Napalunok si Jackie at agad niyang itinaas ang kanyang mga kamay noong nakita niya ang nakakatakot na tingin sa mga mata ni Vicky. “Nagbibiro lang ako, Ms. Turnbull. Huwag mong seryosohin ang sinabi ko…”“Nagbibiro ka lang kamo?”Gayunpaman, dumampot si Vicky ng isang bakal na tubo, hinawakan niya ito ng maigi, at hinampas niya ito sa ulo ni Jackie, dahilan upang dumugo ang kanyang ulo! Sinubukang lumapit ng mga tauhan ni Jackie ngunit napahinto sila sa takot nang tiningnan sila ng masama ni Frank. “Argh!!!” Sumigaw si Jackie habang hawak niya ang ulo niya. “Sige na, sorry na, Ms. Turnbull! Babayaran na kita ngayon—”Napakasama ng tingin sa kanya ni Vicky. “Dapat lang. Magbayad ka na ngayon mismo.”Sa pagkakataong ito, hindi nagdalawang-isip si Jackie na utusan ang lanyang sekretarya na i-transfer ang pera. Nang matanggap ito agad ni Vicky, pinunasan ni Jackie ang pawis niya at nagtanong siya, “Patas na tayo ngayon, Ms. Turnbull. Kaya, pwede ka na bang umalis…?”“Sige, pero
Nagtanong si Cliff, “Tatawag na ba ako ng dagdag na tauhan mula da capital?”Pinag-isipan ni Vicky ang tungkol dito. “Huwag. Walang magagawa ang mga Salazar hangga't kasama natin si Frank.”Higit sa lahat, ayaw niyang humingi ng tulong mula sa partido ng kanyang tiyuhin. Isa itong pagpapakita ng kahinaan, at sa huli ay mawawalan siya ng boses kapag bumalik siya sa capital.“Sige.” Tumango si Cliff at nanahimik. -Nagtungo sila sa ospital at kinuha nila ang pinakamahusay na doktor para kay Cliff upang gamutin ang kanyang mga buto, habang nakatanggap naman si Frank ng dalawang milyong dolyar. Pagkaalis nila, nagtanong si Vicky, “May gagawin ka ba ngayon, Mr. Lawrence?”Umiling si Frank. “Wala naman.”“Bakit hindi tayo uminom ngayong gabi gamit ang perang nakolekta natin?” Ngumiti si Vicky. “Mayroong bagong bukas na bar na tinatawag na The Dynasty sa West City. Maganda ang kutob ko sa lugar na ‘yun.”Sa tabi nila, nagkamot ng ulo niya si Yara. “Pinapauwi ako ng dad ko ngayong g
Tinititigan ni Sean ang magandang mukha ni Helen, hindi niya mapigilan ang kanyang kayabangan. Talaga bang sinubukan niyang utakan siya? Nakakatawa! Iniisip niya talaga na isa siyang henyo—ang kailangan niya lang gawin ay iugnay ang lahat sa kanyang ama, at wala nang magdududa sa kanya. Kung sabagay, hinding-hindi lilinawin ni Helen at ng kanyang pamilya ang kahit ano sa kanyang ama! Gayunpaman, pinaglalaruan ni Helen ang kanyang baso, hindi siya naniniwala kay Sean. Siniko ni Gina si Helen, at kinagalitan niya siya, “Pwede bang tumigil ka na? Napakaraming beses kang tinulungan ni Mr. Wesley—masasaktan mo ang damdamin niya kapag patuloy mo siyang pinagdudahan!” “Oo, alam ko.” Tumango si Helen. May punto ang kanyang ina—sumosobra na siya. Sa sandaling iyon, nagsimulang magkwentuhan ang mga empleyado niya. “Uy, narinig niyo na ba, may pumatay daw kay Leo Grayson?”“Oo. Nagkakagulo ngayon ang mga gang at sindikato sa West City,” ang sabi ng isang lalaking nakasalamin. “
Nakakrus ang mga daliri ng isa sa mga babaeng kasama ni Helen at naluluha ang kanyang mga mata. “Tama ‘yun! Nakakainggit ka talaga, Ms. Lane…”Nakangiti naman si Sean.Sa vibes at setting pa lang, wala nang dahilan para tumanggi si Helen!Dahil sa pang-uudyok ng kanyang mga empleyado at ng kanyang ina, naramdaman ni Helen na nadadala na siya ng mood sa paligid niya.Gayunpaman, bago niya masabi ang oo…“Oh, isang proposal sa bar? Nakakatuwa naman!”Nanigas si Helen nang marinig niya ang pamilyar na boses at tumingala siya at nakita niya si Vicky, habang nakatayo si Frank sa kanyang tabi.Kasing lamig ng yelo ang kanyang ekspresyon, at agad namang binawi ni Helen ang kanyang kamay!“Frank, hindi…” Nagsimula siyang magpaliwanag, ngunit napatingin siya kay Vicky at naalala niya na hiwalay na silang dalawa ni Frank.Ano pang punto ng pagpapaliwanag?Subalit, ayaw niyang makita si Frank na kasama ang ibang babae, gaya ng ayaw niyang makita ni Frank na tanggapin niya ang proposal n
Noong nasa banyo na siya, tumawag si Sean gamit ang kanyang phone. Kailangan niyang mapaalis si Frank kung hindi ay hindi niya makukuha si Helen ngayong gabi!“Hello? Sino ‘to?”“Zuco, ako ‘to, si Sean.”Agad na naging mabait ang tono ng lalaki, “Oh, Mr. Wesley! Anong maitutulong ko sa’yo?”Agad na ibinigay ni Sean sa kanya ang mga detalye, at hindi nagtagal ay tinapik ni Zuco ang kanyang dibdib at tiniyak kay Sean na, "Huwag kang mag-alala, kapatid. Ipaubaya mo na lang ito sa akin.""Oo. Ipapadala ko ang isang daang libong dolyar sa account mo mamaya." Ngumiti si Sean. "Huwag mo akong papuntahin dito para sa wala."Pagkatapos nito, ibinaba niya ang tawag at masayang bumalik sa kanyang upuan.Nasasabik na nagtanong si Gina, "Saan ka galing, Mr. Wesley?""Wala naman. Nagbanyo lang ako," ang sabi ni Sean, masaya niyang pinagmasdan si Frank sa loob ng ilang sandali bago siya muling humarap kay Helen, hindi niya pinansin si Frank. "Helen, sa tingin ko pumunta talaga dito ang hayop
Natural hindi aamin si Sean na kilala niya si Zuco. Kung sabagay, kailangan niyang mag-ingat kay Vicky kaya sinabi niya kay Zuco na kailangan lang nilang paalisin sila Vicky at Frank, dahil mawawasak si Zuco kapag nagseryoso si Vicky.Subalit, nakatupi na ang mga braso ni Vicky sa harap ng kanyang dibdib. “Hindi ako aalis.”Umirap si Zuco at sumenyas siya sa kanyang mga tauhan. “Dalhin niyo na sila.”Una silang lumapit kay Vicky, na biglang dumampot ng isang bote mula sa mesa at hinampas niya ito sa ulo ni Zuco!Nabasag ito sa ulo ni Zuco, at nagkalat ang mga bubog sa sahig habang sumisinghal si Vicky sa galit. “Aalis ako kung kailan ko gusto. Walang karapatan ang isang payasong gaya mo para utusan ako!”“B-Boss? Ayos ka lang ba?!”Nanigas ang mga tauhan ni Zuco—hinampas ng babae ang isang bote sa ulo ni Zuco?! Gusto na siguro niyang mamatay.“P*ta… Papatayin kita!” Hinawakan ni Zuco ang dumudugo niyang uilo at tiningnan niya ng masama si Vicky bago niya siya sinugod ng nakaunat
Hindi man lang makatingin si Sean kay Frank. Sumagot siya, “Tumahimik ka! Wala akong pakialam kung mamatay ka kung hindi dahil kay Helen!”Lalong humanga si Gina kay Sean noong sandaling iyon. “Kita mo na? Napakabait ni Mr. Wesley, tapos pinagsasalitaan mo siya ng masama?”Ang sabi ni Sean noong sandaling iyon, “Kilala mo ba kung sino ang boss ng kalbong ‘yun? Siya ang taong nakakuha ng kapangyarihan sa West City pagkatapos mamatay ni Leo Grayson!”“Ah, si Scarface ba ang tinutukoy mo? Narinig ko na ang tungkol sa kanya—wala siyang awa,” ang biglang sinabi ng isa sa mga empleyado ni Helen.Inilagay ni Gina ang kanyang mga kamay sa kanyang baywang. “Huwag ka nang mag-aksaya ng oras sa kanya, Mr. Wesley. Wala na tayong pakialam kung sino ang papatay sa kanya.”Gayunpaman, habang nag-iisip si Frank kung sino si Scarface, nagkaroon ng kaguluhan sa taas at isang malaking grupo ng mga tao ang bumaba.Nagulat ang mga empleyado ni Helen na nagawa ni Zuco na tumawag ng ganun karaming tao
Agad na hinampas ni Chad si Zuco sa ulo at naiinis na nagsalita, "Tumigil ka na sa pagsasalita at umalis ka na!"Pagkatapos nun, tumalikod siya at umalis, nang hindi man lang lumilingon sa likuran niya—natatakot siyang pigilan siya ni Frank!Litong-lito ang lahat ng mga tauhan niya, ngunit walang dahilan para manatili sila kung umalis na ang boss nila!Nang mabilis silang sumunod kay Chad, naiwan si Zuco na nakasimangot, ngunit nilingon niya si Frank."Maghintay ka lang!" Singhal niya bago siya nagmadaling sumunod kay Chad.Nakahinga ng maluwag si Sean noong sandaling iyon.Salamat na lang at hindi sila nagsimulang maglaban.Gayunpaman, lumingon siya at nakita niya ang lahat na nakatingin sa kanya ng gulat na gulat, habang nagtataka namang nagsalita si Gina, "Hindi ko alam na ganun ka pala kahalaga, Mr. Wesley...""Ang galing niya! Nakausap pa niya ng harapan si Scarface!""Gaya ng inaasahan sa numero unong lalaki sa Riverton! Ayos lang na umikli ng isang dekada ang buhay ko k
“Ano?!” Nabigla si Frank. Nagpasya ang mga Lionheart na makipaggiyera laban sa mga Turnbull?!Pero sabi ni Glen Turnbull, ang plano laban sa mga Turnbull ay plinano at sinagawa ni Titus Lionheart nang mag-isa. Kung nasa paligid ang head ng mga Lionheart, hindi sila susugal nang ganito ka-delikado. Ngunit sa kung anong dahilan, nagbago ang isip ng mga Lionheart pagkatapos ng isang buwan at handa na silang umatake?!Metikuloso pa nga sila at binalak nilang sirain ang Lane family… Mukhang habol din siya ng mga Lionheart!“Ganun pala… Iyon pala ang nangyayari…” Tumawa nang malamig si Frank pagkatapos isipin ang mga pagpipilian niya at kumuha ng isang mabahong itim na pill at sinaksak ito sa bibig ni Will. “Dahil kilala ako ako, alam mo dapat kung gaano ako kagaling sa medisina. Ang pill na pinainom ko sa'yo ngayon ay tinatawag na Veinbreaker, at kailangan mo ng antidote bawat linggo, kundi ay mamamatay ka nang nagdurusa habang pumuputok ang bawat isang ugat na mayroon ka.”Habang
“Sir, anong—”“Tabi.” Tinulak ni Frank ang mga attendant na nakaharang sa daan niya at naglakad papunta kay Will. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyo, pagkatapos ay tinulak ito sa men's room at sinara nang malakas ang pinto para i-lock ito. “Ano bang gusto mo?!” Sumigaw si Will habang nagngitngit ang ngipin. Nagsimulang mag-apoy ang mga mata niya sa galit kay Frank habang pinanood niyang dumugo nang matindi ang palad niya. “Anong gusto ko? Ikaw ang dapat kong tanungin niyan.”Tinulak ni Frank si Will sa lapag nang nakangisi habang inapakan niya ang butas na kamay ni Will. Napasigaw siya ulit. Habang malamig na naningkit ang mga mata, sumigaw si Frank, “Unang-una, magsimula tayo sa kung sino ka ba talaga… Lumapit ka sa Lanecorp mula kay Cindy, para saan? Para may manatiling aligaga?! Sino yun?! Magsalita ka!”“A-Anong sinasabi mo?! Wala akong alam!”Nataranta si Will sa mga tanong ni Frank. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ni Frank. “Hindi ka magsasalita, ha? Kung gan
Mapagbantang sumagot si Helen, “Wag mo kong hawakan, Mr. Zeller, kundi ay baka hindi mo malaman ang mangyayari sa'yo.”“Talaga? Kilala mo ba kung sino ang mga kaibigan ko? Hehe… Aatakihin ka sa puso kapag sinabi ko sa'yo, pero iibahin ko ang usapan.”Madilim na ngumiti si Will, dinilaan niya ang mga labi niya habang hinarangan niya si Helen. “Samahan mo ko ngayong gabi, Ms. Lane, at nangangako ako sa karangalan ko na makukuha mo ang larawan at lahat ng files na kinopya ko… Kundi baka bukas, lumitaw sa mesa ng CEO ng karibal mong kumpanya ang lahat ng nasa larawan. Kaya ano ang pipiliin mo?”Pumikit si Helen sa kabila ng banta niya, at nanahimik sandali bago nagsabing, “Kung ganun, pwede ko bang isiping pinagbabantaan mo ko?”“Tama.” Nanatiling nakangiti si Will, na tuwang-tuwa dahil kumbinsido siyang sa kanya na si Helen. Nagsimula pa nga siyang magpantasya kung anong kayamanan ang nasa ilalim ng suit niya at tumindi ang init sa pagitan ng binti niya. Walang makakapigil dito, a
“Sige.” Tumango si Cindy at mabilis na bumalik sa mga dessert na nasa mesa. Sa kabilang banda, pinagpatong ni Frank ang mga braso niya sa dibdib niya habang pinanood niya si Will na pumunta sa banyo. Dumilim ang titig niya. “Hoy, anong tinitingin-tingin mo? Naiinggit ka lang, ano?”Nagmayabang si Cindy nang makitang nakatitig si Frank kay Will. “Iba ang boyfriend ko sa'yo—isa siyang tunay na department head na nagrereview ng bawat isang tender ng korporasyon. Alam mo ba kung gaano karaming tao sa Zamri ang kailangang sumunod sa kanya? Ang alam mo lang gawin ay masali sa away at kumapit kay Helen, para magmakaawang bigyan ka ng trabaho.”Hinampas niya nang paulit-ulit ang mesa habang tinawanan niya si Frank. “Walanghiya ka talaga—wala kang alam sa pagkakaroon ng trabaho, ano? At tinakda ka ni Helen bilang head ng health and safety department… Di ba ibig sabihin nun ay security guard ka lang? Oh, pinapatay mo ko sa kakatawa! Umaabot ba sa sampung libo ang buwanang sahod mo?!” Tum
Malamig na tumingala si Frank sa kanya. “Ano? Di ba ako pwedeng umupo rito?”Kaagad na nagalit si Will—matapang siya para sa isang hamak na bodyguard!“Hinanda kong maupo rito si Ms. Lane, dahil mayroon kaming malaking business deal na pag-uusapan.” Malamig na sabi ni Will. “Kaya bang akuin ng isang pinabangong security guard na kagaya mo ang mangyayari kapag sinira mo to para sa kanya?!”“Syempre naman.” Tinaas ni Frank ang mukha niya nang mukhang sinasadyang nagtataka. “Ano…” Nanggalaiti si Will. “Tama na yan.” Tinaas ni Helen ang isang kamay niya at pinigilan ang dalawang lalaki habang umupo siya sa tabi ni Frank. Habang nakatingin nang seryoso kay Will, sabi niya, “Kinuha ng pinsan kong si Cindy ang laptop ko. Pakibalik ito sa'kin kung nasa’yo pa rin ito.”Ito ang prayoridad niya dahil maraming sensitibong dokumento at papeles ng Lanecorp na naka-save sa laptop na iyon. Hindi ito dapat makita ng iba at masasaktan ang kumpanya kapag nalaman ito ni Will at ibenta niya ang
Namutla si Kallum habang nilamon siya ng kawalan ng pag-asa. Dumulas ang phone niya sa mga daliri niya at bumagsak ang malakas sa lapag. Talagang nakakatakot ang pagkamatay ni Cid, kagaya kung paanong hindi inasahan ni Kallum na aatakihin ni Victor ang anak niya nang hindi man lang siya binigyan ng tyansang manlaban.“Frank Lawrence… ang bodyguard ni Helen Lane? Ang head ng health and safety department?! S-Sino ba siya?!”Nakatulala niyang bulong bago nanahimik. -Samantala, nagmadaling bumalik sina Helen at Frank sa Lanecorp. Mananatili sila dapat sa labas, ngunit nakatanggap ng tawag si Helen mula kay Cindy, sinabi niyang dumating na ang bagong nobyo niya kasama ng laptop ni Helen. Gayunpaman, sa sandaling nakabalik sina Helen at Frank, lumapit sa kanila ang kalilipat lang na sekretaryang naghihintay sa pintuan at naiilang na nagsabi, “Ms. Lane, umalis ang pinsan mo kalahating oras ang nakaraan. Nag-iwan sila ng address at pinapapunta kayo sa kanila.”Kinuha ni Helen ang
"Hehe…"Nakangiti si Victor habang nilapitan niya si Frank, inabutan siya ng tasa ng tsaa, at nagtanong, “Mr. Lawrence, nakausap ko mismo si Tito Emilio at pinapasabi niya ang pagbati niya.”“Ganun ba.”Tumango si Frank—hindi talaga siya takot kay Victor, ininom pa niya kaagad ang tsaa at tumango. “Masarap ang tsaang to.”“Hehe… Kung gusto mo, pwede ko tong ipadala sa'yo, Mr. Lawrence.”“Hindi kailangan yan.” Tumanggi si Frank, iniunat ang likod niya, at lumingon kay Helen. “Pag-usapan natin ang utang mo sa Lanecorp. Kung tama ang pagkakaalala ko, 200 milyong investment funds ito, at tungkol naman sa interes…”“Oh, wag mong alalahanin yun.” Ngumiti si Victor at pinigilan si Frank sa pagbibilang—matalino siya para maintindihan ito. “Kumuha na lang kayo ng 300 milyon mula sa'kin, nang may interes na 100 milyon. Isipin niyo na lang itong regalo para sa Lanecorp. Pwede na ba yun?”“Oo.” Tumango si Frank. Gayunpaman, kumunot ang noo ni Helen. “Hindi tama yun. Tumagal na ang utang,
Sumugod sa Sorano Estate at pinilit silang humingi ng tawad? Kahit mga bata ay di maniniwala sa ganitong pantasya!“Titignan natin!” Madilim na ngumiti si Cid kay Frank. Suminghal naman si Frank—hindi niya pipigilan si Cid kung talagang gusto niyang mamatay, at hindi rin naman siya obligadong pigilan siya. Hindi nagtagal, bumalik si Victor nang may dalang isang tray ng tsaa at magalang itong nilapag sa mesa niya. Gayunpaman, bago niya ito maisalin, tumakbo si Cid papunta sa kanya at tinuro si Frank. “V-Victor, ininsulto ng batang yan ang pamilya mo! Kailangan mo siyang turuan ng leksiyon!”“Talaga?”Tumingala si Victor at mahinang nagtanong, “At ano namang sinabi niya?”“Sabi niya…”Mukhang tuwang-tuwa si Cid habang lumunok siya. “Sabi niya nakaaway niya ang mga Sorano, pagkatapos, sumugod siya sa Sorano Estate sa Morhen, sinaktan si Willy Sorano, at pinilit ang main family na humingi ng tawad.”"Hah!" Dumura si Cid nang may huwad na galit. “Hindi man lang niya tinignan a
Habang aligaga si Victor na kumpirmahin ang pagkatao ni Frank sa labas ng pinto, nakangiwi si Cid sa isang sulok sa loob ng opisina ni Victor. Nakatitig pa rin siya kay Helen sa gulat. “M-Magkasabwat kayo ni Victor, ano?”“Ni Victor?” Nagtaka si Helen—ito ang unang beses niyang makita ang may-ari ng Victorget, kaya paano siya makikipagsabwatan sa kanya?Lumingon siya kay Frank na natatawang nakangiti kay Cid. “Kung talaga isang siyang Sorano, malamang ay narinig na niya ako… At kung talagang totoo iyon, katapusan mo na.”“Ano?! Imposible!” Sigaw ni Cid nang nakaturo kay Helen habang nagreklamo siya, “Head ka lang ng Lane family, isang pamilyang may katamtamang kayamanan mula sa Southstream!”Pagkatapos, tinuro niya si Frank. “At isa ka lang pinabangong security guard! Paano ka nagkaroon ng koneksyon sa mga Sorano ng Morhen?!”Nagtataka ring lumingon si Helen kay Frank at bumuntong-hininga siya habang nagpaliwanag siya, “Nakaaway ko ang mga Sorano. Nang pinadala ni Nash Yego ang