Malinaw na hindi magiging ang dalawang executives na dala ni Hubert, at sapat na ang isa sa kanila para mapatumba si Corey. Ngunit kahit ganun, takot na takot silang dalawa kay Frank at kumaripas sila ng takbo sa isang banta niya na lang. Malinaw na natatakot sila para sa buhay nila, at wala siyang ginawa sa kanila!Ang totoo, hindi na kailangan ng patunay sa lakas ni Frank. Si Corey ang naunang nagsalita at naputol ang katahimikan. “Salamat sa pagligtas mo sa buhay ko, Mr. Lawrence. Palagi kong tatandaan ang utang na'to.”Nang bumangon siya mula sa lapag, maputla ang mukha niya. Hindi na magagamit ang isa sa mga binti niya, ngunit dahil kay Frank kaya buhay pa siya. Natural na walang intensyon si Corey na maliitin si Frank pagkatapos malamang isa siyang Birthright rank elite dahil halos walang kasing galing niya sa Riverton. Higit pa roon, duda talaga si Corey na walang sumusuporta sa likod ni Frank ngayong umabot siya nang ganito kalayo sa murang edad!“Naging arogante a
Maya-maya lang. “Hero ang Room 106. Pwede kang manatili rito.”Pagkatapos patuluyin si Kiki sa mansyon niya, napaisip si Frank bago naglakad palabas. Isang limousine ang dahan-dahang lumabas mula sa madilim na kalye at huminto sa harapan niya. Tumayo roon si Frank at bumuntong-hininga. “Mukhang gusto talagang mamatay ni Hubert Sorano.”“Bata, sa tingin mo kaya mong makalabas nang walang galos pagkatapos hamunin ang mga Sorano?!” sigaw ng isang naka-itim na matandang lalaki habang bumaba siya at tinitigan nang may kayabangan si Frank. “Magbabayad ka sa kawalanghiyaan mo!”“At magbabayad ka sa kamangmangan mo,” kalmadong sagot ni Frank. Nagalit ang matanda, ngunit di tumagal ay tumawa ito. “Pinagbabantaan ako ng isang batang kagaya mo? Sino ka ba sa tingin mo?”“Nakakatawa naman. Ganun din ang masasabi ko, gurang.”Kumislap ang mga mata ni Frank at bigla siyang sumugod paharap nang parang kidlat nang walang sabi-sabi. Lumitaw siya sa harapan mismo ng matandang lalaki. “Ano
Dumugo ang bawat isang butas ng katawan ng matanda nang masaklap siyang namatay habang sumakay naman si Frank sa limousine na pinanggalingan niya. “Ihatid mo ko sa Ninedell Hotel.”Nanigas ang chauffeur, ngunit mabilis niyang iniliko ang kotse at nagpunta sa Ninedell Hotel kagaya ng sabi sa kanya dahil pinahahalagahan niya ang buhay niya. -Sa Room 1008 ng Ninedell Hotel, nakasuot lang ng bathrobe si Hubert habang nakahiga siya sa kama. Minamasahe siya ni Olive Perkins habang hawak niya ang phone niya. “Mukhang hindi ka masyadong masaya, Mr. Sorano,” sabi ni Chaz Graves mula sa kabilang linya.“Syempre hindi! Nawalan tayo ng mapagkakakitaan, bwisit talaga!” Nagmura nang malakas si Hubert at sinabi kay Chaz ang lahat ng nangyari. “Ano?!”Malinaw na nagulat si Chaz at paulit-ulit niyang kinumpirma na siya nga ang Frank Lawrence na naisip niya. Pagkatapos, nang mag-isip siya sandali, kalmado siyang nagpayo, “Mr. Sorano, mas mabuti kung tumakbo ka na ngayon din—napakayabang n
Lumingon si Frank kay Olive nang may mga matang parang papatay. “Hindi ito lugar para magsalita ka.”Gayunpaman, hindi takot sa kanya si Olive. Tinaas niya pa ang dibdib niya habang tumayo siya sa harapan ni Frank. “Ginagamit mo lang ang suporta ni Vicky Turnbull! May impluwensya man ang pamilya niya, pero hindi takot si Mr. Sorano sa kanila, lalo na sa isang gigolong kagaya mo! Alamin mo ang lugar mo!”“Manahimik ka na nga!” Sinigawan siya ni Hubert dahil nakaramdam siya ng panganib—lumamig ang ekspresyon ni Frank sa sunod-sunod na pang-iinsulto ni Olive at lumakas ang madilim na aura sa paligid niya!Gayunpaman, hindi nagpakita ng senyales ng pagtigil si Olive at nagpatuloy pa siyang galitin si Frank. “Tinignan na ni Mr. Sorano ang pinagmulan mo. Mayroon kang ex-wife na ikakasal kay Chaz Graves sa susunod na ilang araw, tama? Kung ako sa'yo, magtatago na ako sa tahimik na lugar at iiiyak ko na ang lahat. Sinong nagbigay sa'yo ng lakas ng loob na pumunta ka rito at pagbantaan si Mr
Isang matandang lalaking may balbas ang naglakad sa likuran ni Frank at nagsabing, “Sinabihan kitang tumigil, di ba?”"Hmm…?"Dahan-dahang lumingon si Frank at napansin niya kaagad ang ulo ng leon na nakaburda sa lapel ng matanda. “Pinadala kayo ng mga Lionheart, tama?” tanong niya nang walang emosyon. “Ganun na nga. Trenton ang pangalan ko, at inuutusan kitang bitawan si Mr. Sorano ngayon din,” sabi ng matandang lalaki. “Nasa ilalim siya ng proteksyon namin, kaya kapag pinatay mo siya, magiging kalaban ka namin!”“Haha…” tumawa si Frank habang umiling siya. Hindi siya nabahala sa banta ni Trenton. “Ginalit niya ako nang walang katapusan, pinagbantaan niya pa nga ang pamilya ko. Sa tingin mo magsisisi siya dahil lang pinakawalan ko siya?”Kumunot ang noo ni Trenton, ngunit nangako siya, “Sinisiguro ng mga Lionheart na magpapakatino siya—pero kung pakakawalan mo lang siya.”"Hmph."Sumginhal si Frank at niluwagan ang hawak niya para pakawalan si Hubert. “Kung ganun, may isa ka
Paglingon kay Hubert, nakiusap so Trenton, “Mr. Sorano, bakit di ka humingi ng tawad kay Mr. Lawrence at mangakong hindi mo na siya guguluhin at kakalimutan niyo na ang lahat?”“Ako, hihingi ng tawad sa kanya?!” Napanganga si Hubert kay Trenton, hindi siya makapaniwala sa narinig niya. “Oo.” Tumango si Trenton. “Hindi pwede!” Siya ni Hubert, sabay tinuro si Frank habang nagwala siya, “Kinuha niya ang pagkakakitaan ko at pinagbantaan niya ang buhay ko! At gusto mo kong humingi ng tawad pagkatapos ng lahat ng iyon?! Hindi ba mga bodyguard kayo na nagsisilbi sa mga Lionheart? Ano, nag-aalala ba kayong aatakihin niya kayo? Sa tingin mo may lakas siya ng loob?!”Si Trenton ay ang executive ng mga Lionheart na nakabase sa Riverton. Bilang tagapagsilbi nila, natural na marami siyang koneksyon. Matagal na niyang narinig ang tungkol sa mga nakamit ni Frank mula sa gobernador ng Riverton na si Robert Quill at ang Chief of General Affairs na si Gerald Simmons. Natural na mapapadpad din
Nanlaki and mga mata ni Trenton habang bumagsak siya sa lapag—hindi niya inakalang mas mabangis pala siya kumpara sa inasahan niya!“Frank Lawrence… Walanghiya…”Ngayong namatay si Trenton sa isang suntok, lumipat si Frank sa iba pang Lionheart bodyguards at mahinang nagsabi, “Mukhang kakalabanin ako ng mga Lionheart para lang protektahan ang hangal na yan. Kung ganun, wala sa inyo ang makakaalis dito!”“Baliw ka, Frank!”Natakot si Hubert sa eksena sa harapan niya. Alam niyang ang mga Lionheart ay isa sa pinakamakapangyarihan sa Draconia. At salamat sa pagiging malapit niya sa Volsung Sect, lumawak ang impluwensya nila sa bawat isang sulok ng bansa. Mula rito, baliw na siguro si Frank para hamunin ang mga Lionheart para lang patayin siya!Kahit na dumaan ito sa isipan ni Hubert, sumugod ang mga bodyguard ng mga Lionheart kay Frank sa galit na nanlaban siya. “Hayop ka! Pinatay mo ang isang Lionheart executive!”“Walanghiya!”Sumigaw silang lahat habang sumugod sila kay Fra
Biglang bumukas ang pinto ng elevator nang ililigpit na ni Frank ang bangkay ni Hubert, at isang pamilyar na mukha ang lumitaw. Siya ay walang iba kundi si Helen Lane.“Frank…?” bulong niya.Lumingon si Frank sa kanya—mas pumayat siya, at mas lalong naging halata ang madidilim na paligid ng mga mata niya. Kahit na subukan niya itong itago gamit ng makeup, hindi niya ito maitatago kay Frank pagkatapos ng tatlong taon nilang pagkakakasal. Mukhang hindi naging mabuti ang nagdaang ilang araw sa kanya. Nanatiling tahimik si Frank—pinutol na niya ang lahat ng ugnayan niya sa kanya at wala na siyang dapat sabihin dahil ikakasal na siya kay Chaz. Kaya nakakagulat na sumugod sa kanya si Helen at hinawakan ang braso niya habang umiyak siya, “Kumalma ka lang! Sinabi sa'kin ni Chaz na nag-away kayo ni Hubert Sorano—halika na, humingi tayo ng tawad kay Hubert. Kakapirma lang ng Graves family ng partnership sa mga Lionheart, at kakampi na ngayon ni Titus Lionheart si Chaz. Kapag nagalit mo