Pagkatapos ay ngumisi si Ned. “Mukhang naiintindihan ko na kung bakit dati mong asawa si Ms. Lane at hindi pa rin kasal sa'yo.”“Heh…” Namumuhing tawa ni Frank. “Tama na yan. Wala akong oras para sa away niyo!”Sumigaw si Talc habang lumapit siya. Nakatitig siya nang masama kay Frank nang may mapupulang mga matang kasing bangis ng sa lobo. “Ibibigay mo sa'min as ng ruby, o mamamatay kayong lahat. Ngayon, mamili ka!”“Meron bang pangatlong pagpipilian?” Kalmadong tanong ni Frank pagkatapos ng maikling katahimikan. “Pangatlong pagpipilian?” Nabigla si Talc, hindi niya masyadong naintindihan ang ibig sabihin ni Frank. “Pipiliin ko ang pangatlong pagpipilian,” tuloy ni Frank. Ang kalmadong tono at presensya niya ay naging malamig at lumamig din mismo ang kwarto. “Pumasok kayong mga Talnamese sa border ng Draconia at dinukot ang mga mamamayan namin. Ang hatol sa inyo ay kamatayan!” Sumigaw si Frank, bumuhos ang pure vigor niya nang parang isang mabagsik na bagyo na maski si Ned a
Hindi pa nakakarating si Frank sa Ascendant rank. Kahit na ganun, kaya niyang marating sandali ang lebel na iyon gamit ng Death Eater, o pwede niya ring gamitin ang lahat ng death aura na nahigop niya para labanan ang isang Ascendant rank nang panandalian bilang kapantay. At nasa gitna pa lang ng Ascendant rank si Talc. Habang binuhos ni Frank ang buong lakas niya, kaagad siyang nadehado. “Mamatay ka na!”Nabasag ng shockwave mula sa suntok ni Frank ang kukong gamit ni Talc, at nagpatuloy siya para baliin ang buong braso ni Talc. "Cap!" “Cap! Papunta na kami!”Nang makitang nasaktan ni Frank ang kanilang napakalakas na kapitan sa isang atake, kaagad na nataranta at nagalit ang ibang mga Talnamese. Habang tumatakas sila kanina, bigla silang bumalik at bumuo ng isang combat ward ng tatlompung tao para palakasin ang vigor nila hanggang peak Ascendant rank. Naging seryoso ang ekspresyon ni Frank—mas malaking problema pala ang Talnamese kumpara sa inasahan niya. “Sinabi sa
Ang chief ng Martial Alliance?! Nakikita kaagad ng kahit na sino ba ang babaeng iyon ay hindi dapat banggain. Lalaban o tatakbo—nakasalalay ngayon ang lahat sa desisyon ni Talc. Nagsalita siya sa sandaling iyon, “Lady Silverbell. Wala kaming intensyong lumaban—nandito kami para bawiin ang national treasure namin, na nalaman naming ibinenta sa black market ng Draconia. Ang gusto lang namin ay mabawi ito… Syempre, sa ilalim ng permiso mo.”Malinaw na handang makita ni Talc ang mga awtoridad ng Draconia—paano siyang magkakaroon ng linyang nakahanda nang ganun kabilis?“Ang national treasure niyo?”Huminto si Silverbell—nagpunta lang siya dahil narinig niya ang tungkol sa presensya ng Talnamese, at ang isyung ito ay hindi niya inasahan. “Oo. At sila ang nagbenta nito,” sabi ni Talc habang nakaturo kay Frank. “Huh?” Nakilala ni Silverbell ang anino ni Frank, naalala niya rito ang lalaki sa panaginip niya…Hindi niya napigilang namula ngunit di nagtagal ay sumama ang ekspresyon n
Sumisigaw din si Cindy. “Tama! Sinusubukan mo ba kaming mamatay?!”“Manahimik ka!” Sigaw ni Frank. Kasalanan naman nina Cindy at Gina na nahanap ng mga Talnamese ang kinaroroonan niya. At ngayong nalaman nila kung sino siya, ipapadala nila ang bawat isang assassin at poisoner na mayroon sila. Kapag nangyari iyon, hindi lang si Frank, kundi lahat ng tao sa paligid niya ay manganganib rin. Nakikita niya iyon sa mga mata ni Talc. Basta't nakatayo ang black market ng Draconia, palagi nila siyang mahahanap. At kumulo ang dugo ni Frank nang dahil dito!“Anomang mangyayari, mananatili kayong lahat dito,” malagim at papatay na sumbat niya. Natural na sinigawan siya ni Gina bago pa ito nagawa ng mga Talnamese. “Ang tanga-tanga mo! Sumuko na sila—bakit ko sila kailangang pilitin?! Hindi ka ba makukuntento hanggang sa mapatay mo ko, para pwede mong makuha si Helen nang walang pumipigil sa'yo?!”“Oo nga! Hindi mo maaamoy si Helen kahit isang beses kapag may nangyari kay Tita Gina!” Sa
Bumuntong-hininga si Ned habang pinanood niyang paulit-ulit na tumango sina Cindy at Gina, sabay naintindihan niya ang posisyon ni Frank. Walang dudang dahil hindi ipinagmamayabang ni Frank ang sarili niya, mamaliitin siya ng dalawang mapagmalaking babaeng ito sa lahat ng paraang magagawa nila. Natural na hindi nila malalamang si Frank ay isang napakamakapangyarihang taong nakakadaig pa kay Ned. Si Ned pa nga ang kumakapit kay Frank, gusto niyang kaibiganin si Frank at hinahangaan niya ang lakas at mga koneksyon niya. Lalo niya't siya ang tagapagmana ng mga Lawrence. Kahit na kulang sila sa bilang, sila ang pinakamisteryosong dinastiya sa Morhen!Doon kumilos si Talc nang makitang nalingat si Frank kina Gina at Cindy. Alam niyang hindi sila basta-basta palalampasin ni Frank, at ayos lang sa kanila iyon—wala ba talaga silang gagawin ngayong nakasalubong nila ang anak ng kanilang kalaban?Swish!Klang!Biglang naglabas si Talc ng isang kakaibang hook, ngunit narinig ang kalab
“Magaling!”Kumilos si Frank nang kasing bilis ng liwanag—bago pa man maipon ng Talnamese ang pure vigor niya, nasa harapan na niya si Frank!“Hindi!” Iyon lang ang natirang oras niya para kumibo nang tinaga siya ni Frank sa dibdib gamit ng book ni Talc at hinila siya palabas ng combat ward. Sa gitna ng combat ward, pinagpawisan nang malamig si Talc sa nakita niya. “Wag kayong aatras!”“Hah! Sa tingin mo hahayaan kita?”Hindi kaagad pinatay ni Frank ang Talnamese na hinila niya, sa halip ay kinuha niya ang pagkakataon para sumugod sa gitna ng combat ward. “Ano?!” Nabigla sandali si Talc ngunit hindi nagtagal ay ngumisi sa tuwa. Sa mga combat ward, ang pinakamalakas na pwesto ay ang gitna, kung saan nagtitipon ang pure vigor ng lahat. At dahil ang combat wards ay ginawa para pumatay, papatayin lang ni Frank ang sarili niya sa pagsugod niya sa gitna!“Kumilos kayong lahat!” Sigaw ni Talc. Sa utos niya, inipon ng bawat isang Talnamese ang pure vigor nila at sumugod kay F
Wala nang pagdududa ngayon. Ang isa pang taong kayang gumamit ng Death Eater ay si Donn Lawrence, ang anak ng Lord of the Southern Woods at ang senior apprentice ng Mystic Sky Sect na nawala tatlong taon ang nakaraan!“B-Buhay ka talaga…?”Gayunpaman, hindi lumingon si Frank kay Silverbell—may mas mahalagang bagay siyang kailangang gawin. “Kayang palakasin ng combat ward ang vigor niyo nang sama-sama sa naaabot nito.” Bigla siyang ngumisi sa Talnanese. “Pero paano kung ilagay ko rin ang pure vigor ko?”“Ano?!”“Imposible!”Nagulat ang lahat ng Talnanese sa paligid nila, ngunit hindi nagtagal ay nakita nila ang makapal na pulang pure vigor na bumalot sa kanila mula sa bawat isang direksyon. Ito ang Death Eater ni Frank, na ginagamit ang offensive vigor nila para pasukin ang combat ward nila. "Argh!"Napaluhod ang isa sa mga Talnanese habang hawak ang ulo niya. Sumunod ang pangalawa nang wala pang dalawang segundo, pagkatapos ay ang pangatlo… Nang parang domino, bumagsak
Limang minuto pagkatapos mamatay ni Talc, wala nang natirang buhay na Talnamese sa pabrika. Karamihan sa kanila ay pinatay ang isa't-isa, at nag-iwan ng isang tambak ng dugo at laman na nagpasuka kay Gina. Maputla at matigas ang mukha ni Cindy, at hindi siya nagtangkang magsalita. Nakatayo si Frank sa gitna ng mga duguang bangkay nang bigla niya itong narinig. "Donn…!" Dahan-dahan siyang lumingon at nakita niya ang isang babae na nakatitig sa kanya. Bumabaha ang mga luha niya nang para bang ipinapahiwatig sa kanya kung gaano niya siya hiniling na makita nang napakaraming taon. “Nagkakamali ka,” sabi niya habang tahimik na yumuko. Nang tumingala siyang muli, nakangiti siya. “Frank Lawrence ang pangalan ko, hindi Donn—at sa Riverton ako nakatira. Naalala mo bang nakita mo ko sa teritoryo ng Sage Lake Sect?”Kahit na ganun, hawak ni Silverbell ang maliit niyang labi habang paulit-ulit siyang umiling. “Wag kang magsinungaling,” iyak niya. “Ikaw si Donn—ikaw at ikaw lang yu
Pinanatili ni Frank at Lanecorp ang mababang profile habang hinihintay nila ang bagyo.Habang lumipas ang dalawang buwan, unti-unting kumalma si Zamri nang umalis ang spiritron vein sa lungsod, na makikita sa kawalan ng mga martial elites na tinatanggap sa Zamri Hospital.Gayunpaman, hindi ang spiritron vein ang alalahanin ni Frank—sa halip, ito ay si Silverbell.Siya ang pinuno ng Martial Alliance, may sariling lakas at maraming mga martial artist sa ilalim ng kanyang pamumuno.At gayunpaman, nag-aalala si Frank nang marinig niyang hindi na pag-aari ng Martial Alliance ang spiritron vein.Kahit na nakakainis ang isip na iyon, nakatanggap si Frank ng tawag mula kay Fenton—ama ni Silverbell—isang hapon."Master Frank." Kalma si Fenton na parang dati, pero sapat ang talas ni Frank para mapansin ang bahid ng pag-aalala."Magsalita ka," sagot ni Frank, mas kalmado at hindi gaanong nag-aalala.Pagkatapos ng lahat, tunay na natutunan niya na may mga tao na mas malakas kaysa sa kanya
Ang mga babae ay nakaramdam ng paghamak kay Winter habang hindi nila alam kung saan sila dapat mag-intern.Nang marinig ni Frank ang kanilang pag-uusap, nakita siya ni Jessica at nag-double take. "Hey, hindi ba't kapatid ni Winter 'yan?"Gayunpaman, hindi nagtagal ay siya'y nagbiro. "Talagang ginawa mo ang lahat para lang makakuha ng trabaho ang kapatid mo!""Oo nga, ipinadala mo siya na parang regalo sa kama ng isang matandang lalaki… Wala nang hihigit pa sa iyong tiyaga."Ang pang-aasar ay nag-iwan kay Frank na nalilito, bagaman agad niyang napagtanto na nagkamali sila ng pagkakaintindi habang patuloy silang nagkukwentuhan.Si Winter ay talagang may kakayahang maging pinuno ng Zamri Hospital—sa katunayan, sapat na sapat ang kanyang kasanayan sa medisina, at hindi niya kailangang gumamit ng anumang hindi kanais-nais na paraan.Habang nanatiling nagdududa ang mga babae sa kabila ng mga sinabi ni Frank, hinila lang sila ni Frank para makita si Winter upang siya na mismo ang magsab
May isa lamang porsyentong tsansa si Gus na mabuhay, pero may isang bagong graduate na inakalang kasintahan ni Gene na nagtagumpay sa tsansang iyon?!Grabe, kaya na ngang makipag-usap ng lalaki ngayon!Pakiramdam ni Paco na parang gumuho ang kanyang mundo, na parang ang mga dekadang kaalaman niya sa medisina ay walang halaga sa ilang mga bata.Sa paligid niya, ang kanyang mga katulong ay nakatitig sa gulat.Hindi nagawa ni Paco! Ano ang nagbigay sa kanilang dalawa ng karapatan na magtagumpay?Posible bang mas magaling pa ang kanilang mga kasanayan sa medisina kaysa kay Paco kahit na mas kulang sila sa karanasan?"Alam mo ba ang pangalan na Frank Lawrence?"Si Gus ay sumagot kay Winter at Jean Zims, kahit na nakapikit pa rin ang kanyang mga mata."Frank Lawrence?"Nagpalitan ng tingin sina Winter at Jean."Siya ang kapatid ko," sagot ni Winter."Siya ang aking mentor," sabay na sinabi ni Jean.Tumango si Gus at huminga ng malalim. "Kung ganun siya nga talaga ‘yun… Muli niya
"Oh! Dumating sila para kay Winter." Ngumiti ang katulong."Siguro balak nilang hingin sa kanya ang internship, dahil bagong talagang siyang pinuno ng ospital natin at lahat."Pumihit si Paco kay Winter noon din, ang kanyang titig malamig habang malamig na sumagot, "Ano bang akala mo sa ospital namin?! Hindi ito lugar para sa mga batang nagmamadaling umakyat sa ranggo. Lumayas ka dito!""Ano? Humihingi ba kami ng pahintulot na manatili?" Tina ay nagmaktol sa paghamak at lumingon muli upang umalis matapos magbigay ng malamig na titig kay Winter."Sandali…"Sinubukan ni Winter na magsalita, pero sobrang pagod niya mula sa operasyon na halos hindi siya makapagbigkas ng isang pantig.Patuloy na nagalit si Paco sa kanya noon, "Sabi ko, chief, sapat na ang binigay mong gulo sa akin para sa isang araw, kaya ipaalam mo sa utak mo—ospital ito, hindi lugar para kay Gene Pearce na magtago ng mga kalaguyo!"Pagkatapos, itinuturo si Gus Zeller sa trolley bed, sumigaw si Paco, "Tingnan mo ang
"Phew…"Matapos ang mahigit apat na oras na operasyon, bumagsak si Winter sa isang upuan, ang kanyang mga kamay ay puno ng dugo."Okay ka lang ba, Winter?" tanong ni Jean habang pinupunasan ang pawis sa noo ni Winter.Umiling si Winter. "Ang laki ng pagkadismaya ko…""Oo nga…" buntong-hininga ni Jean, nilingon ang lalaki sa surgical table na kakatatapos lang operahan, habang nilingon siya at si Winter. "Okay lang—ginawa mo ang lahat ng makakaya mo.""Alam ko." Nagsalita si Winter nang may lungkot.Di nagtagal, si Gus Zeller ay inilipat sa isang wheel bed at itinulak palabas ng silid ng operasyon."Hahaha! Ang sakit na nito… Tingnan mo lang ang mukha niya, parang nabigo siya.""Hehe. Mga batang mayabang, sabi ko sa'yo. Ayos lang, isang tagapaglingkod ng Soranos ang namatay sa kanilang surgical table… talagang magagalit ang mga Sorano.""Eh, hindi naman kasalanan natin 'yan. Abangan na lang natin kung paano ito magiging."Nagkunot-noo si Winter nang marinig niya ang mga tao, pe
At kapag nalaman ng mga Sorano na babae ni Gene Pearce ang nag-opera sa kanilang retainer, mas mabilis na babagsak si Winter.Ito ang patibong na inihanda ni Paco para kay Winter—katapusan na niya, gawin man niya ito o hindi.Ngumisi siya, dahil naniniwala siya na imposible para kay Winter na mailigtas ang buhay ni Gus Zeller.Bago dumating si Winter, sinuri na niya si Gus—bali-bali ang mga buto sa buong katawan niya at naputol ang isang braso niya, habang dumudugo naman ang mga organs niya.Maging ang pagtibok ng puso niya ay lubhang napakahina.Para kay Paco, kahit na marami na siyang karanasan, dinaig pa ni Gus yung nasagasaan ng tren.Isa siyang patay na naglalakad, at hindi magiging maganda ang mga bagay para sa sinumang tatanggap sa kaso niya.At nagkataon namang magagamit ito ni Paco laban sa bago niyang chief, na kasisimula pa lang ng kanyang unang araw sa trabaho.“Gaano man kakakaiba ang sitwasyon, ang pagliligtas sa buhay ng pasyente ang prayoridad natin,” sabi ni Wi
Bagaman nangangahulugan iyon na hindi kayang hawakan ni Winter ang mga komplikadong kaso at hindi niya kayang linangin ang mga pill, ang kanyang kaalaman sa mga acupoint, masahe, at kasanayan sa acupuncture ay kayang hawakan ang karamihan sa lahat, kahit na hindi ito kasing epektibo ng kay Frank.Pagkatapos ng lahat, ang mga tao tulad ni Frank na nagmaster sa parehong martial arts at medisina ay isang pambihira.Sa kabilang banda, nagulat si Paco na kinuha ni Winter ang scalpel nang walang kaalam-alam, ngunit hindi nagtagal ay tumatawa na siya kasama ang kanyang mga katulong.Ang surgical wing ay isang lugar ng kaseryosohan, at sinisira nila ito."Sandali, chief." Ngumisi si Paco habang lumalapit kay Winter."Hindi ko naman sinasadyang maliitin ka, pero kakagraduate mo lang sa unibersidad at hindi ka pa nakapag-internship. Ito ang unang beses mong humawak ng scalpel, tama ba?"Tumango si Winter nang mahinahon at hindi nagalit."Pfft…"Pinigilan ni Paco ang pagtawa, habang ang kany
Pareho nang higit-kumulang na napagtanto nina Vicky at Helen na ang pagpapanatili ng spiritron vein ay hindi naman talaga mabuti para sa kanila, lalo na't nagdudulot ito ng walang katapusang mga problema.Ang pagkaligaw sa oras ay, mula sa isang pananaw, ang matalinong hakbang.Naiintindihan ni Frank kung ano ang iniisip ni Silverbell.Tanging isang malaking organisasyon tulad ng Martial Alliance at ang kanilang mga tagasuporta ang may lakas na mapanatili ito—ang pagbibigay kay Frank sa kanyang kasalukuyang estado ay makakasama sa kanya sa halip."Ano ang gagawin natin ngayon, Frank?" tanong ni Vicky nang may pag-aalala."Umupo at huwag gumawa ng kahit ano," sabi ni Frank matapos mag-isip ng matagal tungkol dito, lumingon sa pagitan nina Vicky at Helen."Kung may makakahanap ng eksaktong lokasyon ng spiritron vein, problema na nila iyon at hindi natin. Ang lungsod ng Zamri ay gulo na dahil sa spiritron vein, kaya hindi pa panahon para tayo ang magpakita. Sa puntong ito, ang pinakama
Samantala, sa isang conference room sa tuktok ng Lanecorp Tower, nakasimangot sina Vicky at Helen.Pagkatapos ng lahat, pareho silang may mga espada na nakatutok sa kanilang mga makikinis na leeg."Ano'ng ginagawa mo, Silverbell?!" sigaw ni Helen."Heh. Nagulat ako... may isang malapit na tao na nakapagpalusot sa akin." Tumatawa si Vicky, pero ang kanyang mga mata ay kumikislap ng malamig."Pasensya na, ladies," si Silverbell ay nakadamit ng puti tulad ng dati, hawak ang kanyang espada sa isang kamay at isang nagniningning na alahas na kahawig ng isang anting-anting sa kanyang kabila.Iyon ang spiritron vein na binanggit ni Helen sa phone.Nang bumalik sila, Vicky, at Silverbell sa Lanecorp Tower, isang grupo ng mga lalaking nakasuot ng itim na nag-aabang ang sumugod sa kanila.At nang kinuha ng mga lalaking nakasuot ng itim ang spiritron vein at ibinigay ito kay Silverbell, napagtanto nina Vicky at Helen na sila ay niloko.Kahit na siya ang kaibigan ni Frank mula pagkabata at l