Suminghal si Ivana sa pangmamata. “Dapat talaga hindi ko na lang siya inimbitahan rito kung alam ko lang na kikilos siya nang ganito.”“Ayos lang yun.” Ngumiti si Vicky. “Kain na tayo!”Nang bumalik na ang lahat sa mesa, bigla nilang narinig na sumigaw si Olive sa labas ng pinto. “Anong nangyari?!” Lumingon ang lahat sa pinto at nakita nilang nagbalik na si Hubert. Ngayon, sinamahan siya ng dalawang may edad na lalaki. Ramdam ang presensya nila mula sa malayo at halatang puno sila ng enerhiya, kung kaya't napakadaling makitang mga vigor wielder silang lahat.Higit pa roon, tumulo ang dugo na hindi sa kanila mula sa mga kamao nila.Kahit na ganun, nagtanong si Corey, “Hindi ka pa ba susuko, Mr. Sorano?”“Susuko?” Tumawa si Hubert. Nawala na ang malumanay na ekspresyon niya kanina at napalitan ng kabangisan. “Wag kang mag-isip na pwede ka nang magyabang sa'kin dahil lang may konting alam ka sa pakikipaglaban! Ang dalawang to ay ang executives ng pamilya ko rito sa Riverton, at n
Nang ipinikit ni Corey ang mga mata niya at sumuko sa kamatayan niya, isang malamig na boses ang biglang nagsalita. “Tapos ka na ba? Oras na para umalis ka.”“Ano?”Pamilyar si Corey sa boses na iyon. Hindi ba si Frank Lawrence iyon, ang gigolo ni Vicky?Bigla siyang nagtapang na magsalita, pero bakit ngayon pa? Gusto ba niyang mamatay?Nang idinilat ni Corey ang mga mata niya, natulala siya. Nakabuwelo ang kamao ni Zorn para patamaan ang ulo ni Corey, ngunit nanatiling walang emosyon si Frank habang hawak niya pulso niya. Para bang hindi makagalaw si Zorn at pinagpawisan nang matindi ang noo niya!“Sino ka naman?!” Sa wakas ay nakita na ni Hubert na hinawakan ni Frank ang pulso ni Zorn ngunit inisip niyang nabigla lang si Zorn. “Patayin mo sila! Patayin mo ang bawat isang tao sa kwartong to! Wag kang magtitira ng buhay!”Gayunpaman, hindi kumilos si Zorn, at inisip ni Hubert ay hindi niya siya narinig habang galit siyang sumigaw, “Hindi mo ba ko narinig, Zorn?! Ano bang ti
Malinaw na hindi magiging ang dalawang executives na dala ni Hubert, at sapat na ang isa sa kanila para mapatumba si Corey. Ngunit kahit ganun, takot na takot silang dalawa kay Frank at kumaripas sila ng takbo sa isang banta niya na lang. Malinaw na natatakot sila para sa buhay nila, at wala siyang ginawa sa kanila!Ang totoo, hindi na kailangan ng patunay sa lakas ni Frank. Si Corey ang naunang nagsalita at naputol ang katahimikan. “Salamat sa pagligtas mo sa buhay ko, Mr. Lawrence. Palagi kong tatandaan ang utang na'to.”Nang bumangon siya mula sa lapag, maputla ang mukha niya. Hindi na magagamit ang isa sa mga binti niya, ngunit dahil kay Frank kaya buhay pa siya. Natural na walang intensyon si Corey na maliitin si Frank pagkatapos malamang isa siyang Birthright rank elite dahil halos walang kasing galing niya sa Riverton. Higit pa roon, duda talaga si Corey na walang sumusuporta sa likod ni Frank ngayong umabot siya nang ganito kalayo sa murang edad!“Naging arogante a
Maya-maya lang. “Hero ang Room 106. Pwede kang manatili rito.”Pagkatapos patuluyin si Kiki sa mansyon niya, napaisip si Frank bago naglakad palabas. Isang limousine ang dahan-dahang lumabas mula sa madilim na kalye at huminto sa harapan niya. Tumayo roon si Frank at bumuntong-hininga. “Mukhang gusto talagang mamatay ni Hubert Sorano.”“Bata, sa tingin mo kaya mong makalabas nang walang galos pagkatapos hamunin ang mga Sorano?!” sigaw ng isang naka-itim na matandang lalaki habang bumaba siya at tinitigan nang may kayabangan si Frank. “Magbabayad ka sa kawalanghiyaan mo!”“At magbabayad ka sa kamangmangan mo,” kalmadong sagot ni Frank. Nagalit ang matanda, ngunit di tumagal ay tumawa ito. “Pinagbabantaan ako ng isang batang kagaya mo? Sino ka ba sa tingin mo?”“Nakakatawa naman. Ganun din ang masasabi ko, gurang.”Kumislap ang mga mata ni Frank at bigla siyang sumugod paharap nang parang kidlat nang walang sabi-sabi. Lumitaw siya sa harapan mismo ng matandang lalaki. “Ano
Dumugo ang bawat isang butas ng katawan ng matanda nang masaklap siyang namatay habang sumakay naman si Frank sa limousine na pinanggalingan niya. “Ihatid mo ko sa Ninedell Hotel.”Nanigas ang chauffeur, ngunit mabilis niyang iniliko ang kotse at nagpunta sa Ninedell Hotel kagaya ng sabi sa kanya dahil pinahahalagahan niya ang buhay niya. -Sa Room 1008 ng Ninedell Hotel, nakasuot lang ng bathrobe si Hubert habang nakahiga siya sa kama. Minamasahe siya ni Olive Perkins habang hawak niya ang phone niya. “Mukhang hindi ka masyadong masaya, Mr. Sorano,” sabi ni Chaz Graves mula sa kabilang linya.“Syempre hindi! Nawalan tayo ng mapagkakakitaan, bwisit talaga!” Nagmura nang malakas si Hubert at sinabi kay Chaz ang lahat ng nangyari. “Ano?!”Malinaw na nagulat si Chaz at paulit-ulit niyang kinumpirma na siya nga ang Frank Lawrence na naisip niya. Pagkatapos, nang mag-isip siya sandali, kalmado siyang nagpayo, “Mr. Sorano, mas mabuti kung tumakbo ka na ngayon din—napakayabang n
Lumingon si Frank kay Olive nang may mga matang parang papatay. “Hindi ito lugar para magsalita ka.”Gayunpaman, hindi takot sa kanya si Olive. Tinaas niya pa ang dibdib niya habang tumayo siya sa harapan ni Frank. “Ginagamit mo lang ang suporta ni Vicky Turnbull! May impluwensya man ang pamilya niya, pero hindi takot si Mr. Sorano sa kanila, lalo na sa isang gigolong kagaya mo! Alamin mo ang lugar mo!”“Manahimik ka na nga!” Sinigawan siya ni Hubert dahil nakaramdam siya ng panganib—lumamig ang ekspresyon ni Frank sa sunod-sunod na pang-iinsulto ni Olive at lumakas ang madilim na aura sa paligid niya!Gayunpaman, hindi nagpakita ng senyales ng pagtigil si Olive at nagpatuloy pa siyang galitin si Frank. “Tinignan na ni Mr. Sorano ang pinagmulan mo. Mayroon kang ex-wife na ikakasal kay Chaz Graves sa susunod na ilang araw, tama? Kung ako sa'yo, magtatago na ako sa tahimik na lugar at iiiyak ko na ang lahat. Sinong nagbigay sa'yo ng lakas ng loob na pumunta ka rito at pagbantaan si Mr
Isang matandang lalaking may balbas ang naglakad sa likuran ni Frank at nagsabing, “Sinabihan kitang tumigil, di ba?”"Hmm…?"Dahan-dahang lumingon si Frank at napansin niya kaagad ang ulo ng leon na nakaburda sa lapel ng matanda. “Pinadala kayo ng mga Lionheart, tama?” tanong niya nang walang emosyon. “Ganun na nga. Trenton ang pangalan ko, at inuutusan kitang bitawan si Mr. Sorano ngayon din,” sabi ng matandang lalaki. “Nasa ilalim siya ng proteksyon namin, kaya kapag pinatay mo siya, magiging kalaban ka namin!”“Haha…” tumawa si Frank habang umiling siya. Hindi siya nabahala sa banta ni Trenton. “Ginalit niya ako nang walang katapusan, pinagbantaan niya pa nga ang pamilya ko. Sa tingin mo magsisisi siya dahil lang pinakawalan ko siya?”Kumunot ang noo ni Trenton, ngunit nangako siya, “Sinisiguro ng mga Lionheart na magpapakatino siya—pero kung pakakawalan mo lang siya.”"Hmph."Sumginhal si Frank at niluwagan ang hawak niya para pakawalan si Hubert. “Kung ganun, may isa ka
Paglingon kay Hubert, nakiusap so Trenton, “Mr. Sorano, bakit di ka humingi ng tawad kay Mr. Lawrence at mangakong hindi mo na siya guguluhin at kakalimutan niyo na ang lahat?”“Ako, hihingi ng tawad sa kanya?!” Napanganga si Hubert kay Trenton, hindi siya makapaniwala sa narinig niya. “Oo.” Tumango si Trenton. “Hindi pwede!” Siya ni Hubert, sabay tinuro si Frank habang nagwala siya, “Kinuha niya ang pagkakakitaan ko at pinagbantaan niya ang buhay ko! At gusto mo kong humingi ng tawad pagkatapos ng lahat ng iyon?! Hindi ba mga bodyguard kayo na nagsisilbi sa mga Lionheart? Ano, nag-aalala ba kayong aatakihin niya kayo? Sa tingin mo may lakas siya ng loob?!”Si Trenton ay ang executive ng mga Lionheart na nakabase sa Riverton. Bilang tagapagsilbi nila, natural na marami siyang koneksyon. Matagal na niyang narinig ang tungkol sa mga nakamit ni Frank mula sa gobernador ng Riverton na si Robert Quill at ang Chief of General Affairs na si Gerald Simmons. Natural na mapapadpad din
"Frank…"Biglang lumapit si Winter kay Frank, sabay sumandal sa kanya at kumapit sa braso niya habang hiningal at nagmakaawa, “K-Kalma ka lang, Frank… Magkakaproblema ka… kapag pinatay mo siya—”Bago pa siya nakatapos, pumikit ang mga mata niya at bumagsak siya sa lapag nang walang malay. "Winter!"Nang makitang mawalan ng malay si Winter, walang oras si Frank para kay Bill—initsa niya siya, pagkatapos ay binuhat niya si Winter at pumikit para pakiramdam siya. Hindi nagtagal, nakaramdam siya ng apoy na nagsisimula sa loob ng katawan niya at nagtaka siya sa umpisa. Kahit na ganun, bigla niyang naalalang pinilit siya ni Bill na uminom ng wine, na nilagyan siguro ng gamot na nagpapasabik sa katawan. “Hayop ka!”Nakikita ni Frank kung anong binabalak ni Bill at kaagad siyang nagalit. Ngunit sa dami ng mga nanonood sa kanila, hindi niya pwedeng gamutin si Winter dito at napilitan siyang pakawalan si Bill. Kahit na ganun, habang dala niya si Winter palabas ng hall, inapakan n
Whoosh!Inihampas ni Frank ang machete pababa ngunit huminto sa tapat ng mukha ng sanggano. Kaagad na natakot ang sanggano at naihi sa pantalon niya sa sandaling iyon. “Lumayas kayo!” Sigaw ni Frank na tumingin sa paligid—huminto lang siya dahil maraming mga estudyante sa paligid, at matatakot sila kapag pinagpapatay niya silang lahat. At nang dahil nakita nila kung anong nangyari naintindihan ng mga sangganong kayang lumaban ni Frank at baka nga isa pa siyang martial artist. Hindi magiging banta sa kanya ang mga mahihinang kagaya nila at malulumpo lang sila habangbuhay. Nang maisip iyon, nagsimulang tumakas ang bawat isang sanggano, nang hindi nababahala sa pagsigaw nang malakas ni Bill, “Tumigil kayong mga hayop kayo! Hindi ko kayo binayaran para maging duwag! Sugurin niyo siya!”Nahuli pa nga niya ang isa sa mga tumatakas na sanggano. Hinawakan niya siya sa manggas at pinigilan siya tumakbo. Nakatitig ang sanggano habang naglakad si Frank papunta sa kanya at tumitig na
“Wag mo kong alalahanin, Frank! Umalis ka na!”Sigaw ni Winter, kahit na nanlalaban siya sa hawak ni Bill. Isa talaga siyang mabuting bata. Kumbinsido siyang walang laban si Frank sa limampung nakakatakot na sanggano!“Hah!” Suminghal naman si Bill. “Kasalanan mo to sa pagpapahiya mo sa'kin, pero wag kang mag-alala—pagkatapos ko sa'yo, mamahalin ko nang maayos ang kapatid mo.”Hinila niya si Winter sa buhok, pagkatapos ay pinadaan ang ilong niya sa pisngi niya at huminga nang malalim bago umungol, “Oh, ang kababaihan ng Draconia. Napakatamis talaga ng amoy nila, di ba? Tsk, tsk… Nakakahanga talaga ang kapatid mo! Hahaha!”Habang tumawa si Bill, tumulo ang mga luha ni Winter sa sakit ng anit niya, ngunit nanlaban pa rin siya. “Takbo, Frank!” sigaw niya. “Pasensya ka na talaga… hindi na dapat kita sinabihang pumunta…”Nanatili lang si Frank sa kinatatayuan niya. Pumikit siya at huminga nang matagal. Nang binuksan niya ulit ang mga mata niya, napakalamig ng titig niya. “Bibigya
“Mas magaling kaysa sa'yo?”Tumaas ang kilay ni Jean at tumawa siya nang malakas. “Nakakatawa ka talaga, Mr. Lawrence—mas magaling ka pang manloko kaysa sa mga negosyante. Ang ganda ngang pakinggan, pero gaano karaming tao ba sa mundong ito ang mas magaling kaysa sa'yo?”“Ahem. Masasabi kong… napakarami nila.” Kinamot ni Frank ang tungki ng ilong niya. “Alam mo talaga kung paano mambola ng lalaki, Jean, pero isa lang akong lalaking ikinasal sa pamilya ng asawa niya at pinalayas pagkatapos.”“Sige, wala nang halong nito.” Naging seryoso ang ekspresyon ni Jean habang tinitigan niya siya nang maigi. “Sapat na ang pag-oobserba ko kay Winter para makitang seryoso siya sa'yo. Pero kung may pakialam ka kay Winter, hindi ka dapat magpakita ngayong araw o masyadong nagyabang. Ngayong ginawa mo yan, kailangan mong maging responsable—naiintindigan mo ba yun, Mr. Lawrence?”Gayunpaman, nahiya si Frank. Mas bata si Winter sa kanya, at ipinagkatiwala siya ng mentor niya sa kanya. Kapag nagka
Halatang marami pang sasabihin si Winter, pero wala siyang nagawa kundi umalis sa entablado. Pagkatapos niya, habang tinanggap ni Jean ang sertipiko niya, nagtanong siya nang pabulong, “Mr. Lawrence, sabihin mo sa'kin—anong tingin mo kay Winter?”“Kay Winter?” Kampanteng ngumiti si Frank. “Siya ang nakababata kong kapatid na ipinagkatiwala sa'kin ng mentor ko para alagaan habangbuhay.”“Ah, naiintindihan ko na.”Tumango si Jean, na yumuko kay Frank bago umalis sa entablado kasama ng sertipiko niya. Nanood si Frank habang umalis siya. Inisip niyang mas matanda siyang mag-isip kumpara sa mga kaedaran niya. -May aftershow pagkatapos ng convocation ceremony, kung saan tumayo si Noel sa entablado para kumanta sa mga tao. Isa talaga siyang sikat na bituin, natulala ang lahat sa kanya niya kahit na pag-arte ang espesyalidad niya. Pagkatapos niyang umalis sa entablado, isang nakakagulat na mukha ang lumitaw. “Hoy, Master Lawrence! Pumasa ako sa entrance exams para sa Riverton
Pagkatapos lumabas ni Bill ng convocation hall, tahimik na tahimik ang seremonya—sa sobrang tahimik ay baka kaya nilang marinig ang karayom na bumagsak sa lapag. “Urgh… Ang tigas ng ulo niya. Sayang lang ang pagsisikap ng tatay niya.” Bumuntong-hininga si Dan habang nanood siya. May talento si Bill at ginusto niyang kunin siya bilang estudyante. Ang totoo, ginawa ni Dan iyon para palusugin ang isip ni Bill, para matutunan niya ang pagpapakumbaba at katapatan. Natural na binalak niya ring ipakita kay Frank ang iniisip niya sa usaping ito, at malay nila baka palampasin ni Frank ang ginawa ni Bill at magbigay pa ng ilang payo?Gayunpaman, hindi ito tinanggap ng batang iyon, na lumayas pa nga at iniwang dismayado si Dan. Nahimasmasan rin si Dan. “Umalis siya, at yun na yun. Walang pagkadismaya rito—malinaw na masama ang pag-iisip niya sa kabila ng talento niya.”Gayunpaman, ang hindi alam ni Dan, binigyan si Bill ng tatay niya ng malinaw na utos na kunin ang Riverton University g
“Hah! Ano naman ngayon? Hindi siya maikukumpara kahit sa buhok ni Professor Lawrence!”“Ano ba. Nakakainsulto yan sa buhok ni Professor Lawrence.”“Ano? May buhok ka ni Professor Lawrence? Magkano? Bibilhin ko!”Ang lantarang pangungutya at pagkamuhi mula sa mga kapwa niya estudyante ay nagpayuko at nagpangitngit sa ngipin ni Bill, na sa sobrang higpit ay halos mabasag ang ngipin niya. “Bwisit…” pabulong niyang mura. Nasa likuran niya si Winter, pinapanood siya habang pinahiya siya mula sa umpisa hanggang sa dulo. Hindi lang siya nabigong ligawan si Winter—itinatakwil na ngayon si Bill ng lipunan, at maruming-marumi na ang reputasyon niya. Kapag umabot ang balita sa tatay niya sa Zamri, hindi lang siya basta pagagalitan, tiyak na bubugbugin siya ng tatay niya at itatakwil. Lalo na't hindi maiiwasang marurumihan rin ang reputasyon ng tatay niya, at pagtatawanan ng kahit na sino ang tatay niya nang dahil sa kanya!“Frank Lawrence… Winter Lawrence… Jean Zims… Maghintay lang ka
“Tama na yan,” sabi ni Dan Zimmer sa sandaling iyon at pinigilan ang usapan. Kasabay nito, tinitigan nang masama ng chief ng Flora Hall ang namumutlang si Bill. “Mamaya na natin gawin ang kamustahan. Dapat nating ipagpatuloy ang seremonya sa ngayon.”Pagkatapos nito, nanahimik ang maingay na madla at nanood ang lahat habang naglakad si Frank papunta sa entablado at umupo sa tabi ng ibang importanteng tao. “Hehe.” Tumawa siya at kumindat kay Winter. Kahit kanina ay malapit na siyang makuha, nagtago siya ng isang ngiti sa ilalim ng palad niya—hindi nagsinungaling ang mahal niyang kuya, at nandito ang mga mahahalagang taong iyon dahil sa imbitasyon niya!Talagang tuwang-tuwa siya na makita ang sorpresang inihanda ni Frank para sa kanya!Sa kabilang banda, bumulong si Bill sa sarili niya, “Paanong nangyari to? Paano…”Maputlang-maputla siya habang bumagsak siya sa upuan niya. Nakatulala siya kay Frank habang nakipag-usap siya sa ibang mahalagang tao sa paligid niya. Sa paligid
“Uh-huh,” tumango si Frank sa dalawang babae bago tumingala sa mahahalagang tao sa entablado nang may maliit na ngiti.“Heh. Ang tagal nating di nagkita.” Tumawa siya. Nanigas ang buong hall sa mga sinabi niya, habang napanganga sina Jean at Winter. Anong ibig sabihin nito? Kilala ba talaga sila ni Frank… o nagpapanggap lang siya?Pero kung nagpapanggap siyang magkakilala sila… Hindi ba sumosobra na siya para lang magmukhang maganda?!Sa malapit, nakangisi pa rin si Bill, ngunit nanigas siya nang parang estatwa habang ginambala siya ng masamang kutob. Hindi kaya dumating talaga ang mahahalagang taong iyon sa ilalim ng imbitasyon ng putong ito? Imposible yan! Sinong nagbigay sa kanya ng karapatang?!Natural na nadurog kaagad ang huling pag-asa niyang hindi ito totoo nang ngumiti ang striktong senador ng Riverton na si Gerald Simmons at tumayo, pagkatapos ay tumango kay Frank. “Ang tagal nating di nakita, Mr. Lawrence. Ang kisig mo pa ring tignan!”“Ano?!”Dahil sa pagbati ni