Home / Romance / The Governor's Affair / KABANATA 3: Substitute Wife

Share

KABANATA 3: Substitute Wife

last update Huling Na-update: 2022-08-23 12:38:17

Walang labinlimang minuto ay nakarating na ako sa club kung nasaan si Alessandro. Unang beses kong nakarating sa ganitong klase ng lugar at hindi ko akalain na ganito karaming tao pala ang pumupunta rito. Marami ang nagsasayawan sa gitna at mga nagkakatuwaang magkakaibigan sa mga mesa. 

Halos lumuwa pa ang mga mata ko nu'ng may nakita akong naghahalikan sa gilid.

"Miss Maisie Trinidad?" Lumapit sa'kin ang isang waiter. "This way po." 

Inayos ko ang suot na eyeglasses bago sumunod sa waiter. Dinala niya ako sa mapayapang parte ng bar. Malayo sa malakas na tugtog at sa mga halakhak ng tao. Dumaan kami sa isang mahabang hallway at tumigil sa isang pinto. Kumatok ang waiter.

"Nandito na siya, sir Alessandro."

"Let her in," sagot ng boses sa likod. 

Pumasok ako at nakita ang isang binatang nakalugmok sa sopa kaharap ang isang mesang napuno ng iba't ibang inumin. Marami sa mga ito ay wala ng laman. 

Sumilay ang isang pagod na ngiti sa labi niya. "You came." 

Halos mawalan siya ng balanse nu'ng sinubukan niyang tumayo. Mabilis akong lumapit upang alalayan siya. 

"'Wag ka ng tumayo," sambit ko saka siya dahan-dahang pinaupo ulit sa sopa. Kahit matapang ang amoy ng alak ay mas malakas pa rin ang pabango niya. "Ano bang nangyari at naglasing ka ng ganito?" 

Pinagpasadahan niya ng daliri ang buhok, sinusubukan na ayusin ang sarili. "It's Clara." 

Bumigat ang balikat ko sa sagot niya. Nilabas niya ang isang singsing at tumitig doon. 

"Sinubukan kong magpaliwanag sa kanya pero kahit anong gawin ko, she still refuses to wear this ring again." 

Nagbuntonghininga ako. Kahit si Alessandro ang nag initiate ng halik namin nu'ng araw na 'yon ay hindi naman ako nagreklamo at hinayaan siya. Kung iisipin ay may kasalanan din ako. 

"Makukuha mo siya ulit, Alessandro." Sinubukan kong pagaanin ang damdamin niya. "Basta't 'wag ka lang tumigil. Mahal ka ni Clara. Baka kailangan lang talaga niya ng oras para makapag-isip." 

Natawa siya saka naglagay ng alak sa baso. "I don't think so, Maisie." Kinuha niya ang baso saka 'yon nilagok ng isahan. "Hindi niya ako mahal." 

Nagdugtong ang mga kilay ko sa huling pangungusap niya. "Anong ibig mong sabihin?" 

Tinitigan ako ni Alessandro. Na para bang nag-aalinlangan siya kung sasabihin niya o hindi. "May ibang lalaki siya." 

Naghiwalay ang mga labi ko kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. Hindi ako makapaniwala. "Ano?" 

"I know it's shocking. Kanina ko lang din nalaman," dagdag niya. Ang boses ni Alessandro ay puno ng emosyon. Malalaman mo talagang nasasaktan siya. 

"It hurts," pag-amin niya. "Kaya pala ayaw niyang makipagbalikan sa'kin dahil may plano naman talaga siyang iwan ako. She was only looking for a reason to leave, and when she found one, she finally left."

Wala akong masabi. Pinilit kong maghanap ng tamang salitang sasabihin para pagaanin ang loob niya ngunit walang pumasok sa utak ko. 

"Kaya 'wag mo sisihin ang sarili mo, Maisie."

Tumungo ako. "I'm sorry pa rin, Alessandro."

Malungkot niya akong nginitian."Don't be. Tsaka isa pa, I think this is God's sign." Patuloy akong nakinig sa kanya. "Baka hindi talaga si Clara ang para sa'kin.." 

Tumitig ang mga kayumangging mga mata niya sa'kin. Iba ang pinapahiwatig ng mga ito. 

Maya maya'y muli siyang nagsalita na halos ikinatalon ng puso ko sa pinaghalong gulat at tuwa. "Alam kong nakagawa ako ng malaking kasalanan sa'yo but I'm sorry, I don't regret kissing you that night."  

Literal akong naging estatwa sa kinauupuan. Ang mga labi ko ay naghiwalay ngunit pinilit kong bumalik sa wisyo. "Alessandro, lasing ka lang," ani ko sabay tayo.  "Tawagin mo ang driver mo at umuwi ka na." 

Nung tumalikod ako upang umalis na sana ay hinawakan niya ako sa braso upang pigilan. "Maisie, please.." Nakatayo na rin siya at nanunubig na ang mapupungay na mga mata. "Oo, aaminin kong lasing ako pero hindi ako nagsisinungaling." 

Napakalakas ng pintig ng puso ko. Ano bang gusto niyang iparating? 

"I like you…" 

Tuluyan na akong nanghina sa tatlong salitang isinambit niya. 

"The very second you entered the mansion, I knew I had fallen." 

Pinilit kong bawiin ang pulsuhan kong hawak-hawak niya pero sadyang mas malakas siya. 

"Nasasaktan ka lang kaya mo nasasabi 'yan, Alessandro. Sa uri ng itsura na mayroon ako, napakahirap paniwalaan na gusto mo 'ko." 

Pumitik ang panga niya. "Then, do you want proof?"

"Alessandro plea―mhmm!" 

Hindi ko na natapos pa ang pangungusap ko nu'ng bigla niya akong hilahin at ipagdampi ang mga labi namin. Dahil sa gulat ay hindi kaagad ako nakareak. Hindi magawang maproseso ng utak ko ang mga nangyayari.

Nung makaipon ng lakas ay marahas ko siyang itinulak. "Anong ginagawa mo, Alessandro?!" 

"Gusto mo rin ako," aniya gamit ang mababa at garalgal na boses habang nakatingin sa labi ko papunta sa mata. 

"N-Nagkakamali ka."

"Kung mali ako bakit ka humalik pabalik sakin nu'ng araw na 'yon?" 

Doon na ako tuluyang nabisto. Wala akong magawang palusot. Ang kamay niya ay umangat at humawak sa pisngi ko kung nasaan ang malaki kong birthmark. Hinaplos niya 'yon habang nakatitig sa'kin. 

"There's no need for you to resist, Maisie. We both know how badly you want me."

Bago pa man ako makapagsalitang muli ay naramdaman ko na naman ang mga labi niyang dumampi sa'kin. Hindi gaya nung una ay ngayo'y kumikilos na ito sa mabagal na paraan. Ang mga labi ni Alessandro ay malambot at matamis. Nalalasahan ko ang alak mula dito. Unti-unti ako nitong nilalasing hanggang sa tuluyan na nga akong nagpadala. 

Dahan-dahan niya ako pinaupo at inihiga sa sopa habang hindi pinaglalayo ang mga labi namin. Pumosisyon siya sa ibabaw ko at nu'ng unti-unti nang bumaba ang mga kamay niya sa dibdib ko ay doon na ako nabahala. 

"Hindi pa ako handa, Alessandro," sambit ko. Alam ko kung saan pupunta eto at kung ano ang gusto niyang mangyari. "Hindi sa ganitong sitwasyon. Masyado pang magulo. Wala ka sa tamang pag-iisip at pagsisisihan nating dalawa 'to." 

"Hindi ka ba sigurado sa nararamdaman ko para sa'yo?" 

Hindi ko magawang makasagot kasi tama siya. Ang tanging nagawa ko na lang ay tumungo. 

May kinuha siyang kung ano sa bulsa saka 'yon inilahad sa'kin. Namilog ang mga mata ko at naghiwalay ang mga labi nu'ng mapagtanto ko kung ano ang hawak niya.

"Marry me, Maisie. Be my substitute wife."

Naitakip ko ang palad sa bibig dahil sa gulat. Ang mga mata ko ay nanubig. 

"Please, Maisie," pagmamakaawa niya. "Wala na kami ni Clara. I'm not tied anymore. Hindi 'to mali at wala tayong ginagawang masama." Dumapo ang tingin ko sa kumikinang na singsing. "So please, accept this ring as a proof of my love for you."

Ilang minuto akong natahimik at hindi alam kung anong isasagot sa kanya. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa singsing at sa nagmamakaawang si Alessandro.

Kung iisipin ay napakaswerte ko. Ang isang Alessandro Tuazon, anak ng isang nirerespetong Gobernador at pantasya ng halos lahat ng kababaihan sa bansa, ay lumuluhod sa harapan ko. 

Buong buhay ko ay wala akong ibang ginawa kundi gustuhin siya ngunit hindi kailanman pumasok sa isip ko na mangyayari ang araw na'to. Na gugustuhin niyang magpakasal sa'kin.

Kaya kahit alam kong napakagulo pa ng sitwasyon at walang kasiguraduhan ang susunod na mga mangyayari ay hinawakan ko siya sa mukha at ngumiti. 

Tumango ako. "Oo, Alessandro. Tinatanggap ko ang pagmamahal mo."

Nung sambitin 'yon ay ngumiti siya at sabik na isinuot sa'kin ang diyamanteng singsing. 

"Thank you, Maisie," aniya at mariin akong hinalikan sa labi. 

Ang paghahalikan naming 'yon ay napuno ng pagmamahal at saya. Lumalim 'yon ng lumalim hanggang sa naramdaman ko na ang pag-iinit ng katawan ko. Tuluyan akong nagpadala sa pintig ng puso at sa tawag ng laman. Nakakabaliw ang ginagawa ng mga labi at mga haplos niya. 

Ang susunod ko nalang na nalaman ay nasa loob na kami ng kwarto ko dito sa mansion  namin habang pinagpapatuloy ang paghahalikan. Umatras-atras siya habang dala ako hanggang sa tuluyan na akong nakahiga sa kama. 

"I love you, Maisie," sambit niya habang nakaposisyon na sa ibabaw ko.

"Mahal na mahal din kita, Alessandro."

Sumilay ang isang ngiti sa mukha niya at muli niyang inangkin ang labi ko. Sa tuwing magkakadaplis ang mga dila namin ay nagdadala 'yon ng kakaibang kuryente sa katawan ko. 

Sa gabing 'yon, walang sawa niyang pinatunayan ang pagmamahal niya sa'kin. 

Natuldukan niya ang aking pagiging birhen at kusa ko namang ibinigay sa kanya ang puso, katawan at maging ang kaluluwa ko. 

Kaugnay na kabanata

  • The Governor's Affair   KABANATA 4: Wedding Day

    WARNING: This chapter may contain scenes not suitable for young readers. Skip if uncomfortable.-Kinabukasan, alas kwatro ako ng umaga nagising. Nu'ng lumingon ako sa gilid ko ay wala si Alessandro. Nag-iisa ako sa maluwag na kama. Masakit ang halos lahat ng parte ng katawan ko lalong lalo na sa gitna ng mga hita ko. May dugo rin akong nakita sa kumot na nagsisisilbing patunay na ang nangyari kagabi ay hindi lang basta panaginip o guni-guni ko lang.Tinanaw ko rin ang kamay at napangiting nakasuot sa ring finger ko ang kumikinang na singsing.Kahit nananakit ang buo kong katawan ay nakaya ko pa ring tumayo at lumabas ng kwarto, nagbabakasakaling hindi pa nakaalis si Alessandro. Dahil nasa ikalawang palapag ang kwarto ko ay dumaan ako sa hagdanan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman nung makita ko siyang lumalabas mula sa opisina ni Papa. Maingat at dahan-dahan niyang isinirado ang pinto habang hawak ang isang envelope."Alessandro?"Nung marinig ang boses ko ay naalarma siya. Awt

    Huling Na-update : 2022-09-02
  • The Governor's Affair   PROLOGUE

    Sa sandaling nakapasok na kami sa kwarto niya ay kaagad niyang inatake ng halik ang mga labi ko. Mabilis ang pagkilos nito at tila uhaw na uhaw, na para bang ilang taon siyang naghintay para mahawakan muli ako. Bagaman hindi ako sanay sa ritmo ng halik niya ay nagawa ko pa ring sumabay. Magkadikit ang mga katawan namin at ramdam ko ang pag-iinit niya. Napaungol ako nu'ng maramdaman ang palad niyang humaplos sa ilalim ng maikli kong palda. Naghiwalay ang mga labi ko sa biglaan niyang naging paghawak. Kinuha niya ang oportunidad na 'yon upang ipasok ang dila niya sa bibig ko. Malugod ko naman 'yong tinanggap. "Alessandro.." Lumabas ang isang halinghing sa bibig ko nung bumaba ang mga halik niya sa leeg ko.Ang kamay ko ay nakahawak sa likod ng leeg niya, idinidiin ito upang mas lalo ko pang maramdaman ang malalambot niyang labi sa balat ko. Tumakas ang isang ungol sa'king bibig kasabay ng mariin kong pagpikit sa mga mata nu'ng walang paalam siyang kumagat sa leeg ko."No marks, Alessa

    Huling Na-update : 2022-08-23
  • The Governor's Affair   KABANATA 1: La Mystika

    5 YEARS EARLIER.. "Maisie, nandito na ba lahat ng maleta mo, anak?" Ang sigaw na 'yon ng aking ama ang siyang gumising sa akin mula sa pagtitig sa aming bahay. Lilisanin na namin ang tahanang ito at lilipat sa bayan kung saan nakatira ang Lolo't Lola ko. Kung saan ipinanganak at lumaki si Papa. Mahigit dalawampung taon din kaming nanirahan sa mansion na ito kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot sa paglisan namin.Tinanaw ako ni Papa mula sa pag-aayos ng mga maleta sa sasakyan at alam kong naramdaman niya ang pighati ko."Kailangan ba talaga nating umalis, Pa?" tanong ko nu'ng makalapit siya sakin, ang tanaw ko ay nanatili sa bahay. Sinubukan ni Papa na pagaanin ang loob ko, "Alam kong napamahal ka na sa bahay nating ito, Maisie." aniya saka marahang hinaplos ang buhok ko. "Pero pangako ko sa'yo na mas magiging masaya ka pag nakarating tayo sa bayan ng La Mystika." LA MYSTIKA, 'yon ang pangalan ng bayan na lilipatan namin. Hindi pa ako nakakapunta sa lugar na 'yon pero

    Huling Na-update : 2022-08-23
  • The Governor's Affair   KABANATA 2: Drunk

    Ang balita tungkol sa nangyari sa araw na 'yon ay mabilis na kumalat sa buong bayan. Naging laman ako ng usapan at tsismisan mapa bata man o matanda. Higit na nakaapekto ang pangyayaring 'yon sa pangalan ng Papa ko at sa reputasyon niya bilang tumatakbong Gobernador. Ang mga taong noon ay nakasuporta sakaniya ay tinalikuran kami at sa kalaban na ngayon pumapanig. Bagaman nadawit ang pangalan ni Alessandro, nandahil ako ang babae ay ako pa rin ang inatake at hinusgahan. Hindi ko lubos akalain na ganito ang mangyayari sa unang araw ng pagdating namin. Nagpapasalamat nalang siguro ako sa mga magulang ko dahil imbes na pagalitan ay inintindi nila ako. Oo nakatanggap ako ng pangaral kay Papa pero matapos 'yon ay wala na. "Kung noon ay nanguna tayo ng ilang porsyento sa survey, ngayon pangatlo nalang," ani Papa habang kumakain kami sa hapag kainan isang gabi. "Patawarin niyo ho talaga ako, Pa, Ma," panghihingi ko ng pasensiya. Nakokonsensiya talaga ako sa ginawa ko. Hindi ako nag-isip n

    Huling Na-update : 2022-08-23

Pinakabagong kabanata

  • The Governor's Affair   KABANATA 4: Wedding Day

    WARNING: This chapter may contain scenes not suitable for young readers. Skip if uncomfortable.-Kinabukasan, alas kwatro ako ng umaga nagising. Nu'ng lumingon ako sa gilid ko ay wala si Alessandro. Nag-iisa ako sa maluwag na kama. Masakit ang halos lahat ng parte ng katawan ko lalong lalo na sa gitna ng mga hita ko. May dugo rin akong nakita sa kumot na nagsisisilbing patunay na ang nangyari kagabi ay hindi lang basta panaginip o guni-guni ko lang.Tinanaw ko rin ang kamay at napangiting nakasuot sa ring finger ko ang kumikinang na singsing.Kahit nananakit ang buo kong katawan ay nakaya ko pa ring tumayo at lumabas ng kwarto, nagbabakasakaling hindi pa nakaalis si Alessandro. Dahil nasa ikalawang palapag ang kwarto ko ay dumaan ako sa hagdanan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman nung makita ko siyang lumalabas mula sa opisina ni Papa. Maingat at dahan-dahan niyang isinirado ang pinto habang hawak ang isang envelope."Alessandro?"Nung marinig ang boses ko ay naalarma siya. Awt

  • The Governor's Affair   KABANATA 3: Substitute Wife

    Walang labinlimang minuto ay nakarating na ako sa club kung nasaan si Alessandro. Unang beses kong nakarating sa ganitong klase ng lugar at hindi ko akalain na ganito karaming tao pala ang pumupunta rito. Marami ang nagsasayawan sa gitna at mga nagkakatuwaang magkakaibigan sa mga mesa. Halos lumuwa pa ang mga mata ko nu'ng may nakita akong naghahalikan sa gilid."Miss Maisie Trinidad?" Lumapit sa'kin ang isang waiter. "This way po." Inayos ko ang suot na eyeglasses bago sumunod sa waiter. Dinala niya ako sa mapayapang parte ng bar. Malayo sa malakas na tugtog at sa mga halakhak ng tao. Dumaan kami sa isang mahabang hallway at tumigil sa isang pinto. Kumatok ang waiter."Nandito na siya, sir Alessandro.""Let her in," sagot ng boses sa likod. Pumasok ako at nakita ang isang binatang nakalugmok sa sopa kaharap ang isang mesang napuno ng iba't ibang inumin. Marami sa mga ito ay wala ng laman. Sumilay ang isang pagod na ngiti sa labi niya. "You came." Halos mawalan siya ng balanse nu

  • The Governor's Affair   KABANATA 2: Drunk

    Ang balita tungkol sa nangyari sa araw na 'yon ay mabilis na kumalat sa buong bayan. Naging laman ako ng usapan at tsismisan mapa bata man o matanda. Higit na nakaapekto ang pangyayaring 'yon sa pangalan ng Papa ko at sa reputasyon niya bilang tumatakbong Gobernador. Ang mga taong noon ay nakasuporta sakaniya ay tinalikuran kami at sa kalaban na ngayon pumapanig. Bagaman nadawit ang pangalan ni Alessandro, nandahil ako ang babae ay ako pa rin ang inatake at hinusgahan. Hindi ko lubos akalain na ganito ang mangyayari sa unang araw ng pagdating namin. Nagpapasalamat nalang siguro ako sa mga magulang ko dahil imbes na pagalitan ay inintindi nila ako. Oo nakatanggap ako ng pangaral kay Papa pero matapos 'yon ay wala na. "Kung noon ay nanguna tayo ng ilang porsyento sa survey, ngayon pangatlo nalang," ani Papa habang kumakain kami sa hapag kainan isang gabi. "Patawarin niyo ho talaga ako, Pa, Ma," panghihingi ko ng pasensiya. Nakokonsensiya talaga ako sa ginawa ko. Hindi ako nag-isip n

  • The Governor's Affair   KABANATA 1: La Mystika

    5 YEARS EARLIER.. "Maisie, nandito na ba lahat ng maleta mo, anak?" Ang sigaw na 'yon ng aking ama ang siyang gumising sa akin mula sa pagtitig sa aming bahay. Lilisanin na namin ang tahanang ito at lilipat sa bayan kung saan nakatira ang Lolo't Lola ko. Kung saan ipinanganak at lumaki si Papa. Mahigit dalawampung taon din kaming nanirahan sa mansion na ito kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot sa paglisan namin.Tinanaw ako ni Papa mula sa pag-aayos ng mga maleta sa sasakyan at alam kong naramdaman niya ang pighati ko."Kailangan ba talaga nating umalis, Pa?" tanong ko nu'ng makalapit siya sakin, ang tanaw ko ay nanatili sa bahay. Sinubukan ni Papa na pagaanin ang loob ko, "Alam kong napamahal ka na sa bahay nating ito, Maisie." aniya saka marahang hinaplos ang buhok ko. "Pero pangako ko sa'yo na mas magiging masaya ka pag nakarating tayo sa bayan ng La Mystika." LA MYSTIKA, 'yon ang pangalan ng bayan na lilipatan namin. Hindi pa ako nakakapunta sa lugar na 'yon pero

  • The Governor's Affair   PROLOGUE

    Sa sandaling nakapasok na kami sa kwarto niya ay kaagad niyang inatake ng halik ang mga labi ko. Mabilis ang pagkilos nito at tila uhaw na uhaw, na para bang ilang taon siyang naghintay para mahawakan muli ako. Bagaman hindi ako sanay sa ritmo ng halik niya ay nagawa ko pa ring sumabay. Magkadikit ang mga katawan namin at ramdam ko ang pag-iinit niya. Napaungol ako nu'ng maramdaman ang palad niyang humaplos sa ilalim ng maikli kong palda. Naghiwalay ang mga labi ko sa biglaan niyang naging paghawak. Kinuha niya ang oportunidad na 'yon upang ipasok ang dila niya sa bibig ko. Malugod ko naman 'yong tinanggap. "Alessandro.." Lumabas ang isang halinghing sa bibig ko nung bumaba ang mga halik niya sa leeg ko.Ang kamay ko ay nakahawak sa likod ng leeg niya, idinidiin ito upang mas lalo ko pang maramdaman ang malalambot niyang labi sa balat ko. Tumakas ang isang ungol sa'king bibig kasabay ng mariin kong pagpikit sa mga mata nu'ng walang paalam siyang kumagat sa leeg ko."No marks, Alessa

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status