Subalit, hindi inasahan ni Vicky o ni Kiki na mahahanap nila sila agad."Naku, kung hindi si Vicky Turnbull!" Sumipol ang binata, pinag-aaralan si Vicky mula ulo hanggang paa at tumawa. "You really are a devilish beauty. Gusto mo bang sumali sa agency ko—actually, never mind. I'd never step on Mr. Lionheart's toes."Pagkatapos, lumingon sa lahat sa paligid ng mesa, nagpakilala siya. "Everyone, nice to meet you. I'm Hubert Sorano of Morhen.""Hubert Sorano?!" Biglang tumayo si Olive, nakanganga. "Ikaw ang pangatlong anak ni Emilio Sorano?""Naku, may nakakakilala talaga sa akin dito! Not bad!"Hubert was clapped his hands and laughing. "Kung ganoon, I'll cut to the chase—Kiki is a talent represented by Sorano Media, and I'm taking her with me. May masasabi ba tungkol diyan? Siyempre, kailangan mo pa ring manood ang sinasabi mo."Tapos, sumipol kay Kiki na parang nagpapatawag ng aso, tumawa si Hubert. "Sakong! Magiging bayolente ako kapag hindi ka gumalaw, see?""Vicky..." Ibinaba
Sa tabi nila, napuno na si Olive at sinagot si Vicky, “Bakit ka ba nangingialam? Kinukuha lang ni Mr. Sorano ang empleyado niya. Bakit ba gusto mong mapaaway? Hihilahin mo ba kami sa isang away laban sa mga Sorano?!”Walang nagawa sina Ivana kundi manatili sa upuan nila nang ilang na ilang. Tama si olive na hindi nila susubukang hamunin ang mga Sorano, kung kaya't hindi sila nagsalita sa simula pa lang. Tumawa naman si Hubert nang lumingon siya kay Olive. “Oh, buti pa ang magandang babaeng to, alam niya ang lugar niya. Anong pangalan mo?”“Ako si Olive Perkins,” sabik niyang sagot. “Haha! Magaling, may style ka.” Tumawa si Hubert habang hinihimas ang baba niya. “Gusto mo bang sumali sa Sorano Media? Sinisiguro ko sa'yo, ikaw ang susunod naming magiging malaking bituin!”Natuwa si Olive. “Salamat, Mr. Sorano!”“Hero and card ko. Nasa Room 1008 ako—pukints ka mamaya para mabigyan kita ng audition.” Iniabot ni Hubert ang card niya. Habang kinuha ito ni Olive nang sabik na sabi
Sa buong banquet hall, si Frank lang ang nag-iisang parang walang pakialam. At lalo na matapos ang sinabi ni Frank sa kanya sa men's room kanina, hindi napigilan ni Corey ang sarili niya na mangialam. “Oh, nagpakita rin siya ng buto.” Tumawa si Frank sa isipan niya. Kahit na aligaga siya sa pagkain, ang totoo ay nakikinig siya sa sitwasyon ni Vicky. Ang totoo, binalot na niya ang purong vigor niya kay Vicky gamit ng Five-Peat Archaeus. Kung hinawakan siya ng mga bodyguard ni Hubert kanina, masama ang mangyayari sa kanila. Mapapahiya si Frank kung wala siyang gagawin pagkatapos ianunsyo ni Vicky sa lahat na siya ang personal bodyguard niya. Natural na malayo pa si Corey sa Birthright rank at hindi niya malalaman kung anong ginawa ni Frank. Sa halip, inisip niya lang na takot na takot si Frank kay Hubert at nagpatuloy siyang kumain para itago ang pagkataranta niya. Kahit na takot din mismo si Corey sa pamilya ni Hubert, dapat siyang magpakita ng lakas at responsibilidad sa
“Oh… Sige, heto oh.”Takang-taka pa rin ang bodyguard na hindi sigurado sa kung anong nangyari habang nakatulala niyang ipinasa ang salt shaker kay Frank. Habang nakatulala siya kay Frank na nagtaktak ng asin sa pagkaon niya, biglang huminto si Frank at nagtatakang lumingon sa kanya. “Anong tinitingin-tingin mo sa'kin? Hindi ba inutusan ka ng amo mo kanina?”Natauhan ang bodyguard sa mga salita ni Frank at sumugod siya papunta kay Corey nang may galit na sigaw kasama ng ibang bodyguards. Gayunpaman, hindi nakakagulat ang kinalabasan nito—magaling man ang mga bodyguard, pero wala silang laban sa isang taong kayang gumamit ng vigor. Ang totoo, kaya ring lumaban ni Corey. Magulo ang buhok niya at napunit ang mga damit niya, pero pagkatapos ng mahirap na laban, nagawa niyang patumbahin ang lahat ng bodyguards ni Hubert. “Isang vigor wielder? Maghintay ka lang!” Nagalit si Hubert, ngunit mabilis siyang tumakas sa banquet hall nang napansin niyang lugi siya sa laban. Lumapit si I
Suminghal si Ivana sa pangmamata. “Dapat talaga hindi ko na lang siya inimbitahan rito kung alam ko lang na kikilos siya nang ganito.”“Ayos lang yun.” Ngumiti si Vicky. “Kain na tayo!”Nang bumalik na ang lahat sa mesa, bigla nilang narinig na sumigaw si Olive sa labas ng pinto. “Anong nangyari?!” Lumingon ang lahat sa pinto at nakita nilang nagbalik na si Hubert. Ngayon, sinamahan siya ng dalawang may edad na lalaki. Ramdam ang presensya nila mula sa malayo at halatang puno sila ng enerhiya, kung kaya't napakadaling makitang mga vigor wielder silang lahat.Higit pa roon, tumulo ang dugo na hindi sa kanila mula sa mga kamao nila.Kahit na ganun, nagtanong si Corey, “Hindi ka pa ba susuko, Mr. Sorano?”“Susuko?” Tumawa si Hubert. Nawala na ang malumanay na ekspresyon niya kanina at napalitan ng kabangisan. “Wag kang mag-isip na pwede ka nang magyabang sa'kin dahil lang may konting alam ka sa pakikipaglaban! Ang dalawang to ay ang executives ng pamilya ko rito sa Riverton, at n
Nang ipinikit ni Corey ang mga mata niya at sumuko sa kamatayan niya, isang malamig na boses ang biglang nagsalita. “Tapos ka na ba? Oras na para umalis ka.”“Ano?”Pamilyar si Corey sa boses na iyon. Hindi ba si Frank Lawrence iyon, ang gigolo ni Vicky?Bigla siyang nagtapang na magsalita, pero bakit ngayon pa? Gusto ba niyang mamatay?Nang idinilat ni Corey ang mga mata niya, natulala siya. Nakabuwelo ang kamao ni Zorn para patamaan ang ulo ni Corey, ngunit nanatiling walang emosyon si Frank habang hawak niya pulso niya. Para bang hindi makagalaw si Zorn at pinagpawisan nang matindi ang noo niya!“Sino ka naman?!” Sa wakas ay nakita na ni Hubert na hinawakan ni Frank ang pulso ni Zorn ngunit inisip niyang nabigla lang si Zorn. “Patayin mo sila! Patayin mo ang bawat isang tao sa kwartong to! Wag kang magtitira ng buhay!”Gayunpaman, hindi kumilos si Zorn, at inisip ni Hubert ay hindi niya siya narinig habang galit siyang sumigaw, “Hindi mo ba ko narinig, Zorn?! Ano bang ti
Malinaw na hindi magiging ang dalawang executives na dala ni Hubert, at sapat na ang isa sa kanila para mapatumba si Corey. Ngunit kahit ganun, takot na takot silang dalawa kay Frank at kumaripas sila ng takbo sa isang banta niya na lang. Malinaw na natatakot sila para sa buhay nila, at wala siyang ginawa sa kanila!Ang totoo, hindi na kailangan ng patunay sa lakas ni Frank. Si Corey ang naunang nagsalita at naputol ang katahimikan. “Salamat sa pagligtas mo sa buhay ko, Mr. Lawrence. Palagi kong tatandaan ang utang na'to.”Nang bumangon siya mula sa lapag, maputla ang mukha niya. Hindi na magagamit ang isa sa mga binti niya, ngunit dahil kay Frank kaya buhay pa siya. Natural na walang intensyon si Corey na maliitin si Frank pagkatapos malamang isa siyang Birthright rank elite dahil halos walang kasing galing niya sa Riverton. Higit pa roon, duda talaga si Corey na walang sumusuporta sa likod ni Frank ngayong umabot siya nang ganito kalayo sa murang edad!“Naging arogante a
Maya-maya lang. “Hero ang Room 106. Pwede kang manatili rito.”Pagkatapos patuluyin si Kiki sa mansyon niya, napaisip si Frank bago naglakad palabas. Isang limousine ang dahan-dahang lumabas mula sa madilim na kalye at huminto sa harapan niya. Tumayo roon si Frank at bumuntong-hininga. “Mukhang gusto talagang mamatay ni Hubert Sorano.”“Bata, sa tingin mo kaya mong makalabas nang walang galos pagkatapos hamunin ang mga Sorano?!” sigaw ng isang naka-itim na matandang lalaki habang bumaba siya at tinitigan nang may kayabangan si Frank. “Magbabayad ka sa kawalanghiyaan mo!”“At magbabayad ka sa kamangmangan mo,” kalmadong sagot ni Frank. Nagalit ang matanda, ngunit di tumagal ay tumawa ito. “Pinagbabantaan ako ng isang batang kagaya mo? Sino ka ba sa tingin mo?”“Nakakatawa naman. Ganun din ang masasabi ko, gurang.”Kumislap ang mga mata ni Frank at bigla siyang sumugod paharap nang parang kidlat nang walang sabi-sabi. Lumitaw siya sa harapan mismo ng matandang lalaki. “Ano
“Imposible! Hindi natin sila hahayaang kunin si Walter!”“Oo nga! Lalaban tayo kapag umabot ito sa sukdulan!”“Tama! Hindi tayo natatakot sa kamatayan!”Sumama ang mukha ni Glen habang nakipagtalo ang mga Turnbull. “Lalaban?! Madaling sabihin yan para sa'yo!” sigaw niya. “Wala ba sa inyong nakaisip kung gaano seryosong dagok ito sa pamilya natin kapag nakipaglaban tayo sa mayor ng Morhen?! Hindi lang ang Martial Alliance—kapag pinadala ng mayor ang garrison, talagang katapusan na natin!”Habang nakatitig nang masama sa mga tao sa paligid niya, nagpatuloy siya, “Sa puntong iyon, hindi natin malilinis ang pangalan natin habang tumalon tayo sa bangin na inihanda ng mga kalaban natin para sa'tin! At iyon mismo ang gusto nila—ang labanan natin ang Martial Alliance!”Habang natulala ang karamihan sa mga Turnbull, mayroon pa ring nakipagtalo. “Ano, dapat na lang ba tayong sumuko?”“Oo nga. Kahit sa pinakamagandang sitwasyon, mawawala sa'tin si Walter… At mawawala ang reputasyon nati
“Sandali! Hindi kayo pwede rito!”Matapat na nanindigan ang Turnbull bodyguards at pinigilan ang mga miyembro ng Martial Alljance sa gate. Sumigaw naman si Silverbell sa kanila, “May ebidensya ako ng mga krimen ni Walter Turnbull! Nag-isyu na ng warrant ang mayor ng Morhen! Humarang kayo sa daan namin, at ituturing kayong kalaban ng Martial Alliance at ng Draconia!”Nagkatinginan ang Turnbull bodyguards, ngunit sa huli ay sumuko sila at pinaraan sila. Kahit na magpasya silang makipaglaban sa Martial Alliance, hindi sila ang magdedesisyon nito. Higit pa roon, hindi sila ang nasa tama—may ebidensya ang Martial Alliance at ligal silang nang-aaresto. Kapag nagmatigas sila, katumbas ito ng pagtatanggol sa isang kriminal. Malinaw na naghintay si Silverbell ng ebidensya para makaiwas sa pagpatay, dahil magkakagulo kapag sumugod sila sa Turnbull Estate ng dahil lang sa ilang akusasyon. “Sugod!” Habang pinangunahan ni Silverbell ang mga miyembro ng Martial Alliance, hindi nagtagal
Kahit na ganun, nagdalawang-isip sandali si Frank bago tinapik si Susan sa balikat. “Pasensya na, Mrs. Turnbull—hindi ngayon ang oras para diyan. Kailangan nating malaman kung anong nangyari.”“Anong nangyari…?” Bulong ni Walter. Takang-taka siya habang tumingin siya sa mga miyembro ng pamilya niyang nakapalibot sa kanya. Pagkatapos ay sinampal niya ang noo niya at kumunot ang noo nang naalala niya, “Teka lang, hindi ba dapat dadalo ako sa coming-of-age ceremony ni Denise Laine? Paano ako nakarating dito?”“Iniuwi ka ni Jet.” Lumingon si Glen sa matangkad na lalaking may seryosong mukha na mukhang nasa tatlompung taong gulang. “Jet…?” Nabigla si Walter, dahil si Jet ang lider ng mga blackguard ng mga Turnbull at ang ampon ni George Turnbull. Kung kinailangang ipadala ng pamilya ni Walter ang mga blackguard para iuwi siya, ibig sabihin ay nagkaroon ng malaking problema. “Naaalala mo ba kung anong nangyari sa ceremony kahapon?”“Kahapon?”Napangiwi si Walter habang nagsikap s
"Phew…"Nakahinga nang maluwag si Silverbell nang nakita niya ang tango ni Frank, at lumuwag ang pagkakahawak niya sa espada niya. “Lady Silverbell, ang lalaking iyon…”“Kapatid ko siya,” sabi niya at hindi na nagpaliwanag. “Kapatid, ha… At Lawrence ang apelyido niya… Sa tingin ko naiintindihan ko na,” bulong ng isa sa mga elder sa tabi ni Silverbell. Lumingon si Silverbell sa kanya, ngunit nanatiling tahimik. -Bang!Sinipa ni Frank ang pinto ng Turnbull Hall at halatang naiinis ang lahat ng tao sa loob. Ang iba ay handa pang sigawan siya, ngunit mabilis na tinitigan nang masama ni Glen Turnbull silang lahat kahit na nagulat din siya. Sa sobrang seryoso ng insidente ay nakabitin ang kapalaran ng pamilya niya—hindi ito oras para sa wastong pag-uugali. Lumapit si Glen kay Frank nang nakatango at nagsabing, “Nagkita tayong muli, Mr. Lawrence. Nabanggit na ba sa'yo ng hipag ko ang sitwasyon?”“Oo.” Tumango si Frank. “Nasaan si Mr. Walter? Titignan ko siya ngayon din.”
Sa wakas, sumuko na si Kallum kay Helen. Kahit na malaking dahilan ang investment ni Gene sa tagumpay niya, naintindihan ni Helen na si Frank ang dahilan kung bakit kaya niyang maging chairwoman ng Lanecorp nang ganito kadali at ayusin ang lahat ng problemang kinaharap nila. Gayunpaman, hindi nagtagal si Frank sa Lanecorp. Nang makahinga nang maluwag matapos marinig na sumuko na si Kallum, kaagad siyang umalis. Sumakay siya sa kotse niya at nagmaneho diretso sa Morhen. Halos maluha na si Susan Redford, ang nanay ni Vicky. “Frank… Hindi ako hinayaan ni Vicky na magsabi sa'yo kasi… kumplikado ito. Nilason si Walter at wala pa rin siyang malay, at hindi namin siya matanong kahit na gustuhin namin. At patuloy kaming ginagambala ng Martial Alliance na ibigay siya… Malapit nang sumuko ang mga Turnbull…”“Kalma ka lang, Mrs. Turnbull,” kalmadong sabi ni Frank habang hawak ang manibela sa isang kamay at ang phone niya sa kabila. “Nasaan si Vicky? Nasa Morhen siya ngayon, di ba?”“S
Tumango si Frank kay Will nang binigay niya sa kanya ang pill. “Magaling ang nagawa mo—kagaya ng pinangako ko, heto ang antidote. Aalisin nito ang lason sa katawan mo.”“Salamat, Mr. Lawrence,” sabi ni Will habang marespeto niya itong kinuha.Pagkatapos ay nagtanong si Frank, “Nakikita kong nagsanay ka rin sa martial arts, tama?”“Oh, uh…” Kinamot ni Will ang ulo niya sa hiya at naiilang na ngumiti. “Oo, pero isang basic na style lang kaya…”“Mabuti.” Binigyan siya ni Frank ng isa pang pill. “Isa tong Ichor Pill na magpapalakas sa vigor mo. Hindi ito milagroso, pero maganda rin ito. Inumin mo ito kapag nagsimula kang magsanay ulit, at magiging vigor wielder ka.”“Salamat, Mr. Lawrence!” Sabi ni Will habang masaya niyang tinanggap ang pill, nang may pasasalamat sa mga mata niya. Natural na natuto siya ng martial arts mula kay Sif, na walang pakialam dahil napatunayang mabagal siyang matuto. Para mas lalo pa siyang insultuhin, sinabi niya sa kanyang wala siyang ibang masisisi sa
Pagkatapos, biglang naningkit ang mga mata niya sa pagbabanta. “Kapag nalaman kong binastos mo uli si Mr. Lawrence o sumobra ka, kahit si Ms. Lane ay hindi ka mapoprotektahan mula sa'kin!”Pagkatapos nito, suminghal siya at umalis Nakahinga nang maluwag si Cindy pagkatapos niyang umalis at lumingon naman siya kay Frank. Handa na siyang tumingin nang masama kay Frank, ngunit mabilis siyang yumuko nang naalala niya ang babala ni Gene. “Umalis ka na. Walang lugar ang kumpanya para sa'yo, at wala nang makakapagligtas sa'yo kapag nangyari to ulit!”Pagkatapos ng malalamig na salitang iyon, hinabol ni Helen si Gene at naiwan si Frank kasama ni Will. Mukhang kabado si Will dahil kanina pa siya naghihintay na magsalita. “May mahalagang bagay kang dapat malaman, Mr. Lawrence.”“Mahalagang bagay?” Napahinto ang puso ni Frank dahil alam na niyang kumilos na si Sif Lionheart base lang sa ekspresyon ni Will. Pinasunod niya si Will sa opisina niya, at sa sandaling naupo sila, nagpaliwan
Kahit na paparusahan nang matindi ni Gene si Cindy kung naibang okasyon lang ito, nasa presensya siya ni Frank at nirespeto niya siya. Dahil dito, nagtanong siya, “Ano sa tingin mo ang dapat nating gawin rito, Mr. Lawrence?”“Ako—”Bago pa nakapagsalita si Frank, bumukas ang pinto ni Helen, at nagmadaling lumabas si Helen matapos marinig ang kaguluhan sa hallway. Muntik na siyang mahimatay sa inis nang nakita niya si Cindy—paanong naroon pa siya at nagdala ng mas marami pang gulo para a kanya?Kahit na ganun, hindi niya hahayaang magkamali siya sa presensya ng iba, at tumango siya kay Frank. “Nakabalik ka na.”Pagkatapos, lumingon siya kay Gene at nagtanong, “At sino naman ang ginoong ito?”Ngumiti naman si Gene. “Isang lalaking binayaran ni Frank para magpanggap na si Gene Pearce, ang pinakamayamang tao sa east coast.”Natulala si Helen sa kakaibang pagpapakilala, ngunit may talino siya para maintindihan ito pagkatapos tumingin kay Cindy. “Urgh, malas ka talaga…”Nakahilo
Pasensyoso at seryosong lalaki si Gene pasalamat sa mga taon niya bilang isang negosyante, at hindi talaga siya bababa sa lebel ni Cindy. Gayunpaman, ang mga salita niya ay halatang isang insulto para kay Frank at sa posisyon niya.“Ayos lang, Mr. Lawrence. Hayaan mong patunayan ko ang sarili ko.”Tinaas niya ang isang kamay niya para pigilan si Frank bago siya kumilos at bumunot siya ng isang makintab na gintong cars mula sa bulsa niya. Sa katotohanan, sa sobrang kintab nito ay nasilaw sandali ang mga empleyado ng Lanecorp. “Ano yan?” Kumunot naman ang noo ni Cindy at hindi niya ito nakilala. “Isa itong custom gold card na gawa mismo para sa executives ng Pearce Group. Ang kahit na sinong may dala nito ay kayang bumili nang hindi kailangang magbayad sa kahit na anong establisimyento sa ilalim ng tatak namin.”Nang nakangiti, tinuro ni Gene ang mukhang nakatatak sa gold card. “Ms. Zonda, hindi ba kamukha ko ang tao sa larawang ito?”“Kamukha?” Kinuha ni Cindy ang gold card na