Share

Kabanata 931

Author: Chu
last update Huling Na-update: 2024-10-13 16:00:00
Nadurog ang puso ni Luna hindi dahil sinubukan siyang lokohin ni Cato para sa pera, kundi dahil mas gugustuhing dukutin ni Cato si Helen kaysa hawakan siya kahit na inaalok na niya ang sarili niya sa kanya!

“Ganun ba talaga kalaki ang pagkakaiba namin ni Helen?” miserable niyang naisip habang nagpakalasing siya sa bar.

Samantala, kumuha ng booth seat sina Frank at Helen at naghintay para sa isang tao.

Pagkatapos ng kalahating oras, dumating si Ned. “Mr. Lawrence.”

Hindi na siya ang mahiyaing lalaki kagaya noon, at punong-puno siya ng lakas kahit habang naupo siya.

Nang makita niyang nakaupo si Helen sa tabi ni Frank, nagdadalawang-isip siyang nagtanong, “Maaari ko bang makilala kung sino siya…?”

“Ang dati kong asawa, si Helen Lane,” ngumiti si Frank habang pinakilala niya siya. “At pinapunta kita rito dahil kailangan niyang humingi ng pabor.”

“Dating asawa?” Mukhang nabigla si Ned sandali, ngunit tumayo siya at magalang na nakipagkamay kay Helen. “Napakaganda ko talaga Ms. L
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 932

    “Oh, siya nga pala!” Tumawa si Ned habang nagdagdag siya, “Ang pamilya ko ang sasalo muna ng bill para sa materyales at construction service. Pwede mong bayaran ang lahat nang isahan pagkatapos ng acceptance test.”“Maniningil ka pagkatapos mo sa pagpapatayo? Ano ba tong mala-diyos na negosyong to?”Halos hindi makapaniwala si Helen na may ganito kagandang subcontractor company. Hindi ba nag-aalala si Ned na baka hindi siya mabayaran?Nang para bang nakita niya ang pagtataka ni Helen, ngumiti si Ned. “Naiintindihan kong baka nagtataka ka, pero masasabi ko sa'yong pinagkakatiwalaan ko ang karakter ni Mr. Lawrence. Hindi dapat tinatanong ang mga pasya niya, at nirekomenda ka niya—at lalo na't ikaw ang dati niyang asawa. At base sa partnership ko kay Mr. Lawrence, wala lang ang isang bilyon. Kahit nga sampu, ayos lang sa'kin!”Napanganga si Helen nang maintindihan niyang maigi kung gaanong maaasahan si Frank. “Kung ganun, kaagad kitang pasasalamatan,” sabi niya at handa nang yumuk

    Huling Na-update : 2024-10-13
  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 933

    “Pero!”Paulit-ulit na tinapik ni Luna ang pisngi ni Ned habang tumatawa. “May isa pang pamilya na hindi dapat maliitin… at iyon ang Janko family. Sabi sa tsismis ay handa silang palitan ang mga Lawrence na unti-unti nang bumabagsak.”Ngumisi si Luna habang naaawang tinitigan si Helen. “Kaya sa tingin mo ba talaga magkukusa ang tagapagmana ng isang malaking dinastiya na may napakalaking impluwensya para tulungan ka sa ganito kaliit na bagay? Yun ang sinasabi ko kanina pa… naloko ka!”Pagkatapos ay tinapik ni Luna si Ned sa balikat habang nakangisi, “Alam mo talaga kung paano umarte, bata. Magkano binayad sayo ni Frank? Sa totoo lang, nakalimutan mo bang magdala ng bodyguards? Siguro buong budget mo ang nagastos mo sa mga damit mong yan, ano?”Pinalo ni Ned ang kamay niya bago niya mahawakan ang damit niya, pagkatapos ay lumingon siya kay Frank. “Sino siya, Mr. Lawrence?”“Pinsan ni Helen. Wag mo na lang siyang pansinin,” sabi ni Frank habang nandidiring tinitigan si Luna. “Oh, n

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 934

    Ang katotohanang nag-alok si Ned na maniningil siya pagkatapos maitayo ng mansyon ay isang patunay na hindi totoo ang pinipilit ni Luna na manloloko siya. Isa pa ngang pagpapakita ng tiwala ang paghingi ng buong bayad pagkatapos ng pagtanggap—na hindi talaga sila naghahangad ng pera. Halatang sinusubukan lang ni Luna na pahirapan si Frank dahil ibinubunton niya sa kanya ang pagkamuhing ipinakita sa kanya ni Cato. Kahit na si Frank ang nagligtas sa kanya mula sa manlolokong iyon, inisip niyang si Frank ang dahilan kung bakit nasira ang love life niya. Gusto niyang magdusa si Frank dahil nagdusa siya!“Kung ganun…”Tatanggapin na sana ni Frank ang imbitasyon ni Ned na bumisita sa Janko Gardens at ipahiya si Luna nang tumunog ang phone ni Helen. “Pasensya na, kailangan ko tong sagutin.” Mapagpaumanhing ngumiti si Helen kay Ned habang nagmadali siyang lumayo. Kasabay nito, nagpatuloy pa rin sa pagdada si Luna. “Hah! Tignan niyo ang mga sarili niyo, mga baboy kayo… Nakikita kong

    Huling Na-update : 2024-10-14
  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 935

    Ang Talnam ay isang bansang katabi ng Draconia sa timog. Matagal na silang hindi magkasundo at madalas ang mga away sa border. Ang totoo, kung wala ang nakakatakot na presensya ng Lord of the Southern Woods sa Southdam, baka mas marami pang labanan at pagpasok ang nangyayari sa bansa. Lalo na't siya ang pinakakinakatakutang Draconese sa Talnam. Dahil dito, pambihira talaga ang pagkidnap—ano namang nag-udyok sa mga Talnamese na pumuslit sa Morhen, ang pinakapuso ng Draconia?At bilang anak ng Lord of Southern Woods, walang dahilan si Frank na hindi pansinin ang pagkadukot na ito, mapa-para man sa kapakanan ni Gina o sa minana niyang pagkaayaw sa mga Talnamese. Pagkatapos mag-isip sandali, tumango siya. “Kung ganun, pupunta ako. Ang katotohanang lumilitaw ang mga Talnamese sa bansa natin ay nangangahulugang baka mas kumplikado pa ito kumpara sa iniisip natin.”Tumango naman si Ned. “Kung ganun, sasama ako sa'yo.”Nag-aalangang pumayag si Frank—mas gugustuhin niyang hindi, pero

    Huling Na-update : 2024-10-15
  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 936

    Hindi talaga naintindihan ni Helen kung bakit naghanda nang buong lakas si Frank, na nagpadala pa nga ng mga bodyguard. “Kailangan.” Seryosong tumango si Frank at nag-aalala siya sa wala nang iba pa kundi ang presensya ng mga Talnamese dito. Malamang na ang nag-iisang taong may koneksyon sa kanila ay si Frank mismo. Lalo na't may sama pa rin ng loob ang mga Talnamese para sa paglusob ng Lord of the Southern Woods sa Talnam at muntik nang pagdukot sa hari nila. Bilang nag-iisang anak ng Lord of the Southern Woods, nag-aalala si Frank na baka siya ang habol ng mga Talnamese. At ang mga taong iyon ay kilala sa kabangisan nila—kung talagang hawak nila si Gina, hindi niya hahayaang makuha rin nila si Helen. At lalong-lalo nang hindi niya hahayaan ang sarili niyang magamit na pangbanta sa sarili niyang ama. Mas gugustuhin niya pang mamatay kaysa maugnay muli sa lalaking iyon, lalo na't dahil ito sa sarili niyang kahinaan. Kasunod nito, sinama ni Frank si Ned sa Maserati niya at n

    Huling Na-update : 2024-10-15
  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 937

    Pagkatapos damputin ang phone gamit ng mga nanginginig na daliri, tumawag si Gina sa isang numero, at hindi nagtagal ay nasagot ang tawag niya. “Hello? Frank? Ako to, si Gina… Nakidnap ako, at nanghihingi sila ng tatlong bilyon… Oo, tatlong bilyon. Pakiusap, pwede ba kayong gumawa ng paraan ni Helen? Mangutang ka kay Ms. Turnbull? Nagmamakaawa ako sa'yo… papatayin nila ako.”Pagod na pagod si Gina pagkatapos ng tawag. Hindi niya inasahan ang araw na magmamakaawa siya kay Frank na iligtas siya. Napayuko siya sa matinding kahihiyan lalo na pagkatapos sumagot ni Frank sa phone, “Kalma ka lang. Tatlong bilyon lang yun.”Halatang hindi siya nagmamadali. Naniwala pa nga si Gina na ang kamatayan niya mismo ang gusto niyang mangyari—pwede niyang gawin ang kahit na anong gusto niya sa anak niya sa puntong iyon at walang magtatangkang kumampi kay Helen. Isang makamandag na ekspresyon ang lumitaw sa mukha niya sa naisip niya at kaagad siyang umupo, sabay nambobolang ngumiti sa Talname

    Huling Na-update : 2024-10-16
  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 938

    “Siya nga pala, kailangan niyong mag-ingat,” binalaan ni Gina ang Talnamese. “Isa siyang martial artist o kung ano.”Natawa lang dito ang mga Talnamese. “Wag kang mag-alala, martial artist din kaming lahat dito!”“Ascendant rank pa nga si Talc!”“Oh, hindi talaga kami nag-aalala sa kung sinong Draconian martial artist. Kakaunting tao lang ang kayang tumalo kay Talc sa isang laban, maliban sa Lord of the Southern Woods!”Sa kung anong dahilan, nakaramdam ng masamang kutob si Gina habang pinanood niyang kampanteng magbiruan ang mga Talnamese. “Napakatalino mo, Tita Gina!” Papuri ni Cindy. “Manahimik ka! Kasalanan mo tong lahat!” Sigaw ni Gina at naiilang na lumingon si Cindy palayo. Hindi makakalimot si Gina at alam iyon ni Cindy pagkatapos niyang ibenta ang ruby sa halagang 500 million at gastusin ang lahat sa loob lang ng isang linggo.Ang totoo, plano ng mga Talnamese na kitilan ng lumang bilyon si Cindy nang nalaman nilang napunta sa black market ang ruby at kailangan ni

    Huling Na-update : 2024-10-16
  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 939

    “Yun dapat ang tanong namin!”Isang maskuladong tao ang tumalon pababa mula sa kwarto at lumapag nang may kalabog. Ilang anyo ang lumitaw sa pintuan nang sabay-sabay at hinarangan ang daan nila paalis. “Kilala mo ang mga babaeng ito?” Pagkatapos ay tinuro ni Talc sina Gina at Cindy na parehong natataranta. "Hmm?" Kumunot ang noo ni Frank—ang alam niya lang ay nakidnap si Gina, at nagulat siyang makitang naroon din si Cindy. Kahit na ganun, pinaalala sa kanya ni Cindy sa ng crown ruby na pinadala ni Fenton, at nalaman niya roong tama ang hinala niya. Binenta ito ni Cindy habang nagsisinungaling kay Gina na wala itong halaga at nagpunta sa ibang bansa para gastusin ang perang iyon. Ngayon, mukhang natunton siya ng mga Talnamese mula sa black market at hinuli siya. Palihim siyang nakahinga nang maluwag ngayong hindi alam ng Talnamese kung sino siya. Ayos lang siya kung ang crown ruby lang ang habol nila, pero mag-aalala siya kung siya ang pakay nila para maghiganti dahi

    Huling Na-update : 2024-10-17

Pinakabagong kabanata

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1084

    Kapag naulit ito, baka talagang hindi makapagpigil si Frank—matinding hamon ito para sa kanya!Nagising din nang maaga si Helen at naglakad papunta sa bintana. Iniunat niya ang buhok niya habang pinanood niyang tumakbo si Frank sa baba. Kaagad na naging malambing, natatawa, at dismayado ang titig niya. -Sa sumunod na linggo, nanatili si Frank sa tabi ni Helen sa lahat ng oras, handa siyang harapin ang kahit na anong posibleng pag-atake sa kanya. Kahit na ganun, mas madaling hawakan ang Lanecorp kumpara sa inaasahan niya—para bang nalinis ang kurapsyong nagkalat sa kumpanya sa loob ng isang linggo, at sari-saring operasyon ang nagaganap at tumatakbo. Bilang pinuno, natural na nakakuha si Helen ng paghanga mula sa lahat ng board members at shareholders. Natural na pasalamat din ito sa makapangyarihang sumusuporta sa kanya—paano pa nila siya malalabanan ngayong kaya niyang maningil ng utang mula sa Victorget?Samantala, nakakulong pa rin si Kallum sa sarili niyang opisina n

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1083

    Malokong ngumiti si Frank. “Magsimula tayo sa ‘Oh, darling, takot ako sa dilim… pwedeng wag kang umalis?’” Bumuka ang labinni Helen at sinubukang ipaliwanag ang sarili niya sa pagkataranta. “Hindi, naisip ko lang na di tayo dapat mag-book ng magkahiwalay na kwarto. Mahal ito at maraming posibleng mangyari…”“Hahaha…” Tumawa nang malakas si Frank nang makita ang nahihiya at mala-dalagang reaksyon niya. At nang makitang tinatawanan niya siya, ayaw nang ipaliwanag ni Helen ang sarili niya at sumimangot habang tumalikod siya.”“Sige, hindi na kita aasarin.” Umupo si Frank sa tabi niya at hinila siya sa mga bisig niya nang nakangiti. “Pwede tayong matulog sa isang kwarto, pero isa akong lalaking may integridad—papakasalan kita nang maayos kapag talagang maayos na ako. Hindi natin kailangang magmadali, di ba?”Naantig ang damdamin ni Helen sa katapatan sa mga mata niya habang nakasimangot siya nang parang isang inosenteng dalaga. “At kailan naman yun?”“Kailan nga ba…”Habang yakap

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1082

    Pagkatapos pinadaan ni Frank ang room card at binuksan ang pinto, natulala siya nang makitang isa itong kwartong may deluxe bed. Naiilang siyang lumingon kay Helen, na umiling habang pumasok siya. “May nag-book ng presidential suite, kaya kailangan kong magtiyaga sa deluxe twin. Wag kang mag-alala, ang kondisyon ng hotel ay…”Natulala rin siya nang nakita niyang isang kama lang ang nasa loob ng malaking kwarto. “Heh. Kung ganun…” Kinamot ni Frank ang ulo niya at naiilang na tumawa. May nakita si Helen sa ngiti niya na nagpamula sa kanya at nagreklamo siya. “Hindi maaari to… Naalala kong sinabi ko kay Cindy na kukuha ng twin bed room…”Lumabas siya at nagtanong sa isa sa mga attendant sa labas, na humingi naman ng tawad. “Pasensya na, Ms. Lane, pero wala kaming oras para ipaalam ito sa'yo kanina. Dati kang nilagay sa Room 506, isang deluxe twin room. Gayunpaman, biglang nagkaroon ng biglaan government inspection, at kinailangan ka naming ilipat. Pumayag dito ang sekretarya mo ka

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1081

    Nang bumalik sila sa mga mesa nila, gumawa ng palusot si Will na natumba siya at tumaga ang kamay niya sa tinidor na nasa lapag, na nagsanhi ng kahulugan kanina. Hindi nakayanan ni Cindy na manood na lang at maupo, at sinimulan niya siyang hilahin. “Halika na. Dadalhin kita sa doktor para linisin yan.”“Ayos lang,” naiilang na sabi ni Will habang sumilip kay Frank at umubo. “Tinulungan na ako ni Mr. Lawrence at hindi na'to masakit kaya…”Natural na hindi nagtiwala sa kanya si Cindy at suminghal sa ideyang kayang tumulong ni Frank. “Imposible! Sanggano lang siya—sinong mas papaniwalaan mo, siya o ang doktor?! Tara na, kundi baka maimpeksyon ka dahil sa kanya. Masama ito kapag nag-iwan yan ng peklat.”Sa huli, walang nagawa si Will kundi umalis dahil hinila siya ni Cindy paalis. Nang naiinis, tumango siya kay Frank bago umalis, ngunit umiinom si Frank ng kape at parang hindi siya sumagot. Nanood si Helen habang umalis sina Will at Cindy, pagkatapos ay kinakabahan siyang lumingon

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1080

    “Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1079

    “Sir, anong—”“Tabi.” Tinulak ni Frank ang mga attendant na nakaharang sa daan niya at naglakad papunta kay Will. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyo, pagkatapos ay tinulak ito sa men's room at sinara nang malakas ang pinto para i-lock ito. “Ano bang gusto mo?!” Sumigaw si Will habang nagngitngit ang ngipin. Nagsimulang mag-apoy ang mga mata niya sa galit kay Frank habang pinanood niyang dumugo nang matindi ang palad niya. “Anong gusto ko? Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Tinulak ni Frank si Will sa lapag nang nakangisi habang inapakan niya ang butas na kamay ni Will. Napasigaw siya ulit. Habang malamig na naningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Unang-una, magsimula tayo sa kung sino ka ba talaga… Lumapit ka sa Lanecorp mula kay Cindy, para saan? Para may manatiling aligaga?! Sino yun?! Magsalita ka!”“A-Anong sinasabi mo?! Wala akong alam!”Nataranta si Will sa mga tanong ni Frank. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Frank. “Hindi ka magsasalita, ha? Kung gan

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1078

    Mapagbantang sumagot si Helen, “Wag mo kong hawakan, Mr. Zeller, kundi ay baka hindi mo malaman ang mangyayari sa'yo.”“Talaga? Kilala mo ba kung sino ang mga kaibigan ko? Hehe… Aatakihin ka sa puso kapag sinabi ko sa'yo, pero iibahin ko ang usapan.”Madilim na ngumiti si Will, dinilaan niya ang mga labi niya habang hinarangan niya si Helen. “Samahan mo ko ngayong gabi, Ms. Lane, at nangangako ako sa karangalan ko na makukuha mo ang larawan at lahat ng files na kinopya ko… Kundi baka bukas, lumitaw sa mesa ng CEO ng karibal mong kumpanya ang lahat ng nasa larawan. Kaya ano ang pipiliin mo?”Pumikit si Helen sa kabila ng banta niya, at nanahimik sandali bago nagsabing, “Kung ganun, pwede ko bang isiping pinagbabantaan mo ko?”“Tama.” Nanatiling nakangiti si Will, na tuwang-tuwa dahil kumbinsido siyang sa kanya na si Helen. Nagsimula pa nga siyang magpantasya kung anong kayamanan ang nasa ilalim ng suit niya at tumindi ang init sa pagitan ng binti niya. Walang makakapigil dito, a

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1077

    “Sige.” Tumango si Cindy at mabilis na bumalik sa mga dessert na nasa mesa. Sa kabilang banda, pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya habang pinanood niya si Will na pumunta sa banyo. Dumilim ang titig niya. “Hoy, anong tinitingin-tingin mo? Naiinggit ka lang, ano?”Nagmayabang si Cindy nang makitang nakatitig si Frank kay Will. “Iba ang boyfriend ko sa'yo—isa siyang tunay na department head na nagrereview ng bawat isang tender ng korporasyon. Alam mo ba kung gaano karaming tao sa Zamri ang kailangang sumunod sa kanya? Ang alam mo lang gawin ay masali sa away at kumapit kay Helen, para magmakaawang bigyan ka ng trabaho.”Hinampas niya nang paulit-ulit ang mesa habang tinawanan niya si Frank. “Walanghiya ka talaga—wala kang alam sa pagkakaroon ng trabaho, ano? At tinakda ka ni Helen bilang head ng health and safety department… Di ba ibig sabihin nun ay security guard ka lang? Oh, pinapatay mo ko sa kakatawa! Umaabot ba sa sampung libo ang buwanang sahod mo?!” Tum

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1076

    Malamig na tumingala si Frank sa kanya. “Ano? Di ba ako pwedeng umupo rito?”Kaagad na nagalit si Will—matapang siya para sa isang hamak na bodyguard!“Hinanda kong maupo rito si Ms. Lane, dahil mayroon kaming malaking business deal na pag-uusapan.” Malamig na sabi ni Will. “Kaya bang akuin ng isang pinabangong security guard na kagaya mo ang mangyayari kapag sinira mo to para sa kanya?!”“Syempre naman.” Tinaas ni Frank ang mukha niya nang mukhang sinasadyang nagtataka. “Ano…” Nanggalaiti si Will. “Tama na yan.” Tinaas ni Helen ang isang kamay niya at pinigilan ang dalawang lalaki habang umupo siya sa tabi ni Frank. Habang nakatingin nang seryoso kay Will, sabi niya, “Kinuha ng pinsan kong si Cindy ang laptop ko. Pakibalik ito sa'kin kung nasa’yo pa rin ito.”Ito ang prayoridad niya dahil maraming sensitibong dokumento at papeles ng Lanecorp na naka-save sa laptop na iyon. Hindi ito dapat makita ng iba at masasaktan ang kumpanya kapag nalaman ito ni Will at ibenta niya ang

DMCA.com Protection Status