Sumisigaw din si Cindy. “Tama! Sinusubukan mo ba kaming mamatay?!”“Manahimik ka!” Sigaw ni Frank. Kasalanan naman nina Cindy at Gina na nahanap ng mga Talnamese ang kinaroroonan niya. At ngayong nalaman nila kung sino siya, ipapadala nila ang bawat isang assassin at poisoner na mayroon sila. Kapag nangyari iyon, hindi lang si Frank, kundi lahat ng tao sa paligid niya ay manganganib rin. Nakikita niya iyon sa mga mata ni Talc. Basta't nakatayo ang black market ng Draconia, palagi nila siyang mahahanap. At kumulo ang dugo ni Frank nang dahil dito!“Anomang mangyayari, mananatili kayong lahat dito,” malagim at papatay na sumbat niya. Natural na sinigawan siya ni Gina bago pa ito nagawa ng mga Talnamese. “Ang tanga-tanga mo! Sumuko na sila—bakit ko sila kailangang pilitin?! Hindi ka ba makukuntento hanggang sa mapatay mo ko, para pwede mong makuha si Helen nang walang pumipigil sa'yo?!”“Oo nga! Hindi mo maaamoy si Helen kahit isang beses kapag may nangyari kay Tita Gina!” Sa
Bumuntong-hininga si Ned habang pinanood niyang paulit-ulit na tumango sina Cindy at Gina, sabay naintindihan niya ang posisyon ni Frank. Walang dudang dahil hindi ipinagmamayabang ni Frank ang sarili niya, mamaliitin siya ng dalawang mapagmalaking babaeng ito sa lahat ng paraang magagawa nila. Natural na hindi nila malalamang si Frank ay isang napakamakapangyarihang taong nakakadaig pa kay Ned. Si Ned pa nga ang kumakapit kay Frank, gusto niyang kaibiganin si Frank at hinahangaan niya ang lakas at mga koneksyon niya. Lalo niya't siya ang tagapagmana ng mga Lawrence. Kahit na kulang sila sa bilang, sila ang pinakamisteryosong dinastiya sa Morhen!Doon kumilos si Talc nang makitang nalingat si Frank kina Gina at Cindy. Alam niyang hindi sila basta-basta palalampasin ni Frank, at ayos lang sa kanila iyon—wala ba talaga silang gagawin ngayong nakasalubong nila ang anak ng kanilang kalaban?Swish!Klang!Biglang naglabas si Talc ng isang kakaibang hook, ngunit narinig ang kalab
“Magaling!”Kumilos si Frank nang kasing bilis ng liwanag—bago pa man maipon ng Talnamese ang pure vigor niya, nasa harapan na niya si Frank!“Hindi!” Iyon lang ang natirang oras niya para kumibo nang tinaga siya ni Frank sa dibdib gamit ng book ni Talc at hinila siya palabas ng combat ward. Sa gitna ng combat ward, pinagpawisan nang malamig si Talc sa nakita niya. “Wag kayong aatras!”“Hah! Sa tingin mo hahayaan kita?”Hindi kaagad pinatay ni Frank ang Talnamese na hinila niya, sa halip ay kinuha niya ang pagkakataon para sumugod sa gitna ng combat ward. “Ano?!” Nabigla sandali si Talc ngunit hindi nagtagal ay ngumisi sa tuwa. Sa mga combat ward, ang pinakamalakas na pwesto ay ang gitna, kung saan nagtitipon ang pure vigor ng lahat. At dahil ang combat wards ay ginawa para pumatay, papatayin lang ni Frank ang sarili niya sa pagsugod niya sa gitna!“Kumilos kayong lahat!” Sigaw ni Talc. Sa utos niya, inipon ng bawat isang Talnamese ang pure vigor nila at sumugod kay F
Wala nang pagdududa ngayon. Ang isa pang taong kayang gumamit ng Death Eater ay si Donn Lawrence, ang anak ng Lord of the Southern Woods at ang senior apprentice ng Mystic Sky Sect na nawala tatlong taon ang nakaraan!“B-Buhay ka talaga…?”Gayunpaman, hindi lumingon si Frank kay Silverbell—may mas mahalagang bagay siyang kailangang gawin. “Kayang palakasin ng combat ward ang vigor niyo nang sama-sama sa naaabot nito.” Bigla siyang ngumisi sa Talnanese. “Pero paano kung ilagay ko rin ang pure vigor ko?”“Ano?!”“Imposible!”Nagulat ang lahat ng Talnanese sa paligid nila, ngunit hindi nagtagal ay nakita nila ang makapal na pulang pure vigor na bumalot sa kanila mula sa bawat isang direksyon. Ito ang Death Eater ni Frank, na ginagamit ang offensive vigor nila para pasukin ang combat ward nila. "Argh!"Napaluhod ang isa sa mga Talnanese habang hawak ang ulo niya. Sumunod ang pangalawa nang wala pang dalawang segundo, pagkatapos ay ang pangatlo… Nang parang domino, bumagsak
Limang minuto pagkatapos mamatay ni Talc, wala nang natirang buhay na Talnamese sa pabrika. Karamihan sa kanila ay pinatay ang isa't-isa, at nag-iwan ng isang tambak ng dugo at laman na nagpasuka kay Gina. Maputla at matigas ang mukha ni Cindy, at hindi siya nagtangkang magsalita. Nakatayo si Frank sa gitna ng mga duguang bangkay nang bigla niya itong narinig. "Donn…!" Dahan-dahan siyang lumingon at nakita niya ang isang babae na nakatitig sa kanya. Bumabaha ang mga luha niya nang para bang ipinapahiwatig sa kanya kung gaano niya siya hiniling na makita nang napakaraming taon. “Nagkakamali ka,” sabi niya habang tahimik na yumuko. Nang tumingala siyang muli, nakangiti siya. “Frank Lawrence ang pangalan ko, hindi Donn—at sa Riverton ako nakatira. Naalala mo bang nakita mo ko sa teritoryo ng Sage Lake Sect?”Kahit na ganun, hawak ni Silverbell ang maliit niyang labi habang paulit-ulit siyang umiling. “Wag kang magsinungaling,” iyak niya. “Ikaw si Donn—ikaw at ikaw lang yu
“Talaga? Donn… Frank? Hindi mo ba to pwedeng pag-isipang muli?”“Ako to, si Silverbell… O hindi mo nagustuhan ang itsura ko ngayong malaki na ako?”Naiiyak si Silverbell, pero nanatili siyang nakangiti—kumirot ang puso ni Ned sa mapait na ekspresyon niya, at lalong-lalo na si Frank. “Hindi.” Umiling siya at lumingon palayo. “Mas mabuti kung di na tayo magkita pang muli.”“Naiintindihan ko…” Pinunasan ni Silverbell ang mukha niya habang naglakad siya palabas ng pabrika nang hindi lumilingon pabalik. “Ah, mukhang uulan…” sabi niya nang para bang para pakalmahin ang sarili niya habang naglaho siya sa paningin nila. "Mr. Lawrence…"Walang nasabi si Ned kay Frank sa sandaling iyon—wala siyang kinalaman dito at hindi niya alam kung bakit tatanggihan ni Frank ang isang babaeng kasing ganda at lakas ni Silverbell. "Phew…" Bumuntong-hininga nang matagal si Frank bago lumingon kay Ned. “Pasensya ka na at kakailanganin ko ang tulong mo para linisin ang kalat na'to. At kung magagawa
Biglang naisip ni Helen kung gaano kaganda siguro kung nandito si Vicky kasama nila. Hindi makakapagyabang si Kat dito kung nandito si Vicky—kakaunti lang ang kayang manalo kay Vicky pagdating sa labanan ng mga salita. Baka pa nga napaamo kaagad ni Vicky ang batang ito, at mas mahina si Helen sa ganitong bagay—hindi niya kayang labanan ang mga matatalinong komento ng batang ito, ang nakukuha niya lang ay ang pauli-ulit na paghingi ng tawad ni Nash. Natural na hindi niya rin papatulan ang isang bata. Sa sandaling iyon, dinala ni Frank sina Gina at Cindy papunta sa pinto. Nagmadali si Helen sa kanila at nagsabing, “Ayos ka lang ba, Ma?”Nanay niya pa rin si Gina, at nagsisinungaling siya kung sabihin niyang hindi siya nag-alala. Nagpapasalamat din siyang lumingon kay Frank nang makitang iniligtas niya sina Gina nang buong-buo. “Hmph. Ayos?” Suminghal si Gina na nakaisip na ng sasabihin sa daan pauwi, sabay inirapan si Frank at nagreklamo, “Kinuha nila ang lahat ng pera nam
“Oh, pasensya na talaga.” Nagmadali si Nash para humingi ng tawad. “Bata pa kasi siya at walang masyadong muwang…”“Paanong wala akong muwang?” Suminghal si Kat sa pagkamuhi at pinagpatong ang mga braso niya sa dibdib niya. “Nawala niya ang perang ipinagkatiwala sa kanya ng anak niya, tapos sasabihan niya ang anak niyang ibenta ang kumpanya niya para makabawi sa pagkakamali niya. Linta talaga siya, o baka malala pa! Kahit si Dracula mismo ay luluhod sa kanya para turuan siya kung paano maging natural at walanghiyang sipsip!”Sumigaw si Gina sa sandaling iyon, “Bata ka! Pupunitin ko yang bulok na bibig mo!”“Hahaha!!! Away! Away! Away!” Pumalakpak si Luna habang nanood siya. “Tama na yan!” Malamig na sumigaw si Frank at sa wakas ay pinigilan ang kaguluhan.Sa daan pauwi, aligaga siya sa pag-iisip tungkol sa sinabi sa kanya ni Talc bago siya namatay—hindi niya inisip ang drama ni Gina. Nang nakakunot ang noo, nagsabi siya, “Babawiin ni Ned Janko ang perang kinuha ng mga Talnanese
Pagkatapos pinadaan ni Frank ang room card at binuksan ang pinto, natulala siya nang makitang isa itong kwartong may deluxe bed. Naiilang siyang lumingon kay Helen, na umiling habang pumasok siya. “May nag-book ng presidential suite, kaya kailangan kong magtiyaga sa deluxe twin. Wag kang mag-alala, ang kondisyon ng hotel ay…”Natulala rin siya nang nakita niyang isang kama lang ang nasa loob ng malaking kwarto. “Heh. Kung ganun…” Kinamot ni Frank ang ulo niya at naiilang na tumawa. May nakita si Helen sa ngiti niya na nagpamula sa kanya at nagreklamo siya. “Hindi maaari to… Naalala kong sinabi ko kay Cindy na kukuha ng twin bed room…”Lumabas siya at nagtanong sa isa sa mga attendant sa labas, na humingi naman ng tawad. “Pasensya na, Ms. Lane, pero wala kaming oras para ipaalam ito sa'yo kanina. Dati kang nilagay sa Room 506, isang deluxe twin room. Gayunpaman, biglang nagkaroon ng biglaan government inspection, at kinailangan ka naming ilipat. Pumayag dito ang sekretarya mo ka
Nang bumalik sila sa mga mesa nila, gumawa ng palusot si Will na natumba siya at tumaga ang kamay niya sa tinidor na nasa lapag, na nagsanhi ng kahulugan kanina. Hindi nakayanan ni Cindy na manood na lang at maupo, at sinimulan niya siyang hilahin. “Halika na. Dadalhin kita sa doktor para linisin yan.”“Ayos lang,” naiilang na sabi ni Will habang sumilip kay Frank at umubo. “Tinulungan na ako ni Mr. Lawrence at hindi na'to masakit kaya…”Natural na hindi nagtiwala sa kanya si Cindy at suminghal sa ideyang kayang tumulong ni Frank. “Imposible! Sanggano lang siya—sinong mas papaniwalaan mo, siya o ang doktor?! Tara na, kundi baka maimpeksyon ka dahil sa kanya. Masama ito kapag nag-iwan yan ng peklat.”Sa huli, walang nagawa si Will kundi umalis dahil hinila siya ni Cindy paalis. Nang naiinis, tumango siya kay Frank bago umalis, ngunit umiinom si Frank ng kape at parang hindi siya sumagot. Nanood si Helen habang umalis sina Will at Cindy, pagkatapos ay kinakabahan siyang lumingon
“Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang
“Sir, anong—”“Tabi.” Tinulak ni Frank ang mga attendant na nakaharang sa daan niya at naglakad papunta kay Will. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyo, pagkatapos ay tinulak ito sa men's room at sinara nang malakas ang pinto para i-lock ito. “Ano bang gusto mo?!” Sumigaw si Will habang nagngitngit ang ngipin. Nagsimulang mag-apoy ang mga mata niya sa galit kay Frank habang pinanood niyang dumugo nang matindi ang palad niya. “Anong gusto ko? Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Tinulak ni Frank si Will sa lapag nang nakangisi habang inapakan niya ang butas na kamay ni Will. Napasigaw siya ulit. Habang malamig na naningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Unang-una, magsimula tayo sa kung sino ka ba talaga… Lumapit ka sa Lanecorp mula kay Cindy, para saan? Para may manatiling aligaga?! Sino yun?! Magsalita ka!”“A-Anong sinasabi mo?! Wala akong alam!”Nataranta si Will sa mga tanong ni Frank. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Frank. “Hindi ka magsasalita, ha? Kung gan
Mapagbantang sumagot si Helen, “Wag mo kong hawakan, Mr. Zeller, kundi ay baka hindi mo malaman ang mangyayari sa'yo.”“Talaga? Kilala mo ba kung sino ang mga kaibigan ko? Hehe… Aatakihin ka sa puso kapag sinabi ko sa'yo, pero iibahin ko ang usapan.”Madilim na ngumiti si Will, dinilaan niya ang mga labi niya habang hinarangan niya si Helen. “Samahan mo ko ngayong gabi, Ms. Lane, at nangangako ako sa karangalan ko na makukuha mo ang larawan at lahat ng files na kinopya ko… Kundi baka bukas, lumitaw sa mesa ng CEO ng karibal mong kumpanya ang lahat ng nasa larawan. Kaya ano ang pipiliin mo?”Pumikit si Helen sa kabila ng banta niya, at nanahimik sandali bago nagsabing, “Kung ganun, pwede ko bang isiping pinagbabantaan mo ko?”“Tama.” Nanatiling nakangiti si Will, na tuwang-tuwa dahil kumbinsido siyang sa kanya na si Helen. Nagsimula pa nga siyang magpantasya kung anong kayamanan ang nasa ilalim ng suit niya at tumindi ang init sa pagitan ng binti niya. Walang makakapigil dito, a
“Sige.” Tumango si Cindy at mabilis na bumalik sa mga dessert na nasa mesa. Sa kabilang banda, pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya habang pinanood niya si Will na pumunta sa banyo. Dumilim ang titig niya. “Hoy, anong tinitingin-tingin mo? Naiinggit ka lang, ano?”Nagmayabang si Cindy nang makitang nakatitig si Frank kay Will. “Iba ang boyfriend ko sa'yo—isa siyang tunay na department head na nagrereview ng bawat isang tender ng korporasyon. Alam mo ba kung gaano karaming tao sa Zamri ang kailangang sumunod sa kanya? Ang alam mo lang gawin ay masali sa away at kumapit kay Helen, para magmakaawang bigyan ka ng trabaho.”Hinampas niya nang paulit-ulit ang mesa habang tinawanan niya si Frank. “Walanghiya ka talaga—wala kang alam sa pagkakaroon ng trabaho, ano? At tinakda ka ni Helen bilang head ng health and safety department… Di ba ibig sabihin nun ay security guard ka lang? Oh, pinapatay mo ko sa kakatawa! Umaabot ba sa sampung libo ang buwanang sahod mo?!” Tum
Malamig na tumingala si Frank sa kanya. “Ano? Di ba ako pwedeng umupo rito?”Kaagad na nagalit si Will—matapang siya para sa isang hamak na bodyguard!“Hinanda kong maupo rito si Ms. Lane, dahil mayroon kaming malaking business deal na pag-uusapan.” Malamig na sabi ni Will. “Kaya bang akuin ng isang pinabangong security guard na kagaya mo ang mangyayari kapag sinira mo to para sa kanya?!”“Syempre naman.” Tinaas ni Frank ang mukha niya nang mukhang sinasadyang nagtataka. “Ano…” Nanggalaiti si Will. “Tama na yan.” Tinaas ni Helen ang isang kamay niya at pinigilan ang dalawang lalaki habang umupo siya sa tabi ni Frank. Habang nakatingin nang seryoso kay Will, sabi niya, “Kinuha ng pinsan kong si Cindy ang laptop ko. Pakibalik ito sa'kin kung nasa’yo pa rin ito.”Ito ang prayoridad niya dahil maraming sensitibong dokumento at papeles ng Lanecorp na naka-save sa laptop na iyon. Hindi ito dapat makita ng iba at masasaktan ang kumpanya kapag nalaman ito ni Will at ibenta niya ang
Namutla si Kallum habang nilamon siya ng kawalan ng pag-asa. Dumulas ang phone niya sa mga daliri niya at bumagsak ang malakas sa lapag. Talagang nakakatakot ang pagkamatay ni Cid, kagaya kung paanong hindi inasahan ni Kallum na aatakihin ni Victor ang anak niya nang hindi man lang siya binigyan ng tyansang manlaban.“Frank Lawrence… ang bodyguard ni Helen Lane? Ang head ng health and safety department?! S-Sino ba siya?!”Nakatulala niyang bulong bago nanahimik. -Samantala, nagmadaling bumalik sina Helen at Frank sa Lanecorp. Mananatili sila dapat sa labas, ngunit nakatanggap ng tawag si Helen mula kay Cindy, sinabi niyang dumating na ang bagong nobyo niya kasama ng laptop ni Helen. Gayunpaman, sa sandaling nakabalik sina Helen at Frank, lumapit sa kanila ang kalilipat lang na sekretaryang naghihintay sa pintuan at naiilang na nagsabi, “Ms. Lane, umalis ang pinsan mo kalahating oras ang nakaraan. Nag-iwan sila ng address at pinapapunta kayo sa kanila.”Kinuha ni Helen ang
"Hehe…"Nakangiti si Victor habang nilapitan niya si Frank, inabutan siya ng tasa ng tsaa, at nagtanong, “Mr. Lawrence, nakausap ko mismo si Tito Emilio at pinapasabi niya ang pagbati niya.”“Ganun ba.”Tumango si Frank—hindi talaga siya takot kay Victor, ininom pa niya kaagad ang tsaa at tumango. “Masarap ang tsaang to.”“Hehe… Kung gusto mo, pwede ko tong ipadala sa'yo, Mr. Lawrence.”“Hindi kailangan yan.” Tumanggi si Frank, iniunat ang likod niya, at lumingon kay Helen. “Pag-usapan natin ang utang mo sa Lanecorp. Kung tama ang pagkakaalala ko, 200 milyong investment funds ito, at tungkol naman sa interes…”“Oh, wag mong alalahanin yun.” Ngumiti si Victor at pinigilan si Frank sa pagbibilang—matalino siya para maintindihan ito. “Kumuha na lang kayo ng 300 milyon mula sa'kin, nang may interes na 100 milyon. Isipin niyo na lang itong regalo para sa Lanecorp. Pwede na ba yun?”“Oo.” Tumango si Frank. Gayunpaman, kumunot ang noo ni Helen. “Hindi tama yun. Tumagal na ang utang,