Pamilyar na si Yara kay Frank at kaagad niya siyang binati. “Mr. Lawrence.”Sa kabilang banda, hindi gusto ni Cliff si Frank, at di niya rin iniisip na kaya niyang protektahan si Vicky. Malamig na suminghal si Cliff at di pinansin si Frank. Umirap si Frank. “Alam mo talaga kung paano ilagay sa nakakailang na posisyon ang isang tao.”Tumawa si Vicky. “Hindi naman—nandito kayong tatlo para panatilihin akong ligtas kaya natural na kailangan ko kayong isamang lahat.”Sumakay si Frank sa likod kasama ni Cliff, pero may malinaw na distansya sa pagitan nila. Kasabay nito, inapakan ni Vicky ang gas pedal at dumiretso sila sa lumang pabrika sa labasan ng West City. Isa itong walang katao-taong lugar na may nakakalat na mga lumang sasakyan sa paligid. Nang bumaba silang apat at naglakad papunta sa pabrika, nakita nila ang isang grupo ng mga tao sa loob. Lumapit sa kanila ang kabilang leader na isang lalaking bata-bata pa. “Teka. Anong ginagawa niyo rito? Sinong nagpapasok sa inyo
Naningkit ang mga mata ni Vicky sa kanila sa interes. “Ang Salazar Triplets?”Tumango si Jackie. “Matalas ang mata mo, Ms. Turnbull—sila nga ang Salazar Triplets ng Sunny City.”Suminghal sa pagkamuhi si Vicky. “At kasabwat mo sila. Kaya pala tumapang ka.”Katabi ng Riverton ang Sunny City at ang mga Salazar ang nangingibabaw doon. Ibig sabihin nito ay maimpluwensya sila, pero nakakagulat pa rin na nakaabot sila rito sa Riverton. At pagkatapos maging parte si Jackie ng pamilya nila, pinadala ni Sergio Salazar ang triplets para tulungan siya. Mga mamamatay-tao silang lahat at kahit na nadoon talaga sila para bantayan si Jackie, gustong-gustong subukan ni Jackie ang buong kakayahan nila. Nagsindi ng sigarilyo si Jackie at nagsabing, “Gusto mo bang makipagpustahan, Ms. Turnbull?”Nilagay ni Vicky ang mga kamay niya sa baywang niya at suminghal siya. “Mukha ba kong natatakot? Sinong mauuna?”Kaagad na umabante si Uno Salazar, sabay nagsabi si Jackie, “Paano kapag natalo ka, Ms. Tu
Nasa six feet ang taas ni Uno at mas matangkad siya kaysa kay Cliff. Sa kabila ng lamang ni Uno sa pisikal, maliksi si Cliff at kaya niyang iwasan ang mga suntok ni Uno habang kumikilos siya para makahanap ng sandali para umatake! Gayunpaman, sa sandaling nakatanggap ng suntok si uno, naging mabangis ang ekspresyon niya. Bigla na lang naging mas mabilis ang footwork at mga suntok niya at nakipagpalitan siya ng napakaraming atake kay Cliff sa loob ng isang segundo. Habang naglaban sila sa pabrika at para bang posibleng manalo ang kahit na sino sa kanila, mas lalong nagugulat si Cliff sa paglipas ng bawat isang sandali. Saan ba nangggaling si Uno?! Anong meron sa tindi ng lakas niya?! Sa sandaling iyon, nagbitaw ulit si Uno ng isa pang suntok at umilag si Cliff, sabay nakahanap siya ng butas sa balakang ni Uno!Magaling!Hinigpitan niya ang ang kamao niya at nagbato siya ng isang mabigat na suntok…Thud.Namutla si Cliff nang napansin niyang nasalo ni Uno ang kamao niya s
Galit na galit si Cliff—gaano ba kayabang ang lalaking to at gusto niyang labanan ang tatlong lalaki nang sabay-sabay?!Sa tabi niya, naningkit ang mga mata ni Vicky. Kilala mga si Frank para matukoy na hindi siya gagawa ng kahit na ano maliban na lang kung nakakasiguro siya. Hindi kaya lumakas siya pagkatapos makuha ang wonderroot?Sa kabilang banda, hawak ni Jackie ang tiyan niya at di niya mapigilang tumawa. “Hahaha! Ms. Turnbull… Hindi masyadong magaling ang mga tauhan mo, pero ang galing nilang magyabang!”“Hindi mo alam yun,” sagot ni Vicky. Tiwalang-tiwala siya kay Frank. “Hmph,” suminghal si Jackie. “Baliin mo ang binti niya, Uno.”Binanat ni Uno ang pulso niya. “Oras na para mamatay, bata.”Nagpakawala siya ng isang mala-missile na suntok sa ulo ni Frank! Hindi kumilos si Frank. Nanatili lang siyang nanood hanggang sa tatama na ang kamao ni Uno sa mukha niya, pagkatapos ay bigla niyang tinaas ang kamay niya para hawakan ang kamao habang pinipigilan si Uno na kumil
Napalunok si Jackie at agad niyang itinaas ang kanyang mga kamay noong nakita niya ang nakakatakot na tingin sa mga mata ni Vicky. “Nagbibiro lang ako, Ms. Turnbull. Huwag mong seryosohin ang sinabi ko…”“Nagbibiro ka lang kamo?”Gayunpaman, dumampot si Vicky ng isang bakal na tubo, hinawakan niya ito ng maigi, at hinampas niya ito sa ulo ni Jackie, dahilan upang dumugo ang kanyang ulo! Sinubukang lumapit ng mga tauhan ni Jackie ngunit napahinto sila sa takot nang tiningnan sila ng masama ni Frank. “Argh!!!” Sumigaw si Jackie habang hawak niya ang ulo niya. “Sige na, sorry na, Ms. Turnbull! Babayaran na kita ngayon—”Napakasama ng tingin sa kanya ni Vicky. “Dapat lang. Magbayad ka na ngayon mismo.”Sa pagkakataong ito, hindi nagdalawang-isip si Jackie na utusan ang lanyang sekretarya na i-transfer ang pera. Nang matanggap ito agad ni Vicky, pinunasan ni Jackie ang pawis niya at nagtanong siya, “Patas na tayo ngayon, Ms. Turnbull. Kaya, pwede ka na bang umalis…?”“Sige, pero
Nagtanong si Cliff, “Tatawag na ba ako ng dagdag na tauhan mula da capital?”Pinag-isipan ni Vicky ang tungkol dito. “Huwag. Walang magagawa ang mga Salazar hangga't kasama natin si Frank.”Higit sa lahat, ayaw niyang humingi ng tulong mula sa partido ng kanyang tiyuhin. Isa itong pagpapakita ng kahinaan, at sa huli ay mawawalan siya ng boses kapag bumalik siya sa capital.“Sige.” Tumango si Cliff at nanahimik. -Nagtungo sila sa ospital at kinuha nila ang pinakamahusay na doktor para kay Cliff upang gamutin ang kanyang mga buto, habang nakatanggap naman si Frank ng dalawang milyong dolyar. Pagkaalis nila, nagtanong si Vicky, “May gagawin ka ba ngayon, Mr. Lawrence?”Umiling si Frank. “Wala naman.”“Bakit hindi tayo uminom ngayong gabi gamit ang perang nakolekta natin?” Ngumiti si Vicky. “Mayroong bagong bukas na bar na tinatawag na The Dynasty sa West City. Maganda ang kutob ko sa lugar na ‘yun.”Sa tabi nila, nagkamot ng ulo niya si Yara. “Pinapauwi ako ng dad ko ngayong g
Tinititigan ni Sean ang magandang mukha ni Helen, hindi niya mapigilan ang kanyang kayabangan. Talaga bang sinubukan niyang utakan siya? Nakakatawa! Iniisip niya talaga na isa siyang henyo—ang kailangan niya lang gawin ay iugnay ang lahat sa kanyang ama, at wala nang magdududa sa kanya. Kung sabagay, hinding-hindi lilinawin ni Helen at ng kanyang pamilya ang kahit ano sa kanyang ama! Gayunpaman, pinaglalaruan ni Helen ang kanyang baso, hindi siya naniniwala kay Sean. Siniko ni Gina si Helen, at kinagalitan niya siya, “Pwede bang tumigil ka na? Napakaraming beses kang tinulungan ni Mr. Wesley—masasaktan mo ang damdamin niya kapag patuloy mo siyang pinagdudahan!” “Oo, alam ko.” Tumango si Helen. May punto ang kanyang ina—sumosobra na siya. Sa sandaling iyon, nagsimulang magkwentuhan ang mga empleyado niya. “Uy, narinig niyo na ba, may pumatay daw kay Leo Grayson?”“Oo. Nagkakagulo ngayon ang mga gang at sindikato sa West City,” ang sabi ng isang lalaking nakasalamin. “
Nakakrus ang mga daliri ng isa sa mga babaeng kasama ni Helen at naluluha ang kanyang mga mata. “Tama ‘yun! Nakakainggit ka talaga, Ms. Lane…”Nakangiti naman si Sean.Sa vibes at setting pa lang, wala nang dahilan para tumanggi si Helen!Dahil sa pang-uudyok ng kanyang mga empleyado at ng kanyang ina, naramdaman ni Helen na nadadala na siya ng mood sa paligid niya.Gayunpaman, bago niya masabi ang oo…“Oh, isang proposal sa bar? Nakakatuwa naman!”Nanigas si Helen nang marinig niya ang pamilyar na boses at tumingala siya at nakita niya si Vicky, habang nakatayo si Frank sa kanyang tabi.Kasing lamig ng yelo ang kanyang ekspresyon, at agad namang binawi ni Helen ang kanyang kamay!“Frank, hindi…” Nagsimula siyang magpaliwanag, ngunit napatingin siya kay Vicky at naalala niya na hiwalay na silang dalawa ni Frank.Ano pang punto ng pagpapaliwanag?Subalit, ayaw niyang makita si Frank na kasama ang ibang babae, gaya ng ayaw niyang makita ni Frank na tanggapin niya ang proposal n
“Tama!”Hinampas ni Gina ang noo niya pagkatapos marinig ang suhestyon ni Cindy at napasigaw sa realisasyon, “Bakit di ko naisip yan? Ang talino mo talaga, Cindy!”“Sigurado yan, pero…”Suminghal si Candy, sabay sandaling lumingon kay Helen habang nakasimangot. “May hindi nakakakita roon.”Alam ni Helen na siya ang ibig sabihin ni Cindy pero hindi siya bumaba sa lebel nila, at seryosong nagsabi, “Hindi gagana yan. Magiging matalino ang kahit na sinong may ganito kalaking halaga ng pera—hindi magiging kaakit-akit ang lupang iyon kahit bilang pain.”Malamig na tumawa si Cindy, hindi siya nabahala na gumagawa siya ng gulo. “Oh, sinasabi mo bang hindi matalino si Tita Gina? Palihim ang pang-iinsulto mo!”Sumama ang mukha ni Gina—kahit na nagkamali siyang paniwalaan si Peter, nainis pa rin siya na iinsultuhin siya ng anak niya nang ganito. “Hindi iyon ng ibig kong sabihin, Ma…”Bumuntong-hininga si Helen at umiling dahil wala na siyang lakas para ipaliwanag pa ang sarili niya. “Bah
Walang naisagot si Gina sa sagot ni Helen at bumangon mula sa kama para tumakbo papunta sa pader at iuntog ang ulo niya rito habang sumisigaw. “Oh, Helen! Pasensya na talaga… Wala akong ibang pagpipilian… Magpapakamatay na lang ako para makabawi sa'yo—”Sa ilang untog lang, tumulo na ang dugo mula sa benda niya. Gayunpaman, nahawakan siya ni Helen at sumigaw, “Tigil! Hindi ako makakapagbayad kapag namatay ka rito! Mag-isip ka ng paraan para mabawi ang pera! Tawagan mo si Peter at sabihan mo siyang pumunta rito ngayon din!”“S-Sige…” Dinampot ni Gina ang phone niya at mabilis na tinawagan ang numero ni Peter, ngunit binaba ito ni Peter pagkatapos itong tumunog nang kaunti. “Ano? Anong nangyayari?” Gulat na sabi ni Gina. Kasabay nito, lumingon si Helen kay Frank—hindi kaya nakuha na ni Kit Jameson si Peter?“Tatawagan ko siya.” Lumapit si Frank kay Gina, kinuha ang numero ni Peter mula sa kanya, at tumawag. Sumagot si Peter pagkatapos ng dalawang ring nang may kalmadong tono.
Pagkatapos murahin sandali ng lahat si Peter, binalik ni Helen ang usapan. “Ma, paano ka nasaktan?”Umiling si Cindy at mahinang nagsabi, “Hindi mahanap ni Tita Gina si Peter o si Larry, kaya nagpunta siya sa Zomber Group para bawiin ang pera niya. Tumanggi sila dahil pumirma siya sa kasunduan, kaya nakipagtalo siya. Pagkatapos, medyo nagkapisikalan sila at nauntog siya sa pader.”“Ma… Talagang ang laki ng pagkakamali mo ngayon!” Bumuntong-hininga si Helen dahil alam niyang hindi lang si Gina ang may kasalanan dito. Masyado lang talagang masama ang anak niyang lalaki, na niloko pa ang sarili niyang nanay at pagkatapos ay ginawa rin iyon sa ate niya. Binenta pa nga niya ang sarili niyang ate para sa pera. Masasabi ngang hindi lang siya walanghiya, napakasama pa niya. Kumunot ang noo ni Helen. “Kalma ka lang, Ma. Sabihin mo lang sa'kin—magkano ang nawala sa'yo? Titignan ko kung kaya kitang matulungang bayaran ito.”Binuksan ni Gina ang bibig niya, ngunit lumingon siya kay Cindy
“Oh? Helen, nandito ka na pala!” Sigaw ni Cindy Zonda habang pumasok siya sa ward ni Gina sa sandaling iyon, at bumuntong-hininga siya nang nakita niya si Helen. “Kailangan mo na talagang tulungan si Tita Gina ngayon.” “Ano yun?” Tanong ni Helen kahit na naiinip na siya. “Ano nang magsasabi sa kanya,” sabi ni Gina. Biglang naglaho ang galit niya habang sinubukan niyang umiyak, ngunit hindi niya ito magawa. “Oh, Helen… Patawad talaga!” sigaw niya at mukhang handa nang iuntog ang ulo niya sa pader, pero pinigilan siya ni Helen. “Anong nangyayari, Mama?” Takang-taka si Helen—anong problema na naman ang dinala ni Gina sa kanya?!“Helen, kilala mo ba si Larry Jameson? Isa sa Three Bears ng Zamri?” Tanong ni Cindy sa sandaling iyon. “Larry Jameson?” Napatalon ang puso ni Helen sa pangalang iyon. “Oo. Bakit?”“Bumalik kasi si Peter sa Riverton ilang araw ang nakaraan at dumiretso siya sa'kin, sabi niya may seryosong business deal siya para sa'kin…” huminto si Gina nang humihikbi.
Ang masaklap pa roon, parte nito ang kapatid ni Larry!Bumuntong-hininga si Helen. “Wala lang si Larry kumpara sa kapatid niya—ang lalaking iyon ang tunay na puso ng Zomber Group na nagtatago sa dilim. Siya ang nagplanong gamitin ka, dahil sinabi niya yun sa'kin!”Napaluhod si Peter at nanigas. Kapag nalaman ng kapatid ni Larry kung sinong pumatay kay Larry, tiyak na madudurog ang isang kagaya niyang hindi pinoprotektahan at hindi mahalaga!“A-Anong dapat kong gawin?! Helen… Frank! Pakiusap, kailangan niyo kong tulungan!”Pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya at suminghal, nang halatang hindi siya interesadong masangkot dito. “Hahayaan ko sanang mabuhay si Larry, pero nagpumilit kang patayin siya. Kailangan mo lang harapin ang kapalit nito ngayon.”“Tama si Frank. Harapin mo yan nang mag-isa,” malamig na pagsang-ayon ni Helen. “Sa tingin mo tutulungan pa rin kita pagkatapos mo kong ibenta, nang walang pakialam kung anong mangyayari sa Lanecorp o sa dangal ko?!”H
Malinaw na alam na alam ni Helen kung sino ang nagdala sa kanya sa gulong ito. Kahapon lang, nang nagbalik si Peter, inisip niya sandaling pwede niya siyang bigyan ng trabaho hindi kagaya ni Cindy, ngunit binenta siya nito sa isang kurap. “Nataga na kita kung hindi lang kita kapatid!” Sigaw ni Helen. Napangiwi kang si Peter sa sarili niya nang nakayuko. Hindi pa niya nakitang nagalit nang ganito si Frank, at lalapit na sana siya para pakalmahin siya… ngunit siya na mismo ang yumakap sa kanya nang umiiyak, “Bakit, Frank?! Bakit ganito ang pamilya ko…?”“Ayos lang yan. Nandito ako.” Tinapik siya ni Frank sa likod habang maingat siyang dinadamayan. “P-Pasensya na, ate. Napilitan lang ako…” utal ni Peter sa sandaling iyon. “Kalimutan mo na yan. Hindi ko kailangan ang paliwanag mo,” sagot ni Helen, nang parang pa ring isang girlboss habang mabilis niyang pinakalma ang sarili niya at pinunasan ang mga luha niya. Habang tinataboy si Peter, bumuntong-hininga siya. “Pwede kang ma
Kahit na ganun, bumuntong-hininga si Larry habang nagsimula siya, “Nagkataong nakita ko ang babaeng iyon sa isang business trip sa Talnam. L-Lumapit siya sa'kin, at pinilit akong mag-invest sa dalawang piraso ng lupa na sinabi niyang kikita nang malaki. Naloko ako, at nilayasan niya ako ilang araw lang ang nakaraan habang tangay-tangay ang malaking parte ng ari-arian ng kumpanya ko..” Umubo nang malakas si Larry, na halatang naaalis sa galit habang nagtapos siya, “H-Hindi ako mag-aalala sa pag-akyat ng Lanecorp kung hindi dahil doon…”“Ganun ba.” Tumango si Frank sa mga sinabi ni Larry nang napagtanto niya ito. Sabi ni Larry, nakilala niya si Juno sa Talnam… Kung ganun, Talnamese siya?“S-Siya nga pala, Mr. Lawrence….”Nang makitang interesado si Frank kay Juno, mabilis na nagdagdag si Larry para lang makaligtas, “Allergic ang babaeng iyon sa lilies… at sa matinding lebel pa nga.”“Matinding allergy sa mga lily?” Bumulong si Frank habang tinandaan niya ito—mukhang tama siyang p
Banal na ang katawan ni Frank, pero ang pure vigor niya ay nanatiling Birthright rank. Bulong niya sa sarili niya nang naglalakbay ang isipan niya. “Kapag natuto akong sumakay sa ulap at gumamit ng salamangka, talaga bang magiging banal na ako? O kaya… Ascendant rank?”Hindi kaya lumampas na ang katawan niya sa Ascendant rank at nakarating sa Transcendent rank?At kakaunti lang ang mga Ascendant rank sa buong Draconia! Kahit na ganun, natauhan si Frank, tumingin sa mga sangganong nakaluhod sa kanya, at suminghal. “Layas.”“Oo, oo, oo… Aalis na kami ngayon din…”“Dali, tara na…”Nakatayo lang si Frank at hindi hinabol ang mga sanggano habang tumakas silang lahat. Hindi siya ganun kauhaw sa dugo. Kahit na nararapat na mamatay ang mga lalaking iyon, nawalan na sila ng kagustuhang lumaban at hindi sila hadlang para kay Frank kaya hindi siya nabahala. “Tama na yan.” Hinablot ni Frank si Peter sa kwelyo at hinila siya palayo kay Larry nang para ba siyang isang pusa. Duguan at
Splat!Muli, hindi ginamit ni Frank ang pure vigor niya. Sumipa lang siya, na humiwa sa katawan ni Vin sa dalawa. Namutla sina Larry, Peter, at iba pa nang tinitigan nila ang mga piraso ng laman at dugong nagkalat sa paligid. “Tao… ba siya?!” Bulong ni Larry, bago siya lumingon para titigan nang masama si Peter. Masasampal niya nang dalawang beses si Peter—anong kampon ng kamatayan ang dinala ni Peter sa pintuan niya?Hindi… Sinadya bang dalhin ni Peter si Frank para patayin siya?!“Ako… Imposible yan…” Halos maiyak si Peter at bumagsak siya sa lapag. Nanginig siya na para bang may humigop sa lahat ng lakas niya. Kapag hinabol siya ni Frank, tiyak na mapapatay siya!Lalo na sa ginawa niya at sa lahat ng insultong binato niya kay Frank, parang gusto niyang sampalin ang sarili niya roon. “A-Anong dapat kong gawin?” bulong niya, sabay desperadong naghanap ng ideya para makaligtas sa kabila ng gulat niya. Doon niya nakitang nakatitig sa kanya nang galit na galit si Larry.