Isang matandang lalaking may balbas ang naglakad sa likuran ni Frank at nagsabing, “Sinabihan kitang tumigil, di ba?”"Hmm…?"Dahan-dahang lumingon si Frank at napansin niya kaagad ang ulo ng leon na nakaburda sa lapel ng matanda. “Pinadala kayo ng mga Lionheart, tama?” tanong niya nang walang emosyon. “Ganun na nga. Trenton ang pangalan ko, at inuutusan kitang bitawan si Mr. Sorano ngayon din,” sabi ng matandang lalaki. “Nasa ilalim siya ng proteksyon namin, kaya kapag pinatay mo siya, magiging kalaban ka namin!”“Haha…” tumawa si Frank habang umiling siya. Hindi siya nabahala sa banta ni Trenton. “Ginalit niya ako nang walang katapusan, pinagbantaan niya pa nga ang pamilya ko. Sa tingin mo magsisisi siya dahil lang pinakawalan ko siya?”Kumunot ang noo ni Trenton, ngunit nangako siya, “Sinisiguro ng mga Lionheart na magpapakatino siya—pero kung pakakawalan mo lang siya.”"Hmph."Sumginhal si Frank at niluwagan ang hawak niya para pakawalan si Hubert. “Kung ganun, may isa ka
Paglingon kay Hubert, nakiusap so Trenton, “Mr. Sorano, bakit di ka humingi ng tawad kay Mr. Lawrence at mangakong hindi mo na siya guguluhin at kakalimutan niyo na ang lahat?”“Ako, hihingi ng tawad sa kanya?!” Napanganga si Hubert kay Trenton, hindi siya makapaniwala sa narinig niya. “Oo.” Tumango si Trenton. “Hindi pwede!” Siya ni Hubert, sabay tinuro si Frank habang nagwala siya, “Kinuha niya ang pagkakakitaan ko at pinagbantaan niya ang buhay ko! At gusto mo kong humingi ng tawad pagkatapos ng lahat ng iyon?! Hindi ba mga bodyguard kayo na nagsisilbi sa mga Lionheart? Ano, nag-aalala ba kayong aatakihin niya kayo? Sa tingin mo may lakas siya ng loob?!”Si Trenton ay ang executive ng mga Lionheart na nakabase sa Riverton. Bilang tagapagsilbi nila, natural na marami siyang koneksyon. Matagal na niyang narinig ang tungkol sa mga nakamit ni Frank mula sa gobernador ng Riverton na si Robert Quill at ang Chief of General Affairs na si Gerald Simmons. Natural na mapapadpad din
Nanlaki and mga mata ni Trenton habang bumagsak siya sa lapag—hindi niya inakalang mas mabangis pala siya kumpara sa inasahan niya!“Frank Lawrence… Walanghiya…”Ngayong namatay si Trenton sa isang suntok, lumipat si Frank sa iba pang Lionheart bodyguards at mahinang nagsabi, “Mukhang kakalabanin ako ng mga Lionheart para lang protektahan ang hangal na yan. Kung ganun, wala sa inyo ang makakaalis dito!”“Baliw ka, Frank!”Natakot si Hubert sa eksena sa harapan niya. Alam niyang ang mga Lionheart ay isa sa pinakamakapangyarihan sa Draconia. At salamat sa pagiging malapit niya sa Volsung Sect, lumawak ang impluwensya nila sa bawat isang sulok ng bansa. Mula rito, baliw na siguro si Frank para hamunin ang mga Lionheart para lang patayin siya!Kahit na dumaan ito sa isipan ni Hubert, sumugod ang mga bodyguard ng mga Lionheart kay Frank sa galit na nanlaban siya. “Hayop ka! Pinatay mo ang isang Lionheart executive!”“Walanghiya!”Sumigaw silang lahat habang sumugod sila kay Fra
Biglang bumukas ang pinto ng elevator nang ililigpit na ni Frank ang bangkay ni Hubert, at isang pamilyar na mukha ang lumitaw. Siya ay walang iba kundi si Helen Lane.“Frank…?” bulong niya.Lumingon si Frank sa kanya—mas pumayat siya, at mas lalong naging halata ang madidilim na paligid ng mga mata niya. Kahit na subukan niya itong itago gamit ng makeup, hindi niya ito maitatago kay Frank pagkatapos ng tatlong taon nilang pagkakakasal. Mukhang hindi naging mabuti ang nagdaang ilang araw sa kanya. Nanatiling tahimik si Frank—pinutol na niya ang lahat ng ugnayan niya sa kanya at wala na siyang dapat sabihin dahil ikakasal na siya kay Chaz. Kaya nakakagulat na sumugod sa kanya si Helen at hinawakan ang braso niya habang umiyak siya, “Kumalma ka lang! Sinabi sa'kin ni Chaz na nag-away kayo ni Hubert Sorano—halika na, humingi tayo ng tawad kay Hubert. Kakapirma lang ng Graves family ng partnership sa mga Lionheart, at kakampi na ngayon ni Titus Lionheart si Chaz. Kapag nagalit mo
Sumugod si Helen sa Ninedell Hotel pagkatapos marinig kay Chaz na nag-away sina Frank at Hubert. Isasama niya dapat si Frank at hihingi ng tawad kay Hubert, ngunit wala na itong kwenta ngayong pinatay na siya ni Frank. Wala nang atrasan ngayon…Kahit na ganun, hindi sumuko si Helen at nagngitngit ang ngipin niya habang nangako siya, “Hindi mahalaga kung di mo ko maintindihan o matanggap ang pagsisikap ko. Hindi kita hahayaang mamatay… Hinding-hindi!”Pagkatapos ng mga salitang iyon, pinunasan niya ang mga luha niya at tinawagan si Chaz. “May pabor akong hihingiin sa'yo…” -Nainis si Frank kahit nang umalis siya sa Ninedell Hotel. Sinuntok niya ang manibela pagkasakay niya sa kotse niya. “Bwisit!”Alam niyang papakasalan ni Helen si Chaz, ngunit nahumaling pa rin siya sa reaksyon niya kanina. Alam niya kung anong klase ng basura si Chaz, lalo na pagkatapos sabihin sa kanya ni Jaud ang tungkol sa patibong na inihanda ni Chaz para sa kanya sa araw ng sarili niyang kasal. L
Sa kabilang linya, nagyabang pa rin si Chaz nang may masamang ngiti. “Isang kagamitan lang ang tangang puta na yun na gagamitin ko para ipahiya si Frank Lawrence. Hindi, tatanggalan ko rin ng dignidad si Helen, at ipapanood ko kay Frank kung paano bababuyin ng ibang lalaki ang babae niya.”Tumawa siya at nagsabing, “Sige—mag-ulat ka kay Titus Lionheart. Kumpleto na ang paghahanda ko rito, at ang kailangan na lang ay ang pagdating ng elite fighters ni Titus.”“Opo, Mr. Graves,” sagot ng bodyguard bago binaba ang tawag gamit ng isang nanginginig na daliri. Nanginig din ang buong katawan niya nang lumingon siya kay Frank. Takot na takot siyang baka magwala si Frank at patayin siya sa isang mabilis na atake. Ang hindi niya inasahan ay nakatayo lang doon si Frank nang nakatulala imbes na umatake. “M-Mr. Lawrence…?” miserableng tinawag ng bodyguard si Frank, at hindi siya nagtangkang tumakas sa kabila ng pagkatulala ni Frank. “Alis.”Lumingon si Frank sa bodyguard nang nahimasmasa
Nang makita ni Gina na walang silbi ang mga pang-iinsulto niya, lumapit siya at tinulak niya si Frank, "Umalis ka na dito! Wala dito si Helen—walang kwenta ang pagsigaw mo dito!"Tiniis ni Frank ang mahihina niyang suntok at pangangalmot habang patuloy siya sa pagsigaw sa loob ng Lane Manor. "Helen! Sisirain ko ang kasal mo at itatakas kita—sa ayaw o sa gusto mo! Ganun katigas ang ulo ko at lagi akong padalos-dalos, at walang makakapigil sa’kin! Hindi ang pamilya mo, hindi si Chaz Graves… Hindi rin ang mga Lionheart!”Pagkatapos niyang sabihin ang gusto niyang sabihin, tahimik na hinintay ni Frank ang sagot ni Helen.Subalit, nanatiling tahimik sa mansyon maliban sa pagsigaw at pagmumura ni Gina.Gayunpaman, hindi tumigil si Frank.Pagkatapos, noong aalis na sana siya, bumukas ang mga pinto at lumabas si Helen suot ang kanyang pajama.Nataranta si Gina noong nakita niya si Helen. "Anong ginagawa mo, Helen?! Malapit ka nang ikasal kay Chaz Graves. Alang-alang sa mga Northstream La
Tahimik na sinabi ni Frank na: "Kilala kita, Helen. Hindi ka tumitingin sa mga mata ko kapag nagsisinungaling ka.”"Huwag kang umasta na parang kilala mo ako. Kasi hindi—at lilinawin ko sayo.” Ngumiti si Helen. "Iba na ako ngayon. Dapat maging makatotohanan ang isang tao at isuko ang mga walang katuturang ambisyon. Ano ang buhay para sa isang babae, kung hindi ang humanap ng isang lalaki na maaasahan niya at pagsisilbihan niya? Bakit ko kailangang harapin ang lahat ng problema sa isang sulok at ang mga shareholder sa halip na maging isang housewife? Isa itong madaling buhay na makakabuti sa lahat.”“Iyan ba talaga ang nasa isip mo?" Tanong ni Frank, nakatingin siya ng maigi sa mga mata ni Helen."Oo.” Tumingin ng diretso si Helen sa mga mata niya sa pagkakataong ito. “Hindi na mahalaga kung anong iniisip mo o kung gaano kataas ang tingin mo sa sarili mo—hindi ako sasama sayo, kaya sumuko ka na. Gabi na at pagod na ako… Oras na para umalis ka.”Sa mga salitang iyon, tahimik na bumal