Share

CHAPTER 3

Author: KHYSTARIA
last update Huling Na-update: 2021-09-22 18:45:17

"Prinsesa Heryst, sa oras na ito ay magsasanay ka kasama ang dalawa sa mandirigma natin. Para malaman ang iyong tunay na lakas ay lalabanan mo silang dalawa ng sabay."

Kasalukuyang nagsasanay si Heryst kasama si Johro at ang dalawa sa mga pinakamahusay na mandirigma ng Eriatha.

"Sa pagkakataon na ito ay ipinagbabawal kang gumamit ng iyong kapangyarihan, bawal din ang paggamit ng kahit anong armas, ang tanging kailangan lang ay ang iyong lakas at talas ng isipan," pagpapaliwanag ni Johro kay Heryst sa kung ano ang mga dapat gawin at hindi dapat gawin sa loob ng kanilang pagsasanay.

"Ngunit paano kung masaktan ko sila?" tanong n'ya kay Johro.

"Huwag kayong magdadalawang isip sa mga galaw na gagawin n'yo, makakasakit man ito sa inyo o hindi. Ibigay n'yo ang lahat ng inyong makakaya sa pagsasanay na ito."

"Ganito na lamang, huwag kayong matatakot na baka masaktan n'yo ako sa gagawin nating pagsasanay ngayon. Ang isipin n'yo ay kalaban n'yo ako, at ganoon din ako," sabi ni Heryst sa dalawang mandirigma na kaharap n'ya.

"Masusunod po Prinsesa Heryst."

Yumuko sila sa isa't isa at pagkatapos nito ay agad nilang sinimulan ang kanilang laban. Matindi ang laban ng tatlo, nagpapalitan lamang sila ng suntok na kanila rin namang naiiwasan.

Nagiisa man si Heryst na kinakalaban ang dalawa sa mahuhusay na mandirigma ng Eriatha ay kitang kita pa rin ang lamang n'ya sa dalawa kahit na malalakas at mahuhusay ang mga galaw na ipinapakita ng dalawang mandirigma.

Sumuntok ang isa sa mga mandirigma ngunit agad itong naiwasan ni Heryst at agad na pumunta sa likod nito at sinipa ang lalaking mandirigma. Naramdaman ni Heryst na may paparating sa kanyang likod, sinakal s'ya ng isa pang mandirigma gamit ang mga braso nito ngunit mabilis na naiharang ni Heryst ang isa nyang kamay dahilan para hindi s'ya masyadong masakal. Nakatayo na ang isa sa mandirigma na sinipa n'ya kanina at tumakbo sa kanyang direksyon, nabasa n'ya ang galaw ng lalaki at tumalon s'ya at inilagay ang kaniyang mga paa sa leeg ng lalaki, nasa pagitan na s'ya ng dalawang mandirigma at ang huling galaw na gagawin n'ya ang tumapos sa laban. Pililit nyang maalis ang mga braso ng lalaking mandirigma sa kanyang leeg sa pamamagitan ng kanyang kamay na nakapagitan dito. Nagtagumpay s'ya at s'ya na ngayon ang sumasakal sa lalaki, pagkatapos nito ay inikot n'ya ang kanyang katawan dahilan para mawalan ng balanse ang dalawang lalaking mandirigma at sabay silang natumba. Sakal sakal n'ya ngayon ang dalawa, ang isa ay gamit ang kanyang braso at ang isa naman ay ginamitan n'ya ng paa.

Hindi na nakayanan ng dalawang mandirigma ang lakas ni Heryst at sabay na nagtaas ng kamay, sinyales na sumusuko na sila. Binitawan agad ni Heryst ang dalawa dahil halatang nasasaktan ang mga ito sa ginawa n'ya.

"Maayos lang ba kayo? Ano ang nararamdaman nyo?" iyan agad ang unang tanong na sinabi n'ya. 

"Maayos lang po kami Prinsesa Heryst, masakit lang po ang ilang parte ng aming katawan," sagot ng isa sa mga mandirigma.

"Pasensy na," paghingi ni Prinsesa Heryst ng paumanhin. Parte man iyon ng kanilang pagsasanay ay hindi mapigilan ni Heryst na makaramdam ng awa at pagaalala sa dalawa dahil halatang lubha niyang nasaktan ang mga ito.

"Wala kang dapat ihingi ng pasensya Prinsesa Heryst dahil parte po ito ng iyong pagsasanay, nagpapasalamat kami dahil may natutunan po kami mula sa iyo," magalang na pagsagot nila kay Heryst at yumuko ang mga ito.

"Maraming salamat din sa inyo," nakangiting tugon n'ya sa dalawa.

Natigil ang kanilang paguusap ng may palakpak silang narinig. Galing ito kay Zheus, kanina pa n'ya pinapanood ang  naging laban ni Heryst at namangha s'ya sa ipinapakita ng kapatid dahil malaki ang iginaling nito.

"Magaling, Heryst, panigurado ay matatalo mo na ako kapag tayo naman ang naglaban," nakangiting sabi n'ya sa kapatid at hinawakan ang ulo nito. Ngumiti si Heryst sa kaniyang kuya dahil masaya s'ya dahil pinuri s'ya nito.

"Malaki ang pinagbago ng iyong lakas Prinsesa Heryst, mas lumakas pa ito kumpara sa dati. Ito ang patunay na hindi nasasayang ang bawat araw ng iyong pagsasanay," nakangiti rin na pagpuri ni Johro kay Heryst.

"Dapat ko itong ipagpasalamat sa'yo Johro," sagot nu Heryst.

"Ginagawa ko lamang ang aking tungkulin mahal na Prinsesa Heryst."

"Hanggang dito na muna ang iyong pagsasanay, Heryst. Maaari ka ng magpahinga o gawin ang mga gusto mo sa araw na ito," sabi ni Zheus sa kapatid.

"Sige kuya magkita na lamang tayo mamaya pagkatapos ng iyong pagsasanay."

                                ###

"Handa ka na ba, Heryst?" tanong ni Zheus sa kapatid. Kasalukuyan silang nagsasanay ngayon sa kagubatan, medyo malayo ito sa kanilang kaharian dahil ang pagsasanay na gagawin nila ngayon ay ginagamitan ng mga palaso. 

"Handa na ako, kuya."

Sagot ni Heryst na kakatapos lang suotin ang damit na panangga sa mga palaso.

"Sa pagsasanay na gagawin natin ngayon ay kailangan ang bilis ng galaw at linaw ng mga mata natin. Kailangan nating iwasan ang mga palaso na ibabato sa atin at kailangan din nating sanggain ang mga ito na gamit lamang ang ating mga espada, naintindihan mo ba ang lahat?" pagpapaliwanag ni Zheus. Pagdating sa mga ganitong pagsasanay ay seryoso si Zheus.

Handa na ang dalawa at handa na rin ang grupo nila Johro kasama ang sampong mandirigma ng Eriatha. May mga hawak na pana at palaso ang sampong mandirigma, nagtatago sila sa mga malalaking puno at makakapal na halaman upang hindi sila makita ng dalawang Prinsesa at Prinsipe. Parte ito ng kanilang pagsasanay, titirahin nila ng sabay sabay gamit ang mga pana't palaso ang dalawa at kailangan nila itong mailagan at masangga.

Handa na ang lahat, binigyan na ni Johro ng senyales ang sampong mandirigma upang sabay sabay na pakawalan ang kanilang mga palaso mula sa kanilang mga pana. Matalas ang pakiramdam ng magkapatid at naiwasan nila ang mga palasong patuloy na tumatama sa kanilang direksyon. Nangingibabaw ang tunog ng mga palasong tumatama sa espada ng dalawa sa tuwing sinasangga nila ang nga ito. 

"AHHHH!"

Patuloy lang sila sa kanilang ginagawa nang may narinig silang napaka lakas na sigaw. Nang marinig iyon ni Heryst ay agad siyang napahinto sa kaniyang ginagawa at mabilis na pinuntahan kong saan nanggagaling ang sigaw na iyon. Mabuti na lamang ay nagawang sanggain ni Zheus ang mga palasong dapat tatama kay Heryst gamit ang kaniyang espada. Nakita ni Johro ang nangyari kaya agad siyang nagbigay ng senyas sa kaniyang mga mandirigma na huminto. Gumamit siya ng teleportation upang mabilis na makarating sa direksyon nila Zheus. 

Sumunod sila kay Heryst na papunta ngayon sa direksyon kung saan may narinig silang sigaw. 

Tumatakbo ngayon si Heryst at nang makarating siya sa lugar kong saan niya narinig ang sigaw ay nakita niya roon ang isang batang babae. Nakaupo ito sa lupa at halatang nahihirapan dahil nakadagan sa isang paa nito ang may kalakihang parte ng puno. Agad na nilapitan ni Heryst ang batang babae.

"Ano ang nangyari? Ayos ka lang ba?" tanong niya sa bata at inangat ang kahoy na nakadagan sa paa nito.

"Naglalaro lamang po ako ng biglang may puno na nalaglag sa akin at naipit po ang aking paa," sagot ng bata sa kaniya.

"Huwag kang magalala, gagamotin ko ang sugat mo," umilaw ang dalawang kamay ni Heryst at may mga kakaibang dahong gamot ang dumapo sa kaniyang mga kamay, umiikot lamang ito at nag labas ng sariling likido at ito ang inilapat ni Heryst sa sugat ng bata.

Ginagamot ni Heryst ang bata ngunit nagtaka siya dahil bigla itong tumawa. Una ay mahina lamang ito, ngunit lumalakas ang tawa nito sa bawat segundo.

"Sa wakas nakita na rin kita, Heryst. Napakaganda mo, masasabi kong nagmana ka sa iyong ina," sambit ng bata. Nagulat si Heryst nang makitang nagbabago ang anyo ng bata, unti-unti itong lumalaki, at habang nagbabago ang kaniyang anyo ay may lumalabas na maintin na usok sa kaniyang likod at biglang nagbago ang kaniyang mata, mula sa normal na mata ay naging itim ito lahat.

Gustong gumalaw ni Heryst sa kaniyang kinalalagyan ngunit Hindi l niya ito magawa, tila may nilagay na maitim na kapangyarihan ang babeng kaharap niya ngayon para hindi siya makagalaw.

"Sino ka? Ano ang ginawa mo sa akin?" galit na tanong ni Heryst sa babae.

Walang sagot na binigay ang babae kay Heryst, sa halip ay hinawakan inilapat niya ang kaniyang kamay sa mukha ni Heryst at nagbigkas ng mga salitang hindi maintindihan ng dalaga. Pagkatapos nito ay biglang na lamang gumalaw ang lupa. Napakalakas ang paggalaw nito na naging dahilan upang magsiliparan sa himpapawid ang mga ibon dahil sa takot at gulat.

Sa sobrang lakas ng pagyanig ay dama  rin ang lakas sa buong Eriatha. Nang maramdaman ito ni Daurus ay agad niyang ginamit ang kaniyang kapangyarihan na maglaho at pumunta sa lugar kong saan nage-ensayo ang kaniyang dalawang anak.

Nakarating na sila Zheus at Johro sa direksyon ni Heryst at kitang kita nila ang ginagawa ng babae kay Heryst. Galit na galit na pumunta si Zheus sa harap nila, ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan, may biglang lumabas sa kaniyang kamay na espada na nagliliwanag at kapag ikaw ay madaplisan man lamang nito ay agad kang makakaramdam ng init sa katawan at unti-unti kang maghihina at mawawalan ng hininga.

Kaugnay na kabanata

  • The Guardian Of Forest   CHAPTER 4

    "LUMAYO KA SA KAPATID KO!" malakas na sigaw ni Zheus sa babaeng kaharap niya ngayon. Iwinasiwas niya ang kaniyang espadang naglalagablab sa liwanag ng dahil sa lakas ng kaniyang kapangyarihan. Umatake si Zheus sa babae gamit ang kaniyang espada ngunit madali lamang itong naiiwasan ng babae.Patuloy pa rin sa pagatake ang binatang si Zheus nang bigla na lamang nawala sa kaniyang harapan ang babae at naramdaman na lamang niya ang prisensya nito sa kaniyang likod. Nararamdaman ni Zheus ang isang matulis na bagay na nakadikit sa kaniyang tagiliran."Wala akong panahon para makipaglaro sayo, ang nais ko lang naman ay makita ang kapatid mo, Zheus.Nais ko lamang na siya ay kumustahin dahil lalo na ngayon na malapit nang mangyari ang pinakahinihintay ko. Pakisabi sa ama mo, maghanda na siya," bulong ng babae sa kaniya habang ito ay tumatawa. Galit ang nangingibabaw sa puso ngayon ni Zheus, alam man niya ang buong katotohan sa pagitan ng kaniyang ama at sa babaeng ito ay

    Huling Na-update : 2021-11-18
  • The Guardian Of Forest   CHAPTER 5

    Heryst's POVSobrang sakit at sobrang lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko mapigilan ang mga luha na kusang lumalabas mula sa aking mga mata. Ang sakit dulot ng nangyari ay patuloy na dumudurog sa aking puso.Wala akong makita kung hindi mga puti at berde na kulay lamang sa aking paligid. Maliwanag ang mga kulay na ito at ito ang nagsisilbing paalala sa akin na hindi na ako makakabalik sa tunay kong mundo. Ang lugar na ito ay ang daan patungo sa kabilang mundo, sa mundo ng mga tao.Patuloy lamang ako sa aking pagiyak. Hindi ko kayang pigilan ang mga luha na ito.Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa aking katawan, "Arrgghh!" Napasigaw ako nang malakas dahil sa aking naramdamang sakit sa aking puso. Para itong tinutusok nang paulit ulit at hindi ko nakakaya ang sakit na dulot nito sa akin. Habang tumatagal ay mas sumasakit pa ito at nanghihina na rin ako.Bigla na lamang pumasok sa aking isipan ang dahilan kung bakit napunta ako s

    Huling Na-update : 2021-12-27
  • The Guardian Of Forest   CHAPTER 6

    Heryst's POV"Tulong, tulungan ninyo ako!" malakas na sigaw ko ngunit kahit isang tao man lamang ay walang nagkusang loob na ako ay tulungan. Tila ba may pagaalinlangan sa kanilang mga mata.Patuloy pa rin ako sa aking pagpupumiglas na makawala sa dalawang lalaki na nakahawak sa akin.Kung meron lamang akong kapangyarihan ngayon, makakawala agad ako sa dalawang tao na ito nang hindi nangangailangan ng tulong ng iba.Palapit kami nang palapit sa madilim na lugar at ang unang pumasok sa aking utak ay ang mga sinabi sa akin ng aking ama bago niya ako ipatapon sa mundo na ito."Dapat kitang parusahan dahil sa ginawa mo. Napagpasyahan namin na ikaw ay ipatapon sa mundo ng mga tao upang malaman mo kung gaano kalupit ang mundong iyon. Hindi ka makakabalik... hanggat hindi ka

    Huling Na-update : 2021-12-29
  • The Guardian Of Forest   CHAPTER 7

    Daniel's POVNandito na ulit kami sa loob ng sasakyan at ngayon ay kasama na namin si Heryst. Mabuti na lamang at SUV ang dinala ko ngayon dahil kung hindi ay hindi kami magkakasyang apat sa isang sasakyan lamang.Ako ang nag-drive ngayon at katabi ko si Alex. Magkatabi naman si Heryst at Aris sa likod namin na kapwa tahimik lamang.Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya nagsasalita. Sa tingin ko ay masyado na siyang napagod sa nangyayari.I know na sa kabilang banda ay hindi tama ang gagawin ko na ito, ang patuluyin ang isang babae sa bahay namin. Una sa lahat ay baka kung ano ang isipin ng mga tao malapit sa amin, pangalawa ay baka may pamilya talaga si Heryst, hindi lang niya maalala dahil traumatize siya sa mga nangyari sa kaniya.Pero sa kabilang banda ay pinipilit ako ng aking puso na gawin ito, paano kung wala nga talaga siyang pamilya? Kapag hinayaan namin siya sa police ay baka may mangyari pang hindi maganda sa kaniya. Bak

    Huling Na-update : 2021-12-30
  • The Guardian Of Forest   Chapter 1

    Sa isang madilim at masukal na kagubatan may isang batang lalaki ang tumatakbo ng mabilis habang tumatangis at halatang kinakapos na ito ng hangin dahil sa walang tigil na pagtakbo. Ngunit hindi ito puwedeng huminto."Mommy... Daddy!" umiiyak na binabanggit na sambit nito habang wala pa rin siyang tigil sa pagtakbo. "HAYUN ANG BATA! SUNDAN N'YO AKO!" Malakas na sigaw na narinig ng batang lalaki .Nagpahinto ito sa pagtakbo at lumingon sa kaniyang pinanggalingan. Nakita ng bata ang mga tao na kanyang tinatakbuhan na papalapit sa kanyang direksyon kaya't 'di ito nagdalawang isip na kumaripas muli ng takbo.Wala sa tamang pag-iisip ang batang lalaki, ang tanging nasa isip lamang nito ay malaki

    Huling Na-update : 2021-08-21
  • The Guardian Of Forest   CHAPTER 2

    Tanghali na ngunit mahimbing pa ring natutulog si Heryst sa kanyang malaking kama. Lubha itong napagod sa ginawa nilang pagsasanay kasama ang kanyang kuya na si Zheus at ang mga tauhan nito.Araw-araw silang nagsasanay upang mahasa at matuklasan ni Heryst ang iba n'ya pang kapangyarihan."Anak tumakbo ka na... Iligtas mo ang iyong sarili, Aris!"Naputol ang mahimbing na pagkakatulog ni Heryst nang may nagpakitang mga imahe sa kanyang isip. Nananaginip s'ya, buhay ang kanyang katawan ngunit hindi n'ya kayang idilat ang kanyang mga mata.Nakikita n'ya sa kanyang panaginip ang batang iniligtas n'ya noon."Ayaw ko, dito lang ako! Ayaw ko po kayong iwan."Umiiyak na sagot ng bata sa kanyang mga magulang. Kitang kita ni Heryst ang pagluha ng batang si Aris at hindi n'ya na rin namalayan na kahit s'ya ay lumuluha na rin."No, Aris! Makinig ka... Mom and I will ha

    Huling Na-update : 2021-08-25

Pinakabagong kabanata

  • The Guardian Of Forest   CHAPTER 3

    "Prinsesa Heryst, sa oras na ito ay magsasanay ka kasama ang dalawa sa mandirigma natin. Para malaman ang iyong tunay na lakas ay lalabanan mo silang dalawa ng sabay."Kasalukuyang nagsasanay si Heryst kasama si Johro at ang dalawa sa mga pinakamahusay na mandirigma ng Eriatha."Sa pagkakataon na ito ay ipinagbabawal kang gumamit ng iyong kapangyarihan, bawal din ang paggamit ng kahit anong armas, ang tanging kailangan lang ay ang iyong lakas at talas ng isipan," pagpapaliwanag ni Johro kay Heryst sa kung ano ang mga dapat gawin at hindi dapat gawin sa loob ng kanilang pagsasanay."Ngunit paano kung masaktan ko sila?" tanong n'ya kay Johro."Huwag kayong magdadalawang isip sa mga galaw na gagawin n'yo, makakasakit man ito sa inyo o hindi. Ibigay n'yo ang lahat ng inyong makakaya sa pagsasanay na ito.""Ganito na lamang, huwag kayong matatakot na baka masaktan n'yo ako sa gagawin nating pagsasanay ngayon. Ang isipin n'yo ay kalaban n'yo ako, at gano

  • The Guardian Of Forest   CHAPTER 2

    Tanghali na ngunit mahimbing pa ring natutulog si Heryst sa kanyang malaking kama. Lubha itong napagod sa ginawa nilang pagsasanay kasama ang kanyang kuya na si Zheus at ang mga tauhan nito.Araw-araw silang nagsasanay upang mahasa at matuklasan ni Heryst ang iba n'ya pang kapangyarihan."Anak tumakbo ka na... Iligtas mo ang iyong sarili, Aris!"Naputol ang mahimbing na pagkakatulog ni Heryst nang may nagpakitang mga imahe sa kanyang isip. Nananaginip s'ya, buhay ang kanyang katawan ngunit hindi n'ya kayang idilat ang kanyang mga mata.Nakikita n'ya sa kanyang panaginip ang batang iniligtas n'ya noon."Ayaw ko, dito lang ako! Ayaw ko po kayong iwan."Umiiyak na sagot ng bata sa kanyang mga magulang. Kitang kita ni Heryst ang pagluha ng batang si Aris at hindi n'ya na rin namalayan na kahit s'ya ay lumuluha na rin."No, Aris! Makinig ka... Mom and I will ha

  • The Guardian Of Forest   Chapter 1

    Sa isang madilim at masukal na kagubatan may isang batang lalaki ang tumatakbo ng mabilis habang tumatangis at halatang kinakapos na ito ng hangin dahil sa walang tigil na pagtakbo. Ngunit hindi ito puwedeng huminto."Mommy... Daddy!" umiiyak na binabanggit na sambit nito habang wala pa rin siyang tigil sa pagtakbo. "HAYUN ANG BATA! SUNDAN N'YO AKO!" Malakas na sigaw na narinig ng batang lalaki .Nagpahinto ito sa pagtakbo at lumingon sa kaniyang pinanggalingan. Nakita ng bata ang mga tao na kanyang tinatakbuhan na papalapit sa kanyang direksyon kaya't 'di ito nagdalawang isip na kumaripas muli ng takbo.Wala sa tamang pag-iisip ang batang lalaki, ang tanging nasa isip lamang nito ay malaki

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status