Nasa six feet ang taas ni Uno at mas matangkad siya kaysa kay Cliff. Sa kabila ng lamang ni Uno sa pisikal, maliksi si Cliff at kaya niyang iwasan ang mga suntok ni Uno habang kumikilos siya para makahanap ng sandali para umatake! Gayunpaman, sa sandaling nakatanggap ng suntok si uno, naging mabangis ang ekspresyon niya. Bigla na lang naging mas mabilis ang footwork at mga suntok niya at nakipagpalitan siya ng napakaraming atake kay Cliff sa loob ng isang segundo. Habang naglaban sila sa pabrika at para bang posibleng manalo ang kahit na sino sa kanila, mas lalong nagugulat si Cliff sa paglipas ng bawat isang sandali. Saan ba nangggaling si Uno?! Anong meron sa tindi ng lakas niya?! Sa sandaling iyon, nagbitaw ulit si Uno ng isa pang suntok at umilag si Cliff, sabay nakahanap siya ng butas sa balakang ni Uno!Magaling!Hinigpitan niya ang ang kamao niya at nagbato siya ng isang mabigat na suntok…Thud.Namutla si Cliff nang napansin niyang nasalo ni Uno ang kamao niya s
Galit na galit si Cliff—gaano ba kayabang ang lalaking to at gusto niyang labanan ang tatlong lalaki nang sabay-sabay?!Sa tabi niya, naningkit ang mga mata ni Vicky. Kilala mga si Frank para matukoy na hindi siya gagawa ng kahit na ano maliban na lang kung nakakasiguro siya. Hindi kaya lumakas siya pagkatapos makuha ang wonderroot?Sa kabilang banda, hawak ni Jackie ang tiyan niya at di niya mapigilang tumawa. “Hahaha! Ms. Turnbull… Hindi masyadong magaling ang mga tauhan mo, pero ang galing nilang magyabang!”“Hindi mo alam yun,” sagot ni Vicky. Tiwalang-tiwala siya kay Frank. “Hmph,” suminghal si Jackie. “Baliin mo ang binti niya, Uno.”Binanat ni Uno ang pulso niya. “Oras na para mamatay, bata.”Nagpakawala siya ng isang mala-missile na suntok sa ulo ni Frank! Hindi kumilos si Frank. Nanatili lang siyang nanood hanggang sa tatama na ang kamao ni Uno sa mukha niya, pagkatapos ay bigla niyang tinaas ang kamay niya para hawakan ang kamao habang pinipigilan si Uno na kumil
Napalunok si Jackie at agad niyang itinaas ang kanyang mga kamay noong nakita niya ang nakakatakot na tingin sa mga mata ni Vicky. “Nagbibiro lang ako, Ms. Turnbull. Huwag mong seryosohin ang sinabi ko…”“Nagbibiro ka lang kamo?”Gayunpaman, dumampot si Vicky ng isang bakal na tubo, hinawakan niya ito ng maigi, at hinampas niya ito sa ulo ni Jackie, dahilan upang dumugo ang kanyang ulo! Sinubukang lumapit ng mga tauhan ni Jackie ngunit napahinto sila sa takot nang tiningnan sila ng masama ni Frank. “Argh!!!” Sumigaw si Jackie habang hawak niya ang ulo niya. “Sige na, sorry na, Ms. Turnbull! Babayaran na kita ngayon—”Napakasama ng tingin sa kanya ni Vicky. “Dapat lang. Magbayad ka na ngayon mismo.”Sa pagkakataong ito, hindi nagdalawang-isip si Jackie na utusan ang lanyang sekretarya na i-transfer ang pera. Nang matanggap ito agad ni Vicky, pinunasan ni Jackie ang pawis niya at nagtanong siya, “Patas na tayo ngayon, Ms. Turnbull. Kaya, pwede ka na bang umalis…?”“Sige, pero
Nagtanong si Cliff, “Tatawag na ba ako ng dagdag na tauhan mula da capital?”Pinag-isipan ni Vicky ang tungkol dito. “Huwag. Walang magagawa ang mga Salazar hangga't kasama natin si Frank.”Higit sa lahat, ayaw niyang humingi ng tulong mula sa partido ng kanyang tiyuhin. Isa itong pagpapakita ng kahinaan, at sa huli ay mawawalan siya ng boses kapag bumalik siya sa capital.“Sige.” Tumango si Cliff at nanahimik. -Nagtungo sila sa ospital at kinuha nila ang pinakamahusay na doktor para kay Cliff upang gamutin ang kanyang mga buto, habang nakatanggap naman si Frank ng dalawang milyong dolyar. Pagkaalis nila, nagtanong si Vicky, “May gagawin ka ba ngayon, Mr. Lawrence?”Umiling si Frank. “Wala naman.”“Bakit hindi tayo uminom ngayong gabi gamit ang perang nakolekta natin?” Ngumiti si Vicky. “Mayroong bagong bukas na bar na tinatawag na The Dynasty sa West City. Maganda ang kutob ko sa lugar na ‘yun.”Sa tabi nila, nagkamot ng ulo niya si Yara. “Pinapauwi ako ng dad ko ngayong g
Tinititigan ni Sean ang magandang mukha ni Helen, hindi niya mapigilan ang kanyang kayabangan. Talaga bang sinubukan niyang utakan siya? Nakakatawa! Iniisip niya talaga na isa siyang henyo—ang kailangan niya lang gawin ay iugnay ang lahat sa kanyang ama, at wala nang magdududa sa kanya. Kung sabagay, hinding-hindi lilinawin ni Helen at ng kanyang pamilya ang kahit ano sa kanyang ama! Gayunpaman, pinaglalaruan ni Helen ang kanyang baso, hindi siya naniniwala kay Sean. Siniko ni Gina si Helen, at kinagalitan niya siya, “Pwede bang tumigil ka na? Napakaraming beses kang tinulungan ni Mr. Wesley—masasaktan mo ang damdamin niya kapag patuloy mo siyang pinagdudahan!” “Oo, alam ko.” Tumango si Helen. May punto ang kanyang ina—sumosobra na siya. Sa sandaling iyon, nagsimulang magkwentuhan ang mga empleyado niya. “Uy, narinig niyo na ba, may pumatay daw kay Leo Grayson?”“Oo. Nagkakagulo ngayon ang mga gang at sindikato sa West City,” ang sabi ng isang lalaking nakasalamin. “
Nakakrus ang mga daliri ng isa sa mga babaeng kasama ni Helen at naluluha ang kanyang mga mata. “Tama ‘yun! Nakakainggit ka talaga, Ms. Lane…”Nakangiti naman si Sean.Sa vibes at setting pa lang, wala nang dahilan para tumanggi si Helen!Dahil sa pang-uudyok ng kanyang mga empleyado at ng kanyang ina, naramdaman ni Helen na nadadala na siya ng mood sa paligid niya.Gayunpaman, bago niya masabi ang oo…“Oh, isang proposal sa bar? Nakakatuwa naman!”Nanigas si Helen nang marinig niya ang pamilyar na boses at tumingala siya at nakita niya si Vicky, habang nakatayo si Frank sa kanyang tabi.Kasing lamig ng yelo ang kanyang ekspresyon, at agad namang binawi ni Helen ang kanyang kamay!“Frank, hindi…” Nagsimula siyang magpaliwanag, ngunit napatingin siya kay Vicky at naalala niya na hiwalay na silang dalawa ni Frank.Ano pang punto ng pagpapaliwanag?Subalit, ayaw niyang makita si Frank na kasama ang ibang babae, gaya ng ayaw niyang makita ni Frank na tanggapin niya ang proposal n
Noong nasa banyo na siya, tumawag si Sean gamit ang kanyang phone. Kailangan niyang mapaalis si Frank kung hindi ay hindi niya makukuha si Helen ngayong gabi!“Hello? Sino ‘to?”“Zuco, ako ‘to, si Sean.”Agad na naging mabait ang tono ng lalaki, “Oh, Mr. Wesley! Anong maitutulong ko sa’yo?”Agad na ibinigay ni Sean sa kanya ang mga detalye, at hindi nagtagal ay tinapik ni Zuco ang kanyang dibdib at tiniyak kay Sean na, "Huwag kang mag-alala, kapatid. Ipaubaya mo na lang ito sa akin.""Oo. Ipapadala ko ang isang daang libong dolyar sa account mo mamaya." Ngumiti si Sean. "Huwag mo akong papuntahin dito para sa wala."Pagkatapos nito, ibinaba niya ang tawag at masayang bumalik sa kanyang upuan.Nasasabik na nagtanong si Gina, "Saan ka galing, Mr. Wesley?""Wala naman. Nagbanyo lang ako," ang sabi ni Sean, masaya niyang pinagmasdan si Frank sa loob ng ilang sandali bago siya muling humarap kay Helen, hindi niya pinansin si Frank. "Helen, sa tingin ko pumunta talaga dito ang hayop
Natural hindi aamin si Sean na kilala niya si Zuco. Kung sabagay, kailangan niyang mag-ingat kay Vicky kaya sinabi niya kay Zuco na kailangan lang nilang paalisin sila Vicky at Frank, dahil mawawasak si Zuco kapag nagseryoso si Vicky.Subalit, nakatupi na ang mga braso ni Vicky sa harap ng kanyang dibdib. “Hindi ako aalis.”Umirap si Zuco at sumenyas siya sa kanyang mga tauhan. “Dalhin niyo na sila.”Una silang lumapit kay Vicky, na biglang dumampot ng isang bote mula sa mesa at hinampas niya ito sa ulo ni Zuco!Nabasag ito sa ulo ni Zuco, at nagkalat ang mga bubog sa sahig habang sumisinghal si Vicky sa galit. “Aalis ako kung kailan ko gusto. Walang karapatan ang isang payasong gaya mo para utusan ako!”“B-Boss? Ayos ka lang ba?!”Nanigas ang mga tauhan ni Zuco—hinampas ng babae ang isang bote sa ulo ni Zuco?! Gusto na siguro niyang mamatay.“P*ta… Papatayin kita!” Hinawakan ni Zuco ang dumudugo niyang uilo at tiningnan niya ng masama si Vicky bago niya siya sinugod ng nakaunat