Mukhang nagulat si Kat, ngunit hindi nagtagal ay dinutdot niya ang isang daliri niya sa pisngi ni Frank, sabay mahinang bumulong, “Master Lawrence?”Nagpatuloy na magpanggap na natutulog si Frank. “Nagpapanggap kang natutulog, ano?” Naiinip na sabi ni Kat habang tumayo siya sa tabi ng kama niya. Hindi pa rin kumilos si Frank. “Heh. Kung ganun, di ko na'to kasalanan…”Tahimik niyang hinubad ang sapatos niya at tinapat ito sa harapan ng ilong ni Frank. Nagsalubong ang kilay ni Frank doon, pagkatapos ay umupo siya at naiinis na sumigaw, “Tama na!”Nakita niya sa ilalim ng ilaw ng buwan na nilagyan na naman niya nang makapal na makeup ang pisngi niya at nagsuot din ng puting wig. “Babae ka,” naiinis na sabi ni Frank. “Bakit kailangan mong pumuslit sa kwarto ko nang para bang may binabalak tayo? Paano kung makita tayo ng tatay mo? Anong iisipin niya tungkol sa'kin?!”“Hehe… Alam kong nagpapanggap ka lang,” malokong tumawa si Kat bago misteryosong nagsabi, “May pabor akong hihi
“Hindi ang panganib ang tinutukoy ko. Yung… ano…”Bumuntong-hininga si Nash na hindi makapagpatuloy. “Hindi ka ba nagsasawang magpaulit-ulit?!” Naiinis na sabi ni Kat sa sandaling iyon. “Gusto ko lang lumabas, at sinasamahan ako ng martial elite na si Mr. Lawrence. Ano bang masamang mangyayari? Gusto mo ba talagang mawalan ako ng kaibigan?!”“Syempre hindi. Gusto ko lang na makipagkaibigan ka sa mga normal—”“Sa nakikita ko, ikaw ang hindi normal dito!” Sinigawan ni Kat si Nash bago nagdabog papalayo. Bumuntong-hininga ulit si Nash. “Naku, ang batang yun talaga…”Tumango si Frank sa kanya. “Wag kang mag-alala, Nash. Magiging ayos lang siya basta't nasa paligid ako.”Tinitigan naman siya ni Nash—si Frank mismo ang pinag-aalala niya… Gayunpaman, hindi niya ito masabi. Nang nakabuntong-hininga, binigyan niya si Frank ng isang maliit na kahon at umalis nang walang imik at nakayuko. Naiwang nakatitig si Frank nang nagtataka pag-alis niya at nanigas siya nang tinitigan niyang
Hindi lang sinungaling si Soren, wala rin siya sa katwiran, seloso, at mayabang. Kasuklam-suklam talaga ang lalaking ito, at nagtaka si Kat kung paanong hindi niya iyon napansin noon. Habang pinapakalma ang sarili niya, nagpamaywang si Kat habang tinitigan niya nang masama si Soren. “Hindi ko maalalang inimbitahan kita.”“Si Lily ang nag-imbita sa'kin,” sagot ni Soren, na mas lalong sumama ang mukha tingin kay Frank dahil napapansin niyang iba ang trato sa kanya ni Kat. Mabilis na sinubukan ni Lily na pakalmahin ang sitwasyon. “Sige—kailangan pa nating simulan ang palabas dito. Malapit na tayo, Kat… Handa ka na ba?”“Hmph. Syempre naman,” tinapik ni Kat ang dibdib niya at mapagmalaking tinignan si Frank, nang parang isang batang gustong magpakitang-gilas. Napapagod na bumuntong-hininga si Frank. “Kung ganun, hindi na ako mangingialam. Babalik ako para sunduin ka pag tapos ka na.”“Hindi!” Sumimangot si Kat sa sandaling iyon. “Ito ang dahilan kung bakit kita pinasama. Papanoo
Ngumiti ulit si Lily at nakita ang dimples niya. “Habang dumarami ang shows namin at tumitindi ang kasikatan namin, binigyan kami ng offer ng isang entertainment company—magsasagawa kami ng show para sa kanila. Kukunin niya kami kung pasok sa pamantayan nila ang perfomance namin, at magde-debut kami bilang mga pro. Kaya ka dinala ni Kat dito sa pag-asang magch-cheer ka para sa'min.”“Syempre,” dagdag niya nang may mapait na ngiti, “Kung hindi ka interesado sa band music, hindi ka naman namin pipilitin… Manatili ka lang dito at hintayin mong matapos si Kat.”Lumingon si Frank kay Kat sa gulat pagkatapos marinig ang sinabi ni Lily. Malinaw na hindi mahirap si Nash, pero hindi gugustuhin ni Kat ng pera sa suporta ng mga Turnbull—ang mas malamang pa roon, ang pagtugtog sa banda siguro ang paraan niya para suportahan ang mga kaibigan niya. “Kaya ka pala pumupuslit nang gabing-gabi.” Bumuntong-hininga si Frank sa napagtanto niya. Dahil ganun ang pagkakasabi ni Lily, parang wala siya
Kumunot ang noo ni Frank pero hindi siya nakipagtalo kay Mandy, sa halip ay kumuha siya ng pitsel ng tubig at nagsalin sa baso niya. Suminghal si Mandy. “Di man lang niya kayang bumili ng sarili niyang inumin, tapos sinubukan pa niyang makalibre kay Soren. Kadiri.”Ginamit ni Frank ang madilim na ilaw at nakakabinging ritmo para magpanggap na di niya narinig si Mandy at hindi man lang lumingon sa kanya. Natagalan hanggang sa natapos ang Dragondawn at nagpalakpakan ang lahat sa bar kabilang na si Tilda. Lumingon siya kay Frank nang namumula ang mga pisngi niya habang ngumiti siya at nagtanong, “Ano sa tingin mo? Hindi ba ang astig nila?”“Wala akong masyadong alam sa musika,” pag-amin ni Frank. “Pero naisip ko medyo maingay sila.”“Hah! Probinsyano ka talaga.” Kaagad na sumingit si Mandy para kutyain siya. “Hindi mo man lang maintindihan ang new age rock. Sa totoo lang, ano bang ginagawa mo rito?”Sa puntong iyon, napansin ni Frank na kinakampihan ni Mandy si Soren. Nakikita
Nagulat si Frank—sa umpisa, simple lang ang tono ni Lily, pero para bang tinaas ng tugtugin ang boses niya na hinayaang bumalot ang kanta niya sa tao.Nanahimik din ang basement bar sa perfomance niya. Naiwang nakatulala ang mga lalaki at babae sa dalagang nakasuot ng disenteng damit, na ang boses ay hindi magpapatalo sa mga sikat na mang-aawit. Kahit ang isang taong walang alam sa musika na kagaya ni Frank ay nalamang magaling siyang kumanta. Pagkatapos, nang sinabayan siya ni Kat sa chorus, para bang umalingawngaw ang boss nila sa buong bar. Nanahimik at nasabik ang mga manonood mula rito. Bumuntong-hininga si Tilda, ang dalaga sa tabi ni Frank. Tumango si Frank nang hindi niya namamalayan. Sa kabilang banda, nakatitig si Mandy sa mga dalaga nang puno ng inggit. -Nang natapos si Lily sa huling kanya, natulala ang manonood nang isang segundo bago pumalakpak nang malakas. Maging si Willy ay napatayo sa front row at walang humpay na nagbigay ng papuri, “Ang galing! Tala
Ramdam na ramdam ni Kat na siya ang habol ni Soren sa request niya para sa isang love ballad at talagang nainis siya rito. Sumama ang mukha ni Eder, ang may-ari ng bar. “Ano, tatanggihan mo ba ang request ng customer? Sinusubukan mo bang sirain ang reputasyon ng bar ko?”“Hindi, hindi, syempre hindi.” Mabilis na mapagpaumanhing ngumiti si Lily. “Kakanta kami.”Habang nagsalita siya, lumingon siya kay Kat nang may nagmamakaawang tingin. “Pakiusap…”Kumunot ang noo ni Kat sa inis ngunit bumuntong-hininga siya. “Sige. Bahala na.”“Sandali!” sumigaw ang matabang lalaki habang tumayo siya. “Dalawandaang libo para sa My Heart Will Go On!”“Dalawandaang libo?!” Nagulat ang lahat ng tao sa bar. Hindi makatotohanan ang ganitong halaga ng pera para sa isang request!“Hah!” Mayabang na tumingin sa paligid ang matabang lalaki na hawak pa rin ang magandang kasama niya. “Sino pang gustong mag-bid?”“Limandaang libo,” tumayo ulit si Soren habang nagtaas siya, sabay tinignan ang matabang la
Kinakabahan rin si Tilda, ang babaeng nakaupo sa tabi ni Frank. Pagkatapos ay lumingon siya kay Soren nang nagmamakaawa, “Wala ka bang pwedeng gawin, Soren?! Kailangan nating tulungan si Kat!”Gayunpaman, napakamot lang ng ulo si Soren. Sinundan niya ang titig ni Frank at napansin niyang ang lalaki sa front row ay ang pangalawang anak na lalaki ni Emilio Sorano na si Willy Sorano. Isa sila sa Four Families ng Morhen, at tiyak na hindi sila kayang banggain ni Soren. Kahit na isa siyang Lionheart, malayong kamag-anak lang siya—malayong-malayo kay Willy, na nagmula sa direktang lahi nila. Higit pa roon, ginastos na niya ang lahat ng pocket money niyang limang daang libo. Dahil dito, sumimangot si Soren at nagpaliwanag nang pabulong, “Di niya ba nakikita? Si Willy Sorano yan! Kapag nagalit siya…”Hindi niya tinapos ang sinabi niya, pero naintindihan ito ng iba—hindi kayang kalabanin ni Soren si Willy. “Hahayaan na lang ba natin siyang pahiyain sila Kat?!” Kontra ni Tilda n
Pinanatili ni Frank at Lanecorp ang mababang profile habang hinihintay nila ang bagyo.Habang lumipas ang dalawang buwan, unti-unting kumalma si Zamri nang umalis ang spiritron vein sa lungsod, na makikita sa kawalan ng mga martial elites na tinatanggap sa Zamri Hospital.Gayunpaman, hindi ang spiritron vein ang alalahanin ni Frank—sa halip, ito ay si Silverbell.Siya ang pinuno ng Martial Alliance, may sariling lakas at maraming mga martial artist sa ilalim ng kanyang pamumuno.At gayunpaman, nag-aalala si Frank nang marinig niyang hindi na pag-aari ng Martial Alliance ang spiritron vein.Kahit na nakakainis ang isip na iyon, nakatanggap si Frank ng tawag mula kay Fenton—ama ni Silverbell—isang hapon."Master Frank." Kalma si Fenton na parang dati, pero sapat ang talas ni Frank para mapansin ang bahid ng pag-aalala."Magsalita ka," sagot ni Frank, mas kalmado at hindi gaanong nag-aalala.Pagkatapos ng lahat, tunay na natutunan niya na may mga tao na mas malakas kaysa sa kanya
Ang mga babae ay nakaramdam ng paghamak kay Winter habang hindi nila alam kung saan sila dapat mag-intern.Nang marinig ni Frank ang kanilang pag-uusap, nakita siya ni Jessica at nag-double take. "Hey, hindi ba't kapatid ni Winter 'yan?"Gayunpaman, hindi nagtagal ay siya'y nagbiro. "Talagang ginawa mo ang lahat para lang makakuha ng trabaho ang kapatid mo!""Oo nga, ipinadala mo siya na parang regalo sa kama ng isang matandang lalaki… Wala nang hihigit pa sa iyong tiyaga."Ang pang-aasar ay nag-iwan kay Frank na nalilito, bagaman agad niyang napagtanto na nagkamali sila ng pagkakaintindi habang patuloy silang nagkukwentuhan.Si Winter ay talagang may kakayahang maging pinuno ng Zamri Hospital—sa katunayan, sapat na sapat ang kanyang kasanayan sa medisina, at hindi niya kailangang gumamit ng anumang hindi kanais-nais na paraan.Habang nanatiling nagdududa ang mga babae sa kabila ng mga sinabi ni Frank, hinila lang sila ni Frank para makita si Winter upang siya na mismo ang magsab
May isa lamang porsyentong tsansa si Gus na mabuhay, pero may isang bagong graduate na inakalang kasintahan ni Gene na nagtagumpay sa tsansang iyon?!Grabe, kaya na ngang makipag-usap ng lalaki ngayon!Pakiramdam ni Paco na parang gumuho ang kanyang mundo, na parang ang mga dekadang kaalaman niya sa medisina ay walang halaga sa ilang mga bata.Sa paligid niya, ang kanyang mga katulong ay nakatitig sa gulat.Hindi nagawa ni Paco! Ano ang nagbigay sa kanilang dalawa ng karapatan na magtagumpay?Posible bang mas magaling pa ang kanilang mga kasanayan sa medisina kaysa kay Paco kahit na mas kulang sila sa karanasan?"Alam mo ba ang pangalan na Frank Lawrence?"Si Gus ay sumagot kay Winter at Jean Zims, kahit na nakapikit pa rin ang kanyang mga mata."Frank Lawrence?"Nagpalitan ng tingin sina Winter at Jean."Siya ang kapatid ko," sagot ni Winter."Siya ang aking mentor," sabay na sinabi ni Jean.Tumango si Gus at huminga ng malalim. "Kung ganun siya nga talaga ‘yun… Muli niya
"Oh! Dumating sila para kay Winter." Ngumiti ang katulong."Siguro balak nilang hingin sa kanya ang internship, dahil bagong talagang siyang pinuno ng ospital natin at lahat."Pumihit si Paco kay Winter noon din, ang kanyang titig malamig habang malamig na sumagot, "Ano bang akala mo sa ospital namin?! Hindi ito lugar para sa mga batang nagmamadaling umakyat sa ranggo. Lumayas ka dito!""Ano? Humihingi ba kami ng pahintulot na manatili?" Tina ay nagmaktol sa paghamak at lumingon muli upang umalis matapos magbigay ng malamig na titig kay Winter."Sandali…"Sinubukan ni Winter na magsalita, pero sobrang pagod niya mula sa operasyon na halos hindi siya makapagbigkas ng isang pantig.Patuloy na nagalit si Paco sa kanya noon, "Sabi ko, chief, sapat na ang binigay mong gulo sa akin para sa isang araw, kaya ipaalam mo sa utak mo—ospital ito, hindi lugar para kay Gene Pearce na magtago ng mga kalaguyo!"Pagkatapos, itinuturo si Gus Zeller sa trolley bed, sumigaw si Paco, "Tingnan mo ang
"Phew…"Matapos ang mahigit apat na oras na operasyon, bumagsak si Winter sa isang upuan, ang kanyang mga kamay ay puno ng dugo."Okay ka lang ba, Winter?" tanong ni Jean habang pinupunasan ang pawis sa noo ni Winter.Umiling si Winter. "Ang laki ng pagkadismaya ko…""Oo nga…" buntong-hininga ni Jean, nilingon ang lalaki sa surgical table na kakatatapos lang operahan, habang nilingon siya at si Winter. "Okay lang—ginawa mo ang lahat ng makakaya mo.""Alam ko." Nagsalita si Winter nang may lungkot.Di nagtagal, si Gus Zeller ay inilipat sa isang wheel bed at itinulak palabas ng silid ng operasyon."Hahaha! Ang sakit na nito… Tingnan mo lang ang mukha niya, parang nabigo siya.""Hehe. Mga batang mayabang, sabi ko sa'yo. Ayos lang, isang tagapaglingkod ng Soranos ang namatay sa kanilang surgical table… talagang magagalit ang mga Sorano.""Eh, hindi naman kasalanan natin 'yan. Abangan na lang natin kung paano ito magiging."Nagkunot-noo si Winter nang marinig niya ang mga tao, pe
At kapag nalaman ng mga Sorano na babae ni Gene Pearce ang nag-opera sa kanilang retainer, mas mabilis na babagsak si Winter.Ito ang patibong na inihanda ni Paco para kay Winter—katapusan na niya, gawin man niya ito o hindi.Ngumisi siya, dahil naniniwala siya na imposible para kay Winter na mailigtas ang buhay ni Gus Zeller.Bago dumating si Winter, sinuri na niya si Gus—bali-bali ang mga buto sa buong katawan niya at naputol ang isang braso niya, habang dumudugo naman ang mga organs niya.Maging ang pagtibok ng puso niya ay lubhang napakahina.Para kay Paco, kahit na marami na siyang karanasan, dinaig pa ni Gus yung nasagasaan ng tren.Isa siyang patay na naglalakad, at hindi magiging maganda ang mga bagay para sa sinumang tatanggap sa kaso niya.At nagkataon namang magagamit ito ni Paco laban sa bago niyang chief, na kasisimula pa lang ng kanyang unang araw sa trabaho.“Gaano man kakakaiba ang sitwasyon, ang pagliligtas sa buhay ng pasyente ang prayoridad natin,” sabi ni Wi
Bagaman nangangahulugan iyon na hindi kayang hawakan ni Winter ang mga komplikadong kaso at hindi niya kayang linangin ang mga pill, ang kanyang kaalaman sa mga acupoint, masahe, at kasanayan sa acupuncture ay kayang hawakan ang karamihan sa lahat, kahit na hindi ito kasing epektibo ng kay Frank.Pagkatapos ng lahat, ang mga tao tulad ni Frank na nagmaster sa parehong martial arts at medisina ay isang pambihira.Sa kabilang banda, nagulat si Paco na kinuha ni Winter ang scalpel nang walang kaalam-alam, ngunit hindi nagtagal ay tumatawa na siya kasama ang kanyang mga katulong.Ang surgical wing ay isang lugar ng kaseryosohan, at sinisira nila ito."Sandali, chief." Ngumisi si Paco habang lumalapit kay Winter."Hindi ko naman sinasadyang maliitin ka, pero kakagraduate mo lang sa unibersidad at hindi ka pa nakapag-internship. Ito ang unang beses mong humawak ng scalpel, tama ba?"Tumango si Winter nang mahinahon at hindi nagalit."Pfft…"Pinigilan ni Paco ang pagtawa, habang ang kany
Pareho nang higit-kumulang na napagtanto nina Vicky at Helen na ang pagpapanatili ng spiritron vein ay hindi naman talaga mabuti para sa kanila, lalo na't nagdudulot ito ng walang katapusang mga problema.Ang pagkaligaw sa oras ay, mula sa isang pananaw, ang matalinong hakbang.Naiintindihan ni Frank kung ano ang iniisip ni Silverbell.Tanging isang malaking organisasyon tulad ng Martial Alliance at ang kanilang mga tagasuporta ang may lakas na mapanatili ito—ang pagbibigay kay Frank sa kanyang kasalukuyang estado ay makakasama sa kanya sa halip."Ano ang gagawin natin ngayon, Frank?" tanong ni Vicky nang may pag-aalala."Umupo at huwag gumawa ng kahit ano," sabi ni Frank matapos mag-isip ng matagal tungkol dito, lumingon sa pagitan nina Vicky at Helen."Kung may makakahanap ng eksaktong lokasyon ng spiritron vein, problema na nila iyon at hindi natin. Ang lungsod ng Zamri ay gulo na dahil sa spiritron vein, kaya hindi pa panahon para tayo ang magpakita. Sa puntong ito, ang pinakama
Samantala, sa isang conference room sa tuktok ng Lanecorp Tower, nakasimangot sina Vicky at Helen.Pagkatapos ng lahat, pareho silang may mga espada na nakatutok sa kanilang mga makikinis na leeg."Ano'ng ginagawa mo, Silverbell?!" sigaw ni Helen."Heh. Nagulat ako... may isang malapit na tao na nakapagpalusot sa akin." Tumatawa si Vicky, pero ang kanyang mga mata ay kumikislap ng malamig."Pasensya na, ladies," si Silverbell ay nakadamit ng puti tulad ng dati, hawak ang kanyang espada sa isang kamay at isang nagniningning na alahas na kahawig ng isang anting-anting sa kanyang kabila.Iyon ang spiritron vein na binanggit ni Helen sa phone.Nang bumalik sila, Vicky, at Silverbell sa Lanecorp Tower, isang grupo ng mga lalaking nakasuot ng itim na nag-aabang ang sumugod sa kanila.At nang kinuha ng mga lalaking nakasuot ng itim ang spiritron vein at ibinigay ito kay Silverbell, napagtanto nina Vicky at Helen na sila ay niloko.Kahit na siya ang kaibigan ni Frank mula pagkabata at l