaas ng adam's apple nito. Mayamaya pa ay bigla itong bumuntonghininga. Ibinaling nito sa hawak na supot ng marshmallow ang mga mata."As if I have a chance with you," amin nito sa mababang boses. Ramdam niya ang dismaya at lungkot sa boses nito."Kailan pa?" manghang tanong niya.It's weird. Tila nagsasaya pa ang puso niya na malaman na may gusto si Pierce sa kanya. Their love and hate relationship was toxic to start with. And honestly, she never really thought, Pierce, will be fond of her
INILAPAG ni Pierce ang tasa ng kape na tinimpla nito para sa kanya. He sat down beside her and sip on his own cup of coffee. Halatang nakangiti ito habang umiinom. Natatakpan lang ng tasa.Pinaningkitan niya ito ng mga mata."What?!" basag niya.Nagpipigil talaga ito nang malaking ngiti. Halatang-halata kasi lumulubo ang pisngi nito. She find it very cute of him."Hindi lang ako makapaniwala na girlfriend na kita," sagot nito."Ako rin, 'di ko in-expect na magkakagusto ako sa isang dukha." She suppressed a smile. She meant it as a joke, of course. Kahit na ano pa man ang trabaho ni Pierce. Tanggap niya 'yon nang buong puso.Napamaang ito. Bahagyang ipinihit ang katawan sa direksyon niya. "Grabe naman 'to.""You're my poor charming," bawi niya na may ngiti."So kailan mo pa na realize na mahal mo na ako?" Hinila nito palapit ang silya lalo sa kanya. Kumunot ang noo niya rito. Para itong batang sabik makarinig ng bedt
YEARS PASSED but their love for each other is still as sweet as how she remembered it eight years ago. Sa walong taon na 'yon, bumuo sila ng pamilya ni Pier. She supported Pier's dreams. And she felt the love and support from her husband as well. His patience for her is what she admires of him the most.He was still the same Pierce Kyries Allede. The same poor charming whom she fell in love with because of his genuine heart and smile.Naging successful ang Lokal Delicacies na ni launch ng mga ito 3 years ago. Her father was so proud of Pier. Humanga ang mga board of directors sa galing at kasipagan ni Pier. Imagine, running Costales and his mango plantation in Guimaras simultaneously? Even herself, she couldn't help but be proud of her husband's achievements in just a span of 8 years.May sarili na ring factory si Pier sa Guimaras. Madalas pa rin itong dumadalaw sa Guimaras kahit na may mga pinakakatiwalaan na itong mga tao habang wala ito roon. Si Kuya Bert ang
HINDI pa nag-si-sink-in lahat sa isip ni Sushi. Pier is here. And now, he's telling her na ito ang lalaking pinili ng ama niya para sa kanya? My god! Was everything planned by her father? Nagpaka-cupid ba ang ama niya?Bigla siyang nahilo sa dami nang mga pumapasok na scenario sa isip niya. She needed answers. Kailangan niyang kausapin ang ama. Like now na!"Where's Lemuel Andres Costales?" Kumalas siya sa pagkakayakap kay Pier. Marahas na hinubad niya ang maskara at hinanap sa paligid ang ama.Hinubad din ni Pier ang sariling maskara. "Sushi!"Bago paman siya makaalis ay natuon ang spotlight sa kanilang dalawa ni Pier. Namatay ang music at halos ng mga tao ay napatingin sa kanila. What the hell is happening?"As we celebrate the 41stFounding Anniversary of Costales," boses 'yon ng kanyang ama. Naibaling niya ang tingin sa makeshift stage sa harap. It was designed like a royal throne. Nakatayo ang ama roon. "I would also like to share my sour
KANINA pa masama ang pakiramdam ni Sushi. This should be a special day for everyone but none of it mattered to her now. She doesn't have the energy to pull herself up for tonight's founding anniversary of Costales.She's too heartbroken to even convince herself to smile.Nasa sariling silid siya habang nakaupo sa window seat - nakatingin sa hardin ng mansion nila.The house she used to call her palace is now a prison to her. Her father had locked her down in her room. No cell phones. No internet. Everything was taken down by her father. She hasn't heard of Pier ever since his last message to her.Napangiti siya nang mapait at niyakap nang husto ang nakatiklop niyang mga binti mula sa kanyang dibdib.I guess, he did give up on me this time.Tears welled up in her eyes. Ramdam niya ang paninikip ng dibdib sa kanina pa niyang pagpipigil ng mga luha. She has been crying for days already. Nobody in this house understands her pain - her t
TUMIGIL si Sushi sa paglalakad nang makita ang ama sa lobby. Nasa second floor siya at kita niya mula roon ang pagpasok ng ama. Pati ang assistant niya ay napatingin din sa tinitignan niya. May kasama itong matangkad na lalaki na sa tingin niya ay kasing edad lang din ni Pier.The man was wearing a dark gray suit. Kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang angking karisma at kagwapohan nito. He look foreign lalo na't asul ang mga mata nito. Sino ang kasama ng papa niya?"Ang gwapo," narinig niyang komento ni Lheng.Hindi niya pinansin ang sinabi nito at nagpatuloy sila sa paglalakad. Agad na sumunod ang sekretarya sa kanya."Lheng.""Yes po, ma'am.""Alamin mo kung sino ang lalaking kasama ng papa ko.""Yes po, ma'am.""HE'S Iesus Cloudio de Dios from deDios Real Estate Property o mas kilala as dDLand," imporma sa kanya ni Lheng.Yes, she's familiar with deDios Real Estate. Sa naalala niya ay
NAIGALA niya ang tingin sa maliit na kwarto ni Pier. He's staying in a travel inn na hindi siya pamilyar. The room looks clean enough with minimal interior designs and furniture. Ang meron lang yata sa silid nito ay isang kama na medyo malaki para sa isang tao, table, bedside table with drawers kung saan nakapatong ang lamp shade at isang maliit na banyo.Sa totoo lang mas malaki pa banyo niya kaysa sa kwarto nito."Magkano per night mo rito?" basag na tanong niya."Huwag mo ng itanong basta mura lang," nakatawang sagot nito. Naupo siya sa gilid ng kama nito. May maliit na TV pala across the bed. She thought design lang. "Maliligo lang muna ako tapos ihahatid na kita sa inyo." Nag-insist siya kanina na gusto niyang makita kung saan ang hotel nito. She wanted to know if his place was okay to stay in."Dito na ako matutulog," deklara niya.Marahas na nilingon siya ni Pier. Ibinaling niya ang tingin dito. "Hindi ka magiging komportable rito.""
"CLEAR all my schedules today," agad na utos niya sa secretary niya nang lumabas silang dalawa ni Pier mula sa private office niya. Nakasunod ito sa kanya dala ang Hermes hand bag niya. "If Papa looks for me, tell him may meeting ako sa labas.""Bagay ba sa'kin?" nakangiting tanong ni Pierce kay Lheng. He was referring to her handbag on his arm. "Magkano kaya 'to?"Natawa naman si Lheng. "Five hundred thousand po yata o one million.""Ginto ba 'to?" halos pasigaw nang tanong sa kanya ni Pier."That bag is their latest design. The diamonds intricately adorned on this bag. No, it's not as expensive as gold but it's still valuable as any jewelry.""Sinong bibili ng gan'to ka mahal?""Si Ma'am Sushi po, Sir Pierce."Tinignan niya ang dalawa. There is something off with these two. "Wait, magkakilala ba kayo?" That makes sense now. She never mentioned Pierce with Lheng nor showed her a photo of him. How come?"Ah... eh... kasi po..."
WALANG pagmamadaling naglakad sa lobby si Sushi papunta sa direksyon ng elevator.She has her cup of coffee in one hand while carrying her pastel yellow handbag on her other arm. She didn't have the energy to look for nicer clothes today. Just a simple white plunging v neck button-down tied flared sleeve blouse, that was tucked in her pastel yellow high waist bow pencil skirt. Her closed high-heeled shoes match the color of her skirt and bag.She didn't have enough sleep for the past couple of days. Plus, Pier is not answering her messages and calls. It was really frustrating. Almost two weeks na itong hindi nagpaparamdam sa kanya. In-extend lang niya ang pasensiya niya. Kilala niya si Pier, hindi siya nito bibiguin. He's not as jerk as Dion.Bumukas ang elevator. Umangat ang mukha niya sa lalaking empleyado na may gulat na ekpresyon sa mukha – not gulat, more like takot. Ilang beses na ba niya itong nakakasalubong? She couldn't count already. Kaya naalala
"I'M SORRY," hinging pasensiya niya kay Pier.Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay at ngumiti. Hinatid sila nito hanggang sa airport sa Iloilo. At hanggang ngayon ayaw pa rin kausapin ng Papa niya si Pier. Pati rin si Lolo Manuel ay medyo dismayadado sa apo nito. Naawa siya nang sobra kay Pier."Sushmita," mariing tawag sa kanya ng ama. Nasa labas pa sila ng airport. "Let's go.""Pier?""Susunod ako." Umangat ang isang kamay nito sa kanyang ulo at marahang hinaplos ang buhok niya. "Kakausapin ko ang papa mo."Yumakap siya rito. "Hihintayin kita. Tawagan mo ako.""Sushmita!"Kumalas sila sa pagkakayakap sa isa't isa. Hinubad ni Pier ang suot nitong denim jacket at ipinatong 'yon sa kanyang mga balikat."Take that with you instead."Sa sinabi nito ay hindi niya napigilan ang sariling mga luha. She will really miss him. She will missed her time in Guimaras. Lahat ng mga taong nakasama niya sa tatlong buwang pamamalagi niy
"HINDI mo na ako kailangang ihatid pauwi."Ngumiti si Pierce kay Mariel. "It's okay. Gabi naman na," sagot niya."Na miss ko si Lolo Manuel. Ang tagal niyang nawala. Halos tatlong buwan rin, 'di ba? At least nakapagpahinga siya at nakapagbakasyon..."Hindi niya maiwasang isipin si Sushi. Ang reaksyon nito kanina at ang kakaibang pananahimik nito buong araw. He's well aware of how this whole situation is making her anxious. Kilala na niya ito. She tends to overreact even on the simplest things. Marami na agad tumatakbo sa isipan nito.Pero sa pagkakataon na 'yon. Nako-control na nitong huwag mag-react sa mga bagay kahit hindi nito gusto. She may be protesting at the back of her mind but she's trying her best to reign herself from reacting out of spur that may lead to a more complicated situation.He's so proud of his girl.Come to think of it, hindi pa niya nayayakap si Sushi ngayong araw. Damn, she missed her body close to his. She missed he