“Siya nga pala, kailangan niyong mag-ingat,” binalaan ni Gina ang Talnamese. “Isa siyang martial artist o kung ano.”Natawa lang dito ang mga Talnamese. “Wag kang mag-alala, martial artist din kaming lahat dito!”“Ascendant rank pa nga si Talc!”“Oh, hindi talaga kami nag-aalala sa kung sinong Draconian martial artist. Kakaunting tao lang ang kayang tumalo kay Talc sa isang laban, maliban sa Lord of the Southern Woods!”Sa kung anong dahilan, nakaramdam ng masamang kutob si Gina habang pinanood niyang kampanteng magbiruan ang mga Talnamese. “Napakatalino mo, Tita Gina!” Papuri ni Cindy. “Manahimik ka! Kasalanan mo tong lahat!” Sigaw ni Gina at naiilang na lumingon si Cindy palayo. Hindi makakalimot si Gina at alam iyon ni Cindy pagkatapos niyang ibenta ang ruby sa halagang 500 million at gastusin ang lahat sa loob lang ng isang linggo.Ang totoo, plano ng mga Talnamese na kitilan ng lumang bilyon si Cindy nang nalaman nilang napunta sa black market ang ruby at kailangan ni
“Yun dapat ang tanong namin!”Isang maskuladong tao ang tumalon pababa mula sa kwarto at lumapag nang may kalabog. Ilang anyo ang lumitaw sa pintuan nang sabay-sabay at hinarangan ang daan nila paalis. “Kilala mo ang mga babaeng ito?” Pagkatapos ay tinuro ni Talc sina Gina at Cindy na parehong natataranta. "Hmm?" Kumunot ang noo ni Frank—ang alam niya lang ay nakidnap si Gina, at nagulat siyang makitang naroon din si Cindy. Kahit na ganun, pinaalala sa kanya ni Cindy sa ng crown ruby na pinadala ni Fenton, at nalaman niya roong tama ang hinala niya. Binenta ito ni Cindy habang nagsisinungaling kay Gina na wala itong halaga at nagpunta sa ibang bansa para gastusin ang perang iyon. Ngayon, mukhang natunton siya ng mga Talnamese mula sa black market at hinuli siya. Palihim siyang nakahinga nang maluwag ngayong hindi alam ng Talnamese kung sino siya. Ayos lang siya kung ang crown ruby lang ang habol nila, pero mag-aalala siya kung siya ang pakay nila para maghiganti dahi
Pagkatapos ay ngumisi si Ned. “Mukhang naiintindihan ko na kung bakit dati mong asawa si Ms. Lane at hindi pa rin kasal sa'yo.”“Heh…” Namumuhing tawa ni Frank. “Tama na yan. Wala akong oras para sa away niyo!”Sumigaw si Talc habang lumapit siya. Nakatitig siya nang masama kay Frank nang may mapupulang mga matang kasing bangis ng sa lobo. “Ibibigay mo sa'min as ng ruby, o mamamatay kayong lahat. Ngayon, mamili ka!”“Meron bang pangatlong pagpipilian?” Kalmadong tanong ni Frank pagkatapos ng maikling katahimikan. “Pangatlong pagpipilian?” Nabigla si Talc, hindi niya masyadong naintindihan ang ibig sabihin ni Frank. “Pipiliin ko ang pangatlong pagpipilian,” tuloy ni Frank. Ang kalmadong tono at presensya niya ay naging malamig at lumamig din mismo ang kwarto. “Pumasok kayong mga Talnamese sa border ng Draconia at dinukot ang mga mamamayan namin. Ang hatol sa inyo ay kamatayan!” Sumigaw si Frank, bumuhos ang pure vigor niya nang parang isang mabagsik na bagyo na maski si Ned a
Hindi pa nakakarating si Frank sa Ascendant rank. Kahit na ganun, kaya niyang marating sandali ang lebel na iyon gamit ng Death Eater, o pwede niya ring gamitin ang lahat ng death aura na nahigop niya para labanan ang isang Ascendant rank nang panandalian bilang kapantay. At nasa gitna pa lang ng Ascendant rank si Talc. Habang binuhos ni Frank ang buong lakas niya, kaagad siyang nadehado. “Mamatay ka na!”Nabasag ng shockwave mula sa suntok ni Frank ang kukong gamit ni Talc, at nagpatuloy siya para baliin ang buong braso ni Talc. "Cap!" “Cap! Papunta na kami!”Nang makitang nasaktan ni Frank ang kanilang napakalakas na kapitan sa isang atake, kaagad na nataranta at nagalit ang ibang mga Talnamese. Habang tumatakas sila kanina, bigla silang bumalik at bumuo ng isang combat ward ng tatlompung tao para palakasin ang vigor nila hanggang peak Ascendant rank. Naging seryoso ang ekspresyon ni Frank—mas malaking problema pala ang Talnamese kumpara sa inasahan niya. “Sinabi sa
Ang chief ng Martial Alliance?! Nakikita kaagad ng kahit na sino ba ang babaeng iyon ay hindi dapat banggain. Lalaban o tatakbo—nakasalalay ngayon ang lahat sa desisyon ni Talc. Nagsalita siya sa sandaling iyon, “Lady Silverbell. Wala kaming intensyong lumaban—nandito kami para bawiin ang national treasure namin, na nalaman naming ibinenta sa black market ng Draconia. Ang gusto lang namin ay mabawi ito… Syempre, sa ilalim ng permiso mo.”Malinaw na handang makita ni Talc ang mga awtoridad ng Draconia—paano siyang magkakaroon ng linyang nakahanda nang ganun kabilis?“Ang national treasure niyo?”Huminto si Silverbell—nagpunta lang siya dahil narinig niya ang tungkol sa presensya ng Talnamese, at ang isyung ito ay hindi niya inasahan. “Oo. At sila ang nagbenta nito,” sabi ni Talc habang nakaturo kay Frank. “Huh?” Nakilala ni Silverbell ang anino ni Frank, naalala niya rito ang lalaki sa panaginip niya…Hindi niya napigilang namula ngunit di nagtagal ay sumama ang ekspresyon n
Sumisigaw din si Cindy. “Tama! Sinusubukan mo ba kaming mamatay?!”“Manahimik ka!” Sigaw ni Frank. Kasalanan naman nina Cindy at Gina na nahanap ng mga Talnamese ang kinaroroonan niya. At ngayong nalaman nila kung sino siya, ipapadala nila ang bawat isang assassin at poisoner na mayroon sila. Kapag nangyari iyon, hindi lang si Frank, kundi lahat ng tao sa paligid niya ay manganganib rin. Nakikita niya iyon sa mga mata ni Talc. Basta't nakatayo ang black market ng Draconia, palagi nila siyang mahahanap. At kumulo ang dugo ni Frank nang dahil dito!“Anomang mangyayari, mananatili kayong lahat dito,” malagim at papatay na sumbat niya. Natural na sinigawan siya ni Gina bago pa ito nagawa ng mga Talnamese. “Ang tanga-tanga mo! Sumuko na sila—bakit ko sila kailangang pilitin?! Hindi ka ba makukuntento hanggang sa mapatay mo ko, para pwede mong makuha si Helen nang walang pumipigil sa'yo?!”“Oo nga! Hindi mo maaamoy si Helen kahit isang beses kapag may nangyari kay Tita Gina!” Sa
Bumuntong-hininga si Ned habang pinanood niyang paulit-ulit na tumango sina Cindy at Gina, sabay naintindihan niya ang posisyon ni Frank. Walang dudang dahil hindi ipinagmamayabang ni Frank ang sarili niya, mamaliitin siya ng dalawang mapagmalaking babaeng ito sa lahat ng paraang magagawa nila. Natural na hindi nila malalamang si Frank ay isang napakamakapangyarihang taong nakakadaig pa kay Ned. Si Ned pa nga ang kumakapit kay Frank, gusto niyang kaibiganin si Frank at hinahangaan niya ang lakas at mga koneksyon niya. Lalo niya't siya ang tagapagmana ng mga Lawrence. Kahit na kulang sila sa bilang, sila ang pinakamisteryosong dinastiya sa Morhen!Doon kumilos si Talc nang makitang nalingat si Frank kina Gina at Cindy. Alam niyang hindi sila basta-basta palalampasin ni Frank, at ayos lang sa kanila iyon—wala ba talaga silang gagawin ngayong nakasalubong nila ang anak ng kanilang kalaban?Swish!Klang!Biglang naglabas si Talc ng isang kakaibang hook, ngunit narinig ang kalab
“Magaling!”Kumilos si Frank nang kasing bilis ng liwanag—bago pa man maipon ng Talnamese ang pure vigor niya, nasa harapan na niya si Frank!“Hindi!” Iyon lang ang natirang oras niya para kumibo nang tinaga siya ni Frank sa dibdib gamit ng book ni Talc at hinila siya palabas ng combat ward. Sa gitna ng combat ward, pinagpawisan nang malamig si Talc sa nakita niya. “Wag kayong aatras!”“Hah! Sa tingin mo hahayaan kita?”Hindi kaagad pinatay ni Frank ang Talnamese na hinila niya, sa halip ay kinuha niya ang pagkakataon para sumugod sa gitna ng combat ward. “Ano?!” Nabigla sandali si Talc ngunit hindi nagtagal ay ngumisi sa tuwa. Sa mga combat ward, ang pinakamalakas na pwesto ay ang gitna, kung saan nagtitipon ang pure vigor ng lahat. At dahil ang combat wards ay ginawa para pumatay, papatayin lang ni Frank ang sarili niya sa pagsugod niya sa gitna!“Kumilos kayong lahat!” Sigaw ni Talc. Sa utos niya, inipon ng bawat isang Talnamese ang pure vigor nila at sumugod kay F
Sa mga utos ni Terry ‘Ted’ Cotton, susugod ang mga siga kay Frank at pagpipira-pirasuhin siya!Kahit na ganun, naningkit ang mata ni Ted sa napakaaroganteng lalaki at nakaramdam ng kaunting pag-iingat. Hindi kaya isa siyang miyembro ng mahalagang pamilya o apprentice ng isa sa South Sea Sects?“Matapang ka, bata,” sabi niya. “Saan ka nagmula?”“Wala. Ako lang si Frank Lawrence, ang head ng health and security department ng Lanecorp,” kampanteng sagot ni Frank. Nasamid si Ted. Lanecorp? Yung kumpanya?At ang head ng health and security department ng Lanecorp… Natagalan si Ted bago ito mapagtanto, ngunit napahiya siya nang naintindihan niya kung anong sinasabi ni Frank. Head ng health and security department ng Lanecorp?! Ibig sabihin lang nito ay isa siyang pinagandang security guard! At may lakas ng loob ang isang security guard na pagbantaan siya?!Sa galit, sumigaw si Ted habang tinuro niya si Frank sa sandaling iyon, “Sugod! Baliin niyo ang bawat isang buto sa kataw
Malinaw na armado ang lahat ng mga siga dala ang mga baseball bat at machete nila at hinarangan ang daan paalis ni Helen. Sa isang iglap, biglang sumigla ang tahimik na sira-sirang gusali. Vroom!Umingay ang mga makina ng motor at sumunod ang mga sipol habang humarurot ang isang dosenang mga sangganong nakamotor. Kumaskas ang mga huling nila habang huminto sila sa tabi nina Frank at Helen. Ngayon, talagang napalibutan na sila. “Huli na para umalis pa kayo!” Pagmamayabang ni Terry at tumawa nang malakas. Nagsimula ring tumawa ang iba pang mga siga—dahil sabay-sabay na tumawa ang higit isang daan sa kanila, halos maramdamang yumanig ang gusali. “Ano bang gusto niyo?!” Sigaw ni Helen, habang dismayado niyang napagtantong nakapasok sila sa literal na lungga ng mga lobo. Kahit na kampante siya sa kakayahan ni Frank, nag-aalala pa rin siya dahil napakarami nila sa Blood Wolves. “Ano bang gusto ko?!”Biglang dumura si Ted sa lapag at tinitigan nang mapangbanta si Frank haban
"Hahaha…"Biglang tumawa nang malakas si Frank pagkatapos tumingin sa paligid, na nagpatulala sa mga papalapit na mga siga. “Anong problema?” Nag-aalalang lumingon si Helen kay Frank—nabaliw ba siya dahil gumastos siya ng limandaang milyon sa isang walang kwentang lote ng lupa?Habang lumitaw ang iba't-ibang posibilidad sa isipan niya, nakatitig na lang si Helen kay Frank habang ngumiti siya sa kanya at kindat. “Kung tama ang kutob ko, mukhang sinayang to ng nanay mo.”“Ano?”Nanlaki ang mga mata ni Helen sa pagtataka, at lalo siyang nag-alala na baka talagang nabaliw na si Frank. Gayunpaman, tumingin si Frank sa paligid niya sa loob ng lote. “Gigibain ang lahat ng nakatayo sa lupa na'to sa susunod na dalawang linggo. Handa ang Zamri City Hall na magtayo ng highway sa lupang to.”“Alam mo ba kung anong ibig sabihin nun?” Ngumisi siya kay Helen, at tinapos ang sasabihin niya bago siya nakasagot. “Tataas ng sampung beses ang halaga ng loteng to! Hahaha… Talagang swinerte tayo, H
Napuno ng malamig na dismaya ang puso ni Helen nang tumayo siya sa dulo ng lote at inobserbahan ito. Hindi lang mga opisina—maging mga pabrika ay hindi praktikal na itayo rito sa layo ng lote mula sa main road!Kahit na may mga proyekto sa loob ng lugar, nagsimula nang tumabingi ang bawat isang block nito. May mga kamay din sa pader—malinaw na senyales ito ng pagguho “Frank… Limandaang milyon… Para sa lupang to! Talagang nalugi tayo rito.” Malungkot na bumuntong-hininga si Helen—sa pananaw niya, walang kwenta ang lupang ito!Wala ring laman ang mga proyekto, at karamihan ng mga unit ay bakante. “Pero malay mo lang.” Ngumiti si Frank at nagpunta sa mga proyekto bago nakakilos si Helen. Hindi sila masyadong nakalayo nang nakita nila ang isang grupo ng mga sigang nagtitipon nang sama-sama habang naglalaro ng poker sa sira-sirang lobby. Mukhang mga bata pa sila ngunit kakaiba ang pananamit nila. Ang isa sa kanila, na nakaharap sa pintuan, ay nakita sina Helen at Frank na puma
Nag-aalala talaga si Gina na baka magbago ang isip ni Frank at mauwi sa wala ang pambobola niya sa nagdaang kalahating oras. Gayunpaman, halatang wala siyang dapat ipag-alala dahil wala talagang anjalam si Frank sa limandaang milyon. Ang totoo, tinawagan niya kaagad si Trevor Zurich para sabihan siyang ipadala ang pera sa account ni Gina at pirmahan ang pangalan niya sa kasunduan. Nakasimangot si Helen nang natapos siya habang nakangiti naman si Gina. “Oh, Frank,” sabi niya. “Bakit di ka manatili rito ngayong gabi? Ililibre ko kayo ni Helen ng hapunan.”“Di na kailangan,” mahinang sagot ni Frank habang umiiling. “Bibisitahin ko ang lupa at titignan ko kung meron akong mapaggagamitan rito, para hindi ako mawalan masyado ng pera.”Sinsero ang sagot ni Frank, kasabay ng pagdating ng notification kay Gina mula sa bangko. Nakahinga nang maluwag si Gina nang makita iyon at kaagad na nabawasan ang sigla niya. As ng totoo, nakahiga na siya sa kama at pumikit. “Sige, hindi na kita
“Hindi interesado si Frank.”Tumayo kaagad si Helen sa pagitan nila Gina at Frank habang nakatitig nang maigi sa nanay niya nang sumigaw siya, “Alam ko kung anong binabalak mo g gawin, pero ikaw ang nagdala sa sarili mo sa sitwasyong ito, kaya akuin mo yan. Wag mong isiping idamay si Frank sa problema mo!”“Bakit ba palagi kang kumakampi sa iba?!” Sigaw ni Gina sa kanya sa inis. “Mamamatay ako kung hindi ko maibebenta ang lupang iyon! Hindi ba dapat may gagawin si Frank kung gusto niyang pakasalan ang anak ko?!”“Binigyan ka ni Frank ng ruby, pero nawala mo yun!” Sagot ni Helen na nagbanggit ng dating hinanakit dahil ayaw niyang guluhin ng pamilya niya si Frank. “Yun… Iba yun!” Sagot ni Gina, na halatang walang kumpyansa, ngumiti di nagtagal ay nagmatigas at sumigaw, “Nawala namin ang ruby, pero nakaraan na yun! Anak kita, at iba na ang posisyon mo ngayong kontrolado mo na ang Lane Holdings at ang Lanecorp. Hindi lang yun, meron ka lang magarang farm resort na kumikita ng milyones
“Tama!”Hinampas ni Gina ang noo niya pagkatapos marinig ang suhestyon ni Cindy at napasigaw sa realisasyon, “Bakit di ko naisip yan? Ang talino mo talaga, Cindy!”“Sigurado yan, pero…”Suminghal si Candy, sabay sandaling lumingon kay Helen habang nakasimangot. “May hindi nakakakita roon.”Alam ni Helen na siya ang ibig sabihin ni Cindy pero hindi siya bumaba sa lebel nila, at seryosong nagsabi, “Hindi gagana yan. Magiging matalino ang kahit na sinong may ganito kalaking halaga ng pera—hindi magiging kaakit-akit ang lupang iyon kahit bilang pain.”Malamig na tumawa si Cindy, hindi siya nabahala na gumagawa siya ng gulo. “Oh, sinasabi mo bang hindi matalino si Tita Gina? Palihim ang pang-iinsulto mo!”Sumama ang mukha ni Gina—kahit na nagkamali siyang paniwalaan si Peter, nainis pa rin siya na iinsultuhin siya ng anak niya nang ganito. “Hindi iyon ng ibig kong sabihin, Ma…”Bumuntong-hininga si Helen at umiling dahil wala na siyang lakas para ipaliwanag pa ang sarili niya. “Bah
Walang naisagot si Gina sa sagot ni Helen at bumangon mula sa kama para tumakbo papunta sa pader at iuntog ang ulo niya rito habang sumisigaw. “Oh, Helen! Pasensya na talaga… Wala akong ibang pagpipilian… Magpapakamatay na lang ako para makabawi sa'yo—”Sa ilang untog lang, tumulo na ang dugo mula sa benda niya. Gayunpaman, nahawakan siya ni Helen at sumigaw, “Tigil! Hindi ako makakapagbayad kapag namatay ka rito! Mag-isip ka ng paraan para mabawi ang pera! Tawagan mo si Peter at sabihan mo siyang pumunta rito ngayon din!”“S-Sige…” Dinampot ni Gina ang phone niya at mabilis na tinawagan ang numero ni Peter, ngunit binaba ito ni Peter pagkatapos itong tumunog nang kaunti. “Ano? Anong nangyayari?” Gulat na sabi ni Gina. Kasabay nito, lumingon si Helen kay Frank—hindi kaya nakuha na ni Kit Jameson si Peter?“Tatawagan ko siya.” Lumapit si Frank kay Gina, kinuha ang numero ni Peter mula sa kanya, at tumawag. Sumagot si Peter pagkatapos ng dalawang ring nang may kalmadong tono.
Pagkatapos murahin sandali ng lahat si Peter, binalik ni Helen ang usapan. “Ma, paano ka nasaktan?”Umiling si Cindy at mahinang nagsabi, “Hindi mahanap ni Tita Gina si Peter o si Larry, kaya nagpunta siya sa Zomber Group para bawiin ang pera niya. Tumanggi sila dahil pumirma siya sa kasunduan, kaya nakipagtalo siya. Pagkatapos, medyo nagkapisikalan sila at nauntog siya sa pader.”“Ma… Talagang ang laki ng pagkakamali mo ngayon!” Bumuntong-hininga si Helen dahil alam niyang hindi lang si Gina ang may kasalanan dito. Masyado lang talagang masama ang anak niyang lalaki, na niloko pa ang sarili niyang nanay at pagkatapos ay ginawa rin iyon sa ate niya. Binenta pa nga niya ang sarili niyang ate para sa pera. Masasabi ngang hindi lang siya walanghiya, napakasama pa niya. Kumunot ang noo ni Helen. “Kalma ka lang, Ma. Sabihin mo lang sa'kin—magkano ang nawala sa'yo? Titignan ko kung kaya kitang matulungang bayaran ito.”Binuksan ni Gina ang bibig niya, ngunit lumingon siya kay Cindy