Sumigaw si Rocco, “Guards! Sugurin niyo siya!”Sa boses niya, kaagad na pinalibutan si Frank ng mga bodyguard ng mga McCoy. Tinignan niya sila nang nakakunot ang noo, “Ano to?”Pinakita ni Rocco ang kahoy na kahon sa kanya at nagwala, “Sinaktan ng asawa mo ang tatay ko, tapos ngayon tatapusin mo ang trabaho niya? Ipapabugbog kita ngayon din!”Bumuntong-hininga si Frank. “Kayang iligtas ng pill sa loob nito ang ama mo.”“Manahimik ka!” Sigaw ni Rocco. “Sugurin niyo siya!”Sa utos ni Rocco, nilabas ng mga bodyguard ang sandata nila para saktan si Frank, ngunit isang kotse ang pumasok sa compound papunta sa kanila. Napatakbo ang mga bodyguard para umilag bago bumukas ang pinto. Bumaba si Dan at mabilis na sumigaw, “Sandali, Rocco!”Sumugod siya pagkatapos matanggap ang tawag ng mga McCoy. Nagulat siyang malaman na nasa merkado na ang pekeng Ichor Pills sa loob lang ng ilang araw. Tiyak na kailangan niyang pigilan si Rocco nang dumating siya at nakita niyang sasaktan nito si Fr
Hindi lang niya kayang pagalitan si Rocco—kaya ring sampalin ni Dan si Rocco at hindi siya manlalaban!Umiling si Frank. “Hindi, naiintindihan ko ang nararamdaman ng bata. Wala akong dahilan para sisihin siya. Ang dapat niyang sisihin ay si Helen sa pagbigay niya kay Lyndon ng pekeng Ichor Pill, kaya naniwala si Rocco na bibigyan siya ni Frank ng isa pang peke kahit na tunay ang dala niya. Natural na walang dahilan para magalit kay Rocco. Lumapit si Dan kay Frank nang mukhang napakamarespeto, “Talagang naiiba ang pang-unawa mo sa iba… at saka kung may oras ka, bakit di mo bisitahin ang Flora Hall ko? Pwede tayong magpalitan ng kaalaman pagdating sa medisina.”Ngumiti si Frank. “Wag kang mag-alala, Mr. Zimmer. Kakailanganin ko rin ang tulong mo dahil kailangan ko ng maraming medicinal ingredients sa susunod. Mang-aabala ako nang marami.”Natuwa si Dan sa mga salita ni Frank—ayos lang na abalahin niya siya. Ang mas pinag-aalala niya ay hindi bumisita si Frank. Lalo na't kailan
Nang inihatid ni Rocco sina Helen at Gina sa pintuan, sasakay na sana si Helen sa kotse niya pero may nakita siyang pamilyar na anyo. Iyon ay si Dan Zimmer, ang may-ari ng Flora Hall ng Riverton. Sa huling beses na nasa Verdant Hotel, tinuro ni Sean si Dan kay Helen nang sinusundan ni Dan si Gerald. Tumakbo siya kay Dan at tinawag siya, “Mr. Zimmer?”Hinabol siya ni Gina habang lumingon naman si Dan nang narinig niyang tinawag ang pangalan niya. Tumingin siya kay Helen sa gulat at nagtanong, “Sino po sila…?”Ngumiti nang mala-propesyonal si Helen. “Helen Lane ang pangalan ko. Ikinagagalak kitang makilala.”“Oh!” Napagtanto ito ni Dan. “Ikaw pala si Ms. Lane. Pasensya na.”Nagulat si Helen na magiging ganito siya kagalang sa kanya. “Kilala mo ba ako, Mr. Zimmer?”“Hindi.” Umiling si Dan. “Pero narinig na ng lahat ang pangalan mo. Nakakuha ka ng partnership sa mga Turnbull sa ganito kamurang edad? Maliwanag ang kinabukasan mo!”Medyo namula si Helen. “Masyado mo naman akong
Tinawag ni Sean si Helen. “Ayos ka lang ba, Helen? Wag kang mag-alala—pinadala ko na ang mga tao ko para ayusin ang problema. Dudurugin ko si Rocco McCoy kapag sinubukan ka niyang hawakan kahit kaunti.”Ang totoo, wala talaga siyang pinadalang tao. Lalo na't hindi niya alam kung paano ayusin ang gulong ito—imposible niyang patuloy na lokohin si Helen na tunay ang Ichor Pills at pakawalan siya ni Rocco. “Wag kang mag-alala, Mr. Wesley—nakalabas na kami ng nanay ko,” mahinang sabi ni Helen. Naningkit ang mga mata niya nang nagtanong siya, “Siya nga pala, sinong pinadala mo?”Natulala si Sean, naiyak siya pero wala siyang masabing kahit na anong pangalan. Mas nakasiguro si Helen na si Frank ang nagpadala kay Dan—bakit magdadalawang-isip si Sean?Gayunpaman, sumigaw si Gina, “Mr. Wesley, si Dan Zimmer ba?”Narinig siya ni Sean at kaagad siyang nagsabi, “Oo, oo, syempre. Pinadala ko si Mr. Zimmer.”“Mom, anong ginagawa mo?!” nagalit si Helen. “Anong ginagawa mo?” Sagot ni Gina. “
Pamilyar na si Yara kay Frank at kaagad niya siyang binati. “Mr. Lawrence.”Sa kabilang banda, hindi gusto ni Cliff si Frank, at di niya rin iniisip na kaya niyang protektahan si Vicky. Malamig na suminghal si Cliff at di pinansin si Frank. Umirap si Frank. “Alam mo talaga kung paano ilagay sa nakakailang na posisyon ang isang tao.”Tumawa si Vicky. “Hindi naman—nandito kayong tatlo para panatilihin akong ligtas kaya natural na kailangan ko kayong isamang lahat.”Sumakay si Frank sa likod kasama ni Cliff, pero may malinaw na distansya sa pagitan nila. Kasabay nito, inapakan ni Vicky ang gas pedal at dumiretso sila sa lumang pabrika sa labasan ng West City. Isa itong walang katao-taong lugar na may nakakalat na mga lumang sasakyan sa paligid. Nang bumaba silang apat at naglakad papunta sa pabrika, nakita nila ang isang grupo ng mga tao sa loob. Lumapit sa kanila ang kabilang leader na isang lalaking bata-bata pa. “Teka. Anong ginagawa niyo rito? Sinong nagpapasok sa inyo
Naningkit ang mga mata ni Vicky sa kanila sa interes. “Ang Salazar Triplets?”Tumango si Jackie. “Matalas ang mata mo, Ms. Turnbull—sila nga ang Salazar Triplets ng Sunny City.”Suminghal sa pagkamuhi si Vicky. “At kasabwat mo sila. Kaya pala tumapang ka.”Katabi ng Riverton ang Sunny City at ang mga Salazar ang nangingibabaw doon. Ibig sabihin nito ay maimpluwensya sila, pero nakakagulat pa rin na nakaabot sila rito sa Riverton. At pagkatapos maging parte si Jackie ng pamilya nila, pinadala ni Sergio Salazar ang triplets para tulungan siya. Mga mamamatay-tao silang lahat at kahit na nadoon talaga sila para bantayan si Jackie, gustong-gustong subukan ni Jackie ang buong kakayahan nila. Nagsindi ng sigarilyo si Jackie at nagsabing, “Gusto mo bang makipagpustahan, Ms. Turnbull?”Nilagay ni Vicky ang mga kamay niya sa baywang niya at suminghal siya. “Mukha ba kong natatakot? Sinong mauuna?”Kaagad na umabante si Uno Salazar, sabay nagsabi si Jackie, “Paano kapag natalo ka, Ms. Tu
Nasa six feet ang taas ni Uno at mas matangkad siya kaysa kay Cliff. Sa kabila ng lamang ni Uno sa pisikal, maliksi si Cliff at kaya niyang iwasan ang mga suntok ni Uno habang kumikilos siya para makahanap ng sandali para umatake! Gayunpaman, sa sandaling nakatanggap ng suntok si uno, naging mabangis ang ekspresyon niya. Bigla na lang naging mas mabilis ang footwork at mga suntok niya at nakipagpalitan siya ng napakaraming atake kay Cliff sa loob ng isang segundo. Habang naglaban sila sa pabrika at para bang posibleng manalo ang kahit na sino sa kanila, mas lalong nagugulat si Cliff sa paglipas ng bawat isang sandali. Saan ba nangggaling si Uno?! Anong meron sa tindi ng lakas niya?! Sa sandaling iyon, nagbitaw ulit si Uno ng isa pang suntok at umilag si Cliff, sabay nakahanap siya ng butas sa balakang ni Uno!Magaling!Hinigpitan niya ang ang kamao niya at nagbato siya ng isang mabigat na suntok…Thud.Namutla si Cliff nang napansin niyang nasalo ni Uno ang kamao niya s
Galit na galit si Cliff—gaano ba kayabang ang lalaking to at gusto niyang labanan ang tatlong lalaki nang sabay-sabay?!Sa tabi niya, naningkit ang mga mata ni Vicky. Kilala mga si Frank para matukoy na hindi siya gagawa ng kahit na ano maliban na lang kung nakakasiguro siya. Hindi kaya lumakas siya pagkatapos makuha ang wonderroot?Sa kabilang banda, hawak ni Jackie ang tiyan niya at di niya mapigilang tumawa. “Hahaha! Ms. Turnbull… Hindi masyadong magaling ang mga tauhan mo, pero ang galing nilang magyabang!”“Hindi mo alam yun,” sagot ni Vicky. Tiwalang-tiwala siya kay Frank. “Hmph,” suminghal si Jackie. “Baliin mo ang binti niya, Uno.”Binanat ni Uno ang pulso niya. “Oras na para mamatay, bata.”Nagpakawala siya ng isang mala-missile na suntok sa ulo ni Frank! Hindi kumilos si Frank. Nanatili lang siyang nanood hanggang sa tatama na ang kamao ni Uno sa mukha niya, pagkatapos ay bigla niyang tinaas ang kamay niya para hawakan ang kamao habang pinipigilan si Uno na kumil