Walang emosyon na pinapanood ni Eiress ang nagaganap na laban mula sa veranda ng ikalawang palapag ng building. Ang kaninang bulwagan ay biglang naging fighting ground. Walang harang sa pagitan ng mga naglalaban. Nakatayo si Lord Scion na tila hindi napapagod sa ilang laban na nagdaan. Totoo ang sinabi ni Aris. Isa itong bloody night. Ilang beses na niyang nasaksihan ang pagkamatay ng mga kalaban ni Lord Scion pero balewala lang iyon sa lahat at tinatanggal sa gitna. Parang normal na iyon sa mga tao roon."Another challengers from Jung Family!" muling anunsyo ng lalaking nagsisilbing referee.Walang ideya si Eiress kung ilang pamilya ang gustong kumuha sa pwesto ng Wilt family. Ngunit sigurado siya na lahat ng pamilya ay kaaway ni Lord Scion ngayon.Pumasok ang limang lalaki sa fighting ground. May hawak na espada ang mga ito. Sabay-sabay na sumugod ang lima patungo kay Lord Scion. Nanatiling nakatayo si Lord Scion. Ngunit nagulat ang lahat ng balewala nitong depensahan ang sarili sa
"H-huntress?"Ang gulat sa mga mata nito ay unti-unting napalitan ng galit. "Don't move!" Pigil ni Eiress kay Hanzel o mas kilala sa tawag na Metal boy. Siya ang dahilan kaya artificial ang isang braso ni Hanzel. Nang mamatay si Sally, hinayaan siya ni Luciano para ipaghiganti ito. Si Hanzel ang itinuturo nitong dahilan kaya namatay ang nag-iisa niyang kaibigan. Natalo niya sa isang laban si Hanzel kahit ito ang pinuno ng Dark dragon assassin ng mga panahong iyon. Nagawa niyang putulin ang braso nito dahil sa bugso ng damdamin at pagluluksa sa pagkamatay ng kaibigan. Hindi na siya magtataka kung galit pa rin ito hanggang ngayon sa kanya. "Tumayo kayo at ilabas si Lord Scion dito!" utos ni Eiress sa mga kasamang guwardiya.Nananatili ang kanyang tingin sa kalaban. Hindi niya ibinababa ang kanyang depensa. Nararamdaman niyang mas lalo itong lumakas sa nakalipas na mga taon. Anumang oras pwede itong sumugod sa kanya."Ikinalulungkot kong sabihin, Binibini. Hindi maaari ang gusto mong
"Anong nangyari sa pangako mong tagumpay, Mr. Villarama? Wala! Hindi mo natalo si Scion Wilt tulad ng sinabi mo!" galit na bungad ni Luciano nang tawagan ito ni Runo pagbalik sa opisina ng huli. Kinabahan si Runo Villarama sa uri ng boses ni Luciano Villacostel sa kabilang linya. Bilang namumuno sa Janduran City, isa sa kanyang kinatatakutan ay si Luciano. Malakas ito at makapangyarihan kumpara sa kanya. Hawak nito ang delikadong grupo ng mga assasin sa mundo. Hindi siya nagdalawang isip na lapitan ito para sa planong pagpapabagsak sa batang Wilt. Kumpara kay Lord Scion, mas maraming koneksyon si Luciano ngunit talo naman ito sa lakas ng batang Lord. Alam niyang kailangan din siya ni Luciano kaya tinanggap nito ang sabwatan sa pagitan nila. "Paumanhin Mr. Villacostel. Kahit natalo kami sa laban ngayon, hindi pa rin natatapos ang totoong laban."Maayos ang kanyang plano. Nagawa niyang dayain sa laban si Lord Scion gamit ang isang sniper. Gumamit lang sila ng mga karayom na mayroong a
Pinagmamasdan ni Eiress si Lord Scion habang kumakain. Nagpa-room service na lang siya kaysa ipagluto ito. Masyado siyang nabigla sa pagbabago nito. Hindi pa rin matanggap ng kanyang isip ang nangyari rito. Normal naman itong kumilos at magsalita. Kung hindi niya kilala si Lord Scion bilang seryoso at nakakatakot na tao, iisipin niyang normal lang ito ngayon. Pero hindi e. Kinikilabutan siya lalo na kapag nakangiti ito. Hindi naman matawaran ang pagkabog ng kanyang puso kapag nagnanakaw ito ng halik sa kanya.Naalala ni Eiress ang huli nilang pag-uusap ni William bago sila maghapunan.Flashback a few moments ago. "Stop it! D'mn! Is this even normal? He became a kissing monster!""No. He's not in his normal state. If he is, he wouldn't kiss you." Nasaktan si Eiress sa katotohanang sinabi ni William. Masakit pero iyon ang totoo. Hindi niya alam kung bakit naging addicted si Lord Scion humalik sa kanya. Parang imposibleng mangyari 'yon pero imposible rin naman na paulit-ulit siya niton
Nakabitaw si Eiress kay Lord Scion habang na sa ire sila. Sinubukan niyang baguhin ang posisyon para paghandaan ang pagbagsak ngunit hindi niya nagawa dahil sa mabilis na pagbulusok pababa. Nagulat siya nang tumalbog ang sarili pagdating niya sa baba. Noon lang niya napansin ang isang trampoline park sa ibaba ng building. Sa ikalawa niyang pagtalbog, nagawa na niyang makatungtong sa lupa. Magkasabay silang tumakbo ni Lord Scion para makalayo sa lugar na iyon. "D'mmit! I thought I'm going to die," reklamo niya."I won't let you die," sagot naman ni Lord Scion.Inirapan niya ito pero nakangiti lang ang lalaki. Nakikita niya sa mga mata nito ang labis na kasiyahan. "Na sa panganib tayo pero 'yang ekspresyon mo parang na sa party. Tuwang-tuwa ka ba na muntik na tayong mapahamak?""No. I'm happy to find a safest place to continue our moment," nakangisi nitong tugon.Mas iniisip pa talaga ni Lord Scion ang bagay na 'yon kaysa iligtas ang sarili sa mga kalaban. Siguro kung na sa normal ito
Biglang nagising si Eiress nang marinig ang malakas na tunog. Bahagya siyang pumikit nang masilaw sa liwanag."Sorry, did I wake you up?" Hinanap ni Eiress kung nasaan si Lord Scion. Nakita niya ito sa unahan ng sasakyan. May bahid ng uling sa kamay nito at hawak ang isang screwdriver. Mukhang may inaayos ito sa sasakyan at hood niyon ang narinig niyang bumagsak."Anong ginagawa mo riyan?" tanong niya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga. Nakaramdam siya ng ginaw dahil doon.Bumaba ang tingin ni Lord Scion sa katawan niya. Kakaibang ngisi ang sumilay sa labi nito. Napansin pa niya ang pagkislap ng mga mata nito habang nakatingin sa...Sinundan ni Eiress ang tinitingnan ni Lord Scion. Kaagad niyang niyakap ang sarili nang makitang wala siyang saplot."Sh't! Nasaan ang damit ko?" Nag-init ang mukha niya. Nilibot niya ang tingin sa loob ng sasakyan. Tanging damit ni Lord Scion ang nakita niya sa kandungan.Napaigtad si Eiress ng bumukas ang pintuan sa gilid niya. Nakangiting mukha ni Lord
Isang malawak na kalsada ang bumungad kay Eiress at Lord Scion paglabas sa gubat."I have a strange feelings towards that old man," komento ni Lord Scion. Kanina pa itong tahimik simula nang umalis sila sa bahay ni Tatang Joaquin."I think he's not ordinary. I don't know why but despite his strange personality, I feel he can be trusted.""I think he knows you."Tumingin si Eiress kay Lord Scion. Seryoso ito at malalim ang iniisip. Nag-aalala siya na baka bumalik na ito sa normal."Lord Scion," Kunot-noo itong tumingin sa kanya. "I told you, it's Eivan." Nakanguso nitong sabi.Ngumiti si Eiress. Lihim siyang nagpasalamat na hindi pa ito bumabalik sa dati. Ewan ba niya pero may pangamba sa kanyang dibdib kapag iniisip na babalik na ito sa normal."May sasakyan oh. Magpahatid tayo sa bayan," sambit na lang niya habang itinuturo ang paparating na sasakyan.Sinubukan niya itong patigilin. Tumigil naman ang sasakyan. Dalawang may edad na babae at lalaki ang sakay noon. Mabait na ngumiti sa
Location: Argenxican CityDalawang linggo na simula nang makabalik sa Hacienda Wilt si Lord Scion pero hanggang ngayon hindi pa rin ito makausap ng matino ni Trigger."Scion!" naiinis na sigaw ni Trigger. Hindi ito ang oras para mawalan ito ng focus. Malaki ang kinakaharap nilang problema ngayon. Natagpuan ng kanilang mga tauhan si William-- duguan at nag-aagaw buhay. Hanggang ngayon comatose pa rin ito sa ospital.Hindi siya pinansin ni Lord Scion. Ilang araw na itong tila wala sa sarili.Lumapit si Trigger kay Lord Scion. Hinawakan niya ito sa kwelyo."Ano bang nangyayari sa'yo? Na sa ospital ang kapatid natin pero ikaw ganito, tulala at wala sa sarili." Wala pa rin itong reaksyon. Inalog niya ito. "Scion, gumising ka! Kailangan ka namin ngayon!""Trig,"Natigilan si Trigger sa walang buhay nitong boses. Binitawan niya ito at hinintay ang sasabihin."I lost her,"Huminga nang malalim si Trigger. "Tungkol ba ito kay Eiress?" hula niya sa tinutukoy nito.Napag-alaman niya mula sa kasa
Pagkatapos ng madugong laban, nagtungo si Eiress sa kanilang mansiyon sa Polican. Walang nagbago sa mansiyon mula sa kung ano ang itsura nito na natatandaan niya noong bata pa lang siya. Kasama niya sina Tandang Kaziro at Lord Scion. Naiwan naman si Trigger kasama si William at si Red ay umalis na rin nang matapos ang laban. Hinayaan na lang niya si Red dahil malaki rin ang nagawa nitong tulong sa laban kanina. Utang na loob din niya ang pagliligtas nito kay Liam kahit isa ito sa inutusan ni Luciano para ipahamak ang pamilya niya sa Chipan.“Your eye color is different from before,” saad ni Lord Scion habang papasok sila sa mansiyon. Magkahawak sila ng mga kamay at may mga bahid pa ng dugo sa katawan nila mula sa nagdaang laban.“Yeah. This is my original eye color.”“I have a vivid memory about a young girl with blue eyes. I don’t remember exactly what happened before, but I love her eyes.”“Do you think, it’s me?” tanong niya kay Scion.“I don’t know. Maybe yes, if we met at a very
Halos mawalan ng malay si Luciano dahil sa galit. Hindi lang ang pagkatalo ng mga tauhan niya ang nagpapainit sa kaniyang ulo. Maging ang palpak na lakad ng magkapatid na Villarama at ang kapalpakan ng sarili niyang anak. Nasa harapan niya ngayon ang walang malay na si Isabella habang nakasilid sa isang kahon sa tabi ng gate ng mansiyon niya. Nagmistula itong regalo dahil sa balot ng kahon at ribbon sa ibabaw no’n.“Sino ang nagpadala ng kahon na ’yan?” galit na tanong ni Luciano.Walang sumagot sa mga tauhan ng matanda na lalo nitong kinagalit. Itinuon na lang nito ang galit kay Isabella. Nilapitan ito ni Luciano at sinipa para gisingin.“P*nyeta! Gumising ka riyan, Isabella. Ikaw ang inaasahan kong alas, pero narito ka ngayon at walang malay. Gising!” sigaw niya habang sinisipa ito.“Wala ka talagang k’wentang ama, Luciano,” saad ng malamig na boses.Naging alerto ang mga tauhan ni Luciano, pero hindi agad kumilos ang mga ito. Tumingin si Luciano sa direks’yon ng nagsalita. Ngumisi
Abala sa pakikipaglaban si Eiress nang palibutan siya ng mga kalaban. Nahati ang atensiyon ng mga ito sa kaniya at sa mga tauhan ng Nesselio. Hindi pa tuluyang nakapapasok sa bayan ang mga ito. Ilan pa lang sa kampo ng Nesselio ang nakita niyang nakikipaglaban at ang karamihan sa mga iyon ay nagbabantay sa malaking gate sa bungad ng bayan.“Oh, sh*t!” saad ni Eiress nang tamaan siya ng sipa mula sa kalaban. Tumalsik siya sa isa pang kalaban at inambahan siya ng baril. Mabilis naman niyang inagaw ang baril ng lalaki at pinutok sa kasama nito. Alam niyang nag-aalangan ang mga itong paputukan siya dahil sa kanilang distansiya. Nakapalibot sa kaniya ang mga kalaban at sa simpleng pag-iwas niya ay tatama ang bala sa kasama ng mga ito.“You can’t kill me, idiots!”Inagaw niya ang baril ng lalaki at sunod-sunod niya itong hinampas hanggang bumagsak ito. Ginamit naman niya ang baril sa mga kalaban. Sunod-sunod siyang nagpaputok, ngunit agad naubos ang bala ng hawak niyang baril.“Patayin niyo
Pawang mga tahimik ang grupo ni Eiress sa loob ng sasakyan habang binabaybay ang daan papasok sa bayan ng Canixer. Alerto ang bawat isa dahil sa mabilis nilang pagpasok na wala man lang sagabal. Tahimik din sa bayan at mabibilang sa daliri ang mga tao sa kalye.“Tulad ng inaasahan sa kapatid ko, hahayaan niya tayong pumasok sa teritoryo niya para ikulong dito. Inaasahan mo rin ba ito, Marchesa?”“Yes. Any moment from now, enemies will be scattered around us,” sagot ni Eiress.“Wala na rin silbi ang isang ’to sa atin. Bakit hindi mo pa siya patayin?” muling reklamo ni Trigger kay Eiress patukoy kay Red.“May silbi pa rin ako sa inyo, Trigger Wilt. Ibang lugar ang sadya ni Eiress sa loob ng Canixer at doon niya ako kailangan. Tama ba ako, Eiress?”Hindi naman sumagot si Eiress. Nanatiling nakatuon ang tingin nito sa paligid ng sasakyan. Wala na siyang nakikitang tao sa dinadaanan nila.“Itigil mo ang sasakyan,” utos ni Eiress kay Trigger.Walang pagdadalawang isip na sumunod si Trigger.
Sa mansiyon ng mga Nesselio ay sabay-sabay at tahimik na kumakain ng agahan si Isabella kasama ang mag-asawang Carolina at Arturion. Hindi pa rin sanay si Isabella sa buhay ng pagiging Nesselio, pero kailangan niyang tiisin iyon para sa plano nila ng daddy niya.“Am I late with your breakfast?”Namilog ang mga mata ni Isabella nang marinig ang boses ni Cario.“Cario! Why are you here?” bulalas niyang tanong nang makita ang lalaki sa pintuan ng dining room. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito. Akala niya ay matatagalan si Cario sa bayan ng Boran.“Where should I go, except to my home?”Peke namang ngumiti si Isabella. “Ahm… I’m just surprised. I thought you’d stay in Boran for some weeks,” palusot niya.Hindi pinahalata ni Isabella ang pagtutol sa itsura niya dahil sa pagdating ni Cario. Hindi pa siya nakahahanap ng tiyempo para gawin ang plano niya sa mga Nesselio, at malaking sagabal si Cario sa gagawin niya. Alam niyang malakas at matalino si Cario, kaya kailangan niyang doblehi
Nagmamadaling nilapitan ni Lord Scion si William. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon ang kaniyang kapatid.“Kagigising ko lang, pero gusto mo yatang matulog ulit ako. Babalian mo ba ako ng buto sa higpit ng hawak mo? Bitiw na, Scion. Kailangan nating mag-usap muna bago ako matulog ulit,” biro ni William.Mabilis namang binitiwan ni Scion ang balikat ni William. “Pasensiya na, William. Hindi lang ako makapaniwala na gising ka na ngayon. Kumusta ang pakiramdam mo?”“Bukod sa mahina kong katawan, mukhang maayos naman ako.”“Kailan ka pa nagising?”“Dalawang linggo na mula ngayon.”“Dalawang linggo? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Nag-aalala ako sa ’yo dahil walang nagsasabi kung nasaan ka, pero dalawang linggo na pala simula nang magising ka.”“Huminahon ka muna, Scion. May dahilan kaya ngayon lang ako nakahanap ng pagkakataon na magpakita sa ’yo.”“Tell me your reason, William,” seryoso niyang sabi.Sinara muna ni Willi
Nanatili si Red sa ospital ng Janduran kahit maaari na siyang lumabas. Hating-gabi na at hindi pa rin siya natutulog. Wala naman siyang gagawin doon kun’di tumitig sa kisame ng kaniyang silid. Naiinip na siya at gusto na lang niyang bumalik sa Canixer, pero hindi niya ginawa. May pakiramdam siyang pupunta roon si Huntress.“Based on your looks, you’re waiting for me, right?”Bahagyang nagulat si Red sa walang buhay na boses na narinig niya sa loob ng silid. Bumaling siya sa may bintana at nakita niya roon ang taong hinihintay niya. Nakaupo ito sa bintana at walang buhay na nakatingin sa kaniya. Base sa itsura nito, alam niyang bumalik na ang mga nawala nitong alaala.“Bakit diyan ka pa dumaan kung p’wede mo namang gamitin ang pintuan?” normal niyang tanong. Hindi siya natatakot kay Huntress kahit alam niyang bumalik na ito sa dati. Siguro hindi siya nakakaramdam ng takot, dahil tanggap na niyang mamatay na rin siya kapag nagpakita ito sa kaniya.Bumaba si Eiress mula sa bintana at lum
Walang pagsidlan ang tuwa ni Runo Villarama nang hindi na nila naririnig ang mga putok mula sa loob ng gubat. Ilang minuto na ring walang sumasabog sa paligid. Hinala niya ay naubusan na ng bala ang mga ito.“Pasukin niyo na ang gubat. Mahina na ang depensa nila,” utos niya sa mga tauhan.Walang pagdadalawang-isip namang umabante paloob ang mga tauhan ni Runo. Dahan-dahan ang pagkilos ng mga ito. Pawang mga alerto sa paligid. Ngunit hindi nila namamalayan ang mabilis na kilos ng isang pigura dahilan para unti-unting mabawasan ang mga ito. Isa sa mga ito ang nakapansin sa pigura.“May kala—” Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang mabilis itong inatake ng pigura. Bumagsak ang walang buhay nitong katawan sa lupa kasunod ng pagbagsak din ng iba pang mga kasama nito.Nagtaka naman si Runo kung bakit wala pa rin siyang naririnig na putok sa loob ng gubat. Dapat sa oras na iyon ay narating na ng mga tauhan niya ang bahay ni Tandang Kaziro.“Sundan niyo!” muli niyang utos sa panibagong gru
Sa kagubatan ng Janduran, muling nagising si Trigger ilang minuto pagkatapos mawalan ng malay. Tulad ng sinabi ng matanda, bumalik na rin ang lakas niya. Pinasan niya ulit si Eiress patungo sa tahanan ni Tandang Kaziro. Nasa unahan niya ang matanda at sinusundan lang niya ang tinatahak nitong daan. Malamig at bahagyang madilim sa gubat dahil sa malalaki at matatayog na punong kahoy. Maging ang sinag ng araw ay nahihirapang lumusot sa mga puno.“Mawalang galang na po, Tandang Kaziro. Bakit mo tinawag na Marchesa si Eiress?” tanong ni Trigger sa matanda habang naglalakad sila. Kanina pa iyon bumabagabag sa kaniya. Para bang may malalim na pakahulugan ang tawag nito kay Eiress.“Malalaman mo rin kapag nagising siya,” makahulugan nitong sagot na patuloy lang sa paglalakad.“Sigurado ka po ba na hindi lason o anumang mapanganib na gamot ang itinusok sa kaniya?” nag-aalala niyang tanong.“Sigurado ako, iho. Normal ang tibok ng puso niya at wala akong nakikitang problema sa katawan niya. Kun