Share

CHAPTER 4

Author: KHYSTARIA
last update Last Updated: 2021-11-18 17:01:59

"LUMAYO KA SA KAPATID KO!" malakas na sigaw ni Zheus sa babaeng kaharap niya ngayon. Iwinasiwas niya ang kaniyang espadang naglalagablab sa liwanag ng dahil sa lakas ng kaniyang kapangyarihan. Umatake si Zheus sa babae gamit ang kaniyang espada ngunit madali lamang itong naiiwasan ng babae. 

Patuloy pa rin sa pagatake ang binatang si Zheus nang bigla na lamang nawala sa kaniyang harapan ang babae at naramdaman na lamang niya ang prisensya nito sa kaniyang likod. Nararamdaman ni Zheus ang isang matulis na bagay na nakadikit sa kaniyang tagiliran.

"Wala akong panahon para makipaglaro sayo, ang nais ko lang naman ay makita ang kapatid mo, Zheus.Nais ko lamang na siya ay kumustahin dahil lalo na ngayon na malapit nang mangyari ang pinakahinihintay ko. Pakisabi sa ama mo, maghanda na siya," bulong ng babae sa kaniya habang ito ay tumatawa. Galit ang nangingibabaw sa puso ngayon ni Zheus, alam man niya ang buong katotohan sa pagitan ng kaniyang ama at sa babaeng ito ay hindi pa rin niya matanggap na ang babaeng kasama nila ngayon ay ang pinaka-kinasusuklaman niyang ina. Ang ina na kayang ipahamak ang sariling anak para sa kaniyang pansariling interes.

"Hindi ko hahayaan na mangyari ang gusto mo, hindi ko ibibigay ang  kasiyahan na matagal mo ng ninanais," galit na sagot niya sa kaniyang ina.

"ALICE! PAKAWALAN MO ANG ANAK KO!" isang malakas na sigaw ang nagpahinto sa usapan ng dalawa. Si Daurus ang sumigaw, nilapitan niya si Alice, ang babaeng may hawak kay Zheus, ang ina ng kaniyang dalawang anak. 

Agad naman na binitawan ni Alice si Zheus, at nang makawala na si Zheus sa kaniyang ina ay lumapit ito agad kay Heryst. Nanghihina ang dalaga habang buhat siya ni Johro, lumapit si Zheus sa kapatid at agad niya itong ginamitan ng kaniyang kapangyarihan upang patulugin ang kapatid dahil nagaalala siya na baka marinig ng kapatid ang magiging usapan ng kanilang magulang.

"Mag madali kayong bumalik sa Eriatha, kailangan ni Heryst ng pahinga, nais kong tawagin mo ang ang pinakamagaling na manggagamot ng Eriatha, kailangan nating malaman ang nangyayari sa kaniyang katawan dahil sa nangyari kanina," utos ni Zheus kay Johro.

"Masusunod, Prinsipe Zheus, maiiwan na lamang ang sampo sa ating mga mandirigma rito upang magmatyag dahil maaari na may gawin si Alice na hindi maganda sa iyong ama, nasa paligid lamang ang sampo sa ating mandirigma, nakahanda sila sa ano mang mangyayari, magiingat kayo mahal na Prinsipe," Johro.

"Salamat, magiingat ka, ingatan mo si Heryst!" sagot ni Zheus kay Johro. Agad namang ginamit ni Johro ang kaniyang kapangyarihan na maglaho kasama ang Prinsesa. 

Sa kabilang dako naman ay ang paghaharap ni Alice at Daurus. Nasa tabi lamang si Zheus, ngunit ramdam niya ang matinding tensyo ng dalawa.

"Ano ba ang gusto mo, Alice? Hindi ka pa ba nakuntento sa ginawa mo sa anak natin? Bakit ka pa pumarito? Hindi ka pa ba masaya sa ginawa mo sa anak natin? Ginamit mo siya para sa  kagustuhan mong makuha mula sa akin ang kaharian ko!" galit na sabi ni Daurus kay Alice.

Tumawa lamang si Alice sa kaniyang narinig.

"Alam mo Daurus? Napaka hangal mo pa rin hanggang ngayon, sinabi ko na sa iyo noon pa lamang na wala akong anak sa iyo, si Heryst at Zheus ay ginamit ko lang laban sa iyo. Ngayon na malapit ng mangyari ang pinakahinihintay ko, nalalapit na rin ang ang pagbagsak mo, Daurus," tumatawang sambit ni Alice kay Daurus.

Hindi sumagot si Daurus kay Alice, sa kabila man ng kaniyang narinig sa dating asawa ay hindi na siya nasasaktan sa mga sinasabi nito sa kaniya, hindi na siya nasasaktan katulad ng dati. Ang tanging nasa isip lamang niya ay ang pagaalala sa anak na si Heryst at sa mga mangyayari sa hinaharap.

"TUMIGIL KA NA! HANGAL KA!" sigaw ni Zheus at pumagitna sa dalawa. 

"Maiwan ko na kayo, pumarito lamang ako para makita si Heryst, magkita na lamang tayo sa takdang panahon," huling sambit ni Alice at nagiwan pa ng malakas na tawa at kasabay nito ay naglaho na lamang ito bigla.

                                  ###

Nasa Eriatha na sina Daurus at Zheus, kasama ang sampong mandirigma ng Eriatha. Nagmadali agad silang pumasok sa silid ni Heryst upang malaman ang kalagayan nito.

Nang makarating sila sa silid ng dalaga ay agad na bumungad sa kanila ang isang matandang diwatano, ang pinaka magaling na manggagamot sa Eriatha.

"Kumusta ang anak ko?" bungad na tanong ni Daurus sa manggagamot. 

"Sa ngayon ay maayos na ang kaniyang kalagayan, ngunit hindi ko mapapangako na magtutuloy tuloy ito. Patuloy na kumikilos ang itim na espirito sa kaniyang katawan, masasabi kong hindi pa nito lubusang nakukuha ang buong katawan ng Prinsesa ngunit kung hindi ito maagapan ay magiging delikado ito sa Prinsesa at sa buong Eriatha."

Napa buntong hininga na lamang si Daurus dahil sa narinig. Isa na lamang ang naiisip niyang paraan upang mailigtas ang anak at ang Eriatha sa paparating na kapahamakan, labag man sa kaniyang kalooban na gawin ang paraan na ito ngunit ito na lamang ang magliligtas sa pinakamamahal niyang anak.

"Anak, Zheus. Nais kong maghanda kayo, ngayon na ang panahon para gawin ang huling paraan para mailigtas ang kapatid mo," malungkot na utos niya sa anak.

"Ama, hindi natin kailangan na gawin ito, baka naman may paraan pa bukod dito?" 

"Wala na tayong iba pang paraan, anak. Labag man ito sa akin ngunit mas mahalaga pa rin ang kaligtasan niya at ng Eriatha. Sana ay maunawaan mo ako, nais ko lamang ang makakabuti para sa lahat,"

Hindi man gusto ni Zheus ang gusto ng kaniyang ama ay sinunod na lamang niya ito. Umalis siya sa harap ng ama ng hindi man lamang ito nagpapaalam. 

Naiintindihan ni Daurus ang inasal ng kaniyang anak kaya hinayaan na lamang niya ito. Alam niya na nasasaktan ang anak dahil sa nangyayari sa kaniyang kapatid, at dahil doon ay hindi niya maiwasang mapaluha na lamang. Bilang isang ama ay masakit na makitang nahihirapan ang kaniyang mga anak. 

                               ###

Nagising si Heryst at madilim na ang paligid, ibig sabihin lamang nito ay gabi na. 

Napahawak siya sa kaniyang ulo dahil sumakit ito. Unti unti niyang naalala ang lahat ng mga nangyari kanina. 

Mahina man ang kaniyang katawan ay nagawa pa rin niyang maglakad para pumunta sa silid ng kaniyang ama. Naisip niya na nagaalala na ng malubha ang kaniyang ama kaya agad siyang pumunta sa silid nito.

Hindi pa man nakakapasok si Heryst sa loob ng silid ng ama ay kita na niya ang mga tauhan nito.

Nakatayo ang mga matataas na sundalo sa labas ng silid ng kaniyang ama, nagtataka siya kung bakit naroon ang mga iyon ngunit ipinagsawalang bahala na lamang niya ito at nagpatuloy sa paglalakad.

Bawat hakbang na kaniyang ginagawa ay kaba naman ang dulot nito sa kaniya. Nakapila ang mga sundalo sa gilid ng silad ng ama, nakayuko ito para bigyang galang ang Prinsesa. Hindi niya alam kung bakit ganito ang kaniyang nararamdaman, pakiramdam niya ay may mangayayaring kakaiba at hindi niya inaasahan.

Nakarating na siya sa harap ng silid ng ama. Nakabukas ang pinto nito. Kitang kita niya na naroon ang ama niya, si Zheus, Johro, at ang iba pang mga matataas na tauhan sa Eriatha.

Kita ni Heryst ang kalungkotan sa kanilang mga mata, nagtataka man ay pinili niya pa rin na pumasok sa silid ng ama.

"Ano ang nangyayari rito, ama? Bakit nandito kayong lahat?" tanong niya, hindi na kasi niya matiis na hindi  magtanong lalo na ngayon na iba ang kaniyang pakiramdam sa mga nangyayari.

"Heryst, alam mo ba na ang ginawa mo kanina ay paglabag sa aking iniutos sa iyo? Hindi ba sinabi ko sa iyo na huwag na huwag kang magtitiwala sa kung sino, tao man iyan o hindi? Bakit sinuway mo pa rin ako?" galit na tanong ni Daurus sa anak.

Nagulat si Heryst sa inasal ng ama. Hindi naman ganito ang kaniyang ama, nagagalit ito pero hindi ganito.

Nabigla si Heryst sa nangyayari kaya hindi niya maiwasang maging emosyonal.

"Ama, ginawa ko lamang ang alam kong tama. Tumulong lang ako dahil alam kong nangangailangan ang nilalang na iyon ng tulong, hindi ko naman po akalain na ganoon ang nilalang na iyon," pagpapaliwanag niya.

"Kahit na! Dapat ay nagisip ka, nang dahil sa ginawa mo muntik ng mapahamak ang buong Eriatha!"

Hindi na nakasagot si Heryst at yumuko na lamang. Alam niya na tama ang sinabi ng kaniyang ama. Ipinahamak nga niya ang buong kaharian.

"Alam mo naman na ang lahat ng paglabag ay may kapantay na kaparusahan hindi ba?" tanong ni Daurus sa anak.

Agad na napatingin si Heryst sa kaniyang ama. Seryoso ang hitsura nito habang hindi ito nakatingin sa kaniya. Bigla siyang kinabahan sa sinabi nito.

"Dapat kitang parusahan dahil sa ginawa mo. Napagpasyahan namin na  ikaw ay ipatapon sa mundo ng mga tao upang malaman mo kung gaano kalupit ang mundong iyon. Hindi ka makakabalik... hanggat hindi ka natututo sa iyong pagkakamali."

Agad na bumagsak ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan, alam niya ang pagkakamali niya ngunit pakiramdam niya ay sobra ang parusa na ibinibigay sa kaniya, pakiramdam niya ay nagbago ang kaniyang ama.

"Ama, ayaw ko! Nais kong dito na lamang ako, ayokong mapalayo sa inyo!" umiiyak na sabi niya.

Tumingin siya sa kaniyang paligid, lahat ay nakayuko, tanging ang ama lamang niya ang hindi dahil nakatingin ito sa ibang direksyon na para bang ayaw niyang tignan si Heryst.

"Ama, maawa kayo sa akin, hindi ko po alam ang mundo ng mga tao. Alam ko po na nagkamali ako, huwag ninyo naman po akong itakwil. Anak n'yo po ako! Parang awa na po, huwag ninyong gawin ito sa akin!" walang tigil ang luha sa mata ni Heryst, lumuhod na ito upang magmakaawa.

"Hindi na mababago ang desisyon ko, ngayon mismo isasagawa ang pagtapon sa'yo sa mundo ng mga tao, kailangan ko itong gawin para matuto ka," pagmamatigas ni Daurus sa anak.

Sa kabilang dako naman ay si Zheus na lumuluha na rin dahil sa nakikitang sakit na nararamdaman ng kapatid.

Umilaw ang lugar kung saan nakaluhod si Heryst habang umiiyak. Napahagulhol ng malakas si Heryst dahil sa nakikita, pakiramdam niya ay hindi na magbabago ang isip ng ama. Sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman, pakiramdam niya ay hindi na siya mahal ng kaniyang ama.

Nakita ni Zheus ang hinagpis ng kapatid kaya hindi na niya napigilan ang sarili at agad siyang tumakbo papunta kay Heryst. Lumuhod siya sa harap nito at hinawakan ang mukha ng kapatid. Pareho silang lumuluha.

"Heryst, makinig ka, patawarin mo ang kuya. Tandaan mo magkikita ulit tayo, tandaan mo iyan. Patawarin mo sana ang ating ama... mahal na mahal kita, kapatid ko," idinikit ni Zheus ang kaniyang noo sa noo ni Heryst, lumuluha pa rin ang dalawa. Hindi na magawang magsalita ni Heryst dahil sa halo halong emosyon na kaniyang nararamdaman.

Unti unti na ngang naglaho ang dalaga. Agad na napaluha si Daurus, kanina pa niya ito pinipigilan, hindi siya tumitingin sa anak dahil alam niyang luluha lamang siya pag nakita niyang nasasaktan ito. Mahal niya ang  anak na si Heryst, kailangan niya itong gawin para mailigtas ang anak sa kapahamakan.

Napuno ng sakit, lungkot at hinagpis ang buong silid ni Daurus. Kasabay ng pagkawala ng kaniyang anak ay ang pagkawala ng kasiyahan sa kaniya at sa buong Eriatha.

Related chapters

  • The Guardian Of Forest   CHAPTER 5

    Heryst's POVSobrang sakit at sobrang lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko mapigilan ang mga luha na kusang lumalabas mula sa aking mga mata. Ang sakit dulot ng nangyari ay patuloy na dumudurog sa aking puso.Wala akong makita kung hindi mga puti at berde na kulay lamang sa aking paligid. Maliwanag ang mga kulay na ito at ito ang nagsisilbing paalala sa akin na hindi na ako makakabalik sa tunay kong mundo. Ang lugar na ito ay ang daan patungo sa kabilang mundo, sa mundo ng mga tao.Patuloy lamang ako sa aking pagiyak. Hindi ko kayang pigilan ang mga luha na ito.Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa aking katawan, "Arrgghh!" Napasigaw ako nang malakas dahil sa aking naramdamang sakit sa aking puso. Para itong tinutusok nang paulit ulit at hindi ko nakakaya ang sakit na dulot nito sa akin. Habang tumatagal ay mas sumasakit pa ito at nanghihina na rin ako.Bigla na lamang pumasok sa aking isipan ang dahilan kung bakit napunta ako s

    Last Updated : 2021-12-27
  • The Guardian Of Forest   CHAPTER 6

    Heryst's POV"Tulong, tulungan ninyo ako!" malakas na sigaw ko ngunit kahit isang tao man lamang ay walang nagkusang loob na ako ay tulungan. Tila ba may pagaalinlangan sa kanilang mga mata.Patuloy pa rin ako sa aking pagpupumiglas na makawala sa dalawang lalaki na nakahawak sa akin.Kung meron lamang akong kapangyarihan ngayon, makakawala agad ako sa dalawang tao na ito nang hindi nangangailangan ng tulong ng iba.Palapit kami nang palapit sa madilim na lugar at ang unang pumasok sa aking utak ay ang mga sinabi sa akin ng aking ama bago niya ako ipatapon sa mundo na ito."Dapat kitang parusahan dahil sa ginawa mo. Napagpasyahan namin na ikaw ay ipatapon sa mundo ng mga tao upang malaman mo kung gaano kalupit ang mundong iyon. Hindi ka makakabalik... hanggat hindi ka

    Last Updated : 2021-12-29
  • The Guardian Of Forest   CHAPTER 7

    Daniel's POVNandito na ulit kami sa loob ng sasakyan at ngayon ay kasama na namin si Heryst. Mabuti na lamang at SUV ang dinala ko ngayon dahil kung hindi ay hindi kami magkakasyang apat sa isang sasakyan lamang.Ako ang nag-drive ngayon at katabi ko si Alex. Magkatabi naman si Heryst at Aris sa likod namin na kapwa tahimik lamang.Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya nagsasalita. Sa tingin ko ay masyado na siyang napagod sa nangyayari.I know na sa kabilang banda ay hindi tama ang gagawin ko na ito, ang patuluyin ang isang babae sa bahay namin. Una sa lahat ay baka kung ano ang isipin ng mga tao malapit sa amin, pangalawa ay baka may pamilya talaga si Heryst, hindi lang niya maalala dahil traumatize siya sa mga nangyari sa kaniya.Pero sa kabilang banda ay pinipilit ako ng aking puso na gawin ito, paano kung wala nga talaga siyang pamilya? Kapag hinayaan namin siya sa police ay baka may mangyari pang hindi maganda sa kaniya. Bak

    Last Updated : 2021-12-30
  • The Guardian Of Forest   Chapter 1

    Sa isang madilim at masukal na kagubatan may isang batang lalaki ang tumatakbo ng mabilis habang tumatangis at halatang kinakapos na ito ng hangin dahil sa walang tigil na pagtakbo. Ngunit hindi ito puwedeng huminto."Mommy... Daddy!" umiiyak na binabanggit na sambit nito habang wala pa rin siyang tigil sa pagtakbo. "HAYUN ANG BATA! SUNDAN N'YO AKO!" Malakas na sigaw na narinig ng batang lalaki .Nagpahinto ito sa pagtakbo at lumingon sa kaniyang pinanggalingan. Nakita ng bata ang mga tao na kanyang tinatakbuhan na papalapit sa kanyang direksyon kaya't 'di ito nagdalawang isip na kumaripas muli ng takbo.Wala sa tamang pag-iisip ang batang lalaki, ang tanging nasa isip lamang nito ay malaki

    Last Updated : 2021-08-21
  • The Guardian Of Forest   CHAPTER 2

    Tanghali na ngunit mahimbing pa ring natutulog si Heryst sa kanyang malaking kama. Lubha itong napagod sa ginawa nilang pagsasanay kasama ang kanyang kuya na si Zheus at ang mga tauhan nito.Araw-araw silang nagsasanay upang mahasa at matuklasan ni Heryst ang iba n'ya pang kapangyarihan."Anak tumakbo ka na... Iligtas mo ang iyong sarili, Aris!"Naputol ang mahimbing na pagkakatulog ni Heryst nang may nagpakitang mga imahe sa kanyang isip. Nananaginip s'ya, buhay ang kanyang katawan ngunit hindi n'ya kayang idilat ang kanyang mga mata.Nakikita n'ya sa kanyang panaginip ang batang iniligtas n'ya noon."Ayaw ko, dito lang ako! Ayaw ko po kayong iwan."Umiiyak na sagot ng bata sa kanyang mga magulang. Kitang kita ni Heryst ang pagluha ng batang si Aris at hindi n'ya na rin namalayan na kahit s'ya ay lumuluha na rin."No, Aris! Makinig ka... Mom and I will ha

    Last Updated : 2021-08-25
  • The Guardian Of Forest   CHAPTER 3

    "Prinsesa Heryst, sa oras na ito ay magsasanay ka kasama ang dalawa sa mandirigma natin. Para malaman ang iyong tunay na lakas ay lalabanan mo silang dalawa ng sabay."Kasalukuyang nagsasanay si Heryst kasama si Johro at ang dalawa sa mga pinakamahusay na mandirigma ng Eriatha."Sa pagkakataon na ito ay ipinagbabawal kang gumamit ng iyong kapangyarihan, bawal din ang paggamit ng kahit anong armas, ang tanging kailangan lang ay ang iyong lakas at talas ng isipan," pagpapaliwanag ni Johro kay Heryst sa kung ano ang mga dapat gawin at hindi dapat gawin sa loob ng kanilang pagsasanay."Ngunit paano kung masaktan ko sila?" tanong n'ya kay Johro."Huwag kayong magdadalawang isip sa mga galaw na gagawin n'yo, makakasakit man ito sa inyo o hindi. Ibigay n'yo ang lahat ng inyong makakaya sa pagsasanay na ito.""Ganito na lamang, huwag kayong matatakot na baka masaktan n'yo ako sa gagawin nating pagsasanay ngayon. Ang isipin n'yo ay kalaban n'yo ako, at gano

    Last Updated : 2021-09-22

Latest chapter

  • The Guardian Of Forest   CHAPTER 4

    "LUMAYO KA SA KAPATID KO!" malakas na sigaw ni Zheus sa babaeng kaharap niya ngayon. Iwinasiwas niya ang kaniyang espadang naglalagablab sa liwanag ng dahil sa lakas ng kaniyang kapangyarihan. Umatake si Zheus sa babae gamit ang kaniyang espada ngunit madali lamang itong naiiwasan ng babae.Patuloy pa rin sa pagatake ang binatang si Zheus nang bigla na lamang nawala sa kaniyang harapan ang babae at naramdaman na lamang niya ang prisensya nito sa kaniyang likod. Nararamdaman ni Zheus ang isang matulis na bagay na nakadikit sa kaniyang tagiliran."Wala akong panahon para makipaglaro sayo, ang nais ko lang naman ay makita ang kapatid mo, Zheus.Nais ko lamang na siya ay kumustahin dahil lalo na ngayon na malapit nang mangyari ang pinakahinihintay ko. Pakisabi sa ama mo, maghanda na siya," bulong ng babae sa kaniya habang ito ay tumatawa. Galit ang nangingibabaw sa puso ngayon ni Zheus, alam man niya ang buong katotohan sa pagitan ng kaniyang ama at sa babaeng ito ay

  • The Guardian Of Forest   CHAPTER 3

    "Prinsesa Heryst, sa oras na ito ay magsasanay ka kasama ang dalawa sa mandirigma natin. Para malaman ang iyong tunay na lakas ay lalabanan mo silang dalawa ng sabay."Kasalukuyang nagsasanay si Heryst kasama si Johro at ang dalawa sa mga pinakamahusay na mandirigma ng Eriatha."Sa pagkakataon na ito ay ipinagbabawal kang gumamit ng iyong kapangyarihan, bawal din ang paggamit ng kahit anong armas, ang tanging kailangan lang ay ang iyong lakas at talas ng isipan," pagpapaliwanag ni Johro kay Heryst sa kung ano ang mga dapat gawin at hindi dapat gawin sa loob ng kanilang pagsasanay."Ngunit paano kung masaktan ko sila?" tanong n'ya kay Johro."Huwag kayong magdadalawang isip sa mga galaw na gagawin n'yo, makakasakit man ito sa inyo o hindi. Ibigay n'yo ang lahat ng inyong makakaya sa pagsasanay na ito.""Ganito na lamang, huwag kayong matatakot na baka masaktan n'yo ako sa gagawin nating pagsasanay ngayon. Ang isipin n'yo ay kalaban n'yo ako, at gano

  • The Guardian Of Forest   CHAPTER 2

    Tanghali na ngunit mahimbing pa ring natutulog si Heryst sa kanyang malaking kama. Lubha itong napagod sa ginawa nilang pagsasanay kasama ang kanyang kuya na si Zheus at ang mga tauhan nito.Araw-araw silang nagsasanay upang mahasa at matuklasan ni Heryst ang iba n'ya pang kapangyarihan."Anak tumakbo ka na... Iligtas mo ang iyong sarili, Aris!"Naputol ang mahimbing na pagkakatulog ni Heryst nang may nagpakitang mga imahe sa kanyang isip. Nananaginip s'ya, buhay ang kanyang katawan ngunit hindi n'ya kayang idilat ang kanyang mga mata.Nakikita n'ya sa kanyang panaginip ang batang iniligtas n'ya noon."Ayaw ko, dito lang ako! Ayaw ko po kayong iwan."Umiiyak na sagot ng bata sa kanyang mga magulang. Kitang kita ni Heryst ang pagluha ng batang si Aris at hindi n'ya na rin namalayan na kahit s'ya ay lumuluha na rin."No, Aris! Makinig ka... Mom and I will ha

  • The Guardian Of Forest   Chapter 1

    Sa isang madilim at masukal na kagubatan may isang batang lalaki ang tumatakbo ng mabilis habang tumatangis at halatang kinakapos na ito ng hangin dahil sa walang tigil na pagtakbo. Ngunit hindi ito puwedeng huminto."Mommy... Daddy!" umiiyak na binabanggit na sambit nito habang wala pa rin siyang tigil sa pagtakbo. "HAYUN ANG BATA! SUNDAN N'YO AKO!" Malakas na sigaw na narinig ng batang lalaki .Nagpahinto ito sa pagtakbo at lumingon sa kaniyang pinanggalingan. Nakita ng bata ang mga tao na kanyang tinatakbuhan na papalapit sa kanyang direksyon kaya't 'di ito nagdalawang isip na kumaripas muli ng takbo.Wala sa tamang pag-iisip ang batang lalaki, ang tanging nasa isip lamang nito ay malaki

DMCA.com Protection Status