Chapter 19: Wrath
Tirik na ang araw sa labas pero heto at nakahiga pa rin ako sa kama. Pakiramdam ko kasi ay nanaginip ako. Wala sa hinagap ko na mangyayari ang pagkakataong ito—ang mapagmasdan ang isang Gavin Cradford sa mahimbing niyang pagtulog. Malayo sa karaniwan niyang anyo ang nakikita ko ngayon. Hindi nakakunot ang kaniyang noo. Maamo ang kaniyang mukha na tila ba isa siyang natutulog na anghel.
Matamis akong napangiti nang bahagya siyang gumalaw. Nagulo ang may kahabaan na niyang buhok dahilan na mapunta sa kaniyang mga mata ang iilang hibla nito. Inangat ko ang aking kanang kamay saka hinawi ito ng marahan at binalik sa dating ayos. Nang matapos iyon, sa halip na ibaba ang aking kamay ay kusa itong gumalaw na tila ba may sariling utak at hinaplos ang kaniyang mukha. Mula sa makakapal niyang kilay, matangos na ilong, hanggang sa maninipis at mapupula niyang labi.
Mariin akong napalunok kas
Chapter 20: Veracity "What are you, Elise? A plumb? Come here," aniya sa seryosong tuno habang minumuwestra ang kamay sa bakanteng espasyo sa kaniyang gilid. We’re now here inside his office. He's sitting at the couch while I choose to just stand beside the door. I'm a bit hesitant to come near him. Dahil base sa seryosong awra niya ngayon mukhang hindi maganda ang mood niya. Baka nagalit talaga siya roon sa I* post ko at hindi ko maintindihan kung bakit. Wala naman akong nakikitang mali roon. Simpleng nakaakbay lang sa akin si Traise habang nakangiti naman ako sa kamera. So, I really don't get it why would he be mad at that. I sighed and seriously looked at him. "No, I'm fine here," tanggi ko. Pilit kong nilabanan ang umuusbong na kaba sa aking dibdib. Huminga akong malalim para kalmahin ang sarili. "Binura ko na 'yong photo," saad ko nang natahimik siya at mataman lamang akong tinitigan. "Ah, I need to—"
Chapter 21: Herald"Damn, sweetie. You cooked so divinely! Let’s get married!"Bigla kong nalulon ang isang buong piraso ng adobong manok nang marinig ang kaniyang sinabi. Napaubo ako habang hinahampas ang aking dibdib dahil sa paninikip nito. Naalarma naman siya at kaagad akong dinaluhan. Dinampot niya ang nakahandang bottled water sa coffee table kung saan kami kumakain saka marahan itong ipinainom sa akin habang hinahagod ang aking likod.Napapalatak siya. "Are you okay? I told you to eat slowly," aniya na mababanaag sa boses ang pag-aalala.Lumunok ako ng isang beses saka pa umayos ang aking pakiramdam. Ibinaba ko ang tubig pagkatapos ay hinarap siya at alanganing nginitian."Ayos lang ako," I assured him. He sighed and went back to his seat beside me. "Puwede bang ibahin mo 'yang tawag mo sa'kin?" I told him, ignoring his sudden marriage proposal.Hindi ko alam kung seryoso b
Chapter 22: UpsetTama nga ang sinasabi ng iba na sobrang bilis tumakbo ng oras kapag masaya ka.Hunyo na ngayon at tatlong buwan na magmula nang inanunsyo ni Gavin sa buong kompanya ang tungkol sa aming dalawa. Sa loob ng mga panahong iyon ay talagang ipinaramdam niya sa akin kung gaano ako kahalaga sa buhay niya at ipinakita sa akin kung gaano niya ako kamahal.Since that day—even if I didn't ask him to, he started courting me. He took care of me. Araw-araw ay sinusundo niya ako kada umaga at hinahatid pauwi pagkatapos ng trabaho. Lagi niya akong sinasabayan tuwing lunch break. Minsan pa ay inaaya niya akong kumain sa labas kapag hindi hectic ang kaniyang schedule.Every day that we're together, I can see changes in him. Iyong pagiging bugnutin niya ay nabawasan na. Natutoto na rin siyang makipaghalubilo sa ibang empleydo. Madalas ko na rin siyang makitang ngumiti hindi lang sa
Chapter 23: Surprise"Ate, saan ang magiging kuwarto natin?""Katabi lang ng kina mama mo," tugon ko kay Mae nang mailapag ko na ang iilan sa dala naming gamit."Okay po. Matutulog na muna ako, 'Te, ha? Alam mo na, jet lag," saad niya at napahagikhik pa.Natawa naman ako sa kaniyang tinuran. "Sige, akyat ka na. Susunod nalang ako," ani ko kay Maegan na tinanguan lamang niya at kaagad ng pumanik sa taas.Gaya ng napag-usapan namin nina Tita Beatriz at Tito Ronel noong nakaraang linggo ay narito na kami sa Carmen—ang mismong kinalakihan kong lugar kung saan naiwan ang mga alaalang pinilit kong takasan at kalimutan.Ngayon ay rito kami mamalagi sa lumang bahay namin na tanging naipamana sa akin nina Mom at Dad. Bago ako umalis noon para takasan ang masalimoot kong nakaraan ay ipinagkatiwala ko muna itong bahay kay Manang Karing—dati naming kasambahay, para kahit papaano ay may ma
Chapter 24: Wilderness| WARNING: MATURE CONTENT AHEAD |"I love you too, Gave. Let's make this official."Natigilan siya sa narinig kasabay ang panglalaki ng kaniyang mga mata. Marahil nabigla sa sinabi ko."W-what? You're not kidding, right?" he mumbled. I can hear uncertainty in his voice.I genuinely smiled at him and nodded as a response.Natawa na lamang ako nang bigla siyang napahiyaw sa tuwa at mahigpit akong niyakap. Maya-maya pa ay nakakulong na sa kaniyang mga palad ang aking magkabilang pisngi. Malaya ko tuloy napagmasdan ang pamumula ng kaniyang mga mata.Aw, my boss is holding his tears."Damn! I love you so much," he whispered. He then claimed my lips which I responded passionately."Hmm," I hummed when his tongue touches mine, savoring the insides of my mouth.I know making out
Chapter 25: Voice"Maraming salamat sa pagpunta, sis. Mag-iingat ka," paalam ko kay Lyf saka siya mahigpit na niyakap.Tinapik niya naman ang likod ko at mahinang humagikhik. "No worries, my dear beshy! After all, I had so much fun," tugon niya bago kumalas sa yakapan namin."Ako rin," sang-ayon ko habang may malawak na ngiti sa mga labi. "Ngayon nalang ulit ako nakapag-celebrate ng birthday ko ng gano'n kasaya.""At mas magiging masaya pa sa mga susunod mong birthday. That, I assure you, my sistah!" maligalig na aniya.Natawa na lamang ako sa tinuran niyang iyon, lalo na sa kakulitan niya. "Pumasok ka na nga sa loob at baka maiwanan ka pa ng eroplano," taboy ko sa kaniya nang marinig kong nagtatawag na ng mga pasahero para sa flight niya.Nasa airport kasi kami ngayon dahil tapos na iyong tatlong araw na hininge niyang bakasyon kay Miss Soren. Gustuhin ko mang manatili pa siya ng ilang araw
Chapter 26: Message"What's wrong, Love?""Ha?" naimutawi ko at bahagyang napaigtad nang biglang haplosin ni Gavin ang aking pisnge. "A-ano 'yon, mahal? May sinasabi ka ba?"Kumunot ang kaniyang noo sa tinuran ko. "You spaced out. Are you okay?" aniya, bakas sa tinig ang pag-aalala.I nodded. "Let's go?" I urged him to dismiss the conversation. I don't want him to worry. After all, I think I was just hallucinating things.He heaved a sigh and kissed my forehead. Napapikit naman ako at napangiti sa kaniyang ginawa. Dahil doon ay kumalma ako at tuluyang nawala sa isip ang narinig kanina lang.Sa mga sumunod na araw ay ginugol namin ito sa pamamasyal. Paniguradong matagal pa bago ulit kami makabalik rito kaya sinusulit na namin ngayon ang pagkakataon.Bawat lugar na mapuntahan namin ay todo sa pagkuha ng litrato si Maegan. Napapailing na lamang ako
Chapter 27: AnnicaI don't know if I'm still hallucinating or someone is guilt tripping me. But this is really freaking me out! Magmula nang binisita ko si Yvor at tuluyan siyang pinakawalan ay saka naman may mga kakaibang senyales akong natatanggap.Is this just a warning to tell me that what I did was wrong? Na hindi ko pa dapat siya pinalitan at pinalaya ng ganoon kabilis? Does three years still fast to move on? Hindi ko naman planado ang lahat. Everything that's happening right now was just sudden. Loving someone else didn't even cross my mind the moment I went here. Ngunit hindi ko naman hawak ang aking puso. Kusa itong napagod makulong sa nakaraan at piniling tumibok sa iba.Mali ba ako? Mali ba ang ginawa ko? Mali ba ang naging desisyon ko? Mali bang sundin ang tinitibok ng puso ko at piliin kong maging masaya? Sa tingin ko ay hindi, dahil hindi naman ako nagtaksil at