Home / Romance / The Governor's Affair / KABANATA 2: Drunk

Share

KABANATA 2: Drunk

last update Huling Na-update: 2022-08-23 12:37:36

Ang balita tungkol sa nangyari sa araw na 'yon ay mabilis na kumalat sa buong bayan. Naging laman ako ng usapan at tsismisan mapa bata man o matanda. Higit na nakaapekto ang pangyayaring 'yon sa pangalan ng Papa ko at sa reputasyon niya bilang tumatakbong Gobernador. 

Ang mga taong noon ay nakasuporta sakaniya ay tinalikuran kami at sa kalaban na ngayon pumapanig. Bagaman nadawit ang pangalan ni Alessandro, nandahil ako ang babae ay ako pa rin ang inatake at hinusgahan. 

Hindi ko lubos akalain na ganito ang mangyayari sa unang araw ng pagdating namin. Nagpapasalamat nalang siguro ako sa mga magulang ko dahil imbes na pagalitan ay inintindi nila ako. Oo nakatanggap ako ng pangaral kay Papa pero matapos 'yon ay wala na. 

"Kung noon ay nanguna tayo ng ilang porsyento sa survey, ngayon pangatlo nalang," ani Papa habang kumakain kami sa hapag kainan isang gabi. 

"Patawarin niyo ho talaga ako, Pa, Ma," panghihingi ko ng pasensiya. Nakokonsensiya talaga ako sa ginawa ko. Hindi ako nag-isip ng tama at nagpadala. Hindi lang ako ang naapektuhan kung 'di pati ang mga mahal ko sa buhay. 

"Wag mo ng isipin 'yon, anak," sambit ni Mama sabay haplos sa buhok ko. "Alam naman naming hindi mo 'yon ginusto."

"Tama nga talaga ang mga sabi-sabi." Napalingon ako kay Papa nung magsalita siya. "Na magandang lalake ang anak ng Gobernador. Pati anak ko nabighani, eh."

Ang seryosong atmospera ay nagbago dahil sa birong 'yon ni Papa. Napuno ng halakhakan ang hapagkainan namin noong gabing 'yon. 

Noong sumunod na araw ay dinala ako ni Mama sa palengke upang bumili ng ingredients para sa lulutuin niya mamaya. Kasing presko ng mga gulay doon ang usap-usapan nila tungkol sa'kin. 

"'Diba 'yan 'yong na-issue na kabit ni Mister Alessandro?"

"Naku, ang panget naman pala ng itsura!"

"Hindi lang panget! Nakakadiri pa!"

"Maiintindihan ko kung mas maganda pa kay Miss Clara ang ginawang kabit pero Diyos ko, ano ba namang mukha 'yan!"

"Ang sabi-sabi nga ay ginayuma ng babaeng 'yan si sir Sandro para umibig sakaniya."

Sinubukan kong isara ang mga tenga sa mga tsismisan nila pero sadyang nilalakasan nila ang mga boses na 'tila ba ipinaparinig talaga sa'kin.

"Hoy kayo!" Nabahala ako nung hindi na nakapagtimpi si Mama at sumugod na sa mga tinderang nagkukumpulan. "Wala ba kayong ibang magawa sa mga buhay niyo kung 'di pag-usapan ang buhay ng ibang tao?!"

"Ma, hayaan mo na." Hinawakan ko siya sa braso upang sana'y hilahin na siya paalis. 

"Kung makapanglait kayo ng panget! Bakit?! Sa tingin niyo ba ay magaganda kayo?!" Malakas na sumigaw si Mama. Naging dahilan 'yon upang mas makakuha pa ng atensyon mula sa mga tao. Ang iba ay hawak na ang kani-kanilang selpon at kumukuha ng video. 

"Diba asawa niya 'yong tumatakbong Gobernador na si Mister"

"Balita ko mababait ang miyembro ng pamilya niya. Hindi naman pala 'yon totoo."

"Sinabi mo pa. Kabit ang anak at eskandalosa ang asawa." 

Tuluyan na ngang naubos ang pasensiya ni Mama nung marinig 'yon. "Ha! Anong sinabi mo?! Kabit ang anak ko?!"

"Ma, umuwi na tayo. Wag mo na sila pansinin," pagpapakalma ko sakaniya. 

"Hindi anak! Hindi ako makakapayag na laitin ka ng iba!" 

"Bakit? Totoo naman, 'di ba?" May isang tindera ng isda ang nagsalita sa nagkukumpulan. "Na kabit 'yang anak mo dahil nilandi niya si Sir Sandro!" 

"Tumahimik kang mataba ka!" 

Nanlaki ang mga mata ko nung sinugod na mga ni Mama ang babae at sinabunutan ito. Ang tindera ay lumaban at sumabunot din pabalik. Nung subukan ko silang pag-awatin ay sinugod ako ng isang tindera at sa buhok ko naman sumugod. 

"Arghhh!" Napangiwi ako sa sakit. "Bitawan n-niyo ho ako..!" Napakahigpit ng kapit niya sa buhok ko. Dumoble ang sakit nung may sumali na namang isang tindera at hinampas hampas ang likod ko. 

"Malandi kang babae ka!"

"Ilusyonada ka!" 

"Ang panget mo!"

Kasabay ng pananakit nila ay ang kanilang panglalait din. Sinubukan kong kumawala sa mga kamay nila ngunit sadyang mas malakas sila kumpara sakin. Nung magawa kong sulyapan si Mama ay nakita kong pinagtutulungan din siya. 

Nagkagulo ang buong palengke. Ang mga prutas at gulay ay ngayo'y nasa sahig na at nakakalat. Walang ni isa sa mga tao ang tumulong upang pag-awatin kami at sa halip ay nanood lang. 

Hindi ko na napigilan pa ang pamumuo ng luha ko sa mga mata. "Parang awa n-niyo na ho.. bitawan niyo ako," umiiyak kong pagmamakaawa. "Wala naman akong ginawang m-masama sainyo.. kaya p-parang awa niyo na ho.." 

Ngunit sa halip na bitawan ako ay mas lalo pa nila akong sinaktan. Natigil lang ang mala-impyernong pangyayaring 'yon nung namutawi ang isang pamilyar na boses. 

"Itigil niyo 'yan!" 

Dumating si Alessandro kasama ang iilang mga tanod upang tuldukan ang kaguluhan. Inilayo ng mga tanod ang mga tinderang kanina'y sumasabunot sa'kin. Kasalukuyan akong nakaupo at nalugmok sa sahig. Ang mga paa ko ay nawalan na ng lakas upang tumayo.

May isang kamay ang inabot sakin at nung tiningala ko ang nagmamay-ari ng kamay na 'yon ay nakita ko si Alessandro. Bagaman siya ang dahilan ng mga nangyayari sa'kin ay tinanggap ko pa rin ang kamay niya. 

Tinulungan niya akong tumayo at inilalayan. Lumapit kaagad ako kay Mama na gaya ko ay nakakaawa din ang itsura. Kaagad ko siyang niyakap habang umiiyak.

"Sino ang nagpasimula ng kaguluhang ito?!" malakas at galit ang boses na 'yon ni Alessandro. 

"Wala naman ho kaming ginagawang masama. Bigla nalang ho kami sinugod ng babaeng 'yan!" sigaw ng matabang babae na ang tinutukoy ay si Mama. 

"Tama ho siya, sir Sandro! Nagtitinda lang naman ho kami ng maayos dito nung biglang dumating ang babaeng 'yan at nanggulo." 

Sinang-ayunan ng marami ang mga sinabi ng dalawa. Ang sunod-sunod nilang pagtango ang pumuno sa buong palengke. 

"Liars." Ang mga ingay ay natigil sa iisang salitang sinambit ni Alessandro. "Hindi niyo ba kilala ang Ginang na inaakusahan niyo na nanggulo?" Walang nakapagsalita. "Asawa ng isang nirerespetong ex-Governor ng kalapit na bayan at anak ng isang Senador ang pinagbibintangan niyo."

Ang tinutukoy na si Senator ni Alessandro ay ang lolo ko na tatay ni Mama. 

"Hindi gawain ng isang matinong Ginang na tulad niya ang manggulo ng walang rason," dagdag niya saka nilingon ang mga tanod. "Dalhin lahat ng mga 'yan sa Bahay-Estado." 

Ang Bahay-Estado, sa pagkakaalam ko ay kung nasaan ang opisina ng Gobernador pati ang mga opisyal.

"Sir Sandro, maawa na ho kayo sa'min!"

"Humihingi po kami ng pasensya sa nagawa namin 'wag niyo lang ho kaming ipadala roon." 

"Hindi na po ito mauulit kaya parang awa niyo na ho!" 

Nagmakaawa ang mga tindera at mabilis na humingi ng tawad ngunit hindi nu'n binago ang desisyon ni Sandro. Naging bingi siya sa mga pagmamakaawa nila hanggang sa maisakay na sila sa Patrol Car. 

"Pasensya na ho kayo sa nangyari, Tita Helena," nagpakumbaba si Alessandro. "Nangyari lahat ng 'to dahil sa ginawa ko." 

"Mabuti naman at alam mo." Nagmaldita si Mama. 

"Ma," saway ko sa kanya. 

"Oh bakit? Totoo naman 'di ba? Kung hindi dahil sa pahalik-halik niya sa'yo sa banyo ay hindi sana tayo aabot sa ganito, Maisie."

Bigla ay nahiya ako kay Alessandro. 

"Pangako ko hong magagawa kong maayos ang lahat, Tita," ani Alessandro. "Mamayang hapon ho ay gagawa ako ng anunsyo sa Bahay-Estado para linisin ang pangalan ni Maisie."

"Mabuti naman kung ganun," taas kilay na sambit ni Mama. "Ngunit hindi pa rin nun tuluyang maiaalis ang anak ko bilang numero unong paksan ng chismisan sa buong La Mystika, Alessandro. Sana ay malaman mo na sa pagkakamali mong 'yon ay masisira ang buhay ng anak ko." 

"Patawarin niyo ho ako, Tita," bagaman pinangaralan ay nanatili pa rin ang mahinahon niyang tono. 

"Tara na, Maisie." Hinawakan ako ni Mama sa braso saka ako hinila patalikod kay Alessandro. Habang naglalakad kami paalis ay muli ko siyang sinulyapan at binigyan ng nagpapaumanhin na tingin. 

"Anong nangyari sainyo, mahal?" Sinalubong kaagad kami ni Papa nung makarating na kami sa mansion. Tiningnan niya kami sa kabuuan.

"Nagkagulo sa palengke, Cesar," sagot ni Mama. 

"Ano?" hindi makapaniwala si Papa. "Bakit, anong nangyari?"

Kinwento ni Mama sa kanya ang buong pangyayari at kaagad na nagplano si Papa na makipag-usap sa Gobernador. Pumasok ako sa kwarto at pumunta ng banyo upang maligo. Saglit kong tiningnan ang sarili sa salamin. Napakagulo ng buhok ko at may iilan din akong kalmot sa mukha. 

Hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang pagdating ni Alessandro sa gitna ng kaguluhan. Nagtila siyang isang knight in shining armor. Muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko. 

"Minsan ka ng napahamak sa puso mong 'to, Maisie. Wag kang magpadala ulit," pangaral ko sa sarili saka na naligo. 

Matapos makipag bihis ay bumaba na ako upang tulungan si Mama na magluto. Nakapagligo na rin siya at nakapag bihis na. Muli na naman akong nakonsensya nu'ng makita ang mga galos at maliliit na pasang natamo niya kanina. Ngunit pinagaan niya ang loob ko sa pamamagitan ng pagngiti at pagsabing ayos lang siya.

Habang nagtatapon ng basura sa labas ay nakita ko ang iilang mga sasakyan na nakapark sa labas ng mansion, indikasyon na maraming bisita si Papa.

"Maisie, pwede mo bang dalhin ang tsaa sa opisina ng Papa mo?" tanong sa'kin ni Mama nung makabalik ako mula sa labas. Nakahanda na ang isang set ng tsaa sa mesa. 

"Ako na bahala, Ma," ani ko tsaka kinuha ang tray ng tsaa saka pumahik papunta sa opisina ni Papa. 

Kumatok ako bago pumasok. Ang kanilang pag-uusap ay saglit na natigil sa pagpasok ko. 

"Eto na ang tsaa niyo, mga ginoo," sambit ko habang nilalapag ang mga tsaa sa mesa. Habang ginagawa 'yon ay nasulyapan ko ang isang makisig na binatang nakapanood sa'kin. Sa lahat ng matatanda sa loob ay siya lang ang pinakabata. 

"Salamat, anak," nakangiting ani Papa. Bahagya akong yumuko sa kanila bago ako naglakad paalis na ng opisina. Ngunit noong isasarado ko na sana ang pinto ay natigilan ako nung marinig ang mga salitang sinambit ni Papa. 

"Hindi ko magagawang gamitin ang mga papeles sa envelope na 'yan para lang manalo. Kahit saang anggulo niyo tingnan ay mali 'to." 

"But we don't have any other choice, Mr. Trinidad," sambit ng boses ng isang binata. "Kung gusto niyong manalo at baguhin ang bayang ito para sa mga mamamayan, eto lang ang natatanging paraan." 

Nagdugtong ang kilay ko sa pagtataka. 

Anong mali ang tinutukoy ni Papa? Tsaka bakit kailangang baguhin ang bayan? May nangyayari bang hindi tama?

Klase-klaseng mga tanong ang pumuno sa utak ko tungkol sa narinig kong usapan. Dala ko 'yon hanggang sa paghiga ko sa kama. Nakatulala ako sa kisame habang kung saan-saan lumilipad ang isip ko. Muli ko ring naaalala ang nangyari sa palengke kaninang umaga. 

Napahawak ako sa dibdib nung magtambol ang puso ko. Ang pagdating ni Alessandro kanina ay tila isang pangyayari sa teleserye. Mas lalo tuloy nadagdagan ang paghanga ko sakaniya. 

Sa gitna ng pagmumuni-muni ko ay biglang nagvibrate ang phone ko mula sa bedside table. Inabot ko 'yon at tiningnan ang caller ID ngunit isang unknown number ang tumatawag.

"Hello? Sino 'to?"

"Maisie.." 

Napabalikwas ako paupo nung marinig ang pamilyar na boses. 

"A-Alessandro?" 

Paano niya nalaman ang number ko? 

"Hi.." garalgal at mababa ang boses niya. 

"Lasing ka ba?" 

Bahagya siyang natawa sa kabilang linya. 

"Yeah, I think so.." Hindi na ako nagsalita pagkatapos nu'n. Maya maya lang ay nagdagdag siya, "Pwede mo ba akong puntahan..?" 

Naging triple ang pagtibok ng puso ko. Naging tahimik ako at hindi malaman kung anong itutugon. 

"Maisie, still there?" tanong niya. 

Lasing siya Ayokong kainin ng konsensiya kung sakaling may mangyaring masama sakaniya gayong humingi siya ng tulong ko. 

Huminga ako ng malalim. "Nasaan ka? Pupuntahan kita." 

Kaugnay na kabanata

  • The Governor's Affair   KABANATA 3: Substitute Wife

    Walang labinlimang minuto ay nakarating na ako sa club kung nasaan si Alessandro. Unang beses kong nakarating sa ganitong klase ng lugar at hindi ko akalain na ganito karaming tao pala ang pumupunta rito. Marami ang nagsasayawan sa gitna at mga nagkakatuwaang magkakaibigan sa mga mesa. Halos lumuwa pa ang mga mata ko nu'ng may nakita akong naghahalikan sa gilid."Miss Maisie Trinidad?" Lumapit sa'kin ang isang waiter. "This way po." Inayos ko ang suot na eyeglasses bago sumunod sa waiter. Dinala niya ako sa mapayapang parte ng bar. Malayo sa malakas na tugtog at sa mga halakhak ng tao. Dumaan kami sa isang mahabang hallway at tumigil sa isang pinto. Kumatok ang waiter."Nandito na siya, sir Alessandro.""Let her in," sagot ng boses sa likod. Pumasok ako at nakita ang isang binatang nakalugmok sa sopa kaharap ang isang mesang napuno ng iba't ibang inumin. Marami sa mga ito ay wala ng laman. Sumilay ang isang pagod na ngiti sa labi niya. "You came." Halos mawalan siya ng balanse nu

    Huling Na-update : 2022-08-23
  • The Governor's Affair   KABANATA 4: Wedding Day

    WARNING: This chapter may contain scenes not suitable for young readers. Skip if uncomfortable.-Kinabukasan, alas kwatro ako ng umaga nagising. Nu'ng lumingon ako sa gilid ko ay wala si Alessandro. Nag-iisa ako sa maluwag na kama. Masakit ang halos lahat ng parte ng katawan ko lalong lalo na sa gitna ng mga hita ko. May dugo rin akong nakita sa kumot na nagsisisilbing patunay na ang nangyari kagabi ay hindi lang basta panaginip o guni-guni ko lang.Tinanaw ko rin ang kamay at napangiting nakasuot sa ring finger ko ang kumikinang na singsing.Kahit nananakit ang buo kong katawan ay nakaya ko pa ring tumayo at lumabas ng kwarto, nagbabakasakaling hindi pa nakaalis si Alessandro. Dahil nasa ikalawang palapag ang kwarto ko ay dumaan ako sa hagdanan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman nung makita ko siyang lumalabas mula sa opisina ni Papa. Maingat at dahan-dahan niyang isinirado ang pinto habang hawak ang isang envelope."Alessandro?"Nung marinig ang boses ko ay naalarma siya. Awt

    Huling Na-update : 2022-09-02
  • The Governor's Affair   PROLOGUE

    Sa sandaling nakapasok na kami sa kwarto niya ay kaagad niyang inatake ng halik ang mga labi ko. Mabilis ang pagkilos nito at tila uhaw na uhaw, na para bang ilang taon siyang naghintay para mahawakan muli ako. Bagaman hindi ako sanay sa ritmo ng halik niya ay nagawa ko pa ring sumabay. Magkadikit ang mga katawan namin at ramdam ko ang pag-iinit niya. Napaungol ako nu'ng maramdaman ang palad niyang humaplos sa ilalim ng maikli kong palda. Naghiwalay ang mga labi ko sa biglaan niyang naging paghawak. Kinuha niya ang oportunidad na 'yon upang ipasok ang dila niya sa bibig ko. Malugod ko naman 'yong tinanggap. "Alessandro.." Lumabas ang isang halinghing sa bibig ko nung bumaba ang mga halik niya sa leeg ko.Ang kamay ko ay nakahawak sa likod ng leeg niya, idinidiin ito upang mas lalo ko pang maramdaman ang malalambot niyang labi sa balat ko. Tumakas ang isang ungol sa'king bibig kasabay ng mariin kong pagpikit sa mga mata nu'ng walang paalam siyang kumagat sa leeg ko."No marks, Alessa

    Huling Na-update : 2022-08-23
  • The Governor's Affair   KABANATA 1: La Mystika

    5 YEARS EARLIER.. "Maisie, nandito na ba lahat ng maleta mo, anak?" Ang sigaw na 'yon ng aking ama ang siyang gumising sa akin mula sa pagtitig sa aming bahay. Lilisanin na namin ang tahanang ito at lilipat sa bayan kung saan nakatira ang Lolo't Lola ko. Kung saan ipinanganak at lumaki si Papa. Mahigit dalawampung taon din kaming nanirahan sa mansion na ito kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot sa paglisan namin.Tinanaw ako ni Papa mula sa pag-aayos ng mga maleta sa sasakyan at alam kong naramdaman niya ang pighati ko."Kailangan ba talaga nating umalis, Pa?" tanong ko nu'ng makalapit siya sakin, ang tanaw ko ay nanatili sa bahay. Sinubukan ni Papa na pagaanin ang loob ko, "Alam kong napamahal ka na sa bahay nating ito, Maisie." aniya saka marahang hinaplos ang buhok ko. "Pero pangako ko sa'yo na mas magiging masaya ka pag nakarating tayo sa bayan ng La Mystika." LA MYSTIKA, 'yon ang pangalan ng bayan na lilipatan namin. Hindi pa ako nakakapunta sa lugar na 'yon pero

    Huling Na-update : 2022-08-23

Pinakabagong kabanata

  • The Governor's Affair   KABANATA 2: Drunk

    Ang balita tungkol sa nangyari sa araw na 'yon ay mabilis na kumalat sa buong bayan. Naging laman ako ng usapan at tsismisan mapa bata man o matanda. Higit na nakaapekto ang pangyayaring 'yon sa pangalan ng Papa ko at sa reputasyon niya bilang tumatakbong Gobernador. Ang mga taong noon ay nakasuporta sakaniya ay tinalikuran kami at sa kalaban na ngayon pumapanig. Bagaman nadawit ang pangalan ni Alessandro, nandahil ako ang babae ay ako pa rin ang inatake at hinusgahan. Hindi ko lubos akalain na ganito ang mangyayari sa unang araw ng pagdating namin. Nagpapasalamat nalang siguro ako sa mga magulang ko dahil imbes na pagalitan ay inintindi nila ako. Oo nakatanggap ako ng pangaral kay Papa pero matapos 'yon ay wala na. "Kung noon ay nanguna tayo ng ilang porsyento sa survey, ngayon pangatlo nalang," ani Papa habang kumakain kami sa hapag kainan isang gabi. "Patawarin niyo ho talaga ako, Pa, Ma," panghihingi ko ng pasensiya. Nakokonsensiya talaga ako sa ginawa ko. Hindi ako nag-isip n

  • The Governor's Affair   KABANATA 1: La Mystika

    5 YEARS EARLIER.. "Maisie, nandito na ba lahat ng maleta mo, anak?" Ang sigaw na 'yon ng aking ama ang siyang gumising sa akin mula sa pagtitig sa aming bahay. Lilisanin na namin ang tahanang ito at lilipat sa bayan kung saan nakatira ang Lolo't Lola ko. Kung saan ipinanganak at lumaki si Papa. Mahigit dalawampung taon din kaming nanirahan sa mansion na ito kaya hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot sa paglisan namin.Tinanaw ako ni Papa mula sa pag-aayos ng mga maleta sa sasakyan at alam kong naramdaman niya ang pighati ko."Kailangan ba talaga nating umalis, Pa?" tanong ko nu'ng makalapit siya sakin, ang tanaw ko ay nanatili sa bahay. Sinubukan ni Papa na pagaanin ang loob ko, "Alam kong napamahal ka na sa bahay nating ito, Maisie." aniya saka marahang hinaplos ang buhok ko. "Pero pangako ko sa'yo na mas magiging masaya ka pag nakarating tayo sa bayan ng La Mystika." LA MYSTIKA, 'yon ang pangalan ng bayan na lilipatan namin. Hindi pa ako nakakapunta sa lugar na 'yon pero

  • The Governor's Affair   PROLOGUE

    Sa sandaling nakapasok na kami sa kwarto niya ay kaagad niyang inatake ng halik ang mga labi ko. Mabilis ang pagkilos nito at tila uhaw na uhaw, na para bang ilang taon siyang naghintay para mahawakan muli ako. Bagaman hindi ako sanay sa ritmo ng halik niya ay nagawa ko pa ring sumabay. Magkadikit ang mga katawan namin at ramdam ko ang pag-iinit niya. Napaungol ako nu'ng maramdaman ang palad niyang humaplos sa ilalim ng maikli kong palda. Naghiwalay ang mga labi ko sa biglaan niyang naging paghawak. Kinuha niya ang oportunidad na 'yon upang ipasok ang dila niya sa bibig ko. Malugod ko naman 'yong tinanggap. "Alessandro.." Lumabas ang isang halinghing sa bibig ko nung bumaba ang mga halik niya sa leeg ko.Ang kamay ko ay nakahawak sa likod ng leeg niya, idinidiin ito upang mas lalo ko pang maramdaman ang malalambot niyang labi sa balat ko. Tumakas ang isang ungol sa'king bibig kasabay ng mariin kong pagpikit sa mga mata nu'ng walang paalam siyang kumagat sa leeg ko."No marks, Alessa

DMCA.com Protection Status