Home / Romance / The Governor's Affair / KABANATA 1: La Mystika

Share

KABANATA 1: La Mystika

last update Last Updated: 2022-08-23 12:36:45

5 YEARS EARLIER.. 

"Maisie, nandito na ba lahat ng maleta mo, anak?" 

Ang sigaw na 'yon ng aking ama ang siyang gumising sa akin mula sa pagtitig sa aming bahay. 

Lilisanin na namin ang tahanang ito at lilipat sa bayan kung saan nakatira ang Lolo't Lola ko. Kung saan ipinanganak at lumaki si Papa. Mahigit dalawampung taon din kaming nanirahan sa mansion na ito kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot sa paglisan namin.

Tinanaw ako ni Papa mula sa pag-aayos ng mga maleta sa sasakyan at alam kong naramdaman niya ang pighati ko.

"Kailangan ba talaga nating umalis, Pa?" tanong ko nu'ng makalapit siya sakin, ang tanaw ko ay nanatili sa bahay. 

Sinubukan ni Papa na pagaanin ang loob ko, 

"Alam kong napamahal ka na sa bahay nating ito, Maisie." aniya saka marahang hinaplos ang buhok ko. "Pero pangako ko sa'yo na mas magiging masaya ka pag nakarating tayo sa bayan ng La Mystika." 

LA MYSTIKA, 'yon ang pangalan ng bayan na lilipatan namin. Hindi pa ako nakakapunta sa lugar na 'yon pero ilang beses ko ng narinig ang pangalang 'yon sa mga balita. 

Ayon dito ay ang La Mystika ang isa sa pinakamaganda at pinaka mapayapang bayan sa bansa. Pinamumunuan ito ng isang Gobernador na busilak ang puso at  hangad ang kaunlaran ng bawat mamamayang nakatira rito. 

Bagaman mabigat ang loob ko sa pag-alis namin ay muli naman 'yong gumaan sa isiping isang magandang bayan ang naghihintay samin. 

Ngunit hindi lang 'yon ang dahilan ng pananabik ko. Sa bayang ding 'yon nakatira ang lalakeng hinahangaan ko. Napangiti ako sa isiping 'yon. 

"Tumawag ang inay at itay." Dumating ang aking ina. Ang kaniyang tinutukoy ay ang 

lolo at lola ko. "Inimbitahan daw nila ang kasalukuyang Gobernador na si Facundo Tuazon at iilang mga opisyal upang malugod tayong batiin sa ating pagdating." 

Sa balitang 'yon ni Mama ay hindi na kami nag-aksaya pa ng segundo at kaagad ng bumiyahe papunta sa La Mystika.

Dahil malapit lang ang bayan na aming pupuntahan ay walang kalahating oras ay kaagad na kaming nakarating. 

Sa harap ng isang napakalaki at magandang mansion tumigil ang aming sasakyan. Lumabas ako at kaagad na iginala ang mga mata sa lugar. Napakaraming mararangyang sasakyan ang nakapark din sa labas ng bahay, indikasyon na maraming bisita ang dumating. 

Hindi ako sanay na makipag halubilo sa ibang tao. Ako ang tipo ng tao na hindi lapitin ng kaibigan. Sa dalawampung taon ko rito sa mundo, ni isang kaibigan ay wala ako. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa itsura ko o baka dahil sa isa akong anak ng isang politisyan.

"Let's go, Maisie," anyaya pa ni Mama na nag-abot sa akin ng kamay. Malugod ko itong tinanggap saka kami sabay na umakyat sa engrandeng hagdan. 

Sa dulo nu'n ay naroon ang two-way door kung saan may dalawang guwardiya na nagbabantay. Sabay nilang binuksan ang pinto upang makapasok kami. Ang unang sumalubong sa mga mata ko ay ang limpak-limpak na mararangyang tao.

Binati kami ng mga ito ng maligayang pagdating at ang tanging nagawa ko ay kinakabahan na ngumiti. 

Naglakad kami sa gitna ng mga tao hanggang sa makarating sa mahabang mesa kung nasaan nakaupo ang mga nirerespetong opisyal ng bayan. 

"Nandito na pala kayo anak ko!" sabik na sambit ng lola ko dahilan para mapalingon sa direksyon namin ang lahat ng indibidwal na nakaupo sa mahabang mesa. 

Tumayo ang lolo at lola ko upang bumati sa amin. Ang mga opisyal ay nakipag kamayan kay Papa at nakipag beso naman ang iba kay Mama.

"Maligayang pagdating sa aming bayan, Cesar," bati ng isang lalaki, na nasa kwarenta ang edad, kay Papa. Dahil sa ilang beses ko na siyang nakita sa telebisyon ay kilala ko kung sino siya, si Gobernador Facundo. 

"Salamat sa inyong pagbati sa'min. Marami akong nabalitaan tungkol sa mga magagandang nagawa niyo para sa bayan. Ako'y tunay na humahanga," sambit ni Pala na ikinangiti ng Gobernador.

"Magsiupo kayo," ani ni Lolo at inilahad ang bakanteng tatlong upuan na nakalaan para sa amin.

Umupo ako kasama ang mga magulang. Nakayuko lang ako sa buong durasyon ng pag-upo ko. Hindi ako sanay sa mga ganitong uri ng pagtitipon kaya hindi ko malaman ang gagawin. 

Mula sa ibaba ng mesa ay napansin ko ang isang kumakaway ng palad kaya tumingala ako upang lingunin ang taong nagmamay-ari ng mga kamay na 'yon. 

Ang bumati sa mga mata ko ay ang isang binatang matamis ang ngiti, lumalabas ang dalawang dimple sa pisngi habang nakatingin sa akin. Ang suot niyang amerikana ay bumagay sa malaki niyang pangangatawan. Maayos na naka-style ang buhok at ang mga kayumangging mata'y kumikislap na nakatitig sa akin. 

Bumilis ang pintig ng puso ko nung makilala ko siya.

"Hi, you must be Maisie." Maging ang boses nito ay nagtila musika sa pandinig ni Maisie. "I'm Alessandro Tuazon." 

Si Alessandro, ang tanging lalaking nagpatibok sa puso ko. Anak siya ng kasalukuyang Gobernador. Una ko siyang nakita mula sa telebisyon nu'ng minsang mabalita ang kanyang ama. 

Ang camera ay saglit na nagpokus sa kanya at sa sandaling 'yon ay nabihag niya ang puso ko. Hindi na siya nawala pa sa aking isip at laman na siya ng bawat pantasya ko. 

Nilahad niya ang kamay sa akin. Ilang segundo pa akong tumunganga sa kagwapuhan niya bago ako bumalik sa wisyo at nahihiyang tinanggap ang kamay niya.

"Nice to m-meet you, Alessandro." Gusto ko nalang kurutin ang sarili dahil sa pag-utal ko.

Sa aming pagkakamayan ay nakita ko ang isang singsing sa daliri ni Alessandro ngunit hindi ko na 'yon pinagtuonan pa ng pansin. Habang patuloy ang pag-uusap ng nakakatanda ay gumawa rin ng usapan ang binata. 

"Balita ko ay dito na kayo mamamalagi," ani Alessandro. 

"Oo, ganu'n na nga." Kinuha ko ang isang baso ng tubig at uminom, nagbabaka-sakaling magagawa nitong pakalmahin ang dumadagundong kong puso. 

"That's good to know," nakangiting sambit ni Alessandro. "I'm actually running for the elections." Napatingala si Maisie sa kaniya nu'ng magbukas ito ng panibagong paksa. "And if I win, I'll make sure to keep you and your family safe under my governance." 

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mababahala sa mga salitang 'yon. 

Sa katunayan ay tatakbo rin si Papa bilang susunod na gobernador ng bayang ito. Ibig sabihin ay magiging magkalaban ang kanilang mga pamilya sa eleksyon. 

"Am I late?" Napalingon ako sa kakarating na babae. Matapos niyang makipag beso beso sa ibang opisyal ay lumapit siya upang maupo sa gilid ni Alessandro. 

"You're exactly on time, Clara," ani Alessandro at humalik sa pisngi ng babae. Saglit akong nag-iwas ng tingin upang hindi makita ang senaryong 'yon.

"I had a hard time picking a dress to wear," nakangiting ani Clara saka lumapat ang mata niya sakin. 

"Oh hi! I'm Clara Enriquez." Inabot niya ang kamay sa akin. "Alessandro's fiancee.."

Dahil sa dinagdag na salita ni Clara ay namilog ang mga mata ko. Hindi ako  makapaniwalang engage na si Alessandro. Wala akong narinig sa balita tungkol sa engagement niya kaya nagulay ako. 'Yon pala ang dahilan kung bakit may suot na itong singsing.

Bumigat ang puso ko. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako umasang magugustuhan niya at maging kami. Ngunit dahil may Clara na siya at ikakasal na sila, tuluyang nalugmok ang pag-asa ko. 

Ngunit kahit ganu'n pa man ay nakangiti ko pa ring tinanggap ang kamay ni Clara kung saan may singsing din. 

"Hi, ako si Maisie," pagpapakilala ko sa sarili. 

"Maligayang pagdating sa La Mystika, Maisie," bati ni Clara. Bagaman may ngiti siya sa labi ay may iba akong pakiramdam  sakaniya na hindi ko magawang pangalanan.

Kung siya ang tatanungin ay tunay na maganda si Clara. Maputi, mabilog ang mga mata at natural ang pagkakakulot ng buhok. Kung mukha ang labanan ay sigurado na ang pagkatalo ni Maisie. Bagay na bagay sila ng makisig na si Alessandro. 

Nagpatuloy ang handaan at hindi ko na ibinuka pa ang kanyang bibig ko. Pinapakinggan ko nalang ang usapan ng magkasintahan sa harap ko. 

Sa tuwing magnanakaw ako ng sulyap kay Alessandro ay mahuhuli ko siyang nakatingin din sa akin. Iba ang pakiramdam ko sa mga tingin niyang 'yon, malalagkit at nakakakaba.

Ilang beses 'yong nangyari hanggang sa hindi na ako makatiis at nagpaalam na pupunta lang ng banyo. 

Nu'ng makapasok ay tumitig ako sa sarili sa salamin. Hinaplos ko ang malaking birthmark  sa kaliwang pisngi. 'Yon ang dahilan kung bakit nakakatakot at nakakadiri ang itsura ko, kung bakit walang ni isang gustong makipagkaibigan sa'kin

Ang buhok ko naman ay sobrang kulot at kung hindi dahil sa tali ay magmumukha akong mangkukulam. Napakaganda ni Clara kumpara sa'kin kaya nakakapagtaka kung bakit ganu'n nalang kung makatingin si Alessandro sa'kin.

Nag-init ang pisngi ko kasabay ng malalakas na pintig ng puso nu'ng muli na naman niyang maalala ang binata.

"Ano ka ba, Maisie? Ikakasal na 'yon!" Marahan kong sinampal at pinagalitan ang sarili. "Oo, gwapo nga si Alessandro pero hindi mo siya pwedeng magustuhan! May mahal na 'yong iba! Tsaka ang pangit pangit mo para magkagusto sa kaniya!" 

Pinaandar ko ang tubig sa sink at maghihilamos na sana nu'ng bigla siyang makarinig ng isang marahan at malalim na pagtawa mula sa likod. Mula sa salamin ay nakita ko ang repleksyon ng isang gwapong binata na nakasandal sa gilid ng pinto.

Walang iba 'yon kundi si..

"Alessandro.." Lumingon ako sa likod habang namumutla na sa kaba.

Isinirado ni Alessandro ang pinto saka naglakad papunta sa kinatatayuan ko. Habang rinig ang mga yapak niya papalapit ay siya ring paghakbang ko paatras hanggang sa tuluyan ko ng maramdaman ang malamig na pader. 

"You're not ugly, Maisie," pabulong na sambit ni Alessandro na dahilan upang mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. 

Humawak ang kamay ni Alessandro sa baba ko upang iangat ang aking nakatungong mukha. Nung tuluyan na akong napatingala ay tumitig ako ng diretso kay Alessandro.

"You're pretty." Hinaplos ni Alessandro ang buhok ko at bumaba ang kanyang kamay papunta sa pisngi ko, partikular kung nasaan ang birthmark. "And you have the right to like me.." 

Nilunok ko ang kaba at nagsalita. Alam ko kung ano ang ginagawa niya. Oo, gusto ko siya pero hindi 'to tama. "May fiancè ka, Alessand―"

"Shhh.." Hindi ko natapos ang pangungusap nung inilapat ni Alessandro ang hintuturo niya sa labi ko bilang pagpapatahimik saka bumulong, "She won't know.."

Unti-unting inilapit ni Alessandro ang mukha niya sa'kin. Ang mga mata ko'y napatitig sa labi niyang nang-aalok ng halik. Nakakadarang ang mga ito kaya bagaman alam kong mali ang nangyayari ay mariin kong pinikit ang mata niya hanggang sa tuluyan ko na ngang maramdaman ang malalambot niyang labi.

Nung una ay simpleng pagdampi lamang ito ngunit kalaunan ay nagsimulang kumilos ang mga labi ni Alessandro. Ito ang unang beses na nagkaroon ako ng kahalikan. Hindi ko alam kung magiging masaya ako dahil hinahalikan ako ng taong gusto ko o maguguilty dahil mali ito sapagkat nakatali na siya.

Gusto ko kumawala, itulak ang lalaki palayo ngunit ang dila nitong naglalaro sa loob ng bibig ko ay dinadarang ako, tila hinihigop ang kanyang kaluluwa hanggang sa tuluyan na nga siyang nagpadala. 

Sa gitna ng aming pag-iisang labi ay biglang bumukas ang pinto. Doon nakatayo si Clara na lumulugwa ang mga mata at umuusok sa galit.  

"What are you doing?!" 

Tumigil ang paghahalikan namin at napuno ako ng gulat at kaba. Kaagad na bumitaw at dumistansya si Alessandro mula sakin nung makita ang fiancee niya sa pinto.

"Clara, let me explain." mahimahon ngunit kinakabahang sambit ni Alessandrom 

Bago pa man makapag bitiw ng salita si Alessandro upang makapagpaliwanag ay mabilis na sumugod si Clara papunta sa'kin.

"You fùcking slùt!" malakas na sigaw ni Clara sabay sabunot sa buhok ko. 

"Arrghhh!" Napasigaw ako sa sakit. Napakalakas ng pagkakahila niya sa buhok ko at pakiramdam ko'y tuluyan akong kakalbuhin ni Clara. "How dare you seduce and kiss my fiancè!" 

Kasabay ng pagsubunot niya sakin ang siya ring malalakas na sampal at hampas. Sa bawat pagtama ng mga kamay niya sakin ay ramdam ko ang panggigigil niya. 

"Stop it, Clara!" Pumapagitna si Alessandro sa'ming dalawa ngunit hindi nagpaawat si Clara. Ang mga hampas niya ay ngayo'y tumatama na kay Alessandro. 

"At talagang pinagtatanggol mo pa 'yang malandeng 'yan ha, Alessandro?!" Halos maputol na ang ugat ni Clara sa leeg sa lakas ng sigaw niya. Ang mga panauhin sa bahay ay narinig ang kanyang tinig dahilan para sila'y mag kumpulan. "Mga walang hiya kayo!" 

Patuloy sa paghampas at pagsigaw si Clara hanggang sa tuluyan ng napuno si Alessandro. 

"I SAID STOP IT!" Malakas siyang tinulak ni Alessandro palayo dahilan upang bumangga ang kanyang katawan sa pader. 

Si Clara, kasama ang mga panauhin at maging ako ay napasinghap sa gulat dahil sa ginawang pagtulak ni Alessandro sa kanyang sariling kasintahan. 

Tila bumalik sa wisyo niya si Clara. Inayos niya ang sarili saka ako matulis na tiningnan. Ang panunubig ng kanyang mga mata ay naging dahilan upang mas lalong akong kainin ng konsensya ko.

"Maghiwalay na tayo, Alessandro," ang malamig na mga salitang 'yon ni Clara ay nagpalaki ng mga mata ko sa gulat at maging ang mga taong nanonood. "Go and marry that slùt instead." Galit na hinubad nito ang singsing saka binato kay Alessandro. Matapos ay tumalikod na siya at umalis. 

Kasabay ng kanyang paglisan ay siya ring pagdating ng mga magulang namin ni Alessandro. 

"Anong nangyayari dito?" Nung makita ang mukha ni Papa at ang kahihiyang dinala ko pamilya ay doon na ako humagulgol.

Pinulot ni Alessandro ang singsing sa sahig. "I will explain later, Tito," sambit nito kay Papa saka ako nilingon. "I'm really sorry, Maisie."

Tumalikod si Alessandro at nagmadaling umalis upang habulin ang kasintahan. Mas lalo pang nabiyak ang puso ko. Ipinamukha sa'kin ng pag-alis ni Alessandro na si Clara pa rin ang pipiliin niya sa huli. 

"Anak ko." Lumapit sa kanya ang kanyang ina at hinaplos nito ang magulo niyang buhok at basang mga pisngi. 

"I'm sorry, Ma.." 

Related chapters

  • The Governor's Affair   KABANATA 2: Drunk

    Ang balita tungkol sa nangyari sa araw na 'yon ay mabilis na kumalat sa buong bayan. Naging laman ako ng usapan at tsismisan mapa bata man o matanda. Higit na nakaapekto ang pangyayaring 'yon sa pangalan ng Papa ko at sa reputasyon niya bilang tumatakbong Gobernador. Ang mga taong noon ay nakasuporta sakaniya ay tinalikuran kami at sa kalaban na ngayon pumapanig. Bagaman nadawit ang pangalan ni Alessandro, nandahil ako ang babae ay ako pa rin ang inatake at hinusgahan. Hindi ko lubos akalain na ganito ang mangyayari sa unang araw ng pagdating namin. Nagpapasalamat nalang siguro ako sa mga magulang ko dahil imbes na pagalitan ay inintindi nila ako. Oo nakatanggap ako ng pangaral kay Papa pero matapos 'yon ay wala na. "Kung noon ay nanguna tayo ng ilang porsyento sa survey, ngayon pangatlo nalang," ani Papa habang kumakain kami sa hapag kainan isang gabi. "Patawarin niyo ho talaga ako, Pa, Ma," panghihingi ko ng pasensiya. Nakokonsensiya talaga ako sa ginawa ko. Hindi ako nag-isip n

    Last Updated : 2022-08-23
  • The Governor's Affair   KABANATA 3: Substitute Wife

    Walang labinlimang minuto ay nakarating na ako sa club kung nasaan si Alessandro. Unang beses kong nakarating sa ganitong klase ng lugar at hindi ko akalain na ganito karaming tao pala ang pumupunta rito. Marami ang nagsasayawan sa gitna at mga nagkakatuwaang magkakaibigan sa mga mesa. Halos lumuwa pa ang mga mata ko nu'ng may nakita akong naghahalikan sa gilid."Miss Maisie Trinidad?" Lumapit sa'kin ang isang waiter. "This way po." Inayos ko ang suot na eyeglasses bago sumunod sa waiter. Dinala niya ako sa mapayapang parte ng bar. Malayo sa malakas na tugtog at sa mga halakhak ng tao. Dumaan kami sa isang mahabang hallway at tumigil sa isang pinto. Kumatok ang waiter."Nandito na siya, sir Alessandro.""Let her in," sagot ng boses sa likod. Pumasok ako at nakita ang isang binatang nakalugmok sa sopa kaharap ang isang mesang napuno ng iba't ibang inumin. Marami sa mga ito ay wala ng laman. Sumilay ang isang pagod na ngiti sa labi niya. "You came." Halos mawalan siya ng balanse nu

    Last Updated : 2022-08-23
  • The Governor's Affair   KABANATA 4: Wedding Day

    WARNING: This chapter may contain scenes not suitable for young readers. Skip if uncomfortable.-Kinabukasan, alas kwatro ako ng umaga nagising. Nu'ng lumingon ako sa gilid ko ay wala si Alessandro. Nag-iisa ako sa maluwag na kama. Masakit ang halos lahat ng parte ng katawan ko lalong lalo na sa gitna ng mga hita ko. May dugo rin akong nakita sa kumot na nagsisisilbing patunay na ang nangyari kagabi ay hindi lang basta panaginip o guni-guni ko lang.Tinanaw ko rin ang kamay at napangiting nakasuot sa ring finger ko ang kumikinang na singsing.Kahit nananakit ang buo kong katawan ay nakaya ko pa ring tumayo at lumabas ng kwarto, nagbabakasakaling hindi pa nakaalis si Alessandro. Dahil nasa ikalawang palapag ang kwarto ko ay dumaan ako sa hagdanan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman nung makita ko siyang lumalabas mula sa opisina ni Papa. Maingat at dahan-dahan niyang isinirado ang pinto habang hawak ang isang envelope."Alessandro?"Nung marinig ang boses ko ay naalarma siya. Awt

    Last Updated : 2022-09-02
  • The Governor's Affair   PROLOGUE

    Sa sandaling nakapasok na kami sa kwarto niya ay kaagad niyang inatake ng halik ang mga labi ko. Mabilis ang pagkilos nito at tila uhaw na uhaw, na para bang ilang taon siyang naghintay para mahawakan muli ako. Bagaman hindi ako sanay sa ritmo ng halik niya ay nagawa ko pa ring sumabay. Magkadikit ang mga katawan namin at ramdam ko ang pag-iinit niya. Napaungol ako nu'ng maramdaman ang palad niyang humaplos sa ilalim ng maikli kong palda. Naghiwalay ang mga labi ko sa biglaan niyang naging paghawak. Kinuha niya ang oportunidad na 'yon upang ipasok ang dila niya sa bibig ko. Malugod ko naman 'yong tinanggap. "Alessandro.." Lumabas ang isang halinghing sa bibig ko nung bumaba ang mga halik niya sa leeg ko.Ang kamay ko ay nakahawak sa likod ng leeg niya, idinidiin ito upang mas lalo ko pang maramdaman ang malalambot niyang labi sa balat ko. Tumakas ang isang ungol sa'king bibig kasabay ng mariin kong pagpikit sa mga mata nu'ng walang paalam siyang kumagat sa leeg ko."No marks, Alessa

    Last Updated : 2022-08-23

Latest chapter

  • The Governor's Affair   KABANATA 1: La Mystika

    5 YEARS EARLIER.. "Maisie, nandito na ba lahat ng maleta mo, anak?" Ang sigaw na 'yon ng aking ama ang siyang gumising sa akin mula sa pagtitig sa aming bahay. Lilisanin na namin ang tahanang ito at lilipat sa bayan kung saan nakatira ang Lolo't Lola ko. Kung saan ipinanganak at lumaki si Papa. Mahigit dalawampung taon din kaming nanirahan sa mansion na ito kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot sa paglisan namin.Tinanaw ako ni Papa mula sa pag-aayos ng mga maleta sa sasakyan at alam kong naramdaman niya ang pighati ko."Kailangan ba talaga nating umalis, Pa?" tanong ko nu'ng makalapit siya sakin, ang tanaw ko ay nanatili sa bahay. Sinubukan ni Papa na pagaanin ang loob ko, "Alam kong napamahal ka na sa bahay nating ito, Maisie." aniya saka marahang hinaplos ang buhok ko. "Pero pangako ko sa'yo na mas magiging masaya ka pag nakarating tayo sa bayan ng La Mystika." LA MYSTIKA, 'yon ang pangalan ng bayan na lilipatan namin. Hindi pa ako nakakapunta sa lugar na 'yon pero

  • The Governor's Affair   PROLOGUE

    Sa sandaling nakapasok na kami sa kwarto niya ay kaagad niyang inatake ng halik ang mga labi ko. Mabilis ang pagkilos nito at tila uhaw na uhaw, na para bang ilang taon siyang naghintay para mahawakan muli ako. Bagaman hindi ako sanay sa ritmo ng halik niya ay nagawa ko pa ring sumabay. Magkadikit ang mga katawan namin at ramdam ko ang pag-iinit niya. Napaungol ako nu'ng maramdaman ang palad niyang humaplos sa ilalim ng maikli kong palda. Naghiwalay ang mga labi ko sa biglaan niyang naging paghawak. Kinuha niya ang oportunidad na 'yon upang ipasok ang dila niya sa bibig ko. Malugod ko naman 'yong tinanggap. "Alessandro.." Lumabas ang isang halinghing sa bibig ko nung bumaba ang mga halik niya sa leeg ko.Ang kamay ko ay nakahawak sa likod ng leeg niya, idinidiin ito upang mas lalo ko pang maramdaman ang malalambot niyang labi sa balat ko. Tumakas ang isang ungol sa'king bibig kasabay ng mariin kong pagpikit sa mga mata nu'ng walang paalam siyang kumagat sa leeg ko."No marks, Alessa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status