Home / Romance / The HUNTRESS / Chapter 33

Share

Chapter 33

Author: Maybel Abutar
last update Last Updated: 2023-01-23 15:39:51

"Alpha!" Tiim-bagang na sabi ni Eiress.

Hawak pa rin nito ang leeg niya. Hindi naman iyon mahigpit pero kung magkakamali siya ng kilos, madali siya nitong masasakal.

Bahagyang tumawa si Trigger bago siya bitawan.

"Nakapasa na ba ako bilang tagapag-alaga ng anak mo?" Tanong nito sa kanya.

"Bakit ikaw ang mag-aalaga sa kanya? Ikaw ang dahilan kaya muntik na siyang mapahamak! Akala mo ba nakalimutan ko na ang ginawa mo? Pinadukot mo siya!"

"Really? Sinong nagsabi sa'yo na kagagawan ko iyon? Sigurado ka ba na nagsasabi siya ng totoo?"

Pumasok sa isip ni Eiress si Red. Ito ang nagsabi sa kanya na may ibang hunter na kumuha kay Liam. Sa pagitan ni Alpha at Red, mas pinaniniwalaan niya si Red. Matagal na niya itong kilala. Kabisado na niya ito. Kung magsisinungaling ito, alam niya. Ramdam niya iyon dahil hindi ito nakakapag-sinungaling sa harap niya. Si Alpha naman, simula pa lang iniiwasan na niya. Hindi niya alam kung kailan ito nagsasabi ng totoo at kung kailan ang kasinungalingan.

"K
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • The HUNTRESS   Chapter 34

    "You can't escape from me."Natauhan si Eiress nang muling nagsalita ang lalaki. Malakas niya itong tinulak. Bahagya itong umatras pero hindi iyon sapat para lumayo ang kanilang distansya. Nahawakan pa rin nito ang kanyang braso. "Get off me!" Sigaw niya sa lalaking nagtatago sa dilim ng paligid. Hindi niya makita ang buo nitong itsura pero ramdam niya ang mabigat nitong presensya. Katulad iyon nang lalaking nakaitim na maskara noon. Ngayon sigurado na siya. Hindi pag-aari ni William ang presensyang ito. Magkaibang tao si William at ang lalaking nakatalik niya. "I said, get off me! Lumayo ka sa'kin!" Muli niyang sabi.Napaigik si Eiress nang muli siyang hapitin palapit ng lalaki. Bumangga ang katawan niya sa matigas nitong katawan. Mahigpit nitong hinawakan ang kanyang baywang at idiniin sa katawan nito. Hindi siya nakagalaw sa ginawa nito. "It's been six years. Don't you try to escape again or you'll regret it." Pagbabanta nito sa kanya. Sinubukan ni Eiress na pakalmahin ang kan

    Last Updated : 2023-01-23
  • The HUNTRESS   Chapter 35

    "Mama, mag-ingat ka po ah. Tawagan mo ako lagi sa selpon ni Tita Aline. Mamimiss po kita." Malungkot na sabi ni Liam.Aalis na ang grupo ni Eiress para sa business meetings ni Lord Scion sa labas ng Argenxican. Magkakaiba sila ng sasakyan. Bilang shadow guard, hindi siya kabilang sa mga ito. Gagamit siya ng motorsiklo at magpapanggap na normal na motorista.Niyakap ni Eiress si Liam. Sa totoo lang, mabigat sa kanyang loob ang iwanan si Liam. Ngayon lang sila magkakahiwalay ng anak niya."Syempre lagi akong tatawag. Magpakabait ka kay Tita Aline ah. Huwag kang magpapasaway." Bilin niya rito."Opo, Mama!"Hinalikan ni Eiress si Liam. Bumaling naman siya kay Aline. Niyakap niya ang kaibigan."Don't worry. Hahanap ako ng paraan." Bulong niya rito.Tumango si Aline habang nakayakap sa kanya."Mag-iingat ka." Bilin din nito sa kanya.Nang handa ng umalis ang lahat, nagpaalam na si Eiress kay Aline at Liam."Sandali lang po!" Sigaw ni Liam.Akala ni Eiress siya ang tinutukoy ni Liam. Inalis

    Last Updated : 2023-01-23
  • The HUNTRESS   Chapter 36

    Location: Candiran City"Starting today, stop working from a distance. Pretend as my secretary and work beside me."Nagulat si Eiress sa pahayag ni Lord Scion. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Bilang shadow guard, sumumpa siyang itatago ang presensya habang pino-protektahan ito. Walang maaaring makaalam sa katauhan niya maliban sa kanyang mga kasama. "I'm sorry Lord Scion but it's not-" "No more arguments. I'm exhausted. Let's go back to the hotel." pagputol nito sa kanyang sasabihin. Sumakay si Lord Scion sa kotse. Hindi na siya nito binigyan ng pagkakataon para tumanggi. Sasakay na rin sana siya sa kanyang motorsiklo ng muli itong nagsalita "Where do you think you're going? Get in!" Bahagyang nagulat si Eiress sa mataas nitong tono. Wala siyang nagawa kundi ibigay sa kasama ang susi ng motorsiklo at sumakay sa kotse nito."Drive," walang buhay nitong utos sa kanya. Huminga nang malalim si Eiress. Umikot siya patungo sa driver seat at nagmaneho.... Habang na sa sasakyan,

    Last Updated : 2023-02-16
  • The HUNTRESS   Chapter 37

    Sapo ni Eiress ang dibdib paglabas niya sa silid ni Lord Scion. Mahigpit niyang hinawakan iyon patungo sa kanyang silid. "Stop!" utos niya sa sariling puso. Paulit-ulit niyang hinampas ang dibdib. Umaasa siyang mapapawi noon ang sakit na umukit sa kanyang puso. "Pakiusap, bumalik ka na lang sa dati. Maging manhid ka na lang ulit! Huwag ka ng magmahal para hindi ka nasasaktan!" Mariin niyang pinaglapat ang mga ngipin. Pinipigilan niyang lumuha. Nangako siya na hindi na iiyak dahil sa lalaking iyon. Ngunit parang sirang plaka na bumabalik sa kanyang isip ang sinabi ni Lord Scion bago ito muling nakatulog. 'I miss you... Isabella.' Naririnig pa niya ang pangungulila sa boses nito. Ang nangungusap nitong mga mata habang nakatingin sa kanya. Puno ng pagmamahal ang mga salitang iyon pero hindi para sa kanya. Kundi para sa babaeng may pangalang Isabella. "Argh!" Sinuntok ni Eiress ang katabing pader. Naramdaman niya ang sakit sa kamao ngunit mas masakit pa rin ang nararamdaman ng kanyan

    Last Updated : 2023-02-16
  • The HUNTRESS   Chapter 38

    Location: Janduran CityIsang business party ang dinaluhan ni Lord Scion sa Janduran City. Tulad ng utos nito, nagpanggap si Eiress bilang sekretarya at kasama nitong dumalo. Nakasuot si Eiress ng off shoulder fitted black dress na may makikinang na disenyo. Humahapit iyon sa makurba niyang katawan. Kitang-kita ang makinis at maputi niyang balikat. Maging ang mahubog niyang hita at binti at lumilitaw sa mahabang slit ng damit. Iyon lang ang nagustuhan niyang damit sa malapit na shop ng Janduran. Na sa loob naman ng dala niyang pouch ang maliit na baril. Nakasunod lang siya sa hulihan ni Lord Scion habang na sa hulihan rin niya ang iba pang bodyguards.Biglang tumahimik ang lahat nang pumasok ang grupo nila sa bulwagan. Nakatingin lang ang mga ito kay Lord Scion. Sadyang agaw pansin ang itsura nito ngayon. Matikas na pangangatawan. Gwapong itsura na may misteryosong aura. Lahat ay mapapatingin sa taglay nitong karisma. Kahit siya'y bahagyang natulala nang makita ito kanina. Sinupil lan

    Last Updated : 2023-02-16
  • The HUNTRESS   Chapter 39

    Walang emosyon na pinapanood ni Eiress ang nagaganap na laban mula sa veranda ng ikalawang palapag ng building. Ang kaninang bulwagan ay biglang naging fighting ground. Walang harang sa pagitan ng mga naglalaban. Nakatayo si Lord Scion na tila hindi napapagod sa ilang laban na nagdaan. Totoo ang sinabi ni Aris. Isa itong bloody night. Ilang beses na niyang nasaksihan ang pagkamatay ng mga kalaban ni Lord Scion pero balewala lang iyon sa lahat at tinatanggal sa gitna. Parang normal na iyon sa mga tao roon."Another challengers from Jung Family!" muling anunsyo ng lalaking nagsisilbing referee.Walang ideya si Eiress kung ilang pamilya ang gustong kumuha sa pwesto ng Wilt family. Ngunit sigurado siya na lahat ng pamilya ay kaaway ni Lord Scion ngayon.Pumasok ang limang lalaki sa fighting ground. May hawak na espada ang mga ito. Sabay-sabay na sumugod ang lima patungo kay Lord Scion. Nanatiling nakatayo si Lord Scion. Ngunit nagulat ang lahat ng balewala nitong depensahan ang sarili sa

    Last Updated : 2023-02-16
  • The HUNTRESS   Chapter 40

    "H-huntress?"Ang gulat sa mga mata nito ay unti-unting napalitan ng galit. "Don't move!" Pigil ni Eiress kay Hanzel o mas kilala sa tawag na Metal boy. Siya ang dahilan kaya artificial ang isang braso ni Hanzel. Nang mamatay si Sally, hinayaan siya ni Luciano para ipaghiganti ito. Si Hanzel ang itinuturo nitong dahilan kaya namatay ang nag-iisa niyang kaibigan. Natalo niya sa isang laban si Hanzel kahit ito ang pinuno ng Dark dragon assassin ng mga panahong iyon. Nagawa niyang putulin ang braso nito dahil sa bugso ng damdamin at pagluluksa sa pagkamatay ng kaibigan. Hindi na siya magtataka kung galit pa rin ito hanggang ngayon sa kanya. "Tumayo kayo at ilabas si Lord Scion dito!" utos ni Eiress sa mga kasamang guwardiya.Nananatili ang kanyang tingin sa kalaban. Hindi niya ibinababa ang kanyang depensa. Nararamdaman niyang mas lalo itong lumakas sa nakalipas na mga taon. Anumang oras pwede itong sumugod sa kanya."Ikinalulungkot kong sabihin, Binibini. Hindi maaari ang gusto mong

    Last Updated : 2023-02-21
  • The HUNTRESS   Chapter 41

    "Anong nangyari sa pangako mong tagumpay, Mr. Villarama? Wala! Hindi mo natalo si Scion Wilt tulad ng sinabi mo!" galit na bungad ni Luciano nang tawagan ito ni Runo pagbalik sa opisina ng huli. Kinabahan si Runo Villarama sa uri ng boses ni Luciano Villacostel sa kabilang linya. Bilang namumuno sa Janduran City, isa sa kanyang kinatatakutan ay si Luciano. Malakas ito at makapangyarihan kumpara sa kanya. Hawak nito ang delikadong grupo ng mga assasin sa mundo. Hindi siya nagdalawang isip na lapitan ito para sa planong pagpapabagsak sa batang Wilt. Kumpara kay Lord Scion, mas maraming koneksyon si Luciano ngunit talo naman ito sa lakas ng batang Lord. Alam niyang kailangan din siya ni Luciano kaya tinanggap nito ang sabwatan sa pagitan nila. "Paumanhin Mr. Villacostel. Kahit natalo kami sa laban ngayon, hindi pa rin natatapos ang totoong laban."Maayos ang kanyang plano. Nagawa niyang dayain sa laban si Lord Scion gamit ang isang sniper. Gumamit lang sila ng mga karayom na mayroong a

    Last Updated : 2023-02-21

Latest chapter

  • The HUNTRESS   Final Chapter

    Pagkatapos ng madugong laban, nagtungo si Eiress sa kanilang mansiyon sa Polican. Walang nagbago sa mansiyon mula sa kung ano ang itsura nito na natatandaan niya noong bata pa lang siya. Kasama niya sina Tandang Kaziro at Lord Scion. Naiwan naman si Trigger kasama si William at si Red ay umalis na rin nang matapos ang laban. Hinayaan na lang niya si Red dahil malaki rin ang nagawa nitong tulong sa laban kanina. Utang na loob din niya ang pagliligtas nito kay Liam kahit isa ito sa inutusan ni Luciano para ipahamak ang pamilya niya sa Chipan.“Your eye color is different from before,” saad ni Lord Scion habang papasok sila sa mansiyon. Magkahawak sila ng mga kamay at may mga bahid pa ng dugo sa katawan nila mula sa nagdaang laban.“Yeah. This is my original eye color.”“I have a vivid memory about a young girl with blue eyes. I don’t remember exactly what happened before, but I love her eyes.”“Do you think, it’s me?” tanong niya kay Scion.“I don’t know. Maybe yes, if we met at a very

  • The HUNTRESS   Chapter 84

    Halos mawalan ng malay si Luciano dahil sa galit. Hindi lang ang pagkatalo ng mga tauhan niya ang nagpapainit sa kaniyang ulo. Maging ang palpak na lakad ng magkapatid na Villarama at ang kapalpakan ng sarili niyang anak. Nasa harapan niya ngayon ang walang malay na si Isabella habang nakasilid sa isang kahon sa tabi ng gate ng mansiyon niya. Nagmistula itong regalo dahil sa balot ng kahon at ribbon sa ibabaw no’n.“Sino ang nagpadala ng kahon na ’yan?” galit na tanong ni Luciano.Walang sumagot sa mga tauhan ng matanda na lalo nitong kinagalit. Itinuon na lang nito ang galit kay Isabella. Nilapitan ito ni Luciano at sinipa para gisingin.“P*nyeta! Gumising ka riyan, Isabella. Ikaw ang inaasahan kong alas, pero narito ka ngayon at walang malay. Gising!” sigaw niya habang sinisipa ito.“Wala ka talagang k’wentang ama, Luciano,” saad ng malamig na boses.Naging alerto ang mga tauhan ni Luciano, pero hindi agad kumilos ang mga ito. Tumingin si Luciano sa direks’yon ng nagsalita. Ngumisi

  • The HUNTRESS   Chapter 83

    Abala sa pakikipaglaban si Eiress nang palibutan siya ng mga kalaban. Nahati ang atensiyon ng mga ito sa kaniya at sa mga tauhan ng Nesselio. Hindi pa tuluyang nakapapasok sa bayan ang mga ito. Ilan pa lang sa kampo ng Nesselio ang nakita niyang nakikipaglaban at ang karamihan sa mga iyon ay nagbabantay sa malaking gate sa bungad ng bayan.“Oh, sh*t!” saad ni Eiress nang tamaan siya ng sipa mula sa kalaban. Tumalsik siya sa isa pang kalaban at inambahan siya ng baril. Mabilis naman niyang inagaw ang baril ng lalaki at pinutok sa kasama nito. Alam niyang nag-aalangan ang mga itong paputukan siya dahil sa kanilang distansiya. Nakapalibot sa kaniya ang mga kalaban at sa simpleng pag-iwas niya ay tatama ang bala sa kasama ng mga ito.“You can’t kill me, idiots!”Inagaw niya ang baril ng lalaki at sunod-sunod niya itong hinampas hanggang bumagsak ito. Ginamit naman niya ang baril sa mga kalaban. Sunod-sunod siyang nagpaputok, ngunit agad naubos ang bala ng hawak niyang baril.“Patayin niyo

  • The HUNTRESS   Chapter 82

    Pawang mga tahimik ang grupo ni Eiress sa loob ng sasakyan habang binabaybay ang daan papasok sa bayan ng Canixer. Alerto ang bawat isa dahil sa mabilis nilang pagpasok na wala man lang sagabal. Tahimik din sa bayan at mabibilang sa daliri ang mga tao sa kalye.“Tulad ng inaasahan sa kapatid ko, hahayaan niya tayong pumasok sa teritoryo niya para ikulong dito. Inaasahan mo rin ba ito, Marchesa?”“Yes. Any moment from now, enemies will be scattered around us,” sagot ni Eiress.“Wala na rin silbi ang isang ’to sa atin. Bakit hindi mo pa siya patayin?” muling reklamo ni Trigger kay Eiress patukoy kay Red.“May silbi pa rin ako sa inyo, Trigger Wilt. Ibang lugar ang sadya ni Eiress sa loob ng Canixer at doon niya ako kailangan. Tama ba ako, Eiress?”Hindi naman sumagot si Eiress. Nanatiling nakatuon ang tingin nito sa paligid ng sasakyan. Wala na siyang nakikitang tao sa dinadaanan nila.“Itigil mo ang sasakyan,” utos ni Eiress kay Trigger.Walang pagdadalawang isip na sumunod si Trigger.

  • The HUNTRESS   Chapter 81

    Sa mansiyon ng mga Nesselio ay sabay-sabay at tahimik na kumakain ng agahan si Isabella kasama ang mag-asawang Carolina at Arturion. Hindi pa rin sanay si Isabella sa buhay ng pagiging Nesselio, pero kailangan niyang tiisin iyon para sa plano nila ng daddy niya.“Am I late with your breakfast?”Namilog ang mga mata ni Isabella nang marinig ang boses ni Cario.“Cario! Why are you here?” bulalas niyang tanong nang makita ang lalaki sa pintuan ng dining room. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito. Akala niya ay matatagalan si Cario sa bayan ng Boran.“Where should I go, except to my home?”Peke namang ngumiti si Isabella. “Ahm… I’m just surprised. I thought you’d stay in Boran for some weeks,” palusot niya.Hindi pinahalata ni Isabella ang pagtutol sa itsura niya dahil sa pagdating ni Cario. Hindi pa siya nakahahanap ng tiyempo para gawin ang plano niya sa mga Nesselio, at malaking sagabal si Cario sa gagawin niya. Alam niyang malakas at matalino si Cario, kaya kailangan niyang doblehi

  • The HUNTRESS   Chapter 80

    Nagmamadaling nilapitan ni Lord Scion si William. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon ang kaniyang kapatid.“Kagigising ko lang, pero gusto mo yatang matulog ulit ako. Babalian mo ba ako ng buto sa higpit ng hawak mo? Bitiw na, Scion. Kailangan nating mag-usap muna bago ako matulog ulit,” biro ni William.Mabilis namang binitiwan ni Scion ang balikat ni William. “Pasensiya na, William. Hindi lang ako makapaniwala na gising ka na ngayon. Kumusta ang pakiramdam mo?”“Bukod sa mahina kong katawan, mukhang maayos naman ako.”“Kailan ka pa nagising?”“Dalawang linggo na mula ngayon.”“Dalawang linggo? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Nag-aalala ako sa ’yo dahil walang nagsasabi kung nasaan ka, pero dalawang linggo na pala simula nang magising ka.”“Huminahon ka muna, Scion. May dahilan kaya ngayon lang ako nakahanap ng pagkakataon na magpakita sa ’yo.”“Tell me your reason, William,” seryoso niyang sabi.Sinara muna ni Willi

  • The HUNTRESS   Chapter 79

    Nanatili si Red sa ospital ng Janduran kahit maaari na siyang lumabas. Hating-gabi na at hindi pa rin siya natutulog. Wala naman siyang gagawin doon kun’di tumitig sa kisame ng kaniyang silid. Naiinip na siya at gusto na lang niyang bumalik sa Canixer, pero hindi niya ginawa. May pakiramdam siyang pupunta roon si Huntress.“Based on your looks, you’re waiting for me, right?”Bahagyang nagulat si Red sa walang buhay na boses na narinig niya sa loob ng silid. Bumaling siya sa may bintana at nakita niya roon ang taong hinihintay niya. Nakaupo ito sa bintana at walang buhay na nakatingin sa kaniya. Base sa itsura nito, alam niyang bumalik na ang mga nawala nitong alaala.“Bakit diyan ka pa dumaan kung p’wede mo namang gamitin ang pintuan?” normal niyang tanong. Hindi siya natatakot kay Huntress kahit alam niyang bumalik na ito sa dati. Siguro hindi siya nakakaramdam ng takot, dahil tanggap na niyang mamatay na rin siya kapag nagpakita ito sa kaniya.Bumaba si Eiress mula sa bintana at lum

  • The HUNTRESS   Chapter 78

    Walang pagsidlan ang tuwa ni Runo Villarama nang hindi na nila naririnig ang mga putok mula sa loob ng gubat. Ilang minuto na ring walang sumasabog sa paligid. Hinala niya ay naubusan na ng bala ang mga ito.“Pasukin niyo na ang gubat. Mahina na ang depensa nila,” utos niya sa mga tauhan.Walang pagdadalawang-isip namang umabante paloob ang mga tauhan ni Runo. Dahan-dahan ang pagkilos ng mga ito. Pawang mga alerto sa paligid. Ngunit hindi nila namamalayan ang mabilis na kilos ng isang pigura dahilan para unti-unting mabawasan ang mga ito. Isa sa mga ito ang nakapansin sa pigura.“May kala—” Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang mabilis itong inatake ng pigura. Bumagsak ang walang buhay nitong katawan sa lupa kasunod ng pagbagsak din ng iba pang mga kasama nito.Nagtaka naman si Runo kung bakit wala pa rin siyang naririnig na putok sa loob ng gubat. Dapat sa oras na iyon ay narating na ng mga tauhan niya ang bahay ni Tandang Kaziro.“Sundan niyo!” muli niyang utos sa panibagong gru

  • The HUNTRESS   Chapter 77

    Sa kagubatan ng Janduran, muling nagising si Trigger ilang minuto pagkatapos mawalan ng malay. Tulad ng sinabi ng matanda, bumalik na rin ang lakas niya. Pinasan niya ulit si Eiress patungo sa tahanan ni Tandang Kaziro. Nasa unahan niya ang matanda at sinusundan lang niya ang tinatahak nitong daan. Malamig at bahagyang madilim sa gubat dahil sa malalaki at matatayog na punong kahoy. Maging ang sinag ng araw ay nahihirapang lumusot sa mga puno.“Mawalang galang na po, Tandang Kaziro. Bakit mo tinawag na Marchesa si Eiress?” tanong ni Trigger sa matanda habang naglalakad sila. Kanina pa iyon bumabagabag sa kaniya. Para bang may malalim na pakahulugan ang tawag nito kay Eiress.“Malalaman mo rin kapag nagising siya,” makahulugan nitong sagot na patuloy lang sa paglalakad.“Sigurado ka po ba na hindi lason o anumang mapanganib na gamot ang itinusok sa kaniya?” nag-aalala niyang tanong.“Sigurado ako, iho. Normal ang tibok ng puso niya at wala akong nakikitang problema sa katawan niya. Kun

DMCA.com Protection Status